You are on page 1of 18

Department of Education

10 National Capital Region


S CHOOLS D IV IS ION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Mga Kontemporaryong Isyu
Unang Markahan – Modyul 3

Manunulat: Jennifer S. Evangelista


Tagaguhit ng Kober: Nathalia A. Malaga

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Sa modyul na ito ang mga mag-aaral ay nilalayon na magkaroon ng


kaalaman at kasanayan sa mga paghahandang nararapat gawin sa mga panganib
na dapat harapin dulot ng mga suliraning pangkapaligiran. Matatandaan sa
nakaraang modyul, naibahagi ang mga kaalaman sa kalagayang pangkapaligiran
ng Pilipinas at ang pagtugon na inaasahan sa bawat isa na siyang magiging
pangunahing kaalaman na iyong magagamit sa paghahanda sa pagharap sa mga
nakaambang suliraning pangkapaligiran na maaring makapagdulot ng malaking
pinsala sa buhay at ari-arian ng tao.

Ang Modyul na ito ay binubuo ng mga paksang may kinalaman sa mga


Paghahanda sa Pagharap sa mga Panganib na Dulot ng Suliraning
Pangkapaligiran

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang;


1. nalalaman ang iba’t-ibang uri ng kalamidad na nararanasan
sa komunidad at sa bansa;
2. nasusuri ang mga panganib na dulot ng suliraning
pangkapaligiran;
3. natutukoy ang mga ligtas na lugar, mga dapat gawin sa oras ng
panganib dulot ng suliraning pangkapaligiran;
4. natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa mga
panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran.

Subukin

Gawain: Lamang ang may Alam


Punan ang talahanayan ayon sa hininging nararapat gawin.

Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal na madalas daanan ng bagyo na


nakakapaminsala sa buhay at ari-arian.

Ang lungsod ng Marikina ay isa sa mga lugar na nakaranas ng mga


mapaminsalang bagyo, at ang pinsalang ito ay lalo pang pinaiigting ng Ilog sa
Marikina. Ano ang iyong nararapat gawin kung may nakaambang panganib tulad
ng bagyo?
Lungsod ng Bago ang Bagyo Habang Pagkatapos ng
Marikina Bumabagyo Bagyo

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin
Paghahanda sa Pagharap sa Panganib
1 Dulot ng Suliraning Pangkapaligiran

Ang Kontemporaryong Isyung Panlipunan ay naghahatid sa pagkakamit ng


kakayahang makaunawa at makapagsuri ang bawat isa ng mga kaalamang may
kaugnayan sa mga isyu, at hamon napapanahon na nakakaapekto sa tunguhin ng
lipunan at mga bumubuo nito. Binibigyang pansin ang pagkakamit ng kaalaman,
pag-unawa at pagpapahalaga sa mga usaping pampulitika, karapatang pantao,
edukasyon, pananagutang sibiko at pagkamamamayan sa paraang obhektibo,
mapagsiyasat, mapanuri at mapanaliksik patungo sa matalinong pagpapasya.

Balikan

Punan ng tamang salita ang hinihingi ng patlang sa bawat bilang.

_______________1. Ang klima ng Pilipinas kung saan isa ito sa dahilan kung
bakit madalas makaranas ng bagyo ang bansa.

________________2. Batas na binuo upang magkaroon ng maayos na Solid Waste


Management sa bansa.

________________3. Dito nabubuo ang bagyo kung saan nagtatagpo ang mainit at
malamig na hangin.

________________4. Sangay ng pamahalaan na nagsusuri, nagbabantay at


nagpapangalan sa bagyo.

________________5. Sangay ng pamahalaan na nagsusuri, nagbabantay sa mga


paggalaw ng lupa at lindol.

________________6. Ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa


dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin.

________________7. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng


kalikasan o gawa ng tao.

________________8. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng


panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-
ekonomiya.

________________9. Tumutukoy ito sa kakayahan ng pamayanan na harapin


ang mga epekto na dulot ng kalamidad.

