You are on page 1of 15

Paaralan Antas

GRADE 10 Guro Asignatura


LESSON PLAN Petsa/Araw/Oras Markahan

I.LAYUNIN

A. Pamantayang Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamamayan at pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang
Pangnilalaman maunlad, mapayapa at may pagkakaisa.

B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa kanilang
Pagganap pamayanan.

C. Kasanayan
Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan.
sa Pagkatuto

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


D. Mga Tiyak na
1. Natatalakay ang papel na ginagampanan ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan.
Layunin
2. Nauunawaan ang kahulugan ng mabuting pamahalaan at mabuting pamamahala (good governance).
3. Nakagagawa ng isang malikhaing gawain na nagpapakita ng pagpapahalaga sa papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan.

II. NILALAMAN PAGPAPAHALAGA SA PAPEL NG MAMAMAYAN SA PAGKAKAROON NG ISANG MABUTING PAMAHALAAN

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa
Gabay ng Guro Learners’ Manual sa Araling Panlipunan 10 (Quarter 4-MELC 4)

2. Mga Pahina sa
Kagamitang Learning Activity Sheet (LAS)
Pang-mag-aaral

3. Mga Pahina sa
Ikaapat na Markahan-MELC 4, pp. 4-7
Teksbuk

B. Iba Pang
Kagamitang Laptop o Kompyuter, Manila Paper, Mga Larawan, PowerPoint Presentation, Chalkboard, White Screen at Projector, “Candy Tree”
Panturo
IV. PAMAMARAAN Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral Anotasyon

A. Paghahanda
Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga, Ms.!

Bilang pormal na simula ng ating harapang talakayan ngayong araw,


tumayo ang lahat at damhin ang presensiya ng ating mahal na
Panginoon para sa isang panalangin.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen

Diyos naming makapangyarihan, Dakila sa lahat


Salamat sa iyong kaluwalhatian
Salamat sa buhay na iyong ipinagkaloob sa araw-araw
Salamat sa kaligtasan at mabuting kalusugan na iyong ibinahagi sa
amin.

Panginoon, humihingi kami ng gabay sa landas na aming tatahakin


Bigyan mo po kami ng lakas ng loob at tiwala sa sarili
Upang malampasan namin ang bawat pagsubok na aming
kakaharapin
At makamit namin ang mas makabubuti para sa aming sarili.

Panginoon, sa araw na ito, nawa’y bigyan mo kami ng isang


masiglang talakayan
Gabayan mo po ang bawat isa sa amin na magampanan ang
tungkulin para sa ikabubuti ng lahat.
Bigyan mo kami nang sapat na kaalaman upang sa ganoo’y
matalakay at maunawaan namin ng husto ang aming magiging
aralin.

Ang lahat ng ito ay aming hinihiling sa Dakilang lumikha.


…Amen…

Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen

Maari na kayong umupo. (Lahat ay uupo)

*Pagtala ng LIban
Para sa pagtala ng liban o “attendance”, itaas lamang po ang inyong
kamay sabay sabi ng andito po kapag nabanggit ang iyong pangalan,
upang malaman ko na kayo ay dumalo sa ating klase.

Maari po ba class? Opo Ms.

Ako ay magsisimula kay…

(Pagtatala ng Liban)

Mahusay at walang lumiban sa ating klase ngayon. Patunay lamang (Magtataas ng kamay sabay sabing andito po sa oras na marinig
ito na kayo ay lubos na nagagalak para sa ating magiging bagong ang pangalan)
aralin sa araw na ito.

Matapos ninyong mapagtagumpayan ang mga aralin sa isa


hanggang sa Ikaapat na Markahan, inaasahan na sa pagkakataong
ito ay mayroon ka nang malalim na pang-unawa sa paksa ng
aktibong mamamayan, karapatang pantao at gawaing pansibiko na
tinalakay sa nakaraang aralin.

Ngayon, upang masukat ang inyong naging pang-unawa mula sa


ating nakaraang aralin, may hinanda akong gawain na siyang
B. Balik-aral sa magsisilbing pagsusuri sa inyong mga naging kaalaman tungkol sa
nakaraang aralin paksang naitalakay.
at/o pagsisimula ng
bagong aralin. Handa na!
Handa na ba kayo class?

