You are on page 1of 22

Ang Pambihirang Sombrero

Isang araw, naghalungkat si Mia sa lumang baul ng kaniyang lola. Laking tuwa niya nang
makatagpo siya ng sombrero.
Kakaiba ang itsura nito!
Sinubukan niyang isuot ito sa iba’t ibang paraan. Ngunit naisip niya, bakit parang may
kulang?
Lumabas ng kanilang bahay si Mia at nagtungo sa tindahan sa tapat. “Magandang
umaga, Manang Sol,” bati ni Mia.
“Maganda po ba ang aking sombrero?” “Oo Mia, pero mas maganda kung lalagyan pa
natin ng alkansiya,” sagot ng tindera.
Nagulat si Mia sa handog sa kanya.
Sunod na pinuntahan ni Mia ang panaderya. “Mang Rico!” tawag ni Mia. “Maganda po ba
ang aking sombrero?”
“Oo Mia, pero mas maganda kung palalamutian pa natin ng kandelabra,” sagot ng
panadero.
Nagdaan din si Mia sa klinika. “Doktora Dulce, maganda po ba ang aking sombrero?”
tanong ni Mia.
“Oo Mia, pero mas maganda kung papatungan natin ng mga prutas,” sagot ng doktora.
Naglakad pa si Mia at nakarating sa estasyon ng bumbero. “Mang Ador, maganda na po
ba ang aking sombrero?” tanong ni Mia.
“Oo Mia, pero mas maganda kung dadagdagan natin ng akwaryum,” sagot ng bumbero.
Pagtawid niya sa kalsada, nakasalubong ni Mia ang pulis. “Mia, Kakaibang sombrero
iyan, ah!” bati ni Mang Kalor.
Pero mas maganda kung sasabitan pa natin ng hawla.”
Umabot si Mia sa hardin ng plasa.
“Mang Lito, maganda na po ba ang aking sombrero?” tanong ni Mia.
“Oo, pero mas maganda kung kakabitan pa natin ng mga bulaklak,” sagot ng hardinero.
Pagdating sa palaruan, napakarami nang palamuti sa sombrero ni Mia!
“Mia, itong saranggola na lang yata ang kulang diyan!” sabi ng kanyang kalaro.
“Sandali lang, Toto!” sigaw ni Mia.
Ngunit naitali na ni Toto ang saranggola.
Biglang umihip ang napakalakas na hangin. Kumapit si Mia sa kaniyang sombrero at
natangay siya paitaas.
Biglang lumobo ang kaniyang sombrero at naging isang napakalaking parasiyut.
Nang tumapat ito sa araw, nakita ng lahat ang angking ganda ng sombrero!
Hipon at Biya

Sa maputing buhangin ng isang tangrib nakatira si Hipon at Biya. Kahit hindi magkauri,
magkasama silang nakatira sa isang lunggang binungkal sa buhangin ni Hipon Masaya
sila sa ganitong pamumuhay.
Trabaho ni Hipon na panatilihing malinis ang kanilang lungga. Hindi niya hinahayaang
pasukin ito ng mga buhanging dala ng mga alon. Dahil sa sampu niyang mahahaba at
matitinik na binti, hindi ito problema. Kaniya ring sinisiguro na kumakain nang maayos si
Biya.
Si Biya ay mahigpit na binabantayan ang lungga sa mga nais mang-abala. Kaniya ring
tinitiyak na ligtas si Hipon mula sa malalaki’t gutom na isda na sarap na sarap sa manipis
nitong balat.
Tuwing may papalapit na malalaking isda, agad ipipilantik ni Biya ang buntot nang ilang
beses. At si Hipon, na malabo ang mga mata ay magmamadaling pumasok sa lungga
upang makaiwas sa panganib.
Kapag bumabagyo, hinaharangan ni Hipon ng bato ang bungad ng lungga. Dahil dito,
ligtas si Hipon at si Biya mula sa mga along humahampas sa tangrib. Ganitong panahon
nang magsimula ang kanilang alitan.
Ilang araw na ring bumabagyo at pagod na si Hipon sa pagtutulak ng buhanging
pumapasok sa kanilang lungga.
“Huwag ka ngang lumangoy-langoy lang! Kumilos ka naman diyan!”, sigaw ng pagod na
pagod na si Hipon.
“Ano namang magagawa ko?”, sagot ni Biya. “Wala namang makakapasok sa lungga
para tayo ay kainin.”
Alam ni Hipon na tama si Biya. Pero bakit kailangang siya lang ang laging magtrabaho?
“Ikuha mo ako ng pagkain! “ utos ni Hipon “Kamutin mo ang likod ko!!”,
“Pero mga palikpik lang ang mayroon ako!” sagot ni Biya, na gustuhin man ay hindi
magawa ang mga utos ni Hipon. Alam ni Hipon na tama si Biya nguni’t patuloy pa rin
nitong kunukulit si Biya.
Hindi na natiis ni Biya ang nangyayari. Kaya pagkatapos ng bagyo, lumangoy siya
palabas ng lungga.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Hipon.
Maghahanap ako ng ibang lungga!” sagot ni Biya. Sa isang pilantik ng kaniyang buntot,
siya’y nawala.
“Bllb!”, sambit ni Hipon at gumapang siyang pabalik sa lungga. “Kung sa kaniyang
palagay ay kailangan ko siya, nagkakamali siya!”.
Di nagtagal, lumabas si Hipong malabo ang mata. Isa palang pindangga ang naghihintay
sa kanya sa labas ng lungga. Buti na lang at bago siya manguya ng matutulis at bako-
bakong ngipin ng pindangga, nakapasok sa lungga si Hipon, na bahagi lang ng isang
binti ang nawala.

Bago pa man lumubog ang araw sa tangrib, ang takot na Hipon ay muntik nang makain
hindi lamang ng pindangga, kundi pati ng isang lumba-lumba at isang pawikan.

“Siguradong magiging pagkaing isda ako ngayong wala na si Biya,”iyak ng kaawa-awang


si Hipon.

Di naman nalalayo si Biya. “Kailangan mo ba ng isdang magbabantay ng lungga?”,


tanong niya sa lahat ng hipon na nakakasalubong. Nguni’t ang bawa’t lungga ay may
sariling biya at hindi na nangangailangan ng isa pa.

“Saan ako matutulog?”, tangis ni Biya na walang lungga, habang takot na takot na
nagtago sa likod ng isang malaking bato, umaasang hindi siya mapansin ng dumadaang
maming.

Pagdating ng pagtaas ng tubig, gutom na gutom na si Biya. Hindi pa siya kumakain


magmula nang umalis siya sa kanyang lungga.

“Sinong magbubungkal para sa pagkain ko?”, taghoy niya. habang sinusubukang


sumandok ng makakain sa buhangin gamit ang kanyang palikpik.

