You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL SUR
LANTUNGAN NATIONAL HIGH SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN 10
NAT/RAT REVIEWER
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag sa bawat
bilang. Markahan o itiman ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. Huwag
markahan ang papel na ito.

1. Ang Kontemporaryong isyu ay hango sa latin na contemporaries, ano ang ibig


sabihin ng Tempus?
A. kasama sa C. magkatulad
B. magkaiba D. magkasalungat
2. Anong ahensya ang inatasang magbigay ng mga babala tungkol sa baha, bagyo at
pampublikong taya ng panahon?
A. Philippine Weather Bureau
B. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration
C. Department of Science and Technology
D. Department of Environmental and Natural Resources
3. Alin sa mga sumusunod ang mga dapat mong gawin BAGO ang pagbaha?
A. Gumawa ng Bangka
B. Tawirin ang tubig-baha gamit ang sasakyan
C. Lumikas sa nakatalagang evacuation center kung kinakailangan
D. Isara ang mga pinto at bintana ng bahay para hindi makapasok ang tubig baha
4. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga
suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng
iba’t ibang sektor sa lipunan
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang
sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung
mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran.
5. Bakit kailangan ang CBDRM approach sa pagharap sa mga hamon at suliraning
pangkapaligiran?
A. Sapagkat ang lahat ng mga pagpaplano, pagtataya at paghahandang nakapaloob
sa disaster management plan ay tungon sa pagbuo ng isang pamayanang handa
sa mga kalamidaad
B. Sapagkat ito makakatulong sa mga tao sa panahon ng sakuna
C. Sapagkat isa itong programa ng gobyerno na dapat sundin ng lahat
D. Sapagkat bilang isang mamamayan kailangan nating maging handa sa lahat ng
sakuna
6. Alin sa sumusunod ang tumpak na kahulugan ng Globalisasyon?
A. Malaya at malawakang pagbabago sa Sistema ng pamamahala sa buong
daigdig.
B. Mabilis na pagggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal
ng mga bansa sa mundo.
C. Pagbabago ng ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng
pamumuhay ng mga mammayan sa buong mundo.

Strengthening
LANTUNGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Unequivocal
Lantungan, Aurora, Zamboanga del Sur
Response for
Email Address: lantungannhsaurora@gmail.com
Excellence
Contact Number: 09169860690
D. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay impormasyon at produkto sa
iba’t-ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.
7. Malaking hamon sa bansa ang mga pagbabago sa iba’t ibang larangan dulot ng
globalisasyon. Alin ang HINDI kabilang sa mga mabuting naidulot ng globalisasyon
sa paggawa sa bansa?
A. Binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksyon tulad ng
pagpasok ng iba’t ibang gadyet at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
B. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa ng
globally standard.
C. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa
pandaigdigang pamilihan.
D. Mapapaunlad nito ang maliliit na mga kompanya na pagmamay-ari ng mga lokal
na mga namumuhunan sa bansa.
8. Maraming umiiral na suliranin sa sistema ng paggawa sa bansa. Alin sa mga
sumusunod na kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya ay komukontrata
ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o
serbisyo?
A. Labor-only contracting C. Job- contracting
B. Iskemang sub-contracting D. Job- mismatch

9. Bakit marami sa mga Pilipino ang umaalis ng bansa bilang OFW?


A. Dahil nais nilang makarating sa ibang bansa para magliwaliw.
B. Dahil nais nilang maiangat ang katayuan nila sa buhay.
C. Dahil nais nilang mabisita ang kanilang mga kamag-anak sa ibang bansa.
D. Dahil nais nilang makakita ng dayuhang magagandang tanawin sa ibang bansa.

