You are on page 1of 30

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan–Modyul 2:
Karapatang Pantao
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan– Modyul 2: Karapatang Pantao
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Juanito L. Lumibao, Jr.
Editor: Rubilita L. San Pedro
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag, PhD / Bernadette G. Paraiso
Marie Claire M. Estabillo / Lorna G. Capinpin
Tagasuri ng Wika: Donna Erfe A. Aspiras / Gerwin L. Cortez
Tagasuri sa ADM Format: Kristian Marquez
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat Donna Oliveros / Bryan Balintec
Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit: Emmanuel DG. Castro
Tagapaglapat: Marvie C. Delos Santos

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V


Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Salome P. Manuel, PhD
Rubilita L. San Pedro
Marie Claire M. Estabillo
Melvin S. Lazaro
Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon - Rehiyon III
Office Address: Matalino St., D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan–Modyul 2:
Karapatang Pantao
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay


upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 10.

Ang modyul na ito ay naglalayong masuri ang kahalagahan ng pagsusulong at


pangangalaga sa karapatang pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong
panlipunan. Ano ba ang ibig sabihin ng karapatang pantao? Gaano ba ito kahalaga
sa lipunang Pilipino? Ano-anong mga dokumento ang nagpapatibay ng karapatang
pantao sa bansa?

Bakit mahalagang isulong at pangalagaan ang mga karapatang pantao sa harap


ng mga isyu at hamong panlipunan?

Sa pagtatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaaasahang:


1. nakapagpapaliwanag ng konsepto ng karapatang pantao at mga batayan
nito;
2. nakasusuri ng bahaging ginagampanan ng mga karapatang pantao upang
makatugon sa iba’t ibang isyu at hamong panlipunan; at
3. napahahalagahan ang aktibong pakikilahok ng mamamayan batay sa
kanilang taglay na mga karapatang pantao.

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Isulat sa papel ang letra ng
tamang sagot.

1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga karapatan?


A. Kakambal ito ng ating mga tungkulin.
B. Proteksiyon natin ito laban sa pang-aabuso.
C. Kailangan nating tuparin ang Saligang Batas.
D. Sinisiguro nitong makapamumuhay tayo nang maayos at maligaya.

2. Ito ay tumutukoy sa mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya


ay isilang.
A. karapatang sibil
B. karapatang pantao
C. karapatang politikal
D. karapatang sosyo-ekonomik

1
3. Sa pamamagitan ng dokumentong ito, kinikilala ng mga pamahalaan ang
kanilang obligasyon na siguraduhing lahat ng mga tao, mayaman at mahirap,
lalaki o babae, at mula sa anomang lahi at relihiyon, ay tatratuhin nang
pantay.
A. Optional Protocols
B. International Bill of Rights
C. Universal Declaration of Human Rights
D. Bill of Rights, 1987 Philippine Constitution

4. Bakit mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao?


A. Iniiwasan nito ang diskriminasyon.
B. Itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng tao.
C. Pinangangalagaan nito ang maliliit na bansa tulad ng Pilipinas.
D. Sinisiguro nitong walang nagaganap na paglabag sa karapatang
pantao.

5. Ilan ang mga karapatang nakatadhana sa Universal Declaration of Human


Rights?
A. 20 C. 30
B. 25 D. 35

6. Si Bernard ay pinaghihinalaang isang terorista at miyembro ng isang grupong


extremist sa kanilang lalawigan. Upang mapaamin sa kaniyang hindi
umanong mga kasalanan, siya ay dumanas ng torture at ng hindi makataong
mga kaparusahan. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?
A. karapatan sa buhay
B. kalayaan mula sa pagpapahirap
C. kalayaan mula sa hindi makatwirang pagdakip
D. karapatan sa isang makatarungan at hayag na paglilitis

7. Ayaw pag-aralin si Margarett ng kanyang mga magulang dahil walang mag-


aalaga sa kanyang mga nakababatang kapatid. Anong karapatang pantao ang
nalabag sa kanya?
A. karapatan sa edukasyon
B. kalayaan mula sa pang-aalipin
C. kalayaan mula sa diskriminasyon
D. karapatan sa pamamahinga at paglilibang

8. Inisa-isa ng Estado sa Saligang-Batas ng 1987 ang Katipunan ng mga


Karapatan (Bill of Rights) sa:
A. Artikulo I. C. Artikulo III.
B. Artikulo II. D. Artikulo IV.

9. Alin sa sumusunod ang hindi maituturing na uri ng karapatan sa Pilipinas?


A. natural rights C. statutory rights
B. political rights D. constitutional rights

2
10. Ang sumusunod ay halimbawa ng constitutional rights maliban sa:
A. kalayaan sa relihiyon.
B. karapatan sa minimum wage.
C. karapatan sa wastong kabayaran.
D. malayang pagdulog sa mga hukuman.

11. Bakit mahalaga ang mga karapatang nakasaad sa Katipunan ng mga


Karapatan sa ating Saligang Batas?
A. Ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.
B. Nakasaad dito ang karamihan sa ating mga karapatan.
C. Ang lalabag sa mga nakasaad dito ay mapaparusahan ayon sa batas.
D. Nakasaad dito ang mga karapatan natin bilang malayang mamamayan
ng isang demokratikong Estado.

12. Bakit may karapatan maging ang akusado o nasasakdal sa isang kaso?
A. Ito ay nakatadhana sa Saligang Batas.
B. Ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.
C. Sila ay mga malayang mamamayan katulad ng bawat isa.
D. Sila ay itinuturing na inosente hanggang hindi napapatunayang
nagkasala.

