You are on page 1of 102

TROILO

AT

KRESIDA
Ni William Shakespeare Salin sa Filipino ni Guelan Varela Luarca

Troilo at Kresida 2 William Shakespeare

MGA TAUHAN SA DULA


PROLOGO, nakaarmas MGA TROYANO PRIAMO, Hari ng Troya EKTOR DEIFOBO ELENO, isang pari kanyang mga anak PARIS TROILO MARGARELON, isang bastardo KASANDRA, kanyang babaeng anak, isang propetisa ANDROMAKE, asawa ni Ektor ENEAS Mga Punong-mandirigma ANTENOR PANDARO, isang panginoon KRESIDA, kanyang pamangkin KALKAS, kanyang ama, sumama na sa mga Griyego ELENA, dating kabiyak ni Menelao, ngayoy kasiping ni Paris ALEJANDRO, alagad ni Kresida Mga Alagad nina Troilo at Paris Mga Sundalo Mga Ayudante MGA GRIYEGO AGAMENON, Punong Mandirigma MENELAO, kanyang kapatid NESTOR ULISES AKILES PATROKLO, kanyang kaibigan mga poong mandirigma ng Gresya DIOMEDES AYAX TERSITES MGA MIRMIDONES, mga sundalo ni Akiles Alipin ni Diomedes Mga Sundalo

Troilo at Kresida 3 William Shakespeare

TROILO AT KRESIDA
PROLOGO
Papasok ang PROLOGO, nakaarmas. PROLOGO Sa Troya ang tagpuan. Mula sa Gresyay lumayag Patungong Atenas ang mga poong naninidhi sa galit, Punong-puno ang mga barko ng kagamitang pandigmang malupit. Siyam at animnapung nakakoronang maringal, dumayo Mula sa baiya ng Atenas patungong Frigia, Kapit sa panatang dambungin ang Troya, na siyang Kumukuta kay Elenang dinakip, reyna ni Menelao, At kasiping na ni Paris abay yan ang sigalot. Sa Tenedos silay dumating, At doon niluluwal ng mga barkong liglig Ang mga kargamento nilang akma sa digmaan, At ngayon, sa mga kapatagan ng Dardanoy nagsipagtindig Ng mga tolda ang malulusog at malalakas na Griyegong sundalo. At iyan, ang lungsod ni Priamong anim ang tarangkahan Dardano, at Timbria, Elas, Ketas, Troyen At Antenorides na may napakalalaking talasok, Angkop na angkop at mahihigpit na pakong pamigkis, Ay syang tanggulan ng mga anak ng Troya. Hetong pananabik, nangingiliti ng mga kalulwang maligalig Na buhat sa kapwa panig, Troyano man, o Griyego, Kayat tuloy ang lahat-lahat nay namemeligrong pilit. At ako poy pumarito bilang nakasandatang prologo, Di upang purihin ang kahusayan ng manunulat, Ni ang gilas o giting man ng mga magsisiganap, Bagkus ay nakadamit nang angkop sa ating salaysay, Nang malaman ninyo, mahal naming tagapagsubaybay, Na lalaktawin namin ang punot pinagmulan nitong gusot, Sa gitna magsisimula, at mula roy lalarga Hanggang makabuo ng matatawag nyong dula. Matipuhan nyo man o hindi, kayo po ang manimbang, Lamang sa buti o sama, digmaay sadyang ganyan. Lalabas.

Troilo at Kresida 4 William Shakespeare

I.i.

Papasok sina PANDARO at TROILO.

TROILO Tawagin ang aking pahe. Maghuhubad ako ng baluti. Bat ako makikilaban sa labas ng muralya ng Troya Gayong kay-bagsik din ng sigalot dito sa looban? Ang bawat Troyanong may puso pang malaya, Sugod sa parang! Ang kay Troiloy binihag na. PANDARO Wala na bang lunas ang gusot na ito? TROILO Malalakas ang mga Griyego, tuso sa kanilang kalakasan, Mabangis sa katusuan, at sa kabangisan nilay marangal; Pero akoy mas mahina pa kaysa luha ng isang babae, Mas malamya sa pag-idlip, higit pang tanga kaysa sa kamangmangan, Lalong duwag kaysa isang donselyang napupuyat sa gabi, Walang mabuga, gaya ng sanggol na di pa natuturuan. PANDARO Nabalaan na naman kita noon. Sa ganang akin, ayoko nang makisangkot pa. Siyang nais magkaron ng tinapay mula sa trigoy dapat maghintay sa paggiling. TROILO Di baga ko naghintay? PANDARO Oo, sa paggiling; pero dapat mo ring hintayin ang pagsasala. TROILO Di baga ko naghintay? PANDARO Oo, sa pagsasala; pero dapat mo ring hintayin ang pagpapaalsa. TROILO Pati yun, hinintay ko rin. PANDARO Oo, ang pagpapaalsa; ngunit kasunod niyon ang pagmamasa, ang pagtimpla sa tinapay, pagpapainit sa kugon, saka ang mismong pagluluto niyon. Naku! Kailangan din palang hintayin ang pagpapalamig, at baka mapaso ang iyong nguso. TROILO Ang Pagtitiis mismo, kung may diyosa mang ganoon, Higit pang nagngingitngit sa pagkainip kaysa sa kin. Twing dudulog ako sa hapag ni Priamong poon Bigla-biglay papasok si Kresida sa king isipan A, taksil! Papasok kamo? Kailan bang wala roon? PANDARO Naku, kagabi, saksakan siya ng ganda wala pa kong nakikitang kagaya niya. TROILO Sinasabi ko sa yo tuwing ang puso koy Binibiyak, tinataga ng isang buntong-hininga, Ibinabaon kong wari ang himutok sa kunot ng ngiti, Anakiy araw na umaalab kunwari, Para lang di mapansin ni Ektor o ni ama. Subalit ang hapis na kunwang kaligayahan,

Troilo at Kresida 5 William Shakespeare Katulad niyong tuwang pinapapait ng kapalaran. PANDARO At kung sanay di gaanong maitim ang buhok nya, kumpara kay Elena pero, demontres hinding-hindi maihahambing ang dalawang babaeng yan. Pero, sa ganang akin, kamag-anak ako ni Kresida at hindi nararapat sa kin ang papurihan siya, kumbaga, pero kung sana lang ay may nakarinig sa kanyang mangusap kagabi. Hindi sa tinatawaran kong liksi ng isip ng ate mong si Kasandra, ngunit TROILO Ay, Pandaro! Makinig ka, Pandaro Pag-asa koy naghihikahos na, malapit nang malunod, At tanong mo pay kung gano kalalim nalublob! Sinasabi ko sa yo, baliw na ako sa pag-ibig Para kay Kresida. Wika moy maganda sya Naku, binubuhos mo sa bukang sugat ng aking puso Ang kanyang mata, buhok, pisngi, kiyas, at tinig At ang kanyang mga kamay! Aba! Walang-kapantay na mga kamay, Sa sukdol-kaputian, ang busilak, nagwawaring tintang itim Na sumusulat ng sarili nilang panghamak; na sa haplos, Buhok ng sisney nagiging magaso, at kalulwa Ng taoy singgaspang ng palad ng nag-aararo! Tunay ngang syay marikit singtunay na syay iniibig, Pero twing iyong binabanggit, sa halip na gamot Ang ilapit sa bawat natamong sugat ng pag-irog, Patalim pa ang yong handog. PANDARO Nagsasabi lamang ako ng totoo. TROILO Si Kresiday di-saklaw ng katotohanan mo. PANDARO Naku, ayoko nang mangialam. Anong kiyenekeber ko kay Kresida? Kung maganda sya, e di mabuti. Kung hindi, sya nang bahalang magparetoke! TROILO Butihing Pandaro, napaano ka, aking Pandaro? PANDARO Pulos sakit ng ulo lang ang napala ko sa kakakusa. Ang sama ng tingin nya sa kin, at ngayon, pati ikaw, nagsusungit na rin. Paroot parito ako sa pagitan nyong dalwa, ni wala man lang pasalamat? Mga inggrata! TROILO Ano, nagagalit ka, Pandaro? Abay sa akin? PANDARO Komo kamag-anak ko, hindi na sya pwedeng maging singganda ni Elena aba, kung di ko lang sya kamag-anak, sinasabi ko: mas maganda pa si Kresidang nakaretaso, kesa kay Elenang nakabestida. Pero, ano iyon sa akin? Anong pakelam ko kung maging sing-itim siya ng negrita bahala kayo sa buhay nyo! TROILO Sinabi ko bang hindi sya maganda? PANDARO E ano sa kin kung sinabi mo nga? Napakatangang babae, ayaw pang sumama sa papa nya. Sa susunod na magkita kami, sasabihin ko sa kanyang lumipat na sa panig ng mga Griyego. Sa ganang akin, ayoko nang mangialam at yon na yon.

Troilo at Kresida 6 William Shakespeare TROILO Pandaro PANDARO Tigilan mo ko. TROILO Matamis na Pandaro PANDARO Utang na loob, wag na kong kausapin. Kung pano ko nadatnan, gano n ko ring iiwan tapos. Lalabas. Tutunog ang hudyat TROILO Magsitahimik, kasumpa-sumpang kalampagan! Magsitahimik! Mga ulol kayong lahat! Panong di gaganda itong si Elena, Gayong araw-araw nagpipinta ng kanyang mukha gamit Ang dugo nyong binuhos nang kusa sa parang ng digma? Ayoko nang lumaban. Mapupurol lang ang espada sa wala. Ngunit Pandaro O mga diyos, pinuputakti nyo ako! Hindi makararating kay Kresida kung wala itong si Pandaro, Na hetot nagpapaligaw pa upang manligaw para sa kin. At si Kresida hindi matablan ng kahit anong pagsuyo. Apolo, sabihin sa kin, sa ngalan ng pag-ibig mo kay Dafne: Sino si Kresida? Si Pandaro? Sino ba ako? Ay, higaan nyay ang Indya; siyay isang hiyas, At sa gitna ng Ilyong tahanan ko, at ng himlayan nyay Dumaramba at umaanod ang isang dakilang karagatan; Ako ang mangangalakal, at si Pandaro ang siyang Layag na di mapagkatiwalaan. Hudyat. Papasok si ENEAS ENEAS Ano, Troilong prinsipe! Bat wala sa parang? TROILO Dahil wala roon. Tugon koy angkop sa isang babae, Gayong binabae ang lumiban mula roon sa parang. Anong balita, Eneas, buhat sa labanan? ENEAS Usap-usapay umuwi raw si Paris nang lubhang sugatan. TROILO Sinugatan nino, Eneas? ENEAS Troilo, sinugatan ni Menelao. TROILO Bayaan nyo lang magdugo si Paris; malayo yan sa bituka Sinuwag lamang sya ng pindehong sinungayan niya.

Troilo at Kresida 7 William Shakespeare Hudyat. ENEAS Dinggin, saksakan ng liksi ang bakbakan sa parang! TROILO Kung kapiling lang sya, aatikabo rin dito sa looban. Bueno, aber, handa ka na bang makihalo sa gulo? ENEAS Ako pang tinanong. TROILO Pues, sabay na tayo. Magsisilabasan.

I.ii.

Papasok sina KRESIDA at si ALEJANDRO, ang kanyang alagad

KRESIDA Sino silang dumaan? ALEJANDRO Ang Reyna Hekuba, at si Elena. KRESIDA San sila patungo? ALEJANDRO Sa tore sa gawing silangan, Di kasi, mula rooy matutunghayan ang buong lambak, Kung saan dinaraos ang digma. Nababatid mo ba: Si Ektor daw, na huwaran ng hinahon, diumanoy nagwala Nagalit kay Andromake, at tinampal ang kanyang alalay? Wala pang araw ay dali-dali nang nagtungo sa parang, Anakiy magsasakang maaga kung pumulas sa kama, At ang bawat bulaklak don, balitay nagsitangis nang bigla , Parang mga propetang nagulilat sa kanilang natunghayang Poot ni Ektor. KRESIDA Ano raw ba ang kanyang ikinagalit? ALEJANDRO Ang sabi, mayron daw isang kabilang sa hukbong Griyego, May dugong Troyano, anupat pamangkin ni Ektor, Kung tawagiy si Ayax. KRESIDA Bueno, anong mayron sa kanya? ALEJANDRO Ang ulat ng ibay taong walang-kahulilip, Nag-iisang nakatindig. KRESIDA Mag-isa namang tumitindig ang bawat tao, liban kung lasing o nabaldado. ALEJANDRO Senyora, ang lalaking ito, nanikwat ng katangian sa napakaraming hayop: singtapang niya ang leon, simbargas ng oso, singkupad ng elepante isang taong pinasakan ng kay-raming sumpong kayat katapangan niyay

Troilo at Kresida 8 William Shakespeare nahahaluan ng katangahan, katangahan niyay may-halong hinahon. Walang kagalingan ng taong hindi nya natataglay, ni kapintasang hindi siya nababatikan. Siyay lumbay na walang dahilan, at ligayang walang-paglagyan; pinagkumpulkumpol na mga bahagi, maski ng di-mabagayan, tuloy ay parang Briareong nirarayuma pulos galamay na di naman mapakinabangan o di kayay Argong bulag, pulos matang hindi nakakakita. KRESIDA Pero natatawa lamang ako sa taong ito, panong ikinamuhi ni Ektor? ALEJANDRO Di kasi, nang makatapatan daw ni Ektor kahapon, napatumba siya nito, kaya naman dahil sa kahihiyan ay di-halos makatulog sa inis itong si Ektor. KRESIDA Sinong dumating? ALEJANDRO Senyora, ang tiyuhin nyong si Pandaro. Papasok si PANDARO. KRESIDA Napakakisig ni Ektor. ALEJANDRO Gaya ng nararapat sa isang lalaki. PANDARO Ano kanyo? Ano kanyo? KRESIDA Magandang araw, tiyo Pandaro. PANDARO Magandang araw, pamangking Kresida. Anong pinag -uusapan nyo? Magandang araw, Alejandro. Kumusta ka, pamangkin? Napadalaw kang Ilyo? KRESIDA Kaninang umaga, tiyo. PANDARO Anong pinag-uusapan nyo nang akoy dumating? Si Ektor bay nakaarmas nat nakaalis nang ikay dumalaw sa Ilyo? Gising na si Elena, hindi ba? KRESIDA Nakaalis na si Ektor; si Elenay di pa non nakabangon. PANDARO Gayon ba? Ang aga namang pumulas ni Ektor. KRESIDA Siya ngang pinag-usapan namin, at tungkol sa kanyang galit. PANDARO Nagalit ba raw? KRESIDA Yan ang sabi sa kin. PANDARO Totoo, nagalit nga, at alam kong dahilan. Magpapakitang-gilas yan sa labanan, sinasabi ko. At nariyan din si Troilo, hinding-hindi pahuhuli; abay bantayan nila yang si Troilo, sinasabi ko rin. KRESIDA Aba, bakit, nagalit din ba? PANDARO Sino, si Troilo? Mas mainam si Troilo sa kanilang dalawa. KRESIDA Sa ngalan ni Hupiter! Di sila maipaghahambing. PANDARO Ano, hindi maihahambing si Troilo kay Ektor? Nakikilala mo bang lalaki kapag nakikita mo? KRESIDA Oo, kapag nakita ko na noon, at napakilala na sa akin. PANDARO Anuman, si Troiloy si Troilo.

Troilo at Kresida 9 William Shakespeare KRESIDA Pues wika moy wika ko, pagkat akoy nakatitiyak, Hindi siya si Ektor. PANDARO Hindi, ni si Ektor ay hindi rin si Troilo kung tutuusin. KRESIDA Nararapat yan sa dalawa sila ang sarili nila. PANDARO Sa sarili kamo? Naku, kawawang Troilo! Kung nasa sarili lang sana KRESIDA Siyay sa kanyang sarili. PANDARO At akoy naglakad nang nakapaa hanggang Indya. KRESIDA Abay hindi siya si Ektor. PANDARO Sa kanyang sarili raw? Naku, wala siya sa sarili. Kung nasa sarili lang sana siya! Gayumpaman, langit ang masusunod: ang di katig ng kapalaran, bawat gawiy napaparam. Naku, Troilo, naku puso ko sanay nasa katawan na lamang niya! Hindi, hindi lalamang si Ektor kay Troilo. KRESIDA Patawad, tiyo. PANDARO Mas matanda nga siya. KRESIDA Patawad nga, patawad. PANDARO Hindi pa nga umaabot don yung isa bumalik ka sa kin kapag mag-abot na silang dalawa. Hindi pa rin maaabot ni Ektor ang talas ni Troilo. KRESIDA Bat pahahasain pa ang datiy hasang-hasa na? PANDARO Ni ang kanyang mga kahusayan. KRESIDA Aba, e ano naman? PANDARO Ni ang kanyang kakisigan. KRESIDA Palibhasay di babagay sa kanya; sapat nang sarili nyang ganda. PANDARO Di ka marunong manimbang, pamangkin. Si Elena mismong nagsabi, bagaman may-kaitiman si Troilo [aparte] siyanga, kailangan kong aminin ngunit di naman ganong maitim KRESIDA Hindi, pero may kaitiman din. PANDARO Sa katotohanan, maitim na di-ganong maitim. KRESIDA Sa katotohanan, totoong di-ganong totoo. PANDARO Pinuri niya ang kutis ni Troilo nang higit kay Paris. KRESIDA Bakit, sapat naman ang kutis ni Paris. PANDARO Totoo. KRESIDA Samakatuwid, kung pinuri niyang higit ang kutis ni Troilo, lumalabas na labis sigurong kutis nito. Yamang siyay may sapat namang kutis, at kutis niyong isay labis, hindi ka ya labis ding papuri ang natamo niyong labis ang kutis? Nakatitiyak ako, pinuri rin ng ginintuang dila ni Elena yaong pulangpulang ilong ni Troilo. PANDARO Maniwala ka sa kin: higit siyang nahihiligan ni Elena kaysa kay Paris. KRESIDA Abay mahiligin ngang dalaga itong si Elena. PANDARO Naku, nakatitiyak nga ako. Nilapitan nya noong isang araw si Paris mula sa bintanang bilog, at gaya ng nalalaman mo na, hindi pa lalampas sa tatlo o apat na hiblang balbas niya sa baba

Troilo at Kresida 10 William Shakespeare KRESIDA Siyanga, kahit palengkero pang kumuwenta, gayon din ang bilang niya. PANDARO Aba, tutal, napakabata pa ni Troilo; ngunit tatlong timbang pang higit ang kaya niyang bunuin kaysa kay Ektor. KRESIDA Ano? Napakabata pat kay-bigat na ng karga? PANDARO Pero para patunayan sa yong higit siyang natitipuhan ni Elena: e di lumapit nga siya, tapos biglang hinipo niya ang mga busilak niyang kamay sa pinuyuang baba ni Troilo KRESIDA Diyosang mahabagin! Pinuyuan ba kamo? PANDARO Naku, alam na alam mo namang may-puyo. Walang binata sa buong Frigiang may ngiting mas gaganda nung sa kanya. KRESIDA Siyanga, kagila-gilalas kung ngumiti. PANDARO Oo nga, di ba? KRESIDA Aba, parang nagbabantang ulap sa tag-araw. PANDARO Ay, malay ko ba sa yo! Pero para patunayan ko sa yong mas mahal ni Elena si Troilo KRESIDA Subukan mo man si Troilo, babangon pa rin siyang tuwid na tuwid. PANDARO Si Troilo! Naku, pagtingin niya kay Elenay gaya ng pagtingin ko sa itik ng balut. KRESIDA Siyanga naman, ang di mahilig sa balut, manghihina ang tuhod. PANDARO Di ako makapigil sa pagtawa tuwing naaalala ko kung pano niyang kiniliti ang baba ni Troilo inaamin ko, kahali-halina ngang busilak niyang kamay KRESIDA Panong di-maaamin ang nagtatawag ng pansin? PANDARO At nagkataon nga, nakasilip siya ng isang puting buhok sa bab. KRESIDA Basta bay walang puting buhok na masilip sa ibabang-ibaba. PANDARO Naku, tawanan nang tawanan ang lahat! Sa katatawa nga, naluha si Reyna Hekuba. KRESIDA Sa kapipilit matawa. PANDARO Pati si Kasandra, natawa rin. KRESIDA Pero natawa nang may apoy sa mga mata. Aba, pinilit din ba? PANDARO At si Ektor, tumawa. KRESIDA Dahil san nga ba ang lahat nitong pagtawa? PANDARO Dahil sa puting buhok na nasilip ni Elena. KRESIDA Kung berdeng buhok na nasilip, di sanay namatay rin ako sa katatawa. PANDARO Di naman sila natawa dahil sa buhok, kundi dahil sa sinabi ni Troilo. KRESIDA Bakit, ano bang sinabi niya? PANDARO Nagtaka kasi si Elena, Hetong limamput dalwang buhok sa yong baba, at isa sa kanilay puti. KRESIDA Nagtaka siya ron? PANDARO Siyanga, wag mo nang pagtakhan. Limamput dalwang buhok, sagot ni Troilo, at yaong isay puti: ang putiy si Ama, at yaong ibay kanyang mga anak. Sa ngalan ni Hupiter! ika ni Elena, alin sa mga ito si Paris na aking asawa? Yaong kulay-ipot, sabi niya: bunutin mo, ilagay sa kanyang ulo. Naku, nagpalahaw sa tawanan ang lahat, at si Elena y napahiya, at si Paris, pikong-pikon, kaya lalo pang nagtawanan ang bawat isa, ni di ko masabi sa yo.

Troilo at Kresida 11 William Shakespeare KRESIDA Pues wag mo nang sabihin; napahabang labis ang kuwento mo. PANDARO Bueno, pamangkin, may binanggit ako sa yo kahapon: pag-isipan mong maigi. KRESIDA Pinag-isipan na. PANDARO Sinusumpa ko sa yo, iiyakan ka nun, na parang taong pinaglihi sa sibuyas. KRESIDA At ako namay pinaglihi raw sa kalabaw. Hudyat ng pagbalik ng hukbo PANDARO Teka! Babalik na sila mula sa parang. Halika, tumayo tayo rito, at masdan natin silang magmartsa patungong Ilyo. Butihing pamangkin, tara na, matamis kong pamangking Kresida. KRESIDA Kayong masusunod. PANDARO Heto, heto, magandang puwesto, makikita natin ang lahat. Sasabihin kong pangalan ng bawat isang magdaan. Pero pansinin mong maigi si Troilo higit sa lahat. KRESIDA Tinig moy wag ganong lakasan. Dadaan sa entablado si ENEAS. PANDARO Iyan si Eneas. Hindi bat kay-kisig? Isa sa mga bulaklak ng Troya, sinasabi ko sa yo. Pero pansinin mo si Troilo; maya -mayay makikita mo. Dadaan si ANTENOR KRESIDA Sino yan? PANDARO Si Antenor. Tuso kung mag-isip, sinasabi ko, at mainam din kahit papaano: isa sa pinakamahuhusay manimbang sa buong Troya, at mainam ang itsura. Kailan ba daraan si Troilo? Pakikita ko si Troilo sa yo, hintay ka lamang. Kung makita nya ko, babatiin niya ko pihado. KRESIDA Magbabatian kayo? PANDARO Makikita mo. KRESIDA Naku, wag naman sa harap ng ibang tao! Dadaan si EKTOR PANDARO Ayan, si Ektor, ayan siya, ayan siya, tingnan mo; yan ang lalaki! Mabuhay ka, Ektor! Huwaran ng katapangan, iha. Si Ektor, ang Magilas! Tingnan mong tikas! Ganiyan magdala ng sarili! Hindi bat kay-gilas? KRESIDA Magilas na magilas! PANDARO Hindi ba? Nakapagpapataba ng puso. Tingnan mong mga uka sa bastipol! Nakikita mo ba? Walang biro, iha, kitang-kita mong lumabang talaga, kahit sino pang humamon, hindi uubra, hindi uubra! KRESIDA Kahit sa may espada?

Troilo at Kresida 12 William Shakespeare PANDARO Espada, kahit anupamang sandata, wala siyang takot; kahit diyablo pang makaaway, pareho lang sa kanya. Diyos por santo, nakapagpapataba nga ng puso. Hayan namang paparating si Paris, si Paris, paparating. Dadaan si PARIS Tingnan mo, pamangkin; hindi bat kay-tapang din, hindi ba? Naku, ang tapangtapang nga! Sinong nagsabing umuwi siyang sugatan, aber? Ni hindi nga nasaktan, o. Naku, matutuwang lubos si Elena, pusta ko. Sanay makita ko na si Troilo! Makikita mo si Troilo, hintay ka lang. Dadaan si ELENO KRESIDA Sino naman yan? PANDARO Yan si Eleno. Saan na kaya si Troilo? Yan si Eleno. Hindi siguro lumaban ngayong araw. Yan si Eleno. KRESIDA Marunong bang lumaban si Eleno? PANDARO Si Eleno? Hindi este, oo, marunong din naman. Nasaan na kaya si Troilo? [Sisigaw.] Makinig! Hindi mo ba naririnig sumigaw ng Troilo ang mga taumbayan? Saserdote si Eleno. KRESIDA Sino yang paika-ikang dumaraan? Dadaan si TROILO PANDARO Sino? Iyon ba kamo? Yan si Deifobo. Naku, si Troilo! Yan ang lalaki, iha! Aba! Troilong Matapang, prinsipe ng kaginoohan! KRESIDA Maghunus-dili kayo, nakakahiya! PANDARO Masdan mo, tingnan mong maigi. O Troilong katapang-tapangan! Masdan mong maigi, pamangkin tingnan mo kung gano katigmak sa dugong espada niya, at ang kanyang bastipol, mas marami pang uka kaysa kay Ektor, at tingnan mong itsura, tingnan mong bikas! Kapuri-puring binata! Mantakin mo, wala pang dalawamput tatlong taong gulang yan. Mabuhay ka, Troilo, mabuhay ka! Kung may kapatid lang sana akong nimfa, o anak na diyosa, naku siya nang papipiliin ko. Kapuri-puring lalaki! Si Paris? Lamat kumpara sa kanya; at pusta ko, kahit mata niya, pamimigay ni Elena, makasama lang si Troilo. Dadaan ang karaniwang mga sundalo KRESIDA Heto pang iba. PANDARO Mga asno, mga uldog, mga kulelat! Sapal at barak; sapal at barak! Sabaw sumunod ng karne! Sapat na sa king mamatay kapagkakita kay Troilo. Wag ka nang tumingin, wag ka nang tumingin; dumaan nang mga lawin, pulos uwak na lang at maya, mga uwak at maya! Mas gugustuhin kong maging gaya ni Troilo, kaysa Agamenon, o sinupamang sundalo ng Gresya.

Troilo at Kresida 13 William Shakespeare KRESIDA Mayron daw kabilang sa mga Griyego, Akiles ang ngalan, lalaking higit kay Troilo. PANDARO Si Akiles! isang kutsero, bantay sa taberna, isang kamelyo. KRESIDA Gayon ba? PANDARO Naku, gayon nga! Marunong ka bang manukat? Mayron ka bang mga mata? Alam mo ba kung ano ang tunay na lalaki? Hindi bat ang kapanganakan, karilagan, kakisigan, katalinuhan, kaginoohan, karunungan, kabutihan, kabataan, kalayaan, at mga katangiang gaya nun ang siyang rekadot asin na pampalasa sa timpla ng isang lalaki? KRESIDA Oo, kung hamon ang pinag-uusapan; saka ibibitin upang patuyuin, hanggat magluma nat mawalan ng katas ang laman. PANDARO Ay naku, kakatwang babae ka, hinding-hindi ka talaga susuko. KRESIDA Abay siyempre, bantay-salakay sa likuran, at baka tumambok ang tiyan; bantay-salakay sa isipan, at baka mapag-isahan; bantay-salakay sa puri, at baka mapagsamantalahan; bantay-salakay sa mukha, nang mapagtanggol ang aking kariktan; at higit sa lahat, bantay-salakay mo upang maprotektahan itong lahat pano akong mapapasuko gayong kuta koy libu-libo ang bantay? PANDARO Ano bang pinag-iingatan? KRESIDA Diyatat sa yo dapat mag-ingat, amang; naku, kailangan ko ngang magingat. Dahil sakali ngang malooban ang kutang pinakaiingat-ingatan, ikaw naman ang babantayan at baka ibisto mo sa iba kung pano ako sumuko sa kalaban liban kung tumumbok nang labis at di ko na maikukubli kung umabot sa ganon, walang-kuwenta nang magkunwang nagtitimpi. PANDARO Wala ka talagang katulad! Papasok ang BATA ni Troilo BATA Ginoo, nais kang kausapin ng panginoon, ora mismo. PANDARO Saan? BATA Sa inyong pamamahay; doon siya magtatanggal ng armas. PANDARO Mabuting bata, sabihin mong darating ako. Lalabas ang BATA. Duda kong nasaktan siya. Paalam na sa yo, butihing pamangkin. KRESIDA Paalam, tiyo. PANDARO Dadalawin kitang agad, iha. KRESIDA At pag dalaw sa kin, pasasalubungan ba ko? PANDARO Siyempre, ng isang handog galing kay Troilo. KRESIDA At sa handog na yan, ganap ka nang bugaw. Lalabas si PANDARO Mga pangako, mga handog, luhat alay ng pag-ibig, Mga padala ng manunuyo kong sa kanya pinahahatid; Ngunit higit pa ron ang napupusuan ko kay Troilo, Lampas sa papuring sambit ng tiyuhin kong si Pandaro.

