You are on page 1of 16

Maikling Kuwento:

Pinaniniwalaan
Noong unang panahon, pinaniniwalaan ng mga ninuno natin ang mga demonyo, mga nilalang na mukhang tao pero
may mga masamang pakay, nangangain sila ng mga tao na nawawala sa pinakatinatakutan na gubat sa lungsod ng
Pagadian ang “Gubat Bolbul” . Patok rin noon na kung sinuman makapagpatay sa isang demonyo at idala ang ulo
nito ay mapapangasawa ang pinakamagandang prinsesa ng daigdig. Maraming siglo na ang nakaraan, mayroong
namuhay na isang makisig na mangangaso nagngangalang Tanjiro. Sa mga buong Pagadian, siya ay kilala sa kanyang
talento ng pangangaso.Lagi siyang nakikipagsapalaran sa ibang kababayan sa kung sinuman ang makahuli ng
pinaikamalaking hayop. Siya rin ay mayroong pagkagusto sa pinakmagandang prinses sa Pagadian na si Nezuko.

Isang araw, nung nangangaso siya kasama ang kaibigan niyang si Inoske, inanya ni ng kaibigan ni Tanjiro na
pumunta sila sa kinakatakutang “Gubat Bolbul”.Si Tanjiro ay tumanggi sapagkat kilala ang gubat na iyon sa sobrang
lawak, na sobrang siksik ay sa una mo pa lamang na hakbang sa gubat ay nawala ka na agad. Alam ni Inoske may
pagkagusto si Tanjiro kay Prinsesa Nezuko kaya daw sila ay hahanap ng isang demonyo sa gubat para’y maibinhag
niya ito sa prinsesa. Si Tanjiro parin ay tumatanggi pero inasar siya ni Inoske na kapag hindi niya ito gawin ay hindi
kalian man magiging sila ng prinsesa. Sa sobrang pilit ni Tanjiro ay sila ay dumagsa papunta sa “Gubat Bolbul”. Sila
ay nasa pasukan ng kinakatakutang gubat at huminga muna ng malalim.

Sila na ay sabay- sabay na naghakbang sa gubat. Wala namang nanyari at pinagtawanan nalang nila Tanjiro at Inoske
na peke lang namn pala ang mga paniniwala ng mga tao,pero, nung pagkakindat ni Tanjiro, siya ay biglang nasa
gitna ng malawak na gubat at ay nahiwalay sa kaniyang kaibigan. Sumapit ang gabi, sa paglakbay niya sa loob ng
gubat, pahahanap niya sa kaibigan niya, pagsigaw ng pangalan niya, hindi niya mahanap si Inoske at sa tingin niya ay
mas lalo lang siya nawala sa gubat. Siya ay unti- unting nawawalan ng pag- asa na hindi panghabangbuhay na sa
gubat at hindi na niya makikita ang mukha ng minamahal niyang si Nezuko. Pero may biglang siyang narinig na
pagsigaw, alam niyang ang boses na iyon ay kay Inoske at kaagad niya pinuntahan ang direksyon ng sigaw niya.
Pagdating niya roon, si Tanjiro ay nabigla sa nakikita niya. Isang demonyo ay kumakain sa kaibigan niya. Kitang-
kita ng kanyang dalawang mata ang napakasakit at pagkadiri na paraan ng pangangain ng demonyo kay Inoske. Sa
sobrang galit niya ay kaagad niyang inatake ang demonyo at paulit- ulit niyang sinaksak ang demonyo gamit ang
kanyang kutsilyo. Paulit- ulit niyang sinaksak ang demonyo hangga’t sa tinanggal niya ang ulo nito.