13. Anong ahensiya ng pamahalaan ang may pangunahing tungkulin na


pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan sa Pilipinas?
A. Department of Justice (DOJ)
B. Philippine National Police (PNP)
C. Supreme Court (SC)
D. Commission on Human Rights (CHR)

14. Alin sa sumusunod ang hindi responsibilidad at pananagutan ng Estado at


mga taong nanumpa sa tungkulin bilang mga duty bearers ng karapatang
pantao ng mga mamamayan?
A. angkinin C. proteksiyonan
B. i-respeto D. tuparin

15. Kanino ka dapat magrereklamo kung bahagi ng gobyerno ang nang-abuso ng


tao?
A. CHR
B. korte
C. militar
D. pulis

3
Aralin

1 Karapatang Pantao

Balikan

Ngayong alam mo na ang mga isyu at hamon ukol sa aktibong


pagkamamamayan, dadako naman tayo sa isa sa mga napapanahong isyu na
kinakaharap ng ating lipunan nitong mga nagdaang taon. Suriing mabuti ang
sumusunod na larawan. Pagkatapos ay tukuyin kung anong katangian ng isang
aktibong mamamayan ang ipinakikita at hindi ipinakikita ng mga ito. Isulat ang
sagot sa papel.

4
Tuklasin

Mahalaga bilang isang aktibong mamamayang Pilipino na malaman mo ang


iyong mga karapatan. Kinikilala ng daigdig ang kahalagahan ng “katutubong
karangalan at sa pantay at hindi makakait na mga karapatan ng lahat ng nabibilang
sa angkan ng tao” bilang “saligan ng kalayaan, katarungan at kapayapaan sa
daigdig”. Ang mga karapatang pantao ay may malaking maitutulong upang
mabigyan ka ng proteksiyon laban sa mga tao o grupo ng taong nais mang-api at
magsamantala.
Bakit mahalagang isulong at pangalagaan ang mga karapatang pantao sa harap
ng mga isyu at hamong panlipunan?

Panata sa mga Karapatang Pantao


Ng Komisyon sa Karapatang Pantao

Ako ay Pilipino.

Kikilalanin ko, igagalang, ipagtatanggol at isasakatuparan


ang dignidad at karapatan ng bawat tao
nang walang pagtatangi sa kasarian, lipi, pananampalataya
at katayuan sa buhay.

Igagalang ko ang iyong mga karapatan


maging sino ka man.
Maging magkasalungat man tayo
ay paninindigan ko ang mga karapatan mo.

Diringgin ko ang tinig ng kabataan,


kababaihan, nakatatanda, katutubo
at mga may kapansanan
nang may paggalang at pagkilala sa kanilang kakayahan.

Titiyakin ko na ang bawat bata


ay hindi salat sa pagkalinga,
at may matiwasay na lipunang ginagalawan.

Tututulan ko ang anumang pagmamalabis sa kapangyarihan,


katiwalian, at pagyurak sa karapatan
ng mga manggagawa, mga mahihirap,
at mga sektor na higit na nangangailangan.

5
Babantayan ko
na gagampanan ng pamahalaan ang kaniyang tungkulin
na igalang, ipagtanggol at isakatuparan
ang mga karapatang pantao ng lahat.

Paninindigan ko ang aking pananagutan sa aking kapwa.


Kung mayroon mang Karapatang Pantao
na ipinagkakait o ‘di-binibigyang halaga,
ako ay MANININDIGAN.

Sisigaw ako. Kikilos ako.


Gagamitin ko ang aking mga karapatan
para MANINDIGAN
sa mga Karapatan ng aking kapwa tao.

Pamprosesong tanong:
1. Ano-ano ang mga pangakong inilahad sa panata?
2. Bakit mahalagang gawin ng isang batang katulad mo ang mga tungkulin at
pananagutang iyong nabasa?
3. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano ka makatutulong sa pagsusulong
at pangangalaga ng mga karapatang pantao sa kasalukuyang panahon?

Suriin

Kahulugan at Kahalagahan ng Karapatang Pantao

Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay mabuhay.


Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan upang siya ay
mabuhay nang may dignidad bilang tao.

Ang mga karapatang pantao ay yaong mga karapatan na kinakailangan para sa


ating buhay bilang tao. Kung wala tayong karapatang pantao, hindi natin lubusang
magagamit at mapauunlad ang ating mga katangian, ang ating talino, talento at
espiritwalidad. Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao
sa sandaling siya ay isilang. Ang pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya

6
tulad ng pagkain, damit, bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan ay
nangangahulugan na nakakamit niya ang kanyang karapatan. Hindi maaaring
mabuhay ang tao kung hindi niya nakakamit ang kanyang mga karapatan. Mayroon
tayong karapatan dahil tayo ay tao. Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay
bahagi na ng pagiging tao at hindi na kinakailangan pang ito ay kilalanin ng
pamahalaan sa Estado sapagkat likas na itong bahagi ng tao.

Mahalagang malaman ang ating karapatan upang matamasa natin ang mga
pangunahing pangangailangan bilang tao. Sinumang umagaw sa ating
pangangailangan o kumitil sa ating buhay nang walang dahilan ay lumalabag sa
ating karapatan bilang tao. Maaari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling
nahahadlangan ang ating karapatan.

Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala sa karapatan ng iba. Ang


pagkilala sa karapatan ng iba ay nagsasaad ng ating obligasyon na igalang ang
karapatan ng lahat ng tao. Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan
ng bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspekto ng ating
buhay sa lipunang Pilipino.

Mga Batayang Legal ng Karapatang Pantao

Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay nakabatay sa mga ginagawang batas


sa Pilipinas at sa mga pandaigdigang kasunduan. Bagamat ang tao mula sa kanyang
pagsilang ay may karapatang dapat na matamasa na, nakasisiguro tayo kung ito ay
nakasulat sa ating batas upang magsilbing sandigan kung sakaling hindi natin
natatamasa ang ating mga karapatan.

7
1. Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao
(Universal Declaration of Human Rights o UDHR)

Nagtakda ang United Nations ng isang pangkalahatang pamantayan ng


karapatang pantao para sa lahat ng bansa noong 1948, nang itinatag nito ang
Universal Declaration of Human Rights (UDHR). Sa pamamagitan ng deklarasyong
ito, kinikilala ng pamahalaan ang kanilang obligasyon na siguraduhing lahat ng
mga tao, mayaman at mahirap, lalaki o babae, at mula sa anumang lahi at
relihiyon, ay tatratuhin nang pantay. Kabilang sa mga ito ang karapatang:

• Sibil-ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa.


