You are on page 1of 9

AP

NDRRMC= National Disaster Risk Reduction and Management Council

PHIVOLCS= Philippine Institute of Volcanology and Seismology

PAGASA= Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration

DOTC= Department of Transportation and Communications

CAAP= Civil Aviation Authority of the Philippines

PCG= Philippine Coast Guard

PIA= Philippine Information Agency

NGCP= National Grid Corporation of the Philippines

MMDA= Metropolitan Manila Development Authority

NGO= Non-governmental organizations

Konsepto ng Kontemporaryong
Isyu
 napapanahon
 may kaugnayan, aplikasyon, epekto, at materyal na presensya
 pangyayaring nangangailangan ng agarang pansin at solusyon

Mga Maaaring Saklaw ng


Kontemporaryung Isyu
 panlipunan
 pangkalusugan
 pangkapaligiran
 panteknolohiya 1
Mahalagang Alintuntunin sa
Pag-aaral ng Kontemporaryong
Isyu
 Maging bukas ang kaisipan
 Matutunong magtanong
 Gamitin ang kaalaman para sa kabutihan

Mga Kontemporaryong Isyu at


Suliranin ng Pilipinas bunga ng
mga Pagbabago sa Mundo
 Lumalaking populasyon
 Pagkasira ng kalikasan
 Malawakang kahirapan
 Paglabag sa mga karapatang pantao
 Katiwalian sa pamahalaan Banta ng terorismo

Kahalagahan ng Kamalayan sa
Kontemporaryong Isyu sa
Lipunan at Daigdig
 nakakatulong sa pagiging kritikal at analitikal
 mas iintindihan ang takbo ng ating bayan, gobyerno, at mundo
 mabibigyang halaga ang pagkatuto sa labas ng paraalan
 makikita ang koneksiyon sa bawat isa at pagtulong sa mas maayos na
buhay 2

Kahalagahan ng Pag-aaral ng
mga Kontemporaryong Isyu
para sa mga Guro
 para malaman ang ng mga guro at mag-aaral ang perspektibo ng isa't isa
 dagdag kaalaman sa mga guro
 tamang patnubay sa mga pag-aaral sa pagtuklas ng mga
kontemporayong isyu

3
4
Ang kalamidad ay tumutukoy sa pangyayari o

kaganapang nagdudulot ng malaking

kapinsalaan at pangamba sa mga tao at

komunidad na tinatamaan nito.

Ang bagyo ay isang namumuong sama ng panahon. Ito ay binubuo ng pabilog o spiral na 5
sistema ng marahas at malakas na hangin na may dalang mabigat na ulan. Ito ay

karaniwang may laki na daan-daang kilometro o milya sa diyametro.

Pagbaha

Kaalinsabay ng malakas na

pagbagyo at ng pag-iral ng hanging

habagat ay ang malawak at

malubhang pagbaha sa iba’t ibang

bahagi ng bansa.

Pagdaluyong-bagyo o Storm Surge

Kahalubaybay pa rin ng malakas na pagbagyo ang pagdaluyong-bagyo.

Ang dalúyong-bagyo o storm surge ay hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa

dalampasigan habang papalapit ang bagyo sa baybayin. Nakaaapekto sa tindi ng dalúyong-

bagyo ang lalim at oryentasyon ng katubigan na dinaraanan ng bagyo at ang tiyempo ng

kati (mababang tubig sa dagat).

Magnitude at Intensity

May dalawang pamamaraan kung paano

masusukat ang lakas ng lindol—ang intensity

at magnitude.

Ang intensity ay ang lakas ng lindol batay sa

naramdaman ng mga tao at sa mga epekto ng

pagyanig sa kapaligiran at mga gawang 6


istruktura.

Ang magnitude naman ay batay sa mga impormasyon mula sa mga instrumento

at naglalahad ng tunay na enerhiya o lakas ng nailabas ng lindol mula sa kaniyang

pinanggalingan.

Ang focus ay ang aktuwal na pinagmulan

ng pagbitak sa ilalim ng lupa, kung saan

ang enerhiya ng lindol ay nag-ugat.

Ang epicenter naman ay ang lugar sa

ibabaw ng lupa na direktang nasa itaas ng

focus. Ito ang ginagawang reference o

batayan ng determinasyon ng deskripsiyon

ng lugar na pinagmulan ng lindol.

Pagtama ng Tsunami

Kung minsan, ang pagtama o paghampas

ng tsunami ay hindi maihihiwalay sa

paglindol. Tinayang 80 porsyento ng mga

tsunami ay nangyayari sa loob ng Pacific

Ring of Fire. Ang tsunami o mga seismic

sea wave ay serye ng malalaking alon na

nililikha ng pangyayari sa ilalim ng dagat

tulad ng paglindol, pagguho ng lupa,

pagsabog ng bulkan, o pagbagsak ng maliit 7


na bulalakaw.

DAPAT TANDAAN

• Ang kalamidad ay anumang kaganapang nagdudulot ng malaking

kapinsalaan at kabagabagan sa mga tao o negatibong epekto sa ekonomiya

o likas na yaman.

• Ang bagyo ay ang namumuong sama ng panahon, may isang pabilog

o spiral na sistema ng marahas at malakas na hangin at may dalang

mabigat na ulan, karaniwang daan-daang kilometro o milya sa diyametro

ang laki.

• Ang baha ay ang umaapaw at tumataas na lebel ng tubig na dulot ng

malakas at walang tigil na pag-ulan sa komunidad.

• Ang dalúyong-bagyo o storm surge ay ang pagtaas ng tubig sa

dalampasigan na dulot ng malakas na hangin habang papalapit ang

bagyo sa baybayin.

• Ang lindol ay isang biglaan at mabilis na pagyanig ng lupa na dulot ng

pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa kapag

pinakakawalan nito ang puwersang naipon sa mahabang panahon.

• Ang tsunami o mga seismic sea wave ay serye ng malalaking alon na

nililikha ng pangyayari sa ilalim ng tubig tulad ng paglindol, pagguho

ng lupa, pagsabog ng bulkan, o pagbagsak ng maliit na bulalakaw.

• Ang bulkan ay isang puwang o siwang sa ibabaw ng lupa, karaniwang

nasa anyong bundok o burol.

• Ang pagputok ng bulkan ay nagaganap kapag ang magma na 8


nagmumula sa ilalim ng lupa ay umaangat patungo sa bunganga ng

bulkan dahil na rin sa pagkapal nito at sa puwersa sa ilalim ng lupa.

• Ang El Niño ay tumutukoy sa abnormal na pag-init ng temperatura sa

ibabaw ng dagat na nagdudulot ng kakaunting pag-ulan sa rehiyon.

• Ang La Niña ay kabaliktaran ng sitwasyon o kondisyon ng El Niño. Sa

Pilipinas, laging kakambal nito ang malalakas na pagbagyo, pag-ulan,

at pagbaha.

• Dahil sa dalas ng mga sakuna at kalamidad sa Pilipinas, ang

pamahalaan ay nagtatag ng isang ahensiya na ang tanging

responsibilidad ay maibsan o mapigilan ang mga sakuna at panganib

na dulot ng mga kalamidad sa bansa. Ito ay ang National Disaster Risks

Reduction and Management Council o NDRRMC na binubuo ng iba’t

ibang departamento ng pamahalaan.

• Ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services

Administration (PAGASA) ang nagbibigay ng ulat-panahon at nagbabantay

sa paparating na bagyo at nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa

lakas at landas ng tatahakin ng bagyo.

• Ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang

nagbabantay ng mga aktibidad ng iba’t ibang bulkan. 9

You might also like