You are on page 1of 2

ANG ASO AT ANG PUSA

Isang araw, ang Aso ay nakahuli ng isang ibon.


Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang
munting buto ang nahalang sa kanyang
lalamunan. Hindi niya maalis ang bikig na
napakasakit. Sa matinding paghihirap ay
napahalinghing nang ubod-lakas.

Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap


ng makapag-aalis ng kanyang bikig. Parang
nagmamakaawang ipinangangako niya sa
kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya
ang anumang mayroon siya sa makaaalis ng
kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan.

Tumihaya na ang Aso at ibinuka ang kaniyang


bunganga. Ipinasok naman ng Pusa ang kaniyang
ulo hanggang sa liig ng aso upang alisin ang
bikig.

Pagkabunot ng bikig, ang Pusa ay nagsalita.

“Ibigay mo na ang aking gantimpala.”

Umangil ang Aso. Inilabas niya ang matatalim na


pangil. “Magpasalamat ka, at naipasok mo ang
iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa
rin nang hindi ka napahamak”, wika ng Aso na
wari pang nanunumbat.

ARAL:

Tuparin ang anumang ipinangako upang makuha


ang tiwala ng iba.

You might also like