Kambas ng Lipunan ay nagpapakita ng iba’t-ibang kalagayan ng buhay ng mga bata sa
hirap. Habang pinapanood ko ito natutunan ko na di pa pala ganoon kalalim ang naiintindihan ko sa buhay. Akala ko mahirap na ang mga problemang dumadating sakin. Ang mga batang nasa painting ay nakakaranas ng kahirapan sakanilang murang edad. Akala ko marami na akong alam pero nung napanood ko ito nakita ko ang mga sakripisyo ng mga bata para mabuhay. Ang kanilang sarili ang naging sandigan nila para mabuhay. Sabi nga ni Joey Velasco “Para akong naglakbay, para kong nakita ang sarili ko”. Ang Kambas ng Lipunan ang nagmulat saking mga mata sa kung ano ba ang tunay na nangyayari sa ating lipunan. Isa sa mga nakakuha ng atensyon ko ay ang batang si Itok Garganera. Base sa palabas ay si Garganera ay isang matalinong bata, magaling sa math, marunong mag tumbling, handang lumaban. Ngunit kung hahayaan natin si Garganera na ganto ay maaaring isa siya na tumarak ng patalim sayo. Ibig sabihin maraming bata ang may potensyal na nasasayang dahil hindi napagtuonan ng pansin at isa na rin ay dahil sa kahirapan. Isa rin sa nakakuha ng atensyon ko ay si Sudan. Isa sa inspirasyon ng pintor na hango sa batang nakuhaan ng litrato na may vulture na nakaabang. Hanggang ngayon di pa rin mawala sa isip ko ang litratong yun. Ang sakit isipin na may gantong pangyayari pala. Matagal ko ng nakita ang litratong yun pero andoon pa rin ang lungkot na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko yun. Mas nakita ko ang itsura ng buhay na dapat kada butil ng pagkain ay wag sayangin, kung kayang tumulong huwag magdalawang isip na tumulong. Minsan nakikita ko yung may mga taong nanlilimos sa daan, naiisip ko na sapat ba ang piso naibibigay ko sakanya. Ano pa ba ng kaya kong magawa? May magagawa tayo, basta’t handang tumulong at dapat nasa puso. At syempre dapat natin silang ipagdasal, na sana nasa maayos silang kalagayan, gabayan sila sa araw araw na pakikisalamuha at sana walang mga taong mamantala sakanila.