You are on page 1of 25

YUNIT I Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya

Aralin 1 Mga Suliranin Pangkapaligiran


MODYUL 1: Bagyo bilang Pangunahing Kalamidad sa Bansa
MODYUL 2: Ang Pabago-bagong Kalagayan ng Klima sa Bansa at Pag-init ng Daigdig
MODYUL 3: Wastong Pagtatapon ng Basura (Waste Management)
MODYUL 4: Deforestation
MODYUL 5: Isyu sa Kalamidad (Lindol)
MODYUL 6: Pagmimina
Aralin 2 Mga Isyung Pang-ekonomiya
MODYUL 7: Kawalan ng Trabaho: Isyung Pangkabuhayan
MODYUL 8: Globalisasyon
MODYUL 9: Ang Industriya ng Business Processing Outsourcing (BPO)
MODYUL 10: Isyu sa Pork Barrel (Sustainable Development Fund)
MODYUL 11: Polisiya sa Pagbubuwis at Patakarang Piskal

YUNIT I Mga Isyung Pangkapaligiran at Pang-ekonomiya


Aralin 1 Mga Suliraning Pangkapaligiran
MODYUL 1:
Bagyo bilang Pangunahing Kalamidad sa Bansa
Mga layunin:
1. Natutukoy ang bagyo bilang pangunahing kalamidad sa bansa
2. Nasusuri ang sanhi at bunga ng bagyo bilang kalamidad sa bansa
3. Napapahalagahan ang mga anunsyo o babala ng pamahalaan tungkol sa bagyo bilang pangunahing kalamidad
sa bansa
4. Nakagagawa ng isang pamamaraan upang makaiwas sa mga sakuna na dulot ng bagyo
Taluntunin natin
Bago simulan ang pag-aaral sa modyul na ito, suriin muna ang mga larawang narito upang malaman mo ang
iyong kaalaman sa paksang ito.

Mga tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan?
2. Paano mo paghahandaan ang mga kalamidad na ito?
3. Bakit madalas bumagyo sa Pilipinas?
Pahalagahan Natin
I. Isulat sa talahanayan ang mga gagawin mong pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Mga Gagawin Kong Pagtulong sa mga Nasalanta ng Bagyo


1.
2.
3.
4.
5.

II. Kung ikaw ang isa sa mga nasalanta ng malakas na bagyo, anong aral ang maaari mong ibahagi sa ating mga
kababayan? Isulat sa ibaba ang mga ito.
Subukan natin
I. Sagutin ang bawat tanong.
1. Ano ang bagyo? Ibigay ang kaibahan ng typhoon sa cyclone at hurricane.
2. Bakit madalas daanan ng bagyo ang Pilipinas?
3. Paano nalalaman kung may darating na bagyo sa ating bansa?
4. Paano maiiwasan ang paglaganap ng epidemya matapos ang bagyo?
5. Paano pinapangkat o inuuri ang mga bagyo sa Pilipinas?
II. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat pahayag.
______________1. Ito ang mga pulo-pulong ulap na nakapaligid sa mata ng bagyo.
______________2. Ito ang nakikita na nakaikot sa mata ng bagyo , may malakas na hangin, at matinding pag-ulan.
______________3. Ito ang pagtaas ng tubig nang higit pa sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan na nagbubunga ng pag-
apaw nito sa kapatagan.
______________4. Ito ay malalaking alon bunga ng lindol o pagsabog ng bulkan sa ilalim ng dagat.
______________5. Ito ang pagguho ng lupa, putik, o mga malalaking bato dahil sa pagiging mabuway ng buro o bundok.
______________6. Ito ang tawag sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng nakahahawang sakit nang mas mabilis
kaysa normal na pagkalat sa isang partikular na lugar.
______________7. Ito ang pinakapayak na paraan ng pag-alam kung may darating ng bagyo sa bansa.
______________8. Ito ang tawag sa bagyo ng mga Kanluraning bansa.
______________9. Uri ng bagyo na may taglay na hanging 33 kph hanggang 61 kph.
______________10. Uri ng bagyo na may hanging 62 kph hanggang 88 kph.
______________11. Bagyo na nagtataglay ng hanging mahigit sa 220 kph
______________12. Rumaragasang agos ng tubig na bunga ng pagkakalbo ng bundok
______________13. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa paparating na bagyo sa
bansa
______________14. Ito ang sentro ng isang bagyo
______________15. Pagragasa ng putik
III. Pangkatang Gawain:
Saliksikin at iulat ang mga sumusunod na isyu tungkol sa pinsala ng bagyo.
1. Ang pinsala ng bagyong Ondoy sa Metro Manila at lalawigan ng Rizal.
2. Ang madalas na pagbaha sa Metro Manila at mga karatig lalawigan nito.
3. Ang epidemyang idinudulot matapos ang pagbaha at pagbagyo.
Solusyunan Natin:
Pag-aralan at pagtalunan kung paano mabibigyan ng solusyon ang mga sumusunod na isyu.
Case Study # 1
Ang Bagyong Sendong
Habang bumabangon pa lamang ang mga kababayan natin mula sa kalunos-lunos na kalamidad ng bagyong
Sendong (International name: Washi) na nagdulot ng malawakang pagkasawi ng buhay at ari-arian, ilang lalawigan
naman sa Pilipinas ang nakaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa sa loob lamang ng tatlong linggo.
Ilang araw matapos kitlin ng Sendong ang buhay ng 1,257 katao noong Disyembre 2011 at wasakin ang mga
tirahan at kabuhayan ng libo-libo, binaha naman ang mga lalawigan ng Cebu, Davao, Bukidnon, Maguindanao,
Compostela Valley, Negros, Leyte, at landslide, sumagi naman sa isipan ng maraming Pilipino netizen ang ilang