Pagsikat ng araw, nagbungkal si Hipon palabas ng lungga. At sino pa nga ba ang


naghihintay sa labas kundi ang napakarumi at gutom na gutom na si Biya!

“Nagbalik ka!”, sigaw ng napakasayang si Hipon, na akmang yayakapin si Biya gamit ang
kaniyang siyam at kalahating binti. “Kailangan kita upang bantayan ako! Ipinapangako
kong magpapakabait na ako at hindi na ipagagawa ang alam kong hindi mo kayang
gawin.”

“Mabuti naman,” sabi ni Biya, na masayang- masaya rin dahil siya’y nakauwi na.
“Kailangan naman kita para ihanap ako ng pagkain at para ipagbungkal ako ng bahay.”

“Lahat ng ibang hipon ay may kapares na at ang bahayang isda ay isang mapanganib at
malungkot na lugar para sa isang biyang walang tirahan.”, dagdag pa ni Biya, sabay
pilantik ng buntot nang tatlong beses bilanng babala na may isang gutom na gatasan na
gumagala sa di kalayuang koral.

Kaya’t magkasamang namuhay sina Hipon at Biya sa isang lunggang binungkal ni Hipon.
Sila’y masaya sa ganitong pamumuhay.

May Lakad Kami ni Tatay


ni Eugene Y. Evasco at iginuhit ni Brent Sabas

Espesyal ang araw na iyon sapagkat ang araw na iyon sila ay pupunta ng kanyang
ama sa Parke upang mag ehersisyo at kumuha ng mga litrato. Sinabi ng ama sa kanyang
anak na kailangan nilang kumilos sapagkat hindi malusog ang mataba. Nagsalita ang
batang si Ramon sa kanyang ama, sinabi niya dito na ang kanyang Lola at Ina ay
mabibilog. Sumagot ang ama kay Ramon sinabi niyang isusunod din nila ang lola at ang
kanyang ina. Hindi sila sasakay ng jeep o traysikel papunta sa parke. Sila ay nag-inat ng
mga braso at binti, inikot-ikot ang kanilang mga balikat at giniling-giling ang kanilang mga
balakang.
Una nilang nadaan si Aling Tasya na nagdidilig ng mga bulaklak. Ito ay kanilang
pinag-igib ng limang baldeng tubig. Ito ay nagpasalamat sa kanila. Naglakad uli sila ng
mabagal tapos ay bibilis. Babagal at bibilis muli. Sila ay pawis na sa kanilang paglalakad.
Nang dumaan ang mga siklista sila ay nagulat. Kinunan nila ito ng litrato. Ninais ni Ramon
na magkaroon din siya ng bisikleta katulad ng kanyang ama. Gusto niyang tularan ang
ama na nagbibisikleta lamang papuntang trabaho. Nang makarating sa parke, masaya
sa buong Parke nakakaindak ang musika at panay masasaya ang mga tao. Ang batang
si Ramon ay humalo at nakisaya sa mga tao.
Natapos ang ehersisyo ngunit pakiramdam ni ramon ay umiindak-indak pa din ang
paligid niya. Nag aya ang kanyang ama na sila ay mag-meryenda muna. Ipinakita ng
kanyang Tatay ang mga larawan na kanilang kinunan. Si Ramon ay nasasabik na sa
susunod na Linggo. Sa susunod na lakad nila ng kanyang Tatay.
Ang Hardinerong Tipaklong

Kilalang-kilala si Mang Anton sa nayon ng Palong-Palong. Siya ang may


pinakamagandang halamanan doon.

Isang umaga, natigil sa pagdidilig si Mang Atong. “Ano ang nangyari rito? Bakit kayo
nagkakagulo? Tanong ni Mang Atong. “Dumating po si Tipaklong na gutom na gutom.
Kasama niya ang tropa at dito sila lumusong,” sagot ni Ilang-Ilang.

Madaling-araw lumulusob ang mga iyon habang masarap ang kaniyang tulog. Pinaalala
niya kay Aling Bebang na gisingin siya nang mas maaga kinabukasan.

Tahimik at malalim ang idlip ng mga pananim. Dahan-dahan siyang naglakad papuntang
gulayan habang nagmamanman.

Maingay at nagkakagulo roon. “Dito naman pala nagpista ang mga tamad!”

Hindi natulog si Mang Atong nang gabing iyon. Walang mintis ang kanyang patibong.
Habang kumakain ng sariwang kangkong, nahuli si Tipaklong. Takbuhan naman ang mga
kasamang kampon. “Huwag kang mag- alala, pakakawalan din kita,” sabi ni Mang Atong.

“Maawa ka na, magugutom ako dito. Huwag mo akong ikulong. ”

Kung papayag ka, pakakainin kita. Kakalagin ko na rin ang tali ng iyong mga paa. Pero
magtrabaho ka, kapalit ng pagkain at pagtira. ” Bumilis ang takbo ng dugo ni Tipaklong.
“Kahit ano, gagawin ko,” malakas ang kanyang tugon.

Binungkal niya ang lupa at dinilig ang mga halaman. Tumutulong si Tipaklong kay Mang
Atong araw-araw mula noon. Naging kaibigan niya si Petsay,Talong, Sigarilyas at Okra.
Kapag oras ng pahinga’y nagkakantahan sila habang naggigitara siya.

Minsan silang inabutang ganoon ni Mang Atong. Sa isang kumpas, huminto ang lahat.
Nakahanda sila sa galit na akala. Ngunit, ngumiti iyon at nagsabing “Magaling ka palang
tumugtog. Kung magtatagal ka pa, ibibili kita ng gitara. ”
Ngumiti ang mga mata ni Tipaklong. Mula noo’y sumipag pa siyang lalo.

Laging nakatawa si Gumamela. Madalas kumakanta si Okra. Tuwi-tuwina’y patalun-talon


si Talong. Kaagad-agad namang napapasayaw sina Petsay at Sigarilyas. Mula noon,
lalong dumami ang mga bulaklak niyang dilaw at bumilog ang kanyang mga bunga.

Lalong gumanda ang halamanan at gulayan nina Mang Atong at Aling Bebang. Napansin
ito ng mga taganayon ng Palong-Palong. Nagtataka rin sila kung bakit lalo pang sumipag
at lumakas ang mag-asawa.

Naging bukambibig tuloy sa nayon. Gamot sa panghihina at pagtanda ang pag-aalaga


ng halaman.

Isang araw, kinausap ng mag-asawa si Tipaklong. “Labis-labis na ang pagsisilbi mo sa


aming hardin. Maaari ka nang umuwi kung ibig mo,” malungkot ang tinig ni Mang Atong.
“At hindi sapat ang pasasalamat namin sa pambihira mong sipag,” dagdag ni Aling
Bebang.