Sa sobrang galit niya sa demonyo ay hindi niya nakita ang pagmumukha ng demonyo. Siya ulit ay nabigla sa kanyang
nakikita, and demonyo na iyon ay ang prinsesang si Nezuko. Si Tanjiro ay nagising sa katotohanan. Nalaman niya na
pinatay niya ang prinsesa sa pinakapanget na paraan. Sa katotohanan, si Tanjiro ay inamin niya sa prinsesa na
sobrang mahal niya si Nezuko, pero itinanggi ito ni Nezuko at sinabi na rin niya na may gusto siyang iba. Sa
pagkabigla ng nanyari, si Tanjiro ay nabaliw at inatake niya ang prinsesa at paulit- ulit niyang sinaksak. Si Tanjiro ay
nabaliw sa pangyayaring iyon ay may ibang reyalidad ang naranasan niya. Nahuli si Tanjiro ng hari kasama ang mga
kawal sa krimen na iginawa niya. Kaagad hinuli ng kawal at kaagad pinagbugbog si Tanjiro. Humingi ng awa si
Tanjiro pero mas lalo lang nagalit ang hari at inutusan na itapon siya sa “Gubat Bulbol” at doon pinabayaan siya,
nagdudusa. Sunod na araw ay namatay na si Tanjiro, sa pinakamasakit na paraan.
Parabula:
Isa sa Isang Daan
Isang araw ay lumapit kay Devy ang mga estudyanteng makasalanan at
mga maniningil ng buwis upang makinig sa kanyang mga turo. Kilala si
Devy sa pagiging relihiyoso at malakas niyang pananampalataya sa Diyos.
Nakita ito ng ibang estudyante at mga tagapagturo ng kautusan kaya sila
ay nagbulung-bulungan. Nakikisama at nakikisalo daw umano si Devy sa
mga taong makasalanan.Nang marinig ito ni Devy ay kanyang ibinahagi
ang talinghaga ng nawawalang tupa.
May isang lalaki na may isandaang tupa ngunit, napansin niya na may
nawawalang isa. Iniwan niya ang siyamnapu’t siyam na tupa para hanapin
ang nawawalang isa.Nang makita ang nawawalang tupa ay masaya niya
itong pinasan saka umuwi.Pagdating sa bahay ay inanyayahan niya ang
kanyang kaibigan at mga kapitbahay at sinabing, “Makipagsaya kayo sa
akin dahil nakita ko na ang tupa kong nawawala!”
Makaraang ilahad Devy ang talinghaga ni Jesus , “Magkakaroon ng higit
na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa
kasalanan kaysa sa siyamnapu’t siyam na matuwid na di nangangailangang
magsisi.”
Epiko:
Belerik
Sa loob ng isang gubat, may nayon na ang mga tao ay masasaya at masaganang
namumuhay. Sagana ang gubat ng mga kaing hayop at punong- puno ng mga
masasarap na prutas. May ilog na malinis ang tubig at sagana rin sa isda. May
isang espiritu na nangangalaga at pinoprotektahan ang gubat. Ang pangalan ng
espiritu ay si Belerik. Pero, sa isang magandang syudad, mayroon laging mga
taong sakim.
Ibig pa nila ng mas marami pang yaman at dinedemanda si Belerik ng mas
marami pang bagay. Ito ay tinanggi ni Belerik sapagkat sapat na ang binibigay
niyang biyaya sa taong naninirahan sa nayon at hindi na niya kailangan itong
dagdagan. Nagalit ang mga tao kaya gumawa sila ng mga kababalaghan sa harap
ng espiritu. Pinagpuputol nila ang malaking lugar ng mga puno, sinasayang lang
nila ang mga biyayayang pagkain, nagkakalat lang sa paligid, at iniihian ang
malinis na ilog ng gubat para mapang- asar sa espiritu.
Nagalit ng husto si Belerik sa mga kasakiman na ginagawa nila kaya’t isinumpa
niya ang kagubatan na pinagninirahan ng mga tao. Tilang nawalan ng buhay ang
kagubatan. Naglanta ang mga halaman at mga puno, ang mga prutas ay
nabulok.,nawala ang mga hayop, at ang ilog ay naging kulinoy. Naghirap ang mga
tao.Humingi sila ng tawad kay Belerik. Nagmakaawa ang mga tao na ibalik sa dati
ni Belerik ang gubat kahit raw isakripisyo nila ang buhay nila para bumalik sa
dati. Nangako sila.
Mula nung humingi sila ng patawad ay binalik kaagad niya ang gubat sa dati. Ang
sabi ni Belerik “Dapat tayo ay makuntentosa kung ano lang mayroon tayo, kaya
ay pahalagahan natin ito”.
Tula:
Pag-ibig

Ang tanging minamahal, tangi kong ipinaglalaban


hangga’t sa dulo o kaya’y ito nasa katapusan.
Pinagnilay ko sa kanya, bihag ng kahalagahan
Siya man wala noon, bigay parin ng kakayanan.

