You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
DIVISION OF BUTUAN CITY
AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL
A.D. Curato Street, Butuan City
Araling Panlipunan 10
SUMMATIVE TEST No. 1
Ikaapat na Markahan (Week 1-2)

Pangalan:_______________________Taon at Pangakat:__________Petsa:_________________
Guro: __________________________________________ Iskor: _________________

I. Maramihang Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan at sagutin nang may katapatan. Isulat sa
patlang at letra ng napiling tamang sagot.
_____1. Ang konsepto ng citizenship o pagkamamamayan o ang kalagayan ng isang tao bilang
miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.
Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang umusbong ang konsepto ng citizen. Ang
kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado. Ano ang tawag sa isang lipunan na
binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin?
A. Civil Society B. Pamayanan C. Polis D. Sparta
_____2. Alin sa mga sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang
Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga nagging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinulat ang Saligang Batas na ito.
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang ina ay Pilipino, na pumili
ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng tamang gulang.
_____3. Ang mga sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang
indibidwal maliban sa isa;
A. Nawala ang bias ng naturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag mayroong digmaan.
_____4. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa
isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan.
B. Upang matiyak ang kanyang mga tungkulin at pananagutan.
C. Upang mabatid niya ang kanyang mga karapatan at tungkulin.
D. Upang maigawad sa kanya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa.
_____5. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga
nangyayari sa kanilang paligid?
A. Sapagkat mapaaktibo man o hindi, makakalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga
nangyayari sa bansa.
B. Sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay sa itinakda ng
Saligang Batas.
C. Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon s amga
isyu at hamong panlipunan.
D. Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging
aktibo ang mga mamamayan sa bansa.
_____6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa katangian na dapat taglayin ng isang
aktibong mamamayan?
A. Sinusunod ang Saligang Batas ng ibang bansa. C. Tapat sa Republika ng Pilipinas.
B. Nakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan. D. Matatag, may lakas ng loob at produktibo.
_____7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maaaring paraan ng pakikilahok?
A. Pagpaparating sa kinauukulan ng kinakailangang gawin.
B. Pagpapababa sa kalagayan ng ating kapwa Pilipino.
C. Pakikipagpalitan at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon.
D. Pangangalaga sa ating kapaligiran at paglinang ng mga likas na yaman.
_____8. Alin sa mga sumusunod na gawaing pakikilahok ng aktibong mamamayan ang kakikitaan
ng pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan upang mapadali ang paglikha ng mga
polisiya at paglutas ng mga isyu at suliranin?
A. Pangangalaga ating mga minanang yaman at mga pampublikong pasilidad.
B. Pagtangkilik at pag-angkat ng produktong Pilipino.
C. Pagpapaunlad at pagsuporta sa mga produkto ng bansa.
D. Pakikipagpalitan at pagibibigay ng mahahalagang impormasyon.
_____9. Bawat indibidwal ay maaaring makilahok sa mga organisasyong pansibiko upang ganap na
maipakita ang kanyang pagtulong para maging maunlad ang ating pamayanan at bansa. Alin
sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na social organization?
A. Church or religious organization C. Cooperatives
B. Sports or recreational organization D. League of Nations

II. Pagpuno sa Talaan


Panuto: Para sa bilang 10-12, basahin muna ang mga pahayag na nasa ibaba. Tukuyin kung alin sa
mga ito ang maituturing na gawaing pansibiko. Isulat lamang ang LETRA ng mga napiling sagot sa
loob ng kahon.

A. Pagtatag o pakikilahok sa mga organisadong pagkilos at organisasyong nagsusulong ng kagalingan


at pag-unlad ng komunidad at bansa.
B. Pagpaparating sa kinauukulan ng kinakailangang Gawain.
C. Pakikipagtalunan sa mga kinauukulan.
D. Pagpapalitan at pagbibigay ng mahahalagang impormasyon.
E. Pag-aangat sa kalagayan ng ating kapwa Pilipino.
F. Pagtangkilik sa mga dayuhan at produkto ng mga banyaga.
G. Pangangalaga ng ating mga minanang yaman at mga pampublikong pasilidad.
H. Pagsasamantala sa mga nangingibang-bansa at pakikipagtalo sa kapwa.
I. Pagpapaunlad at pagsuporta ng mga produkto ng bansa.

