You are on page 1of 12

11

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik

Ika-apat na Markahan – Modyul 5


Hakbang sa Pagpili ng Paksa at
Pagbuo ng Tanong sa Pananaliksik
Panimula
Ang pananaliksik ay isang siyetipikong gawain na kinasasangkutan ng mga mag-
aaral bilang patugon sa pangangailangang pang-akademiko at maging ng mga
propesyunal sa iba’t ibang larangan. Sa modyul na ito, ilalahad ang unang hakbang sa
pagbuo ng pananaliksik.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


Nagagamit ang mga katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya sa pagsulat ng isang
pananaliksik F11WG –IVgh – 92

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• natutukoy ang paksang nililimitahan sa malawak na paksa at ang
elementong ginamit sa paglilimita;
• naipaliliwanag sa lohikal na pamamaraan ang pagpili ng paksa at ang mga
elementong ginamit sa paglilimita nito; at
• nakabubuo ng mga katanungan batay sa nalilimitahang paksang napili.

Subukin

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang at isulat ang napiling titik
sa sagutang papel.

1. Sa pagpili ng paksa, nararapat itong may _________________ sa sumusulat at


lipunan.
A. Kapaki-pakinabang C. Kalugud-lugod
B. Nagbibigay-aliw D. Wala sa nabanggit
2. Nararapat na ____________at __________ ang paksang napili sa isasagawang
pananaliksik.
A. Tiyak at nalilimitahan C. nagbibigay-aliw at kalugud-lugod
B. Kapaki-pakinabang at nagbibigay-aliw D. Tiyak at kalugod-lugod
3. Ang paksa ay kinakailangan itong _________________.
A. Tiyak B. nililimitahan C. maka-agham D. napapanahon
4. Ang ___________ng paksa ang pinakaunang gagawin sa pananaliksik sa siyentipikong
proseso.
A. Pamimili B. pagsulat C. pagbalangkas D. pag-aaral
5. Ang paksang _________________ na sa pananaliksik ang pinakamainam na gawan ng
pag-aaral.
A. napag-aralan B. gamit na gamit C. nasaliksik D. luma

2
6. Mahalaga na bigyan din ng __________________ang sariling kakayahan sa pagpili ng
paksang gagawan ng pananaliksik.
A. konsiderasyon B. puna C. bisa D. tingin
7. Nakatutulong ang _________________ng mga kaugnay na pag-aaral sa paksang napili
upang makabuo ng tanong sa pananaliksik.
A. pagtatanong B. pagbabasa C. eksperimento D. panonood
8. Dapat na tiyak, ____________ at ___________ ang paggamit ng mga termino sa pagbuo
ng tanong sa pananaliksik.
A. ispesipiko at malinawanag C. komprehensibo at maliwanag
B. payak at maliwanag D. wala sa nabanggit
9. Maaari kang makabuo ng kahit na anong uri ng tanong hangga’t ito ay may
kaugnayan sa iyong __________.
A. kwento B. paksa C. nasaliksik D. natalakay
10. Dapat ang tanong sa pananaliksik ay may implikasyong kapaki-pakinabang para
sa ________________.
A. tao B. sa sarili C. mananaliksik D. lipunan