Troilo at Kresida 14 William Shakespeare Ang mga babae, anghel kung ituring sa suyuan, Pero pag nakamtan nay dating halagay nababawasan Sinumang binibining minimithiy batid ito: Hiyas ang turing ng lalaki sa babaeng di pa napapa-oo. Wala pang babaeng nabubuhay na kapantay ang ligaya Ng babaeng nililigawan kapag siyay umayot bingwit na. Ito ang aral na aking napulot ukol sa ligawan: Sa magtimpiy kalayaan; sa sumukoy kaalipinan. Kayat puso ko may handog ang taimtim na pagsinta, Matay magkakait upang di ako madaya. Lalabas sina KRESIDA at ALEJANDRO.

I.iii.

Pakakak. Papasok sina AGAMENON, NESTOR, ULISES, DIOMEDES, MENELAO, kasama ang iba pa

AGAMENON Mga poon, anong hapis ang ikinaninilaw ng inyong mga pisngi? Ang pangakong kadakilaang inaasam-asam Na laging laan sa bawat pagpupunyagi sa mundoy Wari ngang napako. Ngunit likas lamang Na humarang sa ganap na paglago ng bawat adhika (Anakiy dagtang nagkalangkap-langkap At sumisikil sa pagtubo ng punong pino) Ang daluhong ng samut saring mga perwisyot pagsubok. Di rin naman nalilingid sa ting kaalaman Na hanggang ngayoy hindi pa natin nakakamtan ang tagumpay Gayong makalipas ang pitong taong salakay, matatag pa rin Ang muralya ng Troya at bawat sikap at pagod Na natatalang ating ibinuhos ay umani lamang Ng suson-susong kasawian. Di pa tayo nagwagi, Wala pa ring hugis yaong kaisipan at harayang Pasimuno nitong pangarap. Pero senyores, Bakit kayo namumula sa sakdal-kahihiyan? Turing nyo bang pagkatalo ang mga pagsubok nating dinaranas? Aba, itoy padala sa tin ng dakilang si Jov Upang subukan ang katatagan ng ating pagkalalaki. May katatagan bang napatutunayan kung pulos tagumpay? E kung gayon pala, ang taong matapang at taong duwag, Ang may-dunong at ang hangal, ang nakapag-aral at walang-alam, Ang matigas at ang malamyay pare-pareho lang. Hindi, dahil sa unos at sigwa ng bawat pahirap, Ipinapagaspas ng Pagkabukod-tangi

Troilo at Kresida 15 William Shakespeare Ang kanyang higanteng pamaypay, kayat mga lampa, Nahihipan palayo, at mga bigatin naman, natitira, Taas-noong nakatindig, walang-halong mga kulelat. NESTOR Nang may paggalang at pagkilala sa iyong banal na luklukan, Dakilang Agamenon, hetot patutunayan ni Nestor Ang iyong mga salita: Sa pagsubok na dala ng pagkakataon, Lumilitaw ang taong subok. Kapag ang dagat mapayapa, Tamot nagsisipagpalaot din ang mga laruang bangka , Nakikipagsabayan bagang lumayag nang tiwasay Sa mga barkong malakit marangal! Ngunit, kapag magngalit na ang salbaheng amihan, Aba, yan nat mamamasdan mo, Humihiwa sa mga bundok ng tubig ang matatag na barko, Kumakaripas sa puson ng langit at dagat, Gaya ng Pegaso. At san ngayon ang bangka-bangkaan, Na kani-kanina lang, nakipag-taasan ng ihi sa mga tunay Na dakila? Aba ayun! Nagsilikas pabalik sa daungan, O kayay nilamon na ni Neptuno. Alalaong baga, Ang pakitang-giting at kagitingang tunay, hinihiwalay Ng unos ng kapalaran. Dahil sa katiwasayan at hinahon, Ang kawan ay lalong nangangamba sa kagat ng lamok Kaysa sa tigreng naninila; pero, kapag ang hangin, bumugso, Na pati mga punong robles matatangay nito, At mga bangaw na lumungga roy magsilikas, aba, ang matapang, Yamang nagningas na sa poot, sa poot din nakikiuri, At sa tinig ding kasinglakas, kasinggulang, Tinutungayaw nya ang kapalarang nagtutungayaw rin. ULISES Agamenong Mandirigma, butot kalamnan ng Gresya, Ang puso ng hukbo, kalulwat diwang natatangi, Ikaw na pumapasan sa lahat naming pag-iisip at damdamin, Aking pinakikiusap: dinggin ang mga salita ni Ulises. Bagaman pinapalakpakan kot pinakaminamapuri [kay AGAMENON] Dahil sa inyong puwestot dakilang kapangyarihan, [kay NESTOR] At dahil naman sa inyong labis-nang-humabang buhay, Ang mga talumpating ibinigay yaong sa yo, Agamenon, ay nararapat ngang paghikahusang Maukit sa tanso ng mga kamay ng bawat Griyego, At yung sa yo naman, kagalang-galang na Nestor, Wariy may hiningang bigkis na singtibay ng punong Kinalalagukan ng simboryo ng langit, at siyang sugpong Ng aming taynga sa dila mong may dunong subalit, Pagbigyan po akong magwika sa inyong harapan.

Troilo at Kresida 16 William Shakespeare AGAMENON Mangusap, Poon ng Itaka, at di kami umaasang Walang-importansyat pagsayang la mang sa oras Ang mamumutawi sa iyong mga labi, gaya Ng duda naming kung magbukas ng bunganga si Tersites, Himig, talinot dunong ang syang maririnig. ULISES Nawasak na natin ang pundasyon ng Troyang moog, At wala nang amo ang tabak ng dakilang Ektor Kundangan sa mga dahilang ito: Di na natin kinikilala ang poder ng pinuno, At kung ilan ang mga Griyegong toldang nakatindig sa parang, Ganon din karami ang mga paksiyon at hidwaan. Kung ang pinunoy di paris ng bahay-anilan, Na syang dapat inuuwian ng bawat bubuyog, Panong magkakapulot? Dahil balatkayo lang ang dangal, Maski ang alipin, napagkakamalang maharlika. Ang kalawakan mismo, mga planetat mundo nating gitna, Umaayon sa isang pagkakasunud-sunod, Sa paghinto at pag-inog, kaayusan, kapanahunan, hugis, Silbi, at pag-uugali lahat tumatalima. Kung kaya ang marangal na planetang Sol, Bukod-tanging nakaluklok sa himpapawid, Higit sa ibang tala, yamang siyang pumapalis Sa salot na dala ng masasamang mga planeta, Nag-uutos na para bagang isang harit Nakapangyayaring walang limitasyon. Subalit, Kapag nawala sa ayos ang mga planeta, Nagkakasalot, pangitain, at hidwaan, Namumuhi ang dagat, lumilindol ang lupa, Nambubulahaw ang hangin, sunud-sunod na sakunang Nanggigiyagis at nananalasa Sa kapayapaan at sa katiwasayan ng sanlibutan! Tuwing sinisira ang pagkakaayus-ayos, Na siyang hagdan ng bawat gawaing marangal, Bubulusok ang lahat! Kundi dahil sa kaayusang ito, Ang mga bayan, paaralan, pagkakapatiran, Mapayapang pakikipagkalakal sa ibang mga bansa, Makatarungang paggalang ng bunso sa panganay, Pagkilala sa gulang, korona, setro, at laurel Lahat ng yan, mapapawalang-saysay! Tanggalin ito, parang tinanggalan ng kuwerdas Ang gitara at ang himig, hahalinan ng sama. Magkakasigalot sa tanan yaong karagatan,

Troilo at Kresida 17 William Shakespeare Daramba nang lampas sa mga tabing-dagat, At lulunuring ganap ang buong daigdig; Lakas at dahas ang tanging mananaig, Papaslangin ng buktot na anak ang kanyang ama, At dahil kapangyarihan ang nag-iisang batayan, Ang katarungang nooy syang namamagitan Sa tamat maliy mawawalang-bisa na. Ang lahat, aalipinin ng kapangyarihang Lalamon sa kalooban, kaloobang lalamunin ng kasakiman At ang kasakiman, na lobong walang-kabusugan, Ay patatabaing labis ng sukdulang pagkaganid, At lalamuning lahat ang buong daigdig Hanggat wala nang ibang makain kunding kanyang sarili. Agamenon, kapag ang pitagan sa pinunoy masakal, Susunod ang kaguluhan. At ang kawalang-galang na ito ang dahil Kayat bawat pagsulong, nauuwi rin sa pag-atras. Ang punong-mandirigmay kinamumuhian Ng tao sa ilalim niya. At patuloy ang kadena Ng muhing natutuhan ng alipin sa kanyang superyor, Hanggat ang muhiy lumabis, maging lagnat Na magkakalat ng pesteng hidwaan at tunggalian. Ito ang dahilan kung bat nakatindig pa rin ang lungsod ng Troya, Di dahil silay malakas. Bilang katapusan, Ang Troyay matatag lamang dahil sa ting kahinaan. NESTOR Buong dunong na natuklasan ni Ulises ang lagnat Na siyang ikinahihina ng buong puwersa natin. AGAMENON Gayong nasuri na ang uri nitong karamdaman, Ulises, Ano ba ang dapat na lunas? ULISES Ang dakilang Akiles, na siyang kinikilala ng karamihan Bilang kalamnan at pinakapuno ng ating hukbo, Palibhasay nanlaki nang ulo sa papuring natamoy Ganon na lamang ang tingin sa sarili, at sa loob ng tolday Nakahilata, nilalait ang ating mga pakana, kasama Si Patroklong buong araw nakatukmol sa kanyang higaan, Ungguyan nang ungguyan, At sa kilos at galaw na babagay sa payaso at hangal Ay mapanlapastangan nila tayong ginagaya. Paminsan-minsan, dakilang Agamenon, Kamaharlikaan nyo ang kanyang ginagagad, At parang isang paika-ikang artistang

Troilo at Kresida 18 William Shakespeare Mahilig magpatawang gamit ang kanyang hita, Yabag nang yabag sa buong entablado Upang tumagatak ang takong ng kanyang sapatos Sa ganyang eksaheradong paggayay ginaganap nya Ang papel ng inyong kadakilaan at kapag mangusap, Parang repikeng kinukumpuni bali-baling Mga salitang kahit pa dyos ng unos ang magwika, Iperbole pa rin ang labas. Sa ganitong kagaguhan, Si Akiles na hambog, parolyo-rolyo sa kama, Nagpuputok ang dibdib sa sobrang katatawa saka Papalakpak at bubulalas ng, Bravo! Kuhang-kuha mong Agamenon! Ngayon naman, Gayahin mo si Nestor: mag-ahem at hipuin ang balbas, Tulad ng lagi nyang ginagawa bago magtalumpati. Pag nagawa na, bagaman ang pagkakagayay sinlayo Ni Vulkan sa kanyang asawang si Veno, anuman, Ang diyos na si Akiles ay papalahaw pa rin ng, Bravo! Si Nestor nga! Ngayon, artehin mo naman, Patroklo, Ang kilos nya pag biglang magtawag ng laban sa gabi. Aba, ngayon naman, tampok ang mga kahinaan ng katandaan Upang kanilang pagtawanan: pag-ubo, pagdura, Panginginig ng kamay, pangangatal habang sinusuot ang armadura, Na biglang mahuhubad dahil di masuot nang maigi ang butones. Sa ganitong kalokohan, hihimatayin si Senyor Tapang, At sasabihing, Tama na! Bibigay na ang aking tadyang! Buti sana kung bakal ang aking tagiliran, Patroklo! Ang bawat kahusayan at kapuri-puring katangian natin, Maging kagalingang pangkani-kaniya o panlahat, Mga tagumpay, pakana, utos, at estratehiyang pandepensa, Gilas sa parang, o katusuan sa pakikipagnegosasyon, Pagkawagit pagkatalo, ang naganap nat di pa nangyayari Lahat ng itoy kanilang pinagtatawanan at hinahamak. NESTOR Di kasi, tuwing nanlalait ang dalawang ginoong ito, Na ayon nga kay Ulises ay itinuturing ng lahat Na may mga tinig na maharlika, ang ibang sundalo, gumagaya. Si Ayax din ay nagtitigas-tigasan, umaastang Singyabang at kapantay sa kagitingan at dangal Ng hambog na Akiles; patagu-tago rin sa tolda nya; Nagdaraos ng mga piging ng pagsasabwatan; umaalma Nang laban sa estado ng ating pagdirigma, Animoy propeta; at pinakakawalan si Tersites, Na ang mga tungayaw na pasan, sindami ng ginto sa minahan, Upang ihambing tayo sa hamak na putik at burak,

Troilo at Kresida 19 William Shakespeare Pinahihina tayo, at lalo pang iniuukol ang dangal natin Sa samut saring hagupit at masamang pagtingin. ULISES Kinukuwestiyon ang ating pagsusumikap, Turing sa tiy duwag, binabale-wala ang dunong Sa gawi ng digmaan, binabalakid ang gawang mangatwiran. Ang mga mapaghunus-dili at mapagliming bahagi, Na nagpapasya kung aling galamay ang dapat sumugod, Kung sinong handang lumaban, at nakaaalam Sa paraan ng pagmamasid kung gano kalakas ang kalaban Abay ang lahat ng yan, sa kanilay walang-halaga. Tawag nila ritoy trabahong panlampa, pambakla, Kung kaya, ang ariyeteng gumigiba sa pader na matibay, Yamang ipinangsusugod at sadyang matigas, Ay higit nilang pinahahalagahan kaysa taong gumawa nyon, At tinatawaran nila ang nagtataglay ng huwisyot Nakatatantiya kung kailan susugod o aatras. NESTOR Kung gayon nga, aba ang kabayo ni Akiles ay higit pang Marangal na anak ni Tetis. Pakakak. AGAMENON MENELAO Mula sa Troya. May trumpeta. Alamin kung sino, Menelao.

Papasok sina ENEAS at isang MAGTUTRUMPETA. AGAMENON Anong sadya mo sa aming tolda? ENEAS Ito ba ang tolda ng dakilang si Agamenon, samo ko? AGAMENON Ito nga. ENEAS Maaari bang magdala ng balita sa mahal nyang pandinig Ang isang kinikilalang lakansugot anak ng hari? AGAMENON Nang may kaligtasang sintibay ng braso ni Akiles, Sa harap ng buong hukbong Griyego, na sa nagkakaisang tinig Ay bumabansag kay Agamenon bilang poon at heneral. ENEAS Mabuting pahintulot at maayang kaligtasan. Paano ba Maibubukod ng isang estranghero ang maharlika nyang pagtingin Mula sa mata ng ibang hamak na mortal? AGAMENON Paano?

Troilo at Kresida 20 William Shakespeare ENEAS Yan ngang tanong ko, upang aking mapagningas ang pagpugay At mautusan ang pisnging maghanda upang mamula Nang gaya ng bukang-liwayway, twing naaaninag Ang sariwang si Febo. Sino iyong bathalang gumagabay sa gawi ng bawat tao? Sino ang kataas-taasan, kalakas-lakasang Agamenon? AGAMENON Nilalait tayo ng Troyanong ito, o sadya lang bang mahilig Sa seremonya ang mga sugo ng Troya? ENEAS Mga sugo kaming mapagpalayaw, matikas, Simbait ng mga anghel tanyag kaming ganyan kapag payapa. Subalit twing kailangang magpakasundalo, kamiy tumatapang Tumitibay ang mga braso, nagtatagingtingan ang mga tabak, Sumisilakbo ang mga puso. Subalit tumahimik na, Eneas, Magtimpi, Troyano; ipinid ang iyong mga bibig. Nahahamak ng papuri ang siyang karapat-dapat papurihan, Kung ang papuring sinambit, siya rin ang inuukulan. Ngunit ang papuring kumawala sa bibig ng isang kaaway Ay isang salitang tapat, at inilulunsad mismo ng Katanyagan. AGAMENON Senyor, ikaw na tubong-Troya, pangalan moy Eneas? ENEAS Siyanga, Griyego, pangalan ko yan. AGAMENON Anong pakay mo? ENEAS Patawad, ginoo, para lamang to sa taynga ni Agamenon. AGAMENON Wala syang tinatanggap mula sa Troya nang palingid sa iba. ENEAS Akong mula sa Troyay hindi bubulong sa kanyang taynga, bagkus, Dala koy palahaw ng trumpeta, upang siyay bulahawin, Upang pilit na tawagin, bulagain ang kanyang pansin, Saka ko mangungusap. AGAMENON Pwes magwikang gaya ng hangin. Hindi ngayon ang takdang panahon para maidlip si Agamenon. Malalaman mo, Troyano, na siyay gising na gising Sya mismong nag-uulat nun sa yo. ENEAS Trumpeta, bumira. Itampol ang tanso mong tinig sa bawat toldang antukin, At bawat Griyegong may-lakas ng loob, alamin ninyo Ang balak ipahayag ng Troya sa tinig na malakas at buo.

Troilo at Kresida 21 William Shakespeare Tutunog ang trumpeta. Dakilang Agamenon, sa Troyay mayroon kaming Isang prinsipeng kung tawagiy Ektor anak ni Priamo Na sa kabagut-bagot at pagkahaba-habang kapayapaay Sadyang naiinip. Sinugo nya ko, kasama itong trumpeta Upang ipahayag: Mga hari, prinsipet poon, Kung mayron mang kabilang sa pinakamagigiting ng Gresya, Na pinahahalagahang higit ang dangal nya kaysa katiwasayan, Na naghahanap ng ikararangal at walang-takot sa harap ng peligro, Na umiibig sa kanyang binibini nang higit pa sa ligaw lamang At mga salita ng pagsuyong walang kalakip na gawa, pulos dada; Kung mayron mang ipaglalaban ang dikit at halaga ng kanyang mahal Sa kanya ipinauukol ang hamong ito. Sa harapan ng mga Troyanot Griyego, ipaglalaban ni Ektor, Kanyang tatangkaing isulit, at ipaggigiit, Na ang ginang niyay lalong may-dunong, lalong magandat tapat Kaysa sinumang babaeng nakapiling na ng kahit sinong Griyego, At bukas na bukas din, hahamunin nya sa tawag ng trumpeta Sa lugar sa gitna ng mga tolda nyo at ng muralya ng Troya, At doon paniningasin ang Griyegong tunay na umiibig. Kung mayron man sa inyong tumugon sa hamon, haharapin ni Ektor; Kung wala, ipagkakalat niya sa Troya sa kanyang pag-uwi Na ang mga babaeng taga-Gresyay pawang maiitim, at di-sapat Pagkaabalahan ng maski isang sibat na nagkapanting. AGAMENON Ipababatid namin yan sa aming mga mangingibig, poon. Kung wala sa kanilang may ganyang kagitingang taglay, Marahil naiwanan namin sa ming bayan. Ngunit kamiy mga gerero; At naway ang gereroy mapatunayang walang-gulugod Kung siyay walang-balak, at walang inuukulan ng pag-irog. Kung mayron namang sadyang nagpapatibok sa kanyang puso, Haharapin niya si Ektor. Kung wala, ang haharap ay ako. NESTOR Mag-ulat hinggil kay Nestor, na naging lalaki na Bago pa man naging sanggol ang impong nya. Syay may-edad na. Subalit kung walang lalaking titindig sa hukbo ng Gresya, Walang lalaki ritong pinag-aalaban ng kakamunting apoy Upang tugunin ang hinamon nyang pag-irog, sabihin mong Ikukubli ko ang puti kong balbas sa bastipol, At sa loob ng baluti, ang nanghihina ko nang kalamnan, At haharapin ko sya, at sasabihin sa kanya, na mutya koy Higit ang ganda sa kanyang abuwela, at walang-katulad Sa kadalisayan. Bagaman siyay nasa kasibulan ng kabataan,

Troilo at Kresida 22 William Shakespeare Sa tatlong patak ng dugo ko, itoy aking patutunayan. ENEAS Kasihan ng langit ang inyong kasalatan sa kabataan! ULISES Amen. AGAMENON Magilas na Poong Eneas nais kitang kamayan. Ihahatid muna kita sa aming iskutilyon, Ipararating namin kay Akiles ang paghamong ito, Maging bawat panginoong Griyego, mula tolda sa tolda. Kayo namay aanyayahan naming makisalo sa piging, At iyong makikita ang paggalang sa aming pagturing. Magsisilabasan ang lahat liban kina ULISES at NESTOR. ULISES Nestor! NESTOR Anong wika mo, Ulises? ULISES May hilaw na balaking niluluto ang aking isipan; Ikaw sana ang siyang magdalang-kaganapan. NESTOR Ano ito? ULISES Sasabihin ko: Purol na patalim ang hihiwa sa nagkunat na buhol. Ang binhi ng kapalaluang kusang tumandat lumago Dito kay Akiles ay nararapat na nating ilagot, At baka kung magbungay biglang magsilang ng samang Ikamamatay nating lahat. NESTOR Subalit paano? ULISES Ang hamong itong pinadadala ni Ektor na magiting, Bagaman wariy pinauukol sa lahat ng tao, Sa katotohanay nilayong umukol lamang ka y Akiles. NESTOR Tunay nga: napakalinaw ng kanyang layunin, Masusukat ito na para bang sinulat gamit ang mga bilang. At ngayong pinabatid na sa balana, walang alinlangang Si Akiles (isipan man niyay sadyang kasing-tigang Ng buhanginan ng Libya at si Apolo ang nakaaalam Na talino nga nyay ganon katigang) daglian pa ring Tutugon sa paghamon ni Ektor, at aakalaing Siya lang ang tinutukoy. ULISES Tutugon baga si Akiles, tantya mo? NESTOR Abay sa malamang. Mayron pa nga bang ibang Makasasagot sa gayong paghamon ng dangal ni Ektor

Troilo at Kresida 23 William Shakespeare Kundi si Akiles? Kahit wariy laru-laro lang ang hamon, Aantabayanan pa rin ito ng maraming tao, Dahil matitikman na ng mga Troyano ang maanghang nating kapangyarihan Sa pamamagitan ng pinakatanyag nilang dila. At maniwala ka, Ulises, Tayo ang lumalabas na alanganing magwagi at dehado Sa pasiklabang darausin; sapagkat kung tayong magwagi, Bagaman lumabay isa lang, ang kanyang papalarin Ay dadamayan ng ligaya o lungkot ng lahat. At ang prologong ito, bagaman maikling pambungad lang Sa susunod na mahabang kuwento, ay kakikitaan na Ng malasanggol na wangis ng buong dambuhala, Na syang kalalabasan nitong lahat. Inaakala kasi nila, Na sinumang haharap kay Ektor ay sya nating pinili; At ang pagpiliy pasya ng pinag-isa nating kaluluwa, Kayat lumalabas na karapat-dapat ang ating mahihirang, Isang lalaking anakiy niluwal at nilikha mula Sa pinagsama-sama nating kahusayan; at kung masawi, Anong ligaya ng tagumpay ang mapapala ng ating puso Kundi dulot ng ligayang patitibayin don ng pag-iisip? At kung palarin nga, sa kanya man ang bisig na wagi, Magiging sa tin din, gaya ng ang bisa ng tabak at panay Dahil sa husay ng bisig na gumamit. ULISES Pahintulutan akong magwika. Pinatutunayan lamang nito, Na di dapat makaharap ni Akiles si Ektor. Tayoy gumaya Sa mga negosyante pinakikita munang pinakahamak na produkto, Nagbabakasaliy bumenta ang mga ito. Kung hindi naman, Ang produktong mas mainam ay lalong titingkad, pagkat binida Muna yung uring mababa. Wag nyong hayaang Magkatapatan sina Akiles at Ektor dangal natit kahihiyan Ay susunod sa yapak ng dalwang kalalabasan. NESTOR Hindi ko maaninag ang dalawang ito. Tukuyin. ULISES Anumang karangalang mahita ni Akiles kay Ektor, Kundi siya palaloy pakinabang sana ng lahat. Subalit, labis na siyang naging hambog, At mas maigi pa sa ting maluoy sa init ng Aprika Kaysa sa titig ng palalot mapagmataas nyang mata, Sakaling malampasan nya si Ektor. Kung talo, Pues mayuyurak ang minumutya ng ating mga panimbang Sa kasawian ng pinakamagiting nating sundalo. Wag! Magpalabunutan tayo, at maghanap ng paraan Para si Ayax na hangal ang mapiling lumaban kay Ektor,

Troilo at Kresida 24 William Shakespeare Pagkasunduan nating siya ang lumabas na pinakamagiting; Tiyak na titino itong hambog na Mirmidon, Na nag-iinit sa papuring labis; siyay babagsak Nang higit pang mababa kaysa pagyukod ng diyosa ng bahaghari. Kung tumagal at mabuhay sa laban ang tunggak na si Ayax, Aawitan natin siya ng mga papuri. Kung masawi naman, Walang galos sa ating dangal, gayong batid ng lahat Na mayron pa sa ting nabubuhay na lalong higit ang giting. Matalo man o manalo, abot pa rin natin ang ating layunin: Sa pagdakila kay Ayax, si Akiles ang siyang hahamakin. NESTOR Ulises, Ngayon pa lang nalalasap ang tamis ng yong mungkahi, At ora mismoy patitikimin ang sarap nito Kay Agamenon. Hayot puntahan natin sya. Dalwang asong magpapaamo sa isat isa; kapalaluan Ang buto na kanilang pag-aawayan at pag-aagawan. Magsisilabasan.

II.i.

Papasok sina AYAX at TERSITES.

AYAX Tersites! TERSITES Si Agamenon pano kung tadtad siya ng mga butlig, mula ulo hanggang paa? AYAX Tersites! TERSITES At nagnanana nang mga pigsa nya? Naku, di maggagata s ang heneral, ano? Butlig nang lalabanan nya, ganon? AYAX Hoy aso! TERSITES Lalabasan siya ng mga katas naku, sa wakas, lalabasin din; ngayon kasiy walang-walang malabas ang hunghang. AYAX Anak ng puta ka, di ka ba makarinig? Tingnan natin kung meron kang maramdaman. Hahambalusin niya si TERSITES. TERSITES Dapuan ka sana ng salot ng Gresya pusakal na timang! AYAX Magsalita ka, panis na ulam, magsalita! Hahambalusin kong mukha mo nang umayus-ayos naman yan! TERSITES At ikaw, mumurahin kita hanggat tumino ka, hanggat pasukan ng kakamunting katinuan yang kokote mo; mas mautak pa sa yong kabayo mo. Hanggang gulpi lang ang alam mong gawin walang-modong gago! AYAX Tubong-lupa, sabihin mo sa kin ang proklamasyon. TERSITES Kung makagulpi to kala mo manhid ako.