Ang bilang 10-12 ay talong (3) puntos. Maaaring hindi magkakasunod ang mga
napiling sagot.

10. _____ 11. _____ 12. _____

III. Pagtatapat-tapat
Panuto: Ang mga pahayag sa Hanay A ay mga paraan ng pakikilahok. Tukuyin kung aling programa
ang sinasalamin ng bawat pahayag. Isulat lamang sa patlang ang letra ng napiling sagot.
HANAY A HANAY B
_____13. Pakikiisa at pagsuporta sa paglinis A. Day-care Centers
ng inyong kapaligiran B. Programang Pangkalusugan
_____14. Pagtatanim ng mga halaman sa mga bakanteng C. Programang Pangkabuhayan
lote o lupa sa inyong komunidad D. Reforestation Program
_____15. Pakikilahok at pakikiisa sa pangangalap ng pondo E. Libreng tutorial
o pagkolekta ng mga lalagyan tulad ng timba, balde, F. Clean and Green Campaign
at dram upang gawing basurahan sa paligid ng
inyong komunidad

IV. Action Plan


Panuto: Para sa bilang 26-30, bumuo ng isang Action Plan para sa iyong mga gagawin para makalahok
sa mga gawaing pansibiko. Punan lamang ng datos ang talahanayan sa ibaba o di kaya’y gumamit ng
isang karagdagang papel.
LAYUNIN MGA PARAAN INAASAHANG MGA HAMON PANAHONG
BUNGA O POSIBLENG IGUGUGOL
SULIRANIN (Time Frame)
16. 17. 18. 19. 20.

Gawa ni:
JANICE C. PARADIANG
SST-III, Social Studies
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
DIVISION OF BUTUAN CITY
AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL
A.D. Curato Street, Butuan City
Araling Panlipunan 10
SUMMATIVE TEST No. 2
Ikaapat na Markahan (Week 3-4)

Pangalan:_______________________Taon at Pangakat:__________Petsa:_________________
Guro: __________________________________________ Iskor: _________________

I. Pagkakakilanlan. Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Sagutin nang


may katapatan at isulat ang titik ng tamang sagot sa nakalaang patlang.

_____1. Tinagurian ito bilang “World’s First Charter of Human Rights”.


A. Cyrus Cylinder C. Petition of Rights
B. Magna Carta D. Bill of Rights
_____2. Ang Universal Declaration of Human Rights ay isa sa mahalagang dokumento
na naglalahad ng mga karapatang pantao ng mga indibidwal dahil ____________.
A. may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao
B. may pagpapahalaga sa karapatang pantao
C. may binibigyang karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay
D. magbibigay-proteksiyon sa indibidwal na inakusahan
_____3. Natural Rights: Right to Liberty, Constitutional Rights: ___________________
A. Karapatang Sibil C. Karapatan na Mabuhay
B. Karapatang kaloob ng binuong batas D. Karapatang Makatanggap
_____4. Paano mo maisusulong ang karapatang pantao bilang isang mag-aaral?
A. Hikayatin ang bawat botante na bomoto sa darating na eleksyon sa
pamamgitan ng pagbibigay ng pera
B. Isulong ang bawat karapatan ng mga minoryang pangkat sa lipunan
C. Itaguyod ang pagkakaisa sa buong bansa
D. Ipagmalaki na ikaw ay isang Pilipino
_____5. Ito ay itinatag noong 1984 ng mga tanyag na grupong aktibo sa pakikipaglaban
Para sa karapatang pantao sa Asya
A. Asian Human Rights Commission (AHRC
B. Human Rights Action Center (HRAC)
C. African Commission on Human and People’s Rights
D. Amnesty International
______6. Hanggang Grade 10 lang pinaaral ng kanyang magulang si Jose. Ito ay
paglabag sa karapatan ng bata sa:
A. Edukasyon B. Kalusugan C. Nasyonalidad D. Pag-aaruga
______7. Tinanggalan ng trabaho na walang abeso ang mga manggagawa sa pabrika
dahil sa humihinang kita dulot ng pandemya. Sang- ayon ka ba sa ginawa ng pabrika?
A. Oo, dahil nakadepende sa kanilang kita ang sweldo ng manggagawa.
B. Oo, dahil karapatan ng pabrika magtanggal ng mga manggagawa dahil
kasagsagan ng pandemya.
C. Hindi, dahil nalabag ng pabrika ang karapatan ng manggagawa.
D. Hindi, dahil karapatan ng manggagawa na manatili sa pabrika.