Hakbang sa Pagpili ng Paksa at


Pagbuo ng Tanong sa Pananaliksik

Alamin

Itinuring na ang pananaliksik ay isang anyo ng sulatin na may proseso o


hakbang sa pagsulat na nangangailangan ng isang masining na pagpili ng mga salita,
may tuntuning susundin at paglalahad ng mga ideya, mga mekaniks sa pagsulat,
pormat o istilo, istruktura ng wika na lubhang kailangan sa pagbuo ng pag-aaral.
Katangian ng isang mananaliksik ang pagiging masinop at sistematiko sa buong
proseso ng pagsasagawa ng pananaliksik. Mahalagang sa unang bahagi pa lamang ng
pananaliksik ay makabuo na siya ng plano sa tatakbuhin ng buong pag-aaral tungo sa
pagsasagot ng tanong sa pananaliksik.
Ang pag-alam sa proseso ng pananaliksik ay makapagbigay sa mananaliksik ng
sapat na pundasyon at kakayahan sa pagtuklas ng mga impormasyong bubuo sa
pananaliksik ng bawat bahagi. Ang katotohanan ng sulating pananaliksik ay nakabatay
sa aktwal na pag-obserba, karanasan, pakikipanayam sa ibang tao, impormasyong
nakuha sa aklat, kapaligiran o kaya’y sa silid-aklatan. Ang silid-aklatan ang
pinakamayamang lugar na matatagpuan ang hindi mabibilang na batis ng kaalaman
na maaaring mapagkukunan ng libu-libong paksa na maaaring isasagawa.

3
Narito ang ilang mga katanungang dapat isaalang-alang sa aralin na ito:

Paano ka magsimula?
Ano ang paksang magbibigay sa iyo ng interes?
Ano ang gusto mong malaman sa paksang nais pag-aralan?
Anong mga paksa ang higit na pinag-uusapan ngayon?

Balikan

Panuto: Ibuod ang iyong natutuhan mula sa aralin 4, ang tungkulin at etika ng isang
mananaliksik. Pagkabit-kabitin gamit ang bubble map. Isulat sa isang buong papel ang
iyong sagot.

Tuklasin

Panuto: Hulaan mo. Buoin ang salita sa pamamagitan ng susing letra upang mabuo
ang mga salitang may kaugnayan sa aralin na ito.

1. Pinakasentro ng ideya ng anumang sulatin at maaari itong tawaging tesis.


P S
2. Bagong isyu
N P A H
3. May maidudulot na karunungan, lawak ng kaalaman at makatutulong ito sa
lipunan.
K K I - K A N
4. Nakakakuha ng interes sa iyo at sa mambabasa.
K I - W I
5. Madaling natutukoy ang nais na pag-aralang paksa.

P L I

4
Suriin

Proseso ng Pagbuo ng Pananaliksik

Sa pagbuo ng pananaliksik, ang paksa ay sentral na ideyang tinalakay sa isang


sulating pananaliksik. Mahalagang hakbang ang pagpili ng paksa. Dito nakasalalay ang
buhay ng isang mananaliksik (Rivera, 1997) na totoo naman, dahil sa makabagong
panahon na ating kinakaharap ngayon, hindi lahat ng paksa ay kinawiwilihang basahin
ng ating mga mambabasa. Ang pangunahing interes ay kung may makabuluhan bang
idudulot ang paksang nabanggit.

Ito ay pinakasentro na ideya ng anumang sulatin sapagkat ito ang puso o laman
ng anumang katha na siyang kumukontrol sa daloy ng kabuuang estorya. Inihahayag
ito sa paturol na pangungusap bilang isang proposisyon na hangad ay bigyang-linaw
sa pamamagitan ng matibay na konklusyon.

Ito ay maingat na pinipili ng sinumang manunulat, maraming konsiderasyon


ang nararapat na isaisip kaya di biro ang pagpipili ng paksa. Sa bahaging ito lumalabas
na ang pagka-siyentipiko ng isang sulatin sapagkat dumaraan na sa isang proseso.

Ang paksa ay kailangang may kahalagahan sa panig ng bumabasa at sumusulat.


Kung wala itong halaga ay masasayang lamang ang panahon at pagsisikap na iniuukol
dito. Nararapat na ito ay kawili-wili at kapaki-pakinabang, may sapat na pagkukunang
sanggunian, hindi masyadong teknikal, at higit sa lahat may layunin itong
makapagbibigay ng malawak na kaalaman sa mananaliksik o mambabasa ang napiling
paksa.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG PAKSA:

1. Interes at kakayahan- dahil ang kalikasan ng pananaliksik ay ang aktuwal na


pagsasagawa nito, mahalaga na gusto mo ang iyong ginagawa o kaya ay may
kaugnayan sa hilig mo ang paksang nais saliksikin.

