You are on page 1of 7

ALDERSGATE COLLEGE

HIGH SCHOOL PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK

Modyul 8: Pangangalap ng Paunang Impormasyon at Pagbuo ng Pahayag ng Tesis

Mga Guro: Bb. Zaira Alexis Catap


Bb. Blesilda F. Maxion
Bb. Princess S. Suitos
Gumawa ng Modyul: Bb. Rose Marie L. Tuscano
Baitang: 11
Bilang ng Oras: Limang Oras
PANGKALAHATANG IDEYA
Tinalakay sa araling ito ang kahalagahan ng pangangalap ng paunang impormasyon gayundin ang mga
impormasyon o tip sa pagpili ng mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng paunang impormasyon. Ito ay bilang
paghahanda sa pagbuo ng isang mabisang pahayag ng tesis.

MGA LAYUNIN
Bilang mag-aaral ikaw ay inaasahang:
1. nakasasagot ng mga tanong mula sa isang paglalarawan
2. naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa
3. nakabubuo ng tanong mula sa nakalahad na impormasyong masasagot lamang sa
pamamagitan ng pananaliksik
4. nakabubuo ng pahayag ng tesis mula sa mga nabuong tanong
5. natutukoy ang mga datos na nagpapakita ng kalidad (qualitative data) at nagpapakita ng
kailanan (quantitative data
6. naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang mananaliksik (pagbuo ng
panukalang pahayag o pahayag ng tesis
7. 7.nagagamit ang katwirang lohikal sa pagpapaliwanag ng tamang paraan ng pangangalap ng
impormasyon o kaalaman

PANIMULANG GAWAIN (Nakasasagot ng mga tanong mula sa isang paglalarawan)

Panuto: Pagmasdan at suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos.

1
ALDERSGATE COLLEGE
HIGH SCHOOL PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

 Ano pa ang gusto mong malaman kaugnay ng mga nakalarawan na masasagot lámang kapag
naghanap ka sa iba't ibang mapagkukunan ng impormasyon? Dugtungan ang dalawang hindi
kompletong pahayag sa ibaba.
 Gusto kong malaman ang__________________________________________________________
______________________________________________________________________________
 Bakit hindi basta masasagot sa pamamagitan ng pagtingin lang sa larawan ang mga gusto mo
pang malaman ukol sa mga nakalarawan? ____________________________________________
______________________________________________________________________________
 Paano mo maihahanap ng kasagutan ang mga gusto mong malaman? Ipaliwanag ang iyong
sagot. _________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
POKUS NG ARALIN

Alam Mo Ba?
"Bakit ba kailangan pang manaliksik?" Ito ang karaniwang itinatanong ng mga mag-aaral kapag
ibinibigay o tinatalakay na sa kanila ang gawaing ito. Ayon sa mga pag-aaral, ang pangunahing dahilan sa
ganitong tanong o pananaw (lalo na ng mga mag-aaral na una pa lang sumasabak sa gawaing ito) ay ang
pag-iral ng "lákot." Takot sa itinuturing ng marami bilang isa sa mahihirap, mabusisi, at nakauubos ng oras
na gawain. Tákot din sa iniisip na kakulangan nila sa iba't ibang kasanayang kaugnay ng pananaliksik tulad
ng pagbibigay-interpretasyon sa makakalap na datos, sa pagsulat, sa mahabang oras ng paghahanap ng
datos, at iba pa.
Subalit hindi dapat magpatalo sa takot na ito sapagkat marami at malaki ang pakinabang sa
pananaliksik. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa isang tao upang palalimin ang kanyang interes,
makatuklas ng mga bagong kaalaman, malinang ang kasanayan sa paglutas ng suliranin, at hamunin ang
kakayahan sa makabagon pamamaraan. Hindi lang ang mananaliksik ang makikinabang sa mga bagay na
kanyan matutuklasan kundi maging ang kanyang kapamilya, mga kaibigan, kaklase, at maging ang buong
pamayanan at ang lipunan.
Sa halip na katakutan, dapat isiping marami ring magagandang karanasan a maaaring maranasan
sa pagsasagawa ng pananaliksik. Maaari itong isagay isahan o pangkatan. Pagkakataon din ito upang
makabisita sa mga aklatan, museo, at sa iba pang lugar sa pamayanan. Dapat tandaang ito ay isang
mabisang paraan upang matuto at magamit ang natutuhan sa kapaki-pakinabang na paraan.
Pangangalap ng Paunang Impormasyon

Sa unang aralin ng yunit na ito ay natuto kang pumili at maglimita ng paksa para sa iyong sulating
pananaliksik. Mula sa nabanggit na unang gawain ay isusunod mo ang ikalawang mahalagang hakbang,
ang pagbuo ng pahayag ng tesis na tinatawag sa Ingles na thesis statement hango sa iyong paksa.

