You are on page 1of 17

Red Ridinghood At Ang Wolf

Chapter 1

Noong unang panahon sa kaharian ng Parsia may isang kilala at makapangyarihang


mangkukulam, na nakilala sa kanyang taglay na kagandahan at angking mahika ayon sa alamat
siya ay nakasuot ng red hood na sa pagtagal ng panahon ay nalimut na ang kanyang tunay na
ngalan kung kaya’t siya ay nakilala bilang “Red Ridinghood” . Archen, Wolf ang tagapagmana
ng pamilyang wolf na isa sa pinaka makapangyarihang pamilya sa kaharian, isa sa mga
hinahangaang binata sa kanyang angking karisma at katalinuhan, maraming kababaihan ang
nabibighani isa na rito ang kilalang mangkukulam, mula sa malayo ay laging nakamasid ang
mangkukulam binabantayan ang kilos ng binatang kanyang napupusuan.

Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ang puso ng binata ay may nagmamayari na, siya ay
nakatakdang makipag isang dibdib sa babaeng kaniyang pinakamamahal si Cherlindrea,
dalagang may busilak at malinis na kalooban sa kanyang angking kabaitan ay nabighani ang
puso nang binata at ayon sa alamat nang malaman ng mangkukulam ang balita na ikakasal na
ang binata ay agad niya itong pinuntahan upang ipaalam ang kanyang nararamdaman.

“Sa aking taglay na kagandahan ay walang sino man ang makatatanggi sa aking pagibig, tiyak na
ako ang pipiliin niya” walang halong pagdududa na nagmula sa boses ng mangkukulam,
katiyakan lamang na siya ang pipiliiin ng iniibig.

“Hindi ako interesado sa iyo” ito ang nagging tugon ng binata sa mangkukulam.

“…….” Sa gulat ng mangkukulam ay hindi agad ito nakasagot.

“Ako ay ikakasal na ang aking pinalamamahal na si Cherlindrea, siya lamang at wala ng iba pa”

“Hindi, hindi ito maari ako ang dapat mong piliin, ako ang dapat mong mahalin” bakas sa boses
ng mangkukulam ang sakit at sama ng loob.

“Hindi ikaw ang magdedesisyon kung sino ang dapat kong mahalin at ibigin mangkukulam! Si
Cherlindrea lamang ang babae na aking mamahalin at pakakasalan, maaaring ikaw ay kaakit akit
at ubod ng ganda ngunit hindi mo alam ang tunay na pagibig at ang alam mong pagibig ay
huwad” tugon ng binata sa mangkukulam na ang tunay na kahulugan ng pagibig ay hindi batid.
Sa sama nang loob at labis na pagkamuhi isinumpa ni Red Ridinghood ang binata.

“Kapag ang angkan na may dugong wolf ay nagmahal sa isang may dugong Red Riddinghood
siya ay magiging Wolf gaya ng apelyidong hawak niya, hanggat hindi siya tanggihan at
masaktan ng taong pinakamamahal niya ay hindi siya makababalik sa dati niyang anyo!”

At doon nagsimula ang hidwaan ng magkabilang angkan sa isa’t isa, ito ay nagtagal ng mahigit
sampung dekada.

Sa Mansiyon ng pamilyang Wolf ay umalingawngaw ang sigaw na puno ng inis at pagaalala

Lyca! Asaan ka?!

Sigaw ni Alpha Wolf. Ang nakatatas na sangay ng pamilyang Wolf, isa sa pinaka
makapangyarihan na pamilya sa buong Caudeil, isa sa mga territoryong kinabibilangan ng
kaharian ng Parsian.

“Pinuno, mukhang muli nanaman nagpunta ang binibini sa kakahuyan” sambit ni Estrelle Coulie,
ang tagapangalaga ni lyca na siyang nagaruga magmula ng mamatay ang kanyang ina dahil sa
komplikasyon sa panganganak.

“Ano? ang nagiisang anak at tagapang mana ng pamilyang Wolf ay maaaring mapunta sa
piligro!”

“Ang kanilang teritoryo ay nasa kabilang dako lamang ng kakahuyan! Ang angkan ng mga
mangkukulam, Pamilya ng Red Ridinghood!” Tugon ng pinuno nakatataas na sangay

“Pinuno, sa aking palagay ay panahon na, nasa tamang edad na ang binibini” mungkahi ni
Estrelle na siya namang pinagisipan ng pinuno.

