You are on page 1of 26

4 I

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 2
Konsepto ng Karapatan at Tungkulin
Week 2-3

I
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Konsepto ng Karapatan at Tungkulin
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/ Tagaguhit:/ Tagalapat/Editor:


Mark Christopher B. Intervalo
Neil Anthony A. Pelayo
Marites G. Orteza
Imelda R. Vargas
Tagasuri ng Nilalaman: Michelle A. Manuel
Tagasuri ng Wika: Michelle A. Manuel
Tagasuri ng Paglapat: Michelle A. Manuel
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Virgilio L. Laggui
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
4

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 2
Konsepto ng Karapatan at Tungkulin
Week 2-3
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong


kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga
araling tinatalakay sa Araling Panlipunan Baitang 4.

Tatalakayin sa modyul na ang konsepto ng karapatan at


tungkulin.

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, inaasahang:

 natutukoy ang konsepto ng karapatan bilang isang


mamamayang Filipino; at
 natutukoy ang konsepto ng tungkulin bilang isang
mamamayang Filipino; at
 natutukoy ang mga tungkuling kaakibat ng mga karapatan ng
isang mamamayang Filipino.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Ito ay anumang bagay o paglilingkod na tinatamasa ng isang tao na


naaayon sa batas.
C. serbisyo
A. kabuhayan
D. tungkulin
B. karapatan
2. Ito ay uri ng karapatan na tumutukoy sa pagtamasa ng mga
mamamayan ng pantay na pangangalaga ng batas sa kalayaan,
kapayapaan, ari-arian at kaligayahan sa buhay.
A. karapatang sibil C. karapatang pampolitika
B. karapatang panlipunan D. karapatang pangkabuhayan
3. Ito ay tumutukoy sa karapatan na nauukol sa pakikipag-ugnayan ng
mga mamamayan sa bansa o sa pamahalaan ng bansa.
A. karapatang sibil C. karapatang pampolitika
B. karapatang panlipunan D. karapatang pangkabuhayan
4. Ito ang karapatang tumutukoy sa pangangalaga sa kapakanan ng
mamamayan sa kanyang lipunang ginagalawan.
A. karapatang sibil C. karapatang pampolitika
B. karapatang panlipunan D. karapatang pangkabuhayan
5. Ang mga sumusunod ay itinuturing na karapatan ng bata ayon sa
Universal Declaration of Childrens Rights na binuo ng United Nations
maliban sa isa. Alin ito?
A. karapatang mabuhay
B. karapatan sa sapat na edukasyon
C. karapatang maglaro ng kompyuter games
D. karapatang magkaroon ng pangalan at nasyonalidad
6. Nakapaloob sa karapatang ito ang karapatan sa lihim na
korespondensiya at komunikasyon.
A. karapatang sibil C.C.karapatang
karapatangpampolitika
pampolitika
B. karapatang panlipunan D.D.Karapatang
karapatangpangkabuhayan
sibil

2
7. Si Teresita ay laging nakikiisa sa mga proyekto ng kanilang baranggay
ukol sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng paligid. Anong
tungkulin ang ipinahahayag ng sitwasyon?
A. pagsunod sa batas
B. pagmamahal sa bayan
C. paggalang sa karapatan ng iba
D. pakikipagtulungan sa pamahalaan

8. Si Mario ay mahirap lamang. Dahil dito, hinihikayat siya ng kaniyang


kapitbahay na sumama sa pagnanakaw sa isang bangko na malapit
sa kanilang lugar. Hindi siya sumama at sa halip hinikayat niya ang
kaniyang kapitbahay na magtrabaho nang marangal kahit mahirap
lamang sila. Anong tungkulin ang ipinahahayag ng sitwasyon?
A. pagsunod sa batas
B. pagtatanggol sa bansa
C. paggalang sa karapatan ng iba
D. pakikipagtulungan sa pamahalaan

9. Naglalakad si Marites sa harapan ng paaralan nang biglang inawit ang


Lupang Hinirang at itinaas ang watawat ng Pilipinas. Huminto siya sa
paglalakad, nilagay ang kanyang kamay sa dibdib at buong pusong
inawit ang Lupang Hinirang. Anong tungkulin ang ipinahahayag ng
sitwasyon?
A. pagsunod sa batas
B. pagtatanggol sa bansa
C. paggalang sa watawat
D. paggalang sa karapatan ng iba

10. Si Maribel ay naakusahan sa korte sa salang pagnanakaw. Wala


siyang pambayad sa abugado kaya binigyan siya ng abugado ng
pamahalaan upang siya ay ipagtanggol. Ano ang dapat niyang gawin?
A. humanap ng mas sikat na abugado
B. ibahin ang kuwento ng mga pangyayari
C. ipagtapat sa abugado ang totoong pangyayari
D. tanggihan ang abugado dahil hindi siya magaling

3
Balikan

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang mga pangungusap ay
nagsasaad ng pagkamamamayang Filipino at ekis (X) kung
hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______1. Si Jayson ay isang sapagkat ang kanyang ama ay Filipino


kahit ang kaniyang ina ay Italyano.