________________10. Tumutukoy ito sa tao, lugar, at imprastruktura na may


mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin

http://www.sangguniangkabataan.civika.com/wp-content/uploads/2012/02/brgy-disaster-risk-mgt-manual.pdf

Nakaranas ka na ba ng bagyo? Maaaring pamilyar ka sa mga epekto ng


kalamidad na dulot ng bagyo tulad ng nakikita sa larawan sa itaas. Ang lungsod ng
Marikina ay dumanas na ng mga matitinding kalamidad at isa na dito ang hindi
malilimutan na bagyong Ondoy noong Setyembre 2009. Hindi inasahan ng
maraming residente ang mabilis na pagtaas ng tubig baha. Mula nang maranasan
ang matinding pinsala ng bagyong Ondoy, pinaigting ng pamahalaan ang
kampanya nito sa Disaster Risk Reduction Management. Walang sinuman ang
nakakaalam kung kaIlan tatama ang isang kalamidad o kung saan man ito
maranasan kung kaya’t ang paghahanda sa mga panganib na maaaring idulot nito
ang siyang marapat na palakasin. Ikaw handa ka ba?

Gawain: Go bag! Para tamang Ligtas!


Sa ibaba ay isang bag na dapat mong lagyan ng mga gamit o mga bagay
para sa kaligtasan ng iyong pamilya. Isulat sa loob ng bag ang mga dapat ilagay
upang maging Go Bag ng Pamilya para sa kaligtasan sa panahon ng kalamidad.
Ilista ang mga nilalaman at bigyan ng isang pangungusap kung para saan ang mga
gamit o bagay na inilagay.

_______________________________

________________________________

________________________________

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Suriin

Ang Mga Panganib na Dulot ng Suliraning Pangkapaligiran

 Pagbagyo
Karaniwang nakararanas ang Pilipinas ng 20 bagyo kada taon at halos 9
dito ang tumatama sa kalupaan. Ang mga bagyo ay pumapasok simula Mayo
hanggang Nobyembre. Ang Philippine Athmosperic Geophysical and Astronomical
Services Administration o PAGASA ang nagsusuri, nagbabantay, at
nagpapangalan ng mga bagyo sa Pilipinas. Ayon sa PAGASA, mayroong apat na
uri ng pagbagyo depende sa bilis ng hangin.

URI NG BAGYO BILIS NG HANGIN BILANG NG SIGNAL


Tropical Depression Mas mabagal sa 61 Signal 1
kilometro kada oras
Tropical Storm 62-118 kilometro kada Signal 2
oras
Typhoon 118-120 kilometro kada Signal 3
oras
Super Typhoon Lagpas sa 220 kilometro Signal 4
kada oras

Kalimitan, sa tuwing nakakaalinsabay ang bagyo at ang hanging habagat,


ito ay nagdadala ng malakas na pagbuhos ng ulan at ito ay nagdudulot ng
malawakan at malubhang pagbaha.

Mas mataas ang mga pagkakataon ng pagbaha sa mga mabababang lugar at


malalapit sa mga anyong tubig tulad ng ilog. Naranasan ng Pilipinas ang ilan sa
mga matitinding bagyo, at ilan sa hindi makakalimutan ay ang bagyong Ondoy at
Yolanda na sumira sa milyon-milyong halaga ng ari-arian at maraming buhay ng
tao.
Ang daluyong-bagyo o storm surge ay hindi pangkaraniwang pagtaas ng
tubig sa dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin. Nakaaapekto sa
tindi ng dalúyong-bagyo ang lalim at oryentasyon ng katubigan na dinaraanan ng
bagyo at ang tiyempo ng kati’ (mababang tubig sa dagat). Ang pagdaluyong-bagyo
ay bago sa pandinig. Hindi ito pamilyar hanggang sa naminsala ito kasabay ng
bagyong Yolanda. Hindi ito napaghandaan ng mga tao dahil hindi sa daluyong o
storm surge kaya marami ang nawalan ng buhay.

 Paglindol
Ang lindol ay ang mahina hanggang sa malakas na pagyanig ng lupa dulot
ng biglaang paggalaw ng mga bato sa ilalim nito. Mayroong iba’t-ibang panganib
na maaaring idulot ng lindol: ang pagyanig (ground shaking), ang pagbitak ng
lupa (rupture), ang paglambot ng lupa (liquefaction), ang pagguho ng lupa
(landslide), at tsunami mga sunod-sunod na alon na nabuo kapag ang isang
bahagi ng tubig ay mabilis nabago ng malakihan. Sa kasalukuyan, hindi
bababa sa 20 lindol ang naitatala sa buong Pilipinas kada araw, kung saan 4
hanggang 5 ang nararamdaman kada linggo.

