You are on page 1of 8

Masusing Banghay sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 10

(Kontemporaryong Isyu)

Paksa: Mga Iba’t Ibang Ahensiya ng Pamahalaan na Nagtutulungan para sa


Kaligtasan ng Mamamayan

LEIZEL JOY C. NONAN


Applicant
Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa
sanhi at implikasyon ng mga lokal at pandaigdigang isyung pang-ekonomiya
tungo sa pagkamit ng pambansang kaunlaran.

Pamanatayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng


programang pangkabuhayan batay sa mga pinagkukunang yaman na
matatagpuan sa pamayanan upang makatulong sa paglutas sa mga
suliraning pangkabuhayan na kinakaharap ng mga mamamayan.

Pamantayan sa Pagkatuto: Natutukoy ang mga ahensiya ng pamahalaan na


responsible sa kaligtasan ng mamamayan sa panahon ng
kalamidad.(AP10IPE-Ic-6)

I. Layunin:

Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang;
A. Naisa-isa ang mga ahensiya ng pamahalaan na responsible sa
kaligtasan ng mamamayan sa panahon ng kalamidad.
B. Napapahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa
pagitan ng mga mamamayan at pamahalaan sa panahon ng
kalamidad.
C. Nakapagbibigay ng tungkulin ang bawat ahensiya sa oras ng
kalamidad sa pamamagitan ng pag-uulat.
II. Nilalaman:
A. Paksa: Mga Ahensiya ng Pamahalaan na Nagtutulungan para sa
Kaligtasan ng Mamamayan
B. Sanggunian: Kayamanan (Kontemporaryong Isyu), Pp. 37-40
CG, p.216
C. Kagamitan: Mga larawan, powerpoint presentation, mga gamit sa
pagguhit, plakard
D. Pagpapahalaga: Disiplina sa sarili
E. Integrasyon: MAPEH (Pagguhit)

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain:
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
1. Pagbati

Bago tayo mag-umpisa sa ating


talakayan, Francine pangunahan
mo nga anak ng isang panalangin.

Magandang umaga Klas. Magandang umaga po Maam Jean

Bago kayo umupo ay siguraduhing


maayos at nakalinya ang inyong
mga upuan at wala nang kalat sa
inyong paligid.
Salamat po.
Maaari na kayong umupo

Class seceratary may lumiban ba sa Titignan ng secretary ang absent at


klase? irereport ito sa klase.

2. Balik-aral

Maupo po ng maayos at ihanda ang


sarili para sa inyong unang gawain.
Ang gawaing ito ay tatawagin nating
“Handa ang may Alam”.
Papangkatin ko kayo sa tatlo.
Susubukin ko natatandaan niyo pa
ang inyong ginawa at aralin natin
tungkol sa tamang paghahanda
tuwing mayroong sakuna o
kalamidad na darating bago,
habang at pagkatapos ng sakuna.
Ipapakita ko sa iskren ang mga iba’t
ibang larawan ng kalamidad at
bawat grupo kayo ay magsasabi ng
kung anong paghahanda ang
gagawin.

Mga Larawang Ipapakita Mga inaasahang sagot ng mga mag-


aaral.
Unang larawan
Bago: Alisin ang mga saksakan kung
hindi ginagamit
Habang: Lumikas kaagad
Pagkatapos: Huwag munang pumunta
agad sa lugar ng sunog hintayin ang
sasabihin ng BFP kung maaari nang
bumalik sa lugar.
Pangalawang larawan

Bago: Makinig ng balita kung may


masamang panahon na darating
Habang: Pumunta sa pinakamalapit na
evacuation center
Pagkatapos: Huwag maglaro sa tubig
baha

Pangatlong larawan

Bago: Ihanda ang mga mahahalagang


gamit
Kasalukuyan: Tumungo sa
pinakamalapit na evacuation center
Pagkatapos: Huwag munang bumalik
sa lugar kung saan may landslide.

Magagaling kayong lahat. Batid


kong naintindihan ninyo ang
nakaraang aralin at gawain natin
tungkol sa paghahanda tuwing
mayroong sakuna.

3. Pagganyak/Paghahawan ng balakid

Ngayon naman bibigyan ko kayo ng


plakard at tisa o chalk para sa
inyong susunod na gawain.
May bata kasi dito na Opo, Maam.
nangangailangan ng tulong, gusto
nyo ba siyang tulungan?

Siya ay si Biboy, mayroon siyang


takdang aralin tungkol sa ibat ibang
akronim ng iba’t ibang ahensiya ng
ating pamahalaan tutulungan niyo
siyang sagutin ang mga ito.