Troilo at Kresida 25 William Shakespeare AYAX Ang proklamasyon! TERSITES Sabi daw, tanga ka. Yun ang dinig ko. AYAX Magtigil ka, daga, magtigil ka; nangangating kamao ko ngayon, sige. TERSITES Mangati ka sana mula ulo hanggang paa tamo, akong kakalmot sa yo; gagawin kitang pinakanakasusukang peklat sa buong Gresya. Lakas ng loob mong kumagat sa hamon, kulelat ka naman. Ang kupad-kupad mo! AYAX Ang proklamasyon sabi! TERSITES Mayat maya kang padabog-dabog tungkol kay Akiles, inggit na inggit ka sa kasikatan niya, parang si Cerbero sa kagandahan ni Proserpina kaya ayan, kahol ka nang kahol, asong ulol! AYAX Hoy, Manang Tersites! TERSITES Subukin mo lang syang dagukin AYAX Uldog! TERSITES Dudurugin ka lang niyang parang biskuwit sa kanyang kamao, kala mo. AYAX Anak ka ng babaeng bayaran! Hahampasin niyang muli. TERSITES Sige pa, Ayax, sige pa, arinola ng mangkukulam! Ano, sige, hambalos pa, hambalos pa, timang! Mas may utak pang siko ko kaysa sa ulo mo; makipagusap ka sa asno, ikaw pang matututo. Ang laki-laki mong sanggano! Ang silbi mo lang dito, pumatay ng mga Troyano; inarkilang mamamatay-tao ka lang, bayaran ng taong mautak, barbaro! Kahit bugbugin mo pa ko, sasabihin ko pa rin kung sino ka simula sa yong sakong, at paakyat nang paakyat, papulgapulgada, hanggang matuto kat magkabayag. AYAX Isa kang aso! TERSITES Poong punyetero! AYAX Pulgas! Hahampasin niya si TERSITES. TERSITES Tangang alila ni Marte! Sige pa, bargas, sige; hampas pa, kalabaw, hampas! Papasok sina AKILES at PATROKLO. AKILES Anong nangyayari, Ayax! Bat ka nagwawala? Anong problema, Tersites! Anong gusot ito, ha? TERSITES Kita mong timang na yan, di ba? AKILES Siyanga, anong kaso? TERSITES Hindi, tingnan mo sya. AKILES Tinitingnan ko na. Ano ngayon? TERSITES Hindi, titigan mong maigi. AKILES Maigi? Ayan, tiningnan ko na.

Troilo at Kresida 26 William Shakespeare TERSITES Pero hindi mo tinututukan. Kahit pagkamalan mo pa sya kahit kanino, sya pa rin si Ayax. AKILES Kilala ko sya, hunghang. TERSITES Pero di kilala ng hunghang na yan ang kanyang sarili. AYAX Kaya kita binanatan. TERSITES Aba, aba, aba, lintikan sa talinong magsalita ang loko! Ganito kahaba ang kanyang mga patutsada. Mas maraming beses ko pang kinanti ang kanyang isip kaysa binali nyang aking mga buto. Ang baryang gagastusin ko para bumili ng siyam na maya, siyam na utak na niyang kayang bilhin. Ang panginoong ito, Akiles, itong si Ayax, na nagsusuot ng utak sa kanyang tiyan at sikmura sa kanyang kokote sasabihin ko sa yo kung anong tingin ko sa kanya. AKILES Ano? TERSITES Ang Ayax na ito Babantaan siya ni AYAX. AKILES Wag, butihing Ayax. TERSITES Ay walang sapat na utak AKILES Kailangan kitang awatin. TERSITES Upang pasakan ang mata ng karayom ni Elena, na siyang dahilan kung bakit nakikipagbabagan siya rito. AKILES Tumahimik, buhong. TERSITES Ibig ko ang kapayapaan at katahimikan, ngunit ayaw pumayag ng hunghang siya, yang taong yan, tingnan mo! AYAX Sinumpang askal! Lagot ka sa kin AKILES Hahamakin bang talino sa pagpatol sa luku-luko? TERSITES Sinasabi ko, di nya gagawin yon pahihiyain lang sya ng luku-luko. PATROKLO Maghunus-dili, Tersites. AKILES Ano bang pinag-aawayan nyo? AYAX Inutusan kong hayop na kuwagong yan, na ipaalam sa kin ang nilalaman ng proklamasyon pero panay banat sya sa kin. TERSITES Hindi kita amo. AYAX Naku, naku, ulol mo! TERSITES Nandito ako sa kusang loob. AKILES Ang huli mong paninilbihan ay dahil sa parusa, hindi dahil sa pagkukusa. Wala namang nagkusang basta lang binubugbog. Si Ayax kamo ang nagkusa, at ikaw ang naarkilang sundalo. TERSITES E ano! Kahit ikaw, malaking parte ng katinuan moy nakasaksak sa yong kamao o kundiy sinungaling ang lahat. Masasarapan, tiyak, si Ektor na mahambalos sa utak ang maski sino sa inyo; para lang siyang babasag ng kastanyas na walang laman sa loob. AKILES Pati sa kiy nagagalit, Tersites? TERSITES Iyang si Ulises at si tandang Nestor, na inaamag nang utak bago pa man

Troilo at Kresida 27 William Shakespeare tubuan ng kuko sa paang mga loleng nyo, kinukubabaw kayong parang mga kalabaw ng magsasaka, binubusabos kayo sa labanang ito. AKILES Ano? Ano? TERSITES Naku, siyanga. Arya, Akiles! Arya, Ayax, arya! AYAX Puputulin ko yang dila mo. TERSITES Walang-kuwenta; mas maraming katinuan pa rin akong masasabi kaysa sa yo. PATROKLO Wag nang mangusap, Tersites; tumahimik! TERSITES Bat ako titigil? Porket inutusan ako ng putatsing ni Akiles, ganon ba? AKILES Nabanatan ka tuloy, Patroklo. TERSITES Papanorin ko muna kayong mabigti, mga tunggak, bago ako lumapit -lapit sa mga tolda nyo. Mananatili ako kung saan may matatalinong tao; diyan na kayo, barkadahan ng mga tanga. Lalabas. PATROKLO Salamat at nakaalis din. AKILES (kay AYAX) Ito ang ipinamamalitang proklamasyon: Si Ektor, pagpatak ng ikalabing-isa ng umaga, Sa pagitan ng tolda natin at ng Troyay papakakak Upang hamunin sa labanan ang kahit sinong kabalyero, Na may lakas ng loob at matatag na sikmurang patunayan Kung ano ay ewan. Katarantaduhan! Adiyos. AYAX Adiyos. Sinong kakagat sa hamon? AKILES Di ko alam. Idadaan daw sa palabunutan. Kung hindi, Alam naman kung sinong dapat. Lalabas kasama si PATROKLO. AYAX Ay, ibig nyang sabihin siya! Iimbestigahan ko pa. Lalabas.

II.ii.

Papasok sina PRIAMO, EKTOR, TROILO, PARIS at ELENO.

PRIAMO Pagkalipas ng mga winaldas na oras, buhay, at salita, Muling nagpadalang-pahayag si Nestor galing sa mga Griyego: Isauli sa min si Elena, at bawat pagkasirang natamo Sa dangal, panahong nagugol, pagsisikap, salapi, Mga sugat, kaibigan, at anumang naguhong iniibig

Troilo at Kresida 28 William Shakespeare Na nilamon ng nagbabagang katakawan ng digmaan Ay mababaon na sa limot. Ektor, anong palagay mo? EKTOR Bagaman akoy walang kinatatakutang Griyego (Hanggat sa sariling pakinabang ko lang ang usapin), Ngunit, Priamong dakila, Wala nang babaeng mas lalambot pa ang sikmura, Mas dali-daling makasagap sa hangin ng sindak, Mas handang sumigaw ng Aba! ano kayang mangyayari? Kaysa kay Ektor. Kumpyansang kaaway ng kapayapaan, Kumpyansang di-patitinag; pag-iingat ang siyang Tanglaw ng may-dunong, ang instrumentong pangmanggagamot Na sisiyasat sa sanhi ng sakit. Isuko na si Elena. Sapul nang mag-ambahan ng armas dahil dito, Ang bawat ikapung kalulwang naalay nang sanlibong ulit Ay higit pang mahal kaysa kay Elena, lalot silay kalahi natin. Kung ganon nang karaming namatay sa ating panig Upang bantayan ang isang bagay na di naman sa atin Kahit sabihin pang si Elenay Troyana, malaking kasayangan pa rin Anong kapangyarihan ang taglay ng katwirang Tatangging sya nay masauli? TROILO Aba, kapatid! Sinusukat mo ba ang halagat dangal ng haring Kasingdakila ni Ama nang gamit ang hamak na panimbang Ng mga barya? Ihahambing ba sa pipitsuging kwalta Ang kadakilaan niyang hinding-hindi masusukat, At itataya ang kanyang kawalang-hangga Sa kulang-kulang na dangkalan at pulga-pulgadang Gaya ng takot at katuwiran? Abay kahiya-hiya! ELENO (kay TROILO) Sa bagsik ng iyong pagbatikos sa tamang katuwiran Ay lumalabas ang iyong kamangmangan. Hindi bat nararapat Na pagbatayan ni Ama ang katuwiran sa usaping ito, Gayong ang talumpati moy salat sa anumang karunungan? TROILO Bagay sa yoy matulog at umidlip, kapatid kong saserdote. Labis kang giniginhawa ng yong katuwi-katuwiran. Ito ang katuwiran: alam mong susugod ang kaaway; Alam mong dapat ikabahala ang sundang na nakaamba, At sa harap ng peligroy tumatakas ang katwirang duwag. Sinong magugulat kung makaharap ni Eleno ang isang Griyegong nakaarmas, at biglang tatalilis syang paalis Anakiy si Mercuriong sinuway ng dakilang si Jov, O kayay bituing kumalas sa langit? Kung katwiran

Troilo at Kresida 29 William Shakespeare Ang usapan, abay isara ang mga puerta! Humimbing na lang! Ang pagkalalakit dangal ay mababakla sa kaiisip Hinggil sa katwirang yan! Pinatatamlay Ng katwiran at pitagan ang tapang at lakas ng loob. EKTOR (kay TROILO) Kapatid, hindi sapat ang halaga ng babaeng yon. Sobrang ating bayad. TROILO Di bat tayo ang nagpataw ng halaga? EKTOR Ang halagay di dapat pinapataw nang basta -basta; Nagmumula ang dingal at yaman nito Sa sarili nitong angking karangyaan, Di lamang sa pananaw ng humahanga. Kaululang Dumaig ang rangya ng pagsamba sa dingal ng diyos; Turingang hibang ang kaloobang nahahaling Sa bagay na pinili nitong ikagumong lubha Kundi naman nun taglay ang sapat na patunay ng halaga. TROILO Kung akoy mag-asawa ngayon, ang pagpili koy Dahil sa utos at himok ng aking kalooban Kaloobang pinukaw ng pangmalas kot pandinig, Dalawang marinerong matapang na lumalakbay Sa dagat ng kalooban at panimbang. Ngayon, Kahit labag sa kalooban, paanong matatanggi Ang asawang pinili? Imposible ang gawang tumakas At biglang umayaw habang naninindigan. Di natin sinasauli ang sutla sa pinagbilhan Makaraang itoy mamantsahan, at ang pagkaing natiray Di natin basta-basta itinatapon sa basurahan Porket tayoy busog na. Isinaisip nating nararapat Na paghigantihan ni Paris ang mga Griyego. Hininga ng inyong pag-ayon ang umihip sa kanyang layag; Ang dagat at hangin, na dating kaaway, huminahon Upang syay akayan. Sa wakas, dumaong din siya, At kapalit ng tiyahin nating bihag sa Gresyay Nag-uwi ng Griyegang reyna, na sa kasariwaan, Waring hukluban si Apolo, at sa ganday nananamlay Ang bukang-liwayway. Bat natin hindi isusuko? Bihag pa rin ng mga Griyego ang ating tiyahin. Sya bay Mahalaga? Di bat singyaman sya ng mamahaling perlas? At sa yamang iyon, sanlibong barko ang napalaot, At nagwaring mangangalakal ang mga haring maharlika. Kung inyong ipalagay na wastong ginawa ni Paris At wag limuting kayo rin ang nambuyo noong simula

Troilo at Kresida 30 William Shakespeare Kung inyong amining hiyas ang dinagit nyang pauwi At wag limuting kayoy nagsipagpalakpakan, At nagsabing Walang katulad! aba, bakit ngayoy Hinahamak nyo ang pasya ng inyong karunungan At dinadaig sa kapritso ang Kapalaran Yamang tinatayang basura ang tinuringan noong Higit sa dagat at lupa? Abang pagnakaw, Pinuslit ang yamang kinatatakutang hawakan! Mga kawatan tayong hindi karapat-dapat sa ting ninakaw, Na gumawa ng lapastangan sa bayan ng ating kaaway At hanggat dito sa sariling lupain ay ayaw manindigan! Papasok si KASANDRA, nagwawala, nakalugay ang buhok sa kanyang taynga. KASANDRA Tumaghoy, o Troya! PRIAMO Anong ingay? Anong hiyawan? TROILO Ang hibang nating kapatid. Kilala ko ang kanyang tinig. KASANDRA Tumaghoy, Troya! EKTOR Si Kasandra. KASANDRA Tumaghoy, mga Troyano! Akin nang sanlibong mga mata, Paaagusin ko sa propetikong pagluha. EKTOR Tahan na, kapatid, tahan na! KASANDRA Mga dalagat binata, gitnang gulang at nangulubot sa katandaan, Maseselang sanggol, na marunong lamang umiyak, Makisalo sa king linggal! Umambag na Nang munti sa malawakang pamimiyapis na mangyayari. Taghoy, o Troya! Sanayin ang pagdalamhati! Wala na ang Troya, guguho na ang Ilyo; Ang apoy ng sulong si Paris ang tutupok sa tanan. Magsitaghoy, mga Troyano! Si Elenay hapis! Taghoy! Troyay tupukin, o si Elenay palayain. Lalabas. EKTOR Ngayon, binatang Troilo, hindi baga Pumukaw ng pagsisisi itong Hiyaw ng manghuhulang kapatid? O dugo mo bay Labis nang nagkukulot di-pahihimok Sa katuwiran, o maghunus-dili man lang dahil

Troilo at Kresida 31 William Shakespeare Sa banta ng kasawian? TROILO Kapatid kong Ektor, Hindi natin dapat sinusukat ang katarungan ng gawa Nang batay lamang sa kalalabasan nito, At lalong hindi to dapat kamuhian ng ating katwiran Dahil lang sa kabaliwan ni Kasandra. Di masisira Ng kanyang kaululan ang katinuan ng ating layunin, Na magiging lalong dakila gayong bunsad Sa ating karangalan. Palagay koy sa lahat Ng anak ni Priamo, akong pinakanangangamba Dalangin koy wala sa ting gumawa ng salang Katatakutang panindigan ng kahit Pinakaduwag sa ating lahat! PARIS At baka pagbintangang walang-kuwentang kasalbahihan Ang aking nagawa at ang inyong karunungan. Sumpa sa langit, pahintulot nyo ang syang Nagbigay-pakpak sa king nasa, at pumatid Sa takot na kalakip ng gantong kahirap na gawain. Ano bang makakamit ko nang nag-iisa? Anong gilas ang taglay ng katapangan ng iisang tao, Na makakayanang tiisin ang dahas at muhi Ng kanyang makakabanggaan? Gayumpaman, Ako may mag-isang haharap sa naturang panganib, At taglay ang kapantay na lakas sa katatagang-loob, Hinding-hindi aatras si Paris sa pagbaka, Hindi susuko. PRIAMO Paris, nangungusap kang Lango sa iyong mga pagnanasa. Lasap mo ang tamis, ngunit sa kanila ang pait. Kung gayon, walang saysay ang maggiting-gitingan. PARIS Senyor, di lamang sa akin mauukol ang sarap Na matatamo sa gayong sakdal-kariktan. Nais kong mawala ang dungis ng kanyang pagkabihag Sa pamamagitan ng dalisay na pag-angkin sa kanya. Anong kalapastanganan sa reynang dinakip, Paghamak sa inyong karangalan, at kahihiyan sa akin, Kung syang ating hawak ay biglang isuko Nang dahil lamang sa kapritso! Maaari bang Magmula sa maharlika ninyong mga dibdib Ang ganyang aba at imbing pagpapasya? Kahit ang pinakaduwag sa ating hukboy May lakas ng loob, at espadang nakalaan

Troilo at Kresida 32 William Shakespeare Kung para ipagtanggol si Elena; ni walang bayaning Kalilimutang dakilain sa pagbuwis ng buhay Bastat si Elena ang pinag-alayan. Pues, Maipaglalaban natin nang buong giting Ang gandang sa buong daigdig ay walang kahambing. EKTOR Paris at Troilo, mahusay ang inyong nasabi, At hinggil sa ating paksang pinaghuhuntahan, Kayoy nag-ambag ngunit, pagkababaw lamang. Kayoy gaya ng mga binatang ayon kay Aristoteles Ay di pa handang matuto ng pilosopiyang moral. Ang pangangatuwiran nyoy pumapanig Sa init ng libog ng dugong naliligalig Kaysa sa isang patas na paninimbang Ng tamat mali, pagkat ang nasat higantiy May mga tayngang bingi sa maayang tinig Ng wastong pagpasya. Utos ng kalikasan, Na ang bawat kasangkapan ay sa kanilang may-ari. Ngayon, Sa buong sangkatauhan, ano pang mas aakma Kaysa babae sa kanyang asawa? Kung itong tuntunin Ng kalikasan ay labagin nang dahil sa pagnanasa, At mga dakilang isipan, dahil sa pagmamakasariliy Magtigas-tigasan at di-tumalima, Mayroong batas sa bawat sibilisadong bayang Susuway sa gayong kapusukang Sutil at di-paayon sa tamang gawi. Kung si Elenay asawa ng Espartanong hari, At batid ito ng lahat, alinsunod sa batas Ng kalikasan at ng bawat bayan, dapat siyang Isauli sa kanyang may-ari. Ang pagtuloy Sa paggawa ng salay di-makabawas-pinsala Bagkus, nagdaragdag sa pagkasira. Ito ang katotohanang giit ni Ektor ngunit, Mga kapatid kong mapupusok, akoy susuko sa inyong Paninindigang panatilihin dito si Elena, Gayong nakasandig nang di-hamak Ang kani-kaniya nating dangal sa naturang sigalot. TROILO Aba, natumbok mo ang diwa ng ating pagbaka! Kung hindi karangalan ang tuon nitong lahat Bagkus ay dahil lamang sa ating kapusukan, Abay itigil nang pagdanak ng dugong Troyano Sa ngalan ni Elena. Ngunit, Ektor na magiting, Syay ubod ng karangalan at kabantugan,

Troilo at Kresida 33 William Shakespeare Panghimok sa mga gawaing matayog at magiting Na syang wawasak sa puwersa ng kaaway, At sanhi ng kabantugan natin balang-araw. Tiyak akong hindi ipagpapalit ni Ektor Sa maski anong yaman sa buong daigdig Ang pangakong kadakilaang mapapala Sa naturang pagpupunyagi. EKTOR Akoy sa yo, Magiting na anak ni Priamong dakilang hari. Nagpadala ako ng isang kagila-gilalas na hamon Sa matamlay at inaantok nang kampo ng Gresya Tiyak na silay maaalimpungatan dito. Ibinalita sa kin, na natutulog ang kanilang heneral Samantalang nagkalat ang himagsikan sa hukbo. Ito na marahil ang bubulahaw sa kanya. Magsisilabasan.

II.iii.

Papasok si TERSITES, mag-isa.

TERSITES Ano na, Tersites? Naliligaw na ba sa labirinto ng iyong galit? Hahayaan bang mapunta ang karangalan sa elepanteng si Ayax? Ginugulpi nya ko, siya namay minumura ko. Ay, anong sarap! Kung maaari lamang na siyang bugbugin ko, at ako na lang ang mura-murahin nya. Dyos ko, handa akong mag-aral tumawag ng mga maligno basta bay magkasilbi ang panlalait ko sa kanya. Tapos, nariyan din si Akiles, napakatusong tiktik! Kung hindi gumiba ang Troya dahil sa dalawang buhong na yan, abay kailangang maghintay nang siyam-siyam para kusang masira ang mga muralya. Ay, dakilang lintikero ng Olimpo, kalimutan mo nang ikaw si Jov, hari ng mga diyos, at, Mercurio, alisin ang makaserpiyenteng husay ng iyong caduceo, kung hindi ninyo kayang kunin ang napakaliliit, ganggamunggong utak nila. Maski kamangmangan mismo, alam na di nila kayang agawin ang langaw mula sa gagamba sa pamamagitan ng tusong diskarte lamang, bagkus maghuhugot pa sila ng malalaking espada para lang kalagin ang sapot ng gagamba! Sumpain ang buong hukbong ito! Magkasipilis sana kayong lahat! Ganyan naman ang kadalasang nangyayari sa mga nakikipagbasag-ulo nang dahil sa kepyas! Tapos na ang aking panalangin, at tumutugon ang diyablo ng Inggit sabi nyay Amen Aba, ang poon kong si Akiles! Papasok si PATROKLO sa pintuan ng tolda. PATROKLO Sinong nariyan? Tersites? Butihing Tersites, pumasok ka rito. Dito ka sa loob magwala. Lalabas.

Troilo at Kresida 34 William Shakespeare

TERSITES Kung inisip ko ang isang pekeng barya, di sana kita nalimutan. Pero, di bale na. Mas masahol ka pagkat ikaw ang iyong sarili! Daluhungin ka sana ng karaniwang sumpa ng sangkatauhan kapabayaan at kamangmangan! Wag sanang pahintulutan ng langit na ikay maturuan, at wag ka sanang dapuan ng dunong! Magumon ka sana sa libog ng iyong dugo hanggang kamatayan; at kung balang-araw ay magkaroon ng babaeng maghahanda sa iyong lamay, at sabihin niyang ubod ng rikit ang iyong bangkay, pasisinungalingan ko siya, at ipagkakalat ko, na ang katawan mo, na kanyang nilatagan, ay katawang tadtad ng mga ketong. Papasok si PATROKLO. Amen. Nasan si Akiles? PATROKLO Ano, banal ka na pala? Nagdadasal ka ba? TERSITES Oo, pinakikinggan ako ng langit! PATROKLO Amen. Papasok si AKILES. AKILES Sinong nariyan? PATROKLO Si Tersites, poon. AKILES Nasaan, nasaan? O, nasaan? Nandito ka pala? Ay, aking keso, ikaw na tumutulong sa king pantunaw, bakit kay raming kainan ka nang hindi nahahain sa king hapag? Bueno sino ba si Agamenon? TERSITES Ang iyong pinuno, Akiles. Pues, sabihin mo sa kin, Patroklo, sino ba tong si Akiles? PATROKLO Ang iyong panginoon, Tersites. Pues sabihin mo sa kin, samo ko, sino ka ba? TERSITES Ang nakakikilala sa iyo, Patroklo. Sabihin mo sa kin, Patroklo, ano ka nga ba? PATROKLO Ikaw ang magsabi, ikaw na nakaaalam. AKILES Sige, sabihin mo, sabihin. TERSITES Papasadahan ko ang buong katanungan. Pinuno ni Akiles si Agamenon, si Akiles ang aking panginoon, akong nakakikilala kay Patroklo, at si Patrokloy isang hunghang. PATROKLO Tarantado ka! TERSITES Huminahon, hunghang! Di pa ko tapos. AKILES Malaya siyang magsalita. Magpatuloy, Tersites. TERSITES Si Agamenon ay hunghang, si Akiles ay hunghang, si Tersites ay hunghang, at gaya ng nasabi na kanina, si Patrokloy hunghang. AKILES Patunayan mo, dali. TERSITES Hunghang si Agamenon para pamunuan si Akiles, hunghang si Akiles para

Troilo at Kresida 35 William Shakespeare magpautos kay Agamenon, hunghang si Tersites para pagsilbihan ang isang hunghang, at si Patrokloy talagang hunghang lamang. PATROKLO Bakit ako hunghang, aber? TERSITES Diyos ang tanungin mo tungkol dyan. Sapat na sa king malamang hunghang ka nga. Teka, sino yang paparating? Papasok sa kalayuan sina AGAMENON, ULISES, NESTOR, DIOMEDES, AYAX, at KALKAS. AKILES Patroklo, wala akong kakausapin. Samahan mo ko, Tersites. Lalabas. TERSITES Masdan ang kaululan, katarantaduhan, at kasalbahihang ito! Ang pinagaawayan ng lahat ay isang puta at pindeho at sapat nang dahilan yon para pagalabin ang mga puwersang magdigmaan at mag-ubusan ng dugo hanggang kamatayan. Ketongin sana ang sanhi ng lahat nitong gulo at wasakin sana ng digmaan at libog ang lahat! Lalabas. AGAMENON Nasan si Akiles? PATROKLO Sa loob ng kanyang tolda, pero walang ganang makipag-usap, poon. AGAMENON Ipabatid sa kanyang naririto kaming lahat. Pinalayas niya ang pinadala naming sugo, At kamiy nagpakababa upang syay dalawin. Sabihin to sa kanya, at baka akalain nyang Isasaisantabi namin ang aming dangal, At limutin ang aming sarili. PATROKLO Makakarating. Lalabas. ULISES Nakita natin siya sa bungad ng kanyang tolda. Wala syang sakit. AYAX May-sakit siya sakit ng kayabangan. Puede mong tawaging lumbay kung kakampi ka sa buhong, pero, sa ngalan ng aking ulo, nagpapalalo lang ang uldog. Pero bakit, bakit? Hayaang ipakita nya ang dahilan. Saglit lamang, poon. Kakausapin niya nang lingid si AGAMENON. NESTOR Bakit biglang nag-iinit itong si Ayax? ULISES Inagaw ni Akiles ang kanyang lukayo. NESTOR Sino, si Tersites? ULISES Siya nga. NESTOR Pues, naubusan pala ng dahilan itong si Ayax magwala. ULISES Hindi, dahil ang dahilan ng kanyang pagwawalay inagaw ng isa pang dahilan upang siyay magwala si Akiles.

Troilo at Kresida 36 William Shakespeare NESTOR Lalong maigi; mas makabubuti sa tin ang kanilang pagbabangayan kaysa dati nilang pagsasabwatan. Pero pambihirang alyansa yan nabuwag nang dahil lamang sa isang payaso. ULISES Ang pagsasamang hindi binigkis ng dunong, madaling nabubuwag ng isang buhong. Papasok si PATROKLO. Heto si Patroklo. NESTOR Walang Akiles na kasama. ULISES May kasing-kasing ang elepante, ngunit hindi para makayukod. Mga binti niyay para makakilos, at hindi para lumuhod. PATROKLO Inutusan ako ni Akiles na humingi ng tawad Kung higit sa katuwaan ang dahilan Ng marangal at maharlika ninyong pagdalaw. Panalangin niyang dumalaw kayo para lang Matulungan ang pagtunaw sa inyong hinapunan, Pamamasyal makatapos kumain. AGAMENON Dinggin, Patroklo: Batid namin ang pahiwatig ng ganyang katugunan; Pero ang pag-iwas nyang pinatulin ng paglait Ay di-makatatakas sa ming pag-unawa. Mataas ang pagkilala sa kanya, kayat Ginagalang namin. Pero, ang kanyang giting, Na salat-sa-giting niyang tinataglay, Ay unti-unti nang nawawalan ng dingal, At parang prutas sa piling na nabubulok, Ay baka di na matikman. Sabihin sa kanyang Pumarito kami upang syay kausapin. Banggitin ding Kamiy labis nang nayayabangan sa kanya; Kulang sya sa katapatan turing sa sariliy Higit sa nararapat; at mga taong lalong marangal Sa kanyay nagtitiis sa kanyang kahamakan, Kaya hetot nagpapakaaba na lamang, Nagsusunud-sunuran, pinagbibigyan Ang kanyang kahambugan pinanonood Ang pag-iinarte nya, ang kanyang mga sumpong Akala moy nakasalalay ang buong tagumpay Sa kanyang balikat lamang! Sabihin mo pati, Na kung syay magpapatuloy sa pagmamayabang, Wala syang silbi sa min turing sa kanyay makinaryang Pulpol at di mabubuhat iuulat sa kanyay Dalhin ang digmaan dito hindi to makagalaw.