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
1. Pagyanig ng Lupa - Ang paggalaw ng lupa, bahay, at iba pang
nararamdaman kapag may lindol; maaari itong magdulot ng pinsala o
tuluyang pagguho sa mga gusali.
Hal. Pagguho ng mga simbahan sa Bohol noong 2013
2. Pagbitak ng Lupa - Paglikha ng bagong bitak o muling paggalaw ng
mga bitak sa lupa (o fault) na nakapagitan sa dalawang bloke ng lupa
na gumagalaw nang palihis o sa magkabilang direksyon
hal. Ang pagbitak na naganap sa kahabaan ng Digdig noong Hulyo
1990
3. Paglambot ng lupa - Ang pagbabago ng katangian ng lupa mula sa
pagiging matigas at solidong buhangin tungo sa pagiging parang
likido; dahil dito, ang gusali o bahay na nasa ibabaw ay maaaring
tumagilid o lumubog
hal. Pagtagilid ng gusali dahil sa “liquefaction” sa Dagupan City,
Hulyo 16,1990
4. Pagguho - Ang pagguho ng lupa at bato sa matarik na bahagi ng
bundok sanhi ng pagyanig ng lupa dahil sa lindol.
hal. Mga pagguho na naganap sa siyudad ng Baguio matapos ang
lindol noong Hulyo 1990.
5. Tsunami - Ang sunod-sunod na pagdating ng alon sa dagat na
nalilikha ng isang lindol na ang epicenter ay nasa ilalim ng dagat o
malapit sa baybay-dagat.
hal. Dingding at bubong ng kubo na tinangay ng tsunami sa Brgy.
Malaylay, Lumang Baco, Oriental Mindoro.

 Pagputok ng mga Bulkan


Ang Pilipinas ay bahagi ng Pacific Ring of Fire, kaya nakararanas ang
bansa ng seismic at volcanic activity. Tinatayang may 22 aktibong
bulkan sa Pilipinas. Ang pagputok ng bulkan ay nagaganap kapag ang
magma (nagbabagang tunaw na mga bato at iba pang materyales) na
nagmumula sa ilalim ng lupa ay umaangat patungo sa bunganga ng
bulkan dahil na rin sa pagkapal nito at sa pwersa sa ilalim ng lupa. Ang
mga pagsabog ng bulkan ay maaaring sabayan ng iba pang likas na
panganib, kasama na ang mga lindol, pagdaloy ng putik at mga flash
flood, pagkahulog ng bato at mga pagguho ng lupa, acid rain, sunog, at
(kung akma sa mga kondisyon) mga tsunami. Ang pinakamalakas na
pagputok ng bulkan na naranasan sa Pilipinas ay ang pagputok ng
Bulkang Pinatubo noong 1991. Ang Bulkang Pinatubo ay isang aktibong
bulkan na matatagpuan sa Kabundukang Cabusilan sa Luzon, malapit
sa Zambales, Tarlac, at Pampanga.
Ang Bulkang Mayon ay isang aktibong bulkan na huling sumabog
noong Marso 2018. Laging nakaamba ang banta ng pagsabog ng bulkang
Mayon. Samantala, Enero 12, 2020 sumabog naman ang bulkang Taal
na sinamahan pa ng mga paglindol. Maraming residente ang pinalikas
bunga ng panganib na dulot ng pagsabog ng bulkan.

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
 Ang Banta ng Covid 19
Ang pagpasok ng taong 2020 ay kaalinsabay ng pagpasok ng Covid 19 sa
Pilipinas. Maituturing na isa itong banta sa kalusugan sa kasalukuyan na
kinahaharap ng pamahalaan.
Ang coronaviruses ay pamilya ng mga virus na nagdudulot ng iba’t-ibang
klaseng sakit, mula sa karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas malulubhang
impeksyon tulad ng MERS-CoV at SARS-CoV. Ang coronavirus ay maaari ring
magdulot ng iba’t-ibang sakit sa mga hayop. Ang novel coronavirus (2019-nCoV)
ay isang bagong uri ng coronavirus na hindi pa natatagpuan sa mga tao noon.
Ang 2019-nCoV ay nagdulot ng malalang pneumonia sa ilang tao sa Tsina at
kumalat na rin sa iba pang mga syudad at bansa. Noong ika-30 ng Enero 2020,
inirekomenda ng World Health Organization na palitan ang opisyal na pangalan
nito sa “2019 novel coronavirus Acute Respiratory Disease” o 2019-nCoV ARD.
Noong ika-31 ng Disyembre 2019, naitala ang ilang kaso ng pneumonia sa
Wuhan, China. Napag-alaman kamakailan lamang na ang mga kaso ay dulot
pala ng isang uri ng hindi pa kilalang coronavirus. Ang coronavirus na ito ay
karaniwang sa hayop lamang natatagpuan, at hindi pa nakita sa mga tao noon.
ng mga karaniwang sintomas na dulot ng coronavirus ay lagnat, ubo’t sipon,
hirap at pag-iksi ng paghinga at iba pang problema sa daluyan ng hangin. Sa
mga malulubhang kaso, maaari itong maging sanhi ng pneumonia, acute
respiratory syndrome, problema sa bato, at pagkamatay.

