You are on page 1of 18

MGA ISYU SA PAMAMAHALA AT

PAGHARAP SA DISASTER
ANG KONSEPTO NG DISASTER
TATLONG ELEMENTO NG DISASTER
MGA GAWAIN AT DESISYON NG TAO SA
PAGKAKAROON NG KALAMIDAD
MGA LAYUNIN
• Nabibigyang-kahulugan ang salitang
disaster.
• Natutukoy ang mga dahilan o sanhi ng
disaster.
• Natataya ang sariling kahandaan sa
disaster.
MGA GABAY NA TANONG?
• Ano ang disaster?
• Ano ang kaibahan nito sa
kalamidad?
• Paano nabubuo ang disaster?
• Paano at bakit mahalagang isyu
sa kasalukuyang panahon ang
kahandaan sa disaster at
kalamidad?
ANG KONSEPTO NG DISASTER
DISASTER (DESASTRE)
KAHULUGAN

UP UNISDR AT
DIKSIYONARYONG WHO
RA 10121
FILIPINO malubhang pagkasira ng kaayusan
malubhang sakuna o isang pangyayari na
ng isang komunidad o lipunan na gumagambala sa normal na
  kapahamakang   sanhi ng malawakang  pagkawala  ng 
nangyari sa isang kondisyon ng pagkabuhay at
buhay, ari-arian at  kapaligiran na sanhi ng matinding
pook sanhi ng  lagpas sa kakayahan ng komunidad o paghihirap at pighati na
kalamidad lipunan na tumugon at makaangkop lagpas sa kapasidad sa
gamit ang sarili nitong pinagkukunang- pakikiangkop o pakikibagay
yaman  ng naapektuhang komunidad 
BUNGA NG DISASTER

Pinagkunan: https://maharlika.tv/2021/10/12/typhoon-maring-renders-3-
Pinagkunan: https://www.philstar.com/headlines/2017/09/13/1738987/maring- benguet-main-roads-impassable-to-motorists/
death-toll-hits-9
TATLONG ELEMENTO NG DISASTER

BULNERABILIDA
HAZARDS KAPASIDAD
D
HAZARDS
1. Likas (natural) 2. Anthropogenic (man-made)
nagmula sa likas na puwersa o  nagmumula sa mga pagkilos,
proseso ng kalikasan 
kapabayaan, at pagkakamali ng tao  

BULNERABILIDAD
• “long term underlying causes” ng disaster 
• nauuna ang bulnerabilidad sa pagtama ng isang hazard 
• kalipunan ng mga katangian, kondisyon at sirkumstansiya 
sa isang komunidad,  sistema, proseso, o ari-arian na
nagbibigay rito ng atraksiyon sa pagtama o pagdating ng 
mapaminsalang epekto ng isang hazard 
KAPASIDAD
• kombinasyon ng kalakasan at pinagkukunang-yaman na mayroon sa
loob ng komunidad, lipunan, o organisasyon na maaaring
magamit sa pakikiangkop sa banta o paglaban sa mapanirang
epekto ng hazard o disaster binubuo ng mga kasanayang pantao
o impraestrukturang panlipunan  sa isang komunidad o
organisasyon na kailangan sa pagbawas ng lebel ng panganib 

Pinagkunan: https://gk1world.com/ArticleViewer.aspx?ID=192225 Pinagkunan:https://cnnphilippines.com/news/2018/08/13/


Marikina-modular-tent-evacuation-center-flood.html
MGA GAWAIN AT DESISYON NG TAO
SA PAGKAKAROON NG KALAMIDAD
• Ayon sa Center for Climate and Security, wala naman
talagang bagay na maituturing na natural disaster: Kung
tutuosin, hindi maituturing na likas ang isang disaster.
Nangyayari lamang ang disaster kapag ang natural
hazards (baha, lindol, at bagyo) ay tumama sa mga
komunidad na may mataas na bulnerabilidad gaya ng
mga papaunlad at mahihirap na rehiyon, o mga lugar na
may mataas na population density, di maayos na
impraestruktura, at limitado o walang disaster
preparedness plan.
MGA GAWAIN NA NAGDUDULOT
O NAGPAPALALA SA KALAMIDAD
• Pagtapon ng basura sa mga daluyan ng tubig
• Pagkakalbo ng kagubatan
• Paninirahan sa paanan ng bulkan
• Paninirahan sa estero, baybay ng ilog, o dagat
• Pagkasira ng ozone layer
• Pagmimina at quarrying
• Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga
mapanganib na lugar
PAGSUSURI NG SITWASYON
Noong Enero 2010, nagdulot ng mahigit 160,000 pagkamatay ang
nangyaring magnitude 7.0 na lindol sa Haiti. Makalipas lamang
ang walong buwan, tanging 562 pagkamatay ang naging resulta
ng 8.8 magnitude na lindol sa Chile, sa kabila ng mahigit tatlong
milyong katao ang naninirahan sa loob ng 200 kilometro ng
epicentre nito. Ang mataas na bulnerabilidad ng Haiti ang
magpapaliwanag kung bakit mas marami ang namatay bunga
ng mas mahinang lindol na tumama rito kompara sa Chile.
Pangunahing sanhi ng mataas na bulnerabilidad ng Haiti ang
kawalan ng regulasyon sa konstruksiyon ng mga gusali at di
epektibong disaster management.
TANDAAN
Hindi kasiguruhan ang mababang
bulnerabilidad sa pagkaligtas sa disaster,
gaano man kaunlad at kayaman ang isang
lugar gaya ng Japan, Netherlands, at United
States. Ang mataas na exposure gaya ng Japan
sa mga hazard lalo na sa baha, lindol, at
tsunami ay naglalagay rito sa pang-17 puwesto
sa mga pangunahing disaster risk na bansa sa
daigdig. Kahit gaano man kahanda sa
pamamagitan ng mitigasyon at kapasidad nito
sa pagtama ng disaster ang mauunlad na
bansa, nakararanas pa rin ang mga ito ng
mapaminsalang disaster.
Pinagkunan:
https://twitter.com/upecosystemss/status/1241886994801684481
ALALAHANIN
Ang kalikasan ay hindi maaaring ganap na
makokontrol ng tao. Maaari lamang
maimpluwensiyahan ng tao sa limitadong digri,
depende pa rin sa intensidad nito, ang mga
pangyayaring dulot ng kalikasan gaya ng mga
natural hazard na maging disaster.
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!

You might also like