You are on page 1of 3

Timeline

1898: may sinehang nakatayo sa Escolta, Maynila (mga silent pictures


mula sa Europa ang madalas palabasin)
1903: American silent films
1912: E.M. Gross - Vida de Rizal
1912: A.W. Yearsley Fusilamiento del Dr. Jose Rizal
1914: World War I, pumutol sa pamamayani ng pelikulang Europer
1919: Patria Amore ni Julian Manansala, tinangkang pigilan ng Espanyol
1919: Isinapelikula ni Jose Nepomuceno ang sarsuwelang Ang
Dalagang Bukid ni Hermogenes Ilagan
(Unang pelikulang Pilipino)
1927: The Jazz Singer
1927: Ang unang talkie ay ginawa ng isang Amerikano
1932: George P. Musser Ang Aswang
1932: Nepomuceno Sa Pinto ng Langit
1933: Nepomuceno Punyal na Ginto (unang talkie na gawa ng isang
Pinoy)
1934: Itinayo ang Filippine Films
1935: Itinayo ang Parlatone Hispano-Filipino
1937: 213 sinehan sa Pilipinas ang nagpapalabas ng mga pelikulang
talkies
1937: Itinayo ang Sampaguita Pictures at ang Excelsior Pictures
1938: Vicente Solumbides Pugad na Agila
1938: Carlos Vander Talosa Tigre
1939: Octavio Solis - Tunay na Ina
1939: Antonio Garcia Verches - Palaris
1939: Enrique Herrera - Walang Sugat
Isang pagsasapelikula ng sarswela ni Severino Reyes
1939: Lamberto V. Avellana - Sakay
1939: Carmen Concha Yaman ng Mahirap
1939: Cecilio Joaquin Sa Batas ng Salapi
1940: Nepomuceno Biak na Bato
1941: 5 anyo melodrama, romantic comedy, musical, historical film,
adventure-fantasy
Pagkatapos ng digmaang pasipiko war film
1946: Luis F. Nolasco Fort Santiago
1946: Gregorio Fernandez Garrison XIII
1946: Itinayo ang Premier Productions Inc.
LVN musical comedy
Sampaguita melodrama
1947: Fernando Poe Dugo ng Bayan
1947: Manuel Conde Productions (adventure-fantasy)
1949: itinatag ang Lebran Inc.
1950: lubhang pagkalugi ng mga kompanya
1950: Gintong Panahon ng Industriya
1950: Itinatag ang Maria Clara Awards

1952: Binuo ang FAMAS (Filipino Academy for Movie Arts and Sciences)
1954: Asian Film Festival (Organized by Southeast Asian Federation of
Film Producers)
1954: Ang Asawa Kong Amerikana
Dekada 1960: pagdaluyong ng nasyonalismo
Manansala
Patria Amore (1919)
Dimasalang (1930)
Kilabot ng mga Tulisan (1934)
Tawag ng Bayan (1939)
Lino Brocka
Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974)
Maynila, Sa Mga Kuko ng Liwanag (1975)
Lunes, Martes.. (1976)
1976: sakada (exploitation of sugar cane workers)
Obserbasyon sa mga recent Filipino movies
Hindi maikakaila ang hilig ng mga Pilipino sa drama at romansa. Halos
lahat ng mga pelikula na ipinapalabas sa sinehan ay may love team o
tambalang haharap sa ibat ibang hamon na susubok sa kanilang tibay
at samahan. Tulad nalamang sa mga mabentang love teams ng
pelikula ay ang love team nila Richard Gomez at Dawn Zulueta at
tambalang Kathryn bernardo at Daniel Padilla (kathNiel) sa Shes
Dating the Gangster, Kim Chiu at Xian Lim sa Bride for Rent at Bakit
di ka Crush ng crush mo, pati na rin ang tambalang Toni Gonzaga at
Piolo Pascual sa Starting Over Again.
Kapansin pansin din ang mga tema ng nawawalang kapatid o kamaganak, mula sa magka-away hanggang sa magkagustuhan, ang mga
eksena ng iyakan, sampalan, at pati na din ang sabunutan. Bagamat
karaniwan na ang mga paksang ito sa pelikulang Pilipino, walang sawa
pa rin ang panunuod at pagsubaybay ng mga tao. Kaya naman patuloy
lang ang pag gawa at pag papalabas ng mga mainstream na
pelikulang ito.
Isa ring kapansin pansin ay ang hilig ng mga Pilipino sa komedya, tulad
nalamang ng mga pelikula ni Vic Sotto, Vice Ganda, AiAi Delas Alas,
Vhong Navarro, atbp. Sa pang kabuuan, kapansin pansin na marami sa
mga pelikulang Pilipino ay hindi sumasalamin sa tunay na buhay ng
isang tao. Maliban sa indie films, na hindi masyadong tinatampok sa
mga sinehan. Marami sa mga pelikula ay hanggang kathang isip na
laman ang mga pangyayari, na para sa karaniwang tao tulad ng mga
manunuod hindi talaga ito tunay na nangyayari. Maaring iyon din ang
appeal ng mga pelikulang Pilipino para sa mga manunuod nito.