• Politikal-ang mga karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng
pagdedesisyon ng pamayanan.
• Ekonomiko (pangkabuhayan)-ang mga karapatan ukol sa pagsusulong ng
kabuhayan at disenteng pamumuhay.
• Sosyal (panlipunan)-ang mga karapatan upang mabuhay ang tao sa isang
lipunan at isulong ang kanyang kapakanan.
• Kultural-ang mga karapatan ng taong lumahok sa buhay kultural ng
pamayanan at magtamasa ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.

Ang mga probisyon ng UDHR ay ang mga sumusunod:

1. malaya at pantay-pantay (free and equal);


2. kalayaan mula sa diskriminasyon (freedom from discrimination);
3. karapatan sa buhay (right to life);
4. kalayaan mula sa pang-aalipin (freedom from slavery);
5. kalayaan mula sa pagpapahirap (freedom from torture);
6. karapatang kilalanin sa harap ng batas (right to recognition before the
law);
7. karapatan sa pagkakapantay-pantay sa harap ng batas (right to equality
before the law);
8. karapatan sa mabisang lunas ng karampatang mga hukumang
pambansa (access to justice);
9. kalayaan mula sa ‘di-makatwirang pagdakip (freedom from arbitrary
detention);
10. karapatan sa isang makatarungan at hayag na paglilitis (right to a fair
trial);
11. karapatang ituring na walang-sala hanggang ‘di napatutunayang
nagkasala alinsunod sa batas (presumption of innocence);
12. karapatan sa ‘di-makatwirang panghihimasok (right to privacy);
13. kalayaan sa pagkilos at paninirahan (freedom of movement);

8
14. karapatang humanap at magtamasa sa ibang bansa ng pagpapakupkop
laban sa pag-uusig (right to asylum);
15. karapatan sa isang pagkamamamayan (right to nationality);
16. karapatang mag-asawa at magpamilya (right to marriage and to found a
family);
17. karapatang mag-angkin ng ari-arian (right to own property)
18. kalayaan ng pag-iisip, budhi at relihiyon (freedom of religion or belief);
19. kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag (freedom of expression);
20. kalayaan sa mapayapang pagpupulong at pagsasamahan (freedom of
assembly);
21. karapatang makilahok sa pamahalaan (right to partake in public affairs);
22. karapatan sa kapanatagang panlipunan (right to social security);
23. karapatan sa paggawa (right to work);
24. karapatan sa pamamahinga at paglilibang (right to leisure and rest);
25. karapatan sa isang pamantayan ng pamumuhay na sapat (right to
adequate standard of living);
26. karapatan sa edukasyon (right to education);
27. karapatang makilahok nang malaya sa buhay pangkalinangan, sining
at siyensiya (right to cultural, artistic and scientific life);
28. karapatan sa kaayusang panlipunan at pandaigdig (right to a free and
fair world);
29. tungkulin sa pamayanan (duty to your community); at
30. hindi maiaalis ang mga karapatang inilahad sa pahayag na ito (rights
are inalienable).

Malaki ang pagkakaugnay ng mga karapatang nakapaloob sa UDHR sa bawat


aspekto ng buhay ng tao. Kung ganap na maisasakatuparan ang mga karapatang
ito, magiging higit na kasiya-siya ang manirahan sa daigdig na maituturing na
isang lugar na may paggalang sa bawat tao at tunay na kapayapaan para sa
lahat.

2. Katipunan ng mga Karapatan, Saligang Batas ng 1987


Ang pamahalaan ng Pilipinas ang isa sa mga bansang nagbigay ng mataas na
pagpapahalaga sa dignidad at mga karapatang pantao. Bilang patunay, malinaw
na inilalahad sa Artikulo II, Seksyon 11 ng Saligang Batas ng 1987 ang
pagpapahalaga ng Estado sa karangalan ng bawat tao at ginagarantiyahan nito
ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao.
Inisa-isa ng Estado sa Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987 ang Katipunan
ng mga Karapatan (Bill of Rights) ang pinagsama-samang karapatan ng bawat tao

9
mula sa mga dating Saligang-Batas at karagdagang karapatan ng mga
indibiduwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19.
Ayon sa aklat ni De Leon et al. (2014), may tatlong uri ng mga karapatan ang
bawat mamamayan.
Mga Uri ng Karapatan
1. Natural-mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng
Estado
Halimbawa: karapatang mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ari-
arian

2. Constitutional-mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng


Estado
• Karapatang Politikal-kapangyarihan ng mamamayan na makilahok,
tuwiran man o hindi, sa pagtatatag at pangangasiwa ng pamahalaan.
• Karapatang Sibil-mga karapatan na titiyak sa mga pribadong
indibiduwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa
paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.
• Karapatang Sosyo-ekonomik-mga karapatan na sisiguro sa
katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng mga
indibiduwal.
• Karapatan ng Akusado-mga karapatan na magbibigay proteksiyon sa
indibiduwal na inaakusahan sa anumang krimen.

