You are on page 1of 8

Kabanata 1

WKabataan ni Florante Cos

Kaisa-isang anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca


si Florante. Anak ng haring Krotona si Prinsesa Floresca na
kung saan nama'y luklukang salamin ng karunungan ang
kanyang kabiyak na si Duke Briseo sa buong kaharian ng
Albanya. Sa kanya isinasangguni ng hari ang lahat ng
desisyon sa loob ng kaharian. Sikat sa katapangan at walang
tatalo sa kabutihang ipinakikita sa kanyang kaisa-isang anak
na si Florante. Dahil dito, mauunawaan natin na ang
kabataan niya ay katulad ng isang mayabong na halaman
na alaga sa dilig ng tubig at sikat ng araw.

Sinasabi ni Prinsesa Floresca ina nuong sanggol pa si


Florante ay muntik na siyang dagitin ng isang malaking
buwitre samantalang nasa loob siya ng bahay sa labas ng
siyudad. Nagpapalahaw ng iyak at sigaw ang Prinsesa kung
kaya dumating si Menalipo na maliksing pumana sa sakim
na ibon na namatay naman agad-agad:

Buong kamusmusa'y di na sasalitin,


walang may halagang nangyari sa akin,
kundi nang sanggol pa'y kusang daragitin
ng isang buwitreng ibong sadyang sakim.

Ang sabi ni ina ako'y natutulog


sa bahay sa kintang malapit sa bundok,
pumasok ang ibong pang-amoy ay abot
hanggang tatlong legwas sa patay na hayop.

Sa sinigaw-sigaw ng ina kong mutya


nasok ang pinsan kong sa Eprio mula,
ngala'y Menandro, may taglay na pana
tinudla
ang
ibo't namatay na bigla,

Anupa't tunay nga yatang kakabit na sa kanyang


pagkatao ang di maunawaang mga pagsubok dahil nang
minsang nakalalakad-lakad na si Florante sa bulwagan ng
bahay sa labas ng bayan ay may isa namang arkon ang
pumasok at biglang hinablot ang kupidong dyamanteng
nakakabit sa kanyang dibdib. Mga pagsubok na naging
bahagi ng kanyang kabataan.

Nang siya ay tumuntong ng ikasiyam na taong gulang


ay naging mahiligin siyang gumamit ng pana na ginagamit
niya sa paghuli ng ibon sa labas ng burol. Ang palaso'y
nakasabit sa kanyang balikat, samantalang nakakandong sa
kanya ang busog. Ang gawain niyang ito ang nakapag
bibigay kaaliwan sa maraming kabataang naroroon na
ginawa naman siyang patnubay. Patuloy nilang hinaha
lughog ang palibot ng kagubatan na ang tanging gabay ay
ang ginintuang sikat ng araw hanggang sila'y abutin ng
katanghalian. Ang samyo ng malaya at malinis na hangin
ang kanilang sinisimsim at ang bango ng mga bulaklak ang
kanila namang sinasamyo.

Sa tuwing umagang bagong naglalatag


ang anak ng araw ng masayang sinag,
naglilibang ako sa tabi ng gubat,
madla ang kaabay na mga alagad.

Hanggang sa tingalain ng sandaigdigan,


ang mukha ni Pebong hindi matitigan,
ay sinasagap ko ang kaligayahan
handog niyong hindi maramot na parang.

Aking tinitipon ang ikinakalat


na masayang bango ng mga bulaklak,
inaaglahi ko ang laruang palad
mahinhing amiha't ibong lumilipad.

Habang ginagala at lumilinga-linga ay patuloy na


sinisipat ni Florante kung may mga ibon sa paligid at kapag
nakakita
ng
isa ay agad hihilahin ang pana at busog upang

walang daplis nitong matutuhog mga mumunting ibon sa


kaparangan. Tuwang-tuwa naman ang mga batang kasama
niya habang dinadampot ang mga ibong napana. Kahit
magkasabit-sabit sila sa mga tinik ng siit na naroon sa
kagubatan ay di nila pinapansin para lamang makuha ang
bumagsak na ibon. Masasayang mga tinig ang maririnig sa
buong kapaligiran:

Kung ako'y mayroong matanaw na hayop


sa tinitingalang malapit na bundok
biglang ibibinit ang pana sa busog,
sa minsang tudla ko'y pilit matutuhog.

