You are on page 1of 1

KONKLUSYON

Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at

namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan. Subalit nakakasama rin dito ang mga

panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa, sapagkat

inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak na

nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino ang Panitikan ng

Pilipinas. Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino, sapagkat

kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t

ibang wika sa Pilipinas.

Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan

sa kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayan, maikling

kuwento o maikling katha, sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, parabula,

bugtong, salawikain, kasabihan, pabula, alamat, tanaga, bulong, awiting-bayan, epiko,

pelikula, at mga iskrip na pangradyo, pantelebisyon at pampelikula.

81 | S u r v e y o f P h i l i p p i n e L i t e r a t u r e

You might also like