You are on page 1of 2

YUNIT III

ARALIN 4 – TUWIRAN AT ‘DI TUWIRANG PAHAYAG SA PAGHAHATID NG


MENSAHE

TALAAN NG GAWAIN 2

Panuto: Sumulat ng isang talumpating pang-SONA gamit ang angkop na tuwiran at ‘di
tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe. Gawing gabay ang paraan ng
pagsasagawa ng gawain at ang pamantayan sa pagmamarka.

Paraan sa Pagsasagawa ng gawain:

Gampanin: Ikaw ay kumakatawan bilang Sangguniang Kabataan (SK) Chairman ng inyong


barangay. Naatasan kang gumawa ng isang talumpati para sa kapwa mo kabataan
upang makatulong sa pandemyang nararanasan.
Tagapakinig: Mga kapwa kabataan sa barangay
Sitwasyon: Ang inyong barangay ay kabilang sa mga lugar na mayroong mataas na bilang ng
kaso ng COVID-19 sa inyong lungsod. Bilang SK Chairman, ikaw ay naatasang
humingi ng tulong sa iyong kapuwa kabataan upang masolusyunan ang pagdami ng
mga positibong kaso.
Inaasahang Awtput: Isang talumpating hihikayat sa mga kabataan upang makiisa sa gagawing
solusyon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19

Pamantayan sa Pagmamarka:

Nilalaman 40%
Nakapaglahad nang tumpak at kumpletong mensahe sa SONA batay sa paksang napili
Kaayusan 30%
Maayos ang hanay ng mga kaisipan at pahayag
Wika at Gramatika 30%
Wasto ang paggamit ng mga angkop na tuwiran at ‘di tuwirang pahayag
KABUUAN 100%

You might also like