“Hindi ko gustong umuwi. Ito lang ang aking tahanan,” malungkot ang tinig ni Tipaklong.
“Huhusayan ko pa ang pag-aalaga sa mga halaman. Pagkain ko’y sige bawasan. ”
Nalungkot ang mga nakikinig na halaman.

“Ito na ang tahanan mo, kung gayon,” masayang tugon ng mag-asawa. Pareho rin ang
pagkain ni Tipaklong. Dadagdagan pa ang oras ng pahinga kung kailangan niya. Tumalon
nang tumalon sa tuwa si Tipaklong.

Mula noon kapag may nagtatanong, “Ano hong abono ang ipinaiinom ninyo sa halaman,
Mang Atong?” Nakangiti siyang tutugon: “Kayo na ang magkaroon ng hardinerong
Tipaklong!”
Ang Alamat Ni Sibol at Gunaw
Ballet Manila breathes life into another timely story of love, nature and legendary
characters, and a unique all original Filipino tale production that surely every Filipino will
love and can relate too combining magic, myth and a timely environmental message
Ballet Manila transforms the book written by Ed Maranan into a spectacular ballet
show combining color, movement and music highlighted by a wedding between a
goddess and a mortal, a garden of dancing flowers and buzzing bees, and a classic battle
between good and evil as waged by the twins Sibol and Gunaw.
In the ballet, Macuja plays the goddess Luningning, tasked to preserve nature,
who falls in love with a mortal named Kapuy (Nazer Salgado). Their marriage produces
the twins Sibol (Bloom) and Gunaw (Doom) — danced by Yanti Marduli and Francis
Cascaño, respectively — who have the power to nurture and destroy the Earth. While
Sibol grows up like her mother, a nurturer of the environment, her brother becomes her
polar opposite and sows the destruction of nature’s resources.
Goddess Luningning falls in love with the mortal Kapuy and they are married.
Luningning gives birth to the twins Sibol (Bloom) and Gunaw (Doom) who fight over the
fate of Bundok Pangarap. An epic battle ensues, until Luningning intervenes to save the
world from destruction.
The story’s theme, particularly relevant in the aftermath of Ondoy and other
devastating typhoons like Pepeng and Quedan that hit the country,“Si Sibol at Si Gunaw”
is influenced by the growing environmental awareness in our society, particularly our
concern over the degradation of our forests.
The magical elements in the story, the shows some various nature landscapes
and the mythological setting of the sky world-and-earth drama lend themselves to
theatrical spectacle, for child and adult audiences alike.
The story’s themes of love for nature and environmental protection sat well. I
definitely agree to the need to preserve and conserve our environment and not abuse the
available natural resources of our planet. Everyone on our planet has been affected by
global warming very badly.
From the floods and the typhoons, heat and drought, rising water levels, garbage
disposal and rising cost of living — we simply cannot ignore all of the signs.
I really love the theme of the ballet show because I am really eager to conserve
and protect the nature especially now that we can really feel the effect of global warming
and climate change.
I was devastated because I am one of the victims of the typhoon Ondoy. Our
house in Pandacan Manila was flooded thank God our house and our things are just
slightly damaged. I was with my 2sisters but we really reside at parañaque so our parents
and my other siblings are clueless what had happened to us that time, for me that was
traumatic.
That’s why I really enjoyed watching the ballet show because I can relate to its
theme about the environment and its importance and how to preserve and take good care
of it.
I am also a big fan of a ballet show because when I was a kid I really want to learn
ballet, frustrated ballerina. That’s why I enjoy watching. I love the colorful costumes they
are pleasant in the eyes.
The story’s moral lesson is the responsibility of preserving the planet that kids
should be also aware from it and enjoy it as well.

I think the viewers would easily recognize the environmental message. No one can
quarrel with the advocacy that we must protect our trees, preserve our watersheds, and
use wisely our delicate and endangered natural resources.
WANTED: LOLIT, LAMOK NG DENGUE

ISANG GABI, dinalaw ng malakas na ulan ang Barangay Denggoy. Walang gustong
lumabas ng bahay. Nakatatakot kasi ang mga kulog at kidlat. Sinabayan pa ng brown-
out. Kaya habang nakaikot sa gasera, nagkuwentuhan na lang ang magkakapatid na
Moncito, Elise at Vincent hanggang sa sila’y antukin at makatulog.
KINAUMAGAHAN, “Ay bumaha pala!bungad ni Elise.
“Yehey! Wala tayong pasok ngayon!” sagot ni Moncito.
“Makakapaglaro tayo sa baha!”hiyaw ni Vincent.
Nagmamadaling kumuha si Moncito ng mga papel. Iginawa niya sina Elise at Vincent ng
bangkang papel at sinimulan na nila ang karera ng mga bangka.
Maya-maya , naisip ni Vincent na meron pa pala siyang jovos o pulbos na pang-tina na
natira mula sa isang project nila sa eskwela. Kinuha niya ito at sila’y nagpaligsahan sa
paggawa ng pinakamagandang kombinasyon ng mga kulay ng jovos sa tubig-ulan at
inipon sa mga walang laman na bote ng softdrink, patis, at toyo.
“Ang ganda naman ng inilagay mong kulay sa bote mo, Vincent. Akin na lang!”
Hindi puwede , Ate Elise, akin ito.” At itinago ni Vincent ang bote sa bodega, doon sa
hindi makikita nina Moncito at Elise.
Unti-unting humupa ang baha.
Nalimutan na nina Moncito, Elise at
Vincent ang kanilang mga bangkang papel at ang mga boteng may lamang tubig-ulan.
At lumipas ang maraming araw.
ISANG UMAGA, may lamok na dumating sa Barangay Denggoy. Naghahanap ito ng
tirahan. Hirap siyang lumipad dahil buntis siya at kailangan nang mangitlog. Handa nang
sumalubong ang mga kanal at estero sa kanyang pagdating. Pero —- “Yak, ang dumi-
dumi. Nakakadiri! Hindi ako bagay rito!” kinilabutan si Lolit Lamok nang makita niya ang
kanal.“ Baka magkasakit ako rito!”
Napansin ni Tsipis Ipis si Lolit Lamok na bulong nang bulong. “Ano bang problema mo?”
masungit na tanong ng ipis.
“A, e, naghahanap kasi ako ng
matitirahan. Malapit na akong mangitlog. Gusto ko sana ay ‘yung tubig na malinis. May
alam ka ba?” tanong ni Lolit Lamok.
Naisip agad ni Tsipis Ipis ang boteng may tubig-ulan sa bodega. Ilang beses na niya itong
tinikman. Kaya tiniyak niya kay Lolit na wala itong lason.
“Tubig na malinis sa loob ng bote! Solb na ang problema mo!” At sinamahan ni Tsipis Ipis
si Lolit Lamok sa bodega. “Iba ka sa mga lamok na kilala ko. Malinis ka!” hangang-
hangang sabi ni Tsipis.
Nangiti si Lolit Lamok. Sa loob-loob niya, “madali palang lokohin ang ipis na ito. Kung
alam lang niya kung ano ang pakay ko sa lugar na ito!” At siya’y bumunghalit ng isang
nakatatakot na tawa. “Bwi hi hi hi hi hi!Bwa ha ha ha ha ha!”
Samantala, doon sa kisame ng bodega, pinapanood ni Gugu Gagamba ang mga
nagaganap. “Hmmm…mukhang may gagawing di maganda ang lamok na ito!”
HINDI NAGTAGAL AT NANGITLOG SI LOLIT.
Tuwang-tuwang nakipanood ang mga baby na ipis ni Tsipis sa mga kikibot-kibot na kiti-
kiti na nanggaling sa napisang
itlog ni Lolit. Ang mga anak naman Gugu Gagamba ay naglalambitin sa sapot para masilip
ang mga bagong-pisang lamok.
“Sige, silipin n’yo ang mga kiti-kiti ko. Kailangan ko kayo para magawa ko ang balak ko
sa lugar na ito!”bulong sa sarili ni Lolit Lamok. Walang kaalam-alam sina Tsipis at Gugu
na si Lolit Lamok ay impektado pala ng Dengue virus.