3. Statutory-mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa


pamamagitan ng panibagong batas.
Halimbawa: karapatang makatanggap ng minimum wage

Makikita sa ibaba ang nilalaman ng mga karapatang pantao na kinikilala ng


Estado ayon sa Saligang Batas ng 1987.
1. karapatan sa buhay, kalayaan, o ari-arian (right to life, liberty, and
property);
2. karapatan laban sa hindi makatwirang paghahalughog at
pagsasamsam (right against unreasonable searches and seizures);
3. karapatan sa pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya
(privacy of communication);
4. kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa
karapatan sa mapayapang magkatipon at magpetisyon sa
pamahalaan (freedom of speech; right to a free press; freedom of
assembly; the right of petition);
5. kalayaan sa relihiyon (freedom of religion);
6. kalayaan sa paninirahan at karapatan sa paglalakbay (liberty of
abode and the right to travel);

10
7. karapatan hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan
(right to information);
8. karapatan na magtatag ng mga asosasyon, unyon o mga kapisanan
(right to form associations);
9. karapatan sa wastong kabayaran (right to just compensation);
10. hindi pagpapatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng kontrata
(non-impairment clause);
11. malayang pagdulog sa mga hukuman (free access to court);
12. karapatan ng taong sinisiyasat (right of person under custodial
investigation);
13. karapatan sa pyansa at malabis na pyansa (right to bail and against
excessive bail);
14. mga karapatan ng nasasakdal (rights of the accused);
15. pribilehiyo ng writ of the habeas corpus;
16. karapatang sa madaliang paglutas ng mga usapin sa mga
kalupunang panghukuman (right to a speedy disposition of the
cases);
17. karapatang hindi tumestigo laban sa kanyang sarili (right against
self-incrimination)
18. karapatan sa paniniwala at hangaring pampulitika (right to political
beliefs and aspirations);
19. karapatan laban sa malupit, imbi at di-makataong parusa
(prohibition against cruel, degrading human punishment);
20. ‘di-pagkakabilanggo nang dahil sa pagkakautang (non-imprisonment
for debts);
21. karapatan laban sa makalawang masapanganib ng kaparusahan sa
iisang paglabag (right against double jeopardy); at
22. ‘di pagpapatibay ng batas ex post facto o bill of attainder sa isang
demokratikong bansa.

Mayroong dalawang partidong sangkot sa realisasyon at katuparan ng mga


karapatang pantao.

1. Rights Holders. Ito ang lahat ng mamamayan, anuman ang edad, lahi,
kasarian, at relihiyon. Lahat ng tao ay rights holders. Bilang mga
indibiduwal, may kaakibat itong pananagutang ALAMIN, ANGKININ at
IPAGTANGGOL ang kanilang mga karapatang pantao.

11
Mayroong espesyal na pagtutok at pagtatanggol sa mga indibiduwal na
vulnerable, mga mas madalas maging biktima ng pang-aabuso (disadvantaged),
at mga taong nasa laylayan ng lipunan (marginalized). Kabilang dito ang mga
kabataan, kababaihan, mga katutubo, mga manggagawa, mahihirap, mga may
kapansanan, matatanda, mga nakapiit sa kulungan, mga taong naipit sa
armadong labanan, mga indibiduwal na may iba’t ibang oryentasyong sekswal at
ekspresyong pangkasarian, at iba pa.

2. Duty Bearers. Ito ang mga taong may responsibilidad at pananagutang


ipagtanggol, isulong at isakatuparan ang karapatang pantao ng mga
mamamayan.

• Obligasyon ng Estado na I-RESPETO ang karapatang pantao. Ibig


sabihin, hindi nito hahadlangan ang pagtamasa ng mga mamamayan
sa kanilang mga karapatan. Dapat din itong umaksyon sa mga
panahong di kayang tuparin ng mga mamamayan ang kanilang mga
karapatan. Halimbawa ng paghadlang sa karapatang pantao ay
paglimita sa access sa pagkain, tubig, tirahan, edukasyon, serbisyong
pangkalusugan at censorship.

• Obligasyon ng Estado na PROTEKSIYUNAN ang mga mamamayan mula


sa pang-aabuso sa karapatang pantao. Dapat tulungan ng Estado ang
mga tao sa anumang posibleng paglabag at/o pag-abuso sa kanilang
mga karapatan. Kabilang dito ang paggawa ng mga batas na mag-
criminalize sa mga paglabag at pag-abuso sa karapatang pantao at
magtitiyak ng proteksiyon ng kanilang mga karapatan.
Nangangahulugan din na dapat wasto ang pagpapatupad ng mga batas
na ito.

• Obligasyon ng Estado na TUPARIN ang karapatang pantao ng mga


mamamayan. Nangangahulugan ito na aktibong magsisikap ang
pamahalaan tungo sa katuparan ng karapatan ng lahat. Dapat gumawa
ang Estado ng mga positibong aksyon at hakbang tungo sa pagtatamasa
ng mga mamamayan ng kanilang mga pangunahing karapatan.
Kabilang sa obligasyong ito ang libreng pampublikong edukasyon,
feeding programs, medicine drives at marami pang iba.

Lahat ng tao ay may mga karapatang pantao na may garantiya sa batas. Ito
ay pagkilala na bilang tao, lahat ay may halaga at dignidad. Sa Pilipinas, ang
Commission on Human Rights (CHR) ang may pangunahing tungkulin na
pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan. Nilikha ito ng
Saligang Batas ng 1987 alinsunod sa Seksyon 17 (1) ng Artikulo XIII. Ang CHR
ay itinatag bilang tugon sa laganap na pang-aabuso sa karapatang pantao noong
panahon ng Martial Law.

12
Bilang National Human Rights Institution (NHRI), ito ay may tungkulin na
tiyakin na itinataguyod at hindi nilalabag ng pamahalaan ang karapatan ng
bawat indibiduwal. Batay sa Saligang Batas, ang CHR ay may mandato na
imbestigahan lahat ng kaso o uri ng human right violations. Kaakibat sa tungkulin
nito ay ang layuning palakasin ang kapasidad ng lahat ng nanunungkulan sa
pamahalaan at pribadong sektor upang mas magampanan ng Estado ang
obligasyon nitong igalang, isakatuparan, at proteksiyunan ang karapatan ng
lahat.

Kanino ka magrereklamo kapag may mga paglabag sa iyong mga karapatan?