katanungan. Bagamat sanay na ang bansa sa mga baha at pagguho ng lupa, nagging kataka-taka ang lawak ng mga
kalamidad kamakailan: ano
0ang mga dahilan sa likod nito, at bakit ito nagiging mas madalas at mas mabagsik? Ano ang maaaring gawin
upang maiwasan o mapaghandaan ito sa hinaharap?
Pinagkunan: fil.globalvoices.org, 2012
Case Study #2
Ang Hagupit ng Bagyong Yolanda
Noong Nobyembre 8, 2013 naranasan ng Pilipinas ang bagsik ng bagyong Yolanda (Typhoon Haiyan). Humagupit
ito sa ilang pulo ng Kabisayaan na nag-iwan ng kalunos-lunos na trahedya tulad ng pagkasira ng mga imprastruktura, at
buhay na mga kababayan nating Bisaya. Ang lawak ng bagyong ito ay sinakop ang buong Pilipinas. May lakas ito ng halos
ika-6 na uri ng Hurricane ayon sa Amerikano at ito na ang pinakamalakas na bagyo na naitala sa buong kasaysayan ng
mundo.
Dahil sa hagupit ng Bagyong Yolanda, nakararanas tayo ng kalamidad. Marami ang nagdusa. Nakita ito ng buong
mundo kaya ang iba't ibang organisasyong pandaigdigan ay sumugod para tumulong. Nakatanggap tayo ng
napakaraming tulong mula sa kanila sa ano mang paraan. Pero, ang ilan sa kanila ay pilit inilalayo nila mula sa
pamahalaan ang tulong na para sa mga nasalanta. Bakit? Kasi sa irresponsibilidad ng pambansang pamahalaan na
rumesponde sa mga nasalanta nang agaran tulad ng pag-responde nang agaran ng ibang dayuhang pamahalaan sa
panahon ng kalamidad. Pilit na sinisisi nito ng pambansang pamahalaan sa mahihirap, mahihina at nasalantang lokal na
pamahalaan ng mga lugar na binagyo samantalang sira na ang buong sakop ng mga ito. May kakulangan din ang mga ito
sa equipment na makakatulong sa pagkuha ng mga nakakalat na labi ng mga namatay sa bagyo at sa mga nakaharang na
kalat sa mga kalsada na magagamit sana paghatid ng mga tulong sa mga nasalanta.
Ang hindi naiintindihan ng pamahalaang pambansa, ay walang malakas na awtonomiya ang mga local na
pamahalaan kaya mahina lamang ang mga ito. Nasalanta rin ang lokal na pamahalaan at sila pa ang humihingi ng tulong
mula sa pambansang pamahalaan. Hindi rin maka-communicate ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa
pambansang pamahalaan tungkol sa mga tulong na kailangan nila dahil nawalan din ng linya ng komunikasyon sa mga
nasalantang lugar ng ilang araw. Kung mayroon lang ding sapat na awtonomiya ang mga lokal na pamahalaan sa
pamamagitan ng Region-based decentralization e di sana, nakapaghanda na rin nang maayos ang mga ito sa una pa
lamang. Mabilis din dapat rumisponde ang pamahalaang pambansa at naipadala na dapat ang sapat na supplies at
generator sa mga lokal na pamahalaan lalong-lalo na sa mga ospital. Matuto rin sana tayo sa mga naunang kalamidad
doon sa bansang Japan at Estados Unidos sa kung paano sila rumesponde pagkatapos ng kalamidad, buti pa roon ay
organisado ang pagresponde. Hindi din dapat puro sisihan na lamang sa mga pamahalaan ang mabagal na pagresponde
ng mga ito dahil nasalanta rin ito ng bagyo at dahil responsibilidad na rin ng pambansang pamahalaan ang pamamahagi
ng tulong sa mga taong nasalanta ng bagyo.
Nakita rin natin na may kawalan ng seguridad ang pagpapadala ng tulong sa mga binagyong lugar kaya muntikan
na rin itong sugurin ng mga rebeldeng makakaliwa at iilan pang armadong grupo na napapabalita sa telebisyon.
Nagkaroon pa ng kaguluhan sa mga iilang lugar tulad ng Tacloban na parang walang namumuno roon. Dahil na rin ito sa
nasalanta ang lokal na pamahalaan na bahagyang nagdulot ng pansamantalang pagkaparalisado nito. Dapat din kasi,
nagpadal na rin ng mraming sundalo at karagdagang pulis sa mga lugar na binagyo para mapanatili ang kaayusan doon
nang agaran kahit nung unang araw pa lamang pagkatapos masalanta ng bagyo ang mga lugar na iyon.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nakakabangon ang ilan sa mga nasalanta at karamihan sa kanila ay nag-evacuate
na sa ibang lugar dahil sa kalunos-lunos na iniwan ng bagyong Yolanda doon. Mas mapapabilis din ang pagbangon ng
mga lugar na nasalanta kung walng mga pang-ekonomiyang paghihigpit sa pagmamay-ari ng negosyo na nakasaad sa
saligang batas dahil ang mga lokal na namumuhunan ay hindi sapat dahil sa napakalaking pagkaluray at pagkawala ng
imprastruktura na nagresulta mula sa bagyong ito.
Pinagkunan: correctphilippines.org, 2013
Case Study #3
“Bagyong Ondoy”
Sa pagtaya ng PAGASA, umabot sa 341.3 mm ang dami ng ulan na ibinuhos ni “Ondoy” sa Quezon City. Halos
katumbas nito ang 391.7 mm average na ulan na ibinuhos ng pinagsama-samang mga bagyo noong 2009.
Sa mga panahong ito naramdaman ng mga Piipino ang kapabayaan ng bawat isa na pangalagaan ang kapaligiran
at mahalin ang kalikasan.