DUMATING ANG ARAW na gutom na gutom na si Lolit. Gustong-gusto na niyang


sumipsip ng dugo ng mga bata. “Ngayon na ang panahon ng pagkakalat ko ng lagim!”
Agad niyang kinausap si Tsipis Ipis. “Pakibantayan mo ang mga kiti-kiti ko. Mamayang
gabi, ako naman ang titingin sa mga anak mo.”
“E bakit?”
Mas gusto ko kasing sa araw gumala.
Kabaligtaran n’yong mga ipis na sa gabi lumalabas.
Pumayag naman si Tsipis Ipis na mag-alaga sa mga kiti-kiti ni Lolit. Lumabas na ng
bodega si Lolit Lamok. Handa na siyang maghanap ng batang makakagat. Mula sa
kanyang sapot, kitang-kita ni Gugu Gagamba kung saan nagpunta ang lamok.
Hindi nabigo si Lolit sa kanyang paghahanap. Nakita niya agad ang mga batang naglalaro
ng luksong-tinik. Namataan niya si Elise at ang makinis nitong mga binti. Sa wakas,
mabubusog na ulit siya! Sa sobrang tuwa ay napakanta siya:
Heto na’ng araw na hinihintay.
Mga balak ko’y magkakabuhay.
Lamok na inaakalang malinis,
Iyon pala’y nagmamalinis.
Magkukunwaring mabait
Para sa biktima’y makalapit.
Isang kagat na masarap,
At lagim koy malalasap
Bwi hi hi hi hi hi!
Bwa ha ha ha ha ha!
Lagim ko’y kakalat
Para sa lahat!
Isang mariing tsuk! At pinakawalan na ni Lolit ang mumunting Dengue Virus sa
katawan ni Elise.
“Ay!Aray!” sigaw ni Elise.
Akala ni Elise ay kinagat lamang siya ng isang ordinaryong lamok, gaya ng mga lamok
na paminsan-minsang nakakalusot sa maliliit na butas ng kanyang kulambo.
TUWANG-TUWA ang mga mikrobyong Dengue nang makapasok sa sirkulasyon ng dugo
ni Elise. “Salamat kay Lolit, nakapasok tayo sa katawan ni Elise,” sabi ng pinunong virus
na si Bossing.
“Yehey!” hiyaw ng mga kasamahang Dengue virus.
“Nakikita n’yo ba ang mga ugat na yun? Sirain n’yo para rumupok!”utos ni Bossing sa
isang grupo ng mga Dengue virus.
“Kayo naman , ubusin n’yo ang lahat ng platelets na dumadaloy sa katawan! Kainin n’yo!
Utos naman sa kabilang grupo.
Handa na ba kayo?” sigaw pa ni Bossing.
“Yes, sir!”
“Ano pa’ng hinihintay n’yo? Atake na!”
PAGKATAPOS NG LIMANG ARAW matapos makagat ni Lolit Lamok, biglang nilagnat si
Elise. Naging pabalik-balik ang kanyang lagnat sa loob ng apat na araw. Nanakit ang
kanyang ulo at mga kalamnan, pati mga kasu-kasuan. Nawalan siya ng ganang kumain.
“Natrangkaso si Elise,” sabi ni Tatay Tony.
Pero duda si Nanay Riza. Nabalitaan niya na marami ring bata sa lugar nila ang may sakit
na katulad ng kay Elise. Ayon sa mga doctor, Dengue H-fever raw ito.
“Trangkaso na may kasamang pagdurugo”. Ganu’n ang sabi ng nars kay Nanay Riza
nang magtanong siya kung paano malalaman na may Dengue ang kanyang anak.
Si Elise ay may trangkaso at… nagdurugo ang ilong.
Sa ospital, sinuri agad ng doctor ang dugo ni Elise. Malapot na nga ang kanyang dugo.
At bagsak na ang bilang ng kanyang platelets.

Pagkatapos ay kinabitan si Elise ng suwero. Sa laboratoryo ay inihanda na rin ang dugo


na posibleng isalin kay Elise kung patuloy na babagsak ang bilang ng kanyang platelets.

Nabalitaan ni Gugu Gagamba ang nagaganap sa kanilang barangay.