• Kapag bahagi ng gobyerno (pulis,


militar, korte, at iba pa) ang nag-
abuso ng tao, ito ay isang
human rights violation.
Maari itong i-report sa
CHR.
• Kapag sibilyan o pribadong
tao ang nang-rape,
pumatay at iba pa, ito ay
krimen. Sa pulis ka dapat
pumunta.
• Kapag ang biktima ay
kabilang sa marginalized,
disadvantaged o vulnerable sector,
ito ay isang krimen at human rights
violation. Sa pulis ka pumunta at sa CHR
ka dapat mag-report.

Ang mga Karapatang Pantao at ang Pagkamamamayan

Hindi sapat na batid mo lamang ang iyong mga karapatan. Hindi dapat ito
nagwawakas o tumitigil sa ating pagtukoy lamang sa mga ito. Tungkulin at
responsibilidad natin bilang mga mamamayang Pilipino na isulong at
pangalagaan ang mga karapatang pantao. Ang ating pag-alam, pag-aangkin, at
pagtatanggol sa mga karapatang ito ang mga tunay na manipestasyon ng isang
aktibong mamamayan ng Pilipinas. Gamitin ang mga karapatang ito nang may
pananagutan upang aktibo tayong makiisa at makialam sa mga isyu at hamong
panlipunan na ating kinakaharap.

13
Pagyamanin

A. Kahon-Lugan
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Sa iyong papel, buoin ang
hinihinging salita ng kahon gamit ang pakahulugan sa bawat bilang.
1. Ako ang mga karapatan na kinakailangan mo para sa iyong buhay bilang tao.

2. Ako ang pangkalahatang pamantayan ng karapatang pantao para sa lahat ng


bansa mula pa man noong 1948.

3. Ako ang talaan ng pinagsama-samang karapatan ng bawat tao na inisa-isa ng


Estado sa Artikulo III ng Saligang-Batas ng 1987.

4. Ako ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang


pantao ng mga Pilipino.

5. Ako ang mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado.

B. Modified Tama o Mali


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Isulat ang
salitang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng mga pangungusap, at kung hindi
isulat ang salita o kataga na maaaring magwasto rito. Isulat ang sagot sa papel.
______1. Karapatan ng bawat tao na mabuhay nang may dignidad.
______2. Ang pagkakaroon ng mga karapatang pantao ay kinakailangan pang
kilalanin ng pamahalaan sa Estado.
______3. Lahat ng karapatang pantao ay pantay-pantay na pagmamay-ari ng
bawat tao anuman ang kanyang kasarian, sexual orientation, gender
identity, edad, katayuang pinansyal, etnisidad, relihiyon, atbp.
______4. Pare-pareho at pantay-pantay ang karapatan ng bawat tao.
______5. Ang mga karapatang pantao ay maaaring mawala lalo na at gumawa
ng isang karumal-dumal na krimen ang isang tao.

14
C. Mapa ng Karapatan

Panuto: Batay sa mga konseptong iyong pinag-aralan ukol sa Pandaigdigang


Deklarasyon ng Karapatang Pantao, ibigay ang mga hinihinging impormasyon ng
graphic organizer sa ibaba. Magbigay ng hindi bababa sa limang kasagutan bawat
hanay. Isulat ang sagot sa papel.

Karapatang
Karapatang Sibil Karapatang Politikal Ekonomiko, Sosyal at
Kultural

• ____________ • ____________ • ____________


• ____________ • ____________ • ____________
• ____________ • ____________ • ____________
• ____________ • ____________ • ____________
• ____________ • ____________ • ____________

D. Fill Me Up
Panuto: Gamit ang mga tala ukol sa UDHR at Katipunan ng mga Karapatan sa
Saligang Batas ng 1987, punan ang mga impormasyong kinakailangan ng
talahanayan sa ibaba. Sa papel, isulat sa unang hanay ang mga karapatang tanging
sa Saligang Batas ng 1987 lamang makikita. Sa ikalawanag hanay, isulat ang mga
karapatang tanging sa UDHR matatagpuan. Sa ikatlong hanay, ilahad ang mga
karapatang parehong matatagpuan sa parehong dokumento. Panghuli, ilahad sa
ikaapat na hanay ang mga karapatang sa tingin mo ay nararapat na ingatan na hindi
matatagpuan sa parehong talaan.

Katipunan ng mga Pandaigdigang Parehong Wala sa


Karapatan, Saligang Deklarasyon ng Dokumento Parehong
Batas ng 1987 Karapatang Pantao Dokumento

15
E. Apply Your Rights!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pangungusap. Pagkatapos
ay tukuyin kung anong karapatan ang nalabag sa mga sitwasyon. Isulat at
ipaliwanag ang iyong sagot sa isang papel.

1. Ayaw kang pag-aralin ng iyong ina dahil walang mag-aalaga sa iyong bunsong
kapatid.

2. Pinadalhan ka ng sulat ng pinsan mo. Bukas na nang ibinigay sa iyo.

3. Maaaring magtayo ng tirahan sa alinmang bakanteng lupa o sa pook na


maibigan ng tao.

4. Hinuhuli at pinarurusahan ang mga taong nagsasalita laban sa pamahalaan.

5. Napagbintangan si Mang Ludring na nagnakaw ng kalabaw. Kaagad siyang


hinuli at ikinulong.

F. The Clash!
Panuto: Punan at suriing mabuti ang hinihingi ng graphic organizer sa ibaba.
Isulat ang sagot sa papel.

__________ __________

__________ __________

Human rights
__________ __________
obligations

Obligasyon ng mga Duty Pananagutan ng mga Rights


Bearers Holders

16
Isaisip

Kumpletuhin ang talata ng mga angkop na salita. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mayroon tayong karapatan dahil tayo ay tao. Hindi na kinakailangan pang


kilalanin ng Estado ang mga (1) _______________ sapagkat likas na itong bahagi ng
tao. Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao at ang Katipunan ng
mga Karapatan, Saligang-Batas ng 1987 ang mga legal na (2) _______________ na
nagpapatibay rito. Pananagutan natin bilang mga Pilipino ang (3) _______________ at
(4) _______________ rito upang makapamuhay tayo sa isang maunlad at mapayapang
bansa. Bilang mga aktibong kabataan, inaasahang gagamitin mo ang mga
karapatang ito nang may pananagutan upang aktibo kang makiisa at makialam sa
mga kinakaharap nating mga isyu at (5) _______________ .