Panoorin at Suriin Natin


1. Panoorin ang pelikulang “Taklub” na idinirehe ni Brillante Mendoza at pinagbibidahan ni Nora Aunor.
2. Gumawa ng pansariling Rubrik sa panunuri ng pelikula.
3. Sumulat ng isang suring-pelikula na nagbibigay sa sanhi at bunga ng madalas ng madalas na pagbagyo sa
Pilipinas. Iugnay ito sa mga damdamin ng mga biktima ng bagyo sa pelikulang Taklub.

MODYUL 2:
Ang Pabago-bagong Kalagayan ng Klima sa Bansa at Pag-init ng Daigdig
Mga Layunin:
1. Nasusuri ang mga sanhi at bunga ng pabago-bagong kalagayan ng klima sa bansa
2. Nakabubuo ng mga mungkahing gawain upang maiwasan ang epekto ng pag-init ng daigdig
3. Naaako ang responsibilidad ng pabago-bagong kalagayan ng klima sa bansa at pag-init ng daigdig
4. Naisasaayos ang mga hakbangin upang maiwasan ang epekto ng pabago bagong kalagayan ng klima sa bansa
at pag-init ng daigdig
5. Nakasusulat ng mga pamamaraan upang mabigyang solusyon ang mga kaso ng pagbabago ng klima at pag-init
ng daigdig
Taluntunin natin
Makikita sa litrato sa ibaba ang mga sanhi at bunga ng pagbabago ng klima. Ilarawan ang bawat isa.
Pahalagahan Natin
Sa iyong pamamaraan, paano ka makatutulong upang maiwasan ang pagbabago ng klima at pag-init ng daigdig?
Ilista mo ito sa sa talahanayan sa ibaba at ibahagi sa klase.
Subukan Natin
I. Sagutin ang bawat tanong.
1. Ano ang climate change?
2. Bakit nagaganap ang climate change?
3. Ano-ano ang mga epekto ng climate change sa Pilipinas?
4. Paano nagaganap ang global warming?
5. Paano binibigyan ng solusyon ng pamahalaan ang isyu sa climate change sa Pilipinas?
II. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat pahayag.
______________1. Ito ang naranasang pagtaas ng temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo.
______________2. Sinasalo at kinukulong ng mga ito ang infrared radiation mula sa init ng araw habang tinitiyak na may
sapat at katamtamang init na pumapasok at napapanatili sa daigdig para magpatuloy ang buhay rito
______________3. Natural na proseso kung saan ang mga elemento mula sa crust o mantle ng mundo ay ibinubuga
palabas gaya ng pagputok ng bulkan
______________4. Elementong may kinalaman sa 60% ng paglala ng greenhouse effect.
______________5. Sakit na lumalaganap sa pagkakaroon ng climate sensitive diseases
______________6-9. Mga gas na pangunahing sanhi ng paglaganap ng climate change
______________10. Ito ang nagpapabago sa posisyon ng kalupaan at mga area ng katubigan.
______________11-15. Ito ang mga malalaking epekto o implikasyon ng pag-init ng mundo at pagbabago ng klima.
III. Pangkatang Gawain
1. Bumuo ng apat na pangkat at gumawa ng mga hakbangin upang maiwasan ang epekto ng pabago-bagong
kalagayan ng klima sa bansa at pag-init ng daigdig.
2. Iayos ang nabuong hakbangin ayon sa inyong prayoridad at iulat ito sa klase.
Solusyunan Natin
Pag-aralan ang mga sumusunod na kaso at ibahagi sa klase ang maaari mong gawin upang masolusyunan ang mga ito.
Case Study # 1
Ang pagtaas ng halaga ng tubig dahil daw ito sa pagkasaid ng mga groundwater at pagkakaroon ng El Niño
Phenomenon o tag-tuyot.
Case Study # 2
Paniniwalang isa sa mga epekto ng climate change ay ang di mapigil na pagtaas ng presyo ng kuryente
Case Study # 3
Ang polusyon sa hangin at katubigan na nagmumula sa mga pabrika. Ang maling pagpapatapon ng mga basura
at paggamit ng kemikal.
Case Study # 4
Ang paggamit ng plastik at Styrofoam sa mga kainan o fastfood ay isa rin daw sa mga nakakaapekto na dahilan
ng global warming.
Panoorin at Suriin Natin
Panoorin sa Youtube ang dokumentaryong “Paghihiganti ng Kalikasan”. Gumawa ng isang pagsusuri nito at iulat
sa klase.
MODYUL 3:
Wastong Pagtatapon ng Basura (Waste Management)
Mga Layunin:
1. Nasusuri ang lumalalang problema ng Pilipinas sa basura
2. Nakabubuo ng disenyo na makatutulong sa paglutas ng suliranin ng bansa sab asura
3. Napahahalagahan ang mga adbokasiya ng bawat isa sa paglutas ng problema sa basura
4. Nakasusulat ng isang bukas na liham para sa mamamayang Pilipino tungkol sa “Waste Mangement” sa
pamamagitan ng blog
5. Nakagagawa ng solusyon sa mga case-study na inilahad sa aralin
Taluntunin Natin
“Nasubukan n’yo na bang maligo sa dagat ng basura?” Isang pamilyar na linya mula sa isang campaign jingle ng
isang kandidato sa pagka-Pangulo noong 2010 eleksiyon. Pumukaw ito sa imahinasyon ng maraming Pilipino. Subalit,
ano kaya ang itsura ng isang ga-dagat na basura?
Suriin ang larawan at ilahad sa klase ang iyong napuna.

Pahalagahan Natin
Sumulat ng isang bukas na liham sa inyong barangay chairman upang maipatupad nang ganap ang Republic Act
Blg. 9003 at magbigay ka ng mga mungkahing pamamaraan upang makiisa ang lahat ng mga kasapi ng inyong barangay.

Tapat Ko, Linis…


Subukan Natin
I. Sagutin ang bawat tanong.
1. Bakit itinuturing na isa sa pinakamalaking suliraning ng ating bansa sa kasalukuyan ang basura?
2. Ano-ano ang uri ng basura na itinatapon natin? Paano ito nakakaapekto sa ating kabuhayan?
3. Ano-ano ang kahulugan ng 3-Rs? Paano ito ipinatutupad ng ating pamahalaan?
4. Bakit tinutulan ng mga mamamayan ng Tarlac ang pagbubukas ng sanitary landfill sa Clark Special Economic
Zone?
5. Bakit hindi dapat tangkilikin ang mga produktong yari o gawa sa plastik?
II. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat pahayag.
______________________1. Ang average ng basura na nagagawa ng isang tao kada araw sa Metro Manila
______________________2. Noong 2004, ayon sa Asian Development Bank, ito ang kabuuang bilang ng basura na
itinatapon sa mga lupa, ilog, sapa, at sa Manila Bay
______________________3. Ang pinakamalaking uri ng basura na itinatapon natin
______________________4. Ang bilang ng plastic planktons sa bawat isang plankton sa katubigan ng Manila Bay
______________________5. Ang batas na nag-uutos sa paghihiwa-hiwalay ng mga basurang nabubulok, di-nabubulok,
at resiklo
______________________6. Ang batas na nagpapatupad ng multa sa maling pagtatapon ng basura
______________________7. Ang batas tungkol sa proyektong “Tapat Ko, Linis Ko”
______________________8. Ang batas tungkol sa sa pagpapanatili ng malinis na tubig sa Pilipinas.
______________________9-10. Mga batas tungkol sa pag-iingat ng mga mga korales sa Pilipinas.
III. Pangkatang Gawain: Saliksikin ang nilalaman ng mga batas sa ibaba at pag-usapan ang mga dapat gawin upang ito ay
maipabatid sa mga mamamayang Pilipino. Iulat sa klase ang mga natuklasan.
1. P.D. Blg. 1151
2. P.D. Blg. 1152
Solusyunan Natin
Pag-aralan at pagtalunan ang mga sumusunod na mga batas.
Case Study #1
P.D. 1219 at P.D. 1698 o “Coral Resources Development and Conservation Decree”
Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga yamang koral sa katubigan ng Pilipinas. Ang mga koral na
siyang tahanan ng mga isda ay mahalagang salik na nagdedetermina ng dami at ng kalusugan ng mga isda at iba pang
yamang-dagat. Ang siyang naatasan bilang pangunahing tagapangasiwa ng mga koral sa katubigan ng Pilipinas ay ang
Bureauof Fisheries and Aquatic Resources. Mahigpit na ipinagbabawal ng batas na ito ang pangongolekta, pagbebenta,
at pagluluwas ng mga koral mula sa mga katubigan sa Pilipinas. Bawal na bawal din ang paggamit ng koral sa paggawa ng
mga estruktura. Maaaring bigyan ng pamahalaan ng permiso ang mga kilalang pang-akademikong institusyon na
mangolekta ng limitadong suplay ng koral sa mga layuning may kinalaman sa pag-aaral at pananaliksik. Ang lumabag sa
batas na ito ay mahahatulan ng hindi bababa sa 60 araw at higit 6 na taon na pagkabilanggo o pagbabayad ng multa na
hindi bababa P60,000. Pinatupad ang batas na ito sa ilalim ng pamunuang Marcos noong 1977, at inamyendahan ang
ilang mga probisyon ditto noong 1980 sa ilalim ng PD 1698.

Marami parin ang nagtatapon ng basura sa ating karagatan at illegal na kumukuha ng mga koral upang ibenta sa
mataas na halaga. Paano mo ito mabibigyan ng solusyon?