Tanang samang lingkod ay nag-aagawan


unang nakadampot ng aking mapatay.
ang tinik sa dawag ay di dinaramdam
palibhasa'y tuwa ang nakakaakbay.

Kapag sila'y umayaw na sa kanilang pamamana ay


nagsisiupo na lamang sila sa tabi ng batis at doo'y tinitingnan
nila ang kanilang mga sarili sa wari'y kristal na tubig. Ang
lamig na dulot nito'y nilalanghap ni Florante, ang mga
matatamis na awit ng mga masasayang nimfa ay kanyang
pinakikinggan na talaga namang nakawiwiling pakinggan.
Ang mga ibong nangaroon ay nagagayuma ding dumapo
sa malalagong sanga ng mga punongkahoy at patuloy na
nagliliparan at nagpapalipat sa mga sanga samantalang
nakikinig din sa awit na wari'y pumapaimbulog na mga
serapines mula sa kalangitan.

Subalit di rin mawala sa kaisipan ni Florante ang mga


magagandang aral at payo ng kanyang ama. Naturuan siya
at nahubog ng mga magagandang pangaral at mahuhusay
● na halimbawa ng kanyang amang duke at mapagmahal na
inang prinsesa. Lumaki siyang mahusay at may angking
talas ng isipan. Inalagaan at ginabayan siya ng mga
magagandang pag-uugali; nabusog siya sa kabaitang
ipinakita ng kanyang mga mapagmahal na magulang.
Minsan sa kanilang pag-uusap ng kaniyang ama ay
nasabi sa kanya na, "ang araw ay malapit na upang malaman
mo ang butil na ginto ng kaalaman. Napapanahon na upang
ika'y matuto sa iyong diwa at kaisipan tungkol sa
karunungan ng buhay. Katulad ng halaman na malapit nang
mamulaklak para sa takdang panahon ay mamunga at
pakinabangan ng iyong sarili, ng iyong mga magulang at
ng buong bayan."
"Kayo ang masusunod ama. Lagi akong handang
sumunod sa pinakamabuti niyong turo para sa akin."

"Mabuti naman anak at ako'y iyong naiintindihan,


salamat! Tunay na napakabata mo pa upang maituro ko sa
iyo ang hiwaga ng mga bagay dito sa sanlibutan. Di pa
marahil panahon, sa iyong kabataan, na ipadama ko sa iyo
ang pakikihamok sa buhay, ang pakikipagkapwa, ang
pakikisama, pakikipagkaibigan at pakikialam sa mga
usaping pambayan."

"Ang pananabik sa aking puso ama ay nadarama ko,


dahil sa mga magagandang sasabihin ninyo. Bukas ang
aking puso't kaisipan na tumanggap ng lahat ninyong aral."

"Anak, sa isang siyudad na malayo sa Albanya na Atenas


ang pangalan ay ipadadala ka namin. Luklukan ito ng
walang katapusang kaalaman. Hinuhubog doon ang mga
kulang sa diwa. Tinuturuan doon ang mga kaisipang
magiging dakila pagdating ng araw."
"Ikaliligaya ko ama ang iyong tinuran."

"Kilala ang Atenas sa mga magagaling na guro. Si


Antenor ang pinakatanyag sa kanila. Nagmula siya sa lahi
ni Pitako, na kinilala ding isa sa mahusay sa siyudad ng
Gresya."