Upang makabuo ng isang mahusay at matibay na pahayag ng tesis, karaniwang nangangailangan


muna ng paunang impormasyon o kaalaman patungkol sa paksa. Bagama't minsa'y may paunang
kaalaman na ang mananaliksik sa kanyang paksa batay sa mga dati na niyang nabasa o naranasan,
mapagtitibay pa niya ito lalo kung maghahanap pa siya ng karagdagang impormasyon o datos kaugnay

1
ALDERSGATE COLLEGE
HIGH SCHOOL PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

nito. Ang mga paunang impormasyong tinatawag sa Ingles na background information ay magbibigay ng
ideya sa mananaliksik kung bakit kailangang pag-aralan ang napiling paksa at gagabay sa pagpili ng
papanigang pananaw sa bubuoing pahayag ng tesis.

Pagpili ng Mapagkakatiwalaang Mapagkukunan

ng Paunang Impormasyon

Bagama't ilang impormasyon o kaalaman lang muna ang kakailanganin mo at hindi pa ito ang
malawakan at malalimang pangangalap ng datos at impormasyon ay mahalagang maipaalala sa iyo
ngayon pa lang na maghanap ka sa mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon. Kung sa
Internet ka maghahanap at nag- type sa search engine tulad ng Google ng mga salita o pariralang kaugnay
ng iyong paksa, tiyak na libo-libong impormasyon ang lalabas kaugnay nito subalit maging maingat ka sa
pagpili sapagkat hindi lahat ng mga impormasyong mababasa mo ay tumpak, beripikado, mabisa, at
kompleto. May mga web site na maituturing na higit na mapagkakatiwalaan kaysa sa iba tulad ng mga may
domain name system na nagtatapos sa .edu (educational institution ), .gov (government), o .org (nonprofit
organization). Suriin ding mabuti ang mga nagtatapos sa .gov dahil minsa'y sa mga propaganda ng
pamahalaang nakapanig ang nilalaman ng kanilang mga web site. Gayundin, maging mas maingat at
mapanuri sa mga web site na nagtatapos sa domain extension na .com ( commercial) dahil kung may
mahuhusay na pangkalahatang impormasyon mang taglay ang ilan sa mga ito, ang iba'y hindi beripikado
at madalas ay nagsisilbing paraan lang para makapagpakilala ng mga produkto o serbisyo at makabenta
ng mga ito.
Ang aklatan ng inyong paaralan ay isa pang napakahalagang lugar na maaari mong
mapagkunan ng mga impormasyon. Maraming aklat, pangkalahatang sanggunian tulad ng almanac, atlas,
at encyclopedia, gayundin ng pahayagan, journal, at magasin ang matatagpuan ditong maaaring
naglalaman ng mga datos o impormasyong kakailanganin sa pagbuo ng iyong panukalang pahayag.

Gayumpama'y tingnan mo rin ang taon kung kailan inilimbag ang mga aklat na ito. Kung
mahigit sampung taon nang nalalathala ang mga aklat ay maaaring may mga mas bago nang
impormasyon o hindi na napapanahon ang mga impormasyong taglay nito. Alamin kung ang inyong
aklatan ay may suskripsiyon sa library databases tulad ng Academic Search Premier, JSTOR, at iba pa
kung saan makababasa at makapangangalap ng impormasyon mula sa mga napapanahong teksto o
artikulong pang-akademiko at mga pananaliksik sa iba't ibang paksa at disiplina.

Mula sa mga nakalap mong paunang impormasyon ay suriin kung alin-alin ang makatutulong sa
iyong pagbuo ng mahusay na pahayag ng tesis. Isang mahalagang kasanayan sa isang mananaliksik ang
maging mapanuri sa bawat impormasyong nahahanap niya. Maaaring sa una ay mahirapan kang
magdesisyon sa dami ng impormasyong makikita mo kaya't dapat na pumili nang mabuti at tingnan ang
pinakaangkop at magagamit sa iyong susulatin.
Mga Uri ng Datos
Bawat uri ng pananaliksik ay nangangailangan ng naaangkop na datos upang makamit ang layunin
ng mga ito. At upang makuha ang kinakailangang datos, ang mananaliksik ay nangangailangang gumamit
ng tamang metodo.