Case Study #2
R.A. 9275 o “Philippine Clean Water Act”
Ang batas na ito ay bilang pagkilala sa kahalagahan sa proteksiyon ng mga yamang-tubig at ng mga katubigan sa
Pilipinas. Bilang tugon ditto, isinasaad ng Philippine Clean Water Act na kailangang magbuo ng mga plano tungo sa
pangmatagalan at pangmalawakang paghadlang sa pagdumi ng mga katubigan sa Pilipinas at pagtukoy at paglinang ng
mga magandang alternatibo sa mga gawaing kilala bilang sanhi ng polusyon sa katubigan. Kabilang na rin sa batas na ito
ang pagpapalaganap ng impormasyon sa publiko sa kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan ng mga tubig. Ang ilan
pang nilalaman ng batas na ito ay ang pangangasiwa ng sistema ng mga sewerage, paniniguro ng kalinisan ng mga tubig
na ginagamit bilang inumin, at paggawa ng mga Environmental Impact Assessment sa iba’t ibang kritikal na lugar na
malapit sa katubigan sa Pilipinas. Ang batas na ito ay ipinatupad noong Marso 2004.

Panoorin at Suriin Natin


I. Paanoorin sa Youtube ang “Ilog ng Basura: Documentary on Waste Management” sa direksiyon ni Rocky
Kabigting.
II. Sumulat ng isang bukas na liham para sa mga mamamayang Pilipino tungkol sa napanood at ilagay ito sa blog.
III. Ihandang ibahagi ang blog sa mga kamag-aral.

MODYUL 4:
Deforestation
Mga Layunin:
1. Nailalarawan ang konsepto ng deforestation sa bansa
2. Nasusuri ang epekto ng deforestation sa buhay ng bawat Pilipino
3. Napapahalagahan ang mga batas na nangangalaga sa mga puno at iba pang yamang likas
4. Nakasusulat ng isang bukas na liham sa mga nagpuputol ng puno
Taluntunin Natin
Suriin ang mga larawan at ilahad sa klase ang mensahe ng bawat isa.

Pahalagahan Natin
Isulat ang iyong saloobin tungkol sa pagpuputol ng mga puno kapalit ang industriyalisasyon sa bansa.
Subukan Natin
I. Sagutin ang bawat tanong.
1. Ano ang deforestation?
2. Paano nangyayari ang deforestation sa bansa?
3. Paano nakakaapekto ang deforestation sa buhay ng mga Pilipino?
4. Bakit malaking isyu ang deforestation sa Pilipinas?
5. Paano ipinatutupad ng pamahalaan ang mga batas laban sa deforestation?
II. Isulat sa kahon ang mga Mabuti at masamng epekto ng deforestation.
Kabutihan ng deforestation Kasamaang dulot ng deforestation
1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

III. Sumulat ng mga paraan upang malabanan ang deforestation sa bansa.


1.
2.
3.
4.
5.
IV. Pangkatang Gawain. Saliksikin at iulat sa klase ang mga kasalukuyang isyu sa kabundukan ng:
a. Cagayan de Oro
b. Quezon
c. Cordillera
d. Rizal
Solusyunan Natin
I. Pag-aralan ang mga sumusunod na mga batas at pag-usapan sa klase kung paano maipatutupad nang tama ang mga
ito.
Case Study #1
Panoorin at Suriin Natin
Gumawa ng isang panunuring pelikula batay sa paksa ng mga sumusunod.
1. Doon sa Kabila ng Bulkan (1997)
Isang animation sa direksiyon ni Ellen Ramos
2. Muro Ami (1999)
Pelikulang pinagbidahan ni Cesar Montano
Sa direksiyon ni Marilou Diaz-Abaya

MODYUL 5:
Isyu sa Kalamidad (Lindol)
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga uri ng kalamidad na nararanasan sa Pilipinas
2. Nasusuri ang epekto ng kalamidad sa kabuhayan ng bansa
3. Nakagagawa ng mga alternatibong paraan upang paghandaan ang mga paparating na kalamidad sa bansa
4. Nakasusulat ng sanaysayna nagbibigay impormasyon sa mga nararapat gawin kapag lumilindol
5. Napapahalagahan ang mga proyekto ng pamahalaan tungkol sa kalamidad
Taluntunin Natin
Pag-usapan ang mga larawan sa ibaba. Alamin ang mga pangyayaring naganap sa mga ito.
Pahalagahan Natin
Sumulat ng isang sanaysay na nagbibigay impormasyon sa nararapat gawin kapag lumilindol. Pahalagahan ito sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng inyong saloobin sa paksa.

Subukan Natin
I. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1. Bakit dapat paghandaan ang pagdating ng iba’t ibang kalamidad?
2. Paano maiiwasan ang mga pinsalang dulot ng kalamidad?
3. Paano mapapanatili ang kahinahunan sa panahon ng lindol?
4. Gaano kahalaga ang disaster kit sa panahon ng kalamidad?
5. Paano mo ihahanda ang iyong sarili sa panahon ng lindol?
II. Isulat sa talahanayan ang mga dapat mong ihanda sa panahon ng lindol?
Ang aking mga ihahandang gamit
1. 6. 11.
2. 7. 12.
3. 8. 13.
4. 9. 14.
5. 10. 15.
Ang aking gagawin habang lumilindol
1.
2.
3.
4.
5.
III. Pangkatang Gawain
1. Gumawa ng isang simulation na nagpapakita ng mga pangyayari kapag lumilindol.
2. Ipakita ito sa klase at talakayin.
Solusyunan Natin
Case Study # 1
Batay sa dami ng lindol na yumanig sa ating planeta, makatuwirang sabihin na lilindol pa sa mga darating na
taon. Diretsahang sinabi ng U.S. Geological Survey: “Magkakaroon pa ng malalakas na lindol gaya ng mga nangyari
noon.” Paano mo ito paghahandaan?
Case Study # 2
Posibleng tamaan ng 7.2 magnitude ng lindol ang Metro Manila at mga karatig lugar. Batay ito sa pagtaya ng
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) sa lakas ng lindol sakaling gumalaw ang West Valley Fault
na tumatahak sa silangang bahagi ng Metro Manila at ilang bayan sa Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna.
Ayon sa PHILVOCS Director Renato Solidum, hindi kayang i-predict kung kalian magaganap ang isang lindol
subalit
Panoorin at Subukan Natin
1. Panoorin ang pelikulang “San Andreas” na pinagbibidahan ni Dwayne Johnson.
2. Gumawa ng reaction paper batay sa napanood na pelikula
3. Panoorin ang Red Alert sa Youtube (www.youtube .com/watch?=rQhHL6xfs) at gumawa ng ulat batay ditto