2. Pagkakaroon ng mga materyal na magagamit na sanggunian

3. Kabuluhan ng paksa

4. Limitasyon ng panahon

5. Kakayahang pinansiyal
Hangga’t maaari, iwasan ang mga paksang may kaugnayan sa sumusunod:

1. Mga pinagtatalunang paksa na may kinalaman sa relihiyon at usapin ng


moralidad na mahirap hanapan ng obhetibong pananaw at nangangailangan ng
maselang pagtalakay.

5
2. Mga kasalukuyang kaganapan o isyu dahil maaaring wala pang gaanong
materyal na magagamit bilang saligan sa pag-aaral.

3. Mga paksang itinuturing nang “gasgas” o gamit na gamit sa pananaliksik ng


mga mag-aaral.

Paano Bumuo ng Paksa sa Pananaliksik?

Narito ang mga gabay na tanong upang makatulong sa pagbuo ng paksa:

1. Ano-anong paksa ang maaaring pag-usapan?


2. Ano-ano ang kawili-wili at mahalagang aspekto ng paksa?
3. Ano ang aking pananaw hinggil sa paksa?
4. Ano-anong suliranin tungkol sa sarili, komunidad, bansa, at daigdig ang
ipinakikita o kaugnay ng paksa?
5. Bakit kailangang saliksikin at palalimin ang pagtalakay sa ganitong mga
suliranin?
6. Sino-sino ang kasangkot?
7. Anong panahon ang sinasaklawan ng paksa?
8. Paano ko ipahahayag ang paksa sa mas malinaw at tiyak na paraan?
9. Paano ko pag-uugnayin at pagsunod-sunorin ang mga ideyang ito?

Paglilimita ng Paksa

Ang paglilimita ng paksa ay mahalaga upang maging espesipiko at malalim itong


matalakay sapagkat tiyak ang bahaging pagtutuonan ng pansin sa talakayan. Ang
paggamit ng mga salitang naniniyak o nagpapatibay ay makatutulong sa paglilimita ng
paksa. Upang higit na maunawaan, narito ang mga elementong makapaglilimita ng
paksa na ipapakita sa halimbawa na nasa kahon.

Paksa: Teknolohiya at Kabataan

1. Perspektiba
Nililimitahang Paksa: Ang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan
Nililimitahang Paksa: Ang persepsyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng social
media bilang bukal ng impormasyon

2. Panahon
Nililimitahang Paksa: Ang epekto ng internet at smartphone sa paggamit ng social
media mula noong 2010 hanggang sa kasalukuyan

3. Uri
Nililimitahang Paksa: Epekto ng pagsasalarawan ng lipunan at media sa
Kagandahan

4. Edad

6
Nililimitahang Paksa: Ang persepsyon ng mga kabataan mula edad 16 hanggang
18 sa impluwensya ng Facebook

5. Kasarian
Nililimitahang Paksa: Ang epekto ng paglaganap ng teknolohiya sa sector ng
kababaihan

6. Lugar
Nililimitahang Paksa: Ang epekto ng social media sa mga mag-aaral ng
Far Eastern University

7. Pangkat
Nililimitahang Paksa: Persepsyon ng mga mag-aaral ng Far Eastern University
sa paglaganap ng social media

Maaaring gamitin sa paglilimita ng paksa ang kombinasyon ng iba’t ibang elemento


upang higit itong maging espesipiko.

Halimbawa:

Persepsyon ng mga kababaihang mag-aaral na nasa edad 16-18 ng Institute of


Education ng Far Eastern University sa impluwensiya ng Facebook sa banidad ng mga
kabataan

Ngayon naman ay ilalahad ang tungkol sa tanong sa pananaliksik at ang kahalagahan


nito sa pagsasagawa ng pananaliksik.

