You are on page 1of 49

GRADE 10

MODYUL3
PAGHUBOG NG
KONSENSIYA
BATAY SA LIKAS
NA BATAS
MORAL Inihanda ni: G. Jade
T.Audan
LAYUNIN
SA MODYUL NA ITO, INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO ANG
MGA SUMUSUNOD NA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-
UNAWA
Nakikilala ang mga yugto ng konsensiya sa
pagsusuri o pagninilay sa isang pagpapasiyang
ginawa
Nakapagsusuri ng mga pasiyang ginawa batay sa
mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral.
Nakagagawa ng angkop na kilos batay sa
konsensiyang nahubog ng Likas na Batas Moral
Ano nga ba ang
konsensiya?
Ano ang Likas na Batas
Moral
Ang Likas na Batas Moral ay ang teorya na
nagsasabing taglay ng bawat isa sa atin ang
kaalaman ng tama at mali. Sinasabi dito na
dahil tayo ay nilikha ng Diyos, at dahil ang
lumikha ay mabuti at makatarungan, marapat
lamang na isipin na tayo ay ganoon din.
Bakit kailangan nating hubugin
ang ating konsensiya?
Nasubukan mo na bang tumawid sa kalsada
ng walang pedestrian lane, traffic enforcer na
nagbabantay at traffic light?
Ano ang nararamdaman mo?
Nakakatakot, Hindi ba?
Dahil wala tayong gabay na
nakikita? Ganayn ang buhay
kung hindi natin huhubugin ang
ating konsensiya.
Ang konsensiya ang nagsisilbing
warning sign ng tao. Ito ang
nagpapapalala sa atin na
kailangan nating maging
mapanagutan sa ating kalayaang
gumawa ng pasya.
Kung sa kalsada, ang traffic light
ay parang konsensiya, ito ang
nagpapalala sa atin na kung
kailan tayong puwede at hindi
puwede tumawid.
Para din itong pedestrian lane, na
nagpapaalala sa ating kung saan
tayo dapat tumawid.
Pag-isipan
Paano malalaman ng konsensiya
ang tama at mali?
Paano mahuhubog ng konsensiya
upang piliin ang mabuti?
Ano ang konsensiya?
Ang konsensiya ay ang munting tinig
sa loob ng tao na nagbibigay ng payo
sa tao at nag-uutos sa kaniya sa gitna
ng isang moral na pagpapasiya kung
paano kumilos sa isang kongretong
sitwasyon.
Ang munting tinig na ito ay hindi
lamang nagsasabi ng mabuting
dapat gawin o ng masamang
dapat iwasan kundi
nagpapahayag ng isang
obligasyon na gawin ang mabuti.
Sa pamamagitan ng konsensiya,
natutukoy ang kasamaan at
kabutihan ng kilos ng tao.
Ang konsensiya ay siang
natatanging kilos
pangakaisipan, isang
paghuhusga ng ating sariling
katuwiran (Clarke, 1997)
Malinaw sa atin ang sinasabi ng
konsensiya: “GAWINMO ANG
MABUTI AT IWASAN ANG
TAMA”
ngunit hindi ito nagbibigay ng
katiyakan na ang mabuti ang
pipiliin ng tao
Nagkakaroon ng
pagtitimbang sa TAM TAM
pamamagitan ng A A
tama o mali
KUNG MABUTI ANG
IKINIKILOS, nangangahulgan
iton na ang kaalaman ng tao
tungkol sa katotohanan ay tama.
Ngunit KUNG MASAMA ANG
IKINIKILOS, nangangahulugan
na taliwas sa katotohanan ang
taglay niyang kaalaman o hindi
pa gaanong katatag kaniyang
paninindigan sa mabuti.
Hindi lahat ng maling gamit ng
konsensiya ay maituturing na
masama.
May mga pagkakataong hindi ito
kinikilalang masama dahil sa
kamangmangan ng tao.
Kamangmangan
Ito ay kawalan ng kaalaman sa
isang bagay. Lumilitaw ito sa mga
pagkakataong kinakailangang
gamitin ang kaalaman sa isang
pagkakataon.
DALAWANG URI
NG
KAMANGMANG
AN
1. MADARAIG (vincible
ignorance
Ang kamangmangan ay madaaraig kung
mayroong pamamaraan na magagawa ang
isang tao upang malampasan ito at
pagkakaroon ng kaalaman mula dito ay
magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap
o pag-aaral.
Ang kamangmangan ay dahil na sa sariling
kapabayaan ng tao. May pagkakataon ang
tao na makaalam ngunit hindi nagbigay ng
panahon at pagsisikap upang malaman ang
tama o mabuti.
HALIMBAWA
Lumapit sa iyo ang iyong kapatid at
dumaing dahil sa sobrang sakit ng
kaniyang tiyan. Kitang-kita mo sa mukha
nito ang labis na paghihirap. Binuksan mo
ang lalagyan ng gamot at iba’t-ibang
gamot ang naroon.
Hindi ka tiyak kung alin sa mga ito ang
gamot para sa sakit ng kaniyang tiyan.
Ano ano ang iyong gagawin?
Kung pag-iisipang mabuti, hindi nararapat
na painumin ng gamot ang iyong kapatid
dahil hindi ka tiyak sa kung ano ang
ipaiinom sa kaniya.
Kung magpapadalos-dalos sa pasiya sa
pagkakataong ito, maaaring maging
mapanganib ito sa iyong kapatid. Kung
kaya’t hindi puwedeng ipainom ang gamot
kung wala kang katiyakan.
2. DI MADARAIG (invincible
ignorance)
Ang kamangmangan ay hindi
madaraig kung walang
pamamaraan na magagawa ang
isang isang tao upang ito ay
malampasan
Ito ang kamangmangan na
bumabawas o tumatanggal sa
pananagutan ng tao sa
kaniyang kilos o pasiya.
Ang paghuhusga ng tama ng tao
sa isang bagay na buong
katapatan na pinaniniwalaan na
tama ay hindi maituturing na
pagkakamali. Hindi masisisiang
tao sa kaniyang kamangmangan .
Hindi masisisiang tao sa
kaniyang kamangmangan .
HALIMBAWA