MODYUL 6:
Pagmimina
Mga Layunin:
1. Naipaliliwanag ang proseso ng pagmimina sa Pilipinas
2. Nasusuri ang mga batas tungkol sa pagmimina
3. Nakabubuo ng mga hakbangin tungkol sa pagsusulong ng mga panukalang batas laban sa illegal na pagmimina
4. Napahahalagahan ang mga pamamaraan sa pangangalaga ng ating likas na yaman
5. Nakasusulat ng sanaysay na nagpapatibay sa mga batas patungkol sa pagmimina
Taluntunin Natin
Basahin at bigyan ng reaksiyon ang balita sa ibaba.
Panukalang-batas sa pagmimina, tinatalakay sa Kongreso
Nakasalang sa Kongreso ang panukalang-batas na naglalayong baguhin at palitan ang RA 7942. Noong Pebrero
22, 2011 inaprubahan ng Congressional Committee on Natural Resources ang pinagsamang bersiyon ng House Bills (HB)
4315 o People’s Mining Bill, HB 3763, at HB 206 bilang Philippine Mineral Resources Act of 2012. Kasama sa mga
panukala ng People’s Mining Bill ang sumusunod:
 Sentralisado at estratehikong plano para sa pambansang industriyalisasyon at industriya ng pagmimina
 Suporta para sa modernisasyon ng agrikultura, reporma sa lupa, at seguridad sa pagkain
 Pagtiyak ng malawak na konsultasyon sa mamamayan sa mga proyekto
 Pagpapalawak ng mga “no mining” zone
 Pagkilala sa Karapatan ng mga katutubo, IP, lokal na pamahalaan, at komunidad
 Pagsawalang-bisa ng kontrobersyal na Financial and Technical Assistance Agreement sa RA 7942
 Pagpapataw ng mas matataas na buwis at bayarin sa mga kompanya
 Mas mataas na environmental standards
 Pagbibigay-prayoridad sa Karapatan ng mamamayn sa malinis na tubig
 Suporta para sa pag-unlad ng lokal na agham at teknolohiya
Pahalagahan Natin
Sumulat ng isang sanaysay na nagpapahalaga sa gawaing “tigil-mina”. Gawing batayan ng sanaysay ang nasa
ibaba.
Tinig ng mga lokal na pamahalaan: Tigil muna sa pagmimina!
Dumarami na ang bilang ng mga lokal na pamahalaan na tumindig laban sa pagmimina. Mula 1999 hanggang
kaslukuyan, may mga sampung Sangguniang Panlalawigan na nagpataw ng “tigil mina” sa kani-kanilang lugar, karamihan
ay mula 25 hanggang 50 taon. Pinagbawalan ang nakapipinsalang pamamaraan na “open pit mining” sa Zamboanga del
Norte at South Cotabato. Narito ang talaan ng LGUs na may mining moratorium at taon kung kalian ito ipinatupad.

Probinsya Taon
Romblon 2011
Negros Occidental 2011
Batangas 2011
Zamboanga del Norte 2011
Albay 2011
South Cotabato 2010
Calabanga, Camarines Sur 2010
Mindoro Occidental 2009
Mindoro Oriental 2008
Marinduque 2005
Samar Province 2003
Eastern Samar 2003
Capiz 1999
Subukan Natin
I. Sagutin ang bawat tanong.
1. Ano-ano ang mga paraan ng pagmimina? Ipaliwanag ang bawat isa.
2. Paano nakasasama at nakabubuti ang pagmimina sa bansa?
3. Bakit nais ipagbawal sa ibang lalawigan sa bansa ang pagmimina?
4. Paano lalabanan ng mga mapagmahal sa kalikasan ang mga higanteng kapitalista ng minahan?
5. Ano ang R.A. 7942? Bakit nais itong baguhin ng mga anti-mining organization?
II. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat patlang.
________________1. Pagmiminang kadalasang ginagamit sa pagkuha ng uling sa lupa
________________2. Paghuhukay sa mga minahang pinagkukunan ng mga mineral na ginagamit sa pagtatayo ng gusali
________________3. Pagmiminang isinasagawa sa pamamagitan ng pagkayod ng lupa mula sa ibabaw ng lupa
________________4. Ang chairman ng Philex Mining Corporation
________________5. Pagmiminang ginagawa sa pamamagitan ng paghuhukay sa ilalim ng lupa.
III. Lagyan ng bituin ang kahon kung mabuting epekto ng pagmimina sa isinasaad ng bilang at diamond naman kung
masamang epekto ito ng pagmimina.

1. Nawawalan ng tirahan ang mga hayop

2. Nagbibigay ng hanapbuhay

3. Pagkawala ng tubig sa palayan

4. Nagbibigay ng malaking kita at buwis sa bansa

5. Namamatay ang mga isda sa ilog


IV. Pangkatang gawain: Saliksikin at isulat ang mga sumusunod na isyu tungkol sa mga sumusunod na batas sa
pagmimina.
1. R.A. 7942 (Mining Act of 1995). Nakasaad na lahat ng mga yamang-mineral sa pampubliko at pampribadong
lupa at kagubatan ay bukas sa mga usaping pinansyal o teknikal.
2. R.A. 7076 (People’s Small Scale Mining Law of 1991). Tuon sa mas maraming trabaho sa industriya ng
pagmimina.
3. Executive Order 2870 (Revitalization of the Mineral Industries). Responsableng pagmimina
Solusyunan Natin
Pag-aralan at pagtalunan ang mga sumusunod na mga kaso.
Case Study #1
Patakaran sa pagmimina, dapat baguhin na!
Noong Marso 3, 1995, isinabatas ang Republic Act No. 7942 o ang Mining Act of 1995 sa ilalim ng administrasyon
ni dating Pangulong Fidel Ramos. Ito ay sinuhayan ng sumusunod na mga pangulo at maging ng Korte Suprema noong
2004. Mula noon, isinulong ng gobyerno ang liberalisasyon ng pagmimina sa kabila ng matindi at malawak na pagtutol
ng mamamayan rito at halos taon-taong sakuna na dulot nito.
Labimpitong taon na ang nakalipas mula nang naisabatas ang RA 7942: labimpitong na puno ng trahedya,
kahirapan, pagkasira ng kalikasan at paglabag sa karapatang-pantao sa ngalan ng pagmimina para sap ag-export.
Iilan lamang ang nakinabang mula sa liberalisasyon ng pagmimina: mga dayuhang korporasyon at ang kanilang
lokal na kasabwat. Malinaw na ang natititrang 99% ng mamamayang Pilipino ay matagal nang kumikilos laban sa
pagkasira ng kalikasan at pandarambong ng ating likas na yaman. Naipamalas ito sa iba’t ibang uri at porma: mula sa
pagsampa ng kasong legal at mga panukalang-batas, kilos-protesta ng taong bayan sa kalunsuran, militanteng pagkilos
ng mga komunidad sa kanayunan kung saan ang mga operasyon ng pagmimina at iba pa.
Tumitindi ang pagkamuhi ng mamamayan. Tumitindi rin ang pagkaganid ng ilan. Sa ganitong kalagayan,
iminungkahi ni Pangulong Noynoy Aquino na magpataw ng panibagong Executive Order hinggil sa pagmimina. Totoo na
dapat nang baguhin ang kasalukuyang patakaran, pero hindi sa pamamaraan at direksiyon na gusto ng Chamber of
Mines at malalaking korporasyon: ang daan ng pagmimina sa eksport at dayuhang interest.
Ang matagal na nating panawagan ay ibasura ang RA 7942, magkaroon ng isang makamamayan, makakalikasan,
at makabayang patakaran sa pagmimina, at kagyat na itigil ang kasalukuyang umiiral na pagmimina, at para sa dayuhan.
Ang tamang daan ay patungo sa nasyonalisasyon, at hindi heneralisasyon, ng pagmimina sa bansa: pagtataguyod ng
pambansang industriyalisasyon para sa interes ng mga magsasaka, katutubo, manggagawa, mangingisda at iba pang
sektor ng lipunan.
Pinagkunan: Kalikasan Aler t- The Center for Environmental Concerns-Philippines
Case Study #2
Trahedya dulot ng pagmimina at ang mga inabandonang minahan
Ang pangakong pangangalaga ng pamahalaan upang mailayo ang bansa sa kapahamakan na dala ng pagbabago
ng klima at ng iba pang trahedya tulad ng lindol at pagbaha, ay nananatiling nakasulat lamang sa papel at hindi
naisasakatuparan.
Panoorin at Subukan Natin
1. Panoorin sa Youtube ang “Pagmimina Mo, Lason Namin”.
2. Gumawa ng isang pagsusuri at iulat sa klase.
3. Tipunin ang mga pagsusuring papel at ilagay ito sa iyong journal.
Aralin 2 Mga Isyung Pang-ekonomiya
MODYUL 7:
Kawalan ng Trabaho:
Isyung Pangkabuhayan
Mga layunin:
1. Natutukoy ang mga dahilan ng kawalan ng trabaho sa bansa
2. Nasusuri ang mga sanhi at bunga ng kawalan ng trabaho sa bansa
Taluntunin natin
Ano ang dalawang pangarap mong maging trabaho kapag ikaw ay nakatapos ng iyong pag-aaral? Isulat mo sa
ibaba at bigyan ng katuwiran kung bakit ito ang gusto mo.

