You are on page 1of 2

Jhanna Louise C.

Amado 9-Plato

Waksi

Sa henerasyon ngayon, lubos ang dedikasyon ng mga tao na makadiskubre ng mga


panibagong kaalaman upang mas mapalago ang ating kabuhayan para sa kinabukasan. Mga
kakaibang imbento na hindi natin inaakalang ito pala ay magiging isa sa mga pinaka
makabuluhang bagay na ating natuklasan. Isa na rito ang Social Media.

Marami ng plataporma ang nailikha mula noon hanggang ngayon. Sinasabing ang pinaka
unang epektibong online social networking site ay tinatawag na “Six Degrees" na itinatag noong
Mayo 1997 ni Andrew Weinreich na kilala bilang “Ama ng Social Networking”. Ang tumulong sa
mga tao na magkaroon ng koneksyon sa mga estranghero na maaaring maging parte ng ating
mundo ang nag udyok sa kanya upang buuin ang Six Degrees. Ngunit kalaunan, ito ay nagwakas
din matapos ang dalawang taon na ito’y bilhin ng YouthStream Media Networks noong 1999 sa
halagang $125 milyon. Sa nakalipas na panahon ay mas lumago at nagkaroon ng kaalaman ang
mga entreprenyur sa pagbuo ng Social Media. Nilikha ang iba’t ibang plataporma gaya ng
pinakakilala na Facebook, Youtube, Instagram, Snapchat, Tiktok, Twitter, Pinterest at marami
pang iba na paniguradong nagamit at nakatulong na sa maraming tao.

Malamang ay alam na alam na natin ang mga layunin kung bakit nagsimula at para saan nga
ang Social Media. Ito ay upang magkaroon ng koneksyon sa iba at makapag bahagi ng
impormasyon. Nakakatulong ito upang mas lumawak ang ating reyalisasyon kung ano nga ba ang
ating mundong ginagalawan. Subalit sa kabila ng mga benepisyong ating natatanggap mula sa
Social Media, hindi pa rin maiwasan ang mga negatibong dulot nito dahil sa lubos na paggamit ng
Social Media. Sabi nga “Lahat ng sobra ay masama” hindi ba?

Sa 4.74 bilyong populasyon ng mga tao na gumagamit ng Social Media sa buong mundo
mayroong iba’t ibang karanasan ang mga ito sa loob ng mundo ng Social Media. May apat na
stressors ang Social Media. Una na rito ang Highlight Reel o ang lubos na pagbabahagi ng mga
magagandang bagay kahit na sa reyalidad ay hindi naman pala ito totoo. Nagsisimula ito dahil sa
inggit o insekyuridad sa mga nakikita sa ibang taong nagpopost ng magagarbong bagay at dahil
dito ay papasok sa ating mga isipan na hindi tayo dapat malamangan ng iba kung kaya’t gagaya at
magpopost din ng mas elegante pang bagay upang makita ng iba na mayroon tayong mas
masaganang buhay. Bakit? Mas mataas ang tingin sa’tin ng iba kung ang palagi lamang nating
naipapakita ay ang mga positibong bagay sa ating buhay at hindi ang ating mga totoong
karanasan. Gaya nga ng sabi ni Pastor Steven Furtick “ The reason we struggle with insecurity is
because we compare our behind-the-scenes with everyone else's highlight reel.” Sa madaling
salita ay tuwing ating kinukumpara ang ating sarili sa iba na nakikita natin sa social media ay mas
tumataas ang posibilidad na tayo ay mainggit na tumutungo sa insekyuridad kahit na hindi naman
natin alam kung ano nga ba talaga ang kanilang mga totoong buhay sa likod ng mga post na iyon.

