You are on page 1of 3

Araling Panlipunan

Unang Markahan-Modyul 4
Week 5-6
KINSEY GABRIELLE S. BUGAYONG
X-Bernoulli

Pagyamanin
Gawain 6

Sa panahon ng kalamidad, paano mo maipapakita ang kahandaan, disiplina at


kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran?

Kahandaan Disiplina Kooperasyon

Maipapakita ko ang aking Maipapakita ko ang Ito ay maipapakita sa


kahandaan sa pamamagitan ng disiplina sa pagiging isang pagtulong sa mga taong
pagiging alerto at handa. Ang mga responsabling mamamayan tulad ng nangangailangan sa panahon ng
kakailangin na gamit kung pagsunod sa mga panuto at babala pandemya. Dito nagkakaisa ang mga
sakaling lumikas ay nakahanda na ng ating lokal na gobyerno. mamayanan para matugunan ang
at may sapat na impormasyon pangangailangan ng bawat isa para
tungkol sa kalamidad na darating malagpasan ang hamon ng
kaya naman palaging nakikinig sa kapaligiran.
radyo at telebisyon para sa
karagdagang anunsiyo ng
pamahalaan.

Batay sa aking mga natutuhan, masasabi ko na ang pagtugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran
ay dapat na isagawa at gawan ng aksyon para maging maayos ang lahat dahil kung ipagkikibit-balikat lamang natin
ang mga nangyayari sa ating paligid ay lalong lalala ang sitwasyon, at baka hindi na ito masolusyunan pa. Sa mga
panahong ito dapat tayo ay maging isang responsabling mamamayan, handa, disiplinado, at may kooperasyon para
matugunan natin ng sama-sama ang lahat ng hamon patungo sa maayos na buhay.
Isaisip
Gawain 7

1. Ang kahandaan ng bawat tao sa pagtugon ng hamong pangkapaligiran ay mahalaga sapagkat maliligtas
natin ang lahat hidi lamang tayo kundi pati na ang ating kalikasan, kung may kahandaan sa ating mga sarili
tayo ay may maiisip na paraan para matugunan ang problema.

2. Sa panahon ng kalamidad napakahalaga ang maging disiplinado sapagkat ito ang susi sa ating
kaligtasan. Kung tayo ay magpapabaya sa panahon ng sakuna, magdudulot ito ng samu't-saring problema
at baka buhay pa ang mawala. Ang pagiging disiplinado sa kalamidad ay nagpapakita rin ng kahandaan at
pagiging matalino ng mga tao.

3. Sa pagtugon ng hamong pangkapaligiran napakahalagang may kooperasyon ang mga tao sapagkat ito
ay mahalagang aspeto ng buhay para mapadali at maisaayos agad ang mga problema at maiwasan agad
ang posibleng kapahamakan ng lahat.

Isagawa

Gawain 8

Bilang isang pinuno, pamamahalaan ko ito ng tama at nasa wastong


paraan. Bilang isang pinuno gagawa ako ng mga hakbang na kasama ang
mga mamamayan para sila’y may kaalaman na matutunan kung ano ang
kahalagahan ng pagiging handa, disiplinado, at may kooperasyon sa bawat
isa. Sa ganitong paraan ang aking mamamayan ay magiging responsible sa
lahat ng oras at magiging handa sa anumang pagkakataon. Ang isang
mabuting pinuno sa kanyang nasasakupan ay may pag-iintindi at
pagmamahal sa kanyang mga tauhan at palaging inuuna ang kapakanan ng
karamihan.
Karagdagang Gawain

REPLEKSIYON

Ang natutunan ko tungkol sa kahalagahan ng kahandaan, disiplina, at


kooperasyon ay isang mahalagang bagay sa lahat para maging ligtas sa anumang
kapahamakan.

Ang kahalagahan ng tatlong ito ay magiging daan para maiwasan ang mga
panganib at walang buhay na mawawala. Ang paghahanda sa sakuna ay mahalaga
dahil ito ay magiging sandata laban sa mga kalamidad dahil dito maililigtas tayo.
Kailangan din na may sapat tayong kaalaman tungkol sa mga kalamidad at ang
disiplina ay kailangan kung gustong makaligtas sa mga sakuna. Ugaliin din nating
sumunod at makinig sa mga kinauukulan. At ang kooperasyon sa pagitan ng
pamahalaan at ng mga mamamayan ay mahalaga sa paglutas sa mga hamong
pangkapaligiran.

Kapag sama-samang nagtutulungan, ang lahat ng hamon ng


pangkapaligiran ay walang panama para makasira ng ari-arian at buhay. Manatiling
matalino at maagap para maging ligtas at handa sa kasulukuyang mga hamon ng
pangkapaligiran.

You might also like