You are on page 1of 12

Pagsulat ng Pinal na

Pananaliksik
Aralin 5
Pagsasaayos
Sa puntong ito ay
matututuhan mo
namang isaayos ang
mga nakalap mong
tala.
Ang sumusunod ay ilang paraan upang makatulong sa
pagsasaayos ng mga nakalap mong tala na isinulat mo sa
note card:
• Suriin ang mga talang isinulat sa notecard.
• Maghanda ng isang notebook o maaaring iencode sa
iyong computer ang ano mang kaisipan, tanong, o
komentaryong pumasok sa iyong isip habang binabasa
ang nakalap mong tala sa mga note card.
• Suriin mo ang mga nakalap na impormasyon kung sapat
naba ito o nangangailangan pa ng pananaliksik.
Pagsusuri
Sa pagsuri ng mga
talang nakalap,
siguruhing ang mga
impormasyong nakuha
ay konektado sa
binuong tesis.
Organisasyon ng Papel
Matapos mong isaayos at suriin
ang mga nakalap mong tala, ang
susunod mo namang gagawin ay
kung paano mo i-o-organisa ang
mga kaisipang ito upang
maisulong mo ang tesis ng iyong
sulating pananaliksik.
Maaari mong gamitin ang alinman sa sumusunod na mga
prinsipyo sa pag oorganisa ng papel:
1.Kronolohikal- Ginamigamit ang prinsipyong ito kung
ang datos o impoemasyon ay ayon sa
pagkakasunodsunod ng pangyayari.
2.Heyograpikal o batay sa espasyo- Ginagamit ito kung
ipapakita at ipaliliwanag ang lokasyon,lugar, o iba pang
paggamot sa espasyo.
3.Komparatibo- Ginagamit kapag nais ipaliwanag o
ipakita ang pagkakatulad at/o pagkaka iba ng dalawang
bagay, tao, prinsipyo, o kaisipan.
4. Sanhi/Bunga- Ginagamit kung nais bigyang
diin ang sanhi o bunga ng isang paksang
sinisiyasat.
5.Pagsusuri- Ang prinsipyong ito ay ginagamit
kung nais ipakita ang paghihimay himay ng
isang buong kaisipan.
Panghuling Balangkas
Sa pagbuo ng panghuling
balangkas, tiyakin ang mga
posisyon ng pangunahin at
pansuportang ideya.
Siguraduhing may hindi bababa
sa dalawang ideya sa bawat
lebel o antas ng balangkas.
Pagsulat ng Burador
Nabubuo ito sa pamamagitan ng
pagsasama-sama at pag-
uugnay-ugnay ng mga nakalap
na tala.
Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik
- Bago mo isulat ang pinal na papel ay isaalang alang mo
ang sumusunod:
1. Introduksiyon
- Ang introduksiyon ay maaaring maglaman ng mga
sumusunod: Maikling kaligiran, layunin ng mananaliksik,
pahayag ng tesis o thesis statement, kahalagahan ng
paksa, at saklaw at limitasyon ng pananaliksik.
2. Katawan- Sa pagsulat ng mga katawan ng
pananaliksik, ipinapayong ayusin ang iyong mga ideya
sa paraang makapagpapahatid ng kahalagahan ng
aralin.
3. Kongklusyon- Ang pagsulat ng kongklusyon ay
paglalagom at pagdidiin ng ideya. Samakatuwid, hindi
na natin ito makikitaan ng mga panubagong ideya o
datos.
TAPOS NA 😍

You might also like