You are on page 1of 11

AWITING BAYAN

Bayan Ko
(Jose Corazon de Jesus)
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.

At sa kanyang yumi at ganda


Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad


kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya

ALAMAT

Alamat ng Maynila
Ang pangalan daw nito ay hango sa halamang nilad na tumubo noon sa Ilog Pasig. Ang mga Maly
raw ang nagbigay ng pangalang ito.
Si Raha Soliman ang pinuno ng kaharian ng matandang maynila. Sa bahaging timog ng Ilog Pasig
nakatirik ang kaharian niya. Ang buong paligid ng kaharian ay may kutang kahoy. Doon sa loob
nagbabantay ang mga mandirigma. Sa labas naman naninirahan ang mga mamamayan.
Dumating ang mga kastila sa pangunguna ni Martin de Goiti. Pinagbabayad nya ng buwis si
Soliman. Nagalit ang Raha. Nagkaroon ng labanan. Nagwagi ang mga kastila. Itinatag ni Martin
de Goiti noong Hunyo 24, 1521 ang Maynilad bilang punong –lungsod. Pinalitan niya ito ng
pangalang Maynila. Ito ang dahilan kung bakit ang ika-24 ng Hunyo ay pinagdiriwang na Araw ng
Maynila.

KURIDO
– mula sa salitang Mehiko na currido na nangangahulugan ng mga kasalukuyang pangyayari
Halimbawa: Ibong Adarna, Doce Pares, Bernardo Del Caprio, Principe Orientis,
Doña Ines at Don Juan Tinoso.

MORO-MORO
Halimbawa: Si Prinsipe Rodante

MGA AKDANG PANGWIKA

Kay Rizal
(Cecilio Apostol)
Bayaning walang kamatayan, kadakilaang maalamat
Sumungaw ka mula sa bangin ng libingan
na kinahihimbingan mo sa maluwalhating pangarap!
Halika! Ang pag-ibig naming pinapagliyab ng inyong alaala,
mula sa madilim na walang wakas ay tumatawag sa iyo
upang putungan ng mga bulaklak ang iyong gunita.
Matulog kang payapa sa lilim ng kabilang-buhay
tagapagligtas ng isang bayang inalipin!
Huwag iluha, sa hiwaga ng libingan,
ang sandaling tagumpay ng Kastila,
pagka’t kung pinasabog man ang utak mo ng isang punglo,
ang diwa mo nama’y gumiba ng isang imperyo!
Luwalhati kay Rizal! Ang ngalan niyang kabanalan
na parang sunog sa Tabor sa pag-iinapoy
sa talino ng pantas ay ilaw ng kaisipan,

Iba pang halimbawa:


Pag-ibig sa Tinubuang Lupa (Andres Bonifacio)

Kartilya ng Katipunan (Emilio Jacinto)


Sa Tabi Ng Dagat (Ildefonso Santos)
Isang Dipang Langit (Amado V. Hernandez)
Bayani (Amado V. Hernandez)

PRINSIPE RODANTE
(Komedya o Moro-moro)
ni Max Allanigue

Unang Tagpo
Ang siping ito ay nang magdaos ng torneo para sa kamay ni Florinda.

Ang Torneo
(Magpapaseo ang mga Torneador, martsang mabilis)

Omides: Yayamang tapos na


ang pagpapaseo
At nakatugtog na
ang mga musiko,
Atin nang simulan
ang pagtotorneo,
At ikaw, Rodante,
ang mantenedor ko.

Rodante: O mga gererong


piling panauhin,
Na nangagbuhat pa
sa ibang lupain,
Ang pagtotorneo’y
simulan na natin,
Ang magiging hangga’y
upanding malining.
Si Konde Merkudo
ng Reynong Verona
Ang unang paroon
sa gitna ng plasa.

Merkudo: Ako si Merkudong kinasisilawan


Ng sangkontinente sa pakikilaban,
Sa pikang kipkip ko at espadang tangan,
Dami ng gerero na nangagsigalang!
Ang lalaking itong sa aki’y nangahas
Ay tuturuan kong sa aki’y mangilag,
Kung ang pinagmula’y isang angkang hamak
Di dapat lumahok sa dugong-mataas.

Alvaro: Bago pumagitna, hamak na bilyano,


Magpakilala ka sa tanang narito.

