You are on page 1of 15

MODULE CODE: PASAY-AP10-Q4-W1-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 10


Ika-apat na Markahan / Unang Linggo / Unang Araw

MELC: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong mamamayan.


Layunin: Natatalakay ang katangian at konsepto ng pagkamamamayan
bilang gabay sa pagiging aktibong mamamayan.

I. Konsepto ng Pagkatuto

Magandang araw mga mag-aaral. Ngayong araw na ito ay


matututunan natin kung ano ba ang kahulugan ng
pagkamamamayan, saan ito nagmula at anu-ano ba ang katangian
ng isang mamamayan. Handa na ba kayong matuto? Tara at
simulan na natin ang pag-aaral.

Pinterest Sparta,Agora-Josef Hoffman als Kunstdruck oder handgemal

Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng


citizen. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na
polis. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang
mithiin. Ang polis ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan. Ang
pagiging citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung saan may kalakip na mga karapatan
at tungkulin. Ayon sa orador ng Athens na si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng
mga citizen kundi maging ang kalagayan ng estado. Ang isang citizen ay inaasahan na
makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at
paglilitis. Ang isang citizen ay maaaring politiko, administrador, husgado, at sundalo.
Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan sa maraming pagbabago ang
konsepto ng citizenship at ng pagiging citizen. Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang
citizenship bilang isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-estado.

Page 1 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP10-Q4-W1-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

Change.org Show all the documentaries and movies regarding martial law

PAGKAMAMAMAYAN (CITIZENSHIP) - ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng


estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado
kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
Murray Clark Havens (1981)
MGA KATANGIAN NG ISANG MABUTING PILIPINO

Semantic scholars/Gendered illustrations pxhere.com


Makabayan Makatarungan

Soldiersclipart/pinterest.com pixabay.com
Ipinagtatanggol ang bansa Tumutupad sa mga tungkulin

Page 2 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP10-Q4-W1-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

Wikiclipart.com/honestyclipartblack and white openclipart.org/man kneeling in prayer


Tapat na naglilingkod sa kapwa. Matatag ang pananampalataya

istockphoto.com/925 selflove illustrations clipart-library.com/clean environment


Mataas ang pagpapahalaga sa sarili Inaalagaan ang kapaligiran at kalikasan

pixabay.com GlobalPerspectives.com/Coloring pages about respecting


Sumusunod sa mga batas Iginagalang at nagbibigay respeto sa
at mga alituntunin karapatan ng iba

Tandaan!
Ang pagkamamamayan ay ugnayan ng isang indibiduwal
at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang
indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya
ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.

GAWAIN 1:
PANUTO: Tukuyin ang hinahanap na katangian ng isang mabuting mamamayan.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Mataas ang pagpapahalaga sa sarili


A. Hindi paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
B. Pakikipag-away gamit ang social media

Page 3 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP10-Q4-W1-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

2. Tumutupad sa tungkulin.
A. Pagbebenta ng boto tuwing araw ng halalan.
B. Sumasali sa online class at sinasagutan ang mga modules.
3. Tapat na naglilingkod sa kapwa.
A. Pagtanggap ng pabor o lagay sa mga nahuling lumalabag sa batas.
B. Pagpapakalat ng mga tamang impormasyon o balita.
4. Ipinagtatanggol ang bansa.
A. Pagsali sa mga kilos protesta laban sa pamahalaan.
B. Magbigay ng maganda at tamang komento patungkol sa ating bansa hindi
puro negatibong komento.
5. Makabayan
A. Tangkilikin ang mga orihinal na produkto na gawa ng ating mga kababayan.
B. Pagbebenta ng mga produkto na gawa ng ibang bansa.
6. Paggalang sa Karapatan ng iba.
A. Pakikipagdaldalan sa katabi habang may nagrereport na kaklase.
B. Pakikinig sa kamag-aral na nag-uulat sa harap ng klase.
7. Pagsunod sa batas.
A. Pagsusuot ng face mask at face shield tuwing lalabas ng bahay.
B. Pakikipagsiksikan sa pila kahit may karatulang nakasulat na social distancing.
8. Pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan.
A. Pagtatapon ng ginamit na facemask kung saan saan.
B. Paghihiwalay ng nabubulok at di nabubulok na basura.
9. Matatag na pananampalataya.
A. Hindi basta pinanghihinaan ng loob kapag may mga problemang dumarating.
B. Nakakaisip magpakamatay pag may pagsubok na dumating sa buhay.
10. Makatarungan
A. Pinakikinggan ang magkabilang panig bago magbigay ng hatol o
pagpapasya.
B. Hindi nakikinig sa opinion ng iba.