"Ang ibig po ba ninyong sabihin ay mahihiwalay ako sa

namin
aming

mahal

lahat ito.
manaig kapangyarihan luha. Tandaan mo
matatagpuan tagumpay kapag nagpatangay
simbuyo ating damdamin na dulot
kalungkutan

Nang lumapit sa kanil si Prinsesa Floresca ay nahinto


pag-uusap ng mag-ama. Palibhasa'y nabanggit
sa kanya ng kanyang asawang duke ang tungkol dito kung
kaya naunawaan na niya kung ano ang kanilang
uusapan.

"Magaling naman at narito ang iyong ina," wika ng


Duke. "Palibhasa'y usapin itong pampamilya mas mabuti
na itong tayo'y magkaharap-harap."
"Tungkol ba ito sa pag-aaral ng ating anak?" tanong ng
Prinsesa. sa ating kalooban kapag ito ang inisip
natin; na malayo sa atin ang ating kaisa-isa
pinakamamahal na anak - tama malayo sa ating paningin."

Napipi ang Duke. Nagsisikip ang dibdib na


tong-hininga. Tiningnan ang mga namumulaklak na
halaman sa halamanan. Nanatiling tahimik si Florante.
Tiningnan ang buong pagkatao ng kanyang ina. Ang mukha

ng ina ay punung-puno ng kalungkutan. Tunay na


nababalutan ng himutok at pag-aalala ang kanyang ina.

"Kumuha na lamang kaya tayo ng ibang mahusay na


guro upang dito na lamang siya sa loob ng ating tahanan
maturuan. Sa paraang ito'y di pa mahihiwalay sa atin ang
ating mahal na anak."

Di inalis ng mahal na Duke ang kanyang paningin sa


mga gumagalaw na bulaklak sa hardin na pinagagalaw ng
malamig na simoy ng hangin. Doo'y makikita din ang mga
lumilipad na paruparo at umaaligid sa mga bulaklak na
humahalimuyak sa kabanguhan.

"Tama ka mahal kong Floresca." Sagot ng Duke.


"Talagang masakit sa iyo ang pag-alis ni Florante. Ngunit
unawain natin na ang pag-aaral na gagawin niya sa ating
tahanan ay di kasing galing at kasing husay katulad ng pag
aaral sa paaralan na luklukan ng maraming karunungan.
Puwede din siyang mag-aral dito sa Albanya subalit alam
naman natin sa Atenas makikita ang pinakamagaling at
matatayog na kaalaman. Dapat din nating tandaan na ang
pakikipagsapalaran sa ibang lugar ay kaalaman din. Di
mapapantayan ng nahahagilap na karunungan sa kahit
anong aklat ang mararanasan sa paglalakbay. Kaya isipin
natin at asahan ang mas mabuti para sa ating anak, ito nga'y
ang pagpapadala sa kanya sa Atenas."

"Di ko nga sasansalain ang ikabubuti para kay Florante,


Briseo. Alam kong may naghihintay sa kanyang maningning
na kinabukasan. Ayokong maging sagwil sa kanyang
magandang hangarin.kung kaya masakit man sa aking
kalooban ay pilit kong tatanggapin para sa kanyang
magandang kapalaran."

Binalot ng kalungkutan ang mukha ng Prinsesa.


Nadarama ng kanyang maputi at malapad na dibdib ang
malakas na tibok ng kanyang puso na tila malalakas na alon
na sumasalpok sa pag-aalala. Mapamaya' maya'y di na

napigilanng mamuo sa kanyang mga mata ang luha ng

"Aking sabi ni Florante. Di ko maisip na matiis


kong makita kang lumuluha. Di ko rin matanggap na ako'y
ihihiwalay sa iyo ng aking ama."

mo anak ang iyong ama." Sabi ng Prinsesa na


punung-puno ng kalungkutan samantalang unti-unting
ang mga luha sa kanyang mga mata na
nanggaling sa kaibuturan ng kanyang puso. "Dakila ang
kanyang layunin. Puno siya ng ating tahanan kaya't tama
na sumunod tayo sa kanya."

