You are on page 1of 4

Division of Lapu-Lapu City

CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISION

INSTRUCTIONAL PLANNING
DETAILED LESSON PLAN (DLP) FORMAT

Pangalan: NILO L. TURTOGA Posisyon/Designasyon: MT1


Petsa: Asignatura: Baitang: Markahan: Una Oras: 60 minutes
Araling 10
Panlipunan
Code: MELC M4
Mga Kasanayan:
Naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon Week 7-8
(Hango sa MELC)

Susi ng Pag-unawa na Lilinangin:

1. Layunin

Kaalaman Nabibigyang-pansin ang positibo at negatibong epekto ng globalisasyon sa sa larangan ng ekonomiya, sosyo-kultural at politika;

Kasanayan Naipapahayag ang sariling saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon sa sa larangan ng ekonomiya, sosyo-kultural at politika;

Nakagagawa ng malikhaing ilustrasyon na nagpapakita sa mga epekto ng globalisasyon sa sa larangan ng ekonomiya, sosyo-
Kaasalan
kultural at politika at;
Nahuhusgahan ang pangkalahatang epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao sa pamamagitan ng pagsusuri sa nilikhang
Kahalagahan
gawain.
2. Nilalaman Ikalawang Markahan- Modyul 4 (Week 7-8): Epekto ng Globalisasyon
Araling Panlipunan 10 Learner’s Manual, Araling Panlipunan 10 SLM – Modyul 4 (Week 7-8)
3. Mga Kagamitang Pampagtuturo

4. Pamamaraan
Balik-aral
4.1 Panimulang Gawain (5 mins.)

4.2 Mga Gawain/Estratehiya (15 Gawain sa Pagkatuto Blg.2: Tingin Ka Lang!


mins.) Panuto: Magbigay ng isang makahulugang paglalarawan sa mga posibleng epekto na pwedeng
mangyari sa pinakitang mga larawan.

1.________________________________

2.__________________________________

3___________________________________
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: PAG-IISIPAN KO!
Panuto: Lagyan ng check ang mga pahayag kung saang epekto ng globalisasyon ito nabibilang.

4.3 Pagsusuri (10 mins.)

PANGKATANG GAWAIN
Panuto: Hahatiin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay mag-uulat ng kanilang
mahahalang natutunan sa epekto ng globalisasyon batay sa nakaatas sa kanilang pangkat na Salik.

UNANG PANGKAT : SOSYO-KULTURAL

IKALAWANG PANGKAT: EKONOMIYA

IKATLONG PANGKAT: POLITIKAL


4.4 Pagtatalakay (14 mins.)
 Bawat pangkat ay sasagutin ang sumusunod na katanungan
1. Masasabi mo ba na malaki ang naging epekto ng salik na naatas sa inyong pangkat sa
iyong komunidad?Ipaliwanag
2. Sang-ayon ka ba na ang salik na iyong iniulat ay nagtataglay ng malaking
kapakinabangan sa ating bansa?
3. Sa negatibong nabanggit sa bawat salik bilang epekto ng globalisasyon, maaari ba itong
malunasan o masolusyonan? Oo o Hindi? Bakit?