Ako ang siyang iniwan, nalubos sa siyang dilim,


inisip ang pananagutan, di naman niya pansin,
nalalasa nila ay siyang masasakit na asim,
Mga sugat ko na hawak, mas lalo lang dumiin

Dito man nagtatapos, sakin ako nagkamali,


malayo sa ikinagusto, di tumitigil, ito rin.
Sila ang nagpasalaysay, sila ang may mga labi,
Ang akala ko ay meron, ako lang pala ang iyon.
Dagli:
Pamilya

Pamilya, pamilya na nung una ay kay saya,


Puro nalang tawanan ang naririnig sa kanilang tahanan.
Umusbong ang kanilang pagpapahalaga sa isa’t- isa,
At hindi mapantayan nino man ang kanilang pagmamahalan.

Pero yung kasiyahan nayun ay napalitan ng matinding kasakitan,


Na noon ay puro nalang tawanan, pero ngayon puro nalang sigawan.
Puro sumbatan ang naririrnig sa tahanan ,
at hindi mapantayan nino man,ang kanilang pagmamahalan

Hanggang humantog sa hiwalayan,


Dahil nawala na ang tiwala sa isa’t- isa,
Akala ko ay maayos pa ang gulong nagawa, .
Pero huli na ang lahat, dahil kahit kalian, hindi na
Maayos ang relasyon niyong nasira.
Akala ko ba walang iwanan, at sabay tayong lalaban.
Pero ngayon, pareho kayong sumuko.
Masaya na ba kayo kahit wala na ang piling sa isa’t- isa?
Talinhaga:
Kabataan Ba Talaga ang Pag- asa ng Bayan?