Handan na ba kayo? Pabilisan ang Opo, Maam


pagsagot. Isulat ang tamang sagot
sa board at itaas. Kung sino ang
unang makakapagtaas ng board at
tama ang sagot ang siyang
mabibigyan ng iskor.

Mga akronim Itataas ng mga mag-aaral ang kanilang


mga sagot.
1. DSWD
2. PNP
3. NDRRMC
4. DOH
5. DPWH
6. DEPED
7. DENR
8. PAG-ASA
9. DOTC
10. MMDA

Napakahusay ninyong lahat.


Paglinang ng Aralin

1. Paglalahad Mga Iba’t ibang Ahensiya ng ating


Mula sa akronim na inyong Pamahalaan Maam.
binigyang kahulugan, ano
kaya ang magiging paksang
aralin natin ngayong umaga
klas?

Magaling, yan ang ating


paksang papag-aralan
ngayong umaga.

Mula sa tatlo ay ipapangkat


ko kayo sa lima. Ang
gawaing ito ay tatawagin
nating “Iguhit mo Ako”.
Bubunot kayo kung anong
ahensiya ang inyong iuulat
sa harapan. Iuulat ninyo ang
tungkulin o responsibilidad o
mga gawain ng ahensiya ng
ating pamahalaan sa
pamamagitan ng pagguhit.
Bawat grupo ay pipili ng
inyong tagapag-ulat at
tagaguhit. Bawat isa ay
hinihikayat kong makilahok
sa pamamagitan ng (Bubunot ang bawat napiling mga lider)
pagbibigay o pagababahagi
ng inyong ideya kung paano
mapapaganda ang inyong
gawain.Bibigyan ko lamang
kayo ng sampung minuto
upang ihanda ito. Ang inyong
oras ay magsisimula na.
Ang inyong gawain 0 presentasyon ay
mapupuntusan sa pamamagitan ng Ipapaskil at mag-uulat ang bawat
Rubriks. napiling lider.

Akma sa tema ang pagguhit -5


Pag-uulat -10
Kooperasyon -5
Kabuuan 20

B. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat
Pagtukoy sa iba’t ibang
ahensiya ng ating
pamahalaan

2. Pagpapahalaga
Gaano kahalaga ang
pagiging handa kapag
may dumarating na
sakuna o kalamidad?
Epektibo ba ang pagiging
handa ng bawat ahensiya
ng ating pamahalaan?

3. Ebalwasyon

Mula sa inyong mga kasagutan


masasabi naintindihan ninyo ang ating
aralin ngayong umaga.

Para sa inyong pangwakas na gawain,


magkakaroon kayo ng quiz show.
Pabilisan ng pagsagot sa pamamagitan ng
pagtaas ng plakard. Ang unang
makakapagtaas at tama ang kasagutan Opo, Maam
ang mabibigyan ng puntos.Akronim
lamang ang inyong isusulat o isasagot.
Maliwanag ba.?

1. Ahensiya na nilikha upang


mabigyan ng tuwirang serbisyo ang
mga mamamayan sa Metro Manila.
2. Ahensiya na naglalayong mapigil
ang nakakapinsalang epekto ng
kalamidad.
3. Ahensiya na namamahala sa mga
bagay na may kinalaman sa
pagpapaunlad ng batayang
edukasyon sa ating bansa.
4. Ahensiya na nagsasaayos ng mga
lansangan, daan, tulay, dike at iba
pang imprastraktura ng pamahalaan
na nasisira kapag may baha o lindol
o kaya bagyo.
5. Ahensiya na nangangalaga sa
kaligtasan ng mga mamamayan
laban sa mga krimen tulad ng
kidnap, holdap at marami pang iba.
6. Ahensiya na nangangalaga sa
kalusugan ng mga mamamayan ng
bansa.
7. Ahensiya na namamahala sa mga
parograma ng pamahalaan para sa
paglilingkod sa lipunan, lalo na sa
mahihirap.
8. Ahensiya na nagbibigay ng libreng
gamot at pangangalaga sa
maysakit.
9. Ipinararating ng ahensiyang ito ang
lagay ng panahon. Nagbibigay ng
babala kapag may masamang
panahong darating.
10. Pinangangalagaan ng ahensiyang
ito ang kapaligiran at likas na
yaman ng bansa.

IV. Takda
Sagutin: Paalam na po maam.
1. Ano ang climate change?
2. Paano ito nakakaapekto sa
ekonomiya, kabuhayan at sa tao?

Paalam na klas

You might also like