Rubrics sa Pag-uulat

4.5 Paglalapat (6 mins.) Panuto: Isulat ang iyong ninanais at iyong pagkakaunawa sa ibaba.
Panuto:
1. Isa sa mga anyo ng globalisasyon ay mayroong layunin na tulungan ang mga bansa upang higit na
maisakatuparan ang mga programa at proyektong mag-aangat sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Ngunit maaari rin itong maging sagabal sa pag-unlad ng isang bansa kung ang kanilang interes ang
bibigyang pansin. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
A. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng
kapinsalaan.
B. Dahil sa globalisasyon nagkaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga
bansa.
C. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
D. Maikikita sa globalisasyon ang pag-hiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
2. Makikita ang pag-usbong ng malalaking korporasyon na ang operasyon ay nakatuon hindi lamang
sa bansang pinagmulan kundi sa mga ibang bansa. Ang paraan ng palitan ng mga produkto at serbisyo
sa pagitan ng mga bansa ay mabilis na nagbago.Ang mga sumusunod ay ilan sa mga implikasyon ng
pag-usbong ng mga multinational at transnational corporations sa ating bansa maliban sa:
A. Pagbaba ng halaga o presyo ng mga produkto o serbisyo.
B. Pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili.
C. Pagkawala ng kompetisyon.
D. Paglilikha ng mga trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
3. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan ang paggamit ng
mobile phones o mga gadgets na nagsimula sa mga mauunlad na bansa. Sa kasalukuyan, ang
teknolohiya ay mahalagang bahagi ng ating buhay lalo na sa ating mga kabataan. Sa paanong
paraannagkakaroon ng negatibong epekto ang paggamit nito sa pamumuhay ng atingkabataang
Pilipino?
A. Ang oras ng kabataan ay nasasayang at hindi na nila pinapansin ang mga importanteng gawain
4.6 Pagtataya (6 mins.) dahil sa sobrang paggamit ng gadget
B. Maari nang makapagtapos ng pag-aaral ng nasa bahay lamang gamit ang kompyuter at iba pang
teknolihiya
C. Napapadali ng mga kabataan ang pagtuklas ng mga impormasyon gamit ang internet at kompyuter
D. Napapadali ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang panig ng daigdig
4. Lubusang tinatangkilik ng mga Pilipino ang mga Korean Novela at mga K-pop idols. Malaki ang
naging impluwensya ng kultura ng Koreans sa ating bansa. Matutunghayan natin ang epekto nito sa
mga pananamit, pagsasalita at pakikisalamuha ng maraming kabataang Pilipino sa kasalukuyan. Paano
natin mapapanatili upang hindi mawala ang kulturang Pilipino?
A. Higit pang mahalin , pahalagahan at pagyamanin ang impluwensiyang hatid ng ibang
bansa sapagkat ito ay parte na ng ating buhay
B. Huwag kalimutan ang sariling atin at marapat lang itong alagaan at buhayin
C. Pagbabaliwala sa tradisyon, paniniwala at kultura na kinalakihan
D. Pagkalimot sa mga nakagisnang gawain dahil sa impluwensiya ng ibang bansa
5. Ang Pilipinas ay mayroong mga samahang kinabibilangan gaya ng APEC, ASEAN, at UNO. Ipinapakita
nito ang ugnayang politikal, pang ekonomiko at pang kultural ng ating bansa sa ibang bansa. Paano
lubusang nakakatulong sa ating bansa ang mga samahan na ito?
A. Pag-usbong ng mga korporasyong multinasyonal at pandaigdigang institusyon na nangangalaga sa
kalakalan
B. Pagbilis ng pagbibigay tugon at tulong ng iba’t ibang bansa sa mga nasalanta ngkalamidad
C. Itinataguyod nito ang paglago ng ating ekonomiya, pagsulong ng ating kultura sa mga kasapi at
paglaganap ng kapayapaang pangrehiyon.
D. Lahat ng Nabanggit

4.7 Takdang-Aralin (2 mins.) Gawain sa Pagkatuto 6: Ako Ay Tutula!


Panuto: Bumuo ng isang tula na may apat na saknong. Sisiguruhin na ang tula ay nagtataglay ng mga
epekto ng globalisasyon sa larangan ng ekonomiya, sosyo-kultural at politikal. Ang tulang gagawin ay
binubuo ng limang taludtod bawat saknong.
Rubrics para sa 15 10 5
pagsulat ng tula:
Pagkakabuo Angkop at wasto May ilang Walang
ang mga salitang salitang ginamit kaugnayan at
ginamit sa na hindi angkop hindi wasto ang
pagbuo. at wasto. mga salitang
ginamit
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag nang nang mabisa ang
mensahe ng tula. mabisa ang nilalaman ng
nilalaman ng tula.
tula.
4.8 Paglalagom/Panapos na Gawain
5. Mga Tala
Mahalagang maipahayag natin ang ating saloobin hinggil sa mga bagay na mahalaga sa atin,
6. Pagninilay
huwag ipagwalang-bahala, maging mapanuri, maagap at masikap.

You might also like