Sa pagsasagawa ng pananaliksik, nahahanapan natin ng sagot ang mga katanungang


bumabagabag sa ating isip, naisasakatuparan ang interes sa isang bagay, at nalilinang
ang kakayahang makahanap ng solusyon.

Nagsisimula ang pananaliksik sa pamamagitan ng mga tanong sa pananaliksik


(research question). Sinasaklaw ng mga tanong na ito ang pinakaubod o sentro ng
pananaliksik. Tinutukoy nito ang uri at layunin ng pananaliksik at nagsisilbi rin itong
patnubay kung anong proseso ang angkop na gamitin.

Samantala, nag-uumpisa sa pagbuo ng mga tanong sa pananaliksik ang tutugunang


suliranin ng pananaliksik. Tumutukoy ito sa isang paksa, usapin, o pangyayari na nais
siyasatin, at kailangang alamin; mga kondisyong dapat baguhin; o mga hamon na dapat
bigyan ng solusyon ng isang mananaliksik.

Paano bumuo ng isang maayos na tanong sa pananaliksik? Ayon sa Duke Writing Studio,
kailangang gawin ang sumusunod:

7
1. Pumili ng paksang kinawiwilihan at magbasa ng mga kaugnay na pag-aaral
na naisagawa tungkol dito. Makatutulong ito na makabuo ng mga pangunahing
tanong mula sa paksa.

2. Isaalang-alang ang iyong mambabasa. Para kanino ang iyong isasagawang


pananaliksik? Sino ang iyong target na mambabasa? Subukang bumuo ng mga
tanong na sino, ano, paano, saan, bakit, at kalian ukol sa paksang
kinawiwilihan. Subukin ding bumuo ng mga posibleng sagot sa mga tanong na
ito.

Mga Katangian ng Magandang Tanong sa Pananaliksik

1. Tiyak, espesipiko, at maliwanag ang paggamit ng mga termino.

Halimbawa: Alin sa dalawa ang magandang tanong sa pananaliksik?

Nakabubuti ba ang 4 P’s ng Paano nakabubuti ang 4 P’s sa


gobyerno? kalagayang pang-ekonomiya
ng mga nakatanngap nito?

Mapapansin sa tanong sa unang kolum na hindi tiyak ang saklaw ng salitang


“nakabubuti”. Sa anong aspekto ito nakabubuti? Nakabubuti ba ito para sa
nakakatangganp ng programa? Nakabubuti ba para sa lagay ng bansa dahil sa
nakatutulong upang mabawasan ang paghihikahos ng mamamayan? O nakabubuti
para sa imahe ng gobyerno?

Samantala, ang tanong sa ikalawang kolum ay gumagamit ng mga tiyak na termino o


salita upang gawing mas espesipiko ang tanong. Tinukoy agad sa tanong sa kanang
kahon ang ekonomikong kalagayan ng mga nakakatanggap nito.

2. Tumatalakay sa mahalaga at makabuluhang isyu. Dahil sa layunin ng


pananaliksik ay makapag-ambag ng kaalaman, solusyon, at impormasyon, kailangang
magsimula sa mga tanong na may mga implikasyong kapaki-pakinabang para sa lahat.
Kung kaya ang mga tanong na ilalatag para saliksikin ay nagbubunsod ng mas malalim
na pagsusuri tungkol sa paksang napili.

3. Hindi pa naisasagawa ngunit posibleng maisakatuparan. May mga katanungang


inilalatag upang saliksikin na hindi matasa ng anumang metodolohiya dahil abstrakto
ang pagkakatanong. Ang anumang tanong sa pananaliksik na kailangang hanapan ng
sagot ay kailangang nalalakipan ng angkop na metodolohiya upang masagot.

4. Nagtataglay ng malinaw na layunin at kahalagahan. Ibig sabihin, hindi lamang


basta-basta ang mga tanong sa pananaliksik. Sa pagbubuo ng mga tanong, kailangang
malinaw na nakaangkla ito sa layunin at kahalagahan ng bubuoing pananaliksik.