May isang tanong ang nagging sikat sa bawat Pilipino,” Kabataan nga ba
ang pag- asa ng ating bayan?”. Ito ang tanong n gating bayani na si Dr,
Jose Rizal na nagbukas ng isip sa mga mamamayan sa kung ano sagot
nito. Mararami ang nagsang- ayon, peronung tumingin sila sa ngayong
kalidad n gating bansang kabataan ay biglang napadalawang isip.
Para sa akin, sa ayaw man o sa gusto mo, ang kabataan ay magiging pag-
asa sa ating bayan. Bakit ito ang opinion ko? Kung tutuusin natin, ang
imahe ng mga kabataan ay di’ maganda. Sa tingin natin tayo nga ang
sumisira sa ating bayan at pinaaasa nalang natin sa nakakatanda ang mga
napupuntang responsabilidad. Pro, isipin mo rin. Masakit man ito sa
pakiramdam, pero ang mga bagay na ito ay hindi nagtatagal. Hindi tatagal
ay mawawala ang mga taong ibinibihag natin na dapat ituring na
‘maasahan’. Mapupunta rin ang responsabilidad na iyon sa mga kabataan.
At kung sa isip mo, kayo rin ay nagsimula bilang parte ng kabataan at
mapupunta rin iyon para sa paghahatol ng ating bayan. Huwag natin
isipin na ang kabataan ngayon ay hindi maasahan dahil nga sa takdang
panahon, ito man ay mapupunta parin sa kung anu man ang mayroon
tayo.
Sanaysay:
Ang Pamilya ang Guro Ko
Marami ang napupunta sa isip ng tao kung ano ang iyong kayamanan. Syempre ang papasok sa isip ay
ang maraming pera at madaming salapi, pero wala ako niyan. Pero nag-iisa lang ang itunuturing kong
kayamanan, ang aking pamilya. Kasama, kasalo at kadamay sa lahat ng oras o bagay. Sa lahat ng
nararanasan ko, ang aking pamilya ang siyang aking nagiging sandigan. Ang pamilya ang nagturo at
gumabay sa akin para ako ay maging ako.Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan sa pamilya na iyong
nakapulutan ng aral o nagkaroon ng positibong impluwensya sa iyong sarili. Sa loob ng 16 taon na
aking pananatili sa mundong ito, kahit kailan naranasan ang magkaroon ng buong pamilya.
Pinaramdam sa akin ng aking nanay, tatay at ng ate ko na hindi ako nag-iisa. At ang aking mga
alagang hayop na itinuturing rin parting pamilya, ang siyang nagsilbi at nagparamdam sa akin na
meron akong kasama kahit papaano. Ang aking aral na napulot ay, maging kontento kung ano ang
meron ka. At imbes na maghanap ng kulang mo, ituon mo ang atensyon mo sa mga bagay na meron
ka. Dahil hangga’t hinahanap mo ang kulang sa’yo, lalo kang magiging malungkot.
Suriin mo rin kung paano ka inihanda o inihahanda ng iyong pamilya sa mas malaking mundo ang
pakikipagkapwa. Isa-isang itala sa iyong kuwaderno ang lahat ng mahahalagang reyalisasyon tungkol
dito. Mula sa aking pagkabata, tinuruan na ako ng aking pamilya na maging magalang at mabait sa
lahat ng tao. Tinuruan nila ako ng magandang asal. At kapag ako ay may pagkakamali, pinapaliwanag
sa akin ng aking ina ang lahat upang aking maintindihan kung bakit niya ako dinidisiplina. Hindi sa
paraang natatakot ako. Mula noon hanggang ngayon, tumatak na sa aking isip ang tamang
pakikitungo sakapwa mo. At ang una kong naging paaralan ay ang aking pamilya.
Kailangan rin natin maglaan ng panhon para suriin natin ang nagiging ugnayan natin sa ating
pamilya. Sa paglipas ng panahon, alam nating mas bumibigat at dumadami ang ating responsible
bilang isang miyembro sa pamilya. Minsan sa sobra nating busy, hindi na nagkakaroon ng
komunikasyon, na madalas pang nagdudulot sa pagkasira ng isang pamilya. Para sa akin, kahit
papaano nabibigyan naman namin ng sapat na oras ang bawat isa. Ang sabay na pagsisimba, ay
magpapatibay hindi lamang sa samahan, kundi sa pananampalataya sa Diyos. May binibigyang tunay
ang nakakatulong sa iyo para sa pakikipagkapwa. Binibigyan nila ng oras ang pagdidisiplina at higit sa
