You are on page 1of 4

"Panunuring Pampanitikan"

3 Anyo ng adkang
pampanitikan

Ipinasa ni : Napo,Jerane Anne B.


Batsilyer sa sekundaryong edukasyon sa larangan
ng asignaturang filipino
Ipinasa kay : Gng. Remedios Gerente
I. Anyo ng panitikan (pabula)

II.pamagat (Ang leon at ang daga)

III.buod

Isang araw, natutulog ang mabagsik na leon. Isang daga ang naparaan at siya'y naamoy ng leon
kaya't ito'y nagising. Bigla nitong hinuli ang daga. Nagmakaawa sa leon ang daga.

"Maawa ka sa akin! Huwag mo akong kainin! Sa liit kong ito'y hindi ka mabubusog. Pakawalan mo
na ako. Balang araw ay makagaganti rin ako sa iyo."
"Sa liit mong 'yan, paano ka makatutulong sa akin?" sagot na patanong ni Leon.
"Hindi ko alam. Pero nasisiguro ko, makakatulong ako sa iyo," sagot ni Daga.
"Magpasalamat ka at kakakain ko lang. Sige, makaaalis ka na," sabi ni Leon.
"Maraming salamat," sabi ni Daga na nagmamadaling umalis.

Minsan, habang naglalakad sa gubat si Leon, hindi niya napansin ang isang bitag. Nakita na
lamang niya ang sarili sa loob ng isang lambat.
"Tulungan ninyo ako!" sigaw ni Leon.
Nakita ni Usa ang nangyari kay Leon. Lumapit ito.
"Tulungan mo ako, kaibigan," pakiusap ni Leon kay Usa.
"Pakakawalan kita, pagkatapos ay kakainin mo rin ako. Ayoko!" sagot ni Usa sabay alis.

Hindi malaman ni Leon ang gagawin. Paikut-ikot siya, nagpipilit na makawala. Isang unggoy ang
naparaan.

"Kaibigan, maawa ka na. Pakawalan mo ako," ang sambit ni Leon kay Unggoy.
"Ano? Pakakawalan kita? Kahapon lang ay hinabol mo ako para kainin. Tapos ngayon, tutulungan
kita? Hindi, ayoko!" sagot ni Unggoy. At nagpatuloy ito sa paglakad.

Siya namang pagdating ni Daga.

"Tutulungan kita, kaibigan," ang sabi ni Daga kay Leon.


"Paano mo ako tutulungan? Napakaliit mo," pagalit na sagot ni Leon.

Hindi na sumagot ang daga. Sinimulan niyang ngatngatin ang lambat hanggang sa makagawa siya
ng butas na daraanan ni Leon.

Sa wakas, nakalabas din si Leon. Anong tuwa niya!

"Maliit ka nga pero malaki ang nagawa mo. Salamat, kaibigan. Makagaganti rin ako sa iyo," sabi ni
Leon.
"Huwag mo nang alalahanin 'yon. May utang na loob din naman ako sa iyo," sagot ni Daga.
IV
a) Ang aking opinyon bilang kritiko ay maganda ang nilalaman ng pabula ang mga bida dito
ay kapwa mga hayop na may pag uugaling maihahalintulad sa tao.
b) Ang aking opinyon bilang mambabasa ay napalawak nito ang imahinasyon ko at meron
akong mapupulot na aral dito.
c) Ang aking opinyon bilang manunulat ay tama ang mga ginamit na salita at mga bantas
may mga katangian ng maikling kwento ito.
I. Anyo ng panitikan (Alamat)

II.pamagat (Alamat ng Rosas)

III.buod

Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na nagngangalang Rosa
na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin sa kanyang mapupulang mga pisngi,
kung kaya’t pinagkakaguluhan si Rosa ng mga kalalakihan.
Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang mga manililigaw
na si Antonio na kausap ang kanyang mga magulang at humihing ng pahintulot na manligaw kay
Rosa kung saan ay masaya naman siyang pinayagan ng mga magulang ni Rosa at dahil na rin sa
rason na si Antonio lamang ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa kanila.
Ang kinakailangan lang naman na gawin ni Antonio ay ang mapatunayan ang sarili kay Rosa at
pasiyahin ito.
Iyon ang naghimok kay Antonio kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya ni Rosa sa
pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga magulang ni Rosa, lalong-lalo na ang
dalaga na unti-unti ay nahuhulog na ang loob sa masugid na binata.
Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang manliligaw ay doon rin
siya labis na nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din niya nalaman na pinaglalaruan lang pala
siya ni Antonio nang marinig niya ito habang kausap ang kanyang mga kaibigan.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rosa sa kanyang narining. Nadurog ang kanyang
puso sa kanyang unang pag-ibig.
Hindi tumigil sa pag-iyak si Rosa habang siya ay pabalik sa kanilang bahay. Nag-aalala naman
siyang tinanong nang kanyang mga magulang pero hindi sumagot ang dalaga.
Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa mga sumunod na araw.
Isang araw ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat sanang tagpuan nina
Rosa at Antonio.
Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay nang bulaklak ay nagsisilbing paalala sa
mga mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na napapalibot sa halaman na
pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing wala sinuman ang makakakuha sa magandang
bulaklak na hindi nasasaktan.
IV