Noong ika-24 ng Enero 2020, kinumpirma ng World Health Organization na


ang 2019-nCoV ay naipapasa na sa tao. Ngunit wala pang sapat na
ebidensyang nagpapatunay sa tindi at bilis ng pagkahawa nito, maging ang
orihinal na pinanggalingan ng outbreak. Masugid pa ring pinag-aaralan ng mga
eksperto ang pinanggalingan ng sakit at kung paano ito kumakalat. Bagama’t
napatunayan na iba ito sa SARS at MERS, ang bilis ng pagkalat at bagsik nito
ay patuloy pang inaalam.

Upang Kaharapin ang banta sa Covid sa Pilipinas, agarang pinagtibay ang


Bayanihan to Heal as One Act o ang R.A. no. 11469.

Pagharap sa Suliraning Pangkapaligiran


May mga ahensiya ang Pamahalaan na siyang nagbabantay,
nagsusuri at nagsasagawa ng mga pag-aaral upang mapanatiling may
alam at ligtas ang mga mamamayan laban sa mga banta ng suliraning
pangkapaligiran. Sa bisa ng Republic Act 1012 na naging batas noong
2012, naitatag ang National Disaster Risk Reduction and Management
Council (na tatalakayin sa susunod na modyul).
Ano nga ba ang nararapat gawin sa panahon na nakararanas ng
kalamidad ang bansa? Nakabatay ang Philippine Disaster Risk Reduction
and Management Act of 2010 sa dalawang pangunahing layunin:
(1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat
pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng
iba’t-ibang kalamidad; at
(2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang
mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t-ibang kalamidad

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
at hazard. Ang mga nabanggit na layunin ay kasama sa mga naging
batayan sa pagbuo ng Philippine Disaster Risk Reduction and
Management Framework (PDRRMF). Binibigyang diin ng National Disaster
Risk Reduction Framework ang pagiging handa ng bansa at mga
komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa pamamagitan
nito, ang pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring mapababa o
maiwasan. Isinusulong din ng PDRRM Framework ang kaisipan na ang
paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay hindi lamang
tungkulin ng ating pamahalaan. Ang proseso sa pagbuo ng isang disaster
management plan ay dapat na produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan
ng iba’t-ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector,
business sector, Non-Governmental Organizations (NGOs), at higit sa
lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na
komunidad. Ang ganitong proseso ay tinatawag na Community Based-
Disaster and Risk Management (CBDRM). Sa kasalukuyan, isinusulong
rin ng NDRRMC ang Community Based Disaster and Risk Management
Approach sa pagbuo ng mga plano at polisiya sa pagharap sa mga
suliranin at hamong pangkapaligiran.

 Mga Nararapat Gawin sa Panahon ng Kalamidad


1. Tuwing may banta ng Storm Surge o Daluyong Bagyo. Ang babala
ng Storm Surge ay nakapaloob sa PAGASA Severe Weather
Bulletin. Ang nakasaad dito: lahat ng mga residente na nakatira sa
mababang bahagi ng baybayin ay pinapayuhang lumipat sa mas
mataas na lugar na matitirhan at sumunod sa lahat ng paalaala
ukol sa baha na dulot ng daluyong bagyo.