Ramudin: Sa nangalilimping naritong ginoo


Hingi ko’y patawad sa nangyaring ito.
Ang kaliitan ko, O prinsipeng mahal,
Ay iyo na sanang pagpaumanhinan,
Hamak na bilyano itong kalagayan,
Sa tama ay salat at sa karangalan.
Tangi kong puhunan sa torneong ito
Ay pagsintang wagas na di magbabago,
Sa bunying prinsesang sulo ng buhay ko
Liwanag na tanglaw niring pagkatao.
Prinsesa Florinda, ako’y si Ramudin,
Isang dukhang tao’t hamak na alipin,
Sa iyong sanghaya’y walang dalang hain
Maliban sa isang wagas na paggiliw.

Alvaro: (Biglang tatampalin si Ramudin)


Lubha kang pangahas, taksil na bilyano,
Sampu ng prinsesa’y kinakausap mo!

Rodante: (Galit)
Ang iyong inasal, bunying kapatid ko’y
Di dapat sa isang marangal na tao.

Alvaro: Sa ginagawa ko’y huwag makialam!

Rodante: Mantenedor akong dito’y inatasan!

Omides: Alvaro, Rodante, inyo nang tigilan,


Magpakahinahon, huwag mag-alitan.

Rodante: Patawad, Ama ko.

Ramudin: Aking titiisin


Ang sa kay Alvarong ginawa sa akin
Pagka’t kapatid mo’y pinagbigyan ko rin
At di niya natikman ang aking patalim.

Florinda: Lalaking magiting! Ako’y nabibihag


Ng magandang asal at bayaning tikas,
Dini sa puso ko’y tumimo’t sumugat,
ni Kupidong, busog ng pagliyag!

Omides: Ang pagtotorneo’y huwag nang babalamin,


Ang mangaglalaba’y pagitna ngayon din.
(Tugtog at labanan. Magagahis si Merkudo.)

Merkudo: Ako ay suko na, bilyanong Ramudin,


Tigil ang ulos mo’t pagsaksak sa akin…
(Titigil ang laban. Si Merkudo ay ihahatid ni Ramudin sa isang silya.)

Rodante: Bilang mantenedor, dinggin yaring utos:


Si Duke Felino naman ang susunod,
Dito kay Ramudi’y makikipaghamok…

Felino: (Pagigitna)
Atin nang simulan ang pagpapamook!
Sukabang bilyano, tindig mo’y tatagan.
Si Konde Merkudo’y kung nagahis mo man,
Sa mga kaaway ko’y di ka magtatagal
At tatanghalin kang malamig na bangkay.

Ramudin: Kung ako’y sasamaing-palad sa patayan,


Ang buhay ko’y hain sa prinsesang mahal.
(Tugtog at labanan. Maninilapon ang mga espada.)

Felino: Ang mga espada’y yamang nabitiwan,


Pika ang gamitin natin sa labanan.

Ramudin: Marangal na duke, ako’y pumapayag.


(Tuloy ang labanan. Magagahis si Felino.)

Felino: Itigil na natin itong paglalamas,


Mabunying Ramudin, ang hingi ko’y habag.

Ramudin: Atas lang ng laro ang ulos ko’y salag.


(Itigil ang paglalaban.)

Alvaro: Waring malakas ka, palalong bilyano,


Kaya naman ngayo’y ito ang utos ko,
Donato, Pilipo, Isberto, Panopio,
Siya ay lusubi’t pagtulungan ninyo.

Rodante: Ako’y tumututol, O Ama kong mahal,


Ang ganyang gagawi’y di makatarungan,
Gayong nag-iisa ay pagtutulungan,
Isa kontra apat: ano’ng kahulugan?

Florinda: O mahal kong Ina, iyo pong sabihin


Kay Ama na itong laban ay pigilin.

Yolanda: Esposong Omides, ano’t naaatim


Ang ganyang torneong labag sa tuntunin?

Ramudin: Rosang masanghaya, Prinsesa Florinda,


Prinsipe Rodante at Reyna Yolanda,
Ang kaliitan ko’y tumatalagang
Lumaban sa apat kahit nag-iisa.

Omides: Yamang pumapayag ang bilyanong bantog,


Tuloy ang labana’t mga paghahamok…

Florinda: Maghintay, Ramudin, tanggapin yaring handog


Itong bulaklak kong sa dibdib ay tampok.
(Ihahagis ang bulaklak. Daramputin ni Ramudin at idarampi sa mga labi.)

Ramudin: Salamat, Prinsesa, bulaklak mong bigay


Sa tapat ng puso’y aking ilalagay…

Florinda: At kung ang puso mo’y samaing tamaan,


Ang kamatayan mo’y aking kamatayan.

Donato: Tigilan, bilyano, iyang panininta!

Pilipo: Magsisi na ngayo’y katapusan mo na!

Isberto: Higpitan ang hawak sa tangang espada!