Troilo at Kresida 37 William Shakespeare Mas uunahin namin ang unanong gising Kaysa higanteng naiidlip. Sabihin mo. PATROKLO Gagawin ko at iuulat ang kanyang tugon. AGAMENON Hindi kami kuntento kung manggaling sa iba ang sagot. Siya ang kausap namin. Ulises, pasukin mo. Lalabas si ULISES kasama ni PATROKLO. AYAX Ano bang dinaig niya sa ibang tao? AGAMENON Wala, liban sa akala nya sa kanyang sarili. AYAX Nakahihigit ba siya? Tingin mo bay tingin niyang mas mataas siya kaysa sa kin? AGAMENON Walang duda. AYAX Naniniwala ka ba sa kanyang akala mas higit nga ba siya kaysa sa kin? AGAMENON Hindi, marangal na Ayax, singtapang mo siya, singgiting, sindunong, hindi hahamak sa kamaharlikaan, higit ang hinahon, at sa kabuuay lalong madaling pakitunguhan. AYAX Bakit ba magpapalalo ang isang tao? Saan ba nagmumula ang kayabangan? Hindi ko iyon kilala. AGAMENON Mas malinaw, kung gayon, ang isipan mo, Ayax, at ang halaga moy higit. Siyang palaloy nilalamon ang kanyang sarili. Kapalaluan ang sarili niyang salamin, sarili niyang trumpeta, sarili niyang papuri; at anumang nagmamapuri ng sarili liban sa paggawa ng gawang kapuri-puriy tumataba lamang sa gayong pagmamalaki. Papasok si ULISES. AYAX Galit ako sa taong mayabang, gaya ng galit ko tuwing nagpaparami ang mga palaka. NESTOR [aparte] Ngunit mahal niya ang kanyang sarili. Hindi bat kataka -taka? ULISES Hindi tutungo sa parang bukas si Akiles. AGAMENON Sa anong kadahilanan? ULISES Wala syang binigay. Pero patuloy siya sa kanyang gawi, Na walang kinikilala ni ginagalang Liban sa kanyang sariling isip at yabang. AGAMENON Ayaw ba niyang pagbigyan ang ating hiling Na umalis sa toldat sumama sa tin sa labas?

Troilo at Kresida 38 William Shakespeare ULISES Mga walang kakuwenta-kuwentang bagay Ang tanging inaalala nya. Sa sakdal-kayabangan, Kahit sarili niyay kinakausap nang mayabang Nakikipag-taasan ng ihi sa kanyang sarili, At dugo niyay nagkukulong labis sa akalang kadakilaan, Na sa pagitan ng kanyang isipan at katawan Ay naghuhuramentadong maniniil na si Akiles Hanggang wasaking wari ang sarili. Paano ba? Napakalala ng sakit nyang kahambugan, kayat wala na syang Pag-asang gumaling. AGAMENON Sa Ayax ang pakausap natin. Poon, pasukin nyot batiin sa kanyang tolda. Nababalitang mataas ang tingin nya sa inyo, Baka mahikayat nyong magpakumbaba. ULSES Ay, Agamenon, wag mo yang gagawin! Basbasan ang daang tatahakin ni Ayax Papalayo kay Akiles. Hahayaan ba nating Sambahin nitong ating pinakahinahangaan Ang hambog na naluluto sa sarili nyang sebo, At walang konsiderasyon sa alinmang bagay sa mundo Liban kung patungkol sa kanyang sarili? Hindi! Ang poong itong makatlong ulit nating Pinapupurihan at kinikilalang marangal Ay di dapat magbahid ng dungis sa kanyang karilagan, Ni magpasailalim ng kanyang kamahalan Sa isang palalong gaya ni Akiles. Wag syang utusang pumunta ron. Iyoy dagdag grasa sa yabang nyang nagsesebo na, O baga sa tinding init tuwing ang Kanser Ay kinakanlungan ni Iperiong haring-araw. Ang poong to, dumalaw sa kanya? Dyos ko po! Si Akiles kamong lumapit sa panginoong ito. NESTOR [aparte kay DIOMEDES] Ay, magaling. Ginagatungan nyang yabang ng uldog. DIOMEDES [aparte kay NESTOR] Ang lakas lumamon ng papuri ang kanyang katahimikan! AYAX Kung puntahan ko sya, sasapakin ko Ang mukha nya gamit ang aking kamao. AGAMENON Ay, naku, wag ka nang pupunta. AYAX At kung akong paandarin nya ng yabang, makakatikim sya.

Troilo at Kresida 39 William Shakespeare Papasukin mo na ko. ULISES Hindi, sa ngalan ng ating digmaan. AYAX Walang-kakuwenta-kuwentang buhong! NESTOR [aparte] Makinig, nilalarawan nyang kanyang sarili! AYAX Bat hindi sya marunong makitungo? NESTOR [aparte] Galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw. AYAX Padadanakin kong dugo nyang mainit. AGAMENON [aparte] Nag-aastang manggagamot ang syang may-sakit. AYAX Kung katulad ko lang mag-isip ang bawat tao ULISES [aparte] Mawawala sa uso ang matatalino. AYAX Di sya karapat-dapat. Kainin muna nyang espada ko. Bat sya nagbubuhat ng sariling bangko? NESTOR [aparte] Pareho lang kayong kargador. ULISES [aparte] Kahit bangko ng iba, kinakarga mo. AYAX Lalamutakin ko siya; palalambutin kong todo. NESTOR [aparte] Di pa sya nag-iinit. Pasilabin mo pa. Pasakan mo, pasakan mo, tuyot pa ang kayabangan nya. ULISES [kay AGAMENON] Poon, labis nyong ginagatungan ang kanyang muhi. NESTOR Mahal naming heneral, wag nyong gagawin. DIOMEDES Dapat kayong maghandang lumaban nang wala si Akiles. ULISES Yang panay banggit sa ngalan niya ang problema. Hetong isang lalaki pero akoy kaharap nya; Mananahimik na lamang ko. NESTOR Bakit pa? Hindi naman sya singhambog ni Akiles. ULISES Daigdig, alamin, na siyay puspos ng karangalan AYAX Anak ng putang aso, akala niyay matatarantado nya tayo! Kung sanay Troyano na lamang sya! NESTOR Anong sayang kung si Ayax ULISES Ay palalo DIOMEDES O gahaman sa papuri ULISES O masagwa ang ugali DIOMEDES O makasarili ULISES [kay AYAX] Pero salamat sa Diyos, matamis ang iyong asal. Purihin syang nagsilang at nagpadede sa yo; Mabuhay ang naging guro mo, at ang yong kalikasang Makatlong ulit na higit, lalong higit, sa saklaw ng papuri;

Troilo at Kresida 40 William Shakespeare At sa kung sino mang nagturo sa yong lumaban, Hayaang hatiin ni Marte sa dalawa ang walang-hanggan At ihandog ang isang bahagi nun sa kanya; Kahit si Milong pumasan ng mga toroy susuko Upang mapunta kay Ayax ang bansag na pinakamalakas. Ni hindi ko pupurihin ang yong karunungan Sa takot na mahanggahan ang yong kalawakan. Heto si Nestor na naging pantas sa tagal ng panahon; Imposibleng isiping hindi sya ang pinakamarunong sa mundo. Ngunit patawad, amang Nestor, kung ang gulang moy Singmura ng kay Ayax, hindi ka hihigit sa katalinuhan, Hindi mo malalampasan ang dakilang dunong Nitong si Ayax. AYAX Tatawagin ba kitang ama? ULISES Oo, mabait kong anak. DIOMEDES Magpabuyo ka, Poong Ayax. ULISES Wag na tayong magsayang ng oras dito; ang usang si Akiles Ay nagtatago sa pugad. Poong heneral, bat di na lamang nyo Tawagin ang buong konseho ng digmaan. May mga bagong haring dumating sa Troya; bukas Kailangang maghanda ang buong puwersa ng ating hukbo. At hetong isang poon kahit dumating pa ang mga kabalyero Buhat sa kung-saan-saan, si Ayax pa rin ang mamumukud-tangi. AGAMENON Halinang magtipon. Iwanan si Akiles sa higaan. Mas malaki man ang barko sa bangka, itoy mas mabagal naman.

III.i.

Tunog ng musika sa loob. Papasok si PANDARO at isang ALIPIN.

PANDARO Kaibigan, ikaw, samo ko, saglit lamang. Hindi bat tagasunod ka ng poong si Paris? ALIPIN Opo, ginoo, kung san sya pumupunta, sumusunod ako. PANDARO Ibig kong sabihin, nananalig ka sa kanya? ALIPIN Ginoo, nananalig ako sa panginoon. PANDARO Pues, nananalig ka sa isang bukod-tanging maginoo; dapat ko syang purihin. ALIPIN Purihin ang Panginoon! PANDARO Kilala mo ko, hindi ba? ALIPIN Naku, ginoo, bahagya lamang. PANDARO Kilalanin mo pa kong lalo. Ako si Senyor Pandaro. ALIPIN Naway makilala kong higit ang Inyong Karangalan.

Troilo at Kresida 41 William Shakespeare PANDARO Siya nawa. ALIPIN Kayo po bay taong banal? PANDARO Banal? Naku, hindi, igan. Akoy marangal at maharlika, hindi banal. Anong himig ito? ALIPIN Di ko ho alam nang buo. Itoy isang patse-patseng awitin. PANDARO Kilala mo ba ang mga musikero? ALIPIN Kilalang-kilala, ginoo. PANDARO Kanino sila tumutugtog? ALIPIN Sa mga nakikinig, ginoo. PANDARO Sino nga bang tagapakinig, igan? ALIPIN Ako po, ginoo, at silang mahiligin sa musika. PANDARO Ibig kong sabihin, sa kaninong utos? ALIPIN Aling utos ang kanino, ginoo? PANDARO Kaibigan, di tayo nagkakaintindihan; masyadong pormal ang aking wika, at ikaw namay masyadong tuso umunawa. Sinong nag-utos sa kanilang tumugtog ng musika? ALIPIN Iyan ang diretsahang tanong, senyor. Ang nag-utos, senyor, ay si Paris na aking panginoon; siya ang nakikinig. Kasama niya ang mortal na Veno, ang ubod ng kariktan, ang kaluluwa ng pag-ibig na mamamalas ng mata PANDARO Sino, ang pinsan kong si Kresida? ALIPIN Hindi, senyor, si Elena. Hindi nyo ba nahulaan nang aking nilarawan? PANDARO Pues, lumalabas, katoto, na hindi mo pa nakikita ang Senyorita Kresida. Pumarito ako upang magdalang-pasabi kay Paris mula sa prinsipeng si Troilo. Sasalakayin ko siya, ngunit nang may paggalang, yamang nag-iinit nang lubha ang aking mahalagang pakay. ALIPIN Nagbabagang usapin! Mukhang apoy ang paglalaruan! Papasok sina PARIS at ELENA, kasama ang MGA AYUDANTE. PANDARO Sumainyo ang kagandahan, poon ko, at sa buong magandang pagtitipong ito! Naway magandang palad ang magandang umakay sa inyong lahat! Lalo na sa yo, magandang reyna, magandang isipan nawang magsilbing magandang unan sa inyong paghimbing! ELENA Mahal kong poon, punumpuno ka ng magagandang salita. PANDARO Sambitin nyo ang maganda nyong ibig, reynang kay-tamis. Prinsipeng makisig, hetong maayang piyesang musika. PARIS Siyanga, mga piyesang sinira mo, kaibigan, kayat buuin mong muli; tapusin mo ang piyesang nagkapanting sa pamamagitan ng sarili mong pag-awit. Ineng, kay-husay niyang bumirit. PANDARO Naku, senyora, hindi. ELENA Ay, senyor PANDARO Sintunado ako, sa totoo; sinasabi ko, sintunadong-sintunado. PARIS Nasa tono ka naman, wala lang sa tiyempo. PANDARO May mahalaga kasi akong sasabihin sa iyong poon, mahal kong reyna.

Troilo at Kresida 42 William Shakespeare Poon ko, maaari ba kayong kausapin? ELENA Naku, hindi ka makakatakas. Pakakantahin ka namin, sinasabi ko. PANDARO Aba, reynang matamis, binibiro nyo ko. Pero, puera biro, poon ko: ang mahal kong panginoon at matalik na kaibigan, ang kapatid nyong si Troilo ELENA Poon kong Pandaro, poon kong sintamis ng pulot PANDARO Ay mamaya na, reynang matamis, mamaya na pinakikiusap sa inyo ng inyong kapatid ELENA Hindi mo kami madadaya pakakantahin ka namin. Kung tumakas ka, may reyna kang palulungkutin! PANDARO Reynang matamis, reynang matamis, parang awa nyo na, hirang ko. ELENA At ang magpalungkot ng isang senyoritang matamis ay pagkakasalang ubod ng pait. PANDARO Naku, hindi nyo ko mauuto, hinding-hindi nyo ko mauuto, siyanga. Hindi ako makakanti ng inyong mga salita, naku, hinding-hindi. At panginoon ko, ipinakikiusap niya, na kung hanapin siya ng Hari mamayang hapunan, kayo na lamang ang magpaumanhin alang-alang sa kanya. ELENA Poon kong Pandaro PANDARO Anong ibig ng reyna kong matamis, ng reyna kong saksakan ng tamis? PARIS Bakit, anong pakikipagsapalaran ang pagkakaabalahan nya? San siya maghahapunan? ELENA Teka lamang, poon ko PANDARO Anong ibig ng reyna kong matamis? Magagalit sa inyo ang aking kaibigan. ELENA [kay PARIS] Ayaw nyang malaman mo kung saan sya maghahapunan. PARIS Ipupusta ko ang aking kalulwa, tiyak akong kakain siya kasamang pilyang si Kresida. PANDARO Ay naku, naku, hindi, hindi; malayung-malayo ang inyong akala. Di ba nyo alam, may-sakit ang maldita. PARIS Sya, sya, ako nang magpapalusot para sa kanya. PANDARO Siyanga, poon ko. Bakit nyo naisip si Kresida? Hindi, may-sakit po ang maldita. PARIS Nakuha ko. PANDARO Nakuha nyo! Anong nakuha nyo! Bueno, akin nang instrumento. [Aabutan siya ng isang instrumentong pangmusika.] Heto na, matamis kong reyna. ELENA Aba, sa wakas. PANDARO Ang pamangkin koy lubhang nahihilig sa isang bagay na inyong taglay, matamis kong reyna. ELENA Pues sa kanya na, poon, liban kung itoy si Paris. PANDARO Si Paris? Naku, wala syang interes dyan. Silang dalaway hindi tal. ELENA Ay, kung magtalo silang dalawa, baka silang dalway maging tatlo. PANDARO Ay naku, sya, sya, ayoko nang pag-usapan yan. Ngayon, aawitan ko na kayo. ELENA Ay, samo ko, dali. Sumpa man, matamis kong poon, napakalapad ng inyong noo.

Troilo at Kresida 43 William Shakespeare PANDARO Ay, ewan ko ba sa yo. ELENA Hayaang maging tungkol sa pag-ibig ang iyong awitin. Pag-ibig na wawasak sa ting lahat. Ay, Cupido, Cupido, Cupido! PANDARO Pag-ibig ba kamo? Sya sige, irog. PARIS Bueno, simulan: Pag-ibig, pag-ibig, panay pag-ibig. PANDARO Siyanga, ganyan ang simula: [Aawit.] Pag-ibig, pag-ibig, panay pag-ibig, at pag-ibig pang higit! Ay, ang pag-ibig, kung pumana Sa totoy at neneng tumatama. Nangangagat, nangungurot, Pero wala namang kirot, Kilitiang lagi mong hahanap-hanapin. Ang mag-irog, aaray, halos mahimatay, Pero paglaon nay matututo ring Lumasap ng hapdi, manghuli ng kiliti, Hinimatay man ay buhay pa rin. Ang dating Tama na! Tama na! naging Kulang pa! Kulang pa! Nooy Awat na! Awat na! ngayoy Yun lang ba? Yun lang ba? Ayun na! ELENA Naku, umiibig, sumpa man, umiibig hanggang sa dulo ng ilong. PARIS Wala kasing ibang kinakain yan kundi kalapati, irog, kayat nag-iinit tuloy ang dugo, at ang dugong nag-init, mainit na isipan ang dinudulot, at ang isipang mainit, mainit na gawa ang pinasisimuno, at ang mainit na gawain ay walang iba kundi ang umibig. PANDARO Ganyan ba nalilihi ang pag-ibig? Mainit na dugo, mainit na isipan, at mainit na gawain? Aba, mga ulupong. Ang pag-ibig bay lahi ng mga ulupong? Matamis kong poon, sinong lumalaban ngayong araw? PARIS Sina Ektor, Deifobo, Eleno, Antenor, at ang buong kaginoohan ng Troya. Nais ko sanang sumabak ngayon, pero ayaw ng aking Ineng. Bakit hindi kabilang sa bakbakan si Troilo? ELENA Ay, ipinipinid ang labi tungkol sa kung-ano. Alam mo ang lahat, Poong Pandaro. PANDARO Naku hindi, reynang sintamis ng pulot. Nais kong kumustahin ang pagsabak nila ngayong araw. Wag nyong limutin ang pagpapaumanhin para sa inyong kapatid. PARIS Nakakintal sa king isip. PANDARO Paalam, reynang kay-tamis. ELENA Ikumutsa ako sa iyong pamangkin. PANDARO Aking gagawin, matamis na reyna. Lalabas. Tutunog ang pakakak ng pag-atras ng hukbo. PARIS Buhat sila sa parang. Tara na sa bulwagan ni Priamo

Troilo at Kresida 44 William Shakespeare Upang batiin ang mga gerero. Elenang kay-tamis, Diga koy kitang hubarin ang baluti ni Ektor. Kahit gano kahigpit ang mga sinturon nito, Mahawakan lang ng mala-kandilang daliri moy Higit pang bibigay kaysa sa patalim ng Griyego. Ang di magawa ng kaaway, iyong gagawin: armas ni Ektor, alisin. ELENA Ikadadakila nating maglingkod sa kanya, Paris. Ang serbisyong matatanggap niya sa atin Ay ikararangal ko nang higit sa king kariktan, Hahamakin itong lahat. PARIS Irog, iniibig kitang higit sa kahit anupaman. Magsisilabasan.

III.ii.

Papasok sina PANDARO at ang ALAGAD NI TROILO.

PANDARO Ano, nasan na ang iyong amo? Nasa pamangkin ko bang si Kresida? ALAGAD Hindi, senyor, hinihintay kayong syay ihatid patungo ron. Papasok si TROILO. PANDARO Abay nandito na pala. Kumusta, kumusta? TROILO Katoto, mauna ka na muna. Lalabas ang ALIPIN. PANDARO Nakita mo ba ang aking pamangkin? TROILO Hindi, Pandaro. Nagmanman ako sa kanyang pinto, Parang kalulwang namimiyapis sa pampang ng Estigia, Naghihintay ng bangka. Ay, ikaw sana ang aking Caron, At bigyan ako ng matuling sakay tungo sa kapatagan Kung saan makapaglilibang ako sa piling ng mga liryong Paraiso ng mga magigiting! Ay, maamong Pandaro, Mula sa balikat ni Cupidoy pigtasin ang makulay nyang pakpak, At ilipad ako patungo kay Kresida! PANDARO Maglakad-lakad ka rito sa halamanan. Dali-dali ko syang ihahatid dine. Lalabas si PANDARO. TROILO Akoy nananabik; inuulol ako ng kasabikan. Kay tamis ng hinaharayang ligaya, Nilalango ang bawat kong pandama. Paano pa kaya

Troilo at Kresida 45 William Shakespeare Kung matikman na ng namasang dila Ang dalisay na nektar ng pag-ibig? Kamatayan, pangamba ko, Ang hahambalos ng pagkawasak, o kaya, ang ligayang Matalas ang kagat, nagnanaknak sa tamis, Ang syang lalason at wiwindang sa king kapangyarihan. Nangangamba ako; at pinangangambahan ko ring Magkandalabu-labo ang aking kagalakan, Tulad ng sa bakbakan, tuwing tuluy-tuloy ang daluyong Ng mga kaaway. Papasok si PANDARO. PANDARO Naghahanda na siya; parating na, parating na. Maging listo, samo ko. Lintik ang kanyang pamumula, nauubusan halos ng hininga, akala moy sinasapian ng kung-anong maligno. Susunduin ko. Napakagandang maldita! Pahugut-hugot ng hininga, parang mayang kapapanganak pa lamang. Lalabas si PANDARO. TROILO Ganyang paninidhi rin ang sumasalakay sa king dibdib. Nagkakabog ang aking puso sa sukdulang kaba, Nawawalan ng silbi ang bawat parte ng aking katawan, Anakiy basal na di-magkandaugaga sa biglang pagdalaw Ng kanyang poon. Papasok si PANDARO, at si KRESIDA na nakabelo. PANDARO Halika, halika, bakit ka ba namumula, ha? Pambata ang kahihiyan. Heto na siya. Idiga sa kanya ang mga pangakong diniga mo sa kin noon. [Aatras si KRESIDA.] Ano, aatras kang muli? Kailangan kang puyatin bago magpaamo, ano? Mag-ayos ka nga, mag-ayos; kung ikay tumakas, itatali kita sa hawla. Bat ayaw mong kausapin? Sige na, ihahawi na niya ang tabing, nang masilayan mo ang larawan. [Maaalis ang belo ni KRESIDA.] Aba sa umaga, nilalapastangan nyo ang liwanag! Kung gabi nga lamang, agad-agad kayong mag-aanuhan. Sige na, sige na, patusin ang tudla. [Maghahalikan sila.] Diyosmiyo, halkang walang kabusugan? Sige, karpintero, dyan mo itayo sariwa ang simoy ryan. Magbabakbakan ang inyong mga puso bago ko kayo mahawi sumpa man sa bawat itik sa sapa, ang tuka ng inahin ay singtalas ng sa tandang. Sige lang, sige lang. TROILO Ninakaw mo ang bawat salita sa king bibig, senyora. PANDARO Di makabayad-utang ang mga salita; bayaran mo sa gawa. Pero kahit sa

Troilo at Kresida 46 William Shakespeare gaway malulugi ka hahapuin ko nyang ganap, makikita mo. Ano, halkan na naman? Hetong huling lagda bago tuparin ang kontrata Hala, pasok, pasok. Magsisindi ako ng apoy. Lalabas. KRESIDA Nais nyo bang pumasok, poon ko? TROILO Ay, Kresida, ang tagal ko nang pinangarap yon! KRESIDA Pinangarap, poon ko? Pahintulutan sana ng langit na Ay, poon ko! TROILO Pahintulutan ang ano? Bakit ka natigilan? Anong kataka-takang lamat ang nasisipat ng matamis kong irog sa sibol ng aming pag-iibigan? KRESIDA Mas maraming lamat kaysa tubig, kung nakakikita ang aking pangamba. TROILO Ang mga kerubin, nagiging diyablo sa mata ng pangamba; laging baliko ang kanyang mga mata. KRESIDA Mas ligtas ang pangambang bulag na magpapaakay sa katuwiran, kaysa bulag na katuwirang nadarapa dahil di-nangamba. Ang mangamba sa masamangpalad ay kadalasang lunas sa kasamaan. TROILO Ay, wag mo na sanang pagtuunan ng pansin ang pangamba. Sa buong parada ni Cupidoy walang halimaw na nabibilang. KRESIDA Wala man lang bang ni isang kasuklam-suklam? TROILO Wala, liban sa ting pagpupunyagi, tuwing pinapangako nating lumuha nang dagat-dagatan, mabuhay sa apoy, kumain ng mga bato, magpaamo ng mga tigre, mag-isip na ang sinusuyo moy nagpapakana ng lalong mahihirap na pagsubok kaysa magtiis sa mga paghihirap na iyon. Ito ang kasuklam-suklam sa pag-ibig, binibini, na ang kaloobay walang-patid ngunit ang pagsasakatuparan ay nasusukat; na ang pagnanasay walang-wakas ngunit ang paggawa, alipin ng hanggahan. KRESIDA Ang sabi nila, mas maraming pinapangako ang isang mangingibig kaysa kaya nyang tuparin, ngunit nagdaramot ng kakayahan at ayaw niyang ipamalas, sinusumpang gumawa ng higit sa kaya ng sampu, samantalang tumutupad lamang nang kulang sa ikasampung bahagi ng iisang gawa. Silang may tinig ng leon ngunit pagkilos ng kuneho di ba sila ang mga halimaw? TROILO May ganon bang umiiral? Aba , kamiy hindi ganon. Purihin kami ayon sa ming mapatutunayan, kilalanin kami sa pagtupad; ulo namiy mananatiling hubad hanggang maputungan kung nararapat. Walang pangakong kagitingan sa hinaharap ang dapat purihin sa kasalukuyan; di namin papangalanan ang tagumpay bago ito isilang, at pag isilang ngay magpapakumbaba sa tatamuing karangalan. Pag dahop sa salita, mas tapat sa panata. Ang pinakamasaklap na maaaring mangyariy mahamak ang katapatan ni Troilo kay Kresida, at anumang wagas na masasambit ng katotohanan ay di-daraig sa kawagasan ng aking wika. KRESIDA Nais nyo bang pumasok, poon ko? Papasok si PANDARO.

Troilo at Kresida 47 William Shakespeare PANDARO Ano, nahihiya pa rin? Di pa ba kayo tapos mag-usap? KRESIDA Anumang katangahang aking gawin, tiyo, ay inaalay ko sa yo. PANDARO Maraming salamat. Kung lalaki ng mapala ng poon ko mula sa yo, ibigay mo sa akin. Maging tapat sa king poon. Kung siyang manloko, ako na ang sisihin. TROILO Kilala mo na ang iyong mga bihag: ang pangako ng iyong tiyuhin, at ang aking katapatan. PANDARO Wag ka, susumpa rin ako sa katapatan niya . Ang mga kamag-anak namin, maski siyam-siyam kung magpaligaw, ay tapat naman kung mabingwit. Silay baging, sinasabi ko; kapit-tuko saan man matapon. KRESIDA Sinasapian na ko ng katatagang-loob; puso ko nay tiyak. Prinsipe Troilo, umagat gabi kitang inibig Sa loob ng kay-raming mga buwan. TROILO Kung gayon, bakit kay-hirap suyuin ni Kresida? KRESIDA Nagtitigas-tigasan lamang ako, ngunit noon pa may nasuyo na Sa pinakaunang sulyap pa lamang ay, patawad; Kung akoy umaming labis, ikay magpapalalo. Mahal kita ngayon, ngunit bago nun ay sapat lamang Upang dibdib ay makalamay. Itoy kasinungalingan; Isipan ko nooy parang mga batang sutil, lumaki Sa layaw at di-maturuan. Ay, katangahan! Bat ba ko madaldal? Sino ngayong magiging tapat Kung maging sa sariliy di marunong mag-ingat ng lihim? Bagaman inibig kang tunay, di kita sinuyo; Ngunit, sa katotohanan, hinangad kong maging lalaki, O kundi, kaming mga babaey may panlalaking karapatang Mauna sa ligawan. Irog, pigilan ang aking dila, Dahil sa gantong ligayay tiyak akong magsisiwalat Ng mamayay pagsisisihan. Aba, ang katahimikan mo, Ang pipi mong katusuan, ay bumibingwit ng mga lihim Mula sa king sarili! Busalan ang aking bibig. TROILO Sya kong gagawin, kahit matamis na musika pang mamutawi. Hahalikan niya si KRESIDA. PANDARO Ay, kay-inam. KRESIDA Poon ko, pakiusap, akoy patawarin; Hindi ko layuning manlimos ng isang halik. Nahihiya ako. Ay, langit, anong aking nagawa?