“Ano ba talaga ang sakit ni Elise?” tanong niya sa mga kapwa gagamba. Pero sila man
ay walang masabi.
Hanggang sa marinig ni Gugu ang balita sa radio.
“Ipinapayong mag-ingat ang lahat laban sa Dengue H-fever. Kalat na ang Dengue virus
sa ating bansa. Ito ay dala ng mga lamok na nakatira sa malilinis na tubig o tubig-ulan.
Madali lamang makilala ang mga ito. Sila ay may black and white stripes sa katawan,
nangangagat tuwing araw,at mababa lamang kung lumipad.
Naalala ni Gugu Gagamba si Lolit Lamok na naghahanap na malinis na tubig at
lumalabas lamang tuwing umaga.
“Aha, mukhang kilala ko ang lamok na may dala ng Dengue!” sabi ni Gugu Gagamba.
Pumunta siya sa bodega at nagulat sa nakita. Ganoong-ganoon ang hitsura sa ibinalita
sa radio. Nakikipaglaro ang mga ito sa napakaraming anak ni Tsipis Ipis, at mga bubuwit.
Pinulong agad ni Gugu Gagamba ang mga gagamba sa kisame at dingding ng bodega.
“Magtulong-tulong tayong lahat! Gagawa tayo ng mahahabang sapot mula sa bodega sa
may bakuran papunta sa bahay nila Elise. Kailangang ilantad natin ang lihim ng bodega!”
“Ilantad!”sama-samang hiyaw ng mga gagamba.
PAGKARAAN ng dalawang araw.
“Ang daming sapot!” gulat na sabi ng Nanay Riza habang gumagayak papuntang ospital.
“Hayun, galing sa bodega! Halika Vincent, alisin natin ang agiw,”sabi ni Tatay Tony.
“Punta ka na Riza sa ospital, ako na ang bahala rito.”
Sa bodega, nandiri sila sa sa kanilang nakita!Kay daming mga ipis at mga bubuwit. Lalo
na ang mga lamok! Nakakadiri!
tubig-ulan na puno pa rin ng mga kiti-kiti.
“Aha!Dito pala nakatira ang mga lamok ng dengue!” sabi ni Tatay Tony.
Nabigla si Vincent sa nakita. “Sorry po. Ako po ang nagtago ng boteng ‘yan.” Umamin si
Vincent na nagsisisi.
“Anak, sa susunod ay magiging maingat na tayo.” sagot ni Tatay Tony.
Noon din ay sinimulan ang paglilinis at fumigation sa Barangay Denggoy. Nagpausok ng
pamatay-lamok sa buong lugar. Tatakas pa sana si Lolit Lamok at ang pamilya nito. Pero
hindi nila natagalan ang lason na nakahalo sa hanging ibinomba sa kanila.
Sunod-sunod na bumagsak si Lolit pati ang napakaraming mga lamok. Kasama ring
namatay ang mga lahi ni Tsipis Ipis, ang mga daga, at ang mga langaw na nagdala ng
iba’t ibang uri ng sakit. Ligtas na ang mga bata sa Dengue. Hindi na makapaghahasik pa
ng lagim si Lolit Lamok.
Mula noon, natuto na ang mga toga-Barangay Dingo na mag-ingat laban sa Dengue H-
Fever. Tinitingnan na nilang maigi kung may mga lata, timba, dram, gulong, o bote ng
tubig na maaaring pamahayan ng mga lamok at tinatapon nila ang mga ito. Tulong-tulong
na rin sila sa paglilinis ng kanilang paligid.
At sino ang nangunguna sa kanila?
Sino pa? E di sina Moncito, Elise, at Vincent!

LAKI SA HIRAP ni LUIS P. GATMAITAN M.D.


Gusto kong magreklamo sa aking Tatay at Nanay. Kasi’y mulang pagkabata, kulang na
ako sa maraming bagay sa buhay: magandang damit, masarap na pagkain, at maayos
na bahay.
Iyong mga damit naming, panay luma. Karamihan dito’y bigay ng mga kamag-
anak o kapitbahay na naawa sa amin. “Pangmayaman lang ‘yung pumipili ng damit,”
paalala ni Nanay.
Sa pagkain, salat din kami. Kung hindi sa gulay, puro isda naman. Biro ng aking
Nana, “tutubuan na kami ng kaliskis sa kakakaing ng isda!” “Anak , pinagkakasya lang
natin ang suweldo ng inyong Tatay,” pagpapaunawa ni Nanay. “At saka, masustansya
naman ang gulay at isda! Aba, ‘yan ang kinakain ngayon ng mayayaman!” Ang dami rin
naming magkakapatid. Nandiyan si Dodong, Jeng-Jeng, Klang-Klang, at Boom-Boom.
Lumalaki ang aming pamilya. Pero hindi naman nadagdagan ang sweldo ni Tatay.
Kakaunti na nga ang pagkain, marami pa kaming naghahati-hati sa kakainin. Gusto ko
sanang isagot.. “Bakit po kasi kayo nag-anak ng marami?” Pero hindi na lang ako kumibo.
Madalas, nahihia akong pumasok sa eskuwelahan. Sino bang matutuwa sa kupasing
uniporme, lumang sapatos na halos mabutas na ang swelas, at pinaglumaang bag? Lagi
akong nagkukubli kapag kakain ng baong tanghalian. Hindi ko maipagmamalaki ang baon
ko: kung hindi nilagang itlog ay tuyo, o galunggong, o talong. Sa ulam pa lang, kitang-kita
na ang pagkakaiba ng mayaman sa gaya kong mahirap. “Uy Millet, nandiyan ka pala!
Halika, sabay tayong kumain. Hati tayo sa ulam ko. Hati rin tayo sa ulam mo,” bati ng isa
kong kaklase. “A, kay hirap maging mahirap. Pilit naming pinagkakasya ang lahat. Ang
pagkain naming sa araw-araw ay halos hindi sumasapat. Dumating man ang Pasko at
bertdey, hindi uso ang bagong sapatos at damit. Hanggang tingin na lang ako sa mga
bagay na gusto ko. Paano kaya kami makakaahon sa buhay na mahirap? Isang gabi,
nilagnat si Tatay. Matindi ang kanyang ubo. Ilang araw siang hindi nakapamasada sa
traysikel. Simula noon, hindi na ako nakakita ng isda sa aming hapag. Puro gulay na lang.
Naging masmalabnaw rin ang gatas na dinedede ni Baby. Wala na akong maipambili ng
project sa eskwelahan. “Kailangan kasi tayong bumili ng gamut para kay Tatay,”
paliwanag ko sa aking mga kapatid.
Tumagal pa ng ilang araw ang sakit ni Tatay. Lalong nabawasan ang inihahandang
pagkain ni Nanay. Hindi na rin kami nakakapasok sa eskwelahan kasi’y wala ma kaming
baon. Nang gabing ‘yun narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay. “Pahintuin muna
kaya natin sa pag-aaral si Millet?” sabi ni Nanay.
“Naku, huwag na huwag! Ipangutang mo muna para may pambaon,” sagot ni Tatay.
“Hindi siya dapat huminto ng pag-aaral. Hindi siya dapat magaya sa atin.” matatag ang
tinig ni Tatay. “Pero marami na tayong utang…” tutol ni Nanay.
“Basta’t gawan mo ng paraan. Dagdagan ko pa ang aking sipag ‘pag gumaling ako. Hindi
tayo maghihirap nang ganito kung nakatapos tayo ng pag-aaral…”A, kaya pala pilit nila
akong iginagapang sa pag-aaral. Kaya pala sobrang pagtitipid ang ginagawa nila sa
araw-araw. May pangarap sila para sa akin. Gusto rin nilang umunlad ang aming buhay.
Hindi ko pala dapat ikahiya ang aming kahirapan. Ang mahalaga, may pagkakataon
akong makaahon sa buhay-mahirap. Kinabukasan, tinipon ko ang aking mga kaatid.
Sinabi ko sa kanilang kailangan naming tulungan sina Tatay at Nanay para hindi kami
mahinto ng pag-aaral. Kung namamasada si Tatay at naglalabada si Nanay, kami naman
ay magtitinda ng banana-Q, turon, sa-malamig, doon mismo sa harap ng aming munting
bahay.
Marunong na akong magluto kasi ako lagi ang nakaalalay kina Nanay at Lola sa kusina.
“Sige, ate ,tulong-tulong tayo!” hiyaw ng mga kapatid ko. “Ako naman ang magduduro ng
saging sa stik.” ani ni Dodong. “At ako ang magpriprito g turon at banana-Q, mga apo,”
sabad ni Lola na nkikinig pala sa aming plano.
Binasag ko ang aking naipon at napamaskuhan ko. Kulang ng konti sa limang daang
piso! Puwede nang puhunan para makabili ng ilang piling na saging,mantika at asukal na
pula.
Nagulat si tatay at Nanay nang makitang may nakalagay na isang mesa at isang lumang
paying sa harap n gaming bahay. Dinumog ng ng mga kapitbahay ang aming mga
paninda. Lalo akong sinipag. Pagkatapos bawasin ang puhunan, binigyan ko ng
pambaon sina Dodong, Jeng-Jeng, at Klang-Klang. At nakapagbigay pa kami ng konting
pera kay Nanay.
“Bukas ulit,Ate, magtinda tayo ng banana-Q.” hiyaw ni Klang-Klang. “Dagdagan pa natin
ng kamote-Q” susog ni Dodong. Sumabad si Nanay,” Papayagan ko kayong magtinda sa
hapon basta’t ipangako n’yong hindi n’yo pababayaan ang pag-aaral.” Sunuo-sunod na
tango ang sagot naming magkakapatid. Nabalitaan ng mga guro ko na nagtitinda kami
ng banana-Q, kaya patisila ay regular nang umoorder sa amin. Minsaan nga, ginawa pa
akong halimbawa ni Ma’am Tessie Arenas sa klase. “Itong si Millet,dapat nating
pamarisan…” sabi ni Ma’am,hindi puwedeng asahan ang lotto omga game shows sa TV
para umunlad ang aming buhay. Hindi maaring puro “abilidad” lang. Kailangan may
pundasyon. At mas may laban daw sa buhay kung nakatapos ng pag-aaral. Laki ako sa
hirap. Pero alam kong isang araw, mas bubuti ang lagay ng maing buhay. Ang sabi, “Hindi
kasalanang ipinanganak na mahirap. pero malaking kasalanan kung mamatay nang
mahirap.” Kaya heto, estudyante ako sa umaga, tapos tinder naman sa hapon. At
hinding-hindi ko kinahihiya ‘yun. Sa ngayon, kailangang magtitiis ang aming bung
pamilya. Sulsihan ang mga lumang damit. Magkasya sa bahay na maliit. Magtipid at
mag-impok. Huwag magsimula ng kahit anong bisyo. Magtiyagang mag-aral hanggang
sa makatapos. Magkaroon ng disenteng hanapbuhay sa hinaharap. At makatulong din
sa kagaya kong dumadaan sa hirap. Hindi nagtagal at muling nagbalik ang lakas ni
Tatay.Bukod sa pamamasada sinimulan na rin niya ang isang alit na talyer sa aming
bakuran. Si Nanay naman, nagsimulang magluto ng all-year-round na bibingka at puto-
bungbong katabi n gaming banana-Q. Sosyo sila ni Lola. Nangako rin si Tatay na bunso
na si Boom-Boom. Hindi n siya masusundan ng isa pang kapatid, “Pupunta kami ng
Nanay mo sa health center at magtatanong kami tungkol a family planning.”
Ang buhay daw sabi ni Lola ay parang gulong Minsan, ito’y nasa ilalim,minsa’y nasa
ibabaw.Sa ngayon, nasa ilalim ang gulong naming. Pero sa tulong ng aking mga
magulang, na nangakong igagapang akong makapagtapos ng pag-aaral,alam kong
pasasaan at ang basta’t gugulong din ito….nang paibabaw.
Ang sabi,“Hindi kasalang ipinanganak kang mahirap. Pero malaking kasalanan kung
mamamatay nang mahirap”.