lahat hindi nila ito idinadaan sa pananakot at pananakit. Pero kung minsan, hindi rin mapigilan ang
damdamin kaya minsan napapalo. Pero ipinapaliwanag naman nila sa akin ng maayos. Dahil dito,
natuto akong rumespeto gaya nga ng turo sa akin ng aking pamilya. Ang pagiging masiyahin ay
natutuhan ko din sa kanila. Ang una kong guro ay ang aking pamilya.
Mitolohiya:
Kagustuhan ni Guinevere
Sa kaharian ng Hesto ay nakatira ang anak na babae ni Valir, diyos ng apoy, na si Guinevere, siya ay
isang dalagita na palagi na lamang ikinikukulong ng kanyang ama sa loob ng kanyang silid upang
hindi masilayan ng araw at panghabang buhay na mag mukang bata at maganda. Ang nanay ni
Guinevere, na si Oddette ay sobrang awang awa na sa kanyang anak na babae dahil ito ay masyadong
ipinapagdamot ng kanyang ama sa mga tao at pati na rin sa ibang diyos dahil sa aking niyang
kagandahan, at ang kanyang kakayanan na magpabata din ng ibang diyos o tao.Nang lumaki si
Guinevere ay palagi na lamang itong nagtataka kung bakit hangang ngayon ay nakakulong padin siya
sa kanyang silid. Napupuno na ng poot at kalungkutan ang puso ni Guinevere dahil sa nararamdaman
nito ng sama ng loob sa kanyang ama na si Valir.
“Hindi po ba ako mahal ng ama, ina?” Tanong niya kay niya kay Oddette.
“Mahal ka nang iyong ama, anak. Ngunit hindi ka lang talaga pwede ipakita sa iba dahil sa aking
mong kagandahan at kapangyarihan. Ikinakatakot namin na baka kapag ikaw ay lumabas ng silid na
ito ay matulad ka sa iba mong kapatid na ninakaw ng iba’t ibang diyos upang gawin nilang asawa at
maltratuhin lamang.” Sagot naman ni Oddette.Noong lasing at pagod na ang lahat sa araw araw na
pagdiriwang ng kaharian ng Hesto ay lakas loob nang lumabas ng kanyang silid si Guinevere upang
makaalis at makatakas sa pagkakakulong na ito.Habang naglalakad ng sobrang tahimik si Guinevere,
ay biglang lumitaw si Karina, ang diyos ng inggit. Nakita agad ni Karina ang kagandahan at ang
kapangyarihang taglay ni Guinevere kaya’t agad agad ay nainggit na ito at gusto kunin ang taglay
nitong kapangyarihan. “At ikaw pala ang napaka-sikat na Guinevere, ang anak ni Valir na ayaw
ipakita sa kahit na sinong diyos! Ngayon alam ko na kung bakit! Sobra ang iyong kagandahan at alam
ko na napakalakas din ng iyong kapangyarihan!” Pagbola ni Karina sa kawawang dalagita na hindi
alam kung paano makikitungo sa iba. Hindi naka kibo si Guinevere, kaya’t napagisipan agad siya ng
plano ni Karina na ibigay muna kay Lesley, ang diyosa kung saan ang mga pagdiriwang ay sobrang
gulo at halos walang katapusan. Sinabihan niya si Guinevere na ang diyosa na kanilang pupuntahan ay
may kapangyarihan na gawin siyang masaya – na kanyang gustong gusto niya maranasan.
Lumipad sila gamit ang isang kabayo na lumilipad papunta sa mundo ng mga tao, kung saan si Kotys
ay nakikipag saya at nakikigulo kasama ng mga tao na hindi alam na siya ay isang diyosa. Nang
makarating sila sa liblib na lugar na ito ay agad na tinawag ni Zelus si Kotys upang ipakilala si Hebe.
Ang kawawang Guinevere, hindi alam ang gagawin sa oras na iyon. Wala siyang alam sa mga
panyayari na susunod at nalaman nalamang na siya ay pinapainom ng kung ano ano at iba ibang
klaseng inumin na kanyang ikinagalak na inumin. Siya ay natuwa at halos nabaliw nang matikman
ang pinaka espesyal sakanya na binigay ni Felano na ang Agord kung saan ito ay ang pinakaipinag
babawal na inumin para sa mga diyos dahil ito ay nagiging sanhi ng kabaliwan at kung ano ano
pa.Nawalaan ng hiya si Guinevere at kung ano ano na ang pinag-gagawa sa mundo ng mga tao. Siya
ay lumalambitin sa kung saan saan, sumasama kung kani kaninong lalaki, at halos mabaliw kapag
hindi siya nakakainom ng Agord na nagkakaroon ng sobrang laking halaga na binibili niya kay Kotys
