You are on page 1of 3

SELF-LEARNING MATERIAL Episode 15

Filipino 10

Pangalan: _______________________________________ Petsa: ________________


Paaralan: _______________________________________

Kompetensi:
• Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung pandaigdig. (F10PU-
Ic-d-66)

Balik-aral:

Ang interpretasyon ay pagpapaliwanag, pagsasalin o pagbibigay ng sariling pananaw o kaisipan


sa isang teksto o pahayag.

Tauhan: Gilgamesh
Suliraning kinakaharap ng tauhan: Labis na nalungkot nang namatay sa karamdaman ang kanyang
matalik na kaibigan.
Sariling interpretasyon: Natakot si Gilgamesh na mawalan ng isang matalik na kaibigan na siyang
katuwang niya sa paggapi ng kaniyang mga kaaway.

Talakayan:

Pagtatala- isang paraan ng pagsulat sa mahalagang datos o impormasyon na nakalap, narinig,


nabasa, nasaliksik at napanood.
Impormasyon -ay nagkakaroon ng pagkakaiba ng mga kahulugan na sumasakop mula sa pang-
araw- araw hanggang teknikal. Samakatuwid, ang konsepto ng impormasyon ay may kaugnayan sa mga
palagay ng limitasyon, komunikasyon, control, datos, anyo, direksyon, kaalaman, kahulugan, mental na
pampabuhay, padron, persepsyon at presentasyon.
Isyung Pandaigdig- ay tumatalakay sa mga napapanahong paksa na may kaugnayan sa suliraning
pangkabuhayan ng tao.

Hal. A.Kahirapan- ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga
pag-aaring materyal o salapi.

Narito ang isang napapanahong isyung pandaigdig.


A. KAHIRAPAN / KAGUTUMAN

Mula sa binasa, kung ang pagbabatayan ang mga pangyayaring inilahad ay makikita ang
mahalagang impormasyon tungkol sa isyung pandaigdig na tinalakay. Sa pamamagitan
nito,mahihinuha natin kung gaano kahalaga ang mga pangyayari na ating nalaman at naunawaan.
Nagkaroon tayo ng kamalayan sa mga kaganapan na lubos nating dinaramdam kung bakit nangyari
ito ngayon o sa kasalukuyan.

Halimbawa:

Napapanahong Isyung Pandaigdig: KAHIRAPAN


Ayon sa pinakahuling datos, 870 milyong katao na undernourished at may 2200 ang namamatay
bawat araw dahil sa kahirapan. Samantala, 80 bahangdan naman ng mga tao sa daigding ang nabubuhay
sa halagang mas mababa sa $10 o tinatayang php 433 bawat araw.

Ang ilang datos na ito ay patunay lamang sa pagiging malubhang suliranin ng kahirapan at
kagutuman sa daigdig. Ang paglutas sa suliraning ito ang pinakaunang layunin ng UN Millenium
Development Goals (MDG). May tatlong target ang MDG kaugnay sa suliraning ito. Kalahatiin ang
proporsiyon ng taong may kitang mas mababa sa $1.25 (may P54) sa isang araw, sa pagitan ng taong
1990 at 2015;

Magkamit ng buo at produktibong hanapbuhay para sa lahat, kabilang ang kababaihan at kabataan;
at kalahatiin ang mga proporsiyon ng mga taong nagugutom, sa pagitan ng taong 1990 at 2015.

Upang tugunan ang suliranin sa kagutuman, ang humanitarian agency na World Food Programme
ay tumutulong sa halos 90 milyong tao sa 75 na bansa sa pamamagitan halimbawa ng programang Food
For Work. Sa programang ito, ang pagkain ang ibinibigay na kabayaran sa mga manggagawang
tumutulong sa pagbuo ng mahalagang impraestruktura tulad ng irigasyon.

