Professional Documents
Culture Documents
Modelong Bata
Isang hapon nang papauwi si Danilo galing sa paaralan, siyay hinarang ng limang
batang lalaki. Ang mga ito ay naghahanap ng basag-ulo.
Pinatigil si Danilo sa paglakad at pinagsalitaan ng isa, Kung talaga kang matapang
ay lumaban ka. Pumili ka ng isa sa amin na kasinlaki mo, ang hamon.
Malumanay na sumagot si Danilo, Ayaw ko ng away. Bakit ako lalaban sa inyo?
Hindi naman tayo nagkagalit!
Umiiwas ang Boy Scout sa away.
Lumaban ka! at dinuraan ang mukha ni Danilo. Ang lumait na bata ay maliit kaysa
kay Danilo. Siyay mayabang at nagmamagaling. Muling hinamon si Danilo, Ikaw ay
isang duwag!
Kaibigan ako ng sinuman. Ang sabi ng titser ay dapat akong magpaumanhin sa
umaaglahi sa akin!
Totoong maraming dahilan! Lumaban ka kung lalaban. Isa kang duwag! at sinipa
si Danilo.
Nakiusap si Danilo, Akoy aalis na. Hinihintay ako ng aking ina. Ayaw niyang akoy
gabihin sa pag-uwi!
Lumakad nang paunti-unti si Danilo. Siyay sinundan ng mga batang mapanudyo.
Silay nakarating sa puno ng tulay.
Sa ilalim ng tulay ay may narinig silang pagibik, Sag gi pin ninyo ako! Tulong!
Isang bata ang nalulunod!
Matulunging Bata
Ang mabait, masipag, maalalahanin at mapagmahal na bata ay tumutulong nang
kusa sa bahay, di lamang para sa sarili kundi pati sa mga magulang at mga kapatid.
Para sa aking sarili, ay inilalagay ko sa kanya-kanyang lalagyan ang lahat ng aking
gamit sa paaralan, sa bahay at sa iba pa. Sa ganito, ay hindi ako maghahanap at
mag-aaksaya ng panahon lalo na kung nagmamadali ako.
Hindi na rin ako makagagalitan. Laging nasa lugar ang mga libro, notebook, lapis,
pentelpen, pad paper, school bag, payong, sapatos, at lahat-lahat na. Walang
kakalat-kalat.
Sa Kuya at Ate ay tumutulong din ako lalo na kung sila ay abalang-abala sa ibang
gawain. Pagdating nila mula sa paaralan ay sasalubong na ako sa hagdan pa
lamang, upang kunin ang kanilang gamit at ilalagay ko na sa kani-kanilang lalagyan.
Kapag nagpuputol ng panggatong ang Kuya ko, ay iniaakyat ko na ang maliliit na
piraso. Sa Ate naman, kapag nagwawalis, ay kukunin ko ang basahan at ako na ang
magpupunas sa mga mesa at upuan.
Si Tatay at Nanay ay wala; sila ang gumagawa para sa amin. Ay, mayroon pala. Sabi
ng Nanay na malaking tulong daw sa kanila ni Tatay kung ako, kaming
magkakapatid, ay masunurin, masipag, magalang at malinis. Natutuwa daw sila at
hindi raw nila nararamdaman ang pagod, at nagpapasalamat pa sa Panginoon.
Kaya naman maingat kami sa damit upang di sobrang marumi ang lalabhan. Takbo
ako agad sa pagtulong kung kaya ko rin lamang gaya ng paghahanda sa hapagkainan, pag-urong ng mga ito pagkatapos, paghugas at pagligpit.
Ang dami, ano? Pagnakagawian na ay walang mahirap. At napakasarap pang
pakiramdaman at pakinggan ang, Ay salamat! Mabait at matulungin ang aking
anak!
ay ikinalat ng hangin sa mga burol at kagubatan hanggang sa narinig ni Demiter na nooy nasa
malayong pook.
Dali-daling nagbalik sa Sisilya si Demiter. Una niyang tinungo ang kanilang tahanan upang tingnan si
Proserpina. Wala roon ang dalaga. Naghanap si Demiter. Siyam na araw niyang hinanap ang
nawawalang anak. May dala siyang dalawang sulo na itinatanglaw sa lahat ng sulok ng lupa, ngunit
di niya matagpuan ang dalaga. Dahil sa laki ng kanyang kalungkutan ay hindi siya tumikim ng
anumang pagkain ni inumin.
Dumating sa kanya si Hekate nang ikasampung araw. Ibinalita sa kanyang narinig niya ang mga
sigaw ni Proserpina ngunit hindi niya nakita kung sino ang umagaw.
Hindi naasikaso ni Demiter ang kanyang gawain sa ibabaw ng lupa. Namatay ang mga halaman at
nagkagutom ang mga tao. Habang lumalakad ang mga araw ay lalo silang nagkakagutom. Lumapit
sila kay Demiter at hiniling ditong patubuin na ang mga halaman sa lupa.
Naging matigas ang puso ni Demiter dahil sa kalungkutan. Sinabi niya sa mga tao na hanggat hindi
niya nakikita ang kanyang anak ay hindi niya maasikaso ang mga gawain niya sa lupa.