GAWAIN 2:
PANUTO: Tukuyin ang mga mabubuting katangian mo bilang isang mag-aaral at
bilang isang mamamayan ng ating bansa. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

Pin by Wecoloring page


Pinterest.com

Page 4 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP10-Q4-W1-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

PAGTATAYA:
PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado.


A. Institusyon C. Pamahalaan
B. Pagkamamamayan D. Samahan

2. Bilang isang mamamayan ng bansa ikaw ay ginagawaran ng _______________.


A. Obligasyon at responsibilidad C. Karapatan at tungkulin
B. Pribilehiyo at obligasyon D. Gawain at kasanayan

3. Tawag sa lipunan ng sinaunang Griyego na binubuo ng mga taong may iisang


pagkakakilanlan at iisang mithiin.
A. Kabihasnan C. Polis
B. Barangay D. Pamayanan

4. Ayon sa orador na si Pericles, ang isang citizen o mamamayan ay hindi lamang


sarili ang iniisip kundi pati na rin ang _____________________.
A. Utang ng bansa C. Pagpapaganda ng bansa
B. Kalagayan ng bansa D. Ekonomiya ng bansa

5. Ito ay panahon kung saan pinaniniwalaang nagsimula ang konsepto ng


pagkamamamayan.
A. Panahon ng Romano C. Panahon ng Kastila
B. Panahon ng Amerikano D. Panahon ng Kabihasnang Griyego

_____________________________________________________________________
SANGGUNIAN: INIHANDA NI
DepEd Learning Module pp: 351-356 Myra M. Desacula
Pasay City North High School MDC

Page 5 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP10-Q4-W1-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 10


Ika-apat na Markahan / Unang Linggo / Ikalawang Araw

MELC: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong mamamayan.


Layunin: Napaghahambing ang ligal na pananaw ng pagkamamamayan sa
lumawak na pananaw ng pagkamamamayan

I. Konsepto ng Pagkatuto

Magandang araw mga mag-aaral. Ngayong araw na ito ay


matututunan natin ang pinagkaiba ng ligal na pananaw ng
pagkamamamayan sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan.
Handa na ba kayong matuto? Tara at simulan na natin ang pag-
aaral.

LIGAL NA PANANAW NG PAGKAMAMAMAYAN


Sino ang maituturing na mamamayan ng Pilipinas?
Batay sa Ikaapat na artikulo ng Saligang Batas ng1987 ng Pilipinas na nagpapa
hayag ng tungkol sa pagkamamamayan. Iniisa-isa rito kung sino ang maituturing na
mamamayan ng Pilipinas.
ARTIKULO IV
PAGKAMAMAMAYAN
Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay
ng saligang-batas na ito;
SEKSYON 1 (2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang
mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino
pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas
mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang
hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang
SEKSYON 2 Pilipino.
Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon
1 Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.
SEKSYON 3 Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa
paraang itinatadhana ng batas.
Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng
SEKSYON 4 Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang
kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil
nito.
Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa
SEKSYON 5 kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas. (1987, February 2). Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas 1987.

Page 6 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP10-Q4-W1-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

Dalawang Uri ng Pagkamamamayan

1. Likas o Natural Born - “Katutubong mamamayán” ang turing sa isang indibidwal


kung ang mga magulang niya ay kapwa Filipino.