https://www.officialgazette.gov.ph/images/uploads/web_stormsurge.png

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. Ang pagbaha ay isa sa mga suliranin na habang tumatagal ay higit
na lumalala na nagiging dahilan ng pagkapinsala ng mga ari-arian
at pagbawi ng mga buhay. Ang ilan sa mga dahilan ng pagbaha ay
malakas na pag-ulan na dulot ng ng sama ng panahon tulad ng
bagyo, thunderstorm, intertropical convergence zone, monsoon
(habagat, amihan), cold front at low pressure area. Ang storm surge
at high tide ay nagiging sanhi din ng mga pagbaha.
May mga gawain ang tao na higit na nagpapapalala sa suliranin sa
pagbaha tulad ng pagtatayo ng mga bahay sa estero o daluyan ng
tubig, maling pagtatapon ng basura, pagkaubos ng puno sa
kagubatan at ang patuloy na urbanisasyon.
Dahil sa lumalalang suliranin sa solid waste na higit na
nagpapaigting sa suliranin sa mabilis na pagbaha o flash floods,
pinagtibay ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste
Management Act.
Kung may malakas na pag-ulan, gumagamit ang PAGASA ng flood
alerts. Sa ilalim ng rainfall advisory, kung malakas ang ulan,
yellow rainfall advisory ang itinataas kung inaasahang bubuhos
ang 7.5 mm hanggang 15 mm ng ulan sa susunod na isang oras,
at inaasahan na magpapatuloy ito. Orange rainfall advisory
naman ang itinataas sa mga lugar na inaasahang makakaranas ng
15 mm hanggang 30 mm na buhos ng ulan sa susunod na isang
oras. Nagbabadya na ang baha sa mga pamayanang ito,
maituturing nang emergency ang pagbuhos ng ulan, red rainfall
advisory ang itinataas. Nangyayari ito kung mahigit 30 mm ang
ulan sa susunod na isang oras, o kung tatlong oras nang malakas
ang ulan at umabot na sa 65 mm. Kapag itinaas ng PAGASA ang
red rainfall advisory, inaasahan ang pagkilos at pagtugon ng mga
pamayanan. Mapanganib na ang baha at dapat nang maghandang
lumikas ang mga residente tungo sa mas ligtas na lugar.

https://www.officialgazette.gov.ph/images/uploads/web_baha.png

3. Lindol - May mga hakbang na maaaring gawin upang


makapaghanda kung sakaling mangyari ito. Mahalaga na
siguraduhing maayos ang pundasyon at pagkakagawa ng mga

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
gusali at bahay upang
masigurado na hindi ito
agad matitibag. Kailangan
ding makiisa sa mga
earthquake drills na
ipinapatupad ng lokal na
pamahalaan o paaralan
upang malaman kung ano
ang mga hakbang na
maaaring gawin habang
nangyayari at pagkatapos
ng isang lindol. Kailangan mas maging handa lalo na kung ang
lugar ay malapit sa fault lines na maaaring pagsimulan ng lindol.
Kung nakatira naman malapit sa dalampasigan, mahalaga na
lumikas agad kung nagbigay na ng babala sa paparating na
tsunami ang lokal na pamahalaan.
https://twitter.com/phivolcs_dost/status/1125925402898096128

Pagyamanin

Gawain: Handa ka na Ba?


Punan ang talahanayan kung ano ang nararapat gawin sa harap ng
panganib dulot ng kalamidad.
KALAMIDAD BAGO ANG HABANG NARARANASAN PAGKATAPOS NG
KALAMIDAD ANG KALAMIDAD KALAMIDAD
1. Bagyo

2. Pagbaha

3. Paglindol

1. Bakit mahalaga na makiisa ang bawat indibidwal sa pagharap sa mga


panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran?
_____________________________________________________________________

2. Anong paghahanda ang iyong naisagawa na masasabi mo na


makatutulong ng malaki sa inyong pamilya at pamahalaan sa
pagharap sa panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran?
_____________________________________________________________________

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Rubrik ng Pagmamarka

PAMANTAYAN MAHUSAY MAGALING KAILANGAN PA NG MABABA MARKA


(100%) (75%) PAGSASANAY KAYSA SA
(50%) INAASAHAN
(25%)
NILALAMAN Naipahayag Naipahayag Hindi naipahayag Walang
ng buo at ang ideya o ng lubusan ang naipahayag na
mahusay ang kaisipan ideya na inaasahan kaisipan o
ideya o ngunit may ideya.
kaisipan ayon ilang
sa inaasahan. pagkukulang.

KAAYUSAN AT Napakaayos at Maayos at Kailangang Walang


KALINISAN napakalinis ng malinis ang matutong maging kaayusan at
ipinasang output; may maayos at malinis napakadumi ng
output; ilang nakitang sa paggawa; output;
walang bura, dumi, o maraming nakitang napakaraming
nakitang bura, pagkakamali bura, dumi, o nakitang bura,
dumi, o pagkakamali dumi o
pagkakamali pagkakamali
KABUUAN

Isaisip

Itala ang mahahalagang natutuhan sa modyul na ito ayon sa pagsagot sa


hinihingi sa bawat bilang.