kaya siya ay napipilitan at namamanhid na magbenta ng kanyang katawan sa mga lalaki na siya ay
nagugustuhan.
Tawa ng tawa si Karina dahil ang kanyang plano ay nagtagumpay. Samantalang ang buong kaharian
ng Hesto ay nagkakagulo sa pagkawala ni Guinevere. Sobra na ang galit ni Valir, kaya pinatawag niya
si Pharsa, ang diyosa ng popularidad at mga chismis at sinabi agad nito na si Guinevere ay nasa
mundo ng mga tao at nagpapakabaliw.
Dali daling pumunta ang mga alagad ni Valir sa mundo ng tao at pinaghahanap si Guinevere. Nakita
nila ito na nag wawala na muli at umiinom ng Agord na hindi na niya tinitigilan. Kinuha siya ni Valir,
at pinarusahan ang may pakana ng masamang plano na ito na si Karina at pina alis ng kaharian ng
Hesto.
Si Guinevere ay patuloy parin ang kanyang pagkabaliw, at minsan noong siya ay naglalakad sa Hesto
hawak ang kanyang Agord ay bigla siyang nasuka kaya ang mga bakas ng agord ay natapon at napunta
sa mga tao. Naihalo ito sa iba’t ibang halaman at noong ito’y natikman ng tao ay sila ay nababaliw at
nawawala sa sarili katulad ng kawawalang bata na si Guinevere na walang alam sa kanyang ginagawa
na siyang kanyang ikinapahamak.
Ang kagustuhan lamang ni Guinevere ay makalabas at makisiya sa mga kaganapan, ngunit ito ay
ipinagkait sakanya kaya binigay ng isang diyos ang gamot kung saan siya habang buhay na sasaya – sa
Agord.
Nobela:
Banyuhay
Kabanata I: Pagpulong
Mayroon nanamang pagpupulong sa bahay ni Amy. Lahat na ay naimbita, kahit
sino man ay pwede pumunta. Mga kamag- anak, kaibigan, ka-empleyado,
kapitbahay, at ang mismong pamilya at humahanda para sa magaganap na
kasiyahan. Hindi ito nagustuhan ni Amy. Lagi siyang nagrereklamo sa kanyang
magulang dahil sa masyadong maraming pagpupulong lagi sa bahay nila. Pinilit
parin ng kaniyang magulang na makisaya sa pagpulong. Si Amy nalang ay
nakatago sa kaniyang kuwarto.
Ang lahat ay naroon para isopresa para sa pagdating ng minammahal nilang si
Felipe na nag- aaral sa ibang bansa ng engineering at ito ay ipinagdidiriwang ng
mga bisita dahil siya ay nakapaggraduate at siya ang naging Top 1 sa buong bansa
na pinag- aralan niya. Siya ang kuya ni Amy. Permanente maninirahan na ulit
ang pinakamamahal ng mag- asawang sina Alfonso at Mina. Marahil marami
talaga ang nagaabang ang pagbabalik na ang matalik na kapatid ni Amy. Si Amy
ay ayaw na mag- aral dahil hindi na niya kaya ang mga gawain na nahuhubog sa
kanya. Nagkita naman si Felipe kanyang mga kaibigan na si Josh at Albert, dinatal
niya na sa paliparan sa maynila ang nasakyang eroplano,sinundo siya rito ng
kanyang ina kasama ang mga kaibigan niya.
“Anak, salamat naman natapos mo na yung pag- aaral mo. 5 taon ka naming
namimiss sa bahay lalo na yung ate mo”, wika ng ina. Agad na dumeretso sila sa
bahay na maraming nag-aabang na bisita. Kasiyahan ang nagbati kay Felipe nung
binuksan niya ang pinto.
Kabanata II: Pagkamusta
At ng pumasok na sila sa bahay ay bumalik ang masasayang mga alaala ni Felipe
sa bahay nung bata pa siya.
” Wow naman, wala paring pinagbago, bumabalik sa akin ang mga magagandang
alaala rito” sabi ni Felipe.
“At ngayon, ay gagawa pa ako ng mas marami pang mga masasayang mga alaala
kasama ang pamilya at kaibigan at mga mahal ko sa buhay” . Agad na lumapit sa
kanya ang kanyang mga pamangkin na hindi nakasama sa pagsundo sa paliparan
agad na niyakap si Felipe ni Amy nung nalaman niya dumating na siya. Lumapit
rin ang Lola na naghanda ng mga pagakain. Siya ang nag papasaya sa kanilang
pamilya . Agad rin ang pagbati sa kanya ng mayor ng Las Vedas na si Mayor
Aguilar, isang buong letchon ang dala niya bilang regalo sa pag dating ni Felipe,
siya ang Tiyo ni Don Angelo na kapatid ng kanyang amang si Isko. Inihahanda