Troilo at Kresida 48 William Shakespeare Sa ngayon, ako munay magpapaalam, poon ko. TROILO Aalis ka, Kresidang matamis? PANDARO Aalis? Kung bukas nang umaga ka pa sana aalis KRESIDA Samo ko, tama na. TROILO Anong problema, binibini? KRESIDA Ang aking presensya. TROILO Wag mong palayasin ang yong sarili. KRESIDA Tamot susubukan ko. Bahagi ng sarili koy natataglay mo, Bahaging buktot na di-matiis maging Alipin ng iba. San nang aking katinuan? Mauuna na ko. Di ko alam ang aking sinasabi. TROILO Ang taong sindunong mong mangusap, alam ang kanyang sinasabi. KRESIDA Akala mo sigurong katusuan ang pinaiiral ko kaysa pag-ibig At natulak magsiwalat nang kay-laking pag-amin Upang mabingwit ang yong saloobin. Ngunit marunong ka, Kundiy salat sa pag-ibig, pagkat ang maging marunong at magmahal Ay lampas sa kakayahan ng tao; mga diyos lang ang may-kaya nyan. TROILO Ay, kung naisip ko lamang na maaari yan sa isang babae At pagkat nagkagayon, ipinalagay kong nasa iyo nga Ang gumatong sa pag-alab ng apoy ng pag-ibig, Ang panatilihing sariwa ang kanyang katapatan nang Lampas sa kagandahang panlabas, at may isipang Mas mabilis pang pagsaulan ng gana kaysa tumila sa pagnasa! O na makukumbinsi ako ng pangangatuwiran, Na ang katapatan ko sa yoy matutumbasan At mapapantayan ng simbigat at singwagas Na dalisay na pagsintang gaya ng sa yo; Abay lubos akong napaligaya! Ngunit, sa aba, Singwagas ako ng katotohanang kay-payak, At lalong payak kaysa kamangmangan ng katotohanan. KRESIDA Diyan tayo mag-aaway. TROILO Ay, banal na digmaan, Kung ang buti sa butiy magbangayan kung sinong mas tama! Ang mga wagas na mangingibig sa darating na panahon Ay susumpa ng katapatan kay Troilo. Pag ang mga tula nilang Puno ng pagdiga, ng mga pangakot paghambing Ay magkulang sa talinghaga, at manamlay sa kauulit Singwagas ng bakal, ng halaman sa buwan, Ng araw sa umaga, ng kalapati sa kanyang kabiyak,

Troilo at Kresida 49 William Shakespeare Ng bakal sa batubalani, ng lupa sa kanyang kaipusuran Ngunit, makalipas ang lahat ng paghahalintulad, Tuwing nais nang banggitin ang may-akda ng katotohanan, Ang katagang singtunay ni Troilo ang syang Gaganyak sa kanlang panulaan. KRESIDA Sanay tumpak kang manghuhula! Kung akoy manlinlang, o lumayo ng sanghibla man sa katapatan, Kapag maging hukluban na ang panahon at makalimot sa sarili, Kapag magupok na ng patak ng ulan ang mga muralya ng Troya, At nilamon na ng bulag na paglimot ang bawat siyudad, At kung ang mga bayang baon na sa nakaraan ay madurog At maging abo ng kawalan, hayaang ang alaala Ng bawat babaeng umibig, at naglinlang, Manariwa sa king kataksilan! Pag sabihin nilang Singtraydor ng hangin, ng tubig, o ng buhangin, Ng soro sa kordero, o lobo sa supling ng baka, Ng leopardo sa usa, o madrasta sa anak, Hayaang sabihin din nila, nang masulit ang paksa ng kataksilan, Singtraydor ni Kresida. PANDARO O sya, nagawa na ang kasunduan. Lagdaan, lagdaan; akong magsisilbing testigo. Hetot hahawakan ko ang iyong kamay, iyan ang kamay ng aking pamangkin. Kung kayoy manlinlang sa isat isa, gayong kay-laking hirap ang aking tiniis upang kayoy mapagsama, hayaang ipangalan sa kin ang bawat kaawa-awang tagapamagitan sa buong lupalop ng mundo: tatawagin silang Pandaro. Tawagin namang Troilo ang bawat tapat na ginoo, ang mga babaeng taksil, tawaging Kresida, at ang bawat promotor ng suyuan, tawaging Pandaro! Bigkasin ang Amen. TROILO Amen. KRESIDA Amen. PANDARO Amen. Bueno, pakikitaan ko kayo ng isang kuwartong may higaan, at ang higaang yon, pagkat ayaw magsumbong hinggil sa inyong kapilyuhan, ay dadaganan hanggang kamatayan. Sulong! Magsisilabasan sina TROILO at KRESIDA. At biyayaan sana ni Cupido ang bawat dalagang naririto Ng sarili nilang higaan, at kuwarto, at madiskarteng Pandaro!

Lalabas.

III.iii. Pakakak. Papasok sina ULISES, DIOMEDES, NESTOR, AGAMENON, AYAX,


MENELAO, at KALKAS. KALKAS Ngayon, mga poon, sa ngalan ng paglingkod ko sa inyo,

Troilo at Kresida 50 William Shakespeare Hinihimok ako ng mabuting pagkakataong magpahayag Ng singil-kabayaran. Marapatin nyo nawang alalahanin, Na dahil sa kakayahan kong masipat ang hinaharap Ay iniwan ko ang Troya, ang lahat kong ari-arian, Inako ang bansag ng taksil, kusang tinalikdan Ang kasiguruhan at kapanatagang tinatamasa, At inukol ang sarili sa kapahamakan, iniwan Ang panahon, pagkakaibigan, gawi, at kalagayang Kinasanayan na ng aking kalikasan, at narito Upang maglingkod, kahit naninibagong labis Sa mundo, wariy estrangherot walang-kakampi. Pinapakiusap kong akoy pagbigyan At pag-ukulan ng kakamunting biyayang Nararapat matamo nang dahil sa pangakong Tiniyak noon kapalit ng aking kagandahang-loob. AGAMENON Ano, Troyano, ang ibig mong hilingin sa amin? KALKAS Kasalukuyan nyong bihag ang Troyanong si Antenor, Na kahapon lamang nabitag. Syay mahalaga sa Troya. Matagal nyo nang hinangad at dahil doy pasasalamat Na kunin bilang pamalit ang aking si Kresida, Na noon pay tinanggihan ng Troya. Ngunit itong si Antenor, Batid ko, ay sakdal-halaga sa kanilang mga pakana Kayat tiyak silang bibigay sa pakikipagkasunduan Yamang syay labis nilang kailangan. Hula koy Handa silang mag-alay maging isang anak ni Priamo Kapalit ni Antenor. Mga poon, siyay isuko Kapalit ng aking anak; at pag anak ay makapiling na, Ang bawat hirap na dinanas koy lilimutin At tatanggapin ang bawat hinanakit. AGAMENON Iatas kay Diomedes Ang paghatid dito kay Kresida. Makukuha ni Kalkas Ang kanyang kahilingan. Butihing Diomed, Maghanda sa palitang magaganap. Bukod don ay magdalang-balita, na ang hamon Ni Ektor ay tutugunan. Si Ayax ay handa. DIOMEDES Itoy aking gagawin. Bigat itong Ikararangal kong pasanin. Lalabas kasama ni KALKAS. Tatayo sina AKILES at PATROKLO sa tapat ng kanilang tolda.

Troilo at Kresida 51 William Shakespeare ULISES Nakatayo si Akiles sa harap ng kanyang tolda. Marapatin ng heneral na daanan siya ngunit wag pansinin Nang wariy ganap na syang kinalimutan; at mga poon, Kayo rin ay wag mamansin, wag syang batiin. Akong huling daraan. Malamang, tatanungin nya ko Kung bat lihis sa kanya ang ating mga sulyap. Sa gayon, kapaki-pakinabang na paghamak Ang mapapala ng kanyang kayabangan Isang lunas na ikagiginhawa ng kanyang kalooban. Makabubuti yon sa kanya. Walang ibang salamin ang kapalaluan Kaysa kapalaluan din, dahil ang mga hambog, Sa pagpugay lalong nabubundat at nabubusog. AGAMENON Gagawin namin ang yong balak, at mag-aasta Nang wariy di namin siya nakikilala. Gawin ninyong lahat, wag syang babatiin, O kung batiin man ay gawin nang may panlilibak, Na higit nyang ikaiinis. Ako nang mauuna. Magpaparada sila nang lampas sa tolda ni AKILES. AKILES Ano, nais ba kong kausapin ng heneral? Alam nyong pasya ko ayoko nang labanan ang Troya. AGAMENON Anong sabi ni Akiles? May kailangan ba sya sa tin? NESTOR Poon ko, may kailangan ba kayo sa heneral? AKILES Wala. NESTER Wala raw, poon. AGAMENON Mabuti. Magsisilabasan sina AGAMENON at NESTOR. AKILES [kay MENELAO] Magandang araw, magandang araw. MENELAO Kumusta? Kumusta? Lalabas. AKILES Ginagago ba ko ng pindehong yon? AYAX Kumusta, Patroklo? AKIELS Magandang araw, Ayax. AYAX Ha? AKILES Magandang araw. AYAX At magandang bukas na rin.

Troilo at Kresida 52 William Shakespeare Lalabas. Maiiwan si ULISES, nagbabasa. AKILES Anong ibig nitong sabihin? Di ba nila kilala si Akiles? PATROKLO Mga antipatiko. Dati-ratiy yumuyukod pa sila, Laging inaalayan ng mga ngiti si Akiles, Akala moy pagapang-gapang noon, na para bang Malapit sa altar ng simbahan. AKILES Tingin ba nilay hamak ako? Sabi nila, ang kadakilaang nawala sa pabor ng kapalaran Ay nawawala rin sa pabor ng madla. Ang kasawian Ng taong minalas ang palad ay mas dagli nyang Nababasa sa mata ng iba kaysa sarili nyang pagbagsa k, Dahil ang taoy mga mariposang nakatambad sa tag-init, At walang tao, na dahil lang sa pagiging tao, Ang nagkakamit ng karangalan liban sa karangalang taglay Ng mga panlabas na bagay puwesto, yaman, kapaburan, Mga biyaya ng suwerte o ng sariling pagsisikap; At pag silay bumagsak, yamang marupok ang tungtungan, Ang paghangang nakahilig sa kanlang singrupok din Ay bubulusok, at kasama ng taong minalas Ay kapwa papanaw. Ngunit hindi ganon sa king kaso; Magkaibigan kami ng kapalaran. Nalalasap ko Nang may buong pagsulit ang bawat kong taglay, Liban sa pagpugay ng mga taong to, na tingin koy Nakahanap ng dahilan upang akoy wag pag-ukulan Ng nakasanayang paggalang. Heto si Ulises; Aabalahin ko muna sa kanyang pagbabasa. Kumusta, Ulises? ULISES Eto pa rin, dakilang anak ni Tetis! AKILES Anong binabasa mo? ULISES Kakatwang manunulat ito, Sabi niya sa kin, na ang tao, gaano mang biniyayaan Ng mga kahusayang panloob at panlabas, Ay hindi maaring magmayabang sa kanyang mga taglay, Ni makaranas ng kanyang kahusayan, kundi dahil sa repleksyon, Pagkat ang kahusayan niya ay sumisinag sa iba, At ang ibang nasinagan, kapag mag-init, ay tatalbugan ng init Patungo sa pinanggalingan nun. AKILES Hindi yan kakatwa, Ulises. Ang kariktang matatagpuan sa mukhay Di-talos ng taong maganda, bagkus ay napababatid sa kanya Ng pangmalas ng iba; ni ang matay hindi nakikita Ang sarili nito, sya man ang nangunguna sa bawat sentido,

Troilo at Kresida 53 William Shakespeare Bagkus ay nangangailangan ng katapat na matang Makapapanayam niya hinggil sa itsura ng isat isa. Dahil ang pangmalas ay hindi umuukol sa sarili Liban kung bumagtas at matambad sa anumang bagay Na sasalamin sa sarili nito. Hindi na yan bago. ULISES Wala akong reklamo sa kanyang sinasabi Itoy karaniwan pero ang puntong tinumbok ng umakda, Nakagigitla, dahil pinangatwiranan niya, Na ang taoy hindi panginoon ng kahit anumang bagay, Kahit pa taglay niya ang samut saring kahusayan, Liban kung maihayag niya ito sa ibang tao; Kahit siya man, di niya batid ang kanyang taglay Hanggat di nahihiwatigan sa pagmamapuri nilang Pinakitaan ng kadakilaang yon; ang mga pumuri, Parang mga tarangkahang yari sa bakal, Tuwing sinisinagan ng araw ay sumasalamin Sa wangis nitot liwanag. Sinapian ako ng pagnilay At dagli kong naalaala si Ayax, na di pa natin ganap Na nakikilala. Ay, langit, pambihirang tao yon! Anakiy kabayo, di nalalaman ang kaya niyang gawin. Aba Kalikasan, may mga bagay lang talagang sadyang Salat sa pagkilala, ngunit masagana sa pakinabang! At mayron namang pinapupurihang labis, Ngunit walang kakuwenta-kuwenta! Bukas, makikita natin At tiyak akong sa kanya mapupunta ang pagkakataon Sisikat din si Ayax. Ay, langit, may mga taong masipag, Samantalang may ibang tamad! May mga iba talagang umaagaw-pansin sa piging ni Kapalaran, Samantalang ibay sa kapupusturay nagmumukhang tanga! Yung iba, nabubundat dahil sa karangalan ng kapuwa, Samantalang mayron ding nagugutom sa kayabangan! Ang mga maharlikang Griyego naku, ngayon pa lang, Pinapalakpakan na kaagad itong si Ayax, Kala moy nakatapak na siya sa bangkay ni Ektor At nawasak na ang bayang Troya. AKILES Naniniwala ako, Dahil dinaan nila akong parang mga kuripot sa pulubi. Di man lang ako binati ni sulyapan man lamang. Ano, kinalimutan na ba ang mga gawa ko? ULISES Ang panahon, senyor, ay may bitbit na supot sa kanyang likod, Kung san nya tinatago ang mga abubot na ibabaon sa limot, Isang dambuhalang halimaw ng kawalang-utang na loob.

Troilo at Kresida 54 William Shakespeare Ang mga abubot na yon ay mga dakilang gawain ng nakaraan, Nilamon kagad pagkaraang gawin, dali-daling kinalimutan Pagkatapos mangyari. Ang karangalan, poon ko, Ay pinatataginting ng pagsusumikap. Ang mamahingay Parang pagbitin ng baluting kinalawang, isang bantayog Na pagtatawanan lamang. Sulong at kumilos, Pagkat ang landas ng karangalan ay ubod ng sikip, Iisang dibdib lang ang makakaraan. Wag lilihis sa daan, Dahil may sanlibong anak ang tunggalian, Isa-isang nag-aaway para sa pamana. Kung ikay susuko, O lumihis man lamang sa daang matuwid, Parang daluyong silang biglang bubugsot Iiwanan ka sa dulo; O parang kabayong nadapa sa unang hanay ng hukbo, Yuyurak-yurakan ng mga dating nasa likuran. Ang tagumpay nila ngayon, bagaman walang kumpara Sa tagumpay mo noon, ay higit nilang kikilalanin, Dahil ang Panahon, parang mapapel na punong-abala, Nagmamadali kung kamayan ang panauhing pauwi na, Pero bukang-buka ang bisig, kala moy lilipad, Upang yakapin ang bagong-dating na bisita. Sa parating, nakangiti; sa paalis, nakangisi. Wag nang hanapan ng papuri ang tagumpay sa nakaraan; Dahil ang kariktan, talino, Mataas na kapanganakan, gilas ng katawan, husay sa paninilbihan, Pag-ibig, pagkakaibigan, pagkabukas-palad lahat yan ay alipin Ng panibughuin at mapanlapastangang Panahon. May isang dungis ang kalikasan, na ikinatutulad nating lahat, Na ang bawat isay sumasamba sa mga bagong tagumpay, Kahit ang kadakilaan ng mga itoy utang sa nakaraan At lalong pinupuri ang alikabok na may unting ningning, Kaysa gintong maningning na inalikabok na sa pagkaluma. Ang kasalukuyang mata, nabibighani sa kasalukuyang tinititigan. Kayat wag nang magulat, dakilang tao ka pa mandin, Na sinasamba si Ayax ng bawat Griyegong poon, Yamang ang mga bagay na kumikilos, lalong nakatatawag-pansin Kaysa mga bagay na nakapirme lamang. Dati kang hinahangaan, At marahil hinahangaan pa rin, o hahangaan muli, Kung di ka magpabulok at magpalibing nang buhay At magkubli ng kadakilaan sa loob ng yong tolda, Ikaw na kamakailan lamang ay nagpakitang-gilas At dahil sa bangis ay nagawang pababain ang mga diyos, Kahit si Marte, upang pumanig sa tin. AKILES Ang aking pagsasariliy

Troilo at Kresida 55 William Shakespeare May mabuting katwiran. ULISES Ngunit ang laban sa pagsasariliy May katwirang mas mabisa at marangal. Batid ng lahat, Akiles, na ikaw ay umiibig Sa isang babaeng anak ni Priamo. AKILES Ha! Nababatid? ULISES Nagugulat ka? Ang pagtiktik ng isang bayang listot nag-iingat, Bilng maging ang bawat butil na ginto ni Pluto, Nahahanap ang dulo ng walang-katapusang bangin, Nasusundan ang bawat hakbang ng isip, parang diyos, Natatalos ang kaisipan kahit kanlong pa sa katahimikan. May misteryo na hinding-hindi maaaring usisain Sa kalulwa ng estado, na may kakayahang mas banal Kaysa kayang masulat ng pluma o mabigkas ng bibig. Ang bawat pakikiugnayan mo sa Troya, Sa iyo may sa amin din, aking panginoon At mas naaakma kay Akiles na pabagsakin Si Ektor kaysa si Polixena niyang iniibig. Ngunit masakit marahil para kay Pyro sa tahanan, Kung ipakakak ng Katanyagan sa buong kapuluan, At bawat dalagay mangagsipag-awitan ng, Ang kapatid ni Ektor, si Akiles ang nakakuha, Pero si Ayax ang pumatay sa bayaning dakila. Paalam, poon. Bilang tagahanga mo ako nangungusap. Ang buhong ay yumuyurak sa yelong dapat ikaw ang bumasag. Lalabas. PATROKLO Binuyo na rin kita, Akiles, sa usaping ito. Ang babaeng nagtitigas-tigasan at nag-aastang lalakiy Di ganong kinasusuklaman kaysa lalaking binabae Sa gitna ng gawain. Ako may binibintangan; Tingin nilay mahina ang sikmura ko para manggera At pagmamahal mo ang pumipigil sa king lumaban. Irog, gisingin ang sarili, at ang lamyang si Cupidoy Agarang kakalas sa pagkakakapit sa yong leeg, At parang patak ng hamog sa kiling ng leon, Mapapagpag sa hangin. AKILES Si Ayax bang lalaban kay Ektor? PATROKLO Oo, at baka magkamit ng malaking karangalan.

Troilo at Kresida 56 William Shakespeare AKILES Nakakapit sa patalim ang aking reputasyon; Sugatan ang kasikatan ko. PATROKLO Pues, mag-ingat! Mahirap humilom ang sugat na sariling naglapat. Ang pagtangging gumawa sa nararapat, Nagbibigay ng walang-hanggang karapatan sa panganib; At ang panganib, anakiy kabulukan, unti-unting sasakmal Kung tayoy maupong walang-ginagawa sa ilalim ng araw. AKILES Papuntahin dito si Tersites, Patroklong matamis. Isusugo ko kay Ayax ang payaso upang hilinging Kumbidahin ang mga poong Troyano pagkatapos ng labanan Upang makipagkita nang walang sandata. May hangad akong Pambabae, isang gutom na ikinapanghihina ko Nais kong makita si Ektor nang nakadamit pangkapayapaan, Makausap siyat matambad ang kanyang itsura Sa buo kong pangmalas. Papasok si TERSITES. Di na pala kailangan. TERSITES Pambihira! AKILES Ano? TERSITES Parot parito si Ayax sa buong parang ng digma, hinahanap ang sarili niya. AKILES Papaano? TERSITES Bukas ay kailangan niyang makaharapan si Ektor, at dahil sa hinuhang kahambugan ay tuwang-tuwa sa pagdakdak ng mga kabalbalan. AKILES Pano yun naging posible? TERSITES Abay pahakbang-hakbang siyang parang pabo maglalakad, biglang tatayo; mag-iisip na parang tabernerang kumukuwenta ng utang pero di marunong magmatematika; nag-aastang matalino, pakagat-kagat ng labi, at nagsasabing May utak sa loob ng kokoteng to, kung sana nga lang ay lumabas may utak nga roon, ngunit singginaw ng bangkay, parang dalwang batong magliliyab lang kapag pag-umpugin. Tapos na ang taong yon, dahil kung hindi mabal i ni Ektor ang leeg niya sa labanan, siya mismong babali niyon sa sobrang kahambugan. Ni hindi na niya ko kilala. Sabi ko, Magandang umaga, Ayax, at sagot niya, Salamat, Agamenon. Anong tingin mo sa taong ito, na pinagkamalan akong heneral? Para siyang syokoy, hindi marunong magsalita, isang halimaw. Sumpain ang kasikatan! Maaari itong suotin nang baliktaran, parang tsaketang katad. AKILES Ikaw ang dapat magsilbing embahador ko sa kanya, Tersites. TERSITES Sino, ako? Naku, hindi yon sasagot sa kahit sino; pinaninindigan nyang

Troilo at Kresida 57 William Shakespeare wag sumunod. Para lang daw yun sa mahihirap; suot niya ang dila niya sa kanyang braso. Magkukunwari akong maging siya: sabihin mo kay Patroklo, pag-utusan niya ko. Makikita mo kong magpanggap bilang Ayax. AKILES Kausapin mo, Patroklo. Sabihin mong pinakikiusap ko sa magiting na si Ayax, kumbidahin ang marangal na si Ektor na tumungo sa king tolda nang walangsandata, at hilingin na siyay ligtas na ihatid ng kataas-taasan, saksakan ng karangalang, anim-o-pitong-ulit-na-hinahangaang Kapitan-Heneral ng Griyegong estrelya, si Agamenon, et cetera. Gawin mo. PATROKLO Kasihan ni Jov ang dakilang si Ayax! TERSITES Hu! PATROKLO Nanggaling ako sa magiting na Akiles TERSITES Ha? PATROKLO Na buong pagpapakumbabang humihiling na kumbidahin nyo si Ektor sa kanyang tolda TERSITES He! PATROKLO At kumuha ng ligtas na pag-abay mula kay Agamenon. TERSITES Agamenon? PATROKLO Siyanga, poon. TERSITES Ha! PATROKLO Anong tugon nyo? TERSITES Kasihan ka nawa ng Panginoon. PATROKLO Ang kasagutan nyo, senyor. TERSITES Kung maganda ang araw bukas, pagpatak ng alas-onsey maaaring bumuti o sumama. Kung anuman, babayaran muna nya ko bago nya ko makuha. PATROKLO Ang kasagutan nyo, senyor. TERSITES Adyos, mula sa king puso. AKILES Abay wala siya sa ganyang ayos, di ba? TERSITES Abay wala nga sa ayos. Anumang himig ang lumabas mula sa kanya makaraang gulpihin ni Ektor ay aywan ko; ngunit, tiyak akong wala, liban kung gamitin ni Apolo ang laman niya upang gumawa ng gitara. AKILES Halika, dadalhan mo siya ng isang liham. TERSITES Dalhan ko na lang ng liham ang kabayo niya, mas matalinong hayop yon. AKILES Nagugulumihanan ang aking utak, parang batis na niligalig, At ako mismoy di makasipat kung anong nasa ilalim. Magsisilabasan sina AKILES at PATROKLO. TERSITES Sanay maglinaw muli ang batis ng yong isipan, nang mapagliguan ko ng isang asno! Mas gugustuhin ko pang maging pulgas sa tupa kaysa maging magiting na tanga. Lalabas.

Troilo at Kresida 58 William Shakespeare

IV.i.

Papasok sa isang punta si ENEAS, may sulo; at sa isa pa sina PARIS, DEIFOBO, ANTENOR, DIOMEDES na Griyego, at iba pa, may mga sulo.

PARIS Masdan! Sinong nariyan? DEIFOBO Ang poong si Eneas. ENEAS Nariyan ba ang prinsipe? Kung may pagkakataon din akong humimbing nang matagal Tulad mo, Prinsipe Paris, mga usaping panlangit lamang Ang tanging makaaagaw sa kin mula sa king kapiling. DIOMEDES Yan din ang isip ko. Magandang umaga, Poon Eneas. PARIS Isang dakilang Griyego, Eneas; kamayan mo. Masdan ang paksa ng iyong kuwento, kung saan Sinabi mo kung panong isang buong linggo kang Hinabul-habol ni Diomedes. ENEAS Biyayaan ang yong kalusugan, senyor, Hanggat sa panahong ito ng kapayapaan; Ngunit, pag makasalubong kang nakaarmas, Sumaiyong pinakamasamang mahangad ng puso. DIOMEDES Kapwang tinatanggap ni Diomedes ang yong bati. Payapa ngayon ang ating puso, kayat lugod ay sumaiyo! Ngunit kung mag-abot ang digmaan at pagkakataon, Sa ngalan ni Jov, ako ang yong mangangaso, Na buong tulin at pagpupunyagi kang bibitagin. ENEAS At syang hahabulin moy isang leong tumatalilis Nang nakaharap sa kanyang kaaway. Sa ngalan ng kabutihan, Binabati ka sa pagdalaw sa Troya! Alang-alang sa buhay ni Anquises, Binabati ka, siyanga! Sinusumpa ko sa kamay ni Veno, Wala nang tutulad sa king umiibig nang tunay Sa taong pinakainiibig niyang paslangin. DIOMEDES Ganoon din kami. Jov, hayaang mabuhay si Eneas, Kung kadakilaan niyay di-matagpuan sa king patalim, Hayaan syang tumagal nang sanlibong taon! Subalit hangad ng aking ambisyon, na syay mamatay Nang batbat ng iwa sa bawat galamay, at sanay bukas din! ENEAS Lubha nating kilala ang isat isa. DIOMEDES Siyanga, at hangad magkakilala sa lalong masamang pagkakataon.

Troilo at Kresida 59 William Shakespeare PARIS Ito na ang pinakamasklap na maginoong pagbabatian, Pinakamarangal na mapangsuklam na pag-iibigan. Anong pakay, poon, at kay-agang pumulas? ENEAS Isinugo ako sa Hari, ngunit para saan, ay aywan. PARIS Sasabihin ko. Itoy upang ihatid yaring Griyego Sa tahanan ni Kalkas, upang doon isuko sa kanya, Alang-alang sa paglaya ni Antenor, ang maayang si Kresida. Kamiy mangyaring samahan, o kundiman, Kayo nay mauna. [Aparte kay ENEAS.] Nakatitiyak ako O kundiy mapatutunayan ang aking akala Na kasiping siya ngayong gabi ni Troilo. Gisingin mo, at ipabatid ang ating pakay, Nang walang inililingid. Pinangangambahan ko, Di magiging madali ang ating pagtanggap. ENEAS Nakatitiyak. Mas mamarapatin ni Troilo na Troya mismong masuko Kaysa si Kresiday pigtasin mula sa Troya. PARIS Wala nang magagawa. Niloloob ito ng mapait na pangangailangan Ng pagkakataon. Sulong, poon; susunod kami. ENEAS Magandang umaga sa lahat. Lalabas si ENEAS. PARIS Sabihin, marangal na Diomed, at wag magkakait, Sa ngalan na rin ng maayang pakikipagkaibigan: Sa iyong palagay, sinong mas nararapat kay Elena, Ako o si Menelao? DIOMEDES Pareho. Nararapat siya sa sinumang naghahangad, Nang walang pag-alintana sa bahid-kapurihan, O sandamukal na skit at paggastang mapapala. Kahit ikaw ay nararapat pagkat ipinaglalaban mo, Pilit mang wag malasap ang pakla ng kawalang-karangalan Sa kay-mahal na pagbayad ng salapi at buhay. Siya, na parang pindehong desp eradoy handang lumaklak Mula sa basyo ng alak na paso nat panay latak; Ikaw, na parang taong libg, ay naghahangad Anakan ang matris ng isang gamt nang bayarn. Kapag timbangin, kapuway magsimbigat, Siya man o ikaw, para sa putay sasapat. PARIS Masyado kang malupit tungo sa yong kababayan.

Troilo at Kresida 60 William Shakespeare DIOMEDES Siyay malupit sa kanyang bayan. Makinig, Paris: Sa bawat patak ng lilong dugo sa kanyang ugat Ay may Griyegong nagbuwis ng buhay; sa bawat piraso Ng katawan niyang namantsahan at bulok Ay may Troyanong pinaslang. Sapul nang matutong magsalita, Wala pa syang nasambit ni isang kataga Na hindi ikinamatay ng Griyego o Troyano mang kapwa. PARIS Maayang Diomed, para kang isang negosyante, Hinahamak ang bagay na nais niyang bilhin. Ngunit pagpapahalaga namiy sa paraan ng pananahimik: Di namin pupurihin ang bagay na hangad naming ipagbili. Dito po ang daan. Magsisilabasan.

