You are on page 1of 2

Ang Unang Lalaki at Unang Babae (Alamat)

Noong unang-unang panahon, isang ibon lamang nag nakatira sa ating lupain. Sa paglipas ng mga araw, may tumubong dalawang puno ng kawayan sa pagitan ng tatlong malalaking bato. Sa tulong ng hamog at ulan, lumaki at lumago ang mga punong kawayan. Ito ang ginawang tirahan ng ibon. Minsan, may narinig na mga katok ang ibon. Nakinig siya nang nalaman niyang sa isang puno ng kawayan nanggagaling ang katok. Tinuka-tuka niya ang kawayan tuwing maririnig ang mga katok. At nabiyak ang kawayan! Lumabas ang isang lalaki. Ako si Lalak! wika ng lalaki. Muling nakarinig ng katok ang ibon. Tok! Tok! Tok! TInuka ng ibon ang ikalawang puno ng kawayan. Nabiyak ang kawayan at lumabas ang isang babae. Ako si Babay! wika ng babae, Si Lalak at Baba yang naging unang lalaki at babae sa ating lupain.

Si Pak-Juan (Alamat)

Kaawa-awa ang batang si Juan. Ulila siya sa ama at ina. Nakatira siya sa kanyang tiya at tiyo. Mga pilyo, tamad, at masasama ang ugali ng kanilang mga anak. Malupit sila kay Juan. Sinisigawan, pinapalo, at pinagtatawanan nila si Juan kapag nagkakamali ito. Pak-Juan ang tawag nila sa pinsan na ibig sabihin ay pangit si Juan. Malaki ang ulo ni Juan. Maiitim ang kanyang mga ngipin at mapupula ang kanyang makakapal na labi. Ngunit mabait, masipat at matulungin si Juan. Nagtatrabaho siya sa bahay sa buong maghapon. Naglilinis, nagluluto, nag-aalaga ng bata, at nagliligpit ng kinainan. Minsan, nabasag ang hinuhugasang pinggan ni Juan. Sinigawan siya ng kanyang tiya. Pinalo siya ng kanyang tiyo. Pinagtawanan siya ng kanyang mga pinsan. Pak-Juan! Pak-Juan! ang paulit ulit na biro ng mga pinsan. Hindi na nakatiis si Juan. Umiyak siya. Tumawag siya at nanalangin sa Poon. Kunin Mo na po Ako! Hirap na hirap nap o ako. At biglang nagdilim ang langit! Bumuhos ang malakas na ulan. Kumidlat at kumulog. Kinabukasan, din a nakita ng mag-anak si Juan. Sa halip, isang halamang may bungang simbilog ng ulo ni Juan ang kanilang nakita. Biniyak nila ang bunga. Simpula ng mga labi ni Juan ang laman nito at sing-itim ng mga ngipin ang mga buto. Nagsisi ang mag-anak. Juan, sana y mapatawad mo kami, ang sabi nila sa sarili. Nagbago sila ng ugali. Inalagaan nila ang halaman. Tinawag nila itong Pak-Juan. Sa paglipas ng mga araw, naging Pakwan ang tawag sa halaman. Iyon ang simula ng pagkakaroon ng halamang pakwan.

You might also like