You are on page 1of 2

Ang Himno ng Pag-ibig

Dabog sa dibdib ang dumaramping himno


Kasabay sa kumpas ng ligaw na tunog
Ang kirot ng putol na ugat sa puso.

Pilit pinagtagpo ang saliwang tono


Bumubulong hanggang sa aking pagtulog
Dabog sa dibdib ang dumaramping himno

Dumudugo ang puso, ito ang punto.


Mahapdi ang bawat hibla ng pagsulong
Ang kirot ng putol na ugat sa puso.

Sumusulong ang sitwasyon at ang tagpo


Mananatiling nakaukit ang dunong,
Dabog sa dibdib ang dumaramping himno

Bahagya ang laban, angkla sa proseso


Di malilimutan ang pasong umusbong
Ang kirot ng putol na ugat sa puso.

Minsan ng nadapa, ngayon ay tatayo


Patuoy lalaban, patuloy susulong
Dabog sa dibdib ang dumaramping himno
Ang kirot ng putol na ugat sa puso.

SESTINA NG LUMANG MAKINA

Kinikilala at namamayagpag ang hari ng daan


Gamit sa bawat larga ng mamamayan
Tatahakin ang kaliwa’t derecho ng paroroonan
Babagtasin ang pasikot-sikot para sa kaginahawaan
Syaman o sampuan, kaya kang dalhin sa kalangitan
Sana’y hindi magig salamisim; at nawa’y manatiling aarangkada sa nakasanayang kaharian.

Tahimik at walang businang umaalingaw-ngaw sa kaharian


Walang maaaninang kahit isang hari ng daan
Dahil sila’y nagkakaisa sa kapootang parusa ng kalangitan
Lumalaban hindi dahil sa sarili lamang kundi sa buong mamamayan
Na ang hangad sa buhay ay kaginhawaan
At makamtan ang buhay na may paroroonan

Paano na ang pamilya kung hindi na maaliwalas ang paroroonan?


Unti-unti na rin bang guguho ang inihulma na kaharian
Para sa pamilya? At matamasa ang buhay na kaginhawaan?
Maipagkakait pa rin ba ang daan?
Kung saan libo-libong mamamayan
Ang umaasa para maabot ang inaasam na kalangitan?

Hindi nga maituturing na ang lupa ay isang kalangitan,


Ngunit may diyos-diyosang sinasamba dito! Ang diktador ng paroonan
Na ang balak ay palitan ang makinang kinamulatan ng mamamayan
Gawing moderno ang buong kaharian;
At ispaltohan ng ginto’t pilak ang kahabaan ng daan
Ngunit ito nga ba ang sagot sa matagal nang inaasam na kaginhawaan?

Maagang pumapasada para ang araw ng pamilya’y maranasan ang kaginhawaan.


Doble ang pag-maneobra para maabot ang kalangitan
Kahit barya lang ang kinikiita sa daan;
Sapat na ito para sa namamasadang makita ang kaniyang paroroonan
Kaya bakit sila peprenosa pabuo ng sariling kaharian?
At bakit sila pepreno sa paghahatid serbisyo sa maraming mamamayan?

Hindi lamang nag-iisang laban ito ni Sarao kundi ng buong mamamayan


Kahit pilit minomodipika, tuloy lang ang biyahe para sa kaginhawaan
Tuligsain ang naghaharing kaharian;
Kung walang bababa sa kanilang trono sa kalangitan
Walang tuwid na paroroonan;
At sa dulo’y walang naghihintay na patag na daan

Halika’t sumabit, higpitan lang ang kapit ihahatid kita sa tamang paroroonan
Nawa’y pananaw din ng nasa malacanang kung ituring ay kaharian.
Bumalikwas at tumuligsa pagka’t di lang to laban ng dyip kundi ng buong sambayanang hangad
lamang sa buhay ay kaginhawaan.

You might also like