You are on page 1of 40

TEKSTONG

IMPORMATIBO
• Ito ay isang uri ng
pagpapahayag na
nagpapaliwanag ng
mahahalagang impormasyon
o kaalaman, na may taglay na
lohikal na paghahanay ng mga
kaisipan para sa lubusang pag-
unawa.
•Kadalasang iisang paksa
lamang ang tinatalakay ng
tekstong ito at may pokus
ang mga impormasyong
ipinahahayag.
UKAY-UKAY
Ni
Delfin Tolentino Jr.
Tinutukoy ng salitang ukay-
ukay ang mga segunda-
manong damit na galling sa
ibang bansa at ipinagbibili
sa Pilipinas sa
napakamurang halaga.
(Laging nakapustura si
Grace pero alam mo ba na
puro ukay-ukay ang suot
niya?). Tinutukoy rin nito
ang mga tindahan o
pamilihan na nagbebenta ng
ganitong paninda
(“Mabaliw-baliw si
Dina noong mag-shopping
kami sa ukay-ukay.”)
Sinasabing ngmula sa
salitang Bisaya ang ukay-
ukay na ang ibig sabihin ay
maghalungkat sa mga damit
na itinumpok sa mesa,
itinumpok sa kahon, o
ikinalat sa nakalatag na
sako. Konektado ang ukay-
ukay sa salitang Tagalog na
hukay. Sa unang yugto ng
kasaysayan ng ukay-ukay,
ganito ang itsura ng
mga paninda: halo-halo,
walang ayos, bunton-
bunton.
Layunin ng
Tekstong
Impormatibo
1. Nagbibigay-kahulugan
2. Nagpapaliwanag ng
Sanhi at Bunga
3. Nagtutulad at
Nagtatambis
4. Naghahatid ng Balita
5. Naglalahad ng Suring-
Basa
6. Naglalahad ng Suring-
Pelikula
1. Nagbibigay-Kahulugan
•Bigyang-depinisyon
ang isang salita,
bagay o anumang
ideya.
1. Nagbibigay-Kahulugan
•Jejemon
•Emo
•Pabebe
2. Nagpapaliwanag ng Sanhi at Bunga

•Bakit nagkaganon at
ano ang maaaring
kahinatnan nito
2. Nagpapaliwanag ng Sanhi at Bunga

•Sanhi at bunga ng
pagkakaroon ng
matinding pagbibigat
ng trapiko sa kalsada
2. Nagpapaliwanag ng Sanhi at Bunga
1. Ano-ano ang mga sanhi ng
malawakang problemang ito?
2. Ano ang epekto nito sa iba’t
ibang aspekto ng buhay ng mga
mamamayan ng lugar?
3. Ano ang maimumungkahi sa LTO,
sa LTFRB, o sa ating pamahalaan?
3. Nagtutulad at Nagtatambis
•Pagkakapareho ng
mga ideya
•Pagkakaiba ng mga
ideya
3. Nagtutulad at Nagtatambis
Basahin pahina 13
BURGES O BAKYA
Ni
Jose F. Lacaba
4. Naghahatid ng Balita
•Ulat o impormasyon
hinggil sa mga
pangyayari
Dalawang tipo ng Balita
•Hard news – ukol sa
napapanahong balita
•Soft news – pantaong
aspekto ng balita
Inverted Pyramid Writing
•Ulo ng balita
•Katawan ng balita
•Dagdag na
impormasyon ng
balita
Ulo ng Balita
•Inilalahad ang mga
sagot sa tanong na
sino, ano, saan,
kailan, bakit at paano
Katawan ng Balita
•Nakapaloob sa bahaging
ito ang mga karagdagan
at kaalamang
ipinahahayag ayon sa
antas ng kahalagahan
nito
Dagdag na Impormasyon ng
Balita
•Hindi na gaanong
mahalaga ang bahaging
ito, bagama’t
nakadaragdag ng
impormasyon sa balita
5. Naglalahad ng Suring-Basa
•Naglalaman ng
komento ng isang
tagabasa tungkol sa
aklat na kanyang
binasa.
Mga mungkahi sa pagsulat ng
isang suring-basa
a. Ipahayag ang
natatanging katangian ng
aklat. Nagustuhan mo ba
ang nilalaman ng aklat?
Bakit o bakit hindi?
Mga mungkahi sa pagsulat ng
isang suring-basa
b. Ipahayag ang puna
kung naging mahusay
ba o hindi ang
pagkakasulat sa aklat.
Bakit o bakit hindi?
Mga mungkahi sa pagsulat ng
isang suring-basa
c. Magbigay ng mga
patunay sa bawat
pamumunang
babanggitin tungkol sa
aklat.
Mga mungkahi sa pagsulat ng
isang suring-basa
d. Inaasahang
magiging patas ang
tagasuri sa pagbibigay
ng puna sa binasang
aklat.
Mga mungkahi sa pagsulat ng
isang suring-basa
e. Kung may
negatibong puna,
bumanggit din ng mga
positibong aspekto ng
aklat.
Mga mungkahi sa pagsulat ng
isang suring-basa
f. Maging magalang
sa pamumuna.
6. Naglalahad ng Suring-Pelikula

•Nagtitimbang at
nagpapahalaga sa
mga palabas sa
telebisyon at sinehan.
Mga Bahagi ng
Tekstong
Impormatibo
1. Pamagat
2. Panimula
3. Katawan
4. Pangwakas
Pamagat
•Ito ay dapat na
nakatatawag-pansin
Panimula
•Nakapupukaw ang
panimulang
pangungusap o talata
upang maganyak ang
mga mambabasa
Katawan
•Kabuuang nilalaman
ng teksto
Pangwakas
•Pagbibigay ng paalala,
tagubilin, mahahalagang
kaisipan, buod ng
nilalaman, pagbabahagi
ng natatanging pahayag,
kasabihan o salawikain
•Pagsusuri sa
SeleksyonBlg. 1 at 2
Pahina 17-21

You might also like