Isagawa

Tula Marathon!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng tula. Pagkatapos ay
sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.

NANLABAN
Ni Margarett Manalastas

Lumaban ka ulit sa susunod.


Lumaban ka nang paulit-ulit.
Lumaban ka.
Manlaban ka,
Pagkat hindi masama ang umalma sa karahasan; sa kalabisan.

‘Di ba’t mas magandang ikuwento


ang isang engkuwentrong ikaw ang nanalo?

Kaya’t manlaban ka para sa buhay mo,


pagkat karapat-dapat kang mabuhay
dito sa mundong binibiktima ang mga walang malay,
pilit pinatatahimik ang mga sumisigaw.

17
Kailangan ng bansa ang iyong mga kagaya
Dahil nararapat na tayong lumaya mula sa mararaya.

Kaya’t sumigaw ka.


Lumaban ka.
Tumakbo ka nang mabilis.
Manlaban ka.
Huwag kang pahuhuli.
Manlaban ka sa mga mapang-abuso,
dahil dapat.

Lumaban ka ulit sa susunod.


Duguan ka man ngayon, sawi,
Hindi krimeng maituturing ang paglaban para sa pantay na karapatan.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mensaheng nais iparating ng tula?

2. Ano-anong mga karapatan ang nalabag sa tula? Ipaliwanag.

3. Kung ikaw ang nasa katayuan ng nagsasalita sa tula, gagawin mo rin ba


ang kanyang ginawa? Bakit? Bakit hindi?

4. Bilang isang kabataan, paano mo maisusulong at mapangangalagaan ang


pagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan?

Kulungang Walang Katarungan


Ni Margarett Manalastas

Sampung taon.
Sampung taon nang nakapiit
sa seldang napakaliit
na walang maski manipis na sinag ng pag-asa
ang makapuslit.
Isang dekada nang nagdurusa
ngunit ano ang dapat pagdusahan?

Bilanggo ng pagkakataon,
ako ang tunay na nawalan
ng karapatan
sa bintang na pawang kasinungalingan;
mga paratang na gawa-gawa lamang.
Hindi ako ang nagnakaw.
Ako ang ninakawan.

18
Sampung taon na akong naririto,
mapait ang nakaraan,
blangko ang kasalukuyan
‘di sigurado kung may bukas pang madaratnan
sa labas,
‘di alam kung muli pang makaaalpas mula sa rehas
ngunit narito man ang katawan
malaya pa rin ang konsiyensiya.
Malaya ka man,
konsiyensiya mo’y bilanggo rin sa mas madilim na selda.

Kalayaan kong sampung taon nang ninakaw


sana’y maibalik pa.
Araw-araw akong naghihintay
subalit araw-araw ring bigo sa paghihintay.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman matapos mabasa ang mga hinaing ng tauhan
sa tula?
2. Makatarungan ba ang kanyang pagkakapiit sa loob ng isang dekada?
Bakit? Bakit hindi?
3. Kung ikaw ang nasa kanyang katayuan, ano ang iyong mararamdaman?
Ano ang iyong gagawin?
4. Bilang isang Pilipino, paano ka makatutulong sa pag-iingat at pagtatanggol
sa mga karapatang pantao? Pagtibayin.

Tayahin

Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa mga tanong. Isulat sa papel ang letra ng iyong
sagot sa bawat bilang.
1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga karapatan?
A. Kakambal ito ng ating mga tungkulin.
B. Proteksiyon natin ito laban sa pang-aabuso.
C. Kailangan nating tuparin ang Saligang Batas.
D. Sinisiguro nitong makapamumuhay tayo nang maayos at maligaya.

2. Ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang ay kilala


bilang:
A. karapatang sibil.
B. karapatang pantao.
C. karapatang politikal.
D. karapatang sosyo-ekonomik.

19
3. Pinagtibay ang dokumentong ito noong 1948 upang kilalanin ng mga
pamahalaan ang kanilang obligasyon na siguraduhing lahat ng mga tao:
mayaman at mahirap, lalaki o babae, at mula sa anumang lahi at relihiyon,
ay tatratuhin nang pantay.
A. Optional Protocols
B. International Bill of Rights
C. Universal Declaration of Human Rights
D. Bill of Rights, 1987 Philippine Constitution

4. Mahalaga ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao sapagkat:


A. iniiwasan nito ang diskriminasyon.
B. itinataguyod nito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.
C. pinangangalagaan nito ang maliliit na bansang tulad ng Pilipinas.
D. sinisiguro nitong walang nagaganap na paglabag sa karapatang
pantao.

5. Ang Universal Declaration of Human Rights ay binubuo ng __ karapatang


pantao.
A. 20 C. 40
B. 30 D. 50

6. Nakaranas ng torture si Alex dahil isa siya sa mga suspek sa pambobomba sa


kanilang lalawigan. Bukod pa rito, dumanas siya ng ‘di makataong mga
kaparusahan. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?
A. karapatan sa buhay
B. kalayaan mula sa pagpapahirap
C. kalayaan mula sa di makatuwirang pagdakip
D. karapatan sa isang makatarungan at hayag na paglilitis

7. Dahil sa kalagayang pinansiyal, ayaw nang pag-aralin si Irish ng kanyang mga


magulang. Bukod pa rito, siya ang inaasahan ng kanyang ina na mag-aalaga
sa nakababatang kapatid habang ito ay tumutulong sa kanyang asawa sa
paghahanap-buhay. Anong karapatang pantao ang nalabag sa kanya?
A. karapatan sa edukasyon
B. kalayaan mula sa pang-aalipin
C. kalayaan mula sa diskriminasyon
D. karapatan sa pamamahinga at paglilibang

8. Saang probisyon ng Saligang-Batas ng 1987 nakasulat ang Katipunan ng mga


Karapatan (Bill of Rights)?
A. Artikulo II
B. Artikulo III
C. Artikulo IV
D. Artikulo V

20
9. Ang sumusunod ay mga uri ng karapatan sa Pilipinas maliban sa:
A. natural rights.
B. political rights.
C. statutory rights.
D. constitutional rights.