“Tama, nasa tamang edad na nga siya at bilang susunod na tagapagmana ay panahon na” tugon
ng pinuno.

Mula naman sa di kalayuan sa kalagitnaan ng teritoryo ng Ridinghood at teritoryo ng mga Wolf


may isang dalagang may dilaw na buhok, malaporselanang kutis at bughaw na mga mata ngunit
hindi katangkaran na tila may inaabangan na lumabas sa tahanan na nasa kalagitnaan ng
kakahuyan.

“Renee!”
“WHOA” laking gulat ng binata

“Nandirito ako para maglaro” ngisi ng dalaga na bakas sa mukha ang labis na kasiyahan.

“Ikaw na naman? Kelan ka ba matututo?” sagot ng binata sa dalagang tila hindi natuto sa
kanyang mga pagkakamali.

Chapter 2

Bakas pa sa alala ala ni Renee ang mga panahong napapahamak ang dalaga at sa tuwing lagi
itong mangyayari ay sasagipin niya ito dahil sa kagustuhan nitong makipaglaro, delikado ang
kakahuyan ngunit tila walang kadaladala ang dalaga kaya napapangisi na lamang ang binatal sa
tuwing maaalala ang katigasan ng ulo nito.

“Renee? Masaya ka ata dahil naka ngiti ka”

“Wala!” Ohh namumula siya ano kaya ang naiisip niya para mamula siya ng ganoon?

Si Renee, Obleia ay isang Ridinghood na nakatira dito sa gitna nang kakahuyan, bata pa lamang
kami ay matalik na kaming magkaibigan, walang ibang nakakaalam ng aming pagkakaibigan
sapagkat ito ay ipinagbabawal.

Siya ay matangkad, itim ang kulay nang kanyang buhok at meron siyang mapupulang mata. Bata
pa lamang ako ay marami na akong naririnig na kwento tungkol sa mga Ridinghood palagi
akong pinaaalalahanan ng aking ama at ni Estrelle kung gaano sila kadelikado sapagkat
gumagamit sila ng mahika.
“Makinig ka Lyca, Ang pamilya ng mga Ridinghood na nakatira sa kabilang dako ng kakahuyan
ay mga masasamang mangkukulam, huwag kang makikihalubilo sa kanila” pagpapaalala ng
kanyang ama.

“Binibini, sila ay gumagamit ng mahika kung kayat sila ay lubos na makapangyarihan, kahit
kailan ay huwag kang makikipag kaibigan sa mga tulad nila” mangkukulam, mahika? Mga
salitang paulit ulit na bumabagabag sa aking musmos na isipan

Dahil sa paulit ulit na paalala ng kanyang ama at tagapangalaga ay lalong lumaki ang interes niya
sa mga Ridinghood at kagustuhan silang makahalubilo.

“Mahika, gusto kong makakita”

Dahil sa sobrang kuryusidad ko sa mga Ridinghood, pumunta ako sa kabilang dako ng


kakahuyan ngunit ang kanilang teritoryo ay napapalibutan ng isang malaking tarangkahan,
umakyat ako sa isang matayog at malaking puno sa pag asang makikita ko ang loob ngunit
sadyang Matayog ang tarangkahan.

“Sa likod ng mga tarangkahan na iyan ay ang teritoryo ng mga Riddinghood” dahil sa sobrang
pagkamangha ko ay aksidente akong nadulas sa puno buti na lang at iniligtas ako.

“Mag ingat ka!” si Renee, siya ang nagligtas saakin, Hinding hindi ko malilimutan kung
pakiramdam noong iniligtas niya ako gamit ang mahika.

Simula noon ay lagi kaming patagong nagkikita at tuwing tanghali ay agad akong pumupunta sa
kakahuyan para makita si Rene, ipinapakita niya kung paano siya gumamit ng mahika at kung
ano ang mga mahikang kaya niyang gawin nakapagtataka lamang dahil magisa lang siyang
nakatira sa gitna ng kakayuhan, hindi nagtaggal naging matalik kami na magkaibigan.

Ngunit…….

“Umuwi ka na!” hanggang sa ngayon

“Para namang hindi mo alam ang sumpa sa pagitan ng mga Wolf at Ridinghood, Gusto mo ba
talagang maging isang wolf?” sigaw ng binata
Habang patagal nang patagal ay naging malamig na ang turing niya sa akin, noong mga bata
kami sa tuwing mag papaalam ako Renne upang umuwi na ay bakas sa kanyang mga mukha ang
lungkot ngunit iba ngayon.