na ang boodle fight na inihanda ng kanyang mga magulang at kapatid naroroon
ngunit, inimbita rin pala nila ang Dating kaibigan ni Felipe na si Carlos.
Nagkukumahog na lumapit si Carlos upang batiin si Felipe .
Pinaunlakan naman ito ni Felipe at agad silang nag usap adhika ni Ryan ay
gusto lamng niyang makipagbati ngunit may galit pa rin sa puso ni Felipe. na
hindi pa niya kaya mag patawad “ Pasensya, dahil akoy nag kamali hanggang sa
iyong pag lisan ay hindi ako nakahingi ng sorry at ngayon at ngayon, narito ako
ngayon para dito, sorry talaga” sabi ni Carlos.
“Bumalik ako ngayon para makisaya tayo kaya tatanggapin ko na yung sorry at
kumain na tayo.”
Niyaya ni Felipe na kumain na ang mga bisita . Salo salo sila sa masarap na
pagkaing inihanda ni Lola. Habang sila’y masayang nakain, dumating si Ginoong
Antonio, isang mayamang inhinyero ngunit marami ang naiinis sa kanyang
hambog na pag uugali ang . Ang masayang kasiyahan ay napalitan tumahimik ang
lahat sa kanyang pagdating , tila isang nakabibingiing katahimikan , nagsalita si
Felipe “Ano po gusto ninyo? ”tanong ni Felipe.
“Huwag ka ngang tatanga- tanga, diba, ako ang pinakamagaling na ininyereho sa
lungsod, buong bansa, kaya mas bigyan mo ako ng respeto “ wika ni Don
Francisco
Ngunit may narinig silang pagputok ng baril at nabigla ang lahat. Ang iba ay
tumakbo at yung iba ay tiningnan kung ano ang nanyari, laking gulat ng lahat.
Makita nila si Ginoong Lorenzo isa siyang mayamang negosyante at ang kanyang
libangan ay mangaso ng mga hayop gamit ang kanyang mga koleksyon ng mga
mamahaling baril. Binaril pala niya ang isang uwak na nasa bubong ng bahay ni
Felipe, ang lahat ay bumalik na sa kasiyahan o piging , nawala nalang bigla si
Ginoong Antonio, sabi nila ay agad kagad itong tumakbo pagkarinig ng pag putok
ng baril, pinagpatuloy ang kasiyahan at pagdiriwang hanggang mag gabi na at
unti-unti ng umalis at nagpaalam na ang bawat bisita.
Kabanata III: Perspektibo
Ang pamilya ni Felipe isang kilalang pamilya sa bayan ng Las Henos, Dahil sila ay
mayaman, sila ay isang maimpluwensyang tao, ang amang si Alfonso isang
kilalang Inhenyerong, nag tatrabaho sa bansang Japan at umuuwi lamang isang
beses isang taon kada pasko para magbakasyon at makasama ang pamilya. Ang
ina naman na si Mina isang butihing ina na nangangalaga sa kanyang mga anak
at ang aasikaso ng mga negosyo ng pamilya dito sa Las Henos na Pamilihan.
Kapatid ni Felipe na si Amy. Si Don Setsuna siya ang palaging nagpapasaya sa
pamilya hindi katalinuhan ngunit magaling mag asikaso ng negosyo dahil sa
palaging pag tulong nito sa kanyang ina sa kanilang negosyo.
Si Josh, isang pilyang bata makulit at sakit minsan sa ulo ng kanyang inang si
Dona Lylia. Si Lola ang nag papasaya at pinaka malambing sa kanilang lahat ,
kung si Mina ay tumutulong sa kanyang magulang sa negosyo, siya naman ay sa
mga gawaing bahay . Pero nagbago ang lahat nung may natanggap na letra,ang
kanyang ama makalipas ang dalawang buwang paghihintay , nangamba ang lahat
sapagkat dalawang buwan ng hindi nagpapadala ng sulat ang kanilang ama
.Hanggang sa dumating na nga ang sulat na hinihintay buwan ng agosto ang sulat
ay naglalaman na si Alfonso ay naaksidente. Napagdesisyonan ni Alfonso na
umuwi na lamang ng pilipinas at doon mag paggaling at permanenteng
manirahan na ulit sa Las Henos at hindi na bumalik pa sa Japan.
“Mabuti naman ay ligtas ka, Ipinagdasal ko na magkita tayo ulit.” “Mabuti at
ligtas ka at pumayag ka na rin na dito na tuluyang manirahan at hindi na bumalik
pa sa ibang bansa” wika ng asawang si Dona Lylia.
“Napagtanto ko na pinakamahalagang bagay ay kayo kaya napili ko na tuluyan na
lamang manirahan dito para makumpleto natayong pamilya”.
