You are on page 1of 3

SALUS INSTITUTE OF TECHNOLOGY

Cabulijan, Tubigon, Bohol


S.Y. 2021-2022

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Guro: Gng.Aileen J. Batausa,RN, LPT


Ikalawang Markahan (Ikatlong Linggo)

Modyul 3: KAIBIGAN KO! KILALANIN MO

ALAMIN!

Ang ating ugnayan sa ating kapwa ay nagkakaiba ng lalim at lawak.


Ang simpleng magkakakilala ay maaring maging malalim na magkaibigan sa
hinaharap dahil sa pagsisimula ng mas malalim na ugnayan.Ano nga ba ang
halaga ng kaibigan sa iyo?
Kaibigan,ito ang turing mo sa kanila.Maasahan,masasandalan o
takbuhan,maraming pwedeng paglalarawan,maraming pag-uusapan at
maraming mga hindi malilimutang karanasan mula sa inyong pagsasama.Ito
yata ang hanap ng lahat ng tao,isang tunay na kaibigan.
Sa modyul na ito ay inyong mauunawaan ang mga sumusunod:

Natutukoy ang mga itinuturing niyang kaibigan at mga natutuhan niya


mula sa mga ito.EsP8PIIc-6.1
Nasusuri ang kanyang mga pakikipagkaibigan batay sa tatlong uri ng
pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle. EsP8IIc-6.2

SURIIN!

Naisa-isa mo na ba ang taong malapit sa iyo at itinuturing mong


kaibigan? Alam kong naging masaya ka sa pagsulat at pagdikit ng mga
larawan ng iyong mga kaibigan.
Marami kang kaibigan,sa Facebook ,Twitter,Instagram at maging sa
iyong komunidad. Sila ba ay tunay na kaibigan? Mahalagang kilalanin mabuti
ang tao kung siya ba ay isang tunay na kaibigan.
Sino-sino nga ba ang itinuturing mong kaibigan? Bakit sila ang napili
mong kaibiganin? Marami kang nakasasalumuha sa araw araw na buhay
ngunit ang iyong mga naisulat sa bahaging tuklasin ang mas malapit sa iyong
puso.
Paano nga ba nabuo ang iyong pagkakaibigan?Makikita na ang
pagkakaibigan ay nabuo sa pamamagitan ng isang malalim na ugnayan ng
dalawa o mahigit pang tao na hindi nakabatay sa kanilang mga katangian
kundi sa mas malalim na aspekto ng kanilang pagkatao.Likas sa iyo ang
maghanap ng taong makakaugnayan dahil ikaw ay panlipunang
nilalang.Walang sinuman ang pipiliin ang mabuhay ng walang kaibigan kahit
pa nasa iyong mga kamay na ang lahat ng magagandang bagay sa mundong
ito. Ang kaibigan ay parang isang regalo na naglalaman ng pagmamahal,
kasiyahan at liwanag na nagbibigay ng kulay sa iyong buhay.
Ngunit mahalaga na bigyang pansin ang tatlong uri ng pagkakaibigan
ayon kay Aristotle.Makatutulong ito upang masuri ang uri ng pagkakaibigan
na iyong iniaalay para sa iyong mga piniling kaibigan.

Pakikipagkaibigang nakabatay sa Pangangailangan - Ito ay pagkakaibigang

1
inilaan sa isang tao dahil sa pangangailangan ng isang tao.

Pakikipagkaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan - Ang ganitong uri ng


pagkakaibigan ay nabubuo sa pagitan mo at ng isa o higit pang tao na masaya
kang kasama o kausap.

Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan - Ang ganitong uri ng


pagkakaibigan ay nabubuo batay sa pagkagusto at paggalang sa isa’t isa.

Ang mas malalim at makabuluhang pagkakaibigan ay nabubuo sa


pagitan ng mabubuting tao na kapwa nagtataglay ng mga birtud at
pagpapahalaga.Ang paghahangad ng mabuti para sa isang kaibigan at para sa
kaniyang kapakanan ang pinakamataas na antas ng pagkakaibigan. Mahalin
at igalang ang kaibigan upang magkaroon ng isang makabuluhang
pagkakaibigan.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Ikalawang Markahan ( Ikatlong Linggo)

Pangalan: ________________________________ Iskor: ___________


Baitang at Seksiyon: _____________________ Petsa: ___________

Guro: Gng.Aileen J. Batausa,RN, LPT

ISAISIP!

Gawain 1

1. Graphic Organizer: Ang Pakikipagkaibigan.

2. Gabay mo ang tanong na: Ano ang pagkakaibigan?Ano ang kabutihang maidudulot
ng pakikipagkaibigan.
____________________________
____________________________
____________________________
ANG PAGKAKAIBIGAN AY: ____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________

PAGYAMANIN!

Gawain 2

2
Panuto: Isulat ang iyong mga matalik na kaibigan at pagkatapos ay isulat ang ibat’
ibang katangian na nakikita sa kanila.Maari ring isulat ang mahahalagang aral na
natutunan mula sa kanila.

ARAL NA NATUTUNAN KO SA KANYA:

___________________________________________________
-__

KATANGIAN KATANGIAN
PANGALAN NG KAIBIGAN: NIYA:
NIYA:
____________ ____________________________________________ ____________
_________ __ _________

KAIBIGAN

KATANGIAN KATANGIAN
NIYA: NIYA:
PANGALAN NG KAIBIGAN:
____________ ____________
__________ ______________________________ __________

ARAL NA NATUTUNAN KO SA KANYA:

___________________________________________________
-__

Sanggunian

 Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Modyul para sa Mag-


aaral, DepEd-BLR, Unang Edisyon 2013, pp 137-151

You might also like