Panopio: Atin nang simulan ang pagbabatalya!


(Tugtog at labanan.)

Florinda: (Sa sarili, habang naglalaban.)


Mahabaging Diyos, Iyong alalayan
Si Ramuding irog sa pakikipaglaban,
Ninanais ko pang ako’y masugatan
Kaysa ang sinta kong aking minamahal.
Birheng maawain, masintahing Ina,
Huwag mong payagang masugatan siya,
Bigyan mo ng lakas si Ramuding sinta,
Apat na kalaba’y nang masupil niya.
(Mag-iibayo ang bangis ng labanan.)

Omides: Ang bilyanong ito’y limbas na mistulang


Sumalag ng ulos, magbitiw ng taga,
Sa bilis ng kamay ay lintik na yata
Ang nakakahambing, ako’y humahanga!
(Magagahis ang apat na kalaban ni Ramudin. Titigil ang musika.)
Donato at Pilipo: Bilyanong magiting, kami ay suko na!

Isberto at Panopio: Itigil na natin ang pagbabatalya!


Rodante: Mga torneador, sinuman sa inyong
May nais humarap sa bilyanong ito,
hayo na’t lumabas sa gitna ng kampo
At ipagpatuloy ang pagtotorneo.
(Maghihintay ng sagot si Rodante. Walang kikibo.)
Ano kayong lahat ay natitigilan?
Bakit di sumagot, mga kamahalan?

Isang Torneador: Kami po ay sadyang nahihintakutan.

Ibang mga Torneador: Wala pong katulad ang bilyanong iyan


Sa liksi at lakas, sa tigas at tapang!

Omides: Kung gayon, Ramudin, tagumpay ay iyo.


Mabuhay! Mabuhay! Ipaghiyawan ninyo!

BANYAGA ni Liwayway Arceo

MUKHANG ARTISTA! Artista nga ba? Artista?


Mula nang dumating is Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon na tila
ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit sa isang taon – kung Araw ng mga
Patay at kung Pasko. O napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandaling
ito na wala nang kumukibo sa tumitingin sa kanya ay iyon din ang katanungang wari ay nababsa
niya sa bawat mukha, sa bawat tingin, sa bawat matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap.

At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran.
Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok. Hindi
ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya bago iyon sinuklay.
Nandidilat si Nana Ibang nang ulitin ang tanong.

“Serbesa ba ‘kama, bata ka, ha?”

Nguniti siya kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito,
idinigtong niya ang paliwanag. “Hindi masama’ng amoy, Nana.”

Ngayon, sa kanyang pandinig ay hindi nakaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sa kanyang
suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat at tila
nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang na
lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan naito na may gilit upang makahakbang
siya.

“Ibang-iba na ngan ngayon ang...lahat!” at nauulinigan niya ang buntung-hiningang kumawala sa


dibdib ng matandang ale.
Napangiti siya. Alam niyang iyonm din ang sasabihin ng kanyang ina kung nakabuhayan siya. Pati
ang kanyang ama na hindi naging maligoy minsan man, sa pagkakaalam niya, sa pagsasalita. Iyon
din ang narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Mente. At ang apat niyang pamangkin ay halos
hindi nakahuma nang makita siya kanginang naka-toreador na itim at kamisadentrong rosas.
Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula ulong may taling bandanna, sa kanyang
salaming may kulay, hanggang sa kanyang mag mapulang kuko sa paa na nakasungaw sa step-in
na bukas ang nguso.

“Sino kaya’ng magmamana sa mga pamangkin mo?” tanong ngayon ng kanyang Nana Ibang.
“Ang panganay sana ng Kua mo...matalino...”

“Sinabi ko naman sa Inso...ibigay na sa ‘kin papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisan naman ako.


Ang hirap sa kanila...ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto ni
Inang...noon...kung natakot ako sa iyakan...” Tumigil siya sa pagsasalita. Alam niyang hindi
maikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib.

“Tigas nga naming iyakan nang lumawas ka...” ayon ni Nana Ibang.

“Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba ‘ko sa timpalak na ‘yon
kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen?” Malinaw sa isip ang nakaraan.

Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumaping panyolito sa kanyang batok.
“Pinapawisan ka an, e. Ano bang oras ang sabi no Duardo na susunduin ka?”

“Alas-tres daw. Hanggang ngayon ba’y gano’n dito?” at napangiti siya. “Ang alas-tres, e, alas-
singko? Alas-kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko.
Ako na ang magmamaneho. Sa Amerika...”

“Naiinip ka na ba/” agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinabi.

“Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan. Bakit ay gusto kong makabalik din ngayon sa
Maynila.”

