You are on page 1of 20

is ngogpa ta

nag singtma
Si pagong at
ang Matsing
is manggala ta
ang paktilnog
Si Langgam at
ang Tipaklong
nag nekoho ta nag
gonpag
Ang Koneho at ang
Pagong
Ang ibon at ang
daga
Sa isang malayong lugar ng Quezon noong bata pa ang mundo,
may magkaibigang ibon at daga. Isang araw, naisipan nilang
dalawa na mamasyal sa gubat.
“Magdala tayo ng babauning bigas at ulam,” sabi ng ibon.
“Sige, dadalhin ko ang palayok para roon na lamang tayo
magsaing.”
Sabi naman ng daga. “Ako naman ang magbabaon ng ulam natin.
Lulutuin ko na para iinitin na lamang natin pagdating sa gubat.”
Maagang gumayak ang magkaibigan. Babahagya pa lamang
pumuputok ang araw sa silangan ay naglalakad na sila sa gubat.
Umaawit pa ang ibon habang ang daga naman ay palukso-lukso sa
kanilang dinaraanan. Lumakad sila nang lumakad hanggang sa
natanaw nila ang isang ilog.
“Hayun ang ilog,” sabi ng daga. “Dito tayo huminto.
Presko ang hangin dito at makakukuha pa tayo ng malinis
na tubig.”
Inilapag na nila ang kanilang dala-dalahan sa ilalim ng
isang puna. “Kaibigang ibon, magsaing ka na,” sabi ng
daga, “para makakain na tayo.”
“Oo at initin mo naman ang ulam,” ayon naman ng ibon.
Madaling nainit ng daga ang dala niyang ulam.
Salamantala, malakas ang apoy ng sinaing at hindi ito
napigilan ng ibon. Nasunog ang sinaing.
Nang sila’y kumakain na, Nakita ng daga ang sunog na
sinaing. “Huwag kang mag-alala,” sabi ng ibon.
“Mapapakinabangan pa rin naman natin ang tutong na
sinaing. Gawin natin itong bangka, at mamasyal sa ilog.”
Agad naming sumang-ayon ang daga.
Iyon nga ang kanilang ginawa. Kinuha nila ang tutong,
na parang sinadyang tila hugis bangka. Itinulak nila ito
sa ilog at sinakyang parang bangka.
Habang sila’y inaanod sa tubig, naamoy ng daga ang
tutong at hindi nito napigilang ngatngatin ang isang gilid.
“Huwag mong kainin iyan,” paalala ng ibon.
“Tinitingnan ko lamang kung matibay itong ating bangka,”
paliwanag ng daga.
Patuloy na inanod ang kanilang sinasakyan, ngunit habang
nalilibang ang ibon sa mga nakikita sa paligid, palihim na
kinakagat-kagat ng daga ang gilid ng kanilang bangka.
Napansin ng ibon na ang isang gilid ng tutong. “Matigas ang
ulo mo,” sabi ng ibon. “Huwag mong kainin iyan. Baka tayo
malunod kapag lumubog itong ating sinasakyan.”
“Kaibigang ibon, sinusubukan ko lamang kung puwede ang
ating sasakyan sa malayu-layong paglalakbay,” paliwanag ng
daga. “Kanina pa tayo naglalayag.”
Nagpatuloy pa sila sa pag-anod. Dinala sila ng agos ng tubig sa mga
batuhin. Makitid ang daanan sa pagitan ng mga bato, pero nagkasya ang
kanilang tutong na sinasakyan dahil sa walang tigil na pagngatngat dito ng
daga. “Kita mo na,” pagyayabang ng daga, “Kung hindi ko kinagatan itong
ating bangka hindi sana tayo nakaraan nang mabilis sa mga batong ito.”
Hindi napansin ng magkaibigan na dumidilim ang kalangitan.
Nagbabadya ang pagbuhos ng ulan. Nasa gitna sila ng ilog at hindi
magiging madali para sa kanila ang pagsilong.
At bumuhos ang napakalas na ulan. Mabilis na tumaas ang tubig sa ilog.
Lumaki rin ang mga alon. Gumiwang-giwang ang bangkang tutong na
kanilang sinasakyan. Sa isang hampas ng alon,napuno ng tubig ang kanilang
sinasakyan. Lumubog ito sa tubig. Mabilis na nakalipad ang ibon, subalit
nahulog ang daga na hindimarunong lumangoy. Saglit lamang at nalunod
ang daga. Gustuhin man ng ibon ay hindi niya nailigtas ang kaibigan.
“Paalam, kaibigan,” malungkot na bulong ng ibon habang
tinatanaw ang nalulunod na daga.
Nagalit ang kamag-anak ng daga nang malaman nila ang
nangyari. Pinuntahan nila ang ibon upang singilin ito sa kaniyang
pagpapabaya sa kaibigan. Ipinaliwanag ng ibon na wala siyang
nagawa kahit gustong-gusto niyang iligtas ang kaibigan.
Hindi mapaniwala ang ibon ang mga kamag-anak ng daga.
Magmula noon, nagsimulang manirahan sa itaas ng puno ang
ibon upang makaiwas sa panlalait at pag-atake ng mga daga.
Ang alitang ito ay nagpatuloy hanggang tuluyang magkagalit
ang dalawang panig. Sa ngayon, tinutugis ng mga daga ang ibon
upang pagbayarin ito sa kasalanang nagawa.
Pagkilala sa mga Pabula
• Isang payak na kuwento ng mga hayop na pinakikilos at pinagsasalitaan tulad
ng mga tao.
• Layunin nito ay magturo ng aral sa mga mambabasa upang maging gabay sa
buhay.
• Aesop – Ama ng Sinaunang Pabula dahil sa sinulat niyang
parabula na nagging bantog sa mundo.
- Isang Griyego na nabuhay noong panahong 620-
560 BC.
- Sumulat ng pabula upang turuan ang mga tao ng
tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa.
Ilan sa mga akda ni Aesop.
1. Ang Leon at ang Daga
2. Ang uwak at ang Pitsel ng Tubig
3. Ang pagong at ang kuneho
4. Ang Asong Makasarili
5. Ang kalapati at ang Langgam
6. Ang Anak at ang Nanay na alimasag
7. Ang Kambing at ang Asong Lobo
8. Ang Langgam at ang Tipaklong
9. Bakit Nagtatago sa Kuweba ang mga Paniki?
10.Ang babaeng nagtitinda ng gatas
GAWAIN: PAGSASATAO

