You are on page 1of 3

2.

1 Mga Kaugnay na Pag-aaral


Ayon sa pag-aaralni April Sia (2006) sa kanyang papel na “Paglinang ng Kasanayang

Balarila sa mga Mag-aaral ng Ika-sampung Baitang sa mga piling Pribadong Paaralan ng

Urdaneta”, na “Ang gramatika o balarila ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na

kinabibilangan ng mga sumusunod: ponolohiya o wastong pagbigkas; morpolohiya o pagsusuri

sa pagkakabalangkas ng salita; sintaks (syntax) o pagsasaayos upang ang mga salita ay maging

makabuluhang mga pangungusap; semantika o kahulugan ng mga salita at parirala; at

etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga salita.

Ayon sa pag-aaralni April Sia (2006) , “Tumutukoy din ang balarila sa pagsulat o

pananalitang inihahambing sa wastong paggamit. Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita,

parirala, sugnay at mga pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahuluganan,

palabigkasan, at palaugatan ng mga salita. Kung minsan, tumukoy din ang salita sa mga aklat na

pambalarila, na nagiging batayang simulain, pamatagan o saligan ng mga kaalaman”.

(http://tagisanngtalino.weebly.com/balarila.html)

Sa aklat nina Villanueva at Panganiban (1984), sinasabing ang balarila o gramatika ay

isang sining o katipunan ng mga tuntunin at paraan ng maayos, wastong paggamit ng wika at

mabisang gamit nito sa pakikipagtalastasan o komunikasyon ng tao sa kapwa, sa pasalita o sa

pasulat na anyo. Sining ang gramatika sapagkat mayroon itong sariling istilo at istruktura na

sinusunod ng sinumang gagamit nito.

Ayon kina Santiago at Tiangco (2003), ang paglinang at pagpapaunlad sa wika ay

maisasagawa ng paaralan sa pamamagitan ng dalawang prinsipal na paraan: Sa pamamagitan ng

pagtuturo ng panitikan at balarila nito. Naging kalakaran sa pagtuturo ang paglangkapin, lalo na

sa mababang paaralan at hayskul, ang pagtuturo ng panitikan at balarila dahil sa paniniwalang sa

gayong paraan ay maituturo ang balarila ng wika sa paraang natural at kawili-wili.

Ayon sap ag-aaral ni Dr. Fe Otanes (2002), na ang paglinang sa wika ay nakapokus sa

pakinabang na idudulot nito sa estudyante, na matutuhan ang wika upang sila ay

makapaghanapbuhay, makapamuhay sa kanilang kapwa at mapahalagahan nang lubusan ang

kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.

Ayon naman kay Saucer (mula kay Ranco, 2002), “Ang kasanayan sa pagbasa ay isang

batayan upang ang mga mag-aaral ay magtagumpay sa kanilang pag-aaral. Ang pagbasa bilang
kasangkapan sa pagtuturo ay siyang susi at katunugan kaya dapat maging layunin na matulungan

ang mga mag-aaral na magkaroon ng kakayahang bumasa. Matutulungan silang magkaroon ng

kawili-wiling pagbasa at mapatunayan na ang pagbasa ay isang paraan ng pagkatuto.

Ayon sa kompilasyon ni Bagon na pinamagatang “Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika”

ay: Ang wika ay nakaugat sa ating karanasan. Ayon parin sa kanya ang mag-aaral na may sapat

na kabatiran sa mga nagaganap sakanyang kapaligiran ay inaasahang magiging matataas

sapaglalahad ng kanyang mga ideyao kaisipan tungkol sakapaligirang ito. Kaya sa pagtuturo ng

wika, nararapatlamang na ihantad ang mga mag-aaral sa iba’t ibangmakatotohanang gawain

upang “iparanas” sa kanila angtunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ngmaraming

babasahing aklat at mga magasin, palikhain ngtula na malalapatan ng himig, pasulatin ang isang

maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin,pasalihin sa mga interaktibong talakayan-

lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sa pagkakaroonng mag-aaral

ng isang maunlad na wika.

Ang pagtuturo ng wika sa mga bata ay hindi basta nagaganap sa pamamagitan ng

pagbibigay ng maraming karanasang pangwika sa loob ng klasrum. Kailangan ng guro ng

tanging kasanayan at intwisyon na kaiba kungmga may edad na mga mag-aaral ang tuturuan

niya.

Mahalaga na isaalang-alang sa alinmang pagtuturo ang pangkat ng mga mag-aaral na

nagbibinata o nagdadalaga na mga tinedyer o “bagets” na may edadmula 12-19 ang tawag sa

pangkat na ito ng mga mag-aaral sa sekundarya.

Ayon sa kompilasyon ni Bb. April M. Bagon,“Sakit ng ulo”, ang tawag ng ilang guro sa

mga mag-aaral na nasa ganitong edad. Ito ang yugto ng paglaki na sila’y lito, kimi at kakikitaan

ng maramingpagbabago sa kanilang anyong pisikalat intelektuwal.Ito ang edad tungo sa

pagbibinata at pagdadalaga.Samakatuwid, kailangan ang isang tanging set ng mgakonsiderasyon

kung ang ganitong pangkat ng mag-aaralang inyong tuturuan. Bagamat kakaunti kung mayroon

mantayong mababasa tungkol sa pagtuturo ng mga mag-aaralsa ganitong edad, makabubuti

siguro kung pagtutuunan natin ng pansin ang mga ilang paalala:

Tandaan na ang mga kabataan sa yugtong ito ng paglaki ay nasa karurukan ng kanilang

pagpapahalaga sa sarili. Masyado silang sensitibosa kanilang mga naririnig na puna lalo’t

higittungkol sa kanilang mga pagbabagong pisikal, mgaemosyon at kanilang kakayahang


pangkaisipan. Isasa mga mahalagang tungkulin ng guro sa paaralangsekundarya ang

mapanatiling mataas ang pagpapahalagang-pansarili ng kanyang mga tinuturuan sa pamamagitan

ng mga sumusunod:

 pag-iwas na ipahiya sa klase;

 pagpapahalaga sa kanilang iwi at pansarling talino at kalakasan;

 pagiging maluwag sa mga pagkakamalingnagagawa sa pagkaklase;

 pag-iwas sa mga kompetisyong pangklase na maaaring mauwi sa di-

pagkakaunawaan; at

 paglalaan ng mga gawaing pangkatan sa loob ng klase kung saan maari silang

makipagsapalaran sa paglahok na hindi totoong magiging kahiya-hiya kung

magkamaili man sila sa pagsagot.

Hangga’t maari’y maging maingat sa pagbibigay ngpuna at mahihirap na gawain lalo na

doon sa may kahinaan sa pag-aaral.

You might also like