You are on page 1of 2

Ang Lobo at Ang Kambing

sang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang
maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.

Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at
narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa
lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.

Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At


nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo
ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang
sabi ng kambing.

"Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na
paraan kung papaano nating gagawin iyon."

"Papaano?"

Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang
lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito.
"Sige," ang sabi naman ng kambing.

Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon
na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y
sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."

Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

Maylapi - ang mga salitang-ugat o pangngalang payak na nagtataglay ng panlapi.

* Panlapi - ito ay may taglay na kahulugan sa sarili.

Iba - ibang pusisyon ang kinalalagyan ng panlapi sa salita kaya may iba - ibang uri din ng panlapi ayon sa pusisyon
nila sa loob ng salita.

1. Unlapi - kapag inilalagay sa unahan ng salita. Halimbawa : magbasa, umibig, paalis, makahuli

2. Gitlapi - kapag nakalagay sa loob ng salita.


Halimbawa : sumayaw, lumakad, sinagot, ginawa

3. Hulapi - kapag nakalagay sa hulihan ng salita.


Halimbawa : ibigin, sulatan, sabihan, gabihin

4. Kabilaan - kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan at ang isa ay nasa hulihan ng salita.
Halimbawa : mag-awitan, paalisin, kaibigan, kadalagahan

5. Laguhan - kapag makikita ang mga panlapi sa unahan, gitna at hulihan ng salita. Halimbawa : magdinuguan,
pagsumikapan, ipagsumigawan

6. Tambalan - ang mga pangngalang binubuo ng dalawang magkaibang salita na ipinapalagay na isa na lamang.
Halimbawa: hampaslupa, sampay-bakod, bahay-aliwan

7. Inuulit - ang mga pangngalang inuulit ang salitang-ugat o ang salitang maylapi. Kapag ang pangngalan ay may
tatlo o higit pang pantig, ang unang dalawang pantig lamang ang inuulit.
Halimbawa: sabi-sabi, biru-biruan, ina-inahan

May dalawang paraan ng pag-uulit ng salita.


a.) Ganap ang pag-uulit kapag ang buong salita ang inuulit
Halimbawa : araw-araw, gabi-gabi

b.) parsyal naman kapag pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit.
Halimbawa: sali-salita, dumalaw-dalaw
San Roque Bauan Batangas,

Bauan Batangas,

Oktubre 20, 2009

Mahal kong kaibigan,

Sana makapunta ka sa aming lugar, dahil ipagdidiriwang namin ang pasko


sa aming lugar sa darating na Disyembre 25.Magkakaroon ng pagtitipon-tipon tayong mga
magkakaibigan sa dating tambayan natin noong tayo'y mga bata pa lamang. Alam ko na ako lang
malayo sa ating magkakaibigan, sana magkaroon tau ng oras para sa ating mga pagtitipon sa
darating na araw,dahil isang beses sa isang taon lang tau nagkikita inimbita ko na rin ang iba pa
nating mga kaibigan at ang mga natin sa ating lugar ay pakitawag na rin upang tayo'y magsama-
sama sa Pasko.

Nagmamahal,
Mikee
Ang taong nagigipit, sa patalim man a.y kumakapit

Kahit saang gubat, ay mayruong ahas

You might also like