“Hindi naman mangyayari ang sumpa hanggat hindi nahuhulog ang loob natin sa isa’t isa, tama?
Kaya wala na itong kinalaman satin!”

“…………” sa tuwing binabanggit ko ang sumpa bigla na lang siyang nalulungkot mapait ang
ekspresyon ng kanyang mukha.

“Basta umuwi ka na lamang!” lagi na lang niya akong pinapauwi at umiiwas na siya sa'kin, hindi
gaya ng dati na lagi kaming magkasama ngayon ay gusto na niya akong dumistansya.

Ngunit para sa akin, ang sumpa at ang relasyon ng pamilya namin ay wala akong pake sa mga
iyon o kung ano man ang nangyari noon.

“Renne,gawin mo ulit iyon”

“Kapag ginawa ko, umuwi ka na” pinitik ni Renne ang kanyang mga daliri at umuulan ng mga
bulaklak, ang ganda!

Hanggat magkasama kami, kasama ang taong mahalaga sa akin wala na akong ibang hihilingin
pa.
CHAPTER 3

Ipinatawag si Lyca ng kanyang ama kasama ang kanyang tagapangalaga na si Estrelle, laking
pagtataka ni Lyka sapagkat aligaga ang mga tagapaglingkod na tila may inaasikasong
mahalagang okasyon ngunit ipinagsawalang bahala lamang niya ito.

“Kamusta, ako nga pala si Liam, Aaron” huh! sino naman ang binatang ito?

“Ama, sino siya?”

“Siya ang mapapangasawa mo.” Mapapangasawa? Ano! Ikakasal ako!?

“Malayo natin siyang kamag anak, pinapunta ko siya dito para makilala mo” b-bakit? ang aga pa
para sa ganito!

“Mapapangasawa? ama bakit parang ambilis naman ata , labing anim na taong gulang pa lamang
ako?” bakit parang ang saya nyo pa!

“Lagi ka na lamang tumatakas para pumunta sa kakahuyan, walang magandang maidudulot kung
may makahalubilo ka na Ridinghood at malinlang, binibini” sambit ni estrelle

ngunit……

“Mas mabuti nang mapagdesisyunan kung sino ang mapapangasawa mo nang mas maaga” Ano!
Bakit ba nila minamadali? Hindi 'to nakakatuwa!

“Kung kayat mas mabuting makilala ninyo ang isa’t isa, maiiwan muna namin kayo, pinuno
halina’t bigyan natin nang pagkakataon ang dalawa na makilala ang isa’t isa” mungkahi ni
estrelle

iniwan si Lyca at Liam ng kanyang ama at takapangalaga sa pag-asang magkaroon ng


pagkakataon ang dalawa na makilala ang isa’t isa

“Ano kaya kung maglakadlakad muna tayo sa hardin?” mungkahi ng binata

Mukang hindi ako makakapunta sa bahay ni Renee ngayon nakalulungkot.


“Tulad ng inaasahan mula sa mansion ng nakatataas na sanghay ng pamilyang Wolf” huh?

“Ano?”

“Napaka laki niya at maharlika” mukha naman siyang mabait, mapula ang kanyang mga labi,
maputi, kasing tanggad din niya si Renee, may gintong buhok at dilaw na mga mata

“And dami ding teritoryo” ngunit ang realidad na siya ang  mapapangasawa ko ay hindi pa rin
kapanipaniwala

Bukod doon, ang piliin kung sino ang mapapangasawa mo bago mo mahaliin, paano kaya iyon?

“Liam, hindi ka ba nagulat dahil bigla kang pinatawag para maging mapapangasawa ko?” parang
may mali

“Hindi, masaya ako na makakasama kita” masaya?, makasama ang taong pinili para sayo,
masaya ka?

“Ummmm….” Hindi ako komportable sa mga nginiti niya, nakakatakot.

“May naalala lang ako na dapat kong asikasuhin, paalam!”

Kumaripas ng takbo ang dalaga sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi alam ng dalaga ngunit
na pansin na lamang niya na nasa harap na siya ng tahanan ni Renee.

“Huh? Lyca?!”

Pagtataka ng binata nang bigla siyang lapitan at yakapin ng dalaga hindi ito pangkaraniwan may
halong takot ang kanyang mga yakap na tila nanghihingi ng seguridad.

Kakaiba, Yung mga panahon na kasama ko si Renne ang tumatakbo sa isipan ko habang ako ay
tumatakbo, nagpapaalala na parang isang babala.