1. Ang iba’t-ibang suliraning pangkapaligiran sa Pilipinas ay


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Maisasagawa ang maayos na pagtugon sa pagharap sa mga suliraning


pangkapaligiran kung ang bawat indibidwal ay
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ang paghahanda sa pagharap sa suliraning pangkapaligiran ay nasa


kamay ng
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa
Gumawa ng isang Comic Strip na naglalaman ng kwento ayon sa
sumusunod na kalagayan: pagbibigay ng babala, pagiging handa, at ligtas sa
mga panganib dulot ng suliraning pangkapaligiran. Pumili ng kung anong
kalamidad ang nais na pagtuunan ng pansin.

1. Pagbaha
2. Paglindol
3. Pagbagyo
4. Storm Surge
5. Covid19

PAMANTAYAN 25(%) (50%) (75%) (100%) Marka


Mas Mababa Kailangan pa Magaling Mahusay
kaysa sa ng
inaasahan Pagsasanay
PAGLALAHAD Karamihan sa Karamihan sa Halos lahat ng Tama ang mga
NG mga mga impormasyong impormasyong
IMPORMASYON impormasyong impormasyong inilahad ay inilahad
inilahad ay inilahad ay tama
hindi tama tama
KASANAYAN/ Walang Nagpapakita May angking Nagpapakita
KAHUSAYAN kahusayan sa ng pagnanais husay sa ng husay at
pagguhit o na paggawa; galing sa
paglikha ng mapaghusay kailangan pa paggawa; may
likhang sining ang kanyang ng kaunting sapat na
paggawa ng pagsasanay kaalaman o
likhang sining pagsasanay
KABUUAN

Tayahin
Basahin ang bawat pahayag sa bawat bilang. Piliin at isulat ang titik ng
pinakatamang sagot.
_______ 1. Ang Solid Waste ang isa sa mga suliranin na nagpapaigting ng pagbaha.
Nagdudulot ito ng mga flash floods na lubhang nakakapaminsala. Anong batas ang
nabuo upang matugunan ang suliranin sa solid waste?
A. Republic Act 9003 C. Republic Act 11479
B. Republic Act 10354 D. Republic Act 11469

_______ 2. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa


mga suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat
harapin ng iba’t-ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng
iba’t-ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.

11
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa
kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito

_______ 3. Ang mabilis at agarang solusyon sa mga suliraning pangkapaligiran ay


higit na dapat pagtuunan ng pansin dahil sa lawak ng pinsala at pagkawala ng
buhay na dulot nito. Upang paigtingin at higit na maging epektibo ang pagharap
sa mga panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran, pinagtibay ang R.A.
1012. Alin sa mga sumusunod na ahensya ng pamahalaan ang naitatag sa ilalim
ng batas na ito?
A. PAGASA C. IATF
B. PHILVOCS D. NDRRMC

________ 4. Alin sa mga sumusunod na epekto ng malakas na paglindol sa mga


karagatan.
A. Tsunami C. Landslide
B. Liquefaction D. Flashflood

________ 5. May paparating na bagyo at kaalinsabay nito ay nagbabala ang


PAGASA ng storm surge. Sina Alex ay nakatira malapit sa baybayin ng dagat kung
saan makakaranas ng storm surge. Alin sa mga sumusunod ang mas mainam na
gawin ng pamilya ni Alex?
A. Siguraduhing matibay ang pagkakayari ng bahay upang hindi
masira.
B. Maghanda ng lumikas at iwan na muna pansamantala ang
kanilang tahanan.
C. Magimbak ng pagkain para kung dumating na ang storm
surge hindi na sila lalabas ng bahay.
D. Antayin ang sundo mula sa pamahalaan upang sila ay ilikas.