Okay! Mukhang handang-handa na ang lahat. Kung ganun atin ng


simulan ang ating panimulang gawain.

(Ang sagot ay nakabatay sa mag-aaral)

Pamilyar ba kayo sa mobile game na ito?


Ang pamagat ng larong ito ay “Treasure Hunt” (Magtataas ng kamay ang mga nakapaglaro na ng “Treasure Hunt”)

Sino sa inyo rito ang nakapaglaro na ng ganitong mobile game?

Mabuti at ilan sa inyo ay may kaalaman na sa paglalaro ng ganitong


game. HANDA NA!

Ngayon, isigaw ang salitang HANDA NA! kung kayo ay handa nang
maglaro.

Wow! Napakataas ng energy. Mukhang handang-handa na nga


lahat, kaya wag na tayong magpatumpik-tumpik pa, atin ng simulan
ang ating unang gawain.

“Treasure Hunt”
Panuto: Upang makalakbay kayo sa bawat istasyon na makikita sa
mapa at upang mabuksan ang “Mystery Box”, kinakailangan ninyong
masagot ang bawat katanungan na aking ipapakita sa inyo. Bawat
tamang sagot ay may katumbas na gantimpala at ang gantimpala ay
magmumula sa ating “Mini Fruit Tree”.

Ang “mini fruit tree” ay may iba’t ibang


klase na bunga ng mga prutas. Kung sino
man sa inyo ang makapitas ng maraming
bunga ay siyang makakatanggap ng
magiging laman ng ating “Mystery Box”

Para sa inyong unang paglalakbay, kinakailangan na marating ninyo


ang unang destinasyon, ang PAARALAN at upang magawa ito
kinakailangang masagutan ninyo ang mga katanungan na nakabatay
sa MELC 3 ng Ikaapat na Markahan. Kapag nasagot ninyo ng tama
ang bawat katanungan, kayo ay malayang makapitas ng isa sa mga
bunga ng “Mini Fruit Tree”.

START
Mga tanong:
Sibiko
1. Ito ay mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay
mamamayan.

Tumpak!
Gawaing Pansibiko
2. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing nakatutulong sa
pagpapaunlad ng pamayanan at bansa.

Mahusay! Gawaing Pansibiko sa Kabuhayan


Gawaing Pansibiko sa Politika
3. Ano ang iba’t ibang uri ng Gawaing Pansibiko? Gawaing Pansibiko sa Lipunan
Tama!
Grassroots Organizations o People’s Organizations (PO’s)
Grassroots Support Organizations o Non-Government Organizations
4. Ano ang dalawang kategorya ng Civil Society? (NGO’s)
Magaling!

Binabati ko kayo at inyong narating ang unang destinasyon. Patunay


rin ito na kayo ay talagang may natutunan sa ating nakaraang aralin.

Sa pagkakataong ito, bago tayo magpatuloy, pagpahingahin muna


ng sandali ang inyong mga sarili dahil malayo-layo narin ang inyong
nilakbay. Upang maging makabuluhan ang inyong oras, tayo muna
at pasukin ang paaralan at maging bahagi sa isang talakayan na
nakatuon sa MELC 4 ng Ikaapat na Markahan.

Kung maaari ay magtala, makilahok, at makinig nang mabuti.


C. Pahahabi sa layunin
ng aralin. Upang pormal na simulan ang ating talakayan, atin munang bigyang-
pansin ang mga layunin na may kaugnayan sa paksa na ating
tatalakayin ngayon.
Sa pagtatapos ng aralin, kayo bilang mag-aaral ay inaasahang:

1. Matalakay ang papel na ginagampanan ng mamamayan sa


pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan.

2. Maunawaan ang kahulugan ng mabuting pamahalaan at


mabuting pamamahala (good governance).

3. Makagawa ng isang malikhaing gawain na nagpapakita ng


pagpapahalaga sa papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng
isang mabuting pamahalaan.

C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa Sa pagkakataong ito, magkakaroon ulit tayo ng gawain at ito ay may
bagong aralin. pamagat na “Pics-To-Words”. Ngayon, bigyang pansin ang mga
larawan sa manila paper na nakapaskil sa pisara.