2. Naturalisado - Ang isang dayuhan ay maaaring maging “naturalisadong


mamamayán” ng Pilipinas sa pamamagitan ng proseso ng naturalisasyon. Ito ay
isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na gustong maging isang
mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso ng korte o
hukuman. Kapag naging o nabigyan na ng pagkamamamayang Pilipino ang
isang dayuhan, kailangan niyang sumunod sa mga batas at kultura ng bansa.
Magagamit din rin niya ang mga karapatan o prebelehiyo ng isang mamamayang
Pilipino maliban sa mahalal sa matataas na posisyon sa pamahalaan ng bansa.
(johnsardona/brainly.ph)

Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan


1. Jus Soli o Jus Loci - nakukuha ang pagkamamamayan ayon sa lugar ng
kapanganakan. Prinsipyong sinusunod ng bansang Amerika
2. Jus Sanguinis - ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa
pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Prinsipyong
sinusunod sa Pilipinas.
Dahilan ng Pagkawala ng Pagkamamamayan
Maaring mawala ang pagkamamamayan ng isang Pilipino o dayuhan
kung magagawa niya ang alin man sa mga sumusunod
1. Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa.
2. Tumakas sa Hukbong Sandatahan ng ating bansa sa panahon ng digmaan.
3. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

LUMAWAK NA PANANAW NG PAGKAMAMAMAYAN

➢ Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa


kaniyang mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan
para sa kabutihang panlahat.
➢ Inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung
kinahaharap ng lipunan at sa mas malawak na layunin ng pagpapabuti sa
kalagayan nito.
➢ Igigiit ng isang mamamayan ang kaniyang mga karapatan para sa ikabubuti ng
bayan
➢ Hindi niya inaasa sa pamahalaan ang kapakanan ng lipunan sa halip, siya ay
nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng isang kolektibong pananaw at tugon sa
mga hamong kinakaharap ng lipunan.

Ang isang responsable at mabuting Ang isang responsable at mabuting mamamayan


mamamayan ay may mga katangian ay may mga simpleng hakbangin na dapat gawin
na dapat tinataglay (Yeban 2004) na maaaring magdulot ng malawakang pagbabago
sa ating lipunan. (Alex Lacson 2005)

➢ Makabayan ➢ Sumunod sa batas trapiko


➢ May disiplina sa sarili ➢ Laging humingi ng opisyal na resibo sa

Page 7 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP10-Q4-W1-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

➢ May pagmamahal sa kapwa anumang binibili.


➢ May kritikal at malikhaing pag- ➢ Bumili ng mga produktong gawang Pilipino.
iisip. ➢ Positibong magpahayag ng tungkol sa ating
➢ May respeto sa karapatang sariling bansa.
pantao ➢ Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko,
➢ May pagpupunyagi sa mga pulis at iba pang lingkod-bayan.
bayani ➢ Itapon nang wasto ang basura.
➢ Ganap ang mga tungkulin at ➢ Suportahan ang inyong simbahan.
karapatan bilang mamamayan. ➢ Tapusin nang may katapatan ang tungkulin
sa panahon ng eleksiyon.
➢ Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
➢ Magbayad ng buwis.
➢ Tulungan ang isang iskolar o isang batang
mahirap.
➢ Maging mabuting magulang. Turuan ang
mga anak na sumunod sa batas at mahalin
ang bansa.

Tandaan!
Malalaman natin kung sino ang tunay na mamamayan ng isang bansa
sa pamamagitan ng legal na pananaw ng pagkamamamayan at
matututunan natin na ang isang mamamayan ay may mga Karapatan at
tungkulin na dapat gampanan sa pamamagitan ng lumawak na
pananaw ng pagkamamamayan

GAWAIN 1: HULAAN TAYO!


PANUTO: Alamin kung anong salita ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
patlang.