10. Ang sumusunod ay halimbawa ng constitutional rights maliban sa:


A. kalayaan sa relihiyon.
B. karapatan sa minimum wage.
C. karapatan sa wastong kabayaran.
D. malayang pagdulog sa mga hukuman.

11. Bakit mahalaga ang mga karapatang nakasaad sa Bill of Rights sa Saligang-
Batas ng 1987?
A. Ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.
B. Nakasaad dito ang karamihan sa ating mga karapatan.
C. Ang lalabag sa mga nakasaad dito ay mapaparusahan ayon sa batas.
D. Nakasaad dito ang mga karapatan natin bilang malayang mamamayan
ng isang demokratikong Estado.

12. Ang mga akusado o nasasakdal sa isang kaso ay may mga karapatan pa rin
dahil:
A. ito ay nakatadhana sa Saligang Batas.
B. ito ay ipinagkaloob sa kanila ng pamahalaan.
C. sila ay mga malayang mamamayan katulad ng bawat isa.
D. sila ay itinuturing na inosente hanggang hindi napapatunayang
nagkasala.

13. Ang ahensiya ng pamahalaan na pangunahing nangangalaga sa mga


karapatang pantao ng mga mamamayan sa Pilipinas ay ang:
A. Supreme Court.
B. Department of Justice.
C. Philippine National Police.
D. Commission on Human Rights.

14. Alin sa sumusunod ang hindi responsibilidad at pananagutan ng Estado at


mga taong nanumpa sa tungkulin bilang mga duty bearers ng karapatang
pantao ng mga mamamayan?
A. Tuparin ang mga ito.
B. I-respeto ang mga ito.
C. Angkinin ang mga ito.
D. Proteksiyonan ang mga ito.

15. Kanino ka dapat magrereklamo kapag bahagi ng gobyerno ang mismong


nang-abuso sa mga karapatan mo?
A. CHR C. militar
B. korte D. pulis

21
Karagdagang Gawain

Bakit Nga Ba?


Panuto: Pumili ng dalawa hanggang tatlong napapanahong isyu at hamong
panlipunan na may kaugnayan sa mga karapatang pantao. Gamit ang pagtatanong
ng limang (5) bakit, suriin ang pinakaugat na dahilan ng nasabing isyung
panlipunan. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba.
Halimbawa:
1. Bakit nagpoprotesta ang taumbayan tungkol sa Anti-Terrorism Law?
Kasi ayaw nila sa bill.
2. Bakit ayaw nila sa bill?
Kasi baka mapagkamalan silang terorista.

