You are on page 1of 4

Division of Lapu-Lapu City

CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISION

INSTRUCTIONAL PLANNING
DETAILED LESSON PLAN (DLP) FORMAT

Pangalan: NILO L. TURTOGA Posisyon/Designasyon: MT1


Petsa: Asignatura: Baitang: Markahan: Una Oras: 60 minutes
Araling 10
Panlipunan
Code: MELC M4
Mga Kasanayan:
Naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon Week 7-8
(Hango sa MELC)

Susi ng Pag-unawa na Lilinangin:

1. Layunin

Kaalaman Natutukoy ang epekto ng globalisasyon sa larangan ng ekonomiya, sosyo-kultural, at politika;

Kasanayan Naipapahayag ang epekto ng globalisasyon sa sa larangan ng ekonomiya, sosyo-kultural at politika;

Nakagagawa ng malikhaing ilustrasyon na nagpapakita sa mga epekto ng globalisasyon sa sa larangan ng ekonomiya, sosyo-
Kaasalan
kultural at politika at;
Nahuhusgahan ang pangkalahatang epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao sa pamamagitan ng pagsusuri sa nilikhang
Kahalagahan
gawain.
2. Nilalaman Ikalawang Markahan- Modyul 4 (Week 7-8): Epekto ng Globalisasyon
Araling Panlipunan 10 Learner’s Manual, Araling Panlipunan 10 SLM – Modyul 4 (Week 7-8)
3. Mga Kagamitang Pampagtuturo

4. Pamamaraan
BALIK-ARAL
(Sasagutan ng mga mag-aaral ang Balikan sa bahagi ng Modyul bilang balik-aral)
Panuto: Basahin ng mabuti at sagutin ang mga katanungan. Isulat sa isang hiwalay na papel ang iyong
mga sagot.
1. Ang konsepto kung saan ito ay isang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao,
bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng
daigdig.
A. Globalisasyon C. Teknolohiya
B. Politikal D. Kultura
2. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga implikasyon ng pag-usbong ng mga multinational at
transnational corporations sa ating bansa maliban sa:
A. Pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian
B. Pagkawala ng kompetisyon
C. Pagbaba ng halaga o presyo ng mga produkto o serbisyo.
D. Paglilikha ng mga trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
3. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
4.1 Panimulang Gawain (5 mins.) A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa dahil sa banta na
magdudulot ng kapinsalaan.
C.Dahil sa globalisasyon nagkaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at koloaborasyon
ang mga bansa.
D. Maikikita sa globalisasyon ang pag-hiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
4. Ang mga sumusunod ay limang perspektibo o pananaw tungkol sa globalisasyon. Alin dito ang hindi
kabilang?
A. Paniniwalang ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa
B. Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo ng pagbabago
C. Ang globalisasyon ay paniniwalang wave o epoch o panahon na siyang binigyang-diin ni
Therborn (2005)
D. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa
kasaysayan
5. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa C. Migrasyon
B .Ekonomiya D. Globalisasyon
4.2 Mga Gawain/Estratehiya (15 Tuklasin
mins.) Gawain sa Pagkatuto Blg.1: Pagsulong ko sa Globalisasyon!
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at punan ang talahanayan sa ibaba. Magbigay ng tig-tatlong
epekto sa iyong pamumuhay. Bilang isang mag-aaral, paano naaapektuhan ng Globalisasyon ang
iyong pamumuhay.

Mga Paraan ng Pamumuhay Epekto sa Pamumuhay


Gawain sa Pagkatuto Blg.3: Kuwentuhan Na!
Panuto: Basahin ang maikling kuwentoat punan ang mga hinihinging detalye. Sagutan ang mga gabay
na tanong sa ibaba at isulat ang iyong mga sagot sa isang hiwalay na papel.
Techy ka Dong?
Almarie Joyce I. Gimena
Isang maaliwalas na umaga sa bayan ng Luba kung saan nakatira ang batang nagngangalang
Dodong. Datapwa’t nakatira siya sa isang liblib na bayan, siya ay hindi nahuhuli sa mga
makabagong kagamitan. Sagana siya sa lahat ng inpormasyon dahil sa tulong ng kanyang
makabagong cellphone. Lahat ng kanyang naisin magsaliksik, maglibang, manood ng mga videos at
marami pang iba ay nagagawa niya. Mula umaga hanggang gabi ito ay kanyang katabi.
Napansin ng kanyang mga magulang ang kaniyang walang tigil sa paggamit ng makabagong
kagamitan. Sila ay nababahala sa pagkat nagbago ang pakikitungo ni Dodong sa kanila at
sakanyang mga kaibigan. Hindi na niya naisin pang maglaro, makipagkwentuhan sa kanila dahil siya
4.3 Pagsusuri (10 mins.)
ay nahahalina sa paggamit nito. Kinalimutan ang dating nakagawian kung saan ito ay dapat balik-
balikan. Isang gabi habang siya ay naglalaro ng Moblie Legend napansin niya na hindi na niya
maikilos ang kanyang mga daliri at nag-umpisang mangatog ang kaniyang kalamnan. Bigla siyang
kinabahan dahil sa nararamdaman. Sumigaw siya at naalerto ang kanyang mga magulang. Sinugod
siya sa pinakamalapit na ospital at ginamot ang kaniyang karamdaman.
Si Dodong, isang bata sa makabagong henerasyon ay isang halimbawa ng karamihan sa ating
panahon.
Pamprosesong mga tanong:
1. Anong aral ang iyong napulot sa kuwento?
2. Ano ang naramdaman mo matapos basahin ang kuwento?
3. May mabuti bang naidudulot ang paggamit ng cellphone kay Dodong? Bakit?
4. Paano nakaapekto ang paggamit ng cellphone sa buhay ng tao?
6. Anong konklusyon ang mabubuo mo sa binasang kwento?
Isaisip
Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na teksto.

