You are on page 1of 3

PERFORMANCE TASK #2 SA ARALING PANLIPUNAN 10

MODYUL 2 SA UNANG MARKAHAN

Marami sa mga suliraning pangkapaligiran sa sariling pamayanan ang resulta ng mga hindi tamang
gawain ng mga tao sa kani-kanilang lugar.

Kaya ang isang paraan upang matukoy ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa sariling
pamayanan ay ang tuklasin ang mga kapabayaan o hindi makakalikasang aktibidad ng mga tao na
nagaganap sa pamayanang kinaruruonan gaya ng bayan, barangay, baryo, village o subdivision

Pagbaha, flashflood, at deporestasyon

Ito ay isang mabilis na pagragasa ng tubig hanggang sa bumaha o umapaw ito at makapaminsala sa
mababang lugar. Ito ay ang maaaring mangyari sa loob lamang ng ilang minuto o bago mag anim na
oras pagkatapos ng malakas na pag-ulan o pagbagyo. Ang Pilipinas ay bansang madalas ulanin, lalo na
at ito ay madalas daanan ng mga bagyo na may dalang malalakas na pag ulan. Kaya sa maraming
pamayanan sa bansa, ang problema ay hindi lang ang pagbaha kundi maging ang napipintong
flashfloods at landslide.

Ang deporetasyon ay kaugnay ng pagbaha, flashflood, at landslide sapagkat ang mga pinuputol na
mga puno ay nakatutulong sa pagsipsip ng tubig at pagkontrol sa lupa upang huwag gumuho. Ang
deporestasyon, kung gayon, ay ugat ng mga suliranin sa mga komunidad sa mga kabundukan o
kagubatang mayroong malawak na logging.

Ang mga Sanhi ng matinding pagbaha sa aming pamayanan ay ang matinding bagyo na naghahatid ng
malakas ng pag ulan, pagtaas ng tubig sa dalampasigan, at pagbaha sa malalawak na kalupaan.
Kawalan ng maayos na lusutan ng tubig sa mga lansangang papunta sa kanal dahil sa tambak na
basura, Pag-apaw, pagpapaagos at pagkasira ng dam at dike, Urbanisasyon. Inukupa ng mga gusali,
paradahan at kalsada ng mga lupang sisipsip sa tubig-baha.

Para sa mga pamayanang naiipunan ng tubig dulot ng pagbabara ng mga basura sa mga daluyan nito,
pagbaha ang karaniwang kinakaharap na suliranin. Binabaha rin ang mga pamayanan na likas na
mabababa gaya ng nasa ibat ibang bahagi ng capiz. Iba-iba naman ang dahilan kung bakit lagi ring
binabaha kapag umuulan ang bahagi ng sigma kung saan mababa ang mga lugar at malapit sa ilog o
dalampasigan

Kabilang sa mga epekto ng matinding baha o flash flood sa aming pamayanan ay ang nasisira ang
sistema ng transportasyon at komunikasyon, nasisira ang mga kagamitan sa mga kabahayan tulad ng
mga appliances at bang mga kagamitan, Nagdudulot ito ng iba't-ibang sakit gaya ng leptospirosis.
Nag-iiwan rin ito ng maraming basura sa daanan o basura galing sa katubigan at nasisira ang mga
taniman, palaisdaan at kalikasan.
PERFORMANCE TASK #3 SA ARALING PANLIPUNAN 10

MODYUL 3 SA UNANG MARKAHAN

Ang bawat isa ay mayroong papel na dapat gampanan sa pagharap sa mga kalamidad, may
katungkulan man o wala. Ang pamahalaan ay kinakailangang magpatupad ng mga proyekto
at programa para sa kaligtasan ng kanilang mamamayan.

Ayon sa aming Sk chairman na si Trixian mae Azarcon, kaniyang iminungkahi ang paraan
upang maiwasan o Mabawasan ang Matinding Epekto ng mga Kalamidad sa buhay at ari arian
ng mga tao sa aming pamayanan. Kaniyang isinabi na para maiwasan o mabawasan ang
matinding epekto ng kalamidad sa buhay at ari-arian ng mga tao sa aming pamayanan ay
kailangang magtulungan at magkaisa ang bawat isa sa pagtamo ng muling maginhawa at
normal buhay, kailangang sama-samang maglinis at mag-recycle para hindi na magkaroon ng
maraming basura na magdudulot ng baha kapag umulan ng napakalakas,kailangang palaging
handa rin sa mga darating na kalamidad tulad ng baha at lindol at mahalagang laging
nakatutok sa mga balita upang malaman ang darating na sakuna o kalamidad at para tayo'y
makapaghanda kung ano ang mga nararapat na gawin.

Sinabi rin niya na habang wala pang kalamidad, ugaliing pag-aralan ang mga sakunang
tumatama sa ating bansa. Nandyan ang mga application na ginawa ng PHIVOLCS kagaya ng
Hazard Hunter upang malaman kung ano ang mga sakunang pwedeng tumama sa ating lugar.
Ugaliing makinig sa pamahalaan, lalo na sa PHIVOLCS at PAGASA upang malaman ang mga
bagay na kailangang gawin bago, habang, at matapos ang isang sakuna. Mag-invest sa mga
matitibay na bahay, at siguraduhing kukuha ng insurance para dito at mag-imbak ng
maraming pagkain, at ugaliing magtabi ng bag kung saan naroon ang mga mahahalagang
bagay kung sakaling tumama ang isang emergency.

Sa oras na magkaroon ng kalamidad sa ating pamayanan depende sa sitwasyon ay may


sistemang itinakda upang maisagawa ang nararapat na mga hakbang at ibinubuhos ang
buong lakas at kakayahan ng siyudad sa pagpapatupad sa mga emergency activities. Subalit,
upang mapigilan o mabawasan ang anumang pinsalang dulot ng kalamidad, kailangang
bigyang-daan ang "pagtulong sa sarili", "pakikipagtulungan sa iba" at pagkakaroon ng
"pampublikong suporta".
PERFORMANCE TASK #3 SA ARALING PANLIPUNAN 10

MODYUL 3 SA UNANG MARKAHAN

Ang aking natutunan tungkol sa kahalagahan ng kahandaan ay ito ay


nakakatulong sa atin upang tayo ay maging handa sa mga pangyayari na
dadating sa atin gaya ng mga sakuna, Disiplina at kooperasyon ay dapat taglayin
hindi lang sa lanonunidad kundi sa buong mundo upang ang hamon ng
pangkapaligiran gaya ng bagyo, baha, lindol, ay ating malalagpasan. Dahil dito
natutunan ko ang tamang pagpapahalaga ng kahandaan, at kung paano ito
isasagawa, natutunan ko rin ang kahalagahan ng disiplina at kooperasyon kung
paano mapapadali ang pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran.

Natutunan ko ang kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng hamong


ito. Napakahalaga na nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at
kooperasyon sa pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran. Ito ay dapat
magawa ng lahat ng mamamayan, hindi lang ng mga mag-aaral.

Upang makaiwas sa mga kalamidad o mabawasan man lang ang epekto ng mga
panganib, hindi matatawaran ang ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at
kooperasyon sa pagitan ng mga mamamayan at pamahalaan.

You might also like