Nagbibigay ka ng pera sa isang batang


namamalimos sa kalye dahil labis ang awa
na iyong nararamdaman para sa kaniya.
Nakaramdam ka ng gaan ng pakiramdam
dahil sa iyong pagtulong.
Paglipas ng ilang araw
nalaman mo na sila ang mga
bata na namamalimos upang
ipambili ng rugby.
Maaaring makaramdam ka ng
panandaliang pagsisisi dahil naisip mo
na nagbigay ka upang maipambili nila
ng rugby, ngunit hindi maituturing na
masaka ang iyong kilos dahil wala ka
namang kaalaman tungkol dito noong
nagbigay ka ng pera.
Mag-iiba na ang sitwasyon
kung ipagpapatuloy mo ang
pagbibigay ng pera sa kanila sa
kabila ng pagkakaroon mo ng
kaalaman.
Kung nais na makatulong,
magbigay na lamang ng pera
sa halip na pagkain.
Sa pagkakataong ito, hindi
nawawalan ng Karangalan ang
konsensiya dahil tungkulin
mong sundin ang iyong
konsensiya kahit ito ay mali.
Ito ay dahil sa pagkakataong
ginwa ang pagpili,
pinaniniwalaan mong tama at
mabuti ang iyong ginawa.
Ang mahalaga ay ang
magkaroon ng pananagutan
upang ituwid ang iyong
pagkakamali matapos mong
malaman ang katotohanan
(Lipio, 2004, ph,33)
Kung ang kamangmangan ay
madaraig at hindi nagsikap ang
tao na malampasan o kaya’y
binalewala niya ito, hindi
nababawasan ang kaniyang
pananaguta.
Kung ang kamangmangan naman
ay hindi madaraig, binabawasan
nito kung hindi man matanggal
ang pananangutan ng tao sa
kaniyang maling pasiya o kilos.
Sa mas madalas na pagkakataon ay
madaraig ang kamangmangan ng tao .
Nangangahulugan ito na may kakayahan
ang lahat ng tao na mas mapalalim ang
kaniyang kaalaman upang magamit niya
ng wasto ang kaniyang konsensiya.
Mahalagang maglaan ng panahon
at pagsisikap upang madagdagan
ang kaalamn na mahubog ang
ating konsensiya.
Ang hamon sa atin ang hindi
lamang sundin ang konsensiya
kundi HUBUGIN ito.
SAGUTIN
1. Ano ang pangunahing tungkulin ng konsensiya?
2. Ipaliwanag ang pagkakaiba kamangmangang
madaraig at kamangmangang di madaraig gamit ang
isang halimbawa.

3. Paano huhubugin ang konsensiya ng tao upang


kumiling ito sa mabuti?
Sanggunian

EsP – Modyul para sa mag-


aaral 10

You might also like