You are on page 1of 2

Ma. Cristina S.

Padilla
11 STEM 07

WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA ISANG BANSANG PILIPINO


Ang wika ay isang mahalagang parte ng ating pakikipagtalastasan araw-araw. Ito ang ginagamit
upang maipahayag ang damdamin at mga impormasyon na nais nating maibatid sa mga tao na
nakakasalamuha natin. Sinasamahan ito ng mga simbulo, tunog at mga bantas upang maipahayag ang nais
ng ating kaisipan. Libo-libo ang klase at iba-t iba ang uri ng Wika as buong daigdig. May kanya-kanya
itong pinagkaiba dahil depende din ito sa pangkat ng mga tao na gumagamit nito.
Pilipinas ang isa sa may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Kasama na ditto ang Pambansang
Wika na tinatawag na Filipino at ang mihigit isang daang wika na nagmula sa ating mga katutubo. Dahil sa
impluwensya ng ibang bansa, ilan din sa ating mga mamamayan ay nagkaron ng pribilehiyo na makapagaral
ng wikang bayaga katulad ng Ingles, Mandarin, Kastila at Arabe.
Ang mga kadalasang ginagamit na mga Wika ditto sa Pilipinas ay Filipino, Tagalog, Ilocano,
Panggasinan, Kapampangan, Bikolano, Sebwano, Hiligaynon, Waray-waray. Ang Filipino ang
pangunahing wika sa bansa. Karamihan ng salita nito ay pinangungunahan ng Tagalog na karamihan sa
nagsasalita ay mga mamamayan na nakatira sa Katimugang bahagi ng Luzon kabilang ang lalawigan ng
CALABARZON (Cavite, Lagunam Batangas, Romblon at Quezon), lalawigan ng MIMAROPA (Mindoro,
Marinduque, Romblon at Palawan) at ang Punong Rehiyon na NCR na siyang kabisera ng bansa. Ang
Ilocano ay kilala rin sa tawag ng Iloko na pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon
(Rehiyon 1 at 2). Ang Panggasinan naman ay gamit sa Pangasinan at ilang bahagi ng Hilagang Luzon at
Gitnang Luzon. Kapampangan naman ang pangunahing wika ng naninirahan sa Gitnang Luzon, Bikolano
ang sa mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon at Hiligaynon na tinatawag ding Ilonggo ang gamit sa
sa mga lalawigan sa pulo ng Panay at Kanlurang Negros. Sebwano na tinatawag ding Bisaya ang
pangunahing wika sa lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Nohol at malaking bahagi ng Mindanao
samantalang Waray-Waray ang gamit sa Silangang Visayas tulad ng mga lalawigan sa mga pulo ng Samar
at Leyte.
Lahat ng bansa ay hindi lang iisa ang wika. Kahit na ang mga pinakamayayaman at
maimpluwensyang bansa kagaya ng United Kingdom, America at Luxembourg ay marami ding ginagamit
na Wika kagaya ng English, Spanish, French, german, Italian, Chinese at marami pang iba. Kasama na din
ditto ang Japan na kilala sa pagmamahal nila sa kanilang Kultura ay gumagamit din ng maraming Wika na
pinagbabatayan ang mga malalaking lalawigan ng bansa nito. Isang malaking halimbawa na din ng
pagkakaroon ng maraming katutubong Wika ay ang mga bansa na kabilang sa tinatawag nilang ikatlong
daigdig o ang mahihirap na bansa. Kasama na ditto ang Asya at Africa. Halimbawa nalang ang Pilipinas na
may 155 na wika at Indonesia na may 300 na wika.
Wika ang isa sa mga pangunahing batayan ng pagkakaiba ng tao sa hayop sa kadahilanang bagamat
sinasabi ng siyensya na nanggaling ang sangkatauhan sa unggoy, tayo lamang ang mayroong Wika. Wika
na may kabilang na letra, salita, pangungusap mga bantas at pagbigkas. Wika din ang karaniwang batayan
upang ang mga grupo ng mga tao ay magkaron ng pagkakakailanlan. Katulad ng aking nabanggit, ang Wika
ay karaniwang nagbabase sa pangkat ng mga tao na kapag napunta ka sa ibang lugar, kapag bitbit mo ang
sarili mong wika at nakatagpo ng isa pang tao na nakakapagsalita ng Wika na iyon, malalaman mo na galing
kayo sa iisang lugar. Ngunit kasabay ng paglago ng isang parte ng ating Wikang Filipino, mayroon ding
parte nito na namamatay na kadalasang naiuugnay sa ating Kultura. Kasama na ditto ang pagkahilig ng mga
Pilipino, lalo na ang kabtaan sa impluwensya ng mga banyaga. Mabuti na lamang ay nakasaad sa
Konstitusyon na tungkulin ng Gobyerno na paunlarin ang Wikang Filipino at ang mga katutubong Wika sa
Pilipinas ay mga opisyal na patulong na wikang panturo sa rehiyon kung saan ito sinasalita.
Ang Pilipinas ay nakaranas ng matagal na pananakop ng mga dayuhan. Kasali sa pananakop na ito
ay ang pagsubok ng mga dayuhan lalo na ang mga Kastila na gumawa ng mga hakbang upang maipatigil
ang paglaganap ng mga katutubong Wika. Dumating din sa oras na ginamit nila ang mga katutubong Wika