"Subalit ina, maaatim ko bang umalis akong naninimdim


ka? Ako ba'y lilisan gayong alam kong ika'y namimighati
sa kalungkutan?"

"Masdan mo anak, maligaya na ako," habang pinapahid


ang mga luha sa kanyang mga mata. "Maluwag na ang aking
dibdib kaya di na ako maiiyak

"Tunay kang mabuti sa amin ni ama mahal kong ina.


Pinipilit mong matuwa kahit sa kabila ng lahat ay natatago
sa iyong dibdib ang kalungkutan."

"Anak, pakatandaan mo na kahit buhay ko'y iaalay para


sa iyong kabutihan. Tama ang iyong ama sa kanyang naging
desisyon, kasi nag-iisa ka naming anak. Ikaw ay nabibilang
sa dugong mahal dahil ang iyong ninuno ay hari ng Krotona.
Dahil dito, nararapat lamang na tumuklas ka ng karunungan
upang makamit mo ang kabantugan."

"Totoo bang lahat ang iyong tinuran, Ina?"

"Tunay aking anak." May ngiting nagmuni-muni.


"Maalaala mo kaya kami kung ika'y malayo sa aming
ling?"

&

Ina, bakit ka nagtanong ng ganyan?" Ikaw ang lahat sa


akin. Kahit saan man ako naroroon ay di kita
Makamit ko man ang napakalaking kabantugan, kasikatan
o kahit anuman, titiyakin ko sa iyo aking ina na wala akong
ibang hahanapin kundi ikaw at tanging ikaw lamang na siya
kong pag-aalayan ng lahat na aking

Hinagod ng mahal na Prinsesa ang buhok ng kanyang


anak. Wari'y sariwang bulaklak na anong bangong
humahalimuyak ang mukha ng bata. Ang
maamong mukhang yaon na kinababaliwan ng kanyang ina.
Ang kislap ng kanyang mga mata na kinahuhumalingan
niyang tingnan. Balat niyang tila sutlang kay kinis-kinis,
hugis ng mukhang kay ganda't mamula-mula na
mapagkakamalang tunay siyang Adonis at Narcisong
kinababaliwan ng mga magagandang babae na nananatili
lamang sa kanilang diwa't kaisipan.

"Tandaan mo anak na kasama mo ang aking dalangin


na Pagpalain ka ng Diyos at nawa'y mapabuti ka sa iyong
pag-aaral at makatamo ng walang katapusang tagumpay sa
buhay."

"Salamat po ina!" Ang lahat ng bagay.na aking matamo


ay ipagkakaloob ko sa iyo. Tutuklasin kong lahat ang
karunungan upang maipagmalaki ninyo ako. Ang iyong
pagmamahal at patnubay ang magiging sandigan ko sa aking
pag-alis."

Niyakap ng ina ang kanyang anak kasabay ng pagluha


at paghalik na walang patid.

Pag-alis ni Florante ay agad namang pumunta sa


kanyang silid ang Prinsesa. Hinanap naman ni Florante sa
hardin ang kanyang ama. Naabutan niya itong nakaupo
samantalang malungkot na tinitingnan ang
galaw na mga bulaklak sa halamanan.

home

ele

num

Narito ka pala mahal kong ama.

Halika anak, sa pagtingin ko sa mga bulaklak ay


lumilipas ang oras ng aking kalungkutan. Alam kong
masakit sa dibdib ng iyong ina ang gagawin mong paglayo.
Di ko siya masisisi tungkol dito. Nagtiis siyang mag-aruga
sa iyo hanggang sa iyong paglaki. Mahal na mahal ka niya,
isang pagmamahal na walang katumbas.

Alam mo ba ama na hindi malungkot si Ina sa aking pag


alis? Katunayan nakangiti siya't pinaghahalikan pa niya ako.

Talagang ganyan ang anyo ng isang ina; na kahit masakit


ang paglalayo ay di mo mahahalata. Batid niyang
magdaramdam tayo kapag naiwan natin siyang luhaan.
Napakabuti niyang ina! Dahil sa batid niyang mabuti mong
pupuntahan ay kikimkimin na lamang niya sa kanyang
dibdib ang kalungkutan.