_______2. Si Tan Tan ay isang Espanyol na naninirahan sa Pilipinas


bago pa ang pagtatakda ng pagkamamamayan noong Enero
1987.

_______3. Si Nickson ay naging naturalisadong mamamayan ng United


States of America ngunit ang kaniyang mga magulang ay
parehong Filipino.

_______4. Tatlumpu’t limang taong nagtatrabaho sa Italya si Ella. Siya ay


ipinanganak sa Pilipinas ngunit ang kaniyang mga magulang
ay mga Hapones.

_______5. Si Nika ay sampung taon nang nasa Pilipinas. Ang kaniyang


mga magulang ay parehong Koreano.

4
Tuklasin

Panuto: Basahin at unawain ang tula.

Karapatan Natin, Tungkulin Natin


(Likha ni: Mark Christopher B. Intervalo)

Mula sa pagsilang hanggang kamatayan


Ang tao’y pinagkalooban ng tanang karapatan
Na kanyang pinakikinabangan bilang mamamayan
Saan mang bahagi sa lupang tinubuan.

Sibil, politikal, panlipunan o pangkabuhayan


sa hukuman o mga kabataan
Ang karapatan ay ipinaglalaban mula pa sa kasaysayan
Tinatamasa ng lahat ng mamamayan sa ating bayan.

Katumbas naman ng bawat karapatan


Ay mga tungkuling dapat gampanan
Sa pamilya, sa kapwa, pamayanan at bansa
Na atin ding pananagutan sa Poon na sa ati’y lumikha.

Kaya’t ang paggalang sa karapatan ng iyong kapuwa


Ay dapat isaisip, isapuso at isagawa
Dahil ang karapatan natin ay tungkulin din natin
Na dapat mahalin, alagaan at palaganapin.

Batay sa tulang iyong binasa, ano ang masasabi mo sa ating


karapatan? Sa ating tungkulin?

5
Suriin

Konsepto ng Karapatan at Tungkulin

Picture 1

Ang isang mamamayang Filipino ay nagtataglay ng mga karapatan


na kanyang tinatamasa hindi lamang sa kanyang pakikipag-ugnayan sa
ibang tao, sa pamahalaan at bansang kinabibilangan kundi pati na rin sa
pagpapaunlad ng kanyang kakayahan at kabuhayan. Nagkakaroon ng
pagkakataon ang bawat isang tao na magkaroon ng sariling
pagkakakilanlan batay sa pamantayan ng batas. Umiiral ang
pagkakapantay-pantay ayon sa itinadhna ng kanyang karapatan.
Kaugnay nito, kasabay ng pagtamasa sa mga karapatan, ang bawat
mamamayan ay may tungkulin ding dapat gampanan sa kanyang sarili,
sa kanyang kapuwa, sa kanyang pamayanan at sa kanyang bansa.

Ang mga karapatan at tungkuling kaugnay nito ang nagpapanatili


ng kapayapaan at nagpapaunlad sa ating bansa. Nais mo bang malaman
ang iyong mga karapatan at tungkulin?
6
Ang karapatan ay isang bagay o paglilingkod na tinatamasa o
natatamo ng isang tao nang naaayon sa batas. Sa Pilipinas, bilang isang
demokratikong bansa, nakapaloob sa Artikulo III ng Saligang Batas ang
kalipunan ng mga karapatang dapat tamasahin ng isang Filipino.

Ang mga karapatang ito ay maaaring pangkatin sa apat: politikal,


sibil, panlipunan at pangkabuhayan at nasasakdal

Karapatang Sibil. Kabilang sa


mga karapatang ito ang karapatang
mabuhay, maipahayag ang sariling
opinyon, ang hindi mabilanggo dahil
sa pagkakautang, magkaroon ng
tirahan at ari-arian, magkaroon ng
mabilis na paglilitis, laban sa
sapilitang paglilingkod, laban sa
hindi makatuwiran pagdakip at
paghalughog at pagkakaroon ng
pantay na proteksyon ng batas.

