You are on page 1of 6

MODULE CODE: PASAY-ESP8-Q4-W1-D1

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________________ Pangkat : ___________________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Modyul 8: Katapatan sa Salita at sa Gawa
Ika-apat na Markahan/ Unang Linggo/ Unang Araw

I. MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa araling ito ay inaasahan na malinang mo ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
Nakikilala ang kahalagahan ng katapatan, mga paraan ng pagpapakita ng katapatan, at bunga
ng hindi pagpapamalas ng katapatan (EsP8PBIIIg-12.1)
II. SANGGUNIAN
Bognot, R.M. C., et. al, (2013). EsP 8 LM Retrieved (pp. 312-334)

Anumang uri ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan

III. MGA HAKBANG SA PAGKATUTO:


1) PANIMULA: Ang Katapatan sa Salita
Nakaranas ka na bang lumikha ng kuwento sa harap ng iyong mga kaibigan?
Habang ibinibahagi mo ito sa kanila, marahil labis ang nararamdaman mong
kagalakan dahil nakikita mong naniniwala sila sa lahat ng iyong sinasabi. Nakukuha
mo ang kanilang pansin, ang kanilang paghanga. Ang mga ganitong pangyayari ang
patuloy na nagtutulak sa iyo upang gawin ito nang paulit-ulit, hanggang sa ito ay iyo
nang makasanayan. Isa itong hindi magandang palatandaan.
Ang hindi pagsasabi ng totoo o panloloko ng kapwa ay parang isang bisyo.
Kapag ito ay paulit-ulit na isinagawa, nagiging bahagi na ng pang-araw-araw na buhay
at magiging mahirap na para sa iyo na ito ay maialis sa iyong sistema. Ito ay isa lamang
sa mga halimbawa ng mga nakaaalarmang sitwasyon lalo ng mga kabataan sa
kasalukuyan.
May isang islogan nga mula sa isang social networking site sa internet na tunay
na nakaaagaw ng pansin ang naglalaman ng ganito: “Teachers call it cheating. We call
it teamwork”. Malikhain ang pagkakagawa nito ng isang mag-aaral sa hayskul.
Ang pangongopya sa klase sa oras ng pagsusulit o ng mga takdang-aralin ay
isa ng lumalalang suliranin, hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo. Ito
ay nakaaapekto, hindi lamang sa taong nangongopya kundi mas higit sa mga taong
napipilitang makibahagi sa maling gawaing ito.
Sa labis na pagiging laganap ng gawaing ito, hindi na kinikilala ng mga mag-
aaral na mali ito. Labis na nakagugulat at nakalulungkot kung paano binibigyang-
katwiran ng mga kabataan sa kasalukuyan ang kanilang mga pagkakamali.
Ginagawa nilang tama ang mali at ang mali ay ginagawang tama. sa kaniyang
pagkatao. Ikakalat ito sa mga taong nakakikilala sa kaniya na may hangarin na sirain
ang pagtingin ng mga ito sa kaniya. Sa paraang ito nakararamdam ng kasiyahan ang

Page 1 of 6
MODULE CODE: PASAY-ESP8-Q4-W1-D1

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________________ Pangkat : ___________________

taong gumagawa nito. Ito ay dahil sa kaniyang palagay na makagaganti siya sa


kaniyang kaaway.
Narito ang ilan sa mga dahilan kung bakit nagsisinungaling ang isang tao. Upang makaagaw
ng atensyon o pansin:
• Upang mapasaya ang isang mahalagang tao.
• Upang hindi makasakit sa isang mahalagang tao
• Upang makaiwas sa personal na pananagutan e. Upang pagtakpan ang isang suliranin
na sa kanilang palagay ay seryoso o “malala”

2) PAGLALAPAT
Isulat sa patlang ang iyong opinyon at suhestiyon upang maitaguyod ang pagsasabi ng
katotohanan.

Tinawag ng guro si Roelle upang ibigay ________________________________


ang kasagutan ng kanilang takdang ________________________________
aralin. Ngunit, walang nagawang ________________________________
takdang aralin si Roelle dahil sa ________________________________
nakalimutan nitong gawin ito kahapon. _______________________________

________________________________
Kinamusta ng iyong magulang ang
________________________________
tungkol sa nagdaang pagsusulit ngunit,
________________________________
hindi naging maganda ang naging
________________________________
resulta ng iyong summative tests.
_______________________________

Napuyat ka sa pagtatapos ng iyong mga


requirements na nakatakdang ipasa ________________________________
kinabukasan, dahil dito, hindi ka ________________________________
nakapaghanda sa inyong mahalagang ________________________________
pagsusulit sa isang major subject. Kung ________________________________
kaya’t naisipan mong humingi ng sagot _______________________________
mula sa iyong katabi.

Gabay na tanong:
1. Naranasan mo na ba ang kahit isa sa mga nabanggit na sitwasyon sa itaas? Ibahagi at
ipaliwanag ang ginawang aksiyon.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Mahalaga ba ang pagsasabi ng totoo?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, ano ba ang nagiging masamang epekto ng pagsisinungaling?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Page 2 of 6
MODULE CODE: PASAY-ESP8-Q4-W1-D1

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________________ Pangkat : ___________________

3. PAGGANAP
Bumuo ng isang poster-islogan patungkol sa pagsasabi ng katotohanan.

Gabay na tanong:
1. Ano ang kabuluhan ng kasabihan na ito?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Kung ikaw ang tatanungin, gugustuhin mo bang harapin ang isang konsekwensiya ng
iyong mga pasya, o mas maigi na lamang ang magsinungaling upang makaiwas sa
pagharap nito?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. PAGTATAYA
Bilang isang kabataan, magbigay ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang
pagsasabi ng totoo sa lahat ng pagkakataon.