Kung gayon pala, bakit kailangan ko pang umalis?

Puwede ngang di ka umalis pero kailangan mong


matuto. Masakit mang ikaw ay mawalay sa amin ay titiisin
ito upang matuklasan mo ang kasikatang nakalaan para
iyong magandang kapalaran.

Opo ama ko, susundin kong lahat ang inyong habilin!

Laging aalalahanin ang maikling tulang lagi kong


binibigkas sa iyo. Natatandaan mo pa ito, anak?

Siyempre po naman! Katunayan nga po, lagi ko itong


tinutula lalo na kung ako'y nasa gitna ng kaparangan.

Alam mo ba ang kahulugan ng tulang yaon?

Di po gaanong nauunawaan; subalit di po ba ito'y


patungkol sa pangaral ng magulang sa kanyang anak?

Magaling at naiintindihan mo pala ang nilalaman nito.


Lagi mong tandaan ito at isapuso upang magamit mong
inspirasyon at gabay sa pakikibaka mo sa buhay.

Ano po bang talaga ang tinatalakay sa tulang ito?


Ang nilalaman ng tulang ito'y tungkol sa relasyon ng
magulang sa kanyang anak. Kapag ang nilalaman ng tulang
ito ay iyong masusunod, siguradong di ka malilihis ng
landasin sa iyong buhay at katulad mo'y isang dakilang
nilikha na nabigyan ng walang hanggang biyaya buhat sa
Diyos.

ma, gusto kong bigkasin sa harap ninyo ang tulang ito.

Pakikinggan ko anak habang binibigkas mo ito.

Agad tumayo si Florante sa harap ng kanyang ama


upang bigkasing mabutj ang mga saknong ng tulang itinuro
sa kanya ng kanyang ama.

Pag-ibig anaki'y aking nakilala,


di dapat palakhin ang bata sa saya,
at sa katuwaa'y kapag namihasa,
kung lumaki'y walang hihinting ginhawa.

Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis


namamaya'y sukat tibayan ang dibdib,
lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis,
anong ilalaban sa dahas ng sakit?

Ang taong magawi sa ligaya't aliw,


mahina ang puso't lubhang maramdamin,
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratna'y di na matutuhang bathin.

Para ng halamang lumaki sa tubig,


daho'y nalalanta munting di madilig,
ikinaluluoy ang sandaling init,
gayon din ang pusong sa tuwa'y maniig.

Munting kahirapa'y mamalakhing dala,


dibdib palibhasa'y di gawing magbata,

ome,

end

ay bago sa mundo'y balang kisap-mata,


ang tao'y mayroong sukat ipadusa.

Ang laki sa layaw, karaniwa'y hubad


sa bait at muni't sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.

Sa taguring bunso't likong pagmamahal


ang isinasama ng bata'y nunukal
ang iba'y marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulang.
Labis ang kasiyahan ng ama sa narinig na pagbigkas ng
anak na si Florante. Agad nagliwanag ang mukha ng amang
sobrang nalulungkot. Niyakap ang anak ng buong higpit at
nagsabing:

"Natatangi ka sa aking mata, mahal kong anak.


Nagtitiwala akong ang binigkas mong mga saknong tula ay
dala-dala mo hanggang sa kahuli-hulihang hibla ng iyong
buhay."

Mahigpit na niyakap at hinagkan ng buong diin ni


Florante ang ama at nagwika," ang lahat ay gagawin ko
para sa inyo ng aking ina."

Magkasabay na umupo ang mag-ama upang sagapin ang


malamig na simoy ng hangin at saka patuloy na pinakinggan
ang mga pangaral ng ama sa kanyang anak; kasabay ng
paglanghap sa bango ng mga bulaklak sa hardin.

Aral:
Igalang mong lagi ang iyong ama at ina.

You might also like