“Mapapangasawa!?”

Gulat na sabi ng binata ngunit pilit niyang pinakakalma ang sarili

“Tama”

“Bakit ka pumunta dito, para ba sabihin na ikakasal ka na?


“Hindi ko alam ang gagawin ko? Biglaan ang desisyon ni ama, at saka wala ako masyadong
alam tungkol kay Liam” at hindi maalis sa isipan ko ang magiging reaksyon ni Renee.

“Hindi ba’t maganda” ano?

Bakas ang gulat sa mukha ni Lyca sa nagging tugon ni renee, hindi niya akalain na ganoon ang
magiging reaksyon ng matalik na kaibigan

“Tama ang sinabi ng ama mo, sa halip na maging isang wolf pagtapos mahalin ang isang
Ridinghood, mas mabuti nang pakasalan mo ang Liam na 'yon”

“Hindi ka na dapat pumunta dito” hindi, bakit mo sinasabi yan ?bakit ganito? 

“Wag mong sabihin yan! Bakit mo ba ito ginagawa?!” bakit, hindi ba lagi tayong magkasama,
hindi ba sobrang saya natin.

Akmang tatayo na si Lyca nang yakapin siya ni Renee at ibinulong ang mga salitang

“Ayoko na masaktan ka, ayoko na malungkot ka, dahil isa akong Riddinghood, isang araw
magiging pabigat ako sayo, ang puwede ko lang gawin ay palayain ka” bakit mo sinasabi ang
mga bagay na ito habang yakap yakap ako…… bakit?

“Kaya wag mo akong tatanungin kung bakit ko ginagawa ito?”

CHAPTER 4

Malakas na kalabong ang umalingaw ngaw biglang pumasok sa loob ng bahay si Liam, laking
gulat ni Lyca at di mawari kung ano ang gagawin.

“Liam anong ginagawa mo dito?” hindi 'to pwede

“Sinundan kita, nagaalala ako sayo, Lyca isa siyang  Ridinghood tama ba?” hindi!

“Hindi ka pwede dito, sumama ka sa akin!” Renee….

Hinatak palabas ni Liam si Lyca ng pwersahan bakas sa mukha ang takot ng dalaga

“Eh? tek-!” Renee

“RENEE!” bakit……
“Liam, bitawan mo ako! Aray ko!”

“Sasabihin ko ito sa iyong ama, dadalhin kita sa aming teritoryo” hindi, ayaw ko!

“Kung pupunta tayo sa malayong lugar hindi mo na siya makikita pa, Lyca ako ang papakasalan
mo!”Hindi pwede, hindi kita gusto!

“Isa siyang halimaw na gumagamit ng mahika, hindi ka dapat makihalubilo sa kanya” Ayaw ko,
hindi, ang gusto kong makasama ay hindi ikaw!

Labis na lungkot ang naramdaman ni Lyca habang iniisip na hindi na niya muli pang
makakapiling si Renee

Hindi ko na makikita pang muli si Renee, RENEE!

Biglang nawalang tila bula si Lyca kaya labis na galit ang naramdaman ni Liam

“Ano-?! Nawala siya?!”

“Lyca? LYCA!”

“Walang hiya, Nakawala siya, sigurado ako kagagawan ito ng Ridinghood na iyon”

“Hindi pa ito tapos…!”

Huh, umalis si Liam bakit?

Nagtatakang tanong ni Lyca nasaksihan niya ang pagalis ni Liam

“Huh?” parang kakaiba ang mga kamay ko.

Anong nangyari? Pagtingin ng dalaga sa kanyan itsura ay nagiba

Anooooooo! Naging wolf ako? nasumpa ako!, huh?! Ibigsabihin…..

“Isang aso?” laking gulat ng binata nang may nakasalubong siyang asong sugatan sa gitna ng
kakahuyan.

Renee! A-aso? umm, isa akong wolf diba?

“Ikaw, may sugat ka” nasugat siguro ako nung nagpalit ako ng anyo.

Dinala ni Renee ang inaakalang sugatang aso sa kaniyang tahanan at ginamot


Binuhat niya ako! Mukang bumalik na naman ako sa bahay ni Renee kahit na kaaalis ko
lang………….nakakahiya

“Buhay nga naman, ang plano ay habulin sila Lyca at umamin, ngunit nakakita ng nasugatan na
aso at iuwi, ang resulta” sambit ng binata 

Hinabol niya ako?