8
Halimbawa ng tanong para sa pananaliksik
Paksa Tanong sa Pananaliksik
1. Ano ang karaniwang edad ng mga
taong pinakagumagamit ng social media?
Bisa ng social media 2. Ano ang kanilang madalas na layunin
sa paggamit ng social media?
3. Paano nakatutulong ang social media
sa pagpapalaganap ng mga paalala
tungkol sa mga nawawala, dpat
tulungan, anunsiyo, pagbibigay ng
babala at iba pa?

Isaisip
Tandaan:

Ang unang hakbang tungo sa pananaliksik ay ang pagpili ng paksa. Para


maging mas tiyak at malalim ang pagtalakay ng paksa, nararapat itong nililimitahan
sa tulong ng sumusunod na mga elemento: panahon, uri o kategorya, edad, kasarian,
lugar o espasyo, pangkat o sektor na kinabibilangan, at perspektiba o pananaw.

Ang tanong sa pananaliksik naman ang sentro ng pananaliksik.

Isagawa

Panuto: Tukuyin kung ang paksa na makikita sa unang hanay ay malawak o nilimitahang
paksa. Isulat ang iyong sagot sa ikalawang hanay. Sa ikatlong hanay naman ay isulat ang
elementong ginamit kung ang paksa ay nilimitahan na.

Paksa Uri ng paksa Elementong ginamit sa


(malawak o nilimitahan ) paglimita ng paksa
1. Pananaw ng mga Tao sa
Edad ng Pananagutan
sa mga Kabataang
Nakagawa ng Kremin

2. Pananaw ng mga Tao sa


Edad ng Pananagutan
sa mga Kabataang
Nakagawa ng Kremin at

9
Epekto Nito sa mga
Pamilyang Cebuano

3. Mga aktibiti sa Paglikha


ng Komposisyon sa
Mataas na Paaralan ng
Cebu, taong 2018-2019

4. Ebalwasyon sa
Proyektong Ronda sa
Gabi upang Pigilan ang
Krimen sa Barangay
San Rafael

5. 5. Edad ng Pananagutan sa
mga Kabataang Nakagawa
ng Kremin

Pagyamanin

Panuto: Magtala ng tatlong (3) paksa. Ito ay maaaring mula sa naunang gawain
o kaya ay sariling napiling paksa. Gawan ng tig-tatatlong tanong sa pananaliksik
ang bawat paksang itinala.

Nililimitahang Paksa Tanong sa Pananaliksik


Paksa 1:
____________________________________ 1.
____________________________________ 2.
____________________________________ 3.

Paksa 2:
____________________________________ 1.
____________________________________ 2.
____________________________________ 3.

Paksa 3:
____________________________________ 1.
____________________________________ 2.
____________________________________ 3.

10
Pamantayan sa Pagmamarka:
Rubrik sa Pagbuo ng mga Tanong sa Pananaliksik
5 4 3 2
Nagamit ang lahat ng Nagamit ang dalawa sa Nagamit ang isa sa Hindi malinaw
mga sumusunod na sumusunod na sumusunod na ang
katangian ng tanong sa katangian ng tanong sa katangian ng tanong pagkakalahad ng
pananaliksik pananaliksik sa pananaliksik mga tanong sa
pananaliksik
• Gumamit ng mga • Gumamit ng mga • Gumamit ng
tiyak na termino tiyak na termino mga tiyak na
upang maging upang maging termino upang
espesipiko ang espesipiko ang maging
tanong tanong espesipiko ang
• Nagbubunsod ng • Nagbubunsod ng tanong
mas malalim na mas malalim na • Nagbubunsod ng
pag-unawa pag-unawa mas malalim na
• Nagmumungkahi • Nagmumungkahi pag-unawa
ng metodolohiya ng metodolohiya • Nagmumungkahi
• Nagtataglay ng • Nagtataglay ng ng metodolohiya
malinaw na layunin malinaw na layunin • Nagtataglay ng
at kahalagahan at kahalagahan malinaw na
layunin at
kahalagahan

