You are on page 1of 3

ESP 8 Q3 WEEK 4

Pangalan______________________________Seksyon__________________Iskor:____________
Mga Talang Konsepto
Paano ba natin naipapakita ang ating paggalang sa mga magulang, nakakatanda at may
awtoridad? Sapat na ba ang “po”at “opo”? Ano-ano ang iyong isaalang-alang upang maipakita ang
marapat na pagsunod at paggalang sa kanila?Sa kasalukuyan unti- unti ng nagbabago ang pakikitungo
ng tao sa mga magulang, nakakatanda at may awtoridad.Maraming aral ang nagsasabi na igalang ang
lahat ng tao, igalang ang mga magulang at nakakatanda pati na ang mga taong may awtoridad sa
lipunan o estado. Ang salitang “paggalang”ay nagmula sa salitang Latin na “respectus”na ang ibig
sabihin ay “paglingon o pagtinging muli, na ang ibig sabihin ay naipapakita ang paggalang sa
pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay.
Sa modyul na ito, inaasahan na ikaw ay magkakaroon ng malalim na kaalaman, kakayahan at pag-
unawa tungkol sa mga nabanggit.
Tatlong Antas ng Pagpapahalaga (Gabriel Marcel, tinukoy ni Dy, 2007)
Ang Pamilya Bilang Hiwaga
Ang Pamilya Bilang Halaga
Ang Pamilya Bilang Presensiya
Ang Pamilya Bilang Hiwaga
- Nakasentro sa iyo ang mga ugnayan na maaring ikinatutuwa mo o ikinaiinis mo
- Ang iyong pag- iral ay bunga ng pagtugon sa dalawang taong pinagbuklod ng pagmamahalan.
- Ang iyong pagkatao ay nagiging hatol o husga sa mg taong nagpalaki sa iyo.
Ang Pamilya Bilang Halaga
- Ang pagkilala sa halaga ng pamilya at mga kasapi nito ay naipapakita sa pagsusumikap na
gumawa ng mabuti at umiwas sa paggawa ng masama.
- Ang karangalang tinataglay ng pamilya ang nagbibigay dito ng awtoridad na dapat kilalanin
ng bawat kasapi nito.
- Maipakikita rin ang paggalang sa pamamagitan nang nararapat at naaayon na uri at antas ng
komunikasyon para sa mga bagong kakilala at sa mga mahal mo sa buhay, at di kailanman
marapat ang magsalita nang masama, magmura, o manglait ng kapwa
Ang Pamilya Bilang Presensiya
- Ang pamilya ang nagsisilbing proteksiyon sa mga kasapi
- Duyan ng pagmamalasakit at pagmamahalan
- Pinaglalagakan ng lahat ng mga karanasan, kalakasan, kahinaan, damdamin at halaga
- Itinuturing ang pamilya na isang tahanang nag-iingat at nagsasanggalang laban sa panganib,
karahasan at masasamang banta ng mga tao o bagay sa paligid at labas ng pamilya
Gawain 1: TALAAN SULATAN!
Panuto: Gamit ang talaan, isulat ang tatlong bagay na ipinag-uutos ng iyong magulang,
nakatatanda, at may awtoridad.

MAGULANG NAKATATANDA MAY AWTORIDAD


Mga Utos Mga Utos Mga Utos
Hal.: Mag-aral ng mabuti. Hal.: Gumamit ng “po” at “opo” Hal.: Sumusunod sa batas trapiko
1. ____________________ 1. ____________________ 1. ____________________
2. ____________________
Gabay na mga tanong: 2. ____________________ 2. ____________________
1. 3. ____________________
Batay 3. ____________________
sa mga utos na iyong isinulat, ano 3. ____________________
sa palagay mo ang maaring maging resulta o bunga ng
pagsunod sa mga ito?
2. At kung di susundin ang mg autos na ito, ano sa palagay mo ang maaring maging resulta o bunga
nito?

Gawain 2: MABUTI O MASAMA! ALIN KAYA?


Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon. Isulat kung ano sa palagay mo ang magigigng
resulta o bunga ng pagsunod o di pagsunod sa utos.
ESP 8 Q3 WEEK 4

Sitwasyon 1: Inutusan kang pakainin sa tamang oras ng tanghalian ang iyong nakababatang kapatid
dahil aalis ang iyong magulang para makiramay sa namatay na kamag-anak.
Bunga ng Pagsunod: _________________________________________________________________
Bunga ng Di pagsunod: _______________________________________________________________
Sitwasyon 2: Sinabihan ka ng lolo mo na magdala ng preskong bulaklak at dumalaw kasama siya sa
puntod ng iyong yumaong lola.
Bunga ng Pagsunod: _________________________________________________________________
Bunga ng Di pagsunod: _______________________________________________________________
Sitwasyon 3: Pinagsasabihan kayo ng traffic enforcer na tumawid lang sa pedestrian lane.
Bunga ng Pagsunod: _________________________________________________________________
Bunga ng Di pagsunod: _______________________________________________________________
Gawain 3: PATLANG PATLANG, DAPAT SAGUTAN!
Panuto: Ipahayag ang nahinuha mong batayang ideya sa pagpapakita ng pagsunod at paggalang sa
magulang, nakakatanda at may awtoridad sa pamamagitan ng graphic organizer.
Naipapakita ang pagsunod sa
magulang, nakatatanda at may
awtoridad sa pamamagitan ng

______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________

Nakakatulong ito sa:

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Pagninilay
Panuto: Gumawa ng diary

Petsa: ______________

Ang pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad ay _________


__________________________________________. Maipapakita koi to sa pamamagitan
ng _____________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Gawain: Sa isang shortbondpaper gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagrespeto sa mga


nakakatanda, magulang at awtoridad. Maaring pumili ng isa upang iguhit at ipaliwanag ang
iyong ginuhit.Ilagay sa shortbondpaper

PARENTS SIGNATURE OVER PRINTED NAME

You might also like