MARIANG SINUKUAN

Sa Bundok ng Arayat sa Pampanga nakatira ang isang engkantada. Kilala siya doon
bilang Mariang Sinukuan.
Magandang-maganda si Maria. Matangkad siya at kaakit-akit kung pagmamasdan
mula ulo hanggang paa. Kapansin-pansin ang tamis ng kaniyang ngiti. Mapapatingin
ka kapag nagsalita na siya sapagka’t hindi mo maipaliwanag kung anong misteryo ang
bumabalot sa katauhan niya. Natural lang kasi na ituring siyang isang diyosa
sapagka’t engkantada nga ang dalaga.

Pero kahit na engkantada, tuwang-tuwa siya sa mga taong kaniyang nakikita.


Natutuwa siya kapag magmamano ang mga bata sa mga nakatatanda. Nasisiyahan
siya kapag hinahainan ng maybahay ang pagod na asawa. Naliligayahan siya kapag
nakikitang nagpapawis ang mga ama sa pagsasaka may mauwi lang na aning palay sa
asawa at mga anak nila.

Sapagka’t may angking kabaitan, lagi at laging tumutulong si Maria sa mga tao sa
paligid ng kabundukan.

Hinahandugan niya lagi ng mga sariwang bungang kahoy ang bawat pamilya. Noong
una takang-taka ang mga mag-anak. Paano nga raw bang nagkakaroon ng mga
sariwang prutas sa kani-kanilang hagdan gayong wala namang sinumang dito ay
naglalagay. Hindi alam ng mga tao na sa isang kisapmata ay nailalagay kaagad ni
Maria ang handog sa bawa’t hagdang tunguhin niya.

Upang hindi naman maging kababalaghang walang kapaliwanagan, may mga


pagkakataong nagpapakita si Mariang Sinukuan sa mga maybahay na siyang
pinagbibigyan niya ng mga buwig ng mga matatamis na saging, bungkos ng
matatabang kamoteng kahoy at pumpon ng mababangong rosal. Pagkabigay na
pagkabigay ay ngingiti lang si Maria at magpapaalam na.

Hindi na siya nakikipagkwentuhan pa. Gustung-gustong nakikita ni Mariang kaagad


ihahain ng mga maybahay sa kani-kanilang pamilya ang handog ng kalikasang dala-
dala niya. Sa bawat hagdan ay iba ang inilalagay niya. May lansones, papaya at
makopa. May ilang-ilang, ehampaea at kamya. May mabolo, balimbing at mangga.
May rambutan, litsiyas at ehesa pa.

May malunggay din, repolyo at kalabasa. May upo na, may ampalaya pa at saka
patola. Ang bawat mag-anak na dalawin ay natutuwa sa kanya. Kaya kahit hindi
nakikita si Maria ng lahat ay nagpapasalamat sa engkantada.