4.4 Pagtatalakay (14 mins.)

4.5 Paglalapat (6 mins.) Gawain sa Pagkatuto Blg.5: I - Tweet Mo!


Panuto: Bilang isang mag-aaral, paano nakakaapekto ang globalisasyon sa mga sumusunod na
sitwasyon:
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga tanong sa ibaba.. Isulat sa papel ang titik ng
napiling sagot.
1. Ang globalisasyon ay nagdala ng mahalagang pagbabago sa mundo. Isa sa mga hamon ng
globalisasyon sa bansa ay ang pagbabago sa workplace ng mga manggagawa, binago rin nito ang
sistema ng pagpili sa mga manggagawa. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa
pahayag na “binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
A. Pag-angat ng kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
C. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller Machine (ATM).
D. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.

2. Si Mat ay isang dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas bunsod ng globalisasyon, ipinatupad ang


mura at flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggaggawang Pilipino. Alin sa
mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa?
A. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan.
B. Maipantay ang sweldo ng mg manggagawang Pilipino sa ibang bansa
C. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
D. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang krisis.

3. Marami sa mga Pilipino ang nangangarap na mangingibang bansa dulot ng kahirapan sa buhay. Alin
sa sumusunod ang pangunahing dahilan ng pangingibang bansa o pagmigrate ng mga Pilipino?
A. Makapag-aral sa mga tanyag na unibersidad sa ibang bansa.
4.6 Pagtataya (6 mins.) B. Makapaghanap buhay na may mataas na sahod.
C. Makapagbisita sa makapaglibang sa mga makasaysayang pook.
D. Matuto ng makabagong kasanayan at kakayahan.
4. Mahalaga na maproteksyunan ang kalagayan ni Maria na isa sa 11 milyong manggagawang Pilipino
laban sa mababang pasahod at dimakatarungang pagtanggal sa kanya sa trabaho dulot ng kawalan ng
seguridad sa paggawa. Paano ito maisasakatuparan ni Maria bilang isang manggagawa?
A. Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng pagkondena
sa mga ito.
B. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapitalismo o may-ari ng kompanya
sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang Collective bargaining Agreement (CBA).
C. Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kompanya at kapitalista.
D. Pagsabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya.

5. Ang globalisasyon ay nagdala ng mga pagbabagong nagpabuti sa ilang aspeto ng ating buhay ngunit
kalakip nito ang mga suliraning kailangang harapin at bigyang katugunan. Mayroong mga solusyon sa
pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasakatuparan sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig. Alin sa
ibaba ang posibleng mangyayari kung maayos na maipatutupad ang pagpataw ng taripa at pagbibigay
ng subsidiya sa local na mga negosyante?
A. Kaya nang makipagsabayan ng mga lokal na negosyate sa mga dayuhang
mangangalakal.
B. Mahihirapan ang mga dayuhang negosyante na magnegosyo sa ating bansa dahil sa
patakarang ito
C. Magdadalawang-isip ang dayuhan negosyante sa pagtatayo ng mga negosyo sa ating bansa.
D. Parehong makikinabang ang lokal at dayuhan negosyante sa patakarang ito.
4.7 Takdang-Aralin (2 mins.) Sa isang short bond paper, isulat ang iyong saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon.
4.8 Paglalagom/Panapos na Gawain
5. Mga Tala
Mahalagang maipahayag natin ang ating saloobin hinggil sa mga bagay na mahalaga sa atin,
6. Pagninilay
huwag ipagwalang-bahala, maging mapanuri, maagap at masikap.
Adopted by: JENNY F. HIYAS
Teacher III

Checked by: EDLYN A. GO


Master Teacher

You might also like