7
Karapatang Politikal. Nauukol
ang karapatang ito sa ugnayan ng
mamamayan sa pamahalaan.
Kabilang sa mga karapatang ito ang
pagboto, pagkamamamayan,
magpetisyo, magsalita, maglimbag,
bumuo ng samahan na naaayon sa
batas, gumanap sa tungkuling
pampubliko at magkaroon ng
kaalaman sa mahalagang
impormasyon na nauukol sa
pamamalakad ng pamahalaan.

Karapatang Pangkabuhayan. Nakatuon ang karapatang ito sa


mga salik na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Kabilang sa mga karapatang ito ang karapatang pumili ng relihiyon at
propesyon o hanapbuhay, maglakbay, magkaroon ng pribadong
komunikasyon, magkaroon ng malinis na kapaligiran at pagawaan,
makinabang sa likas na yaman, mabayaran nang wasto sa mga
pribadong ari-arian na ginamit ng pamahalaan, magkaroon ng edukasyon
at pagmamay-ari.

Karapatang Panlipunan. Ang karapatang ito ay may kaugnayan


sa ating pakikitungo sa kapuwa. Ang pagkakaroon ng pagkakapantay-
pantay sa ating lipunan bilang mamamayan. Bininigyang proteksyon ng
karapatang ito ang pamumuhay ng tahimik sa isang pamayanan at pantay
na oportunidad sa trabaho, seguridad, edukasyon at pagpapahayag
upang magkaroon ng buhay na marangal.
8
Karapatan kapag Nasasakdal. Ang
isang nasasakdal ay binibigyan ng kaukulang
proteksyon ng batas upang magkaroon ng
makatarungang paglilitis sa harap ng
hukuman. Binibigyan ng pagkakataon ang
isang nasasakdal upang maipagtanggol ang
kaniyang sarili at mabigyan ng kaukulang
tulong upang magkaroon ng abugado,
magkaroon ng testigo at maproteksyunan sa
hindi makataong parusa. Ang isang
nasasakdal ay itinuturing na walang sala
hanggang hindi napapatunayan sa hukuman.

Mga Karapatan ng mga Bata

Upang matugunan ang pang-aabuso sa mga bata sa iba’t ibang


panig ng mundo, bumuo ang United Nations ng Pandaigdigang
Kasunduan ng mga karapatan. Narito ang mga karapatang nakapaloob
sa kasunduang ito:
 ang karapatan mabuhay
 maging malusog
 sapat na edukasyon
 magpahinga at maglaro
 alagaan at mahalin ng magulang
 magkaroon ng sapat na pagkain, damit at tirahan
 magkaroon ng pangalan at nasyonalidad

9
 maprotektahan laban sa diskriminasyon
 malayang magpahayag ng sarili
 magkaroon ng malayang pag-iisip, budhi at relihiyon
 magkaroon ng maayos na pamumuhay kahit may kapansanan
 malayang pagsali sa samahan at mapayapang pagpupulong
 mabigyan ng proteksyon sa pagdukot at pagbenta ng bata, laban sa
armadong labanan, laban sa malupit na parusa, laban sa bawal na
gamot, laban sa sekswal na pagmamalabis at mapangalagaan sa
pagsasamantalang paghahanapbuhay.

Kaugnay ng mga karapatan, ang bawat isa ay may tungkuling dapat


gampanan sa sarili, sa pamilya, sa kapuwa, sa pamayanan at sa bansa.
Ang mga tungkuling ito ay mahalaga upang umunlad ang sarili at buong
bansa.

Tungkulin ng bawat isa na tuparin ang mga bagay na itinadhana ng


batas bilang pagpapakita ng pagiging tunay at tapat na mamamayan ng
bansa. Ilan sa mga tungkuling dapat gampanan ay ang pagmamahal sa
bayan, pagtatanggol sa bansa, paggalang sa watawat, pagsunod sa
batas, paggalang sa may kapangyarihan, pakikipagtulungan sa
pamahalaan at paggalang sa karapatan ng iba.

May mga likas na tungkuling kaakibat ng mga karapatang


tinatamasa ng mga mamamayan na nakasaad sa Saligang Batas ng
Pilipinas. Ang bawat isa ay may karapatang mabuhay at maging malaya.
Kaugnay nito tungkulin naman ng mamamayan na paunlarin ang kanyang
sarili at pamilya nang hindi umaasa sa iba. May karapatan ding bumoto

10
ang isang mamamayan kaya’t tungkulin naman niyang pumili ng karapat-
dapat gumanap sa tungkulin.