Mula sa aking binasa, kung ang pagbabatayan ang mga pangyayaring inilahad ay makikita ang
mahalagang impormasyon tungkol sa isyung pandaigdig na tinalakay. Sa pamamagitan
nito,mahihinuha natin kung gaano kahalaga ang mga pangyayari na ating nalaman at naunawaan.
Nagkaroon tayo ng kamalayan sa mga kaganapan na lubos nating dinaramdam kung bakit nangyari ito
ngayon o sa kasalukuyan.

Pagtatala sa mga Impormasyon tungkol sa Napapanahong Isyung Pandaigdig:

* 870 milyong katao na undernourished at may 2200 ang namamatay bawat araw dahil sa kahirapan

* 80 bahangdan naman ng mga tao sa daigdig ang nabubuhay sa halagang mas mababa sa $10 o
tinatayang php 433 bawat araw.

* Ang paglutas sa suliraning ito ang pinakaunang layunin ng UN Millenium Development Goals (MDG)

* May tatlong target ang MDG kaugnay sa suliraning ito.

1.Kalahati ang proporsiyon ng taong may kitang mas mababa sa $1.25 (may P54) sa isang araw,
sa pagitan ng taong 1990 at 2015
2.Magkamit ng buo at produktibong hanapbuhay para sa lahat, kabilang ang kababaihan at kabataan;
3.Kalahati ang mga proporsiyon ng mga taong nagugutom, sa pagitan ng taong 1990 at 2015.
ACTIVITY FOR SELF-LEARNING MATERIAL 15
FILIPINO
Grade 10

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ________________


Paaralan: _______________________________________ Iskor: _______________

Competency: Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung pandaigdig.
(F10PU-Ic-d-66)

Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Magtala ng sampung (10) mahahalagang impormasyon mula
sa teksto sa ibaba. Isulat ang sagot sa espasyong nakalaan pagkatapos ng teksto.

Gawain 1
Ano ang nalalaman natin tungkol sa bagong coronavirus?
Nagkaroon ng pagsiklab ng isang bagong coronavirus na tinatawag na SARS-CoV-2, na unang
lumitaw noong Disyembre 2019. Ang virus ay kumalat sa karamihan ng mga bansa sa mundo, kabilang
ang United States.
Dahil bago pa itong coronavirus, ang mga awtoridad ng kalusugan ay natututo pa tungkol sa
virus at kung paano ito kumakalat.

Ano ang pagkakaiba ng COVID-19 at SARS-CoV-2?


Ang COVID-19 ay ang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Severe Acute Respiratory
Syndrome Coronavirus 2 (SARS-CoV-2) ay tumutukoy sa virus, habang ang Coronavirus Disease-19
(COVID-19) ay tumutukoy sa sakit sanhi ng virus.

Ano ang mga sintomas ng bagong coronavirus?


Kasama sa mga sintomas ang lagnat, pagkapagod, ubo, at pananakit ng kalamnan o katawan.
Ang sakit ay maaaring umunlad sa igsi ng paghinga at mga komplikasyon mula sa pulmonya. Ang mga
sintomas ay maaari ring isama ang pagduduwal sa pagsusuka, pagtatae, panginginig, pawis sa gabi,
namamagang lalamunan, sakit ng ulo, pagkalito, o pagkawala ng lasa o amoy. Ang ilang mga nahawaang
pasyente ay nakakaranas lamang ng mga banayad na sintomas habang ang iba pa - lalo na ang mga
matatandang indibidwal at ang mga may kalakip na kalagayan sa kalusugan - ay maaaring magkaroon
ng mas malubhang sintomas. Ang mga sintomas ay maaaring bumuo ng 2-14 na araw pagkatapos ng
pagkakalantad sa virus. (1) Problema sa paghinga, (2) Patuloy na sakit o presyon sa dibdib, (3)Pananakit
ng buong katawan, (4) Pananakit ng ulo o may lagnat, (5) ubo at sipon,at iba pa.

You might also like