Para sa bilang 8, dugtungan mo ang nasa ibaba.

Bilang isang mag aaral, sisikapin kong isabuhay ang lahat ng aking natutuhan
tungkol sa karapatang pantao sa pamamagitan ng
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________.
II. Picture Analysis
Panuto: Tingnang mabuti ang larawan sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang mga
katanungan.

9. Anong karapatang pantao ang nilabag sa larawan ? ( magbigay lamang ng isa )


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

10. Ano ang mangyayari sa ating lipunan kung patuloy na malalabag ang ating
karapatan?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

11. Kung ikaw ang taong nasa larawan ano ang iyong gagawin upang maipaglaban ang
iyong karapatan ?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

III. Para sa bilang 12-14. Panuto: Punan ang mga hinihingi ng mga nasa bilog. Isulat sa
patlang na nasa loob ng bilog ang iyong sagot.

12. Karapatang Pantao 13. Paraan upang ito 14. Paano ito
na nilabag sa inyong ay masolusyonan mapapatibay
komunidad ___________________
__________________
___________________ __________________ ___________________
___________________ __________________ ___________________
____

III. Paghinuha
Panuto: Para sa bilang 15-17. Pumili ng isang organisasyong nagtataguyod ng
karapatang pantao sa daigdig o sa ating bansa. Buuin ang diyagram batay sa hinihingi
ng bawat baitang sa hagdan. Isulat ang sagot sa ilalim ng baitang.

15. Aksyong Isinagawa

16. Isyung binigyang-pansin

17. Adbokasiya ng Organisasyon


IV. Pagpuno sa Talaan
Panuto: Isulat ang mga probisyong nakapaloob sa Bill of Rights sa pangalawang kolum
at sagutan ang mga katanungan sa ibaba.

18.
DOKUMENTO MGA NAKAPALOOB NA KARAPATANG PANTAO

BILL OF RIGHTS

19. Paano mo magagamit ang kaalaman sa Bill of Rights sa paglaban ng iyong


Karapatang Pantao ?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

20. Bakit mahalaga ang binanggit na dokumento sa pag-unlad ng konsepto ng


karapatang pantao?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Sanggunian:

Araling Panlipunan - Kontemporaryong-Isyu-Module-2013.pdf

Gawa ni: Sinuri ni:

JESSICA V. TUTOR JANICE C. PARADIANG


SST-III, Social Studies SST-III, Social Studies
Grade 10-LRMDS Chairperson

Naitala ni: Inaprubahan ni:

MARINA B. SANGUENZA, PhD. DENNIS R. ROA, DPA


SSHT-IV- Social Studies Principal IV
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
DIVISION OF BUTUAN CITY
AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL
A.D. Curato Street, Butuan City
Araling Panlipunan 10
SUMMATIVE TEST No. 3
Ikaapat na Markahan (Week 5-6)

Pangalan:_______________________Taon at Pangakat:__________Petsa:_________________
Guro: __________________________________________ Iskor: _________________

I. Maramihang Pagpipilian
Panuto: Basahin nang maayos ang bawat katanungan at sagutin nang may katapatan
ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang LETRA ng napiling tamang sagot.