Pahalagahan Natin
Sumulat ng isang personal na sanaysay batay sa pahayag na nasa kahon.

Ang kahirapan ang isa sa mabigat na problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng
mga pinuno ng bansa, pero sila ng aba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sab inga nila, “ang
katamaran ay katumbas ng kahirapan”, tama sila, at tama rin naman ang taong nagsasabing nasa gobyerno ang
pagkakamali.

Subukan natin
I. Sagutin ang bawat tanong.
1. Bakit malaking isyu ang kahirapan sa ating bansa?
2. Paano masasabi na ang kawalan ng trabaho ang isa sa mga ugat ng kahirapan sa ating bansa?
3. Gaano kahalaga ang trabaho sa bawat indibidwal at sa bayan?
4. Bakit lumalaki ang porsiyento ng bilang ng walang trabaho sa Pilipinas?
5. Paano ka makatutulong sa paglutas ng problema ng kawalan ng trabaho sa bansa?
II. Isulat sa “Flow Chart” ang sanhi at bunga ng kawalan ng trabaho.
Kawalan ng Trabaho

SANHI Kahirapan BUNGA


III. Pangkatang Gawain: Bumuo ng apat na pangkat at gawin ang sumusunod.

Sumulat ng mga solusyon upang mabawasan ang porsiyento ng kawalan ng trabaho sa bansa at iulat ito sa
klase.

1.

2.

3.

4.

5.
Solusyunan Natin:
Magsaliksik ng tungkol sa mga sumusunod at sa mga maaaring maging suliranin ng bawat kaso. Gawan ng
solusyon.
Case Study # 1
K to 12 – Magiging sanhi ba ng kawalan ng trabaho ng mga guro sa kolehiyo?
Case Study #2
Kotraktuwalisasyon, ugat ba ng kawalan ng trabaho ng mga Pilipino?
Case Study #3
Mag-aaral na nagsisipagtapos sa mga unibersidad at kolehiyo, hindi tumutugon sa pangangailangan ng ating
kabuhayan.
Panoorin at Suriin Natin
Gumawa ng isang reaksiyong papel at panunuring pelikula para sa mga sumusunod:
1. “Endo”
Dinirehe ni Jade Castro
Pinagbidahan nina Jason Abalos at Ina Feleo
2. “Atsay”
Dinirehe ni Eddie Garcia
Pinagbidahan ni Nora Aunor
3. “Minsan Lang Sila Bata” (Dokumentaryo)
Dinirehe ni Ditsi Carolino
MODYUL 8:
Globalisasyon
Mga Layunin:
1. Naipapaliwanag ang konsepto ng globalisasyon
2. Nasusuri ang mga katangian ng globalisasyon
3. Nakabubuo ng mga pahayag tungkol sa Mabuti at masamang epekto ng globalisasyon sa ating bansa
4. Nakagagawa ng mga hakbangin upang makalaban sa isyu ng globalisasyon
5. Napahahalagahan ang kakayahan ng mga Pilipino na labanan ang globalisasyon sa lokal at internasyonal na
aspeto
Taluntunin natin
Suriin ang karikatura at talakayin ang mensahe nito.

Pahalagahan Natin
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kakayahan ng mga Pilipinong manggagawa na labanan ang masamang
epekto ng globalisasyon.
Subukan Natin
I. Sagutin ang bawat tanong.
1. Ano ang globalisasyon?
2. Bakit nagaganap ang globalisasyon sa ating bansa?
3. Paano makalalaban ang Pilipinas sa epekto ng globalisasyon?
4. Bakit itinataguyod ng APEC ang globalisasyon?
5. Bakit tinatawag ng mga manggagawa na “digmaan mundial” ang globalisasyon?
II. Sumulat ng mga hakbangin upang maipatupad ng mga manggagawa ang kanilang layunin laban sa sa globalisasyon.
III. Pangkatang Gawain
1. Bumuo ng apat na pangkat at magsagawa ng iskit na nagpapakita ng mabuti at masamang epekto ng
globalisayon
2. Magsagawa ng kunya-kunyariang protesta ng mga manggagawa laban sa globalisayon
Solusyunan Natin
Bigyang solusyon ang mga sumusunod.
Case Study # 1
Paraan ng kontratuwalisasyon ng mga manggagawa sa SM Mall
Case Study # 2
Paraan ng liberalisasyon o malayang kalakalan sa Pilipinas
Case Study # 3
Ang kaso ng Coco Levy noong panahon ni Pangulong Arroyo
Panoorin at Suriin Natin
Sumulat ng reaksiyong papel batay sa mga sumusunod na pelikula.
“Ano’ng Trabaho ng Nanay Mo?”
Idinerehe ni Tita Rosel

“Maynila sa mga Kuko ng Liwanag”


Idinirehe ni Lino Brocka
Pinagbidahan ninaHilda Koronel at Bembol Rocco

“Sa Kuko ng Agila”