_______1. Natutukoy ang pagkamamamayan ng isang tao sa lugar ng kanyang


kapanganakan.
_______2. Artikulo sa ating Saligang Batas na tumutukoy sa Pagkamamamayan.
_______3. Uri ng pagkamamamayan kung saan ang mga magulang ay kapwa Pilipino.
_______4. Maaring maging mamamayan ng Pilipinas ang isang dayuhan sa bisa ng __
_______5. Natutukoy ang pagkamamamayan ng isang tao sa pagkamamamayan ng
kanyang magulang.
_______6. Seksyon sa Saligang Batas kung saan ang pagkamamamayan ay maaaring
mawala o muling matamo.
_______7. Nagwika na ang isang mamamayan ay may mga hakbangin na dapat gawin
upang magdulot ng malawakang pagbabago sa lipunan.
_______8. Seksyon sa Saligang Batas kung saan maaring manatili o mawala ang pag
kamamamayan ng isang Pilipino kung siya ay makapag-aasawa ng dayuhan

Page 8 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP10-Q4-W1-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

_______9. Siya ang nagwika na ang responsible at mabuting mamamayan ay dapat


may mga katangian na dapat tinataglay.
______10. Ito ang pinagbabatayan ng Ligal na pananaw ng pagkamamamayan.

GAWAIN 2: PILIPINO KA DAYUHAN AKO!


PANUTO: Isulat sa patlang ang MP kung ang sitwasyon ay tumutukoy sa
Pagkamamamayang Pilipino at HMP kung Hindi Mamamayang Pilipino.

_______1. Si Juan ay anak ng isang Bikolano at Ilokana. Nakatira siya sa Pampanga.


_______2. Nagbabakasyon sa Palawan tuwing Summertime si Nero na isang
Amerikano.
_______3. Si Omar ay ipinanganak sa Mindanao, ang kanyang ama ay Amerikano at
ang kanyang ina ay Pilipino.
________4. Si Mario ay isang sundalo na naninirahan sa Marawi. Nang sumiklab ang
digmaan sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at mga sundalo siya ay umalis
kasama ang kanyang pamilya.
_______5. Si Andrew ay apat na taon nang naninirahan dito sa Pilipinas bilang call
center agent. Sya ay isang Amerikano.
_______6. Si Eloisa ay nakapag asawa ng isang Koreano. Naninirahan na sya sa
bansang Korea at itinakwil na nya ang pagkamamamayang Pilipino.
_______7. Ang mga magulang ni Charles ay parehong Amerikano. Siya ay ipinanganak
dito sa Pilipinas.
_______8. Si Ryan Bang ay isang Koreano. Siya ay dumaan sa proseso ng
naturalisasyon sa Pilipinas.
_______9. Ang magulang ni Andrea ay parehong Pilipino.
______10. Si Alex na isang sundalo sa Pilipinas ngunit pumasok na sa Sandatahang
Lakas ng Amerika.

PAGTATAYA
PANUTO: Isulat ang T kung tama ang tinutukoy sa bawat bilang at M kung Mali.
_______1. Ang legal na pananaw ng pagkamamamayan ay nakabatay sa Saligang
Batas 1987 ng Pilipinas
_______2. Sa Pilipinas sinusunod ang pagkamamamayan ng isang tao sa lugar sa
lugar ng kanyang kapanganakan.
_______3. Ayon kay Yeban ang isang responsable at mabuting mamamayan ay may
mga katangian na dapat tinataglay.

Page 9 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP10-Q4-W1-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

_______4. Ang isang mabuting mamamayan ay palaging sumusuway sa mga batas na


ipinatutupad ng pamahalaan.
_______5. Ang isang dayuhan ay maaaring maging mamamayan ng Pilipinas.
_______6. Ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili at pagiging makabayan ay ilan
lamang sa mga katangian na dapat taglayin ng isang mabuting mamamayan
______7. Natural born ang tawag sa isang dayuhan na matagal nang naninirahan sa
Pilipinas.
_______8. Ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa ay
pagpapakita ng pagiging isang mamamayang Pilipino.
_______9. Ang mahalal sa mataas na posisyon ang isang pribilehiyo na pwedeng
makamit ng isang dayuhan kapag siya ay naging isang ganap na
mamamayang Pilipino/
______10. Ang prinsipyo ng pagkamamamayan na sinusunod sa Pilipinas ay ang
relasyon sa dugo.