_____1. Ang mga sumusunod ay mga mabuting epekto ng pakikilahok sa mga gawaing
pansibiko MALIBAN sa:
A. Mapaunlad ng mga tao ang kanilang kakayahang mag-isip nang malalim,
magpahayag ng sarili sa malikhaing paraan sa pagtulong sa nangangailangan.
B. Sa pamamagitan ng civic engagement, tulad ng pagboto at pagboboluntaryo,
ay makakatulong upang mapabuti ang kalagayan ng pamayananan.
C. Hindi pa angkop sa ang mag-aaral na matutunan ang kaalaman sa paglutas
ng mga problema sa lipunan.
D. Mas maunawaan ang mga isyung panlipunan na nakakaapekto sa kanilang
buhay at ang kanilang papel sa paglutas nito.
_____2.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epekto ng pakikilahok sa gawaing
pansibiko sa larangan ng politika?
A. Nakakaapekto ito sa kalusugang mental ang pakikilahok sa gawaing pansibiko.
B. Ang mga mamamayan na may mataas na antas ng partisipasyong pansibiko
ay may mas mabuting kalusugan at kalusugang mental.
C. Sa pagboto at pagboboluntaryo, napauunlad ng mga mamamayan ang
kanilang mga kasanayan at “boses” upang makalikha ng positibong pagbabago.
D. Nakatutulong ito upang mapaunlad ng tao ang kanilang kakayahang mag-
isip nang malalim, magpahayag ng sarili.
_____3. Ang gawaing pansibiko ay makaiingganyo sa mga nahalal na opisyal na lalong
maging responsable, mapanagot, at mapagserbisyo sa mga nasasakupan. Anong
aspeto ng pamayanan ang may direktang may kaugnayan nito?
A. Lipunan B.Kabuhayan C. Pulitika D.Kultura
_____4.Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makatulong sa mga nangangailangan ng
tulong gaya ng mga nabahaan at nasunugan, paano mo ipapakita ang iyong
pagsuporta at pakikilahok?
A. Magbahagi ng mga kagamitan gaya ng damit o kumot para may magamit sila
B. Sumali at magboluntaryo sa mga serbisyong maghahatid ng tulong sa mga biktima
C.Magbigay ng tulong pinansyal at ipagdasal ang kanilang pagbangon sa buhay
D.Lahat ng nabanggit
_____5. Anong programa o paraan ng pakikilahok sa gawaing pansibiko ang
nagbibigay ng libreng pagpapakain sa mga bata sa mga piling lugar na aabutan
ng tulong pangkalusugan?
A. Programang Pangkabuhayan C. Restoration Program
B. Feeding Program D. Waste Management Program
_____6. Ang mga sumusunod ay mga paraan at hakbang upang makatulong sa
nangangailangan maliban sa:
A. Magboluntaryo at tumulong kapag may pagkakataon na makatulong sa iba.
B. Aktibong pakikilahok sa mga gawaing nag-aangat sa kalagayan ng iba gaya
ng pagtatayo ng mga bahay.
C. Naglilingkod sa mga kababayan na may hinihinging kapalit at gumanda ang buhay.
D. Wala sa mga nabanggit
_____7. Masasabi mo ba na ang paggamit o pagtangkilik sa sariling produkto ay isang
paraan ng pakikilahok na pansibiko? Alin sa mga sumusunod ang direktang
nagpapahayag ng katotohanan tungkol dito?
A. Oo, dahil nakikilahok ang ating bansa sa World Trade Organization.
B. Oo, dahil malaki ang ambag nito sa ekonomiya na nakakatulong sa pag-angat
mula sa kahirapan ng ating kapwa tao.
C. Hindi, dahil walang kinalaman ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa sa
pamumuhay ng tao.
D. Hindi, dahil ang pagtangkilik sa ating produkto ay hindi makakatulong sa
ating bansa.
_____8. Ang gawaing pansibiko ay pakikilahok sa mga organisadong pagkilos para sa
kagalingan at pag-unlad ng komunidad at bansa.Alin ang naglalahad ng
direktang epekto nito sa ekonomiya?
A. Pangangalaga sa minanang yaman at mga pampublikong pasilidad
B. Pagpapatalsik sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan
C. Pagdaragdag ng mga proyektong pangkalusugan
D. Pag-aangat sa kalagayan ng ating mamamayan sa pamamagitan ng
proyektong pangkabuhayan ng pamahalaan.
_____9. Ang paglahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng
mamamayan sa aspetong politikal. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
nagsasaad ng katotohanan tungkol sa pagboto?
A. Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan
ng ating Saligang –batas.
B. Dito nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaan na sa tingin
nila ay maglilingkod nang maayos.
C. Sa pamamagitan ng ating pagboto, tayo mismo ang nagtatakda ng
kinabukasan ng ating bayan.
D. Hindi pantay-pantay ang mga tao pagdating sa pagboto.
_____10. Alin sa mga gawaing pansibiko ang nakikiisa sa pagsuporta sa paglinis ng
ating kapaligiran?
A. Clean and Green Campaign C. Day- care Centers
B. Waste Management D. Reforestation Program
_____11. Maayos at tahimik ang ating bansa kung makikilahok ang mamamayan sa
aspetong _________________sa pamamagitan ng pagsunod sa batas at may
disiplina ang mga taong nakatira dito.
A. Kabuhayan B. Politika C. Panlipunan D. Kultura
_____12. Ang mga susumusunod ay ilang halimbawa ng gawaing pansibiko. Alin sa
mga ito ang may kaugnayan o epekto sa gawaing pampolitika?
A. Pakikipagpalitan at pagbibigay impormasyon.
B. Pagtatag ng mga organisasyong magtaguyod sa karapatan ng mamamayan
sa paggawa ng desisyon para sa bayan.
C. Pagbuo ng mga lihim na samahan laban sa pamahalaan.
D. Pagpapaunlad at pagsuporta sa produkto ng mga banyaga.