IV.ii. Papasok sina TROILO at KRESIDA.


TROILO Hirang, wag kang mangamba. Maginaw ang umaga. KRESIDA Pues, poon kong kay-tamis, tatawagin ang aking tiyuhin. Bubuksan niya ang tarangkahan. TROILO Wag na syang abalahin. Humiga, humiga! Paslangin ng pag-idlip ang mga mata mong kay-rikit, At hayaang mapiit nang marahan ang yong mga pandama Gaya ng mga sanggol na walang laman ang isip! KRESIDA Magandang umaga, kung gayon. TROILO Samo ko, humiga na. KRESIDA Nagsasawa na ba kayo sa akin? TROILO Ay, Kresida! Kundi lamang binulahaw Ng mga ibong pang-umaga ang linggal ng mga uwak, At di na tuloy natin mapagtaguan ng ligaya ang habong ng gabi, Hinding-hindi ako malalayo sa yo. KRESIDA O, gabing kay-ikli. TROILO Sumpain ang bruhang yon! Pinaglilimayon nya ang mga sukab Nang singtagal ng impyerno, pero ang ating pagroromansa, Tinatapos nang lalong apurahan sa pagpanaw ng isip. Mahahamugan ka, at akong sisisihin. KRESIDA Samo ko, manatili. Kayong mga lalaki, laging umaalis.

Troilo at Kresida 61 William Shakespeare Ay Kresidang tanga! Kung nagkait ka pang unti, Sanay di sya nagmamadaling umalis. Teka, may gising na. PANDARO [sa loob] Bakit bukas ang bawat pinto? TROILO Ang tiyuhin mo. Papasok si PANDARO. KRESIDA Sumpain siya! Manunukso yon, pihado. Kay-hirap mabuhay! PANDARO Kumusta, kumusta, kumusta ang donselya! Nahan ang pamangkin kong si Kresida? KRESIDA Magbigti ka, pilyot nambibuwisit na tiyuhin! Bubuyuin mo kong gawin at pagkatapos ay yong tutuksuhin. PANDARO Gawin ang ano, gawin ang ano? Kung makapagsalita to, o. Binuyo kitang gawin ang ano? KRESIDA Naku, naku, puso moy kay-buktot! Hinding-hindi ka titino, Ni hahayaang tumino ang iba. PANDARO Ha, ha! Kawawang neneng! Ay, kawawang capocchia! Hindi ba nakatulog ngayong gabi? Hindi ka ba niya hinayaang makatulog itong pilyong mamang to? Kunin siya ng impakto! KRESIDA Hindi bat sinabi ko na? Hampasin sanang kokote nya! May kakatok. Sinong nasa pinto? Butihing tiyuhin, tingnan mo. Poon ko, pumunta ulit kayo sa king silid. Ngumingiti kat nanlilibak wariy mayron akong pinahihiwatig. TROILO Ha, ha! KRESIDA Naku, nalilinlang ka. Hindi yan ang nasa isip ko. May kakatok ulit. Kay-sigasig na pagkatok! Samo ko, pumasok. Kapalit man ang kalahati ng Troya, ayokong makita ka rito. Magsisilabasan sina TROILO at KRESIDA. PANDARO Sinong nariyan? Anong problema? Sisirain nyo bang mga pinto? [Bubuksan ang pinto.] Ano, kumusta na?

Troilo at Kresida 62 William Shakespeare

Papasok si ENEAS. ENEAS Magandang umaga, poon, magandang umaga. PANDARO Sinong nariyan? Ang poon kong Eneas? Maniwala ka, hindi kita nakilala. Anong balitat kay-agang pumarito? ENEAS Wala ba rito ang Prinsipe Troilo? PANDARO Nandito? Anong gagawin nya rito? ENEAS Sige na nandito ba ang poon ko. Wag nang tumanggi. Kailangang-kailangan ko syang makausap. PANDARO Nandito ba siya, tanong mo? Higit yan sa king nalalaman, sumpa man. Sa ganang akin, huli na kong nakarating. Ano namang gagawin nya rito? ENEAS Hu! Aba, aba, mamasamain nyang pagtanggi mo, higit sa yong nalalaman. Dahil nais syang protektahan, labis mo syang mapapahamak. Wala ka mang nalalaman, ihatid na sya rito, dali. Papasok si TROILO. TROILO Kumusta, anong nangyayari? ENEAS Poon, ni wala akong panahon upang batiin ka, Napakahalaga ng aking sasabihin. Ngayoy paparating Si Paris na kapatid mo, kasama si Deifobo, Ang Griyegong si Diomedes, at ang ating si Antenor Na sa wakas, ay isasauli na; at bilang kapalit niya, Bago ang unang pag-alay sa loob ng oras na ito, Ay dapat nating isuko sa kamay ni Diomedes Ang Senyorita Kresida. TROILO Gayon bang napagkasunduan? ENEAS Utos ni Priamo at ng buong bayan ng Troya. Papalapit na sila, handang isakatuparan yon. TROILO Hinahamak ako ng aking tagumpay! Sasalubungin ko. At, poon kong Eneas, Nagkita lang tayo; hindi mo ko natagpuan dito. ENEAS Siyanga, siyanga, poon, mas malihim pa ko Kaysa mga hiwaga ng kalikasan. Magsisilabasan sina TROILO at ENEAS. PANDARO Panong naging posible? Kakakuha pa lamang, kailangan nang bitawan?

Troilo at Kresida 63 William Shakespeare Kunin sana ng diyablo si Antenor! Mababaliw ang batang prinsipe. Masalot sana si Antenor! Sanay nabali na lamang ang kanyang leeg! Papasok si KRESIDA. KRESIDA Kumusta? Anong problema? Sinong pumarito? PANDARO Ay, ay! KRESIDA Anong lalim ng paghugot ng hininga? Nahan ang aking poon? Umalis? Sabihin, tiyuhing matamis, anong problema? PANDARO Sanay nalibing na laman ako nang pagkalalim sa lupa! KRESIDA Ay, mga diyos! Anong problema? PANDARO Samo ko, pumasok ka muna. Sanay hindi ka na lamang sinilang! Sabi ko na nga ba, siya ang magiging kamatayan mo. Ay, kawawang maginoo! Masalot sana si Antenor! KRESIDA Butihing tiyuhin, pinakikiusap ko, pinakikiusap kong nakapanikluhod, anong nangyayari? PANDARO Kailangan mong umalis, binibini, kailangan mong umalis. Ipagpapalit ka kay Antenor. Dapat kang magtungo sa yong ama, at malayo kay Troilo. Ikamamatay niya ito, magsisilbing sumpa sa kanya. Hindi nya ito makakayanan. KRESIDA Ay mga diyos na walang-kamatayan! Ayokong umalis. PANDARO Wala ka nang magagawa. KRESIDA Ayoko, tiyo. Nalimutan ko na si Ama. Di na ko kumikilala ng kadugo; Walang kamag-anak, walang pag-ibig, walang dugo, Walang kalulwang mas malapit kaysa kay Troilo. Mga diyos na banal! Gawing korona ng kataksilan Ang pangalan ni Kresida kung iwanan nya si Troilo! Panahon, kapangyarihan, kamatayan, gawin Ang anumang ibig sa king katawan; ngunit ang tuntungan At gusali ng aking pagsintay syang pusod ng daigdig, At pinag-iinugan ng lahat. Papasok ako upang tumangis PANDARO Gawin mo, gawin. KRESIDA Hablutin ang maningning kong buhok, kalmutin Ang pisngi kong pinupuri, basagin ang tinig ko, At warakin ang aking puso sa katataghoy ng Troilo. Di ako aalis ng Troya. Magsisilabasan.

Troilo at Kresida 64 William Shakespeare

IV.iii.
PARIS

Papasok sina PARIS, TROILO, ENEAS, DEIFOBO, ANTENOR, at DIOMEDES.

Dakila ang umaga, at ang napagkasunduang panahon Upang isuko siya sa marangal na Griyegong toy Palapit nang palapit. Butihing kapatid na Troilo, Sabihin sa senyorita ang dapat niyang gawin, At iapura sa pagtupad. TROILO Pasukin ang tahanan nya. Ihahatid ko sya agad sa Griyegong to; At kanyang kamay, kapag akin nang pagsukuan, Ay ituturing na dambana, at kapatid mong si Troilo, Isang paring mag-aalay ron ng sarili nyang puso. Lalabas. PARIS Alam ko kung pano umibig; At kung maaari lamang, ay matulungan siya! Nais nyo bang pumasok, mga poon? Magsisilabasan.

IV.iv.

Papasok sina PANDARO at KRESIDA.

PANDARO Maghunus-dili, maghunus-dili. KRESIDA Bakit ako sinasabihang maghunus-dili? Ganap, puno ng bisa, ang hapis na aking nalalasap, At singrahas ng masakit na paglatay Ng nagbunga niyon. Panong maghuhunus-dili? Kung maaaring maghinay ang aking pagdamdam, O bawasan ang bisa nitot palamigin, Gayon din ang magagawa sa king paghihinakit. Pagsinta koy walang pinahihintulutang bahid; Pati ang aking paghihinakit, di lalabnaw ang lapot ng pait. Papasok si TROILO. PANDARO Heto, heto, parating na siya. Ay, mga patong kay-tamis! KRESIDA Ay, Troilo! Troilo! [Yayakapin siya.] PANDARO Pambihirang panoorin! Hayaan akong makiyakap. O puso, gaya ng maayang kasabihan, O puso, pusong namimigat, Panong nagbubuntong-hiniga nang di nasisira? At siyay tutugon, Dahil ang hapdi, hindi maaampat

Troilo at Kresida 65 William Shakespeare Ng pag-ibig man, o pag-alo ng kasama. Wala nang mas totoo pang tula. Wag tayong basta -bastang lilimot hindi natin malalaman kung kailan kakailanganin ang mga bersong ito. Napatutunayan natin, napatutunayan. Kumusta, mga tupa? TROILO Kresida, iniibig kang ubod ng dalisay Kaya ang mga diyos dahil nagagalit sa king pagsinta, Pagkat nadadaigan nito ang sigasig ng pagsambang Kay-lamig ng halik sa kanlang kabanalan tuloy, pinagkakait ito sa kin. KRESIDA Naninibugho pala ang mga diyos? PANDARO Siyanga, siyanga, alam yan ng lahat. KRESIDA At totoo bang kailangan kong lisanin ang Troya? TROILO Katotohanang kay-saklap. KRESIDA Malalayo pati kay Troilo? TROILO Sa Troya at kay Troilo. KRESIDA Paanong nangyari? TROILO Sa isang-iglap, kung saan ang pagkakataon Ay nagkakait ng tsansang magpaalamanan, Ay pinagbabawalan ang sandaling maghinay, Maghalikan, nilalansag ang ating pagyayakapan, Sinasakal ang mga mahal nating panata Bago pa man isilang ng ininis nating hininga. Tayong dalwa, na sa sanlibong buntong-hiningay Nakamit ang isat isa, dapat magpakadukha Sa masaklap na tulin ng panahong magkasama. Ang Oras, anakiy kawatan, ay buong-tuling Nagnanakaw, di tuloy magkandaugaga. Ang mga pagpapaalam na sindami ng tala sa langit, Kalakip ang pigil na hininga at kasama nitong halik, Ay ginagawa lamang niyang iisang adyos, At pinagkakait tayo ng isa man lang dukhang halik, Matamis na halik na pinaalat ng mga luhang pinilipit. ENEAS (sa loob) Poon ko, handa na ba ang binibini? TROILO Dinggin! Tinatawag ka. Kahit daw ang espiritung bantay, Sumisigaw ng Halika na! sa taong bibitayin. Sabihin sa kanilang maghintay. Parating na siya. PANDARO Nasan ang aking mga luha? Ulan, apulahin ang hangin, o baka mapigtas nito maging ang ugat ng aking puso. Lalabas.

Troilo at Kresida 66 William Shakespeare KRESIDA Pues, mapupunta nga sa mga Griyego? TROILO Wala nang lunas. KRESIDA Isang malungkot na Kresida sa piling ng maliligayang Griyego! Kailan tayo muling magkikita? TROILO Pakinggan ako, irog. Maging wagas ang yong puso KRESIDA Ako, wagas? Aba, ano? Anong kabuktutan ito? TROILO Wag, kailangan nating mag-usap nang malumanay, Bago ito pagbawalan ng nagmamadagling panahon. Hindi ko sinabing Maging wagas dahil dinududahan ka, Yamang maging Kamatayan ay hahamunin ko Kung sabihin nyang may dungis sa yong puso; Ngunit sinasabi kong Maging wagas bilang pambungad Sa kasunod kong abiso: Maging wagas, At makikita kitang muli. KRESIDA Ay, masusubo ka, poon, sa pahamak Na walang-katapusan at dakila! Ngunit magiging wagas ako. TROILO At kakaibiganin ang pahamak. Suotin ang manggas na to. Magpapalitan sila ng mga kasangkapan ng panata. KRESIDA At ikaw, itong guwantes. Kailan ka makikita muli? TROILO Susuhulan ko ang mga Griyegong bantay, Upang bisitahin ka gabi-gabi. Ngunit, maging wagas. KRESIDA Ay langit, Maging wagas ulit? TROILO Dinggin kung bakit ko yon sinasabi, irog. Punung-puno ng kakisigan ang mga Griyego; Ang pagsinta nilay pinagyaman ng mga handog ng kalikasan, At nag-uumapaw sa sining at kahusayan. Alinmang bago at hinalinan ng yamang materyal Ay pumupukaw ng banal na pangingimbulo Na, samo koy turingang makalangit na kasalanan Kayat ngayoy nangangamba ako. KRESIDA Ay langit! Di mo ko mahal. TROILO Pues, mamatay akong tampalasan!

Troilo at Kresida 67 William Shakespeare Hindi ko pinagdududahan ang yong katapatan Dahil lamang akoy nararapat. Di ako marunong umawit, Ni sumayaw, ni magpatamis ng pananalita, O makipaglaro sa patusuan lahat yoy kahusayang Taglay ng mga Griyegong masiglat matalino. Ngunit masasabi ko, na sa bawat kakayahang ito Ay nakaamba ang mahinahon at mapanlinlang na diyablong Nanunukso nang pagkatuso. Wag kang paloloko. KRESIDA Tingin mo bay maloloko ako? TROILO Hindi. Ngunit may magagawa silang di natin niloob; At minsan, tayoy demonyo ng ating sarili Tuwing tinutukso natin ang likas nating kahinaan, Nagtitiwala sa kakayanan nating magtimpi. ENEAS [sa loob] Aba, poon ko TROILO Kitay maghalikan, at magpaalam na. PARIS [sa loob] Kapatid na Troilo! TROILO Butihing kapatid, pumasok, At isama si Eneas at ang Griyego. KRESIDA Poon, ikaw bay magiging tapat? TROILO Sino, ako? Aba, kahinaan ko yan. Samantalang ibay namimingwit ng kabantugan, Akoy nagkakamit lamang ng abang pagpapakumbaba; Habang ibay nagpapakintab ng korona sa katusuan, Akoy nagsusuot niyon nang may buong kapayakan. Papasok sina ENEAS, PARIS, ANTENOR, DEIFOBO, at DIOMEDES. Wag pagdudahang akoy wagas. Ubod ng isipan koy Maging payak at tapat, at wala nang iba pa. Halika, Senyor Diomed. Hetong aking binibini, Na para kay Antenor ay isusuko sa iyo. Sa puerta, poon, doon ko iaabot ang kanyang kamay, At doon din mapapasayo ang kanyang karilagan. Maging mabait sa kanya, kundiy sumpa sa king kalulwa, Kung palarin mang ariin ng espada ko ang yong buhay, Sambitin ang Kresidat magiging singligtas mo Si Priamo sa Ilyo. DIOMEDES Marikit na Binibining Kresida, Wag nang pasalamatan ang prinsipeng ito. Ang ningning ng yong mata, langit sa yong pisngi,

Troilo at Kresida 68 William Shakespeare Ang syang humihingi ng mabuting pagtrato; Ikay magiging amo ni Diomedes; siyay pagharian. TROILO Griyego, salat ka sa paggalang sa kin At hinahamak ang sigasig ng aking pakiusap Sa pagpuri mo sa kanya. Sinasabi ko sa yo, Lampas siya sa tayog ng iyong mga papuri At di ka man lang karapat-dapat tawaging alipin nya. Utos koy pakitunguhan siyang mabuti, dahil itoy inutos; Pagkat sa ngalan ni Plutong kasindak-sindak, kung di mo gawin, Kahit ang dambuhalang si Akiles pa ang yong bantay, Leeg niyay aking gigilitin. DIOMEDES Wag nang manidhi, Troilong prinsipe, Hayaan akong mangusap nang mala ya dahil sa king Dangal at hangarin. Kung akoy malis na rito, Malaya na ko sa king mga pagnanasa. At alamin, Wala akong gagawin sapagkat iniutos mo. Pakikitunguhan siya ayon sa kanyang halaga; Ang iyong kautusan, aking hihindian. TROILO Tena sa puerta. Sinasabi ko, Diomed, Katatakutan mo ang pagmamatigas na ito Senyora, akin nang kamay, at habang naglalakad, Susulitin natin ang lingid na pag-uusap. Magsisilabasan sina TROILO, KRESIDA, at DIOMEDES. Tutunog sa labas ang pakakak. PARIS Dinggin! Ang trumpeta ni Ektor. ENEAS Sinayang natin ang umaga! Akala marahil ng Prinsipeng akoy lakuwatsero, Yamang nangakong sasamahan siyang magtungo sa parang.

PARIS Kasalanan ni Troilo. Tara, tara, tayo na sa parang. DEIFOBO Maghanda na tayo kaagad. ENEAS Siyanga, anakiy mga nobyong sabik sa kasalan, Ating sundan ang mga hakbang ni Ektor. Nakasalalay ang dangal ng buong Troyang bayan Sa nag-iisa niyang gilas at kagitingan. Magsisilabasan.

Troilo at Kresida 69 William Shakespeare

IV.v.

Papasok si AYAX na armado, at sina AKILES, PATROKLO, AGAMENON, MENELAO, ULISES, NESTOR, atbp.

AGAMENON Heto kang nakasuot ng armadurang bagot maganda, Nananabik sa panahon nang may matapang na kumpyansa. Bulahawin ang Troya sa trumpeta mong matinis, Kasindak-sindak na Ayax, upang linggal niyon Ay sumalakay sa ulo ng dakila mong kalaban At apurahin syang pumarito. AYAX Trumpetero, hetong salapi. Iitsahan niya ng pera ang TRUMPETERO. Warakin ang yong baga at sirain ang pakakak. Umihip, tampalasan, hanggang humpak mong pisngiy Daigin ang katambukan ng pisngi ni Aquilon. Dali, batakin ang dibdib, at lumuha ng dugo; Umiihip kang para kay Ektor. Tutunog ang trumpeta. ULISES Walang trumpetang tumutugon. AKILES Masyado pang maaga. Papasok si DIOMEDES, kasama si KRESIDA. AGAMENON Hindi ba yan si Diomed, kasamang anak ni Kalkas? ULISES Siya nga. Nakikilala kong tikas; Mataas kung humakbang. Diwa niya Ang nagbubuhat sa kanyang katawan. AGAMENON Iyan bang Binibining Kresida? DIOMEDES Siyanga ho. AGAMENON Binabati ka sa pagdating sa panig ng Gresya, iha. Hahalikan niya si KRESIDA. NESTOR Binabati ka ng halik ng aming heneral.

Troilo at Kresida 70 William Shakespeare ULISES Isa lang ang nakikinabang sa kabutihan; Kung sanay mahalikan siya ng lahat. NESTOR Panghidalgong payo; ako nang mauuna. Hahalik. Busog na si Nestor. AKILES Kukunin kong taglamig sa yong labi, binibini. Si Akiles ang bumabating bienvenido. Hahalik. MENELAO Minsan na kong napaaaway sa halik. PATROKLO Ngunit halik yang di dapat pag-awayan; Dahil nanggulat si Paris sa gawang palalo, At syang humiwalay sa yo sa yong pinaglalaban. Hahalik. ULISES Ay, poot, dahil sa yoy kamiy nahahapis at namamatay, Pinupugot ang aming ulo nang maganyakan ang kanyang sungay. PATROKLO Ang unay halik alang-alang ka y Menelao; itong sa akin. Hahalikan ka ni Patroklo. Hahalikan niyang muli. MENELAO Napakatuso! PATROKLO Kami ni Paris ang humahalik para sa kanya. MENELAO Sisingilin ang aking halik, senyor. Binibini, kung inyong pahintulutan. KRESIDA Sa paghalik, ikaw bang namimigay o kumukha? MENALAO Parehong kapwa. KRESIDA Pusta ang aking buhay, Higit ang tamis ng halik na tanggapin kaysa ibigay, Kayat wag nang humalik. MENELAO Kakagat ako sa pusta; tatlong halik para sa isa. KRESIDA Alanganin kat kulang; kundi patas, wag na lang. MENELAO Kulang, senyora? Bawat lalakiy kulang. KRESIDA Si Paris hindi, dahil alam nyong totoo, Na kayoy nagkulang, dahil pinindeho. MENELAO Nadali nyo ang sugat.

Troilo at Kresida 71 William Shakespeare KRESIDA Hindi, sumpa man. ULISES Binibini, kayoy matatalo sa suwag ng nasungayan. Ako bay makahihingi ng halik, senyora? KRESIDA Maari. ULISES Akin nang hinihiling. KRESIDA Magmakaawa muna. ULISES Pues, sa ngalan ni Veno, ibigay ang halik, Kung maging donselya na si Elenat sa asaway mabalik. KRESIDO Akong may-utang; singilin kung nararapat. ULISES Di darating ang panahong labi sa pisngi koy malapat. DIOMEDES Saglit lamang, binibini. Ihahatid kayo sa inyong ama. Aalis sila. NESTOR Babaeng maliksi ang isip. ULISES Siyay sumpain! Nangungusap ang mga mata, pisngi, at labi, Kahit kanyang paa; masisilip ang liksi ng kalulwa Sa bawat bisagrat galamay ng kanyang katawan. Ang mga babaeng mapanukso, kay talas ng dila, Lumalapit na bago pa man tawagin, At dali-daling pinakakawalan ang laman ng isip Sa bawat lalaking sabik! Ituring sila bilang Mga babaeng mapagsasamantalahan At mga kalapating mababa ang lipad. Magsisilabasan sina DIOMEDES at KRESIDA. Pakakak. Papasok ang buong Troya: sina EKTOR, PARIS, ENEAS, ELENO, TROILO, at MGA AYUDANTE. LAHAT Ang trumpeta ng Troya. AGAMENON Parating ang buong tropa. ENEAS Pagbati sa bayan ng Gresya! Anong karangalan Ang matatamo ng mananalo? O dedeklarahin ba Ang magwawagi? Mamarapatin nyo bang

Troilo at Kresida 72 William Shakespeare Maglaban hanggang kamatayan ang magtutunggali, O sila bay paghihiwalayin alinsunod Sa utos ng isang tinig o alituntunin ng bakbakan? Tinatanong ni Ektor. AGAMENON Ano bang ibig ni Ektor? ENEAS Wala syang paki; susunod sya sa anumang kundisyon. AGAMENON Karaniwan yan kay Ektor. AKILES Ngunit may yabang, Medyo hambog, labis na nanghahamak Sa kalabang kabalyero. ENEAS Kundi ka si Akiles, senyor, Anong pangalan mo? AKILES Kundi Akiles, e di wala. ENEAS Pues, Akiles nga. Maano man, ito pa rin: Sa magkabilaang dulo ng labis at wala, Kapwa sukduklan ang giting at yabang ni Ektor: Yaong unay halos walang-katapusan, Samantalang sa huli, siyay salat na salat. Timbangin siya, at makikitang ang yabang niyay Paggalang pala. Si Ayax ay kalahating kadugo ni Ektor, Kayat kalahati ni Ektor ay nananatili sa bahay; Kalahating puso, kalahating kamay, kalahating Ektor lamang Ang nais lumaban sa mulatong kabalyerong halong Troyanot Griyego. AKILES Pues pambabaeng bakbakan? Gayon pala. Papasok si DIOMEDES. AGAMENON Heto si Senyor Diomed. Sulong, maginoong hidalgo, Tabihan si Ayax. Pag kayo ni Poong Eneas Ay magkasundo sa labanang gagawin, Kamiy sang-ayon, ito may seryosohan O kunwang bakbakan lamang. Dahil magkadugo sila, Kalahati lang nila ang maghahanda para sa pagbaka. Maghahanda sina AYAX at EKTOR upang lumaban. ULISES Sila nay maghaharapan. AGAMENON [kay ULISES] Sinong Troyano yang naninimdim?

Troilo at Kresida 73 William Shakespeare ULISES Ang bunsong anak ni Priamo, isang kabalyerong wagas, Hindi pa tumatanda, ngunit walang-kapantay sa pananalita, Nangungusap sa gawa, at walang-dada sa tagumpay; Pusot kamay ay kapuwa bukas at di-makasarili. Kung anumang taglay, pinamimigay; anumang isipin, pinakikita; Ngunit di kumikilos bago payuhan ng katuwiran, Ni hindi binibigyang-hininga ang anumang tinuturing na masama; Singgiting ni Ektor, ngunit lalong mapanganib, Dahil si Ektor, tuwing nagliliyab, ay nahahabag Sa walang-laban, ngunit siya, tuwing naninidhi, Ay mas mapaghiganti pa sa panibughuing pag-ibig. Tawag sa kanyay Troilo, at syang lagakan Ng ikalawang pag-asa, kasunod lamang kay Ektor. Iyon ang ulat ni Eneas, na nakakikilala sa binata Hanggang ultimong pulgada, at sa lingid na usapan Sa Ilyoy inistorya sa kin ang hinggil sa kanya. Trumpeta. Maglalaban sina EKTOR at AYAX. AGAMENON Nagsisimula nang bakbakan. NESTOR Ngayon, Ayax, magpakatatag! TROILO Ektor, nananamlay ka. Gising! AGAMENON Mahusay kung humataw. Sige, Ayax! Titigil ang mga trumpeta. DIOMEDES Magpahinga na kayo. ENEAS Mga prinsipe, tama na, samo ko. AYAX Hindi pa ko nag-iinit. Maglaban tayong muli. DIOMEDES Kung nais ni Ektor. EKTOR Pues, ayoko nang lumaban. Ikaw, poon, ay anak ng kapatid ng ama ko, Pinsang-buo sa ming mga supling ni Priamo. Pinagbabawal sa ting magsingdugong Pagpagitanan ng marahas na pag-aaway. Kung masasabi mo lamang na Kamay na toy Griyego, Habang kabilay Troyano; kalamnan nitong bintiy Griyegong ganap, at itoy buong Troyano; dugo ng inay Dumadaloy sa kanang pisngi, at sa kaliwang gawiy

Troilo at Kresida 74 William Shakespeare Purong kay Ama, sa ngalan ni Jov, Wala kang Griyegong galamay na di-tatamasa Ng galos mula sa king tabak. Ngunit pinagbabawal ng langit Na maging isang patak na hinango mula sa yong inay Aking mabubo, yamang itoy dugo ng tiyahin kong mahal! Hayaang mayakap kita, Ayax kong pinsan. Sa ngalan niyang nangingidlat, kay-tibay ng yong braso! Hangad ni Ektor na siyay madagan ng mga ito. Pinsan, buong pagpugay sa yo! Silay magyayakapan. AYAX Salamat sa yo, Ektor. Lalaki kang labis ang hinahon at kalayaan. Sumadya ako rito upang ikay paslangin, At mamingwit ng kabantugan sa yong kamatayan. EKTOR Kahit si Neoptolemong pinapupurihan, Na may bandilang dinarakila mismo ng Katanyagan Sa pagsabing Hetong tao, ay walang makukuhang Pandagdag sa kanyang karangalan galing kay Ektor. ENEAS Kapuwa panig ay naghihintay sa kung ano Ang sunod na gagawin ninyo. EKTOR Aming tutugunin: Ang mangyayariy yakapan. Paalam, Ayax. Silay magyayakap. AYAX Kung magtagumpay ako sa hiling man lamang Na bihira kong tamuhin aking nanaising Masok sa mga Griyegong tolda ang aking pinsan. DIOMEDES Nais din ni Agamenon, at maging si Akiles Ay naghahangad makitang walang-armas si Ektor. EKTOR Eneas, palapitin sa kin ang kapatid na Troilo, At ipahayag itong mahal na pakikipanayam Sa mga nag-aabang sa panig ng Troya; Pauwiin na sila. Akin nang kamay mo, pinsan. Sasaluhan kita sa kainan at mamasdan ang inyong kabalyeros. Lalapit sa kanila sina AGAMENON at iba pa. AYAX Patungo rito sa tin ang dakilang Agamenon.