_____________________________________________________________________
SANGGUNIAN: INIHANDA NI
DepEd Learning Module pp: 258-263 Myra M. Desacula
Pasay City North High School MDC

Page 10 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP10-Q4-W1-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 10


Ika-apat na Markahan / Unang Linggo / Ikatlong Araw

MELC: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong mamamayan.


Layunin: Natutukoy ang mga gawain at usaping pansibiko na may aktibong
pakikilahok ang mga mamamayan sa sariling pamayanan at lungsod.

I. Konsepto ng Pagkatuto

Magandang araw mga mag-aaral. Ngayong araw na ito ay


matututunan natin ang mga gawain at usaping pansibiko na may
aktibong pakikilahok ang mga mamamayan sa sariling pamayanan
at lungsod.

Handa na ba kayong matuto? Tara! at simulan na natin ang


pag-aaral.
MGA GAWAING PANSIBIKO
Ang pakikilahok ng mga mamamayan sa mga pansibikong gawain
ay malaki ang maitutulong upang umunlad ang ating pamayanan at bansa.

Sinasabing ang mga gawaing pansibiko ay ang mga gawaing


lubhang makapagbibigay ng positibong epekto sa isang bansa at makapagpapaayos ng
takbo ng lipunan. Mayroon din tayong responsibilidad bilang mamamayan na gumawa
ng mga hakbang para mapaunlad ang ating bansa. (panitikan.com.ph)

Ang pagkukusang loob,pagtulong ng walang inaasahang kapalit at


bayanihan ay mga susing katangiang dapat taglayin sa gawaing pansibiko. Ipinakikita
ng mga gawaing pansibiko ang pinakamataas na lebel ng pakikipag kapwa. Dahil dito
kakikitaan ang mga tao ng pagmamalasakit sa isat-isa. Nagkukusang loob silang
mapaglingkuran ang mga mahihirap at nakabababa kahit walang posisyon o kabayaran.
(Yunit iv aralin 5 kahulugan athahalgahan ng gawaing pansibiko/slideshare.net)
Maraming halimbawa ng gawaing pansibiko. Ang gawaing pan-
sibiko ay mga gawain na nakakatulong sa pamayanan ukol sa mga usaping ng lipunan.
Maraming mga isyu ang lipunan at hindi lamang ang gobyerno ang syang gumagawa
ng mga solusyon ukol dito. Marami din mga organisasyon at indibidwal na may mga
proyekto upang mapaunland ang ating bansa. Maaring ang mga proyektong ito ay may
pulitikal na aspeto o wala. (fpmagno-brainly.ph/question/295731)

Page 11 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP10-Q4-W1-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

Programa sa Pagtatanim – Pagtatanim ng mga halaman


sa mga bakanteng lote o lupa sa inyong komunidad.
Maaaring gumawa ng poster na nagpapakita ng
kahalagahan ng mga halaman at puno sa ating
kapaligiran KAYAMANAN: MGA KONTEMPORARYUNG ISYU p.317

Alamy.com

Clean and Green Campaign – Pakikiisa at pagsuporta


sa paglilinis ng inyong kapaligiran. Sa pagpupulot o
pagdampot ng mga makikitang kalat sa inyong lugar ay
malaki ang maiaambag nito sa kalinisan ng ating
kapaligiran KAYAMANAN: MGA KONTEMPRARYUNG ISYU p. 317

Pressreader.com/

Programang Pangkalusugan – Pagbabalita at


paghikayat sa mga mamamayan sa inyong komunidad
sa mga programa at serbisyong medical sa health center
at malapit na ospital. Maaari ring magbahagi ng libreng
assistance sa mga opisyal at namumuno sa programang
ito. KAYAMANAN: MGA KONTEMPORARYUNG ISYU p. 317
Docplayer.net/church of manila phil foundation