10. Paano nakatutulong ang globalisasyon sa sanhi ng migrasyon sa pag- unlad ng


bansa?
A. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nakatutulong sila sa ekonomiya ng bansa
dahil sa remittances na kanilang pinapadala.
B. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nagkakaroon ng brain drain sa pinagmulang
bansa.
C. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nagkakaroon ng brawn drain sa 13
pinagmulang bansa
D. Sa pamamagitan ng migrasyon ay nangyayari ang transnational crime.
11. Anong oryentasyon mayroon si Paolo kung siya ay nakararamdam ng atraksyon sa
dalang kasarian?
A. bisexual C. heterosexual
B. gay D. intersexual
12. Sa panahong pre-kolonyal, ang mga babae ay maaaring patawan ng kamatayan ng
kanilang asawa sa oras na makitang may kasamang ibang lalaki. Samantalang, ang
mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa. Ano ang
ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming asawa.
D. Mas malawak ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa
kababaihan.
13. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng karahasan na maaaring maranasan?
A. laging may nakahandang sorpresa ang kaniyang asawa.
B. ibinibigay sa kaniya ang lahat ng kaniyang pangangailangan.
C. pinipigilan siyang makipagkita sa kaniyang pamilya at kaibigan.
D. madalas siyang nakatatanggap ng tsokolate mula sa kaniyang asawa.

Strengthening
LANTUNGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Unequivocal
Lantungan, Aurora, Zamboanga del Sur
Response for
Email Address: lantungannhsaurora@gmail.com
Excellence
Contact Number: 09169860690
14. Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-
pantay sa karapatan ng mga babae. Ang sumusunod ay tungkulin ng Estado bilang
State Party sa Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women (CEDAW) MALIBAN sa:
A. paggalang sa karapatan ng kababaihan
B. kondenahin ang pamahalaan dahil mahina ito
C. masolusyunan ang laganap na diskriminasyon
D. ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan
15. Paano makatutulong ang mga polisiya ng GAD sa pagkakapantay-pantay ng lalaki
at babae sa lipunan?
A. pagpapatupad ng mga patakarang pangkabuhayan
B. pagrereporma ng mga tradisyunal na pananaw sa bawat kasarian
C. pagsusuri sa ginagawang pagtutulungan ng lalaki at babae sa lipunan
D. pagpapanatili ng maayos na relasyon ng lalaki at babae sa pamayanan

16. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang
indibiduwal MALIBAN sa isa.
A. Nawala na ang bisa ngnaturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong
digmaan.

17. Ang sumusunod ay maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang


Batas ng 1987 ng Pilipinas MALIBAN sa?
A. Si Namjoon na sumailalim sa proseso ng expatriation.
B. Si Seokjin na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Suga na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si Jungkook na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ayPilipino at
piniling maging Pilipino.

18. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang


pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan”?
A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
B. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela
C. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan

19. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nangangailangan ng pagtugon at aktibong


pagtatanggol sa karapatan pantaong patungkol sa isyung pang-ekonomiya?
A. Pagbigay sa mga manggagawa ng karapatang magtatag ng unyon
upanmapangalagaan ang kanilang kondisyon sa trabaho.
B. Pagkaloob sa mga piling lalaking kawani ng isang kompanya ng karapatang
makamit ang promosyon.
C. Pagtanggi sa mga Pilipinong makapagtrabaho sa ibang bansa.
D. Pagbigay ng karapatang magsawalang-kibo laban sa mga tiwaling opisyal ng
pamahalaan.

20. Gaano kahalaga ang accountability at transparency sa pamamahala?


A. Magkakaroon pa rin ng mabuting pamahalaan kahit wala ang dalawang ito.
B. Ang dalawang ito lamang ang mahalagang elemento upang magkaroon ng isang
participatory governance.
C. Maayos ang pamamahala kahit wala ang isa nito.
D. Imposible ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan kung walang
transparency at accountability.

---------------------------------- END OF THE TEST ----------------------------------

Strengthening
LANTUNGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Unequivocal
Lantungan, Aurora, Zamboanga del Sur
Response for
Email Address: lantungannhsaurora@gmail.com
Excellence
Contact Number: 09169860690
ARALING PANLIPUNAN 10
NAT/RAT REVIEWER
SUSI SA PAGWAWASTO

1. D 11. A
2. B 12. D
3. C 13. C
4. B 14. B
5. D 15. B
6. D 16. B
7. D 17. A
8. B 18. A
9. B 19. A
10. A 20. D

Inihanda ni:

SANTIAGO S. ORLANES III


ArPan 10 Teacher

Strengthening
LANTUNGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Unequivocal
Lantungan, Aurora, Zamboanga del Sur
Response for
Email Address: lantungannhsaurora@gmail.com
Excellence
Contact Number: 09169860690

You might also like