You are on page 1of 6

EASTWOOD College of Science and Technology,

Inc.

MY
PORTFOLIO
IN PAGBASA’T
PAGSUSURI
ABM101
Submited by: Roschiene Giovanna A. Reyes
Submited to: Ma’am Rhia Copino
Pabula

Ang daga at ang leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang
likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay di niya napansin na
nagising ang leon. Dinakma ng leonang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. “Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain
ka sapagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang namaglaro sa iyong likuran.
Huwag mo akong kainin” sabi ng daga.Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na
pagmamakaawa.“Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalainang pagtulog ko,”
sabi ng leon. “Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, “sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sakagubatan ay kanyang napansin ang
isang lambat na nakabitin sa puno.Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na
nahulisa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan. Dali-daling inakyat ng daga
ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali salambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang
lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon nanakawala sa
lambat. “Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng leon sakaibigang daga.
Parabula

“Ang Alibughang anak”


Lucas kabanata 15 talata 11 hanggang 32 (Lucas 15:11-32)

May isang mayaman na may dalawang anak na lalaki. Ang bunso ay hiningi na sa kanyang ama ang parte
ng kanyang kayamanan. Kaya naman hinati ng ama sa dalawa ang lahat ng kanyang yaman. Pagkalipas
ng ilang araw ay umalis na ang bunso at nagtungo sa malayong lupain dala ang lahat ng kanyang
mana.Nilustay niya ang lahat ng kanyang ari-arian. Nang magugol na niya ang lahat ng kanyang yaman
ay saka naman nagkaroon ng matinding taggutom sa lugar na kanyang pinuntahan.
Nakahanap siya ng trabaho bilang tagapag-pakain ng baboy. Sa sobrang gutom ay pati ang kaning-baboy
ay kanya na ring kinakain. Nang makapag-isip-isip ang bunsong anak ay naalala niya na sa lugar ng
kanyang ama ay maraming upahang mga utusan. Ang mga iyon ay sagana sa tinapay samantalang siya ay
mamamatay na dahil sa gutom. Naisip niyang bumalik sa kanyang ama kahit bilang utusan na lamang at
siya’y hihingi umano ng tawad.Tumayo siya sa kinauupuan at naglakbay pabalik sa kanyang ama. Malayo
pa’y natanawan na siya nito at naawa sa sinapit ng anak. Niyakap niya ang anak at hinagkan.
Sinabi ng bunsong anak, “Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-
dapat na tawaging anak mo.” Gayunpaman ay tinawag ng ama ang kanyang mga utusan at sinabing,
“Madali! Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa kaniya. Magbigay kayo ng
singsing para sa kaniyang kamay at panyapak para sa kaniyang mga paa. Magdala kayo ng pinatabang
guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya. Ito ay sapagkat ang anak kong ito ay namatay at muling
nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.”
Pag-uwi galing sa bukirin ay narinig ng panganay na anak ang kasiyahan sa kanilang bahay. Itinanong
niya sa isa nilang alipin kung anong mayroon doon. Anang alipin ay dumating na umano ang bunso
niyang kapatid. Nagpapatay ng guya ang kanyang ama dahil umuwing malusog at walang sakit ang
kapatid niya. Nang marinig ito ay nagalit ang panganay at ayaw pumasok ng sa kanilang bahay.
DahilDahil dito’y lumabas ang kaniyang ama at inamu-amo siya.
Anang panganay, “Naglingkod ako sa iyo ng maraming taon. Kahit minsan ay hindi ako sumalangsang sa
iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako binigyan ng maliit na kambing upang makipagsaya akong
kasama ng aking mga kaibigan. Nang dumating itong anak mo, nagpakatay ka para sa kaniya ng
pinatabang guya. Siya ang nag-aksaya ng iyong kabuhayan kasama ng mga masasamang babae.”
Tumugon ang ama at sinabing, “Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. Ang magsaya at
magalak ay kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at
natagpuan.”Nagagalak ang Diyos sa tuwing nagbabalik-loob ang mga anak Niya sa kanya. Maging
mapagpakumbaba, aminin ang mga kasalanan, at magbalik-loob sa Diyos.