Pagsasa-ayos sa Basura- Pakikilahok at pakikiisa sa


pangangalap ng pondo o pagkolekta ng mga lalagyan
tulad ng timba, balde, at dram upang gawing basurahan
sa paligid ng inyong komunidad.
KAYAMANAN: MGA KONTEMPORARYUNG ISYU p. 317

Facts about recycling/stluciabussinessonline.com

Programang Pangkabuhayan- Pag-alam at pagbibigay


impormasyon ng mga institusyong nagsasagawa ng
libreng seminar na pangkabuhayan at pagsasanay sa
ibat-ibang komunidad. Imbitahan ang mga kapitbahay na
dumalo dito. KAYAMANAN: MGA KONTEMPORARYUNG ISYU p. 317

LIVELIHOOD PROGRAM/pressreader.com

Page 12 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP10-Q4-W1-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

Pagbabahagi ng Kaalaman- Pagbabahagi ng inyong


kagalingan sa ibat-ibang asignatura sa iyong mga
kaibigan o mas bata pa at turuan sila ng pagbasa,
pagbilang at pagsulat
KAYAMANAN: MGA KONTEMPORARYUNG ISYU p. 317

Non formal education and livelihood/uil.unesco.org

Feeding Program- Pagsasagawa ng pagpupulong ng


inyong mga kaibigan, kaklase at iba pa upang mangalap
ng pondo para sa libreng pagpapakain sa mga bata sa
inyong lugar, kailangan ang tulong ng inyong mga
magulang. KAYAMANAN: MGA KONTEMPORARYUNG ISYU p. 317

Red cross feeding program/flickr.com

Tree Planting Program- isang pansibikong programa


kung saan ang mga mamamayan ay tinuturuang
magtanim at maipakita ang kahalagahan ng puno sa
kapaligiran. KAYAMANAN: MGA KONTEMPORARYUNG ISYU p. 317

Pressreader.com/DOST spearheads tree planting

Sports Program- isang pansibikong programa kung saan


ang mga kabataan ay tinuturuang makiisa, makipag
kaibigan at matutong tumanggap ng pagkatalo. Ito din ay
isang paraan upang ang mga kabataan ay makaiwas sa
mga ipinagbabawal na gamot.
KAYAMANAN: MGA KONTEMPORARYUNG ISYU p. 317

Freudianslipofabacolodon/Host FIBA 2019 livestream

TANDAAN!
Ang pakikilahok ng mga mamamayan sa mga
pansibikong gawain ay malaki ang maitutulong upang umunlad
ang ating pamayanan at bansa. Ang pagkukusang loob, pagtulong
ng walang inaasahang kapalit at bayanihan ay mga susing
katangiang dapat taglayin sa gawaing pansibiko

Page 13 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP10-Q4-W1-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

GAWAIN 1: Guess What???


PANUTO: Tukuyin kung anong programang pansibiko ang tinutukoy sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa patlang.

__________1. Pamamahagi ng libreng konsultasyon at mga gamot sa barangay health


center.
________2. Pagkakaroon ng Liga ng Basketball tuwing summer.
________3. Pagbubukas ng Open High School Program para sa mga batang hindi
makapag-aral ngunit gustong mag-aral.
________4. Pagwawalis at paglilinis ng mga kanal at pangunahing lansangan.
________5. Pagpapakain sa mga kababayang nabiktima ng mga kalamidad.
________6. Paghikayat sa mga mag-aaral na magtanim sa kanilang mga tahanan
ngayong panahon ng pandemic.
________7. Pagtuturo sa mga kababaihan ng pamamaraan sa pag-iimbak ng pagkain.
________8. Paglalagay ng MRF (Materials Recovery Facilities) sa bawat barangay.
________9. Pagtatanim ng puno sa tabi ng Manila Bay.
_______10. Pagtatanggal ng mga basura sa Manila Bay.