“Pagkatapos ko siyang ipagtabuyan, alam ko na ring mangyayri ito, hindi ko na siya makikita
pang muli”

Tama! nang mga oras na yon, saka ko naintindihan

“Hindi ko na makikita pang muli si Renee” nang bangitin ko ang mga katagang iyon saka ako
naliwanagan

Gusto kong makasama si renee, ayaw ko siyang mawala, mahal ko na siya at parehas kami nang
nararamdaman.

“Renee”

“Hm, nagsalita kaba?” laking pagtataka ng binata

Huh? Nakakapagsalita parin ako?

“Ikaw-! Ikaw ba?”

Naputol ang nais sabihin ni Renee nang puwersahang pinasok ang kanyang tahanan ng ama ni
Lyca at kasama si Heneral Emiel, Stronof at dalawa nitong mga tauhan

“Nandito ba ang Riddinghood na iyon?” Sambit ng heneral

“Sino kayo?”

“Igapos nyo siya” utos ng heneral

Dali daling ginapos ng mga kawal si Renee at Inilagay ang kanyang ulo sa lamesa nang
puwersahan

“Narinig ko ang pangyayari mula kay Liam, akalain mong may nagtatagong Ridinghood pala
dito, saan mo Itinago ang anak ko?!”
“….!”

hindi makapiglas si Renee sa sobrang pag puwersa sa kanya ng mga sundalo na ikinadurog ng
puso ni Lyca

“Itigil nyo yan!”

nagulat ang lahat nang magsalita ang munting wolf

“Anong ginagawa nyo kay Renee, ama?!”

Ang babala ni Renee

“ikaw nga talaga si Lyca!”

Ang mga paalala ni ama

Kasalanan ko dahil hindi ako nakinig.

“Pakiusap huminahon muna kayo, ama” pagputol ni Liam

“Ayon sa alamat, para maputol ang sumpa, kailangan tanggihan at saktan ng Ridinghood ang
Wolf ”

Ano?!

Ang alamat na matagal ko nang nakalimutan, maging isang wolf, malaman na mahal ko si
Renee, sobrang dami ng laman ng utak ko ni hindi ako makapagisip ng maaayos

“Riddinghood!” sigaw ni Alpha, Wolf

“Hindi mo na ako kailangang sabihan pa” pero ang tanggihan at saktan ako……

“Dahil sayo kaya ako tinatrato nang ganito, huwag mo na akong lalapitan pa, istorbo ka sa buhay
ko!” kahit na alam kong parehas kami nang nararamdaman

“fu….uuu…uu…hik….hik”

Nagsimulang umiyak si Lyca hindi mapigil ang mga luha na pumapatak sa kaniyang pisnge

“bakit hindi siya bumabalik sa dati niyang anyo?”

nagtataka ang lahat at hindi mawari kung ano ang nagyari


“hindi ito maaari, may mali ba tayong nagawa?”

Laking tanong ng ama ni Lyca

“Hindi, ayon sa alamat mapuputol ang sumpa sa pamamagitan ng pagtanggi, isa lang ang naiisip
ko na dahilan, mali ang alamat.” sambit ni Renee

“Tama na, pupunta tayo sa teritoryo ng Ridinghood!”

“Walang magiging silbi ang gagawin ninyo” pagputol ni Renee

“Manahimik ka! hindi ko hiningi ang opinion mo, ang mga mangkukulam sa nakatataas na
sanghay ay maaaring alam ang gagawin!.”
CHAPTER 5

Nagtungo sila Alpha, Wolf sa tarangkahan ng Teritoryo ng Red Ridinghood sa pag asang may
makatutulong sa kanyang anak ngunit bumungad sa kanila ang isang masakit na katotohanan

“Tagapagbantay! buksan mo!”

malakas na kinalabog ni renee ang tarangkahan

“Sino, Renee? hindi ka dapat nandirito umalis ka!”

Pagkatapos siya itaboy ay pinagsarahan si Renee ng tagapagbantay

“Anong, ibigsabihin nito?”