22
23
C. MIND MAP (posibleng sagot) TAYAHIN SUBUKIN
Karapatang Sibil 1. B 1. B
• malaya at pantay-pantay (free and equal) 2. B 2. B
3. C 3. C
• kalayaan mula sa diskriminasyon (freedom from
4. B 4. B
discrimination) 5. C 5. C
• karapatan sa buhay (right to life) 6. B 6. B
• kalayaan mula sa pang-aalipin (freedom from slavery) 7. A 7. A
• kalayaan mula sa pagpapahirap (freedom from torture) 8. C 8. C
• karapatang kilalanin sa harap ng batas (right to 9. B 9. B
recognition before the law) 10. B 10. B
• karapatan sa pagkakapantay-pantay sa harap ng 11. D 11. D
batas (right to equality before the law) 12. D 12. D
13. D 13. D
• karapatan sa mabisang lunas ng karampatang mga
14. C 14. A
hukumang pambansa (access to justice) 15. A 15. A
• kalayaan mula sa di-makatwirang pagdakip (freedom
from arbitrary detention)
• karapatan sa isang makatarungan at hayag na
paglilitis (right to a fair trial)
• karapatang ituring na walang-sala hanggang di
napatutunayang nagkasala alinsunod sa batas
(presumption of innocence)
• karapatan sa di-makatwirang panghihimasok (right to
privacy)
• kalayaan sa pagkilos at paninirahan (freedom of
movement)
• karapatang mag-asawa at magpamilya (right to
A. KAHON-LUGAN
marriage and to found a family)
• karapatang amg-angkin ng ari-arian (right to own
1. karapatang
property)
pantao
• hindi maiaalis ang mga karapatang inilahad sa
2. UDHR
pahayag na ito (rights are inalienable)
3. katipunan ng mga
Karapatang Politikal
karapatan
• karapatang humanap at magtamasa sa ibang bansa ng
4. CHR
pagpapakupkop laban sa pag-uusig (right to asylum)
5. natural
• karapatan sa isang pagkamamamayan (right to
B. MODIFIED TAMA O
nationality)
MALI
• kalayaan ng pag-iisip, budhi at relihiyon (freedom of
religion or belief)
1. TAMA
• kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag (freedom of 2. Kinakailangan
expression) pang kilalanin-
• kalayaan sa mapayapang pagpupulong at hindi na
pagsasamahan (freedom of assembly) kinakailangan
• karapatang makilahok sa pamahalaan (right to partake pang kilalanin
in public affairs) 3. TAMA
Karapatang Ekonomiko, Sosyal at Kultural 4. TAMA
• karapatan sa kapanatagang panlipunan (right to social 5. maaaring mawala
security) lalo na at-hindi
• karapatan sa paggawa (right to work) maaaring mawala
Susi sa Pagwawasto
24
ISAISIP F. SUM IT UP! (in any order) E. GUSTO KO HAPPY
• paggalang sa katarungan, KA!
1. karapatang pantao demokrasya, at pananaig ng 1. right to education
2. dokumento batas (rule of law) rRight to privacy, privacy
3. pangangalaga • pagiging bukas of communication
4. pagsusulong 2. right to own property; right
• pagpapaubaya
to life, liberty, and property
5. hamong panlipunan • lakas ng loob na ipagtanggol 3. freedom of expression
ang isang pananaw 4. fresumption of innocence
• may pagnanais na makinig,
makipagtulungan at
manindigan para sa iba
D. FILL ME UP http://www.galangphilippines.org/media/Yogyakarta-Filipino.pdf
Wala sa
Katipunan ng mga Karapatan, Pandaigdigang Deklarasyon ng
Kontemporaryong Isyu, Module para sa mga Mag-aaral Baitang 10 Parehong Dokumento parehong
Saligang Batas ng 1987 Karapatang Pantao
dokumento
• karapatan laban sa hindi • kalayaan mula sa diskriminasyon • malaya at pantay-pantay (depende sa
makatwirang paghahalughog at (freedom from discrimination); (free and equal); sagot ng mga
mag-aaral)
Sanggunian
pagsasamsam (right against • kalayaan mula sa pang-aalipin • karapatan sa buhay (right
unreasonable searches and seizures); (freedom from slavery); to life);
• karapatan hinggil sa mga bagay- • karapatang kilalanin sa harap ng • karapatang amg-angkin
bagay na may kinalaman sa tanan batas (right to recognition before the law); ng ari-arian (right to own
(right to information); • karapatan sa pagkakapantay-pantay property)
• karapatan na magtatag ng mga sa harap ng batas (right to equality • karapatan sa di-
before the law); makatwirang
asosasyon, unyon o mga
• kalayaan mula sa di-makatwirang panghihimasok (right to
kapisanan (right to form privacy);
pagdakip (freedom from arbitrary
associations);
detention); • kalayaan ng pagkukuro
• karapatan sa wastong kabayaran • karapatang humanap at magtamasa at pagpapahayag (freedom
(right to just compensation); sa ibang bansa ng pagpapakupkop of expression);
• hindi pagpapatibay ng batas na laban sa pag-uusig (right to asylum); • kalayaan sa mapayapang
sisira sa pananagutan ng kontrata • karapatan sa isang pagkamamamayan pagpupulong at
(non-impairment clause); (right to nationality); pagsasamahan (freedom of
• karapatan sa pyansa at malabis • karapatang mag-asawa at assembly);
na pyansa (right to bail and against magpamilya (right to marriage and to • kalayaan ng pag-iisip,
excessive bail); found a family); budhi at relihiyon
• karapatang makilahok sa pamahalaan (freedom of religion or
• mga karapatan ng nasasakdal
(right to partake in public affairs); belief);
(rights of the accused);
• karapatan sa kapanatagang • kalayaan sa pagkilos at
• pribilehiyo ng writ of the habeas paninirahan (freedom of
panlipunan (right to social security);
corpus; movement);
• karapatan sa paggawa (right to work);
• karapatang hindi tumestigo • karapatan sa mabisang
• karapatan sa pamamahinga at
laban sa kanyang sarili (right lunas ng karampatang
paglilibang (right to leisure and rest);
against self-incrimination) mga hukumang
• karapatan sa isang pamantayan ng
• karapatan sa paniniwala at pambansa (access to
pamumuhay na sapat (right to adequate
hangaring pampulitika (right to justice)
standard of living);
political beliefs and aspirations); • karapatang ituring na
• karapatan sa edukasyon (right to
• di-pagkakabilanggo nang dahil sa walang-sala hanggang di
education);
napatutunayang
pagkakautang (non-imprisonment • karapatang makilahok nang malaya nagkasala alinsunod sa
for debts); sa buhay pangkalinangan, sining at batas (presumption of
• karapatan nlaban sa makalawang siyensiya (right to cultural, artistic and innocence);
masapanganib ng kaparusahan sa scientific life);
• karapatan sa isang
iisang paglabag (right against • karapatan sa kaayusang panlipunan makatarungan at hayag
double jeopardy); at at pandaigdig (right to a free and fair na paglilitis (right to a fair
world); trial);
• di pagpapatibay ng batas ex post
facto o bill of attainder. • tungkulin sa pamayanan (duty to your • kalayaan mula sa
community); at pagpapahirap (freedom
• hindi maiaalis ang mga karapatang from torture);
inilahad sa pahayag na ito (rights are
inalienable).
Sanggunian
“Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987”, Official Gazette, accessed
July 17, 2020, https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-
konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-1987/
Commission on Human Rights, Facebook, accessed July 17, 2020, https://
https://www.facebook.com/chrgovph
Commission on Human Rights, Panata sa Karapatang Pantao,
http://chr.gov.ph/wp-content/uploads/2018/11/Annex-2-PANATA-
SA-KARAPATANG-PANTAO_2018Nov6-OCH.docx
Department of Education, Araling Panlipunan Grade 10 LM, 373-380,
https://aralingpanlipunan9santolanhs.wordpress.com/curriculum/gr
ade-10/
Department of Education Bureau of Elementary Education, Karapatan Mo,
Alamin at Ipaglaban Mo! (MISOSA Distance Education for Elementary
Schools Self Instructional Materials,2010)1-15
Habi Education Lab, Design thinking for teaching citizenship, Facebook, June
12, 2020,
https://www.facebook.com/1497108803834566/posts/26525182616
26942/
“Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao”, Office of the Special
Representative of the Secretary-General for Children and Armed
Conflict, accessed July 16, 2020,
https://childrenandarmedconflict.un.org/keydocuments/filipino/univ
ersaldeclara1.html

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III - Learning Resources Management


Section (DepEd Region III - LRMS)

Office Address: Matalino St., D.M. Government Center


Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598 – 8580 to 89
Email Address: region3@deped.gov.ph

You might also like