Nobela

Banaag at Sikat
Si Delfin ay kilala bilang isang sosyalista na naghahangad na magpalaganap ng konsepto ng sosyalismo
sa lipunan. Nais niyang maging dominante ang mga mahihirap sa iba’t ibang gawain ng kabuhayan ang
mga mamamayang maralita tulad ng pangangalakal, pagnenegosyo, at pagkakaroon ng pag-aari.
Ngunit kahit malaki ang kaniyang adhikain para sa mga mahihirap, naninwala pa rin si Delfin na
kailangang idaan sa mapayapang paraan ang pakikipaglaban para sa karapatan nito.
Nag-aaral siya ng abogasya. At isa sa paraan niya ng pagpuksa sa mayayaman ay ang pagsusulat sa isang
pahayagan.
Si Felipe naman ay anak mayaman at naniniwala sa anarkismo. Ito ay ang marahas na pagpapaalis ng
mga makapangyarihan sa kanilang mga puwesto….

Alamat

Alamat ng saging
May isang dalaga mula sa malayong lugar ang napaibig sa isang lalaki. Dahil sa taglay nitong kaayusan
ng anyo at matamis na pananalita, ay nahumaling ang dalaga sa lalaki. Araw-araw na nagkikita ang
dalawa at talaga namang aliw na aliw sa oras na inilalaan sa isa’t isa.Gayunman, ang lalaki ay hindi isang
ordinaryong nilalang. Isa siyang prinsipe ng mga engkanto kaya naman kahit nakapagpalagayan na sila ng
loob ay batid ng lalaki simula pa lamang na hindi sila para sa isa’t isang ng dalagang mortal. Isang araw,
ipinagtapat ng engkanto sa dalaga ang tunay niyang katauhan. Ito na rin daw ang huli nilang pagkikita
dahil tatapusin na nila ang kanilang relasyon. Hindi makapaniwala ang dalaga sa nalaman. Kahit papaalis
na ang lalaki ay ayaw niyang bitawan ang kamay nito. Dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kamay ay
naiwan ito sa babae habang naglaho na ang lalaki. Ibinaon niya ang naiwang kamay ng minamahal.
Matapos lamang ang ilang araw ay binalikan ng dalaga ang ibinaong kamay. Ngunit mayroong kakaiba sa
lupang pinagbaunan. May tumubong halaman doon na may mga dahon ngunit walang sanga, kaiba sa
ibang puno. Namumunga rin ito ng tila hugis kamay, tila ang kamay ng engkanto na kalaunan ay tinawag
nilang saging.

Maikling Kwento

Si Baste At Ang Aso Niyang Si Pancho


Si Baste ay isang walong taong gulang na ulila sa kanyang mga magulang unang pumanaw ang kanyang
ina sumunod ang kanyang ama. Ang kanyang tiyuhin ang nagpalaki sa kanya, mayroon aso ang kanyang
tiyuhin ang kanyang pangalan ay Pancho, mula tuta hanggang dalawang taon lagi naglalaro ang dalawa
nasa secondarya sa kolehiyo pa lamang noon si Baste.
Ngunit nagbago noong siya ay nasa ikatlong taon na sa kolehiyo lagi na siyang abala sa pag-aaral at
barkada. Napapansin ito ni Pancho na hindi na iyon ang kanyang kaibigan na nilalaro siya parati.
Dumating ang panahon na nakapagtapos at nakapagpatayo ng sariling bahay si Baste ngunit yumao na
ang tiyuhin na nagpalaki at nagpaaral sa kanya. Sinama pa din niya si Pancho sa paglipat, pero ganun pa
din hindi pa din siya nilalaro nito.Isang gabi umuwi si Baste dahil natutuwa si Pancho nakauwi na ang
kaibigan gusto niyan makipaglaro ngunit hindi ito nangyari. Kaya umalis si Pancho at nagpunta sa lugar
na lagi nilang pinupuntahan noon. Napansin ni Baste nawala ang aso dali dali siyang lumabas para
hanapin habang hinahanap ang kaibigang aso napagtanto ni Baste na madami na ngang nagbago.
Napansin siya ng trabahador na may kakilala sa kanya at binati siya. Nakita niya si Pancho sa lugar na
pinuntahan nila kung saan nagaantay sila lumubog ang araw,simula noon bumalik na ang dating relasyon
ng matalik na magkaibigan.

You might also like