Troilo at Kresida 75 William Shakespeare EKTOR [kay ENEAS] Isa-isahing pangalanan ang pinakamararangal, Liban kay Akiles; sarili kong mata ang huhula Batay sa laki ng kanyang gilas at kagitingan. AGAMENON Taong karapat-dapat! Babatiin ka Nang nababagay sa nais mawalan ng kaaway Ngunit hindi yon akmang pagbati. Intindihin: Ang nakaraan at hinaharap ay puno ng mga barak At walang-hugis na wangis ng kawalan; Ngunit sa sandaling ito, ang katapatang Inalisan ng bawat pagpanig at pang-aaway, Ay buong-kawagasan kang hinahandugan, Mula puso sa puso, ng pagbating tapat, Ektor. EKTOR Salamat, maharlikang Agamenon. AGAMENON [kay TROILO] Troyanong di-pahuhuli sa tanyag, pagbati rin sa yo. MENELAO Hayaang segundahan ko ang pagbati ng aking kapatid. Kayong lupon ng mandirigmang magkakapatid, bienvenido. EKTOR Sinong aming tinutugunan? ENEAS Ang dakilang si Menelao. EKTOR Kayo pala, poon ko. Sa ngalan ng guantelete ni Marte, Salamat! Wag isiping nanlilibak sa kakaibang pagbati; Asawa mo kasiy panay sumpa sa guwantes ni Veno. Mabuting lagay nya, ngunit utos nyang wag kang batiin sa ngalan nya. MENELAO Wag na siyang banggitin. Nakama matay na paksa. EKTOR Patawad kung akoy nakasakit! NESTOR Madalas kitang nakikita, maginoong Troyano, Na lumalaban alang-alang sa kapalaran mo, Mabagsik na hinahawi ang mga Griyego sa yong daanan, At sing-init ni Perseo, sinisikad ang yong kabayo, Nilalampasan ang mga kaaway na walang-kuwenta, Inaamba ang espada sa hanging makalangit, Tumatangging daluhungin ang mga kulelat, Kayat nasabi ko tuloy sa king mga katabi, Masdan, si Jupitr ay nariyan, nahahabag sa mga kawawa! At nakita na rin kitang humintot mamahinga, At sabay kang palilibutan ng tropa ng mga Griyego,

Troilo at Kresida 76 William Shakespeare At bigla kang lalabang mano-i-mano. Nakita ko yan; Ngunit itong mukha mo, na laging nakasilid sa bakal, Ay ngayon ko lang nakitang hubad. Kilala ko noon Ang iyong impong, at minsan ko nang nakalaban. Marangal siya, ngunit sa ngalan ni Marteng Kapitan nating lahat, hindi aabot sa yong husay. Hayaan kang mayakap ng isang matanda bienvenido! Silay magyayakapan. ENEAS Ang matandang si Nestor. EKTOR Hayaang mayakap kita, matandang istoryador, Na kay-tagal nang lumakad kaalakbay ng Panahon. Pinagpipitaganang Nestor, masaya akong makayakap ka. NESTOR Kung sanay mapantayan ka ng braso ko sa labanan, Gaya ng napapantayan ka nito sa pagpupugay. EKTOR Kung sana nga lamang. NESTOR Ha! Sa puti kong balbas, kakaharapin kita bukas. Bueno, bienvenido, bienvenido! Kakayanin ka sana noon! ULISES Nagtataka ako kung paanong nakatatayo yang lungsod Gayong ang pinakahaligi nitoy kapiling natin ngayon. EKTOR Nakikilala ko ang iyong mukha, Poong Ulises. Ay senyor, kay-raming Troyanot Griyego nang namatay Mula nang una kitang nakita kasama si Diomed Sa Ilyo, noong unang embahada ng hukbong Gresya. ULISES Senyor, sinabi ko sa inyo noon kung anong dapat mangyari. Kalahati pa lamang sa kanyang lakbay ang aking paghula, Ngunit yaring mga muralya, na kumukuta sa yong bayan, Yaring mga toreng tumatagas sa mga ulap, Ay dapat pang humalik sa lupa. EKTOR Di ko maaring paniwalaan. Silay nakatayo pa rin, at sa buong pagpapakumbaba, Iniisip kong ang bawat bato ng Frigiay tig-iisang Sisingil ng Griyegong buhay. Wakas ang puputong sa lahat, At ang kapuwa nating hukom na si Panahon Ang tutuldok non balang-araw. ULISES Pues, sya nang magpasya. Sakdal-hinahon at sakdal-giting na Ektor, bienvenido!

Troilo at Kresida 77 William Shakespeare Pagkatapos ng heneral, pakiusap koy sunod mong dalawin At saluhan sa dulang ang aking tolda. AKILES Uunahan muna kita, Poong Ulises, sinasabi ko! Ngayon, Ektor, binusog na ang mata sa wangis mo; Sa eksaktong pagtanaw ay nausisa ka na, Ektor, At natala ang bawat laman. EKTOR Ito ba si Akiles? AKILES Ako nga si Akiles. EKTOR Ayusin ang tindig, samo ko. Titingnan kita. AKILES Sulitin ang pagtitig. EKTOR Nasulit ko na. AKILES Kay-bilis naman. Uulitin kong muli, Anakiy mamimili, at titingnan kang ganap. EKTOR Ay, parang kawili-wiling aklat ay buo mo kong babasahin. Ngunit mayron sa king higit sa yong mauunawaan. Bakit ako ginugulpi sa iyong pagtitig? AKILES Sabihin sa kin, o langit, aling parte ng katawan Ko kaya sya dapat paslangin? Dito ba, o dito kaya? Nang mapangalanan ko ang bahaging iyon At maibukod-tangi ang guhong pagtatakasan Ng kanyang kaluluwa. Sagutin ako, kalangitan! EKTOR Mahahamak ang mga diyos, palalong tao, Kung kanlang sagutin ang yong tanong. Tumindig muli. Tingin mo bay madali lang mabibitag ang aking buhay Sa paghinuhang pagturing at hamak na pag-akala Sa king kamatayan? AKILES Siyanga. EKTOR Ikaw man ang orakulong mag-uulat sa kin, Di ko pa rin paniniwalaan. Kayat mag-iingat ka; Pagkat di ka papatayin dito, ni roon, o roon man, Bagkus, sa ngalan ng bastipol ni Marte, Papatayin ka sa buong-lupalop ng lupa. Ikaw na pinakamarunong ng Gresya, patawad sa king yabang; Humuhugot ng kahambugan ang kanyang kabuktutan. Ngunit pagsusumikapang pantayan ng gawa ang aking salita, O sanay di na ko

Troilo at Kresida 78 William Shakespeare AYAX Wag nang mag -init, pinsan. At ikaw, Akiles, talikdan itong panlilibak Hanggat bigyan ka ng pagkakataong magpatunay. Maraming araw ka pang makapagpapasasa kay Ektor, Kung matibay ang sikmura mo. Kinakatakot ko, Di ka pahihintulutan ng konsehong magawa yon. EKTOR [kay AKILES] Samo ko, hayaang makita ka namin sa parang. Napakalamyang digmaan ang aming napala Mula nang umayaw kang lumaban para sa Gresya. AKILES Iyon bang hiling? Pues lalabanan ka bukas din. Sa ngayon, magkaibigan muna. EKTOR Kamayan yaring tagisan. Magkakamayan sila. AGAMENON Una sa lahat, kayong mga Griyegoy magtungo sa king tolda; Doon tayo magkakasamang magpista. Pagkatapos, Alinsunod sa nais ni Ektor at sa pahintulot ninyong lahat, Isa-isa natin siyang kumbidahing makapanayam. Hatawin ang mga tamburin, hipan ang bawat trumpeta, Nang malamang buo ng sundalong to ang ating paanyaya. Pakakak. Magsisilabasan ang lahat liban kina TROILO at ULISES. TROILO Poong Ulises, sabihin sa kin, pakiusap ko, Aling parte ng parang tumutuloy si Kalkas? ULISES Sa tolda ni Menelao, marangal na Troilo. Doon makikisalo ngayong gabi si Diomed, Na di-mahiliging tumitig sa langit man o lupa Bagkus ay inuukol lamang ang buong pagsipat Sa maayang si Kresida. TROILO Ako bay matatali sa pagkautang sa iyo, poon, Kung makaraang umalis sa tolda ni Agamenon Ay ihatid nyo ko roon? ULISES Kayong masusunod, senyor. Sa parehong hinahon, sabihin sa king kung gano kayaman Ang pagturing ng Troya kay Kresida. Wala ba syang mangingibig dong Nananaghoy sa pagkawalay?

Troilo at Kresida 79 William Shakespeare TROILO Ay, senyor, nararapat libakin ang mayayabang Na nagbibida ng kanilang mga sugat. Tara na ba, poon? Siyay inibig, at umibig din; noon at ngayon pa man. Subalit ang pag-ibig, laging laruan ng kapalaran. Magsisilabasan.

V.i.

Papasok sina AKILES at PATROKLO.

AKILES Paiinitin ko ang dugo niya sa alak ng Gresya, Na palalamigin ko bukas gamit ang aking tabak. Patroklo, papistahin siya nang abot sa langit. PATROKLO Heto si Tersites. Papasok si TERSITES. AKILES Kumusta, ubod ng inggit? Ikaw na latak ng kalikasan, anong balita? TERSITES Aba, ikaw na larawan lamang ng inaakala mo sa yong sarili at dinodiyos ng mga sumasamba ng tanga, hetong isang liham. AKILES Galing kanino, tira-tira? TERSITES Aba, ikaw na sambuong plato ng katangahan, galing sa Troya. Iaabot niya angliham. Babasahin ito ni AKILES. PATROKLO Sino nang tumatahan sa tolda ni Akiles? TERSITES Ang putang napag-iwanan dahil ang umupay abala na. PATROKLO Napakahusay, tampalasan! Bakit ka na naman nanggagago? TERSITES Puede ba, manahimik ka, totoy. Walang p akinabang sa king makausap ka. Ang tingin lang sa yoy lalaking katulong ni Akiles. PATROKLO Lalaking katulong, tarantado? Anong ibig mong sabihin? TERSITES Aba, ang lalaki niyang puta. Sakmalin ka sana ng mga salot sa katimugan, at dapuan ka sana ng pananakit ng puson, tumbong, katarata, mga pigsa sa likod, pangangantok, sakit sa bato, pamamanhid, pamumula ng mata, pagkabulok ng atay, hika, paghihirap sa pag-ihi, sipilis, mga paltos sa palad, walang-lunas na pananakit ng buto, at pangungulubot ng balat sumaiyo sanang lahat ng peste sa buong mundo! PATROKLO Aba, kasuklam-suklam na bukal ng mga tungayaw, bakit mo isinusmpa sa kin ang lahat ng yan? TERSITES Masusumpa ba kita?

Troilo at Kresida 80 William Shakespeare PATROKLO Abay hindi, sirang timba, balikukot na anak ng aso, hindi. TERSITES Hindi, diba? Pues bakit ka nagwawala, ikaw na hibla ng tastas na sutla, berdeng pantabing ng matang kinukuliti, ikaw na tirintas ng pitaka ng batang maalibugha? Ay, bakit nawiwindang ang kawawang mundo sa mumunting mga bangaw at pinakayagit na elemento ng kalikasan! PATROKLO Layas, peklat! TERSITES Itlog ng pugo! AKILES Patroklong matamis, akoy pinaaatras Sa dakilang gawain ko sa digmaan bukas. Hetong liham galing sa Reyna Hekuba, Isang handog mula sa kanyang anak na aking irog, Buong-pagpipilit akong pinakakapit Sa pangakong aking nabitawan. Ayokong bumali. Maglaho na, Gresya; maglaho, kabantugan; Karangalan, lumayas kung nais mo. Heto ang panata, Na di ko mababalit dapat kong matalima. Halika, Tersites, tulungang gayakin ang aking tolda. Dapat pagurin ang diwa sa puspusang pagpipiyesta. Sulong Patroklo! Lalabas kasama si PATROKLO. TERSITES Sa labis na dugo at kulang-kulang na utak, baka mabaliw ang dalawang timang na yon; pero kung mangyaring magkulang sila sa dugo at lumabis ang kanilang utak, abay di manggagamot na pala ako ng mga baliw. Heto si Agamenon, tapat namang tao at mahiligin sa mga ibong mababa ang lipad, ngunit mas marami pang tinga sa kanyang taynga kaysa utak sa kokote niya. At yaong kapatid niyang tumulad kay Jupitr at naging kalabaw siyang dakilang bantayog ng mga pindeho, torotot na puwedeng hipan ni Agamenon kailan man nya ibigin ano pa bang pagbabagong-hugis ang maiisip ng aking talinong pinataba ng malisya at malisya kong tinilamsikan ng talino? Bakit pa sya gagawing asno di bat pareho siyang asno at baka? Kung baka naman, di bat pareho siyang baka at asno? Kung gawin siyang aso, o buriko, pusa, palaka, o butiki, o kuwago, buwitre, o isdang walang itlog aba, wala na kong pake! Siya na si Menelao! Lalabanan ko maging ang kapalaran kapag tanungin kung ano ako kung nagkataong di si Tersites, mas mamarapatin pang maging pulgas sa balat ng mayketong, kesa maging si Menelao. Aba! Mga malignong santelmo! Papasok sina EKTOR, TROILO, AYAX, AGAMENON, ULISES, NESTOR, MENELAO, at DIOMEDES, may mga dalang sulo. AGAMENON Mali tong daan, mali tong daan. AYAX Hindi, sa gawi ngang yon, Naron, kung saan may liwanag.

Troilo at Kresida 81 William Shakespeare EKTOR AYAX Hindi, munti man. Papasok si AKILES. ULISES Heto sya mismo upang akayin ka. AKILES Bienvenido, magiting na Ektor, bienvenido rin sa inyong lahat. AGAMENON Bueno, Prinsipe ng Troya, magandang gabi sa inyo. Si Ayax ang mamumuno sa inyong mga bantay. EKTOR Salamat at magandang gabi sa heneral ng Gresya. MENELAO Magandang gabi, poon ko. EKTOR Magandang gabi, matamis na Poong Menelao. TERSITES [aparte] Matamis na imburnal kamo. Matamis daw? Matamis na kubeta, matamis na kanal. AKILES Magandang gabi at bienvenido, nang magkasabay Sa aalis at mananatili. AGAMENON Magandang gabi. Magsisilabasan sina AGAMENON at MENELAO. AKILES Mananatili si Tandang Nestor; at ikaw rin, Diomed, Samahan si Ektor nang isa o dalwang oras pa. DIOMEDES Di maaari, poon. May mahalaga akong gawaing Ngayon dapat tuparin. Magandang gabi, dakilang Ektor. EKTOR Akin nang kamay. ULISES [aparte kay TROILO] Sundan ang sulo nya; patungo sya kina Kalkas. Sasamahan kita. TROILO [aparte kay ULISES] Senyor, isang karangalan. EKTOR Bueno, magandang gabi senyo. Lalabas si DIOMEDES; susunod sina ULISES at TROILO sa kanya. AKILES Halikayo, pasok sa king tolda. Inaabala ko kayo.

Magsisilabasan sina AKILES, EKTOR, AYAX, at NESTOR.

Troilo at Kresida 82 William Shakespeare

TERSITES Isang taksil na tampalasan ang Diomedes na iyon, salbaheng tarantado. Hindi ko sya pagkakatiwalaan tuwing lumigid-ligid sya, gaya ng ahas na umaamba ng pangil. Para siyang asong kumakahol, akala moy nakahuli na ng amoy; kahit mga astrologo, hinuhulaan kung kailan darating ang oras na tumupad siya sa pangako; abay araw yon ng pagkagunaw, dapat katakutan ng lahat. Ang araw, kumukuha ng liwanag sa buwan tuwing nagiging tapat si Diomedes. Mas nanaisin ko pang iwanan ang pagbantay kay Ektor kesa tanggihang sundan ang buhong na yon. Ang bali-balita kasi, may tinatago raw siyang puta galing Troya, at pinagsasamantalahan ang tolda ng traydor na si Kalkas. Susundan ko nga. Panay na lang kalibugan! Pulos mga putang di marunong magpigil! Lalabas.

V.ii.

Papasok si DIOMEDES.

DIOMEDES Ano, narito ka ba? Mangusap. KALKAS [sa looban] Sinong tumatawag? DIOMEDES Si Diomed. Si Kalkas ka marahil. Nahan ang yong anak? KALKAS [sa looban] Papunta na. Papasok si TROILO at ULISES sa kalayuan; pagkatapos nilay papasok naman si TERSITES. ULISES [kay TROILO] Tumayo kung san di tayo maiilawan ng sulo. Magtatago sila ni TROILO sa isang lugar, habang si TERSITES naman ay magtatago rin sa ibang lugar. Sa susunod na diyalogo, magpapatuloy sa pagusap sina ULISES at TROILO sa isat isa nang nakaaprte; si TERSITES naman ay bibigkas nang nakaaparte sa buong tagpo. Papasok si KRESIDA. TROILO Palapit sa kanya si Kresida. DIOMEDES [kay KRESIDA] Kumusta na ang aking binabantayan? KRESIDA Kumusta, matamis kong bantay! May sasabihin ako. May ibubulong siya kay DIOMEDES.

Troilo at Kresida 83 William Shakespeare TROILO Aba, malapt na kaagad? ULISES Aawitan niya kahit ang bagong kakilala. TERSITES [aparte] At maaawitan din siya ng kahit sinong lalaki, kung siyay matunugan. Nakantahan na yan. DIOMEDES Maaalala mo ba? KRESIDA Maaalala? Oo. DIOMEDES Pues, gawin mo, At parisan ng gawa ang sambit mong salita. TROILO Anong dapat nyang maalala? ULISES Makinig. KRESIDA Griyegong kay-tamis, wag mo na kong tuksuhin. TERSITES [aparte] Kabuktutan! DIOMEDES Kung gayon KRESIDA Sinasabi ko DIOMEDES Naku, naku! Wag kang manlinlang. Nangako ka na. KRESIDA Hindi maaari. Anong nais mong gawin ko? TERSITES [aparte] Gumagawa ng kababalaghan nahahayag nang lihim. DIOMEDES Anong pinangako mong ibigay sa akin? KRESIDE Samo ko, wag panghawakan ang aking pangako. Hingin mo sa kin ang lahat na, wag lang yon, Griyego. DIOMEDES Magandang gabi. Akmang aalis. TROILO Maghinay at magtiis! ULISES Kumusta ka, Troyano? KRESIDA Diomed DIOMEDES Hindi, hindi, magandang gabi. Ayoko nang paloko sa yo. TROILO Mas dakilang taong nagpapaloko sa babaeng yan. KRESIDA Makinig, mayron pa kong sasabihin. TROILO Ay, salot at kabaliwan! ULISES Naninidhi ka, Prinsipe. Umalis na tayo, pakiusap, At baka daigin ka ng iyong pamimiyapis, Buyuin kang magwala. Peligrosong lugar na to, Nakamamatay ang panahon. Samo ko, umalis. Susubukan niyang akaying paalis si TROILO. TROILO Makinig, pakiusap!

Troilo at Kresida 84 William Shakespeare ULISES Wag na , poon, umalis. Nahihibang ka na. Halika, poon. TROILO Manatili, samo ko. ULISES Wala kang hinahon. Tara na. TROILO Nagmamakaawa ako: manatili. Sa ngalan ng impyerno, Wala akong sasabihin! DIOMEDES Kayat magandang gabi. Paalis na. KRESIDA Aalis ka nang nagtatampo. TROILO Ikinasasama ng loob mo? Ay, wasak na pangako! ULISES Napaano ka, poon? TROILO Maghuhunus-dili ako. KRESIDA Aking bantay! Aba, Griyego! DIOMEDES Naku, naku! Adyos. Salawahan ka. KRESIDA Samo ko, hindi. Pumarito kang muli. ULISES Nanginginig kayo, poon. Ayaw nyo bang umalis? Mahihibang ka. TROILO Hinihipong pisngi nya! ULISES Tara na, tara. TROILO Manatili. Sa ngalan ni Jov, di na ko wiwika. Sa pagitan ng poot at karahasan, namamagitan Ang aking katinuan. Manatili pang saglit. TERSITES [aparte] Ay, kinikiliti sila ng matatabang daliri ng diyablong si Kalibugan! Masunog kayo sa libog, masunog! DIOMEDES [kay KRESIDA] Ano, gagawin mo ba? KRESIDA Gagawin ko. Wag na kong pagkatiwalaan, kung hindi. DIOMEDES Bigyan mo ko ng handog bilang panigurado. KRESIDA Kukunin ko. Lalabas. ULISES Nangako kang huminahon. TROILO Wag akong katakutan, poon. Wala na ko sa sarili, ni hindi ko nadarama Ang aking paninidhi. Akoy purong kahinahunan.

Troilo at Kresida 85 William Shakespeare Papasok si KRESIDA, dala ang manggas ni TROILO. TERSITES [aparte] Heto nang sumpaan; heto na, heto na! KRESIDA Diomed, tanggapin itong manggas. Iaabot niya iyon kay DIOMEDES. TROILO Ay kariktan, nasan ang yong katapatan? ULISES Poon ko TROILO Maghuhunus-dili ako; panlabas koy payapa. KRESIDA Tinititigan mong manggas na yan. Tingnan mong maigi. Inibig niya ko Ay salawahang babae! Akin nang muli. Kukunin niya ito ulit. DIOMEDES Kanino yan? KRESIDA Hindi na mahalaga, pagkat nasa kin nang muli. Hindi ako makikipagkita sa yo bukas nang gabi. Samo ko, Diomed, wag na kong dadalawin. TERSITES [aparte] Aba, tumatalas ang babae. Magaling, hasaan! DIOMEDES Kukunin ko. KRESIDA Alin, ito? DIOMEDES Iyan nga. KRESIDA Ay, mga diyos! O pangakong kay-rikit! Iniisip ka ngayon ng iyong amo Sa kanyang higaan, nagbubuntung-hininga, Hinahawak-hawakan ang aking guwantes, Hinahalik-halikan niya, gaya mong hinahagkan ko rin. Wag mong kunin ang makakukuha nyan, tangan din ang puso ko. DIOMEDES Nakuha na ang puso mo pues dapat kunin din ito. TROILO Nangako akong huminahon. KRESIDA Hindi mo makukuha, Diomed, pangako, hinding-hindi. Ibang ibibigay ko sa yo. DIOMEDES Iyan ang gusto ko kanino nga ba? Kukunin niya ang manggas.

Troilo at Kresida 86 William Shakespeare

KRESIDA Hindi na mahalaga. DIOMEDES Sige na, sabihin sa kin ang may-ari. KRESIDA Isang lalaking umibig sa kin nang higit kaysa sa yo. Pero ngayong nasa iyo na, abay di kunin mo. DIOMEDES Kanino nga? KRESIDA Sa ngalan ng bawat aliping babae ni Diana, At sa ngalan din ng diyosa, di ko sasabihin. DIOMEDES Bukas ay susuotin ko to sa king bastipol At lalansagin ang kalulwa niyang hindi kayang umangkin. TROILO Kahit ikaw pa ang diyablo, at suotin mo yan sa yong sungay, Aangkinin ko pa rin, pangako. KRESIDA Di bale, tapos na, nangyari na. Ngunit hindi pa; Ayoko nang tuparin ang panata. DIOMEDES Kung gayon, paalam. Hindi mo na muling masasaktan si Diomed. Akmang aalis si DIOMEDES. KRESIDA Hindi ka aalis. Kaunting salita lamang Ay nag-iinit ka na. DIOMEDES Wala akong hilig sa tuksuhan. TERSITES [aparte] Ni ako, sumpa man kay Pluto; ngunit anumang hindi mo kinatutuwa, pinatutuwa akong lubha. DIOMEDES Ano, darating pa ba ko? Anong oras? KRESIDA Dumalaw ka Ay Jov! dumalaw susumpain ako. DIOMEDES Paalam sa ngayon. Lalabas si DIOMEDES. KRESIDA Magandang gabi. Samo koy dumalaw ulit. Paalam na, Troilo! Isang mata koy sa yo pa rin nakatitig, Ngunit pusoy tumatanaw nang gamit ang kabilang mata. Ay, kawawang kababaihan! Ito ang ating kahinaan: Yaong buktot na mata ang syang sinusundan ng isipan. Tiyak akong sasala. Ay, kung gayon, naiisip ko, Ang isipang sunud-sunuran sa matay laging naglililo. Lalabas. TERSITES [aparte] Hindi na niya mahahayag nang mas klaro pa ang kanyang pagkatao,

Troilo at Kresida 87 William Shakespeare Liban kung sabihin niyang, Naging puta na ako. ULISES Tapos na ang lahat, poon. TROILO Gayon ba. ULISES Bat pa tayo nandito? TROILO Upang maitala sa aking kaluluwa Ang bawat salitang ditoy nabigkas. Ngunit kung salaysayin kung pano silang nagkita, Hindi ba ko magsisinungaling sa pag-ulit ng katotohanan? Sapagkat ginigiit sa looban ng aking puso Ang isang nagmamatigas na pag-asang Pinasisinungalingan ang ulat ng taynga kot mata, Animoy likas na sinungaling ang mga sentido ko, Gumagana lamang upang manglilo. Nandito nga ba kanina si Kresida? ULISES Di ko masabi, Troyano. TROILO Nakatitiyak akong hindi. ULISES Siya ngay nandito kanina. TROILO Aba, hindi baliw ang aking pagtanggi. ULISES Ni ang akin, poon. Nandito si Kresida, kanina. TROILO Wag mong paniwalaan, sa ngalan ng tanang babae! Alalahanin mong may ina ka rin. Wag kang susuko Ang pagbatikos, bagaman mabusisi, ay panay lamang Panlilibak, ginagawang batayan ng sangkababaihan Ang halimbawa ni Kresida. Wag mong isiping si Kresida yon. ULISES Ano bang nagawa nya, Prinsipe, na ikarurungis ng ating mga ina? TROILO Wala, liban kung si Kresida nga iyon. TERSITES [aparte] Matatanggihan ba nya nang buong-loob ang nasaksihan ng sariling mga mata? TROILO Iyon ba sya? Hindi iyon ang Kresida ni Diomedes. Kung may kalulwa ang kariktan, hindi ito iyon; Kung gabay ng panata ang kalulwa, at bawat panatay banal, At kaligayahan ng langit ang kabanalan, Kung may kabuuan nga ang pag-iral ng isang bagay, Hindi yon si Kresida. Ay, kahibangan ng katuwiran, Na kapwang nagpapatunay at sumasalungat sa sarili nya !