Malaya din ang mga Filipino na pumili ng


kanyang relihiyong kinabibilangan.
Kaugnay nito tungkulin naman niyang
maging isang mabuting tagasunod at
igalang ang pananampalataya ng iba.

Ang Filipino din ay binibigyang karapatan na magkaroon ng ari-arian


ngunit tungkulin mong gawing maayos at ligal ang pagmamay-ari nito at
magbayad ng kaukulang buwis na itinakda ng batas para sa mga ari-
ariang ito.

Karapatan din ng bawat isa ang magsalita at maglimbag ng mga


babasahin. Kaugnay nito nararapat lamang na isaalang-alang ang
katotohanan at magsalita nang hindi nakasasakit at nakasisira sa
pagkatao ng iba.

Malaya din ang isang Filipino na pumili ng kanyang propesyon o


hanapbuhay subalit ito ay dapat naaayon sa batas at tungkulin niya na
gawin ito nang buong husay, kinakailangan ding magbayad ng
karampatang buwis na katumbas ng kaniyang kita sa kanyang propesyon
o hanapbuhay.

Sagana sa likas na yaman


ang bansa kaya’t may karapatan
ang mamamayan na
pakinabangan ang mga ito subalit
tungkulin niyang siguraduhin ang
matalino at wastong paggamit nito
upang mapangalagaan ito sa
tuluyang pagkasira.

11
Pagyamanin
Gawain A
Panuto. Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto ang
ipinahahayag ng sitwasyon at MALI kung hindi. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
________1. Si Reymond ay napagbintangang nagnakaw ng malaking
halaga ng pera sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Siya ay
itinuturing pa ring walang kasalanan hangga’t hindi
napapatunayan sa hukuman.
________2. Ang pagboto ay isang karapatan bilang isang mamamayan
at tungkulin din sa bayan.
________3. Hindi nakikilahok sa mga programa ng baranggay si Aling
Imelda dahil pag-aaksaya lamang ito ng panahon.
________4. Habang itinataas ang watawat, iniiwasan ni Manuel na
makipagkwentuhan sa kaniyang kaklase habang buong
pusong inaawit ang Lupang Hinirang.
________5. Ipinakulong si Tina ng kanyang kapitbahay dahil sa
kaniyang pagkakautang kahit nangako ito na magbabayad.

Gawain B
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga tungkuling kaakibat ng mga
karapatang nakasaad sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang
letra ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.
_______ 1. karapatang mabuhay
_______ 2. karapatang bumoto
_______ 3. karapatang pumili ng relihiyon
_______ 4. karapatang magsalita
_______ 5. karapatang makinabang sa likas na yaman
A. magsabi ng totoo
B. pumili ng karapat-dapat na kandidato
C. igalang ang pananampalataya ng iba
D. pangalagaan ang likas na yaman
E. gawin nang buong husay ang napiling hanapbuhay at propesyon
F. paunlarin ang sarili at pamilya

12
Gawain C
Panuto: Ilagay sa Hanay A ang mga kaisipang tumutukoy sa karapatan
ng mga mamamayang Filipino at sa Hanay B naman ang mga
kaisipang tumutukoy sa mga tungkulin ng mga mamamayan.

 magmahal sa bayan
 marinig sa hukuman
 bumoto
 magkaroon ng pangalan at nasyonalidad
 magtanggol sa bayan
 pumili ng relihiyon
 gumalang sa watawat
 makipagtulungan sa pamahalaan
 sumunod sa batas
 magkaroon ng edukasyon

Hanay A Hanay B

13
Isaisip

Panuto: Punan ng angkop na sagot ang bawat patlang. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang _____________ay isang bagay o paglilingkod na tinatamasa o


natatamo ng isang tao nang naaayon sa batas.

2. Ang bawat karapatang tinatamasa ng isang tao ay may kaakibat na


mga _____________ na kaniyang pananagutan sa kaniyang sarili,
pamilya, kapuwa, pamayanan at bansa.

3. Ang pagiging tapat sa bansa at pangangalaga sa kapakanan ng


bawat mamamayan ay nagpapakita ng ______________.

4. Tungkulin ng bawat isang mamamayan na tuparin ang mga bagay


na itinadhana ng batas bilang pagpapakita ng pagiging tunay at
tapat na mamamayan ng bansa. Ilan sa mga tungkuling dapat
gampanan ay ang pagmamahal sa bayan, pagtatanggol sa bansa,
paggalang sa watawat, ___________________, paggalang sa may
kapangyarihan, pakikipagtulungan sa pamahalaan at paggalang sa
karapatan ng iba.