Pics-To-Words
Panuto: Gamit ang mga larawan bilang inyong gabay na nakapaskil
sa bawat manila paper sa ating pisara. Buuin ang salita o parirala na
angkop sa mga larawan. Gamitin ang mga letra sa ibaba sa pagbuo
ng mga salita o parirala.

_A_E_ N G M_MA_A_A N

M_B_TI_G P_M_ _ALA_N


PAPEL NG MAMAMAYAN

P O P L E C A S Y M

U O A A E H A S A N
MABUTING PAMAHALAAN

Bibigyan ko kayo ng sampung (10) segundo upang pag-isipang buuin


ang mga salita o parirala.

Ang inyong sampung (10) segundo ay nagsisimula na…

Tiyak kung nakabuo na kayo ng mga salita o parirala batay sa mga


larawan.

Ngayon, sino ang gustong mag-volunteer na buuin ang salita o (May isang volunteer mula sa mag-aaral)
parirala sa unang manila paper?

Mahusay!

Para naman sa pangalawa? (May isang volunteer mula sa mag-aaral)

Magaling!

Maraming Salamat sa mga nag-volunteer.

Pansinin ninyo ang mga salita o parirala na nabuo, PAPEL NG


MAMAMAYAN at MABUTING PAMAHALAAN

Ano kaya ang kaugnayan nito sa ating paksang tatalakayin ngayon at


ano ang kahalagahan nito sa isa’t isa?
Ang dalawang salita o pariralang ito ay siyang magiging pokus ng
ating aralin ngayong araw na nakatuon sa MELC 4 ng Ikaapat na
Markahan ang,
“NAPAHAHALAGAHAN ANG PAPEL NG MAMAMAYAN SA
PAGKAKAROON NG ISANG MABUTING PAMAHALAAN”

D. Pagtatalakay ng
bagong konsepto Ano nga ba ang ibig-sabihin ng salitang Mamamayan?
at paglalahad ng
bagong
kasanayan. Meron ba sa inyo ang may ideya? (Ang sagot ay nakabatay sa mga mag-aaral)

Tama!

o May mahalagang papel na ginagampanan sa isang bansa sa


pagpapanatili ng kaayusan at pagkamit ng kaunlaran.

Papel ng Mamamayan at ang Pakikilahok nito sa Gawaing Politikal

o Malaki ang papel na dapat gampanan ng mga mamamayan (Isa sa mga mag-aaral ang magbabasa)
upang matiyak ang isang mabuting pamahalaan. Ang
pagkakaroon ng isang empowered at may pakialam na
mamamayan ay kailangan sa isang mas epektibo, bukas, at
mabuting pamahalaan.

Katangian ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng isang Mabuting


Pamahalaan

1. Sumusunod sa mga batas at alituntunin ng bansa (Isa sa mga mag-aaral ang magbabasa)
2. Nakikiisa sa mga programa na nakabubuti sa bayan
3. Ginagalang ang karapatan ng bawat isa
4. Tapat sa mga tungkulin, at
5. May disiplina sa sarili

Pakikilahok ng mga Mamamayan sa Gawaing Politikal

o Nagpapakita kung paano sila nakikiisa, sumasama, o (Isa sa mga mag-aaral ang magbabasa)
sumasali sa mga pampublikong gawaing inilulunsad ng
pamahalaan.
o Ang pagpaparehistro at pagboto ng mga mamamayang may
edad 18 pataas ay isang magandang halimbawa ng
pakikilahok sa gawaing politikal.

Halimbawa ng Pakikilahok sa Gawaing Politikal (Babasahin ng sabay-sabay)

1. pagsali sa isang partidong politikal;


2. pakikipag-ugnayan sa mga opisyal;
3. pagdalo sa mga pulong na pampolitika;
4. pagtulong sa pamahalaan sa mga programa at proyekto
nito; at
5. pagtakbo sa posisyon sa pamahalaan.

