You are on page 1of 1

Labandera

Nagdiriwang ang mga langaw

Sa dugong sumirit mula sa tiyan

Ng isang lalaki

Mula sa ilog kumaripas

Ang mga labandera papunta

Sa katawang isinasakay

Sa kariton sa kanto ng munisipyo

Magkakapatong ang bersyon ng kwento

Hinggil sa utang

Hinggil sa lupa

Hinggil sa kumakalam na sikmura

Sa pandinig ng asawang nakayuko

Palo-palonhg hinahampas

Sa dibdib ang pagkalito

Walang anumang bulong

Ang sa kanya’y sumaklolo

Mula sa kalungkutan

Tumula sa kanila

Papuntang sementeryo

You might also like