Bigyang buhay ang tauhan


sa akda na nagbigay sa iyo
ng inspirasyon.
Pagsusulit: (Sagutin ang Pagkilatis ng Sanhi at
Bunga p.6)
A. Isulat sa kahon ang sanhi ng mga ss. na pangyayari.
1. Nasunog ang sinaing.
2. Nagkaroon sila ng “bangka” sa
pamamasyal sa ilog.
3. Lumiit nang lumiit ang kanilang
“bangka.”
4. Napuno ng tubig ang “bangka.”
5. Nagalit ang mga kamag-anak ng daga sa ibon
B. Isulat ang bunga ng sumusunod.
1.
Hindi marunong
lumangoy ang Daga.

2.
Nagalit ang mga
kamag-anak ni Daga
3.

Laging sinusugod ng
mga daga ang ibon.
Takdang Aralin #1:
Kunan ng maikling video
ang sarili na nagpapakita
ng masining na pagbasa
ng akdang pabula.
Takdang Aralin #1:
Magsaliksik ukol sa ss:
- Pangngalan
- Paraan ng Pagsulat ng isang Balita
Ihanda ang kagamitan sa Miyerkules para sa
gaganaping Eliminasyon ng Buhay na Bantayog.
Magdala ng Mapa ng Mundo sa darating na
Huwebes

You might also like