1
ALDERSGATE COLLEGE
HIGH SCHOOL PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Depende sa layunin ng isang pananaliksik, maaaring ang datos na kinakailangan mo ay iyong


nagsasalaysay o naglalarawan o pareho. Ang mga datos na may ganitong kalikasan ay tinatawag na datos
ng kalidad o qualitative data. Halimbawa ng mga qualitative data ay kulay, tekstura, lasa, damdamin, mga
pangyayari, at sasagot sa mga tanong na paano at bakit. Kung minsan, maging ang mga sagot sa mga
tanong na ano, sino, kailan, at saan ay maaari ding ikonsiderang datos ng kalidad depende sa tanong at/o
sagot ng respondents.
Halimbawa:
 Ano ang ginagawa mo noong kasagsagan ng Bagyong Ondoy?
 Sino si Jose Rizal para sa iyo?
 Kailan mo masasabing handa ka nang pumasok sa isang seryosong relasyon?
 Anong pagpapakahulugan ang maibibigay mo sa salitang pabebe?
Samantala, may mga pananaliksik ding nangangailangan ng datos na numerikal na ginamitan ng mga
operasyong matematikal. Ang mga datos na ito ay tinatawag na datos ng kailanan o quantitative data.
Tumutukoy ang mga ito sa dami o bilang ng mga bagay o sagot ng mga sinarbey o ininterbyung mga
respondent. Maaari ding ang mga datos na ito ay tumutukoy sa mga katangiang nabibilang o nasusukat.
Halimbawa nito ay taas, bigat, edad, o grado ng mga mag-aaral; average na halaga ng kinikita sa
pagpapart-time job ng mga part-time students; dami ng mga babae at lalaki o dami ng mga mag-aaral sa
bawat baitang na sinarbey ng mananaliksik.
May mga pagkakataon ding kinakailangang gumamit ang isang mananaliksik ng dalawang uri ng datos
upang higit na mapagtibay ang kanyang punto at/o upang ang mga resulta ay higit na may kredibilidad at
maaasahan.
Ang Pahayag ng Tesis o Thesis Statement
Ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating pananaliksik.
Isa itong matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik
tungkol sa paksang handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos at
ebidensiya.
Sa pamamagitan ng pahayag ng tesis ay malalaman ng mga mambabasa kung tungkol saan ang
sulating pananaliksik. Ito rin ang magbibigay ng direksiyon sa mananaliksik sa pangangalap ng mga
ebidensiyang magpapatunay sa kanyang argumento.
Pagbuo ng Mahusay na Pahayag ng Tesis
Sa pagbuo ng mahusay na pahayag ng tesis ay mahalagang magsimula sa paunang pangangalap
ng impormasyon o datos. Basahin at suriing mabuti ang mga nakalap upang makita mo ang kaugnayan ng
bawat isa sa iyong paksa. Mula rito'y magkakaroon ka ng ideya kung sapat na ba ang impormasyong
nakalap at maaari ka nang makabuo ng isang mahusay na pahayag ng tesis o kailangan mo pang
magsaliksik upang higit pa itong mapagtibay. Kung sapat na ay buoin mo na ang tesis batay sa iyong mga
ebidensiyang nakalap.
Maaaring masubok kung mahusay o matibay ang nabuo mong pahayag ng tesis sa pamamagitan
ng pagsagot sa sumusunod:
 Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?
 Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
 Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?
 Maaari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan nito sa pamamagitan ng pananaliksik?

1
ALDERSGATE COLLEGE
HIGH SCHOOL PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis


Hindi lang iisa ang paraan ng paglalahad sa panukalang pahayag. Ayon kay Samuels
(2004),maaari itong isagawa sa alinman sa sumusunod na mga paraan:
 Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinyon o posisyon.
 Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at maghinuha kung paano ito
maaaring malutas.
 Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin.
 Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perspektibo o pananaw.
 Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay naiiba ngayon kung nangyari hindi nangyari ang
mga bagay-bagay sa nakalipas.
 Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at bigyan ang mga ito ng marka.
 Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimpluwensiyahan ang isang paksa kayâ ito naging
ganito o ganoon (Halimbawa: musika, sining, politika).
Makikita sa ibaba ang ilang halimbawa ng paksa at ang pahayag ng tesis na nabuo mula rito.