a) Ang aking opinyon bilang kritiko maganda itong akda at isa itong kwento ng babaeng
niloko at labis na sinaktan ang kanyang damdamin.
b) Ang aking opinyon bilang mambabasa ay samu't-sari ang aking naramdaman sa aking
nabasa nakaramdam ako ng saya, lungkot,galit at pagkamangha higit sa lahat meron
akong napulot na aral sa kwento na huwag basta-basta maniniwala kilalanin muna ang
isang tao.
c) Ang aking opinyon bilang manunulat ay tama ang mga ginamit na salita meron itong
katangian ng isang alamat gaya ng tauhan,banghay ,tagpuan at tema .
I. Anyo ng panitikan (Epiko ng Ifugao)

II.pamagat (Hudhud)

III.buod

Isang araw sa nayon ng Hannanga isang sanggol na lalaki ang isinilang ng mag-asawang Amtalao at
Dumulao. Ang pangalan niya ay Aliguyon.
Siya ay matalino at masipag matuto ng iba’t ibang bagay. Katunayan ang napag-aralan niyang
mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kanyang ama ay marami.
Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang mahusay at paano umawit ng mga mahiwagang
gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahit nuong bata pa tiningala na siya bilang pinuno at hanga
ang mga tao sa kanya.
Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan ang kaaway ng kanyang ama
sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kanyang hamon ay hindi si Pangaiwan.
Ang humarap sa kanya ay ang mabangis na anak nito si Dinoyagan na bihasa rin sa bakbakan tulad ni
Aliguyon.
Hindi naaling pinukol ni Aliguyon ng sibat si Dinoyagan. Kasing bilis ng kidlat umiktad si
Dinoyagan upang iwasan ang sibat.
Wala pang isang kurap ng mata binaligtad ni Dinoyagan ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon.
Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat. Binaliktad
din niya at ipinukol uli kay Dinoyagan.Pabalik-balik at walang tigil naghagisan at nagsaluhan ng
sibat si Aliguyon at Dinoyagan. Umabot na ng ilang taon ay hindi pa rin tumigil ang bakbakan at
walang nagpakita ng pagod o pagsuko sa dalawa.
Subalit sa bangis at dahas ng kanilang paghahamok kapwa sila humanga sa giting at husay ng
kalaban at pagdaka’y natuto silang igalang ang isa’t isa.
Biglang bigla tumigil sina Aliguyon at Dinoyagan at sa wakas ay natigil ang bakbakan. Nag-usap at
nagkasundo sila ng payapa.
Buong lugod na sumang-ayon ang lahat ng tao sa nayon ng Hannanga at Daligdigan at ipinagdiwang
nila ang pagkakaibigan ng dalawa.
Sa paglawak ng katahimikan umunlad ang dalawang nayon. Naging matalik na magkaibigan sina
Aliguyon at Dinoyagan. Naging asawa ni Aliguyon si Bugan samantalang napangasawa naman ni
Dinoyagan ang kapatid na babae ni Aliguyon si Aginaya.
Ang dalawang pamilya ay iginalang ng lahat sa Ifugao at namuhay ng masaya.
IV

a) Ang aking opinyon bilang kritiko maganda itong akdang epiko at ito'y hango sa panitikan
ng kanilang lugar na naikintal ng kanilang mga nino.
b) Ang aking opinyon bilang mambabasa ay malalim ang mga ginamit na salita, nalaman at
natutunan ko ang epiko ng Ifugao kung paano mag-away ang dalawang panig at hanggang
magkasundo.
c) Ang aking opinyon bilang manunulat ay tama ang mga ginamit na salita at pagkasunod-
sunod ng kwento.

You might also like