Ang pagtataka nila Alpha,Liam at Lyca

“Ginoong Alpha Wolf, Takot sila, sapagkat ako ang kahuli hulihang mangkukulam ng
Ridinghood”

“Noon, maraming may mga mahika ngunit habang tumatagal ay paunti nang paunti ang nag
kakaroon sa mga nakalipas na dekada, hanggang sa ako na lamang mag isa ang may ganitong
kakayanan” pagbubunyag ni Renee

“Siguro ay natatakot sila sa akin, meron akong kakayahan na wala sila kung kayat walang ibang
may kakayahang gumamit ng mahika maliban sa akin.” pagpapaliwanag ni Renee

“Kung ganon habang buhay na siyang ganito”

ramdam ang pagaalala sa boses ng ama ni Lyca


“Hindi, matagal ko nang pinagaaralan ang sumpa, ito ang dahilan kung bakit ako dito tumira,
akala ko na kapag naputol ang sumpa ang bakod na nakaharang sa pagitan ng dalawang pamilya
ay maglalaho rin. Si Lyca ang kauna unahang tao na natili sa tabi ko at hindi natakot, mahalaga
siya para sa akin kaya gagawa ako ng paraan para maputol ang sumpa kahit na umabot man ako
ng panghabang buhay.” 

bakas sa mukha ni Renee ang sinseridad sa bawat salita niya

“Huwag mo kaming guluhin, kahit na umabot man ako ng panghabang buhay!” ibig mo bang
sabihin na papakasalan ko siya nang ganyan, kung kelan makukuha ko na ang lahat ng yaman at
lupa ng pamilya ng Wolf!  nasira na ang lahat ng dahil sayo”

Sumisigaw at labis ang galit ni Liam kay Renee

“Liam?!”

“Alam ko na, baka maputol ang sumpa kung mapapatay kita” naglabas ng punyal si liam at
akmang sasaksakin si Renee

“Tumigil ka, Liam!”

“Renee!”

akmang sasalubungin ni Lyca ang saksak na dapat kay Renee ngunit mabilis na nagamit ni
Renee ang kanyang mahika at binalibag si Liam sa pader

“Wah….urgh” 

Nang hindi inaasahan bumalik sa dating anyo si Lyca nang tangkain niyang iligtas si Renee

“Lyca, nagbalik ka na sa dati?” sambit ni Renee ng may kagalakan

“Renee, natatakot ako, akala ko mawawala ka na, at hindi na kita makikita ulit, takot na takot
ako!”

“Dito ko lang sa tabi ko, dito ka lang sa tabi ko Renee” pagmamakaawa ni Lyca

kung maililigtas ko si Renee wala na akong pake sa mangyayari sa akin, ang relasyon sa pagitan
ng angkan namin o ang sumpa ay hindi na sila mahalaga hangga’t nasa tabi namin ang isa’t isa
wala na akong hihilingin pa
“Oo, dito lang ako pangako” salitang binitawan ni Renee habang mahigpit na yakap si Lyca

Mag mula noon

“Renee”

Isinaalang alang na ni ama ang nararamdaman ko, kung kayat maaari ko nang makita si renee
kahit kelan ko gustuhin

“Inaalam mo pa rin ba kung paano maputol ang sumpa?”

“Tama, sapagkat ang dahilan kung bakit ka bumalik sa dati ay nananatili pa ring misteryo
hanggang ngayon”

“Hindi ba’t ayos na ang lahat”

“Hindi, hindi natin ito maaaring iwan na ganito” Bilang hinawakan ni Renee si Lyca sa pisnge

“Dahil, hindi ba’t mahirap na bumabalik ka sa pagiging wolf sa tuwing hinahawakan kita?”

Ang sumpa ay may epekto 

“Huwag mo akong hawakan nang basta-basta!”

ngunit hanggang magkasama kami

“Oh, bumalik ka na sa dati mong anyo”

masaya kami at ayon ang mahalaga

At magpahanggang ngayon nananatiling misteryo ang sumpa na nakatago sa madilim na


nakaraan, ang sumpa ng Ridinghood na nag mahal ng Wolf ay maaring maputol kung

“kahit na sila ay tanggihan o saktan, ang magmahal ng sapat na kayang ibigay ang sarili nilang
buhay para sa isa’t isa ito ang hiling ng Wolf na nag mahal ng Ridinghood na siyang puputol ng
sumpa” huling katagang sinambit ng enkantadia na si Cherlindrea, Wolf
Members Character’s Name

Red Ridinghood Banzil, Ashanti Marie

Archen, Wolf Enrico, Aljohn

Alpha, Wolf Gasingan, Andre

Renee, Obleia Traquena, Marjorie

Liam, Aaron Catacutan, Leslie

Lyca, Wolf Darantinao, Anna Mae


Cherlindrea, Wolf Panlilio, Micha Ella

Heneral Emiel, Stronof Nuguid, Berlyn

Estrelle, Coulie Lobidise, Jade Rary Angel

● Every member helped to write this story

You might also like