Naghanap siya nang naghanap. Nang wala na siyang pag-asa ay lumapit siya kay Seus. Hiniling niya
sa diyos ng mga diyos na ibalik sa kanya si Proserpina.
Kung siyay ibabalik sa akin ay muling magkakaroon ng masaganang ani sa lupa, ang sabi ni
Demiter kay Seus.
Naawa sa kanya si Seus. Ipinangako sa kanyang ibabalik sa piling niya si Proserpina kung ang
dalagay hindi kumain ng anuman samantalang siyay nasa kaharian ni Pluto.
Natuwa si Demiter. Nagtungo siya sa ilalim ng lupa. Natagpuan niya si Proserpina sa palasyo ni
Pluto. Nagyakap ang mag-ina. Ibig na ibig na ng dalagang masilayan ang ibabaw ng lupa na
sinisikatan ng araw.
Ngunit siya palay kumain ng araw na yaon ng anim na buto ng granada. Dahil sa pagkakain niyang
yaon ay minarapat ni Plutong mamalagi sa kanyang piling si Proserpina sa loob ng anim na buwan,
at sa piling naman ni Demiter sa nalalabing anim na buwan bawat taon.
Kung si Proserpinay nasa piling ng kanyang ina ay tagsibol at tag-araw sa ibabaw ng lupa. Kung
siyay nasa kaharian ni Pluto ay taglagas at taglamig sa ibabaw ng lupa.
Kapuri-Puring Bata
Nais ko pong ipabili sa aking ina para sa aming notse buena yaong pagkaing pinananabikan
ko, katulad ng mansanas at fried chicken
Tugon ito ni Ralph, Grade III 1, ng Paaralang Bagong Barangay, nang siya ay tanungin ng
kanyang guro sa Journalism kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang tatlong alkansiyang
puno ng mga barya. Ito ay natipon niya sa pagiging batang-basurero.
Namumukod si Ralph, 10 taong gulang, sa mga ininterbyu ni Gng. Aida Escaja, isang
tagapayo ng pahayagang pampaaralan. Dalawang palagiang trabaho ang ginagampanan ni
Ralph. Ipinagtatapon niya ng basura ang mga nakatira sa Bagong Barangay Tenement at
errand boy sa palengke ng may bibingkahan sa kanilang pook.
Napili ng kanyang guro ang sinulat ni Ralph, Kumita Habang Nag-aaral para sa kanilang
pamaskong isyu. Si Ralph ay isa sa mga batang sinasanay ng kanilang guro upang maging
kagawad ng patnugutan pagtuntong niya ng ikaanim na grado. Matalino siya pagkat lagi
siyang kasama sa Top Ten ng kanilang klase mula pa noong Grade 1.
May kabutihan ding nagagawa ang kahirapan sa mga bata. Maaga pay nalalantad na sila sa
pakikibaka sa buhay kaya nagiging matatag sila sa pagharap sa mga suliranin sa buhay.
Hindi sila nagpapanik na tulad ng mga sanay sa ginhawa. Nagiging malikhain sila sa
paghanap ng mapagkakakitaan.
Kasama ni Ralph sa pagtatapon ng basura sina Topher, 11 taong gulang, Grade III din, at si
Jun-jun, 6 na taong gulang at nasa unang baitang.
Tumatanggap sila ng mula biyente sentimos hanggang dalawang piso, ayon sa rami ng
basurang kanilang itinatapon. Tuwing alas-dos naroroon na sila na may dalang sako.
Nagkaisa sila sa hatian ng kanilang kita: 45 porsiyento para kay Topher na malaki at
malakas; 35 porsiyento para kay Ralph at 20 porsiyento para kay Jun-jun. Magkakapitkwarto ang kanilang tinitirhan at tsuper ang kanilang mga ama.
Kapuri-puri ang tatlong batang ito na maagang nagising sa katotohanang sa iyong pawis
manggagaling ang iyong ikabubuhay.
Ayon sa kanilang magulang, may isang taon nang nangungulekta ng basura sa tenement
house ang tatlong batang ito. May recycling pa silang ginagawa, ipinagbibili nila ang mga
nakukuha nilang papel, plastik, bote, at bakal bago nila ito tuluyang itapon.
Isang errand boy si Ralph ng may-ari ng bibingkahan. Siya ang nagpapagiling ng bigas sa
may palengke at siya pa rin ang kumukuha ng isang sakong bao sa palengke.
Sa puspusang pag-aaral at paggawa dapat imulat ang mga bata. Ito ang panuntunang
sinunod ni Rizal sa kanyang munting paaralan sa Dapitan. Naniniwala ang ating bayani na
maaga pa ay dapat nang ituro sa mga bata ang pagmamahal sa paggawa.
Maliit pa sina Ralph, Topher at Jun-jun ay may direksyon na ang kanilang buhay. Sa
pamamagitan ng pagbabanat ng buto at pagpapatulo ng pawis, sila ay kumikita na. Hindi
na sila matitigil sa pag-aaral. May tiyak na silang mababaon, may kaunti pang maibibigay sa
magulang at may maihuhulog pang barya sa alkansiya.