Idinerehe ni Rory Quintos
Pinagbidahan nina Vilma Santos at Claudine Barretto

MODYUL 9:
Ang Industriya ng Business Processing Outsourcing (BPO)
Mga Layunin:
1. Naipaliliwanag ang mga katangian ng industriya ng BPO
2. Nasusuri ang katayuan ng BPO sa industriya ng Pilipinas
3. Nakapagdididsenyo ng mga pamamaraan upang masolusyunan ang mga problema ng mga manggagawa ng
BPO
4. Napahahalagahan ang BPO bilang nangungunang industriya sa bansa
5. Nakapagsasagawa ng isang “panel discussion” tungkol sa kalagayan ng mga Pilipinong manggagawa sa
industriya ng BPO
Taluntunin Natin
Basahin ang isang maikling kuwento ng isang manggagawa sa isang call center ipahayag ang iyong opinyon
tungkol dito.
Si Mayla Bilang Call Center Agent
Pusikit pa ang dilim, binabaybay n ani Mayla (di-tunay na pangalan), 33-anyos, ang kahabaan ng EDSA. Madaling
oras pa noon, at puno parin ang mga bus na patungong Makati.
Hindi maiwasang mangamba ni Mayla. Inaasahan kasi niyang naglipana na ang mga holdaper, isnatser, at iba
pang “masasamang loob” na ang target ay mga tulad niyang empleyadong sa gabi ang trabaho.
Bukod sa pangamba tuwing nasa biyahe, nangungulila rin siya sa pamilya lalo na sa kanyang dalawang anak.
Hapunan na lamang sila nagkikita ng kanyang anak.
“Mahirap. Nagsasakripisyo na rin ang mga anak ko, pero pinipilit ko paring makaharap ko sila kahit isang beses
sa kainan,” ani Mayla. Ganito rin ang hinaing ng iba pa niyang mga kasamahan: Hindi nila maayos na nasusubaybayan
ang kanilang mga anak.
“Hindi naman puwedeng iasa lahat sa kasambahay ang pag-aalaga sa mga bata. Hindi niya maibibigay ang
pangangailangan ng isang bata sa tunay niyang ina,” aniya.
Isa si Mayla sa libo-libong mangagawa sa call center industry o Business Processing Outsourcing (BPO). Hirap
man sa baliktad nilang mundo, pipilitin nilang tanggapin ang kalagayan, na ang buhay nila bilang call center agent ay
nasa dilim kahit ang karamihan ay nasa sikat ng araw.
Sagot sa kawalang trabaho:
“Sa BPO, boses ang puhunan namin,” paglalahad ni Mayla. Maaaring makapasok (sa ganitong trabaho) ang sino
man, basta marunong mag-Ingles at hinde nakatapos ng kolehiyo. “High school graduate hanggang second year college,
puwede nang pumasok sa call center,” ani Mayla.
Hango sa “Baligtad na Mundo sa Industriya ng BPO ni Macky Macaspac”

Pahalagahan Natin
Ibigay ang iyong saloobin tungkol sa buhay ng isang manggagawa sa BPO sa pamamagitan ng isang sanaysay.

Subukan Natin
I. Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.
1. Bakit tinatawag na “sunshine industry” ang BPO?
2. Bakit nangungunang industriya sa Pilipinas ang BPO?
3. Bakit nasabi ng ating pamahalaan na ang BPO ang solusyon sa lumalaking problema ng kawalan ng trabaho ng
mga Pilipino?
4. Paano mailalarawan ang katayuan ng BPO bilang industriya sa Pilipinas?
5. Bakit maraming nagkakasakit na mga call center agent?
II. Enumerasyon. Isa-isahin ang mga sumusunod:
1-5. Karaniwang nakukuhang sakit ng isang call center agent.
6-10. Mga problemang kinakaharap ng mga manggagawa sa BPO
III. Pangkatang Gawain: Bumuo ng apat na pangkat at magsasagawa ng panel discussion sa klase. Pag-usapan ang mga
sumusunod.
1. Ang pagsasama sa kurikulum sa kolehiyo ng 21 yunit sa pagsasanay para sa mga call center agent. Dapat ba o
hindi?
2. Mga karapatan ng call center agent bilang mangagawang Pilipino. Dapat bang igiit o hindi?
Solusyunan Natin
Gawan ng pag-aaral ang mga sumusunod at pagkatapos ay ilahad sa klase.
Case Study #1
House Bill No. 3596 o Call Center and Consumer’s Protection Bill.
Case Study #2
Ang paglabag ng BPO sa Labor Code Articles 234-240
Case Study #3
Ana Carza vs. Telus
Narito ang pangyayari tungkol ayana Carza apat na apat na taong nagtatrabaho sa kompanyang Telus.
Pinagbintangan nag-disconnect si Carza sa isang tawag ng kliyente. "May mga nag bi-blink kasi sa computer na ginagamit
namin, tapos hindi nagblink 'yung gamit ko. Noong pindutin ko para tumanggap ng tawag, sinabihan akong
nagdisconnect daw ako ng tawag", ani Ana.
Kahit nangatwiran siyang hindi siya nag-disconnect ng tawag, hindi siya pinakinggan at hindi na pinabalik sa
kanyang puwesto. Matapos kausapin ng kanyang supervisor, inilagay siya sa floating status o preventive suspention. At
dahil sa hindi siya pinapagampan ng kanyang gawain kahit nasa loob ng opisina, kinasuhan ni Carza ang management ng
illegal dismissal sa National Labor and Regulation Commission o NLRC. Hanggang ngayon, nakabinbin parin ang kaso sa
naturang ahensiya.
“Constructive dismissal ang ginawa nila sa akin,” aniya.
Panoorin at Suriin Natin
“Sister Stella L”
Idinirehe ni Mike de Leon
Pinagbidahan ni Vilma Santos

“Mababangong Bangungot”
(Perfumed Nightmare)
Idinerehe ni Kidlat Tahimik
Pinagbidahan nina Kidlat Tahimik at Dolores Santamaria

“Working Girls”
Idinerehe ni Ishmael Bernal
Pinagbidahan nina Hilda Koronel, Rio Locsin, Gina Pareño, at Carmi Martin

“Call Center Girl”