Mabuting Pamahalaan at Mabuting Pamamahala (Good


Governance)

Masasabing nakasalalay sa mga mamamayan nito ang pagkakaroon (Isa sa mga mag-aaral ang magbabasa)
ng isangmabuting pamahalaan. Subalit, may mga panuntunan rin na
nagsisilbing batayan upang matiyak ang pagkakaroon ng isang
mabuting pamahalaan. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

1. Ang pamahalaan ay nakikinig sa boses ng bayan.


2. Inuuna ng pamahalaan ang interes ng mga mamamayan
nito.
3. Nagpapatupad at sumusunod sa batas ang pamahalaan.
4. Nagsasagawa ang pamahalaan ng pantay na pagkilala at
oportunidad na naglalayong mapaunlad ang kakayahan ng
lahat.

Partcipatory Governance

o Pakikilahok ng mga mamamayan sa politika tulad ng sa (Isa sa mga mag-aaral ang magbabasa)
eleksiyon at pakikibahagi sa civil society.

Good Governance

o Ayon sa World Bank, ang good governance ay isang paraan (Isa sa mga mag-aaral ang magbabasa)
ng pagsasakatuparan ng kapangyarihang mangasiwa sa
“economic and social resources”
o Sa pagkamit ng good governance, kinakailangan ang
aktibong partisipasyon ng lahat ng mamamayan, tuwiran (Isa sa mga mag-aaral ang magbabasa)
man o sa pamamagitan ng mga institusyong kanilang
kinakatawan.

Sa kabuuan, hindi magiging posible ang pagkakaroon ng isang


mabuting pamamahala kung walang kapananagutan at katapatan sa
panig ng pamahalaan at mamamayang laging mulat sa mga gawain
ng pamahalaan. Kaya naman mahalagang magsagawa ang
mamamayan ng iba’t ibang paraan ng politikal na pakikilahok:
pagboto, pagsali sa civil society organizations, at participatory
governance.
E. Paglinang ng
Kabihasaan Ngayong natapos na nating talakayin ang mga aralin na nakatuon sa
PAGPAPAHALAGA SA PAPEL NG MAMAMAYAN SA PAGKAKAROON
NG ISANG MABUTING PAMAHALAAN, atin nang ipagpatuloy ang
ating paglalakbay upang marating ang “Mystery Box”. Para sa hindi
pa nakaagsagot, ito na ang pagkakataon ninyo upang bumawi at
pag-igihan pa nang husto ang pagsagot upang makakuha ng premyo.

“Treasure Hunt”

Panuto: Sa pagpapatuloy ng ating paglalakbay upang marating ang


“Mystery Box”, atin ng subukin ang inyong naging kaalaman sa ating
naging aralin ngayon mula sa MELC 4 ng Ikaapat na Markahan. Batay
sa mga ibibigay na pangungusap, tukuyin kung ang mga ito ay
nagpapakita ng pagpapahalaga sa papel ng mamamayan sa
pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan. Ang
inyong magiging tugon ay “Oo” o “Hindi” gamit ang flashcard na
inyong itataas kung kayo ay nais sumagot.

Thumbs-up kung “Oo”


at
Thumbs-down kung “Hindi”

Pabilisan po ito sa pagtaas ng kamay at pagbibigay ng tugon.

Nakuha ba class?
Opo Ms.!
Mahusay!

Kung ganun ay atin ng simulan


Mga Tanong:

5. Ang pamahalaan ay nakikinig sa boses ng bayan


Oo
6. Pagwawalang bahala ng pamahalaan sa mungkahi ng sambayanan
Hindi
7. Nagsasagawa ang pamahalaan ng hindi pantay na pagkilala at
oportunidad sa mga mamamayan
Hindi
8. Inuuna ng pamahalaan ang interes ng mga mamamayan

9. Ginagalang ang karapatan ng bawat isa Oo

Oo
Isang pagbati at inyong narating ang panghuling destinasyon. Isa
itong patunay na kayo ay talagang may natutunan sa ating mga
naging aralin.

Ngayon, bilangin ninyo ang inyong nakuhang prutas at kung sino sa


inyo ang may maraming napitas ay siyang mabibigyan ng
pagkakataon na buksan ang ating “Mystery Box” at makakatanggap
ng laman nito.

Ngayon, dumako na tayo sa ating pangalawang gawain.

F. Paglalapat ng aralin
sa Pang-araw- araw Para sa pangalawang gawain, ating susubukin ang inyong mga
na Buhay. kakayahan sa paglikha ng mga malikhaing gawain.