_______ 6. Kung may malakas na pag-ulan gumagamit ang PAGASA ng rainfall


alert. Alin sa mga sumusunod na Rainfall alert ang nagsasaad ng paglikas kung
ikaw ay nakatira malapit sa ilog?
A. yellow rainfall advisory ang itinataas kung inaasahang
bubuhos ang 7.5 mm hanggang 15 mm ng ulan sa susunod
na isang oras.
B. Orange rainfall advisory naman ang itinataas sa mga lugar na
inaasahang makakaranas ng 15 mm hanggang 30 mm na
buhos ng ulan sa susunod na isang oras.
C. red rainfall advisory ang itinataas. Nangyayari ito kung
mahigit 30 mm ang ulan sa susunod na isang oras, o kung
tatlong oras nang malakas ang ulan at umabot na sa 65 mm.
D. Walang paglikas na gagawin dahil isinasagawa lamang ang
paglikas kung may bagyo.

_______ 7. Alin sa mga sumusunod ang isinusulong na kaisipan ng PDRRM


framework sa ilalim ng R.A. 1012?
A. Hindi dapat makialam ang mamamayan sa pagpaplano at
pagsasagawa ng mga hakbanging pangkaligtasan upang
maging mabilis ang pagbuo ng plano.

12
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Dapat ay may kanya-kanyang plano ang bawat lungsod at
bayan na ipatutupad at sa pamahalaan na lang manggagaling
ang pagpopondo.
C. Ang proseso sa pagbuo ng isang disaster management plan ay
dapat na produkto ng pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t-
ibang sektor ng lipunan.
D. Ang rekomendasyon ng pagbubuo ng plano para sa disaster
management plan ay dapat magmula sa mga dayuhang
eksperto dahil sila ang higit na nakakaalam ng tamang gawin
sa Pilipinas.

_______ 8. Ang Pilipinas ay bahagi ng Pacific Ring of Fire, dahil dito inaasahan ang
madalas na mga pagyanig ng lupa dahil sa mga aktibong bulkan. Alin sa mga
sumusunod na sangay ng Pamahalaan ang nangangasiwa sa nasabing usapin?
A. PAGASA C. NDRRMC
B. IATF D. PHILVOCS

_______ 9. Alin sa mga sumusunod ang mangyayari sa mga matataas na kalupaan


tulad ng kabundukan kung may malakas na paglindol?
A. Tsunami C. Landslides
B. Liquefaction D. Lahat ng nabanggit

_______ 10. Bilang isang kabataan alin sa mga sumusunod ang maaari mong
gawin upang magkatulong sa pamahalaan sa pagsasagawa ng mga planong
pangkaligtasan upang kaharapin ang panganib na hatid ng suliraning
pangkapaligiran?
A. Makiisa sa mga kilos protesta upang maipahayag ang
suliraning kinakaharap ng inyong lugar.
B. Ipaubaya na lamang sa pamahalaan ang pagpaplano at
pagkilos dahil bata ka pa.
C. Panatilihing malinis ang tahanan at kapaligiran upang
maiwasan ang pagdami ng basura.
D. Makiisa sa mga programa ng pamahaalaan at makialam
upang maging bahagi ng mga pagpaplano at pagkilos tungo sa
kaligtasan.

13
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sanggunian
http://www.sangguniangkabataan.civika.com/wpcontent/uploads/2012/02/brgy-
disaster-risk-mgt-manual.pdf
https://www.officialgazette.gov.ph/2013/12/05/pagsasatitik-paalaala-ukol-sa-
lindol
https://www.ready.gov/tl/node/3646
https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php/taal-volcano-bulletin-menu/9700-
taal-volcano-bulletin-26-enero-2020-8-00-am
https://www.doh.gov.ph/2019-nCov/FAQs-
Filipino.https://www.officialgazette.gov.ph/ang-gamit-ng-color-coded-warning-
signal-ng-
pagahttps://www.officialgazette.gov.ph/images/uploads/web_baha.pnghttps://twi
tter.com/phivolcs_dost/status/1125925402898096128

Kontemporaryong Isyu Larners Manual of Department of Education

Susi ng Pagwawasto

10.D
9. C
8. C
7. C
6. C
5. B
4. A
3. D
2. B
1. A

Tayahin Pagyamanin Subukin

14
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jennifer S.Evangelista (Guro, BNHS)

Mga Tagasuri: Mairah E. Zapanta (Guro, SSSNHS)

Clay A. Balgua (Principal, KNHS)

Tagasuri- Panloob: Aaron S. Enano (Superbisor, AP)


Tagasuri- Panlabas: Felicia I. Yeban (Propesor, PNU)
Tagaguhit: Nathalia A. Malaga (Guro, NES)
Tagalapat: Ma. Gwendelene J. Corañez (Guro, PES)

Tagapamahala:

Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph
191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
ii
3

You might also like