“Ano? K-kahit gabi?”

Napatawa si Fely. “Kung sa Amerika...nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa, sa Maynila pa?
Ilang taon ba ‘kong wala sa Pilipinas? Ang totoo...”

Boglang nauntol ang kanyang pagsasalita nang marinig niya ang mahinang tatat ni Aling Ibang. At
nang tumingin siya rito ay nakita niya ang malungkot na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sa
kanyang gunita ang naging anyo nito nang makita siya kangina.

Ang pinipigil na paghanga at pagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing
pagsalubong sa kanya. At nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang mga
pamangkin. Ibinukod si ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na mantel. Hindi
siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng
palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangking sa pangaln at larawan lalo niyang kilala
sapagkat patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Iba ang may dala ng platitong
kinalalagyan ng sabong mabangong alam niyang ngayon lamang binili. Nakasampay sa isang
bisig nito ang isang tuwalyang amay moras. At napansin niyang nagkatinginan ang kanyang mga
kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya.

“Ayan naman ang kubyertos...pilak ‘yan!” hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. “ ‘Yan ang uwi
mo...noon...hindi nga namin ginagamit...”

Napatawa siya. “Kinikutsara ba naman ang alimango?”

Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng
kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka ba nagbago ng loob, di
sana’y nilitson ang biik sa silong, kasi, sabi...hindi ka darating...

Wala nga siyang balak na dumalo sa parangal. Ngunit naisip niya – ngayon lamang gagawin ang
gayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi niyan
matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagtapos sa kanilang
paaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng samahan.
Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila.

Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isag tumigil na sasakayan sa harapan ng bahay.
Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sa gusali
ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong.

“Sa kotse n,” ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya masabi: Baka ako masilat...baka ako
hindi makapanaog sa hagdang kawayan.

Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda.
Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay maraming matang
nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaki, na nang mapagsino niya ay
bahagya siyang napatigil. Napamaang.

“Ako nga si Duardo!”

Pinigil niya ang buntung-hiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siya ay
iniabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas ba
hinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo.

“Bakit hindi ka rito?” tanong niya. Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. “May presidente ba ng
samahan na ganyan?”
“A...e...” Hindi kinakailangang makita niyang nakaharao si Duardo. Napansin niya sa pagsasalita
nito ang panginginig ng mga labi. ‘A-alangan...na ‘ata...”

Nawala ang ngiti ni Fely. Sumikbo ang kanyang dibdib. Si Duardo ang tanging lalaking naging
malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilang pinagtapusan. At
ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagtapos.

“Natutuwa kami at nagpaunlak ka...” walang anu-ano’y sabi ni Duardo, “Dalawampu’t dalawang
taon na...”

“Huwag mo nang sasabihin ang taon!” biglang sabi ni Fely, lakip ang bahagyang tawa.
“Tumatanda ako.”

“Hindi ka nagbabago,’ sabi ni Duardo. “Parang mas...mas...bata ka ngayon. Sayang...hindi ka


makikita ni Menang...”

“Menang?” napaangat ang likod ni Fely.

“Kaklase natin...sa apat na grado,” paliwanag ni Duardo. “Kami ang...” at napahagikhik ito.
“Kamakalawa lang isinilang ang aming pang-anim...’

“Congratulations!” pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan. Tila siya
inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan.

“Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon,” patuloy ni Duardo nang hindi na siya kumibo. “Ibang-
iba kaysa...noon...”

“Piho nga,” patianod niya. “Hindi naman kasi ‘ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagi pa
‘kong nagmamadali...”

“Pumirmi na nga rin kami sa bayan kaya hindi naman tayo nagkikita...”

Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sa
bintana ng sasakyan ay nakita ang mga nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang kanyang salaming
may kulay. Tila hindi niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sa
kanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin.

At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtimunig ang
kahungkagang nadarama sa kanyang mga mata. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na rin siya
makilala pa ng pook na binalikan niya.

NCR HYMN
I
Bayang mahal nating lahat
tampok ng NCR
pusod nitong ating bansa
dulot kaunlaran

II
Taas noong iwagayway
ang bandila ng NCR
karunungan at katarungan
sa bansa ay itanghal

III
Mga lunsod ng NCR
sa puso ko’y dangal
ang adhikain isulong
ang tanging NCR

Chorus:
NCR, NCR dangal nitong bayan
NCR, NCR dangal nitong bayan

Ang Ibong Adarna ay isang korido na isinulat noong panahon ng Espanyol na ngayon ay bahagi na
ng Panitikan at Mitolohiyang Pilipino [1].

You might also like