Tayahin

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang at isulat ang napiling titik
sa sagutang papel.
1. Unang hakbang tungo sa pananaliksik ay ang________________.
A. pagpili ng paksa C. paghahanda ng balangkas
B. paghahanda ng mga tanong D. paghahanda sa layunin
2. Ang paksa na may maraming saklaw ng maraming impormasyon gusto nitong
patunayan at hindi na matatapos sa takdang panahon at hindi mahahanap ang
angkop na kasagutan.
A. Malawak na Paksa C. Nilimitahang Paksa
B. Lalong pang nililimitahang paksa D wala sa nabanggit
3. Ang paksa na may masyadong maliit ang saklaw ng impormasyon kung kaya
mahihirapan ang mananaliksik.
C. Malawak na Paksa C. Nilimitahang Paksa
D. Lalong pang nililimitahang paksa D wala sa nabanggit
4. Ang paksang kakayanin mong tapusin sa itinakdang panahon.
A. Malawak na Paksa C. Nilimitahang Paksa
B. Lalong pang nililimitahang paksa D wala sa nabanggit

11
5. Ang Epekto ng Madalas na Paglalaro ng Video Games ng mga Mag-aaral. Ito ay
__________?
C. Malawak na Paksa C. Nilimitahang Paksa
D. Lalong pang nililimitahang paksa D wala sa nabanggit
6. Ang Madalas na Paglalaro ng Video Games ng mga Mag-aaral sa Grade 11. Ito ay
__________?
A. Malawak na Paksa C. Nilimitahang Paksa
B. Lalong pang nililimitahang paksa D wala sa nabanggit
7. Layunin ng pananaliksik ay makapag-ambag ng kaalaman, solusyon, at
impormasyon, kailangang magsimula sa mga tanong na may mga emplikasyong
kapaki-pakinabang para sa lahat.
A. Tumatalakay sa mahalaga at makabuluhang isyu.
B. Nagtataglay ng malinaw na layunin at kahalagahan.
C. Tiyak, espesipiko, at maliwanag ang paggamit ng mga termino.
D. Wala sa nabanggit
8. Sa pagbubuo ng mga tanong, kailangang malinaw na nakaangkla ito sa layunin
at kahalagahan na isusulat ng mananaliksik
A. Tumatalakay sa mahalaga at makabuluhang isyu.
B. Nagtataglay ng malinaw na layunin at kahalagahan.
C.Tiyak, espesipiko, at maliwanag ang paggamit ng mga termino.
D. Wala sa nabanggit
9. Tuon ng pagpili ng paksa ang tuwiran, tugma at maayos sa pagbuo ng pananaliksik.
A. Tumatalakay sa mahalaga at makabuluhang isyu.
B. Nagtataglay ng malinaw na layunin at kahalagahan.
C.Tiyak, espesipiko, at maliwanag ang paggamit ng mga termino.
D. Wala sa nabanggit
10. Ang nililitahang akda ay maaaring gagamitin ang _________________.
A. Panahon, kategorya, edad, kasarian, lugar o espasyo, pangkat o sector na
kinabibilangan, at perspektiba o pananaw.
B. Interes, kaalaman, lawak, antas, at sakop
C. Gamit, kagustuhan ng mananaliksik, kawili-wili at layunin
D. Wala sa nabanggit

Mga Sanggunian:
Atanacio, H. et al. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t iban Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City: C & E Publishing. Inc.
Dayag, A. et al. (2016). Pinagyamang Pluma “Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Bookstore.
De Laza, C. et al. (2007). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik:
Kahulugan layunin at katangian. Quezon City: Rex Bookstore, Inc.

None: https://www.google.com/search?q=key+answer&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2a
hUKEwiTyOCQuLrqAhUEVN4KHX_-
Aa0Q_AUoAXoECA0QAw&biw=1366&bih=657#imgrc=SkBvyUEpX446

12

You might also like