Sa pagkakaroon ng sapat na pagkain, matanda at bata man ay may malulusog na


pangangatawan. Nilalayo sila sa pagkakaramdam.

Upang ipakita ang taos pusong pasasalamat, nangako ang lahat na hindi sila aakyat sa
bundok ni Mariang Sinukuan. Ipinangako rin nilang hindi sila huhuli ng anumang
hayop, mamimitas ng anumang bulaklak o manunungkit ng anumang bungang kahoy,
kukuha ng gulay sa itaas man o paanan ng kabundukan. Nagkakaintindihan si
Mariang Sinukuan at ang mga mamamayan.

Ngunit may mga bagong sibol na kabataang isinisilang at may mga magagandang
pananaw na natatalo ng sakim na paninindigan. Dumating nga ang panahon na naging
makasarili ang ilan.

May nagpapawalang halaga sa pagiging engkantada ni Maria. Ang hayop at halaman


daw ay para sa sangkatauhan kaya dapat akyatin ang kabundukan at huwag
paniwalaan ang pagiging engkantada ni Mariang Sinukuan.

Isang grupo ang nangahas na umakyat sa bundok. Pinatotohanan ng mga nakita nilang
hayop at halaman na ang lugar ay isa nga palang paraiso ng kalikasan.

Habang pinagsasaluhan ang napakaraming napitas na ehiko, lansones at sinigwelas ay


natanawan nila ang isang papalapit na dalaga na kahit na nakayapak ay pagkaganda-
ganda.

Hindi sila kaagad nakapagsalita nang mapansin nilang may kung anong liwanag ang
nakapalibot sa nakaputing engkantada na sa isang kisapmata ay tinitingala na nila.

“Ako si Maria ng Bundok Sinukuan”, pagpapakilala ng dalaga na kapansin-pansing


nakaangat ang mga paa habang nagsasalita siya.

“Ma…Maria ng Bundok Sinukuan? Ka…kayo ba ang nagbibigay ng mga gulay,


bungang kahoy at bulaklak sa bawat bahay-bahay?”

Ngumiti lamang ang engkantada at nagpaalala, “Makakain ninyo ang lahat ng


bungang kahoy subalit wala kayong dadalhing anuman sa inyong pagbaba sa
kabundukan.”

Tumangu-tango lang ang kalalakihan. Napatunayan ng lahat na totoong mapagbigay


si Maria nang anyayahan sila sa isang masaganang pananghalian.

Sapagkat noon lamang may dumalaw sa Bundok ng Sinukuan ay pinagsikapan ni


Mariang pakitunguhan ang kalalakihan. Ginulat ni Maria ang mga bisita nang dalhin
sila sa mesang kainan sa ilalim ng punong mangga. Isang masaganang pananghalian
ang bumulaga sa kanila. May mga inihaw na baboy-damo, pabo at usa. May umuusok
pang kanin sa mga dahon ng saging. May suha at guyabano at mabolo. Mayroon ding
duhat, saging at balimbing. May malamig na tuba ring nakahain. Tiyak na maiibigan
ng pinakapihikan man ang inihandang pagkain ni Mariang Sinukuan.
Hindi pa man pinadudulog ay nagsiupo na at nangagsikain ang mga panauhin.
Matapos mabundat ay hindi man lang sila nagsipagpasalamat sa nag-imbitang
engkantadang nagpakatao bilang pagbibigay sa kanila.

Nang pumanhik na si Maria sa ituktok ng bundok ay nag-usap-usap ang mga


gahaman.

“Nagpapahinga na si Maria sa tirahan niya,” sabi ng isa, “ilabas na ninyo ang mga
sako ninyo.”
Inilabas ng lahat ang mga sakong dala nila at may ilang nagsiakyat sa mga puno ng
lansones, rambutan at papaya. May nanghabol ng nagtatabaang manok, gansa at pabo.
Ang iba naman ay kumuha ng mga sariwang kalabasa, repolyo at kundol. Lahat ng
sako ay napuno. Lahat ay tuwang-tuwa. Naisahan nila si Mariang Sinukuan. Kahit
alam nilang pagnanakaw ang ginawa nila ay di man lang sila nahiya sa mga sarili.

Hindi nila alam na nagmamasid lang sa ituktok ng bundok ang engkantada. Hindi nila
inalintana ang pakiusap ni Maria. Para kay Maria, ang kaniyang mga salita ay dapat
na igalang bilang batas ng Diyosa ng kalikasan.

Nang bababa na ang mga mapagsamantala ay nagtataka sila. Damang-dama nila na sa


bawat hakbang na pababa sa kabundukan ay lalong bumibigat ang mga sakong
kanilang pasan-pasan. Nang hindi na sila makahakbang sa bigat ay napilitan silang
buksan ang mga sakong pasan. Nagulat sila nang makitang ang mga gulay, bungang
kahoy at hayop na dala-dala ay naging mga batong bundok. Nang matingala sila sa
tuktok ay nakita nilang galit na galit si Maria sa pagnanakaw na ginawa nila.

“Mga pangahas!” sigaw ng engkantada na ang tinig ay sinlakas ng kulog.

Nang ituro ng engkantada ang mga magnanakaw ay naging baboy-damo silang di


malaman kung tatakbo nang pababa o paitaas ng kabundukan.

Kahit hindi na nakabalik pa sa kani-kanilang tahanan ang pangahas na kalalakihan ay


hindi pa rin nadala ang ilang mapagsamantalang naninirahan sa paligid ng
kabundukan. Kung hindi pagnanakaw ay paninira sa kaiikasan ang krimeng
isinasagawa ng maraming mamamayan.

Dumating sa puntong nawala ang pagtitiwala ni Mariang Sinukuan. Sa sobra niyang


pagbibigay ay nagsasamantala ang marami sa kabutihan at pagkalinga ni Maria.

“Hindi ako susuko sa kapangahasan nila!”


Bilang parusa, itinigil na ni Maria ang bigay pala niyang paghahandog araw-araw ng
mga bungang kahoy mula sa kabundukan.

Napansin ng mga taong nagtampo na sa kanila ang engkantada. Nag-usap-usap sila.


Sinuri nila ang mga kahinaan nila. Natunton nilang dahil sa kapangahasan at
pagwawalang halaga sa kayamanan ng kabundukan ay nagalit at umakyat na sa tuktok
ng bundok niya si Maria.

Ayon sa sabi-sabi, kahit nagsisuko na ang mga pangahas ay hindi na rin bumaba ng
kabundukan si Mariang Sinukuan.

Iyan ang pinagmulan ng nagtampong Engkantada sa Bundok Sinukuan.


Iyan ang alamat ni Mariang Sinukuan.

Handog kay Isabella

Maaga akong gumising nang araw na ‘yon. May nakatakda kasi kaming
test sa eskuwelahan. Pero sinabihan ako ni Nanay na bumalik muna sa
higaan. “Anak, malaki ang baha. Wala raw kayong pasok.”

