Professional Documents
Culture Documents
PELIKULA HINGGIL
SA ISYUNG PANGKASARIAN
MGA GAWAIN:
1. Panonood ng sumusunod na pelikula.
a. “Bwakaw”
2. Pagsusuri ng pelikulang napanood. Sundin ang mga hakbang sa pagsusuri nito. Pangkatin
ang klase, bawat pangkat ay binubuo ng limang miyembro. Isumite ito sa google form.
(Magpatulong sa governor ng klase sa pagpapangkat).
I. Tungkol sa Pelikula
A. Pamagat ng pelikula:
“BWAKAW”
B. Direktor (Pangalan ng direktor):
DIREKTOR JUN ROBLES LANA
C. Prodyuser (Pangalan ng prodyuser o mga prodyuser):
JUN LANA
TONEE ACEJO
RAMEL DAVID
PERCI INTALAN
FERDY LAPUZ
ANTONIO TUVIERA
D. Pangunahing Tauhan:
EDDIE GARCIA bilang RENE
PRINCESS bilang BWAKAW
E. Tema ng pelikula (Ano ang paksang tinalakay sa pelikula?)
Angkop ang mga tunog at musikang ginamit sa pelikula. Ang bawat eksena sa pelikula
ay nagpapakita ng iba’t ibang emosyon at dahil sa mga tunog at musika na nilagay ay
mas lalong napukaw ang interes at naramdaman ng mga manonood ang emosyon na
nais iparamdam ng pelikula. Higit sa lahat ay mas lalo nitong napapatingkad ang
kagandahan ng kwento.
B. Sinematografiya
Base sa pelikula na aming napanood masasabi namin na maganda ang kabuoang kulay
ng pelikula ngunit medyo nag iba ang kulay at kalinawan nito dahil na rin siguro sa hindi
na ito ang orihinal na pinanggalingan ng pelikula. Tamang tama lang din ang
pagkakatimpla ng kulay na kuha ng camera dahil hindi masakit sa mata kapag
nanonood di katulad sa ibang pelikula na masakit ang timpla ng kulay ng camera sa
mata. Napakaganda sa paningin ng pelikula. Dahil sa magandang pagkakakuha ng
anggulo ay naipakita ng pelikula sa mga manonood ang tunay na pangyayari.
C. Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari
Para saamin ay maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena, hindi kami nalito at
naintindihan namin ng mabuti ang kabuoang kuwento ng pelikula. Malinaw din ang lahat
ng tagpo at mahalaga ang mga ito sa pinapaksa. Dahil sa maayos na pagkakasunod-
sunod ng mga eksena ay mas lalo kaming naging interesado sa mga susunod na
mangyayari, mas naging kasiya-siya din tignan at gumanda ang daloy ng kwento ng
pelikula
E. Tagpuan
Para saamin ay angkop ang mga lugar na pinagdausan ng pelikula. Nang dahil sa mga
lugar ay naging makatotohanan ang bawat eksena, bumagay din ito sa kwento at pati na
rin sa mga gumanap. Dahil rin dito ay maayos naipahayag ang mensahe ng pelikula.
MARKSISMO
Sa pagsisimula ng pelikula, ang relasyon ni Rene sa iba pang mga tauhan ay pilit, ang
kanyang mga mapanunuyang pahayag at pangkalahatang maasim na saloobin ay
nagtataboy sa sinuman. Siya ay ipinakilala bilang isang malamig, mapang-uyam ngunit
isang masunurin na tao. Mahirap siya sa kanyang paniniwala at bihirang magpakita ng
anumang pagmamahal o empatiya para sa mga taong nagmamalasakit sa kanya.
Makatipid para sa kanyang kauna-unahang kasintahan, si Amelia, na binibisita niya dahil
sa kanyang pagkakasala. Inaasahan ni Rene na mamamatay siya, kaya pilit niyang
tinutulak ang sinumang magbibigay sa kanya ng kaunting pag-aalala/pag aaruga.
Ipinakita din dito ang panandaliang eksena ng pang-araw-araw na buhay ni Rene. Ito ay
kapag ang kanyang tapat na kasama, na si Bwakaw, ay nagkasakit nay matutunan ni
Rene na buksan ang kanyang sarili sa iba. Ang kanyang pagbabago ay naging mabagal
ngunit matatag. Simula kay Alicia, na nagsasabi sa kanya na patawarin ang sarili at
huwag na siyang bisitahin muli. Hanggang sa kanyang sariling pagbabagong pisikal,
isang eksenang simbolo ng pagyakap niya sa kanyang sarili bilang bakla. Sa huli, si
Rene maaaring wala siyang perpektong wakas, ngunit mayroon siyang higit pa rito,
isang pakiramdam ng katuparan sa sarili at pagtanggap sa sarili.
FORMALISMO
C. Mga aral
Habang nakaapak pa ang dalawang nating paa sa lupa at hindi pa nakaunat ang ating
katawan bigyan nating ng pagpapahalaga ang ating mga sarili at ang buhay na
ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Huwag natin sayangin ang pagkakataong nabubuhay dito
sa mundong ibabaw bagkus gawin natin ang mga bagay na makapagpapasaya sa atin
na walang halong pagpapanggap at pagsisinungaling. Gawin natin ang buhay na kapaki
pakinabang na walang inaapakan na tao kundi ituon ang isip sa pagtulong at
magandang pakikipagtungo sa kapwa upang sa ating pagtanda at ating pagkamatay
wala tayong mga bagay na pagsisisihan sa huli dahil may mga bagay tayo na hindi
nagawa para sa ating sarili at para sa iba.
D. Kabuoang Pananaw
Ang pelikulang ito ay masasabi kong may ibang timpla kaysa sa mga pelikulang
napanood namin noon. Mas binigyang diin dito ang mga bagay na hindi binibigyang
pansin at wala sa ibang pelikula tulad ng pagtanda na kasapi ng LGBTQ. Kung ating
titingnan, ang ganitong sitwasyon ay hindi pa gaanong pinapalabas sa ibang pelikula na
kahit na ito ang katotohanan at ang reyalidad. Saludo kami sa direktor sa pagpukaw sa
mga natutulog naming mata sa pagbigay linaw sa mga manonood kahit hindi kabilang
sa LGBTQ ang magkaroon ng pagpapahalaga sa buhay na ibinigay ng Diyos. Karapat-
dapat itong mapanood ng iba lalo na ng mga bata para mapukaw rin ang kanilang mga
mata at mas maagang nilang maiintindihan ang tungkol sa LGBTQ kung kaya’t mas
mapapaaga rin ang pagtanggap sa kanila bilang kasapi ng LGBTQ. Dapat rin mapanood
ito ng iba pang kasapi ng LGBTQ na hindi kayang isiwalat ang kanilang tunay na
pagkatao, itong pelikula ay magsisilbing inspirasyon sa kung paano nila gagawin na
makulay ang buhay at lakas ng loob na ipakita kung sino nga ba ang tunay na sila.
GRUPO:
EDNEL GENEBLAZO
JAYVEE CONDE
PHOEBE PALMONES
MISSY MIRAFLOR