You are on page 1of 3

DIVINE MERCY COLLEGE FOUNDATION INC.

129 University Avenue, Caloocan City


General Education Department

MGA AWTPUT PARA SA DALUMAT NG/SA FILIPINO


Kalagitnaang Terminong Markahan

Gawain blg.: 6 Petsa ng pagsusumite: Abril 15, 2021


Pangalan: ________________________ Propesor: Bryan R. Capangpangan, LPT, MAEd
Kurso: ___________________________

PAGSUSURING PAMPELIKULA

Panuto: Panuorin ang pelikulang Jose Rizal (1998) sa direksyon ni Marilou Diaz-
Abaya. Gawan ito ng isang pagsusuri batay sa pormat na makikita sa ibaba.

I. Panimula
 Ito ba ay komersyal o isang pelikula? Ano ang sinaryo sa isang bansang
pinanggalingan ng pelikula nang isinagawa ito? Sa iyong hinuha, ano ang
layunin ng pelikula?
 Sa panimula, kinakailangang banggitin ang pamagat ng pelikula, produksyong
gumawa ng pelikula, ang mga artistang nagsipagganap, sumulat ng pelikula,
disenyong pamproduksyon, direktor ng photogtapiya, mga produser, mga
ehekutibong produser, at direktor. Maaring idagdag sa panimula kung ito ay
halaw sa isang nobela, kung saan nakabase ang pelikula.

II. Pamagat.
 Ano ang ipinahihiwatig ng pamagat ng pelikula? May mensahe bang
ipinahihiwatig ang pamagat?

III. Karakterisasyon at Pagganap


A. Pangunahing Tauhan
 Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa pelikula (mapabida man o
kontrabida)? Ilarawan ang karakter ng pangunahing tauhan. Ano ang
karakter ng pangunahing tauhan sa pelikula? Sino ang artistang gumanap
sa mga karakter sa pelikula? Mahusay ba niyang nagampanan ang
karakter sa pelikula? Saang bahagi ng pelikula nagpakita ang artista ng
kahusayan sa pagganap o kahinaan sa pagganap? Maglakip ng mga
larawan.
B. Katuwang na Tauhan
 Sino-sino ang mga katuwang na tauhan sa pelikula? Ilarawan ang karakter
ng mga katuwang na tauhan. Ano-anong mga karakter ng katuwang na
tauhan sa pelikula? Sino-sino ang mga artistang gumanap sa mga karakter
sa pelikula? Mahusay ba niyang nagampanan ang karakter sa pelikula?
Saang bahagi ng pelikula nagpakita ang artista ng kahusayan sa pagganap
o kahinaan sa pagganap? Maglakip ng mga larawan.

|DALUMAT NG/SA FILIPINO: PAGSUSURING PELIKULA


DIVINE MERCY COLLEGE FOUNDATION INC.
129 University Avenue, Caloocan City
General Education Department

IV. Uri ng Genre ng Pelikula


 Ipaliwanag ang genre ng pelikula.

V. Tema o Paksa ng Akda


 Ipaliwanag ang tema ng pelikula. Ibigay ang mensaheng nais iparating ng
pelikula sa mga manunood.

VI. Sinematograpiya
 Mahusay ba ang mga kuha (shots) na ginamit sa pelikula. Paano nagbigay-
daan ang mga kuha (shots) na ginamit sa daloy ng pagsasalaysay ng
pangyayari sa pelikula. Ipaliwanag ang mga kuha (shots) kung anong
ipinahihiwatig ng mga ito sa kabuoan ng kuwento ng pelikula? Nakatulong ba
ang mga kuha (shots), ilaw sa pagsasalaysay ng kuwento ng pelikula?
Magbigay ng isang tagpo ng pumukaw ng iyong atensyon pagdating sa husay
ng sinematograpiya.

VII. Paglalapat ng Tunog at Musika


 Malinaw at maayos bang nailapat ang mga tunog sa mga bahagi ng pelikula na
nagbigay-daan upang bigyang-linaw ang mga pangyayari at maramdaman ng
manunood ang sitwasyon, tagpuan at kalagayan ng pangyayari sa pelikula?
Maganda at may kaugnayan ba ang paglalapat ng musika sa bahagi ng
pelikula? Nagbigay-daan ba ito sa damdamin upang mapadama sa mga
manunood ang sitwasyon sa pelikula? Ang mga boses ba ng mga tauhan sa
pelikula ay nakaapekto ba sa mga pangyayari, sitwasyon, kalagayan at
estetika ng pelikula? Ipaliwanag ang esensya ng paglalapat ng musika, tunog
at boses sa mga bahagi ng pelikula.

VIII. Direksyon
 Mahusay bang nagampanan ng direktor ang kanyang tungkulin upang
maiparating ang tunay na mensahe ng pelikula batay sa pagkakasulat ng
iskrip? Matagumpay bang naisakatuparan ng direktor ang paglalapat ng lahat
ng elemento ng pelikula upang maipakita ang kagandahan at kahusayan ng
kalidad ng isang tunay na pelikula? Patunayan kung bakit mahusay o hindi
ang direktor sa pelikulang pinanood.

IX. Buod o Synopsis


 Ibigay ang buod ng pelikula. Ilahad ang daloy ng mga pangyayari mula sa
simula, mga mahahalagang pangyayari, kasukdulan hanggang wakas. Bigyan
ng masusing pagsusuri ang storyline.

X. Kuwento
 Paano pinaunlad ng manunulat ang kasaysayan ng pelikula. Akma ba ang
mga tagpuan? Anu-ano ang mga tagpuan? Anu-ano ang mga suliraning
umusbong sa pelikula? ang mga sub-plots? Ito ba ay kinakailangan? Lahat ba

|DALUMAT NG/SA FILIPINO: PAGSUSURING PELIKULA


DIVINE MERCY COLLEGE FOUNDATION INC.
129 University Avenue, Caloocan City
General Education Department

ng mga tagpo ay kinakailangan upang mapaunlad ang kasaysayan ng


pelikula? Ano ang suliranin? Paano ito nilutas? Ano ang nais iparating ng
pelikula sa kabuoan? Ano ang aral na makikita sa pelikula? Ano ang istilo ng
manunulat upang ipakita at inilapat sa pelikula? Paano ito nakatulong sa
kabuoan ng pelikula? Paano ipinamalas ang kasukdulan ng pelikula? Paano
nagwakas ang pelikula? Nakamit ba ng gumawa ng pelikula ang kanilang
layunin nang gawin ang pelikula?

XI. Mga Kasipan o Aral ng Pelikula


 Ano ang kaisipan o aral na matatagpuan sa pelikula? Ipaliwanag ang
kaisipang iyong ibinigay.

XII. Konklusyon at Rekomendasyon


 Sa bahaging ito, maaaring ilagay ang iyong pagbubuod o paglalagom sa mga
mahahalagang puntos na tinukoy sa iyong ginawang pagsusuri. Balikan ang
mga elemnto ng pelikula na binigyang-suri at mula rito ay maaaring magbigay
ng sariling rekomendasyon kung paano pa mapagbubuti ang isang pelikula
mula sa iyong sariling paghuhusga.

|DALUMAT NG/SA FILIPINO: PAGSUSURING PELIKULA

You might also like