Page 3 of 6
MODULE CODE: PASAY-ESP8-Q4-W1-D2

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________________ Pangkat : ___________________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Modyul 8: Katapatan sa Salita at sa Gawa
Ika-apat na Markahan/ Unang Linggo/ Ikalawang Araw

I. MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Sa araling ito ay inaasahan na malinang mo ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
• Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan (EsP8PBIIIg-12.2)
II. SANGGUNIAN
Bognot, R.M. C., et. al, (2013). EsP 8 LM Retrieved (pp. 312-334)

Anumang uri ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan

III. MGA HAKBANG SA PAGKATUTO:


1) PANIMULA: Ang Katapatan sa Salita
Ayon kay Miguel de Cervantes, “Katapatan ang pinakamabuting patakaran.”Ipinahihiwatig nito na
mahalaga ang pagiging matapat at hindi nandadaya at nagnanakaw. Kung ang isang tao ay palagiang
nagiging matapat ay kikinang ang kanyang karakter.
Ang salita ng tao na tumutulong sa atin upang maging ganap ay ginagamit at madalas na
inaabuso; ang pagsisinungaling ay isang paraan ng pag-abuso rito. Ang pagsisinungaling ay
pagbaluktot sa katotohanan, isang panlilinlang. Ang pagsisinungaling ay ang pagtatago ng
isang bagay na totoo sa isang taong may karapatan naman dito. Hindi kailanman binigyan ng
karapatan ang sinumang ipagkait ang katotohanan lalo na kung karapatan naman niya na ito
ay malaman. Anumang uri ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan.
Ayon sa isang artikulo mula sa internet ang sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng
pagsisinungaling.
1. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial Lying).
Madalas na nagagawa ito para sa isang taong mahalaga sa kaniyang buhay.
2. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o
maparusahan (Self-enhancement Lying). Marahil naoobserbahan mo ang ilang mga
kaklase na nakagawa ng pagkakamali sa paaralan. May mga pagkakataon na
ipinatatawag sa paaralan ang kanilang mga magulang. Ngunit sa halip na sabihin sa
mga magulang ay makikiusap sa isang kakilala upang magpanggap na kaanak. Sa
ganitong paraan, hindi siya mapagagalitan ng kaniyang mga magulang sa kaniyang
pagkakasala na nagawa. Dumarami ang taong kaniyang niloloko upang maisalba ang
kaniyang sarili sa anumang kahihinatnan ng kaniyang pagkakamali.
3. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao
(Selfish Lying). May mga taong labis na makasarili. Ang tanging iniisip ay ang
pansariling kapakanan at hindi na iniisip kung makasasakit ng kaniyang kapwa.
4. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying). Minsan
kapag may galit tayo sa isang tao, lumilikha tayo ng maraming kuwento na makasisira

Page 4 of 6
MODULE CODE: PASAY-ESP8-Q4-W1-D2

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________________ Pangkat : ___________________

sa kaniyang pagkatao. Ikakalat ito sa mga taong nakakikilala sa kaniya na may


hangarin na sirain ang pagtingin ng mga ito sa kaniya. Sa paraang ito nakararamdam
ng kasiyahan ang taong gumagawa nito. Ito ay dahil sa kaniyang palagay na
makagaganti siya sa kaniyang kaaway.

2) PAGLALAPAT
Ipaliwanag ang kahulugan mga kasabihan tungkol sa pagiging matapat.

________________________
“Sa bawat magandang ________________________
dahilan ng ________________________
pagsisinungaling, may mas ________________________
magandang dahilan ng ________________________
pagsasabi ng katotohanan” ________________________
________________________
_______

________________________
“Ang pananahimik ay ________________________
nagiging karuwagan sa mga ________________________
okasyon na ________________________
nangangailangan ng ________________________
pagsisiwalat ng katotohan ________________________
at paggawa ng mabuti.” ________________________
_______

________________________
________________________
"Ang totoo di ikinakahiya, ________________________
ang ikinakahiya 'di dapat ________________________
ginagawa" ________________________
________________________
________________________
_______

Gabay na tanong:
1. Ano ang kahalagahan ng palagiang pagsasabi ng katotohanan?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Ang pananahimik sa panahon na kailangang magsabi ng katotohanan ay maitturing bang


pagsisinungaling?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, ano ang pinaka-mabisang paraan upang makamit ang birtud ng pagiging
matapat?

Page 5 of 6
MODULE CODE: PASAY-ESP8-Q4-W1-D2

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________________ Pangkat : ___________________

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. PAGGANAP
Panuto: Piliin mula sa mga facebook reacts ang iyong reaksiyon sa mga pahayag at ipaliwanag
o ipahayag ang inyong opinyon sa mga sumusunod na paksa.

A B C D E
1. Lahat ng tao ay sinungaling.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_____________________
2. Ang katapatan ang pinakamabuting patakaran.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_____________________
3. Ang pagsasabi ng katotohanan ang syang magpapalaya sa atin.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_____________________
4. Ang mga kabataan ay salat sa tamang asal lalo na sa pagsasabi ng katotohanan.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_____________________
5. Ang mga magulang ay malaking gampanin sa pagpapatibay ng birtud ng pagiging
matapat.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_____________________

4. PAGTATAYA
Magbigay ng tatlong mabisa at konkretong paraan upang malinang ang pagiging
matapat sa salita.

Page 6 of 6

You might also like