GAWAIN 2: HAPPY KA SAD AKO…


PANUTO: Lagyan ng happy face ang bilang na nagpapakita ng gawaing pansibiko
at sad face kung hindi nagpapakita ng gawaing pansibiko.

_________1. Paglahok ng mga Pilipino sa People Power noong 1986 para patalsikin sa
pwesto si Pangulong Marcos dahil sa pag-abuso sa kapangyarihan.
_________2. Pagboboluntaryo bilang watcher o tagabantay ng balota sa barangay tuwing
may halalan.
_______3. Hindi pinaghihiwalay ang mga basurang itinatapon sa basurahan.
_______4. Pagsali sa mga pagpupulong na ipinatatawag ng kapitan ng Barangay.
_______5. Paglalakad sa kalye na hindi naka face mask at face shield.
_______6. Walang pakialam sa mga kababayang nasalanta ng bagyo.
_______7. Pagdodonate ng mga pagkain at damit sa mga taong nabiktima ng sunog sa
barangay.
_______8. Pakikipag-away dahil natalo sa larong idinaos sa barangay.
_______9. Pagbibigay ng libreng bakuna sa mga batang edad isang taong gulang
pababa.
______10. Libreng bunot sa barangay na pinamunuan ng International Churches of
Christ Manila.

PAGTATAYA
PANUTO: Buuin ang pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot

1. Mahalaga ang pakikilahok ng _____ para umunlad ang pamayanan at bansa.


A. Bata C. Mamamayan
B. Matanda D. Pamahalaan
2. Ipinakikita ng mga gawaing pansibiko ang pinakamataas na lebel ng _________.
A. Pakikipag-kaibigan C. Pagmamahal
B. Pakikipag-kapwa D. Pagtutulungan
3. Ang ____________ay pansibikong programa kung saan ang mga mamamayan
ay tinuturuang magtanim at maipakita ang kahalagahan ng puno sa kapaligiran
A. Clean and Green Campaign C. Sports Program
B. Feeding Program D. Tree Planting Program
4. Ang ____________ ay ang mga gawaing lubhang makapagbibigay ng positibong
epekto sa isang bansa at makapagpapaayos ng takbo ng lipunan.
A. Clean and Green Campaign C. Gawaing Pansibiko
B. Feeding Program D. Tree Planting Program

Page 14 of 15
MODULE CODE: PASAY-AP10-Q4-W1-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ___________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ________________

5. Ang pagkukusang loob,pagtulong ng walang inaasahang kapalit at _________


ay mga susing katangiang dapat taglayin sa gawaing pansibiko.
A. Bayanihan C. Masunurin
B. Makabayan D. Pagmamahal
6. Ang pagbabahagi ng __________ay isang pamamaraan upang ang mga
kabataan ay matutong bumasa at sumulat.
A. Buhay C. Sarili
B. Kaalaman D. Talento
7. Ang pagbibigay ng libreng seminar sa ___________ay malaki ang maitutulong
sa mga kababayan nating walang trabaho o nawalan ng trabaho.
A. Pangkabuhayan C. Palakasan
B. Komunikasyon D. Pagsayaw
8. Maiiwasan ang ibat-ibang uri ng karamdaman kung __________ang ating
kapaligiran.
A. Maingay C. Madumi
B. Malinis D. Mapayapa
9. Ang Clean and Green Program, Feeding Program, Dental Health Program ay ilan
lamang sa mga ________________na makikita sa ating lipunan.
A. Gawaing Pantahanan C. Gawaing Pangkabuhayan
B. Gawaing Teknolohikal D. Gawaing Pansibiko
10. Ang mga gawaing pansibiko ay makikita sa ating _________________.
A. Pamayanan C. Tahanan
B. Kapitbahay D. Palaruan

SANGGUNIAN: INIHANDA NI
DepEd Learning Module pp: 258-263 Myra M. Desacula
Kayamanan: Mga Kontemporaryung Isyu pp:315-317 Pasay City North High School MDC
Smileyface black and white/wikiclipart.com
White smiley face Png/kindpng.com

Page 15 of 15

You might also like