na ito upang maisakatuparan ang mga pinaplano nilang pananakop sa aspeto ng politikal at ekonomikal na
layunin. Ginamit nila ang katutubong Wika upang maipalaganap ang Kristiyanismo ngunit sapilitan nilang
ipinalaganap ang salitang Ingles sa Sistema ng edukasyon at pamahalaan. Ito ang naging punto at sanhi ng
pagbagsak ng at paghina na ating Kultura.
Nabanggit ko ang mga ito upang maipabatid ang kapangyarihan ng ating mg katutubong Wika.
Hindi lang ito basta Wika na napagisipang gamitin, kundi ito ay kayabungan at Katibayan ng ating Kultura
at Wika. Nagamit ito ng mga banyaga upang subukang sirain ang ating Kultura ngunit ito ay nanatiling
matatag sa dahilan nadin ng pagprotekta ng ating mga ninuno sa kanilang sariling Wika. Makapangyarihan
ang Wika dahil isa ito sa mga yaman ng bansa. Na ppinagtulungang buuin ng ating mga ninuno. Na sa
dinami dami ng pagusbong ng teknolohiya at pagtuloy ng pagunlad ng ating bansa sa maliit na paraan, ang
mga wika na mayroon ang ating bansa ay isang bagay na hindi maagaw ng kung sino man.
Hindi man napag-isa ng Wika ang Pilipinas sa dami na rin nito at naging dahilan pa nito ang
pagkapangkat pangkat ng ga rehiyon, ang Wika ay isa sa pinakamalaking pagkakakilanlan na meron ang
isang tao na kahit san ito mapadpad lalo na sa ibang bansa, makikilala at makikilala ito dahil sa Wika na
mayroon sya at ginagamit nya.
Ilan sa mga kilalang katutubong Wika ng Pilipinas ay ang Agta, na ginagamit ng mga naninirahan
sa Alabat Island Silangang Lalawigan ng Quezon, Camarines Norte, Santa Elena at Labo, Sentral Cagayan
Hilagang Silangang Luzon, Dicmay, Isabela, Silangang Cagayan, Timog Davicalan Bay at Palui Island sa
Hilaga, Isarog, Silangang Lungsod ng Naga, lalawigan ng Bikol, Kabuluwen Lalawigan ng Quezon, Mt,
Iraya Silangang Lake Buhi, Mt. Iriga, Silangang Lungsod ng Iriga, Remotado Luzon, Santa Inez, lalawigan
ng Rizal, Villaviciosa Luzon, Lalawigan ng Abra. Mayroon ding tinatawag na wikang Atta na ginagamit
naman sa lalawigan ng Rizal, Cagayan, Pamplona hilagang kanluranin ng Lalawigan ng Cagayan, pudtol
pudtol, Kalinga-Apayao. Ang Ayta naman ay ginagamit sa mga lugar ng mariveles, bataan, at tayabas,
Quezon. Ang sikat na Bikolano ay ginagamit ng mga naninirahan sa Albay, kanluraning lalawigan ng Albay
at Buhi, Camarines Sur, Cental Katimugang Catanduanes, Kahilagang Sorsogon, Lungsod ng Iriga,
Kahilangaang Luzon, Kahilagaang Catanduanes, Silangang Bicol, Katimugang Luzon at Katimugang
Silangang Bikol Catanduanes.
Nakakatuwang isipin na nagkaroon ng malawakang paggunita ang ating bansa patungkol sa iba’t
ibang Wikang katutubo mayroon ang Pilipinas. Dahil ditto, magkakaroon ang mga kabataan na kagaya ko
ng ideya at kamalayan sa iba’t ibang Wika na mayroon ang ating bansa at mabibigyang pugay ang ating
katutubo na walang pagod na nagtaguyod nito. Magkakaroon din ang ating mamamayan ng mas maiging
pag-unawa sa iba’t ibang katutubong Wika at mahihikayat ang ating mga mamamayan na magpatupad ng
mga malikhaing programa pangwika na makatutugon sa pangangailangan ng kanilang kamonidad sa
pakikipagtulungan ng mga katutubong wika. At ang pinakaimportante ay magkakaroon ng kamalayan ang
ating mga mamamayan sa pangangalaga ng mga katutubong Wika dahil sa Karapatan nila, makakagawa
tayo ng mga batas na maglalayong maprotektahan at mabigyang seguridad ang ating mga katutubong Wika.
Bagamat malaki nadin ang impluwensya ng mga banyaga sa ating kultura, tugkulin padin nating
mga mamamayan na protektahan ang ating Wika dahil isa ito sa mga pundasyon ng isang matatag na bansa.
Marami ding nagagawang pakinabang ang Wika. Isa na dito ay ang epektibong pananaliksik dahil ang
pananaliksik ay importante sa pag-unlad ng isang bansa. Sa pananaliksik, importante na gamiting wika ay
ang wika na kimportable ang isang tao dahil naipapapahayag nya ang mga bagay na gusto nyang ipabatid
sa mga tao na nasa paligid nya. Hindi magiging matagumpay ang isang pananaliksik kung gagamit ang
isang tao ng Wika na hindi sya komportable dahil maari din ito magudulot ng miskomunikisyon o hindi
pagkakaunawan. Mas marami din ang makakaintindi sa mga impormasyon na nakalap, mas marami ang
maniniwala at mas marami ang tutulong upang mas maging matagumpay ang pananaliksik na ito.
Ang Wikang Filipino ang siyang nagsisilbing pagkakakilanlan sa ating mga Filipino. Ito ay
kailangang linangin at pakahalagahan upang ng may magamit ang mga susunod pang henerasyon.

You might also like