You are on page 1of 3

Ang Pabula ng Kabayo at ng

Kalabaw
Inspired by the ancient fables of Aesop.

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga
gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil sa bigat
ng kanyang pasang gamit.
"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan
mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.
"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang
binilisan ang paglalakad.
"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam
mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling
mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.
"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.
Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay
iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at
inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.
"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon,"
may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

ANG LANGGAM AT ANG TIPAKLONG


Isang umagang maganda ang sikat ng araw, may isang tipaklong na masayang naglalaro.
Patalun-talon siya sa damuhan. Di nagtagal, dumaan ang isang langgam na karga-karga ang butil
ng bigas.
"Kaibigang Langgam, bakit gawa ka nang gawa? Tingnan mo ako, masayang naglalaro. Halika,
maglaro tayo at maganda ang sikat ng araw," ang anyaya niya sa kaibigang si Langgam.
"Salamat, mahal kong kaibigan, ngunit marami pa akong hahakuting pagkain. Kailangan ko
itong gawin upang kapag dumating ang tag-ulan ay may sapat akong kakainin. Sa gayon, hindi
ako gugutumin."
"Matagal pa iyon! Tingnan mo't napakaganda ng sikat ng araw. Kaysarap-sarap sumayaw!
Halika na at magsayaw tayo," pamimilit ng tipaklong.
"Iyon na nga! Maganda ang sikat ng araw kaya dapat tayong magtipon ng pagkain," at
nagpatuloy ang langgam sa paglakad. Naiwan ang tipaklong na patuloy na naglalaro sa
damuhan. Maghapon siyang sasayaw-sayaw at pakanta-kanta.
Sumapit ang tag-ulan. Walang makain si Tipaklong. Naisip niya ang kaibigang langgam.
Marami itong tinipong pagkain. Isang gabi, habang naghahapunan ang langgam, nakarinig siya
ng marahang katok sa pintuan. Binuksan niya ang pinto.
"Ako'y nagugutom at giniginaw. Para mo nang awa, kahit kaunting pagkain ako'y iyong bigyan,"
ang pagsusumamo ni Tipaklong.
Naawa ang langgam sa kaibigan. Pinatuloy niya ito. Humanga si Tipaklong sa dami ng pagkaing
naitabi ni Langgam.
"Salamat, kaibigan. Ngayon ay alam ko na ang sinasabi mo na habang maganda ang panahon ay
dapat magtipon. Hindi katulad ko na walang ginawa kundi sumayaw-sayaw sa panahon ng tagaraw," ang wika ni Tipaklong.
"Huwag ka ng mag-alala. Marami akong pagkain. Heto kumain ka na. Ang mahalaga ay natuto
ka na sa iyong pagkakamali," ang may kababaang-loob na sagot ni Langgam. Nahihiyang
kumain si Tipaklong. Masaya naman si Langgam sa nakikita niyang pagbabago ng kaibigan.

Mga ibat-ibang klase ng pangungusap na makikita sa kwento:

Pangungusap na Paturol o Pasalaysay


1.
2.
3.
4.

Isang umagang maganda ang sikat ng araw, may isang tipaklong na masayang naglalaro.
Patalun-talon siya sa damuhan.
Di nagtagal, dumaan ang isang langgam na karga-karga ang butil ng bigas.
Kailangan ko itong gawin upang kapag dumating ang tag-ulan ay may sapat akong
kakainin.
5. Naiwan ang tipaklong na patuloy na naglalaro sa damuhan.
6. Sumapit ang tag-ulan.
7. Walang makain si Tipaklong.
8. Naawa ang langgam sa kaibigan.
9. Humanga si Tipaklong sa dami ng pagkaing naitabi ni Langgam.
10. Masaya naman si Langgam sa nakikita niyang pagbabago ng kaibigan.
Pangungusap na Pautos
1.
2.
3.
4.
5.
6.

Tingnan mo ako, masayang naglalaro.


Halika, maglaro tayo at maganda ang sikat ng araw.
Halika na at magsayaw tayo.
Para mo nang awa, kahit kaunting pagkain ako'y iyong bigyan.
Huwag ka ng mag-alala.
Heto, kumain ka na.

Pangungusap na Patanong
1. Kaibigang Langgam, bakit gawa ka nang gawa?
Pangungusap na Padamdam
1. Matagal pa iyon! Tingnan mo't napakaganda ng sikat ng araw.
2. Iyon na nga! Maganda ang sikat ng araw kaya dapat tayong magtipon ng pagkain.
3. Kaysarap-sarap sumayaw!

You might also like