II. Pagsusuri
Panuto: Unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik kung anong
aspeto ng pakikilahok na pansibiko ang tinutukoy ng sitwasyon.
K-Kabuhayan P-Politika L-Lipunan
____13. Pagboto sa mga opisyal ng pamahalaan.
____14. Pagtulong sa pamimigay ng relief goods.
_____15. Pagpapakain sa mga batang lansangan.

III. Paggawa ng Photo Essay(5pts.)


Panuto: Gumawa ng Photo Essay na nagpapakita/sumasalamin sa sariling pananaw sa
aktibong pagkamamamayan at pag-unlad sa sarili.
Susuriin ang iyong gawain ayon sa sumusunod na pamantayan sa rubrik bilang pagtataya.
5 Puntos 4 Puntos 3 Puntos 2 Puntos
Maliwanag na Maliwanag na Hindi gaanong Hindi gaanong
naipakita ang mga naipakita ang maliwanag ba maliwanag na
konsepto konsepto naipakita ang mga naipakita ang mga
konsepto konsepto
Malinis at malikhain Hindi gaanong Malinis at malikhain Hindi gaanong
ang larawan malikhain ang ang larawan malinis at malikhain
larawan ang larawan.
Inihanda ni:

FROILAN E. FELISARTA
SST-III, Social Studies
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
DIVISION OF BUTUAN CITY
AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL
A.D. Curato Street, Butuan City
Araling Panlipunan 10
SUMMATIVE TEST No. 4
Ikaapat na Markahan (Week 7-8)

Pangalan:_______________________Taon at Pangakat:__________Petsa:_________________
Guro: __________________________________________ Iskor: _________________

I. Pagkakakilanlan. Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Sagutin nang


may katapatan at isulat ang titik ng tamang sagot sa nakalaang patlang.