Dito na pumapasok ang Social Currency o ang masyadong pagpapahalaga sa kasikatan. Ito
ay dahil sa kadahilanang mas gusto nating magmukhang popular kaysa sa iba kung kaya’t
gagawa at gagawa tayo ng paraan. Magpopost ng kung ano-ano na hindi natin namamalayan na
nakakaapekto na pala sa ating buhay dahil nakatutok na lamang tayo sa kung ano ang iisipin ng
iba na nakakakita sa katayuan sa antas natin sa mundo ng Social Media. Tayo rin ay natatakot na
mahuli sa mga nauusong bagay dahil ayaw nating maranasan ang pakiramdam na hindi maging
kabilang lalo na sa mga makabagong trend o tinatawag na FOMO fear of missing out. Ang
ikahuling stressor o nagdudulot ng tensyon ay ang Online Harassment. Nagbibigay daan ang
Social Media sa mga taong may masamang balak dahil ito ay isang bukas na plataporma at may
kalayaan na gawin ang mga bagay na base sa ating kagustuhan. Sa dinami dami ng 59.3
porsyento ng kabuuang populasyon ay hindi natin masisigurong ang lahat ng tao ay ginagamit
ang Social Media sa tamang paraan.

Maraming mabuting dulot at epekto ang paggamit ng Social Media gaya ng ito ang ating
mga pinagkukunang impormasyon. Lalo na sa kabataan, mas napapadali ang pananaliksik dahil
ito ay nagbibigay kaalaman at kamalayan sa mga napapanahong isyu na tumutulong upang mas
maintindihan ang ating reyalidad. Nabibigyan din tayo ng pagkakataon upang magkaroon ng
koneksyon sa ating mga malalayong mahal sa buhay gaya na lamang ng ibang pamilya na
mayroong mga kasapi sa buhay na isang OFW. Maaari rin tayong makabuo ng mga kaibigan na
ating maituturing na pamilya na karamay sa ating mga problema at nagbibigay daan upang
makatulong sa kapwa.

Ngunit lahat ng iyon ay binabalewala dahil sa walang katapusang negatibong dulot nito.
Partikular na sa mga kabataan ang mawalan ng oras na alagaan ang sarili dahil sa adiksyong
kinakaharap sa paggamit ng Social Media. Hindi natin magawang pigilan ang ating sarili dahil
pakiramdam natin na ang Social Media ay parte na ng ating buhay sapagkat dito tayo nasisiyahan
at naaaliw lalo na tuwing tayo ay walang magawa sa buhay na tumutungo sa ating katamaran.
Ang isa pa sa mga karaniwang epekto nito ay ang kawalan ng kumpyansa sa sarili dahil sa inggit
na nagiging insekyuridad. Palagi nating iniisip na baka mamaya ay mayroon nang humuhusga
sa'tin dahil mas lamang ang antas ng buhay na naipapakita ng iba sa Social Media. Ang pinaka
huli ay ang madalas na pagkawala at pagkalat ng ating mga pribadong impormasyon dahil
laganap na ngayon ang mga tinatawag na hacker o mga marites.

Marami nang pag aaral ang nagpatunay na talaga ngang maraming aspeto ng ating buhay
ang naaapektuhan dahil sa lubos na pag gamit ng Social Media at lahat ng ito ay konektado sa
ating kaugalian at kaisipan. Ngunit hindi dahil doon ay nararapat lamang na atin itong hayaan na
patuloy na kontrolin ang ating mga buhay dahil lahat ng bagay ay nakadepende sa atin. Marami
mang pagsubok ang kaharapin dahil sa hindi mapigilang negatibong epekto ay higit na mas
marami ang mga paraan upang hindi natin ito mahayaan. Upang maiwasan ito, maaari tayong
magkaroon ng limitasyon sa pamamagitan ng paglalaan ng sapat na oras sa paggamit ng Social
Media upang ating mapangalagaan ang ating sarili at magkaroon ng oras na makasama ang
pamilya o mga kaibigan. Kung sakali naman na makakita ng hindi kaaya ayang mga aktibidad
gaya ng mga pagsasabi ng masamang salita ay huwag matakot na ito'y pangaralan at suwayin
upang hindi na maimpluwensyahan ang iba pang posibleng makakita nito lalo na ang mga
kabataan.

Hindi dapat tayo magpaloko at hayaang kainin ng ganitong sistema ang ating mga sarili..
ang ating mundo! Kailangan itong mawaksi! Kailangan natin magtulungan! Kailangang matalo ang
namumuong halimaw ng Social Media sa pamamagitan ng pagtugon sa ating mga sari sariling
responsibilidad upang makaahon sa mga problemang marami namang solusyon. Kung lahat
tayo’y magsasama ay paniguradong ito'y matatapos din. Sabi nga “3 is better than one”.

You might also like