Makabuluhan vs di makabuluhang pelikula


Masasabing ang pelikula ay makabuluhan kung ang mga manunuod
nito ay lalabas sa sinehan na may baong kaalaman o paniniwala na
ibinaon nila mula sa kanilang pinanuod. Ang makabuluhang pelikula ay
ang pelikulang tumatatak sa isip at puso ng mga manunuod nito, hindi
lamang dahil sa mga luha at tawa kung hindi pati sa aral na nais nitong
iparating sa manunuod. Ito ay sumasalamin sa tunay na buhay ng mga
tao o kahit sa mga aral na naidudulot ng mga pelikulang pantasya,
mabuti man o maganda. Hindi ito sayang sa pera at oras ng mga
manunuod dahil bukod sa nasiyahan na sila, may kabuluhan din and
pinanood nila. Ito ay isang pelikulang may saysay at tatatak sa
kasaysayan, na mapapaisip ang mga tao matapos manood.
Ang hindi makabuluhang pelikula ay isang pelikula na walang aral o
impormasyong ipinababaon sa mga manunuod nito matapos ang
pelikula. Sinasayang lamang nito ang oras at pera ng mga manunuod,
at napipilitan nalamang silang gustuhin ito dahil hindi na nila
maibabalik ang kanilang oras at pera. Pinapakita nito ang mababang
kalidad ng pelikula at ang basta-bastang pag gawa lamang ng pelikula.
Hindi ito stand-out sa iba pang pelikula dahil wala itong bagong
ipanapakita o ambag sa kultura ng pelikula sa Pilipinas. Isang
halimbawa nalamang ng hindi makabuluhang pelikula ay ang pinalabas
na My Little Bossings ni Vic Sotto, Kris Aquino, atbp. Puno na lamang
ito ng advertisements na kulang nalang ay manood ka ng isang
commercial buong isang oras. Isa sa mga hindi napigilang mag labas
ng hinanaing tungkol dito ay si Lourd de Veyra na nagsulat ng open
letter para kay Vic Sotto kung saan sinabi niyang bilang isang
makapangyarihang at maimpluwensyang tao "Kaya mong gumawa ng
mga pelikulang makabuluhan, isang pelikulang maipagmamalaki ng
lahat sa punto de bista ng kultura at estetiko. Ani pa ni Lourd,
puwedeng gumawa ng pelikulang nakakaaliw at pipilahan ng buong
pamilyana hindi sinasakripisyo ang kalidad ng kuwento."
Sanggunian:
Franco, B.V. (2014, Enero 3). Blogger Lourd de Veyra posts message for
Vic Sotto. Nakuha mula sa : http://www.pep.ph/news/41801/bloggerlourd-de-veyra-has-message-for-vic-sotto-puwede-namangmagpatawa-pa-rin-habang-nagtataas-ng-antas-ng-kalidad-ng-paggawang-pelikula/1/2#focus.

You might also like