Idinerehe ni Don Cuaresma
Pinagbidahan nina Pokwang at Jessy Mendiola

MODYUL 10:
Isyu sa Pork Barrel
(Sustainable Development Fund)
Mga Layunin:
1. Naipapaliwanag ang gamit ng suistanable development fund (pork barrel) sa ekonomiya ng Pilipinas
2. Nasusuri ang nilalaman at panuntunan sa paggamit ng pork barrel sa ekonomiya ng bansa
3. Nakagagawa ng mga hakbangin upang mabuksan ang kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa pork barrel
4. Napahahalagahan ang ginagawang pagsisiwalat ng mga katiwalian tungkol sa isyu ng pork barrel
5. Nakabubuo ng isang magtatanggol laban korapsiyong nagaganap sa paggamit ng pork barrel
Taluntunin Natin
Pag-aralan ang mga larawan at siyasatin ang mga di-kanais-nais na pangyayaring naganap sa mga proyektong ito
ng ating pamahalaan.
Pahalagahan Natin
Ipaliwanag sa loob ng kahon ang iyong gagawin sa sitwasyong ito.
“Kasama ka ng iyong kaklase sa paghingi ng pera sa kanyang tatay. Humingi siya ng P500.00 pambayad
ng inyong field trip. Alam mo na P250.00 lang ang halaga ng inyong field trip. Ano ang iyong gagawin at sasabihin
sa iyong kaklase? Bakit?
Subukan Natin
I. Sagutin ang bawat tanong.
1. Ano ang pork barrel scam?
2. Sino sina Janet Napoles at Benhur Luy? Ano ang naging kaugnay nila sa pork barrel scam?
3. Paano nabisto ang pork barrel scam ni Janet Lim Napoles?
4. Paano nsangkot ang mga mambabatas sa pork barrel scam?
5. Bakit nagkaroon ng reaksiyon ang sambayanan sa isyu ng pork barrel?
II. Isulat ang kahulugan ng mga sumusunod.
1. Pork Barrel –
2. PDAF –
3. Scam –
4. Bogus –
5. SARO –
III. Pangkatang Gawain. Bumuo ng apat na pangkat at pag-usapan ang testimonya ng mga testigo. Gumawa ng mga
hakbangin batay rito upang mabuksan ang kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa isyung ito. Iulat sa klase.
Mga Testimonya ng mga Testigo
Ayon sa isang whistleblower, ang mga hapunan niya kasama ng mga mambabatas ay nangyayari sa mga
mamahaling restaurant. Ayon sa kanya, siya ay inutusan din ni Napoles na bumili ng mga regalo para sa mga senador.
Ang isang regalo ay isang ball pen na Montblanc na nagkakahalagang 65,000 na uukitan ng pangalan ng senador. Ayon
sa kanya, si Napoles ay may isang pulang aklat na naglalaman ng mga record ng mga transaiksiyon nito sa mga
senador at kinatawan.
Ayon sa isang whistleblower, ang mga pangalan ng nakapasa sa mga board examination ng pamahalaan ay ginamit
bilang benepisyaryo ng mga ghost project ng mga NGO ni Napoles. Ito ay kinumpirma rin ng COA. Bukod ditto, ang
mga katulong, driver, at yay ani Napoles ay inutusan rin ni Napoles na mag-imbento ng mga pangalan ng mga pekeng
benepisyaryo.
Ang isang testigo ay nagsabing siya ay naghahatid ng mga milyong pisong cash sa chief of staff ng senador.
Ayon kay Luy, ang tsekeng mula sa pamahalaan ay minsang wini-withdraw nang cash o minsang nililipat sa isa pang
account sa bangko ni Napoles. Ang na-withdraw ng mga bag ng cash na mula sa P30 milyon hanggang P75 milyon ay
inilalagay ng mga empleyado ng JLN Corp. sa kama o bathtub kapag hindi na kasya sa vault ni Napoles.
Solusyunan Natin
Alamin ang mga detalye ng mga sumusunod at pagkatapos ay ilahad sa klase.
Case Study #1
Kaso ng pandarambong ni Sen. Franklin Drilon dahil sa sobrang taas ng presyong nagastos sa Iloilo Convention
Center (ICC). Ito ay paglabag sa Republic Act 7080 ang Anti-Plunder Act.
Case Study #2
Kaso ng graft at plunder ni Sen. Bong Revilla sa pagkakadawit nito sa pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles.
Kaugnay rin dito sina Sen. Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.
Case Study #3
Malampaya Scam
 Kasong plunder o pandarambong
 Gloria Macapagal-Arroyo, Janet Lim-Napoles, dating Executive Secretary Eduardo Ermita, dating Agrarian Reform
Secretary Nasser Pangandaman at Undersecretary Rafael Nieto, DAR finace officer Teresita Panlilio, former
Budget Secretary Rolando Andaya at Undersecretary Mario Relampagos.
 Mga pangulo at empleyado ng mga NGO ni Napoles: Evelyn De Leon, Jesus Castillo (Dalangpan Sang Amon Utod
Kag Kasimanwa Foundation), Lilian Espanol (Saganang Buhay sa Atin Foundation), Genevieve Uy (Kasaganahan
para sa Magsasaka Foundation), Ronald John Lim (Ginintuang Alay sa Magsasaka Foundation), Eulogio
Rodriguez (Gintong Pangkabuhayan Foundation), Lorna Ramirez (Masaganang Buhay Foundation), Ronald
Francisco Lim (Micro Agri Business Citizens Initiative), Simplico Gumafelix (Karanyaan Para sa Magbubukid
Foundation), John Raymond de Asis (Kaupdapan para sa Mangunguma Foundation)
Panoorin at Suriin Natin
Panoorin at sumulat ng reaksiyong papel batay sa tema ng pelikula.
1. “Magnifico”
Idinerehe ni Maryo J. delos Reyes
Pinagbidahan ni Jiro Manio
2. “Bayaning Third World”
Idinerehe ni Mike de Leon
Pinagbidahan nina Ricky Davao, Joel Torre, at Rio Locsin

MODYUL 11:
Polisiya sa Pagbubuwis at Patakarang Piskal
Mga Layunin:
1. Natatalakay ang mga polisiya ng pagbubuwis sa ating bansa
2. Nasusuri ang mga polisiya ng pagbubuwis sa ating bansa
3. Napahahalagahan ang mga taong matapat na nagbabayad ng buwis
4. Nakagagawa ng mga hakbangin upang maipabatid sa mga Pilipino ang kahalagahan ng pagbabayad ng buwis
Taluntunin Natin
Gumuhit ng karikatura na nagpapakita ng iyong pagkakaintindi kung bakit may buwis. Ipaliwanag ang kahulugan
nito.
Pahalagahan Natin
Isulat sa ibaba ang maaari mong gawin upang maipakita kung paano mo pahahalagahan ang mga taong matapat
na nagbabayad ng buwis.

Subukan Natin
I. Sagutin ang bawat tanong.
1. Bakit mahalaga ang pagbubuwis sa kabuhayan ng bayan?
2. Paano ipinatutupad ng ating pamahalaan ang patakarang piskal upang matamo ang maayos na kabuhayan ng
sambayanan?
3. Bakit may mga tiwaling Pilipino ang hindi nagbabayad ng buwis?
4. Paano kumikita ang pamahalaan? At paano ito ginagastos?
II. Gumawa ng mga hakbangin upang maipabatid sa mga Pilipino ang kahalagahan ng pagbabayad ng buwis.
III. Pangkatang Gawain
1. Bumuo ng apat na pangkat at gumawa ng placard ng nagsasaad ng kampanya laban sa tiwaling proyekto o
serbisyong ibinibigay ng pamahalaan.
2. Gumawa ng isang panawagan upang mabilis na maituwid o maitama ito ng ating pamahalaan
3. Ipakita ito sa klase, batay sa katuturan ng paksang Patakarang Piskal ng Pamahalaan.
Solusyunan Natin
Bigyang solusyon ang sumusunod na mga kaso.
Case Study # 1
Mga doctor na nababalitang mandaraya sa pagbabayad ng buwis.
Case Study # 2
Balikbayan Box, tinaasan ng tax-exemption ng Senado ng hanggang P150,000.
Case Study # 3
Pag-aralan ang naging kaso ni Manny Pacquiao sa BIR.
Panoorin at Subukan Natin
Panoorin at sumulat ng isang reaksiyong papel batay sa tema ng pelikula at iugnay ito sa paksang tinalakay.
1. “On the Job”
Idinerehe ni Erik Mati
Pinagbidahan nina Piolo Pascual at Gerald Anderson
2. “Ang Kwento ni Mabuti”
Idinerehe ni Mes de Guzman
Pinagbidahan ni Nora Aunor

You might also like