Sa pagdatal ni Felipw ay masaya siyang sinalubong ng kanyang pamilya , mga
anak at kaibigan,
“saktong sakto ang dating mo Felipe dahil malapit na ang piyesta dito sa Las
Henos” wika ng kanyang kaibigan na si Don Nilo
Tuwang tuwa ang lahat at hindi mapinta sa kanilang mukha kung gaano sila
kasaya sa pagdating ni Felipe dahil makukumpleto na rin ang pamilya.
Kabanata IV: Pagdiriwang
Ang Pista ng Las Henos ay Inilathala sa isang malaganap na pahayagan ang
tungkol sa pista. Ginawa ito upang malaman ng banyaga na interesadong mabatid
ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo
na walang makakatulad sa karangyaan ang kasiyahan sa mga pilipini.
Handa ang mga musikero. nagising ang mga nututulog. Muling narining ang
tunog ng kampana at mga paputok na naghuhudyat ng pagsisimula ng pista. Alas
once ng umaga, idinaos ng mga deboto ang prusisyon ng birhen ng Las Henos.
Dumaan ito sa paligid ng simbahan, na kasama ang karong pilak at ginto nina
Santo Paolo at Santo Juan. Isinunod naman nila ito sa misa . Siyang-siya ang lahat
dahil nagkaroon din ng sayawan at ang pinakamaringal ay ang pagsayaw ni
Felipe. Doon nakita niya Amy na nakasuot mestisa at nagniningning sa ganda
niya at sa brilyanteng suot nito ay napahanga sa ganda.
Sa sayawan ay nakita rin niya ang dati niyang mga kaklase sa paaralan ng Ateneo
de Las Henos , sina Jonathan ,Emilio at Aldrine. Napansin na rin siya ng dati
niyang mga kaklase, agad nilang nilapitan si Don Angelo at nangamusta “Oy,
nabalitaan ko na kakarating mo lang pre”sabi ni Aldrin.
“Oo na pero
hindi ako sigurado kung permanente ako rito, di ata ako tatagal ”.tugon ni Don
Angelo
Sa isang iglap ay napukaw ang atensyon ni Felipe at nabighani sa pagdaan sa
harap niya ni Amy,samantala unti-unti ng napupuno at dumarami ang tao sa
pista. Napansin niya roon si Don Salvador at dala dala pa rin niya ang baril niya ,
nabahala si Felipe sa nakita niya kaya dali dali niyang pinuntahan si Don Salvador
at nanambitan siyang itago at iwanan na lamang ang kanyang baril sa bahay dahil
maraming maaaring masindak kapag pinakita niya ito sa maraming tao.”ginoong
Salvador, pwede ninyo po bay an itago, baka kasi magkaproblema”
Sinagot kagad siya ni Salvador at sinabing nakatago naman ito.“Huwag mo
akong pakialaman alam ko kung ano ang tamang gagawin sa hindi” wika nito.
Dumating si Duyog siya rin ay dati niyang kaklase , anak siya ni Don
Salvador , pinigilan niya ang dalawa sa pag tatalo at dinala nalang niya pa uwi si
Don Salvador upang maiwasan ang posibleng away ng kaibigan niya pati ama.
Kabanta V: Pagkatapos
Tinanong ni Felipe ang magkapatid kung payag na sila sa kondisyong kanyang
ibinigay. Ayaw ng nakatatanda. Dahil dito, nagalit sI Salvador kaya inilabas niya
ang kaniyang baril.Itinaas ni Felipe kaagad ang kaniyang kamay.
“Huwag po, kakarating ko lang rito at may kailangan pa akong gawin!”, sigaw ni
Felipe.
“Wala akong pake, kung mamatay ka nalang rito, maayos na lahat ang mga
problema ko at mawawala ka na sa wakas sa buhay ko.” Malakas na pagwika ni
Salvador
Ang Pera, anya ni Felipe. Gayunman, kung papayag sila sa kanila, madali niyang
mabibigyan ng pera ang mga ito. Ikinatwiran ng dalawa, na kundi lamang sa mga
problemang iyon. Pero, sinagot siya ni Salvador na mga kondisyobg iyon ay mga
duwag lamang, walang salapi at mahihina at kung sakali, matapos na ito. Binaril
ni Salvador si Felipe. Malakas na pagputok, nandudugo ang puso ni Felipe, wala
ng pag- asa para mabuhay siya. Ikinatuwa ito ni Salvador at tumakbo siya
papalayo. Namatay si Felipe, na hindi man lang masabi ang sagot niya kay Amy.
IBA’T- IBANG URI
NG GAWANG
AKDANG
PAMPANITIKAN

Franz Christian L. Perez


X- Archimedes
Bb. Joy Anne Cabrera

You might also like