5. Ang mga karapatan ng bawat isang Filipino ay binibigyang


proteksyon ng Saligang Batas ng Pilipinas na nakasaad sa
_______________ o ang kalipunan ng mga karapatan.

tungkulin pananagutan
pagsunod sa batas Artikulo III
pagmamahal sa bayan karapatan

14
Isagawa
Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon at tukuyin kung ano ang iyong
gagawin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Napag-aralan ninyo sa inyong paaralan na karapatan mong


magkaroon ng edukasyon. Iyong nabatid din na kaakibat nito ang
tungkulin mong mag-aral nang mabuti. Habang kumukuha kayo ng
pagsusulit, nakita mo ang iyong kaklase na nangongopya sa
kaniyang libro. Ano ang gagawin mo?
______________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Nagtatawanan ang magkapatid na Ellen at Mika habang


nagkukuwentuhan ngunit napansin nilang natutulog ang kanilang
maysakit na ina. Ano ang dapat nilang gawin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Walang trabaho si Jayson kaya madalas wala siyang pambili ng


pagkain para sa kaniyang pamilya. Ano ang pinakamabuti niyang
gawin para matugunan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Pangingisda ang hanapbuhay ng iyong ama. Madalas kang nasa


dalampasigan upang abangan ang kanyang pagdating. Habang
naghihintay, iyong nakita ang ibang mga mangingisda na may dalang
dinamita upang gamitin sa pangingisda. Bilang isang responsableng
mamamayan, ano ang dapat mong gawin?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

5. Ang paglabas ng bahay ng isang bata ay ipinagbabawal sa iyong


baranggay. Nagkataon na kailangan mong pumunta sa iyong kamag-
aral upang magpatulong sa kaniya sa paggawa ng inyong mga
takdang gawain sa paaralan. Ano ang dapat mong gawin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
15
Tayahin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang
iyong sagot.

1. Ang pagkakaroon ng sapat at dekalidad na edukasyon ay dapat


tamasahin ng bawat mamamayan. Ano ang tinutukoy ng pahayag na
ito?
A. kabuhayan C. serbisyo
B. karapatan D. tungkulin

2. Si Ema ay hindi pinaboboto ng kaniyang asawa dahil sa kanilang


pangkat-etniko, lalaki lamang ang maaaring bumoto. Anong
karapatan ang ipinagkait kay Ema?
A. karapatang sibil C. karapatang pampolitika
B. karapatang panlipunan D. karapatang pangkabuhayan

3. Malaya ang sinumang tao na pumili ng kaniyang relihiyong


kinabibilangan. Anong karapatan ang sumasaklaw sa pahayag na
ito?
A. karapatang sibil C. karapatang pampolitika
B. karapatang panlipunan D. karapatang pangkabuhayan

4. Isang call center agent si Dante. Makalipas ang tatlong taon umalis
siya sa kaniyang pinagtatrabahuhan upang magtayo ng sarili niyang
negosyo. Anong karapatan ang ipinakikita sa sitwasyon?
A. karapatang sibil C. karapatang pampolitika
B. karapatang panlipunan D. karapatang pangkabuhayan

5. Mahirap lamang ang pamilya ni Cristina kaya hindi siya pinag-aral ng


kaniyang mga magulang. Anong karapatan ang ipinagkait sa kaniya?
A. karapatang maglaro
B. karapatang mabuhay
C. karapatan sa sapat na edukasyon
D. karapatang magkaroon ng pangalan at nasyonalidad

16
6. May nakawang naganap sa baranggay ni Juan at siya ang
napagbintangan na nagnakaw kaya naman hinalughog ang
kaniyang bahay kahit walang search warrant. Anong karapatan ang
nalabag sa sitwasyon?
A. karapatang sibil C. karapatang pampolitika
B. karapatang panlipunan D. karapatang pangkabuhayan

7. Dahil sa Covid-19 pandemic, nagpalabas ng kautusan na bawal


lumabas ng bahay ang lahat kaya naman sinunod ito ng pamilya
Manuel. Anong tungkulin ang ipinahahayag ng sitwasyon?
A. pagsunod sa batas
B. pagmamahal sa bayan
C. paggalang sa karapatan ng iba
D. pakikipagtulungan sa pamahalaan