Troilo at Kresida 88 William Shakespeare Kabalintunaan, kung saan nakokontra ng katuwiran ang sarili Ngunit hindi pa rin matalu-talo, at sa pagkataloy Nangangatuwiran nang di-nakokontra! Itoy si Kresida, at hindi. Sa loob ng kalulwa koy nagbabakbakan Itong hiwaga: na ang isang bagay na di-mahiwa-hiwalay Ay maaaring maging sinlayo ng langit at lupa sa sarili nya, Subalit ang napakalawak na espasyo sa pagitan Ay di man lang matawiran ng kahit isang karayom Na sinliit ng pangil ng gagambang si Arachne. Patunay, o patunay, sintibay ng tarangkahan sa Impyerno, Sa kin si Kresida, ginapos sa kin ng tanikala ng langit; Patunay, o patunay, sintibay mismo ng kalangitan, Natakasan nang gapos ng langit, tinunaw at winasak, At sa ibang bigkis, na singhigpit ng kamay na kumakapit, Ang mga latak ng kanyang katapatan, mga tira-tira nito, Mga masesebo, mamantikang pira-piraso Ng katapatan nyang pinagpiyestahan palalamon kay Diomed. ULISES Maaari bang mahiwalay muna si Troilong magiting Mula sa paninidhing kanyang inaatungal? TROILO Oo at makikita ang kanyang paghuhunus-dili Sa paraang simpula ng puso ni Marteng Nagbabaga para kay Veno. Wala nang binatang umibig Nang singwagas at singtibay kaysa sa kin. Makinig, Griyego: kapantay ng pag-ibig ko kay Kresida, Gayon din ang bigat ng poot ko kay Diomedes. Akin ang manggas na ikakabit sa kanyang bastipol. Kahit kutamaya pa yong si Vulcan mismong pumanday, Wawasakin pa rin ng aking espada. Kahit ang ipu-ipong Kinatatakutan ng mga marinero sa dagat, Na inipon at ginatungan ng makapangyarihang araw, Ay di dadaig sa pagbulahaw sa taynga ni Neptuno Kumpara sa hagibis at daluhong ng aking patalim Sa katawan ni Diomedes. TERSITES [aparte] Kilitian sa ngalan ng isang putsa. TROILO O Kresida! O taksil na Kresida! Taksil, taksil, taksil! Tabihan man ng bawat kasinungalingan ang yong ngalan, Mas magmumukha pa ring wagas. ULISES Kalamayin ang dibdib. Maririnig ka ng ibang tao. Papasok si ENEAS.

Troilo at Kresida 89 William Shakespeare

ENEAS Isang oras na kitang hinahanap, poon ko. Nagsusuot na ng baluti ngayon si Ektor sa Troya; Ang bantay mong si Ayax, handa ka nang ihatid pauwi. TROILO Handa na ko, Prinsipe. Poong magalang, adyos. Paalam sa yo, kariktang kasuklam-suklam! At Diomed, Maghanda ka magsuot ng kastilyo sa yong kokote! ULISES Ihahatid kita sa may tarangkahan. TROILO Tumanggap ng pasasalamat na hibang. Magsisilabasan sina TROILO, ENEAS, at ULISES. TERSITES Ay, kung makasalubong ko ang tampalasang si Diomed! Huhuni akong parang uwak; magbababala ako, magbababala. Ibabayad sa kin ni Patroklong kahit na ano, makasagap lang sya ng tsismis hinggil sa putang yon. Ang hilig ng lorong kumain ng almendray di sinsidhi ng hilig ni Patroklong makarinig tungkol sa bayarang iyan. Kalibugan, kalibugan, digmaan at kalibugan pa rin; wala nang iba pang naghahari. Lamunin sana silang lahat ng diyablo! Lalabas.

V.iii.

Papasok si EKTOR, nakaarmas, at si ANDROMAKE.

ANDROMAKE Kailan pa naging ganyan kabingi ang taynga Ng panginoon kong asawa sa tinig ng mabuting payo? Maghubad ng armas, at wag kang lalaban ngayon. EKTOR Tinuturuan mo kong suwayin ka. Pasok. Sa ngalan ng mga bathalang imortal, lalaban ako! ANDROMAKE Magiging malagim na senyal ang aking mga panaginip, tiyak ako. EKTOR Tama na, utos ko. Papasok si KASANDRA. KASANDRA Nahan ang kapatid kong Ektor? ANDROMAKE Nandito, hipag, nakaarmas, handang dumanak ng dugo. Saluhan mo ang ingay ng aking pagmamakaawa: Putaktihin siya ng pagluhod. Napanaginipan ko

Troilo at Kresida 90 William Shakespeare Ang madugong kaguluhan, at buong gabiy Panay hugis at haraya ng samut saring karahasan. KASANDRA Ay, totoo. EKTOR [tatawag] Hoy! Hipan ang trumpeta. KASANDA Wag nang magtawag ng paglaban, kapatid, samo ko. EKTOR Sulong, sabi. Narinig na ko ng langit mamanata. KASANDRA Bingi ang langit sa mga sutil na pangako. Iyan ay mga narumhang alay, kinasusuklamang Gaya ng atay na may lamat sa mesa ng altar. ANDROMAKE Magpahimok, poon! Wag isiping banal Ang sumala nang dahil sa pagtupad. Makatuwiran din Ang magnakaw dahil hangad mong magbigay, Kayat kukuha ng di sa yo sa ngalan ng karidad. KASANDRA Layunin ang nagpapatatag sa binitawang panata, Ngunit ang mamanata sa lahat ay gawang wala sa tama. Maghubad ng armas, matamis na Ektor. EKTOR Sukat na, sabi. Karangalan ko ang poon ng aking kapalaran Mahalaga sa bawat tao ang kanyang buhay, ngunit Ang taong mahalaga, mas pinahahalagahan ang dangal. Papasok si TROILO. Kumusta, binata, lalaban ba ngayong araw? ANDROMAKE Kasandra, himukin ang amang makiusap. Lalabas si KASANDRA. EKTOR Huwag, binatang Troilo, hubarin ang yong baluti; Ako ngayon ang may ganang magkamit ng kadakilaan. Hayaang tumubo ang yong kalamnan hanggang tumibay, At wag munang suungin ang karahasan ng digma. Maghubad ng armas, binata, at wag manghinayang, Para sa yo, sa Troya, at sa kin ang aking paglaban. TROILO Kapatid, lumalabis ang kabaitan sa yong puso,

Troilo at Kresida 91 William Shakespeare Na lalong nababagay sa leon kaysa sa tao. EKTOR Anong kabaitan yon? Troilo, suwayin ako. TROILO Sa tuwi-tuwinang natatalo mo sa laban ang mga Griyego, Kahit sa rurok ng paghagibis at daluhong ng yong patalim, Hinahayaan mo silang mabuhay. EKTOR Patas na laro, kapatid. TROILO Sa laro ng timang, Ektor. EKTOR Abay bakit, iyong sabihin. TROILO Sa ngalan ng pag-ibig sa langit, Iwan mo sa mga ina ang pagpapakita ng habag. At pag nakasugpong na ang kabitan ng baluti, Hayaang magnaknak ang higanti sa ating patalim, Pasikarin sa kanlang gawa, iadya sa gawi ng awa. EKTOR Ay, malupit, malupit! TROILO Ektor, ganyan ang digmaan. EKTOR Troilo, ayokong sumabak ka ngayong araw. TROILO Sinong makapipigil sa kin? Ni kapalaran, o pagtalima, o kamay mismo ni Marteng Nag-uutos sa king umuwi gamit ang nag-uumapoy na baston, Ni si Priamo o Ekubang nakapanikluhod, May mga matang nagbabaga sa kaluluha, Ni ikaw, kapatid, hugot man ang wagas mong tabak Upang akoy harangan, at makapipigil sa kin. Sadya mo yong ikamamatay. Papasok sina PRIAMO at KASANDRA. KASANDRA Kumapit sa kanya, Priamo, hawakang mahigpit; Siya ang yong tungkod. At kung ikay bumitaw, Pagkat nakasandal sa kanya, mahuhulog din sa lupa Ang buong bayan ng Troya. PRIAMO Halina, Ektor, bumalik. Nanaginip ang asawa mo, ina moy sumaksi Sa mga pangitain, si Kasandray nakapaghula, At ako man ay sinapiang parang propeta Upang sabihin sa yong malagim ang araw na ito. Samakatuwid, bumalik ka na.

Troilo at Kresida 92 William Shakespeare EKTOR Nasa parang na si Eneas, At akoy nangako sa kay-raming mga Griyego, Sa ngalan mismo ng kagitingan, na akoy lilitaw Ngayong umaga upang lumaban. PRIAMO Hindi ka aalis. EKTOR Di ko mababali ang pinangako. Alam mong tapat ako; kung kayat senyor, Wag akong hayaang humamak ng dangal, Bagkus ilakip ang pag-ayon at titig sa gawaing Ngayoy ipinagbabawal sa kin, Priamong mahal. KASANDRA O Priamo, wag pabubuyo sa kanya! ANDROMAKE Wag nga, amang irog. EKTOR Andromake, akoy nagagalit sa yo. Sa ngalan ng pag-ibig mo sa kin, pumasok ka na. Lalabas si ANDROMAKE. TROILO Itong hangal, nananaginip, mapamahiing babaey Panay babala. KASANDRA Ay, paalam, mahal kong Ektor! Tingnan kung pano kang mamatay! Kung panong mamuti ang mata! Kung panong bumukal ang dugo mula sa bawat sugat! Dinggin ang taghoy ng Troya, ang atungal ni Ekuba, Ang hiyaw ng hilahil na magmumula kay Andromake! Nariyan nang kalituhan, kaululan, at paninindak, Parang mga hangal na walang-utak tayong magtitipon Upang sama-samang sumigaw, Ektor! Patay na! O si Ektor! TROILO Layas! Layas! KASANDRA Paalam. Pero, teka! Ektor, ako nay mamamaalam. Ang sarili mo, at buong Troya ang sya mong nililinlang. Lalabas. EKTOR Nagugulilat ka, panginoon, sa kanyang kahibangan. Pumasok, paligayahin ang bayan. Lalaban ako, Pag nakamit na ang tagu mpay, saka ako magkukuwento. PRIAMO Paalam. Kasihan ka sana ng mga diyos! Magsisilabasan sina PRIAMO at EKTOR sa magkaibang dako. Pakakak.

Troilo at Kresida 93 William Shakespeare TROILO Naghahataw na, makinig! Palalong Diomed, iyong paniwalaan, Braso koy puputulin, makamit lang muli ang laylayan. Papasok si PANDARO. PANDARO Narinig mo ba, poon ko? Narinig mo ba? TROILO Anong mayron? PANDARO Hetong isang liham galing sa kawawang dalagita. Iaabot niya ang liham. TROILO Babasahin ko. PANDARO Putang-inang ubo ito, putang-inang sinumpang ubo ang pumepeste sa kin, at ang kawawang kapalaran ng babaeng yan, at kung-anu ano pang mga bagay, nagkapatung-patong nat sumpa man, isang araw ay iiwan ko kayong lahat. At nagmumuta rin ang aking mga mata, at kay-hapdi ng aking mga buto. Kung hindi ako kinukulam, aba, di ko na alam kung anong nangyayari sa kin. Anong sabi nya sa sulat? TROILO Mga salita, mga salita, mga salita lamang na di-hinugot sa puso; Hindi tugma ang gawa sa mga pinagsasabi niya. Pupunit-punitin niya ang liham, at itatapon ito sa ere. Sige, hangin, masaboy ka sa hangin! Dyan ka manglilo. Patuloy nyang pinalalamon ang pag-ibig ko sa kasinungalingan, Habang ginagawa nyang mangingibig ang ibang mangmang. Magsisilabasan.

V.iv.

Pakakak. Papasok si TERSITES. Bakbakan.

TERSITES Ngayon, naghahatawan na silang lahat. Panonoorin ko. Nagtali sa bastipol ang mapaglinlang na buhong, si Diomed, ng isang manggas na pagmamay-ari ng binatang taga-Troya, yaong haling na haling sa isang nanlilimahid na puta. Sanay makita ko silang magkaharapan, nang sa gayon, pagkatapos maglaban niyang binatang Troyanong baliw na baliw sa putatsing, at ng Griyegong tampalasang bugaw ay makabalik na siya sa salawahang bruhang yong saksakan ng libog, gayong wala namang kakuwenta-kuwenta ang lahat nitong pag-aaway. Sa kabilang dako, nariyan naman ang sabwatan ng mga nagtutungayaw na hunghang yaong si Nestor na singgurang ng kesong inaamag, at ang tusong aso, na si Ulises mga sabwatan nilay walang kasilbi-silbi. Pilit nilang pinagsasabong yaong askal na si Ayax laban kay Akiles na kung tutuusin ay

Troilo at Kresida 94 William Shakespeare isang aso ring ganoon kahamak. Kayat ngayon, ang irong si Ayax ay mas hambog pa kaysa sa irong si Akiles, at ayaw daw lumaban ngayon, kayat nagwawala ang bawat Griyego, wala nang kaayusan, at ang pakanang dapat pakinabangan ay nauuwi sa katunggukan. Papasok si DIOMEDES, susundan ni TROILO. Tahimik! Hetong may-manggas, at yung isa pa. TROILO Wag nang tumakas. Kahit lundagin mo pa ang Ilog Estigia, Susundan pa rin kita. DIOMEDES Akala moy tatakas ako? Hindi ako aalis, bagkus hinimok ng wastong estratehiya, Na umatras upang hindi malugi sa pagbabaka. Alisto! Maglalaban sila. TERSITES Ipaglaban ang iyong puta, Griyego! Ipaglaban ang puta mo, Troyano! Ngayon, ang manggas, ang manggas! Magsisilabasan sina TROILO at DIOMEDES, nag-aaway. Papasok si EKTOR. EKTOR Anong tao ka, Griyego? Ikaw bay tatapat kay Ektor? Marangal ba ang yong dugot kapanganakan? TERSITES Hindi, hindi, isa akong buhong, isang kasumpa-sumpang lukayo, marungis at kawawang tampalasan. EKTOR Naniniwala ako. Mabuhay. Lalabas. TERSITES Salamat sa Diyos at akoy pinaniwalaan; pero mabali sanang leeg mot muntik na kong kaawayin! Ano na kayang nangyari sa mga tarantadong nagaaway sa putahan? Baka nalamon nang isat isa. Pagtatawanan kong himalang iyon ngunit, kung tutuusin, nilalamon nga naman ng libog ang sarili niya. Hahanapin ko. Lalabas.

V.v

Papasok sina DIOMEDES at isang ALIPIN.

DIOMEDES Sulong, sulong, alipin, kunin ang kabayo ni Troilo; Ihandog ang maayang animal sa Senyorita Kresida. Katoto, batiin ang kanyang ganda para sa kin; Sabihin mong naparusahan ko ang magiting na Troyano At akoy kabalyero nang ganap.

Troilo at Kresida 95 William Shakespeare ALIPIN Papasok si AGAMENON. AGAMENON Balik, balik! Pinatay ng mabalasik na Polidamas Ang gererong si Menon; nabitag ni Margarelon Na Bastardo ang sundalong si Doreo, At tumitindig na parang coloso, nagwawagayway Ng sibat sa durug-durog na bangkay ng mga haring Epistrofo at Cedio; patay na si Polixenes, Sugatang lubha sina Amfimacot Toas, Binihag o pinatay si Patroklo, at si Palamedes Pasa-pasat lasog. Ang kasindak-sindak na Sagitarioy Umuubos sa ting hukbo. Magmadagli, Diomed, Makibaka, kundiy masasawi tayong lahat. Papasok sina NESTOR at iba pang MGA SUNDALO. NESTOR Dalhin ang bangkay ni Patroklo kay Akiles, At utusang mag-armas ang pagong na si Ayax. May mga magsisilabasan. Wariy may sanlibong Ektor sa parang. Ngayoy lumalaban siyang lulan ng kabayo ni Galate, At diyan namay namamahinga; naron siyang naglalakad, At narong tinatakasan ng mga kaaway, takot masawi, Parang mga isda sa harap ng balyena; at naron naman, Katapat ang mga Griyegong yari sa dayami, Yumuyukod sa harap niyang parang mga inaning talahib. Dito, doon, at sa bawat dakoy pumaparot parito, Kaakbay ng tulin ang takaw sa dugo Kayat ang loobin, nagagawang agad, at lumalabis pa, Kayat di halos mapapaniwalaan ang mga nagagawa . Papasok si ULISES. ULISES Ay, tibayan ang loob, mga poon! Ang dakilang Akiles Ay nag-aarmas, tumataghoy, tumutungayaw, nangangako ng higanti. Ginising ng mga sugat ni Patroklo ang antukin niyang dugo, At kasama ng mga sundalo niyang Mirmidones, Gagawin, poon. Lalabas.

Troilo at Kresida 96 William Shakespeare Na kahit naputulan ng ilong, kamay, at sugat-sugat, Ay dali-daling nagtitipon sa kanyang pagtawag, Sinisigaw ang ngalan ni Ektor. Namatayan ng kaibigan Si Ayax, kayat nagbubula sa bibig, at nagwawala sa parang, Hinihiyaw ang ngalan ni Troilo, na nagkamit ngayong araw Ng mga hibang at kataka-takang tagumpay, Sumusugod at nang-aagaw ng parangal Nang may bara-barang lakas, di halos nag-iisip At aakalain mong kapalaran mismong umaakay sa kanya, Di-alintana ang husay ng kalaban. Papasok si AYAX. AYAX Troilo! Duwag na Troilo! Lalabas. DIOMEDES Doon, doon. Lalabas. NESTOR Kitay maghugot nang sabay. Papasok si AKILES. AKILES Nasan si Ektor? Halika, halika, mamatay ng bata, ipakitang sarili! Alamin kung paanong humarap sa muhi ni Akiles. Ektor! Nasan si Ektor? Walang ibang papatayin, kundi sya. Lalabas kasama ang iba.

V.vi.
AYAX

Papasok si AYAX.

Troilo, duwag na Troilo, ipakita ang yong ulo! Papasok si DIOMEDES. DIOMEDES Troilo, sabi ko! Nasan si Troilo? AYAX Anong pakay mo? DIOMEDES Tuturuan siya ng leksyon. AYAX Kung akong heneral, mas iibigin pang mapasayo ang aking puesto Kaysa agawan ako ng pagkakataong yon. Troilo, sabi ko! Nasan ka?

Troilo at Kresida 97 William Shakespeare Papasok si TROILO. TROILO Ay, taksil na Diomed! Ilayo ang yong mukha, traydor, At ibayad ang buhay mo kapalit sa king kabayo! DIOMEDES Ha, nariyan ka pala! AYAX Mag-isa ko siyang lalabanan. Pumirme, Diomedes. DIOMEDES Itong aking premyo. Di ako maaring manood lamang. TROILO Halikayo pareho, mga Griyegong buhong, alisto kayong kapwa! Lalabas sina TROILO kasama si AYAX at DIOMEDES, naglalaban. Papasok si EKTOR. EKTOR Hoy, Troilo! Magiting ang paglaban, bunsong kapatid! Papasok si AKILES. AKILES Nakita na kita, sa wakas. Ha! Maghanda ka, Ektor! Maglalaban sila; mapapagod si AKILES. EKTOR Magpahinga, kung ibig mo. AKILES Kinamumuhian kong paggalang mo, Troyanong hambog. Magdiwang at napapagal ang aking mga braso. Kaibigan mo ngayon ang aking pagpapahinga, Ngunit mayat maya rin ay makikita mo ko; Pansamantala, kumalap ng ligaya. EKTOR Paalam. Mas naghanda sana akong lumaban, Kung nalaman kung makakaharap kita. Papasok si TROILO. Kumusta, kaputol! TROILO Napaslang ni Ayax si Eneas. Panong nangyari? Hindi, sa ngalan niyaring apoy sa langit,

Troilo at Kresida 98 William Shakespeare Hindi nya mawawasak si Eneas. Kundi, pati akoy masasawi, Para lang siyay salbahin. Kapalaran, dinggin ang aking sinabi! Kahit ngayon mo ko patayin, wala akong paki! Lalabas. Papasok ang ISANG NAKAARMADURA. EKTOR Tigil, tigil, Griyego! Mainam na tudla. Hindi? Ayaw bang lumaban? Kursunada kong baluti mo; Kakalagin ko ito, sisirain ang bawat bigkis, Hanggang mapasaakin. Lalabas ang NAKAARMADURA. Tatakas ka, hayop? Pues, sulong, lipad. Aagawin ang yong suot. Lalabas nang nanghahabol.

V.ii.

Papasok si AKILES, kasama ang MGA MIRMIDONES.

AKILES Palibutan nyo ko, aking mga Mirmidon; Dinggin ang aking utos. Sundan ang bawat kong hakbang. Wag kayong lalaban, ipunin ang hininga, At pag matagpuan ko na ang duguang si Ektor, Palibutan nyo siyat daluhungan ng espada; Sa pinakabuktot na paraan, kayoy tumupad sa utos. Sundan ako, senyores, sipatin ang bawat kong galaw. Niloob na mamatay ang Dakilang Ektor ngayong araw. Magsisilabasan. Papasok si TERSITES; mag-aaway sina MENELAO at PARIS. TERSITES Nagtutukaan ang pindeho at mampipindeho. Ariba, toro! Ariba, aso! Sige, Paris, sige! Ngayon naman, ang Espartano kong doble ang sungay! Sige, Paris, sige! Lyamado ang toro. Mag-ingat sa sungay, kayo! Magsisilabasan sina PARIS at MENELAO. Papasok ang bastardong si MARGARELON. MARGARELON Pumihit, alipin, at lumaban. TERSITES Anong tao ka? MARGARETON Bastardong anak ni Priamo. TERSITES Akoy anak din sa labas; mahal ko ang mga bastardo. Isinilang a kong

Troilo at Kresida 99 William Shakespeare bastardo, tinuruang bastardo, bastardo sa isip, bastardo sa giting, lehitimonglehitimo sa lahat. Hindi kakagatin ng oso ang kapuwa oso, kayat bakit yun gagawin ng isang bastardo? Isipin mong maigi, makasasama sa tin ang digmaang ito. Kung ang isang anak ng putay lumaban alang-alang sa isang puta, umaakit siya ng paghuhusga. Paalam, bastardo. Lalabas. MARGARETON Kunin ka ng diyablo, duwag! Lalabas.

V.viii.

Papasok si EKTOR, kaladkad ang bangkay niyong nakaarmadurang pinaslang niya.

EKTOR Napakabulok ng yong looban, ngunit kay-inam ng labas, Naging mitsa ng buhay mo ang yong armadura. Sapat na to sa ngayon. Magpapahinga na ko. Humingalay, espada; busog ka na sa kamatayan at dugo. Maghuhubad siya ng armas. Papasok si AKILES at kanyang MGA MIRMIDONES. AKILES Masdan, Ektor, ang paglubog ng araw, Kung panong sumunod ang pangit na gabi. Kasabay ng tabing ng dilim na lumalatag sa liwanag, Gayon ding magwawakas ang buhay ni Ektor. EKTOR Wala akong armas. Ipagpaliban ang atake, Griyego. AKILES Humataw, mga katoto, humataw! Hetong hanap-hanap ko. Dadaluhungin nila si EKTOR, at papaslangin ito. Bumulusok ka, Ilyo! Ngayon, Troya, lumubog! Hetong napatirapa ang yong puso, kalamnan, at buto. Sulong, Mirmidones, ubos-lakas nyong ipagsigawan Dahil kay Akiles, si Ektor nay pinaslang. Huhudyat ang pakakak ng pag-atras. Dinggin! Aatras na ang panig ng Gresya. ISANG MIRMIDON Gayon din ang himig ng mga Troyano, poon.

Troilo at Kresida 100 William Shakespeare AKILES Sinusukob na ng dragong pakpak ng gabi ang lupa, At hinahawi ang bangayan ng kapuwa hukbo. Ang espada kong bitin, na sanay kaya pang lumamon, Ay busog na sa inulam niyat handa nang huminahon. Ikakaluban ang espada. Hala, itali ang bangkay niya sa buntot ng aking kabayo. Kakaladkarin ko siya sa buong kapatagang Troyano. Magsisilbasan kasama ang bangkay ni EKTOR.

V.ix.

Pakakak ng pag-atras. Papasok sina AGAMENON, AYAX, MENELAO, NESTOR, DIOMEDES, at iba pa, nagmamartsa. Sigaw mula sa looban.

AGAMENON Makinig! Makinig! Anong sigawan yon? NESTOR Tumahimik, mga tambol! MGA SUNDALO [mula sa looban] Akiles! Akiles! Patay na si Ektor! Akiles! DIOMEDES Ang buod ay patay na si Ektor sa kamay ni Akiles. AYAX Gayumpaman, wag sanang ipagyabang; Si Ektor ay taong kasingdakila niya. AGAMENON Ituloy ang martsa nang tahimik. Magsugo ng isa Upang hilinging dumalaw si Akiles sa tolda natin. Kung kamatayang yon ang maging sanhi ng aming pagbati, Pues ang dakilang Troyay atin na, uuwi tayong wagi. Magsisilabasan.

V.x.
ENEAS

Papasok sina ENEAS, PARIS, ANTENOR, at DEIFOBO.

Bangon! Tayoy poon pa rin ng kapatagan. Wag uuwi; dito magpalipas ng gabi. Papasok si TROILO.

Troilo at Kresida 101 William Shakespeare TROILO Patay na si Ektor. LAHAT Ektor! Wag loobin ng langit! TROILO Patay na sya, at sa buntot ng kabayo ng mamamatay, Buong kahayupan siyang kinakaladkad sa parang. Magmaktol, o langit, madaliin ang inyong poot! Umupo sa inyong trono, mga diyos, at sirain ang Troya! Minsan pa: habag nyo nawa ang mga munting salot na ito, At wag patuluy-tuluyin hanggang sa ming pagkawasak! ENEAS Poon, hinahapis nyo ang buong hukbo. TROILO Hindi mo ko naiintindihan, ikaw na nag-uulat sa kin. Hindi ko pinapaksa ang pagtakas, o sindak, o kamatayan. Hinahamon ko ang mga banta ng diyos at tao Sa ting katatagan. Wala na si Ektor. Sinong magsasabi nun kay Priamo, o kay Ekuba? Tawaging kuwago siyang handang magsabi, Patunguhin sa Troya upang iulat ang kamatayan niya. Sa salitang iyon, magiging bato si Priamo, Gagawing mga balon at Niobe ang bawat babae, Gagawing estatwa ang mga lalakit sa iisang salitay Sisindakin ang Troya hanggang malimot nito ang sarili. Ngunit magmartsa. Patay na si Ektor. Wala nang masasabi pa. Manatili. Mga kasindak-sindak na tolda, Na buong-yabang na nakatindig sa ming mga parang, Hayaang magbangon nang maaga ang Titano, At agad ko kayong dadaluhungin! At ikaw, dakilang duwag, Walang bahagi ng lupang makapaghihiwalay sa ting poot. Hahabulin kitang parang budhing batbat ng kasalanan, Na lumilikha ng mga maligno nang simbilis ng isipan. Humudyat ng matuling martsa! Sumadya sa Troya. Dalamhatiy ikubli sa pangako ng benggansa. Akma silang mamartsa paalis. Papasok si PANDARO. PANDARO [kay TROILO] Makinig ka, makinig! TROILO Sulong, bugaw! Naway kahihiyan Ang pumeste sa iyong buhay at pangalan!

Troilo at Kresida 102 William Shakespeare Magsisilabasan lahat, liban kay PANDARO. PANDARO Ay butihing lunas sa nananakit kong buto! Ay, daigdig, daigdig, daigdig! Kinamumuhian ang kawawang tumulong. Ay, mga traydor at bugaw, anong hirap ang pinapataw sa inyo, ngunit di man patikman ng gantimpala! Bakit iniibig ang ating gawain, ngunit pagkatapos ay pinandidirian? Ano bang tulang bagay rito? Ano kayang talinghaga? Heto marahil: Anong sayang umawit ang bubuyog, Hanggang agawan ng ngipin at pulot; At kamandag mo, makaraang sumuko, Ang matamis na pulot at awitin moy lalaho. Mga manggagawa ng laman, ipinta sa inyong mga pintuan ang sumusunod: Kayong karamay ni Pandaro sa negosyo ng laman, Masdan ang kanyang kasawian, mangyaring iyakan, Kung di man maiyak, umungol sanang pilit, Kundi man para sa kin, kahit man lang sa king sakit. Mga hermanot hermana sa bentahan ng ligaya, Makalipas ang dalwang buwan, ako y papanaw na. Ngayon na nga sana, ngunit aking kinakatakot: Baka may magalit at magreklamo pang patotot. Pues akoy magpapawis, at lunas ay hahanapin, Para kung mamatay, sakit koy inyong mamanahin. Lalabas.

WAKAS
Loyola Heights, Quezon City 3 Oktubre, 2012

You might also like