Agad akong dumungaw sa aming bintana. Lampas-tuhod na nga ang


baha! Panay kasi ang pag-ulan nitong mga nagdaang araw.
Ang nakapagtataka , dati rati namang hindi kami binabaha. Ngayon
lang ito nangyari. “Siguro po, maraming basurang nakabara sa mga
kanal,” sabi ko kay Nanay.

“Sabi po ni Titser, dapat daw ibukod ang basurang nabubulok sa di-


nabubulok,” sabad pa ni Kuya Ethan na nagising na rin. Tumulong na
lang kami kay Nanay sa paglilinis ng aming bahay.

Ilang araw din bago tuluyang humupa ang baha. Muli kaming
nakapasok sa eskwelahan.
“Naku, Aryn, may sakit pala ang best friend mo. Nilalagnat daw!”
balita ni Levy. “Ha? Kaya pala ilang araw nang hindi pumapasok si
Isabella.

Nagpasama ako kay Levy na dumalaw sa bahay nina Isabella. Pero


hindi ko siya nadatnan. “Dinala na siya ng tatay niya sa ospital kanina.
Laging mataas ang lagnat niya noong mga nagdaang araw. Tapos,
kung kailan nawala ang kanyang lagnat, saka naman nagdugo ang
kanyang ilong!” kuwento ni Lola Luring.

Mabilis na kumalat ang balita. Kahit sa radyo at TV ay nababanggit


ang aming barangay. Nagkaroon daw ng maraming kaso ng dengue
fever sa aming lugar.

Nalungkot ako nang malamang nagkasakit nga ng dengue fever ang


aking kaibigan. Sabi pa ni Titser Ligaya, baka kailangan pa daw na
masalinan ng dugo si Isabella.
“Nanay, ganon po ba talaga ‘ pag may dengue fever?” “Oo, Anak,
nauwi sa pagdurugo ang kanyang dengue fever. Epekto ‘yon ng labis
na pagbagsak ng kanyang platelet count.”

Pag-uwi sa bahay, ikinuwento ko kay Tatay ang nangyari kay Isabella.


Sabi ko sa kanya, ang sama-sama pala ng lamok na may dala ng
dengue virus. Inuubos nito ang ating platelets. “Tatay, puwede po ba
kayong mag- donate ng dugo para kay Isabella? Kasi kailangan daw
po niya ng maraming platelets.” Agad namang tumugon si Taty.
“Hayaan mo, Anak at pupunta ako sa ospital para magpasuri. Isasama
ko rin ang dalawang kumpare ko.”

Pinakiusapan ko rin ang dalawang tita ko. “Puwede po ba nating


bigyan ng dugo si Isabella?” “Puwedeng-puwede!” Noon ko lang
nalaman na lagi palang nagbibigay ng dugo si Tita Leah sa Blood
Center kada ikatlong buwan.
Kung gaano kabilis ang balita tungkol sa naging karamdaman ni
Isabella, ganoon din kabilis ang pagtugon ng aming mga kabarangay.

Sa isang iglap, nagtugon ang mga tatay ng aming mga kaklase. Lahat
ay handang magbigay ng dugo para makaligtas si Isabella. At hindi
lang ‘yon, pati raw pala si Titser Ligaya at ang aming prinsipal ay
nandoon din sa Blood Center para magpakuha ng dugo.

Hindi nagtagal at gumaling si Isabella. Ikinuwento ko sa kanya kung


paanong kumilos ang aming mga kabarangay para mailigtas ang
buhay niya mula sa dengue.
Nang sumunod na linggo, nagpatawag ng pulong ang kapitan ng
aming barangay. May mga gagawin daw kaming hakbang para hindi
na muling pamahayan ng mga pesteng lamok ang aming lugar. Heto
ang mga suhestiyon ng aming mga kabarangay. Padaluyin ang mga
nabarang kanal. Itapon ang mga basyong lata bote, at gulong na
puwedeng pamahayan ng lamok. I-check ang paligid matapos ang
matinding pag-ulan at pagbaha. Gawing regular ang paglilinis ng
bakuran.

Mga basura’y itinatapon na sa tamang lalagyan. Muling dumaloy ang


mga tubig sa imburnal. Lahat ng sisidlang naglalaman ng tubig ay
aming binabantayan. Pati ang flower vase ni Titser Ligaya ay hindi
napuwera. Walang lamok na dito ay puwedeng tumira.

ANG PUTING SAPATOS


Ito ang kwento ni Ginang Eva Cruz at pagbibigay ng regalo nito ng puting sapatos sa mga
tao sa kanyang paligid sa iba't ibang okasyon. Nagtataka ang ilan kung bakit puting
sapatos ang ibinibigay ni Ginang Cruz. Mayroon palang nakaantig na kwento sa likod
nito.
Noong kabataan nito, silay hikahos at salat sa aspetong pampinansyal. Sa kabila nito,
lumaki siya sa masaya at mapagmahal na tahanan. Nagkasakit ang ama noon ni Ginang
Cruz at hindi na nakapagtrabaho. Magtatapos nito noon sa elementarya at siya ay
tatanggap ng karangalan.Kinailangan noon ni Ginang Cruz ang puting damit at puting
sapatos. Dahil sa wala silang pera, gumawa ng paraan ang kanyang mga magulang. Ang
kanyang puting damit ay hiram lang. Kahit ito'y masikip ay kanyang pinagkasya. Ang
sapatos ay niremedyuhan lamang. Ang kanyang itim na sapatos ay pininturahan na lang
ng puti galing sa naharbat na pintura sa basura.
Noong araw ng pagtatapos, umulan ng hindi inaasahan kaya't nabasa ang sapatos ni
Ginang Cruz. Umakyat siya sa entablado nang nahihiya sa nangyari. Lumitaw ang
pagkaitim ng kanyang sapatos at nag-atubiling umakyat ng entablado. Pero siya ay
pinalakpakan ng kanyang mga kaklase at mga guro. Pinalakas ng mga ito ang kanyang
loob.
Naging matagumpay sa pag-aaral si Ginang Cruz at sa pagsisikap ay nakatapos ng pag-
aaral hanggang kolehiyo. Pinalad na makapasok sa magandang kumpanya at
makapagpatayo ng negosyo. Sa kanyang kumpanya ay may nakalaan na departamento
para sa paggawa ng mga sapatos na inilalaang ipamigay. Gusto ni Ginang Cruz na lahat
ay magkaroon ng pagkakataong makapagsuot ng sapatos.
Natatandaan ni Ginang Cruz ang payo ng kanyang ama na pagyamanin at paghusayin
ang mga talentong bigay ng Maykapal at magpasalamat sa mga ito, siya ang
magtatagumpay.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1340077#readmore

You might also like