8. Pilit iginigiit na Pilipinas ang karapatan nito sa pinag-aagawang


teritoryo sa West Philippine Sea sa mapayapang paraan. Anong
tungkulin ang ipinahahayag ng sitwasyon?
A. pagsunod sa batas
B. pagtatanggol sa bansa
C. paggalang sa karapatan ng iba
D. pakikipagtulungan sa pamahalaan

9. Nagpunta ng sinehan ang pamilya Dela Cruz. Pagpasok nila sa


sinehan ay tumugtog ang Lupang Hinirang. Tumayo sila nang
maayos at inawit ang Lupang Hinirang. Anong tungkulin ang
ipinahahayag ng sitwasyon?
A. pagsunod sa batas
B. paggalang sa watawat
C. pagtatanggol sa bansa
D. paggalang sa karapatan ng iba

10. Ang bawat karapatan ng isang tao ay may kaakibat na tungkulin na


dapat gampanan. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?
A. Lahat ng tao ay pantay-pantay.
B. Gawin ang tungkulin sa abot ng makakaya.
C. May karapatan ang bawat isa na dapat igalang at tungkuling
dapat tuparin.
D. Hindi kailangang gampanan ang tungkulin dahil may
karapatan ang isang tao.

17
Karagdagang Gawain

Panuto: Buuin ang Concept Map ng kahalagahan ng karapatan at


kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Kahalagahan ng Karapatan

Kahalagahan
ng
Karapatan

18
Kahalagahan ng Pagtupad sa Tungkulin

Kahalagahan
ng Pagtupad
sa Tungkulin

19
20
SUBUKIN Balikan PAGYAMANIN PAGYAMANIN
1. B 6. B 1. √ Gawain A Gawain B
2. A 7. D 2. √ 1. Tama 1. F
3. C 8. A 3. √ 2. Tama 2. B
4. B 9. C 4. X 3. Mali 3. C
5. C 10. C 5.X 4. Tama 4. A
5. Mali 5. D
PAGYAMANIN PAGYAMANIN
Gawain C Gawain C
Hanay A Hanay B
1. marinig sa hukuman 1. magmahal sa bayan
2. bumoto 2. magtanggol sa bayan
3. magkaroon ng pangalan at nasyonalidad 3. gumalang sa watawat
4. pumili ng relihiyon 4. makipagtulungan sa pamahalaan
5. magkaroon ng edukasyon 5. sumunod sa batas
ISAISIP ISAGAWA
Maaaring maging sagot:
1. Karapatan
1. Bawalin ang kaklase at pagsabihan na mali ang kanyang ginagawa
2. Tungkulin
3. Pagmamahal sa bayan 2.Tumahimik upang makapagpahinga ang ina
4. Pagsunod sa batas 3. Maghanap ng mapagkakakitaan
5. Artikulo III 4. Oo, upang maipagtanggol siya ng kanyang abugado nang ayon sa
batas
5. Mag-aral nang mabuti
Maaaring magkaroon pa ng ibang sagot ang mag-aaral.
TAYAHIN KARAGDAGANG GAWAIN
1. B 6. A Kahalagahan ng karapatan
2. C 7. A 1. Nagpapaunlad ng pamumuhay
3. B 8. B 2. Nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay
4. D 9. B 3. Nagiging payapa ang lahat
5. C 10. C 4. Naipapamalas ang angking kakayahan
Kahalagahan ng pagtupad sa tungkulin
1. Umuunlad ang sarili at pamilya
2. Napapanatiling ligtas ang lipunan
3. Nagiging maayos ang pamumuhay
4. Nagiging mapayapa ang bayan
Maaaring magkaroon pa ng ibang sagot ang mag-aaral.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Araling Panlipunan 4: K to 12 Gabay Pangkurikulum. Kagawaran ng Edukasyon. 2016.

Araling Panlipunan 4: Most Essential Learning Competencies (MELCs) Matrix.


Kagawaran ng Edukasyon. 2020.

Adriano, Ma. Corazon V. et al., Araling Panlipunan-Ikaapat na Baitang, Kagamitan


ng Mag-aaral, First Edition. Philippines: Vibal Group Incorporation. 2015

21
Para sa mgasakatanungan
Para o puna,
mga katanungan o sumulat o tumawag
puna, sumulat sa: sa:
Department of Education, Schools Division of Bulacan
Department of Education,
Curriculum Schools Division
Implementation Division of Bulacan
Curriculum Implementation
Learning Resource Management and Development Division
System (LRMDS)
Learning Resource Management and Development
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos,System (LRMDS)
Bulacan
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos,
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

You might also like