_____1. Tumutukoy sa aktibong pakikipag-ugnayan ng mamamayan sa pamahalaan


upang bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan.
A. Good Governance C. Civil Society Movement
B. Participatory Governance D. Labor Union
_____2. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng Participatory Governance upang
mapaunlad ang bansa, MALIBAN sa ;
A. Ang pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan.
B. Pagsama sa mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa mga isyung
mahalaga para sa bayan.
C. Pagiging aktibo ang paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan kung sila ay
kasama mismo sa pagbuo ng mga programa at paggawa ng mga desisyon ng
pamahalaan.
D. Ang pamahalaan ay nagbibigay lamang
_____3. Isa sa magandang halimbawa ng participatory governance sa bansa ay
ipinatupad ng lungsod ng __________________.
A. Naga B. Ligao C. Legaspi D. Iriga
_____4. Kinikilala nito ang napakahalagang papel ng mamamayan sa pamamahala.
A. Progressive Development Perspective C. People’s Participation
B. Functional Partnerships D. People’s Organization
_____5. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng participatory governance?
A. Mas maraming sasali sa civil society.
B. Mawawalan ng silbi ang mga opisyal ng pamahalaan.
C. Maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan.
D. Mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan kung aktibong
kasangkot ang mamamayan sa pagplano at pagpapatupad ng mga ito.
_____6. Basahin ang sumusunod na mensahe:
“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for your
country.” Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F.Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan
at tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto
ng pamahalaan.
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-
unlad ng isang bansa.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa
pagkamamamayan.
_____7. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan
sa mga nangyayari sa kanilang paligid?
A. Sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan
sa mga nangyayari sa bansa.
B. Sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga mamamayan batay
sa itinakda ng saligang-batas.
C. Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na
makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan.
D. Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan
kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa.
_____8. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?
A. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto.
B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon.
C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.
D. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban
ang karapatang pantao at kabutihang panlahat.

II. Pagpuno sa Talahanayan

Panuto: Para sa bilang 9-11. Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng paglalagay ng


hinihinging datos at sagot tungkol sa good governance.

Para sa bilang 12-14 (tatlong puntos)

Rubrik ng Pagmamarka:
PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS
Nilalaman Naipapakita ang kahusayan sa paksa. 1
Pagkakaayos Malinis ang pagkakagawa at madaling 1
maintindihan ang collage.
Pagkamalikhain Nakapupukaw ng atensiyon ang 1
collage.
KABUUAN: 3

MGA PUNA NG GURO:


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
III. Collage Making.
Panuto: Para sa bilang 15-17, gumawa ng collage tungkol sa isang mabuting
mamamayan at pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan.

Rubrik sa Pagmamarka ng Collage:


PAMANTAYAN DESKRIPSYON PUNTOS

Nilalaman Naipapakita ang kahusayan sa paksa. 1


Pagkakaayos Malinis ang pagkakagawa at madaling 1
maintindihan ang collage.
Pagkamalikhain Nakapupukaw ng atensiyon ang 1
collage.
KABUUAN: 3

IV. Pagpapaliwanag
Panuto: Para sa bilang 18-20: Bigyang paliwanag ang quotation sa pamamagitan ng
konsepto ng Participatory Governance.

Dito isulat ang pagpapaliwanag.

Rubrik sa Pagmamarka:

Sanggunian:
Pamantayan Pinakamahusay Mahusay Medyo Mahusay
Paglalahad Tama lahat ang kasagutan Mahusay at Medyo mahusay ang
sa tsart. organisado ang paliwanag
Pinakamahusay at paliwanag. (1 puntos)
organisadong nailahad ang (2 puntos)
paliwanag.
(3 puntos)

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang- Ikaapat na Markahan – Modyul 17:


Participatory Governance Unang Edisyon, 2020

Gawa ni: Sinuri ni:

JACQUELINE B. VIDAL JANICE C. PARADIANG


SST-III, Social Studies SST-III, Social Studies
Grade 10-LRMDS Chairperson

Naitala ni: Inaprubahan ni:

MARINA B. SANGUENZA, PhD. DENNIS R. ROA, PhD.


SSHT-IV- Social Studies Principal IV

You might also like