Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay ang dagliang pagbabago sa ugali ng mga kabataan.
Ang social media ay nagbubukas ng malaking pintuan tungo sa pag-angat at pagbagsak ng mga users nito. Sa pag-usbong ng internet, computer, cellphone at mga gadgets ay siya ring pagdating ng mga social networking sites. Ang Facebook, Twitter, Instagram at Wattpad ay ilan lamang sa social networking sites na patuloy na tumatabo ng kasikatan ngayon. 75% ng mamamayang Pilipino ang gumagamit ng multi-media. Sa patuloy na paglawak ng impluwensya nito, iilan na lang ang hindi nakakakilala at walang mga social media accounts. Ang paggamit ng mga sites na ito ay mayroong dalawang mukha na makikita: ang mabuti at ang masama. Ang pagkalap ng impormasyon ay mas napadali. Ang mga pangyayari sa iba’t-ibang panig ng mundo ay madali nating nalalaman. Tayo ay nagiging updated sa mga bagong balita gaano man ito kalayo. Sa tuwing may kalamidad maaari na nating malalaman ang kalagayan ng ating mahal sa buhay. Ang pagbibigay ng donasyon ay maari ng ipadala sa madaling paraan ganon din naman ang paghingi ng tulong. Nakakatulong din ito sa linya ng komunikasyon. Ang dating mahabang proseso ng pagsusulatan ay napadali. Ngayon, isang click at touch lamang ay maaari mo na silang makausap. Hindi lamang text at tawag ang maaring gamitin, nagkaroon na ng Skype, Messenger at Video Call na tumutulong na pawiin ang lumbay ng sinuman. Ang mga ito ang naging sandata ng mga OFW sa pakikibaka sa ibang bansa. Nakakapagbukas ng oportunidad ang social media. Nakakapagbigay ito ng panibagong kabuhayan. Kikita ka sa pamamagitan ng advertisements, online tutorial, online writing at online selling. Isang madaling paraan ng pagkita na wala kang gagawing masyadong pagpapawis. Isang click lang ang katapat ng lahat. Nagiging medium din ito sa paglalabas ng sama ng loob. Kadalasang silang naghahayag ng kanilang nararamdaman sa pamamagitan ng mga post at tweet. Nagiging online diary ito ng mga kabataan kung saan kahit ano ay pwede mong sabihin. Sa dami ng users ng social networking sites, marami kang makikilalang kaibigan. Nakakahanap ka ng mga karamay sa iyong mga problema. Mga nakakarelate din sa mga sitwasyon na pinagdadaanan mo. Nasasabi mo lahat ng gusto mong ikwento at sabihin sa kanila. Malapit man o nasa ibang bansa ay pwede mong makaibigan. Ang pamumuhay natin ay nagiging sosyal na. Pati ang iyong kakainin para sa hapunan ay maaari mong ipost sa Instagram o Facebook. Pati ang mga litrato ng inyong masayang bakasyon ay maaari mong ipakita doon. Lahat ng nais mong i-post ay maaari mong ilagay sa timeline mo. Sa kabila ng magandang mukha na naging bunga ng social media, mayroon din naming masamang bunga ito. Sa paglawak ng porsyento ng gumagamit ng social networking sites ay siya ring pagdami ng mga krimen na ginagamitan ng internet o social media. Sa mga posts na inilalagay sa internet, mayroong mga taong hindi sumasangayon dito. Nagkakaroon ng ito mga harsh at cruel comments. Nagiging bunga ito ng pagkawala ng tiwala sa sarili at depresyon. Ang cyberbullying ay laganap sa social media kung saan madaming kabataan ang nagiging biktima nito. Mayroong mga kaso na dahil sa depresyon ay nagpapakamatay ang biktima. Dahil sa mga paninira at masasamang mga bagay na sinasabi sa litrato na kanyang i-pinost. Nagkakaroon din ng mga harassment sa social media. Kadalasang mga kabataan ang biktima ng cybersex. Kinakaibigan muna sila nito at doon na ipinapakita ang motibo nito. Nangyayari ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga sexual na salita, pagpapadala ng mga bastos na litrato at ang pakikipagvideo sa web cam. Nagkakaroon din ng mga panloloko dito, mga scams na nabibiktima ang mga walang malay na mamamayan. Sa mga online selling kadalasang nagaganap ito. Ang mga biktima ay maghuhulog ng malaking pera sa isang account dahil nais niyang bilhin ang produkto ng seller. Ngunit pagkahulog ng pera, mawawala na ang account ng seller at hindi na dadating ang produkto. Kumakalat ang mga krimen sa multi-media. Ang labis na naapektuhan ay ang mga users nito. Nagkakaroon sila ng depresyon na minsa’y nauuwi sa suicide. Ang kanilang emosyonal na pag-iisip ay naapektuhan. Sa pagiging active natin sa social media, nagiging offline naman tayo sa totoong mundo. Nakakalimutan na natin ang “effort” at ang mga kaibigan natin. Sa kagustushan nating maging sosyal at makasabay sa uso. Hindi natin napapansin na nalalayo na tayo sa totoo nating kaibigan. Masyado tayong nagiging focus sa mga likes at papuring ating natatangap. Kaya tayo ay nalalantad sa masamang dulot ng social media. Mas masarap mabuhay sa totoong mundo. Mga totoong kaibigan na makakausap at mga totoong kasiyahan na mararamdaman. Huwag tayong mabulag ng atensyon na natatanggap sa multi media. Gamitin ang social media sa tama at makabuluhang paraan. Gamitin ang freedom of speech ng may pananagutan.