Gawa mo! Ipagmalaki mo!

Panuto: Bilang isang mamamayang Pilipino at mag-aaral, paano mo


maipapakita ang pagpapahalaga sa papel ng mamamayan sa
pagkakaroon ng mabuting pamahalaan? Sagutin ito sa pamamagitan Rubrik sa Pagwawasto
ng isang malikhaing gawain. Pumili lamang ng isa sa mga gawaing
makikita sa ibaba. Batayan: Puntos
• Pagsulat ng Sanaysay Ideya ng Nilalaman 20
• Pagsulat ng Maikling Tula Pagkamalikhain 10
• Paggawa ng Slogan Kaugnayan sa Paksa 10
• Paggawa ng Poster
Kabuuan 40
Bibigyan ko lamang kayo ng sampung (10) minuto para gawin ang
napiling gawain.

Your timer starts now…

Tayo ay dadako na sa presentasyon ng inyong mga ginawa.

Napakahusay ng pagbabahagi ninyo ng inyong mga ginawa.


Bigyan ng masigabong palakpak ang inyong mga sarili.

G. Paglalahat ng Aralin
Bago tayo magtapos, atin munang subukin ang inyong naging
kaalaman mula sa ating mga itinalakay na paksa. Sagutan ang mga
sumusunod na tanong.

Batay sa ating itinalakay:

1. Ano-ano ang papel na ginagampanan ng mamamayan sa 1. sumusunod sa mga batas at alituntunin ng bansa;
pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan? 2. nakikiisa sa mga programa na nakabubuti sa bayan;
3. ginagalang ang karapatan ng bawat isa;
4. tapat sa mga tungkulin; at
5. may disiplina sa sarili.

Mahusay!

2. Ano ang ibig-sabihin ng salitang participatory governance at good Partcipatory Governance


governance?
o Pakikilahok ng mga mamamayan sa politika tulad ng sa
eleksiyon at pakikibahagi sa civil society.

Good Governance
o Ayon sa World Bank, ang good governance ay isang paraan
ng pagsasakatuparan ng kapangyarihang mangasiwa sa
“economic and social resources”

Sa pagkamit ng good governance, kinakailangan ang


aktibong partisipasyon ng lahat ng mamamayan, tuwiran
man o sa pamamagitan ng mga institusyong kanilang
kinakatawan.

Magaling!

Ito ay isang indikasyon na kayo ay talagang nakinig sa aking klase.

Para sa ating panghuling gawain, bilang pagtataya sagutan ang


katanungan sa ibaba. Isulat ang inyong sagot sa ¼ sheet na papel.
H. Pagtataya ng aralin
Bilang mag-aaral, paano mo magampanan ang papel ng (Ang mga mag-aaral ay tahimik na gagawa ng pagtataya)
mamamayan sa pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan?

I. Karagdagang gawain
para sa takdang- Para sa inyong magiging takdang aralin, sagutan ang bahagi ng
aralin at gawain sa MELC 4-WEEK 7-8 ng ating module sa ikaapat na
remediation markahan. Sundin ang gabay na iskedyul sa pagsagot sa mga gawain
sa learning module. Siguraduhing masagutan ang lahat ng gawain
lalong na ang nasa Repleksiyon na bahagi.

Naintindihan ba class? Opo Ms.!

Mabuti kung ganun

Meron pa ba sa inyo ay may mga katanungan o other concerns? (Ang sagot ay nakabatay sa mga mag-aaral)

Kung wala na, dito na nagtatapos ang ating klase. Maraming


Salamat sa inyong pakikinig. Nawa’y may natutunan kayo sa ating
itinalakay.
See you next time

Paalam Class! Paalam Ms.!


V. MGA TALA
(REMARKS)
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral nakakuha ng 80%
sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain para
sa remediation.
C. Nakatulong ba
ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na
nakaunawa ng aralin.

D. Bilang ng mag-
aaral na magpapatuloy
sa remediation
E. Alin sa mga
estratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking naranasan
na nasolusyonan sa
tulong ng aking
punongguro at
superbisor?
G. Anong
kagamitang panturo
ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?
Inihanda ni: Pinatotohanan ni:

You might also like