Paksa:
Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang awiting isinalin sa ibang lengguwahe
Tesis:
Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung naisalin ang ideya ng orihinal
na awit nang hindi hinahabol o isinisiksik ang titik ng pinagsalinang lengguwahe sa tono ng orihinal
na awit.

Paksa:
Pagiging popular sa mga manonood ng mga loveteam sa telebisyon at pelikula
Tesis:
Isinasabuhay ng mga loveteam ang romantikong pantasya ng mga manonood ng telebisyon
at pelikula kayâ suportado o tinatangkilik nila ito.

Paksa:
Mas pinipili ng mga tao ang mga kapihan bilang lugar para sa socialization kompara sa mga fastfood
outlets, restoran, o karinderya.
Tesis:
Kasabay ng kanilang pagsikat, ang mga kapihan ay nakapag-project ng imahen sa lipunan sa tulong
ng media bilang lugar kung saan nagkikita-kita o nakikipagkilala ang mga taong sinusuportahan
naman ng kanilang arkitektura, internal na disenyo, at pagtawag sa pangalan ng kostumer na bumili
kaya siya nakikilala ng iba pang mga kostumer sa loob ng kapihan.

1
ALDERSGATE COLLEGE
HIGH SCHOOL PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Sanggunian:

Dayag, A. et al., (2017). Pinagyamang Pluma (Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik). Phoenix Publishing House

Pangalan ng mag-aaral:___________________________________________________________

Baitang/Pangkat:__________________________________

GAWAIN 1 (Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa)


Panuto: Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong.
1. Bakit mahalagang mangalap muna ng paunang impormasyon o background information tungkol sa
kanyang paksa ang mananaliksik bago siya maupo at sumulat ng kanyang pahayag ng tesis?
2. Bakit mahalagang siguruhin ng isang mananaliksik na mapagkakatiwalaan ang kanyang pinagkukunan
ng impormasyon o kaalaman?
3. Ano-anong bagay ang dapat niyang isaisip kapag kumukuha ng impormasyon sa Internet?

GAWAIN 2 (Nakabubuo ng tanong mula sa nakalahad na impormasyong masasagot lamang sa


pamamagitan ng pananaliksik)
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat nakalahad na impormasyon sa bawat bilang. Mula sa
mga ito ay bumuo ka ng tanong tungkol sa gusto mo pang maláman o matuklasan na nangangailangan pa
ng pananaliksik upang masagot.

Maraming mag-aaral sa high school at kolehiyo ang nagtatrabaho ng part time para makatulong sa
mga gastusin sa kanilang pag-aaral. Bukod sa salaping kinikita, may mas malaking pakinabang ang
mga kabataang ito sa kanilang pagtatrabaho. Sa pamamagitan kasi nito'y nalilinang sa kanila ang
mahuhusay na ugali sa pagtatrabaho o tinatawag na "work ethics.” Ayon sa obserbasyon ng mga
employer, napansin nilang mas madaling matuto, mas may pokus sa trabaho, at mas mahusay
makibagay sa mga katrabaho ang mga empleyado nilang nagtrabaho nang part time habang nag-
aaral pa. Gayumpama'y napansin din nilang karaniwang ang marka nila ay hindi gaanong matataas
at bibihira sa mga nagtrabaho habang nag-aaral ang nakatapos nang may mataas na karangalan.

Bumuo ng tanong na kailangang ihanap pa ng karagdagang datos bago masagot.


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

1
ALDERSGATE COLLEGE
HIGH SCHOOL PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

_____________________________________________________________________________________

GAWAIN 3 (Nakabubuo ng pahayag ng tesis mula sa mga nabuong tanong)


Panuto:Bumuo ka naman ngayon ng pahayag ng tesis (thesis statement) mula sa mga tanong na
iyong binuo sa nagdaang gawain. Isulat ang iyong binuong tanong sa unang hanay at ang angkop na
panukalang pahayag sa ikalawang hanay.
Mga Nabuo mong Tanong (Galing sa Gawain 2) Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)

1.
2.
3.
4.
5.

You might also like